This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    BISErbisyong LENI – Episode 11

    23 July 2017

    [GAP 1]

    ELY: Magandang umaga, Pilipinas– Luzon, Visayas, at Mindanao! At siyempre ngayon po ay araw ng Linggo, July 23, 2017. Mga kasama, isa na namang edisyon ng Biserbisyong Leni dito po sa RMN!

    Tayo po ay napapakinggan dito sa DZXL Manila-558, at ganoon din po sa RMN Naga, RMN Cebu, RMN Zamboanga, at RMN Davao.

    Mga kasama, ako pa rin po si Ely Saludar. At siyempre, kasama po natin sa ating studio ang bise presidente po ng Republika ng Pilipinas, Vice President Leni Robredo. Ma’am, good morning po!

    VP LENI: Good morning Ka Ely. Good morning sa lahat ng nakikinig sa atin ngayong umaga. Sa mga tagapakinig po ng RMN-Naga, marhay na aga sa indo gabos. Sa mga tagapakinig po ng RMN-Cebu at Davao, maayong buntag sa inyong tanan.

    ELY: Maayong buntag po sa ating mga kababayan sa Kabisayaan at siyempre maging sa Mindanao. Mga kasama, mamaya po ay pag-uusapan din, dahil extended na po at siyempre aprubado po ng dalawang kapulungan ng Kongreso itong pagpapatupad ng batas militar diyan po sa Mindanao.Pero siyempre, tulad po ng ating nakagawian dito po sa BISErbisyong LENI, Ma’am, ano po iyong mga naging aktibidad natin ngayong linggo? VP LENI: Nagkaroon tayo, Ka Ely, ng Metro Laylayan visit. Ginagawa natin ito once or twice a month. Una na nating ginawa ito sa Dagat-dagatan sa Caloocan, galing na din tayo sa Pateros. Noong Miyerkules, nandoon kami sa Barangay Catmon sa Malabon. Mayroon kaming binisitang isang pamilya. Isang pamilyang ano din, Istorya ng Pag-asa. Kasi iyong nanay ng binisita namin, nagtitinda siya ng isda, pero napaaral niya iyong pito niyang anak. Mayroon siyang teacher, mayroon siyang dalawang anak na CPA, iyong iba college graduates.

    Hindi umasenso iyong bahay. Masama pa din iyong bahay nila at nangangarap pa rin na magkaroon ng sariling bahay at tirahan, pero maayos na iyong kalagayan ng kanilang mga anak. Binisita namin iyon.

    Pagkatapos noon, nagkaroon ng free medical—partner natin dito iyong City Government of Malabon—medical-dental. Tapos mayroong jobs fair. Iyong jobs fair, Ka Ely, iyong mga kumpanyang nakabase sa Malabon, partners natin dito.

    Maayos iyong jobs fair. Ang balita sa atin bago mag-umpisa, 3,000 na trabaho iyong bukas. Hindi pa tayo nabibigyan ng update kung doon sa 3,000, ilan iyong na-fill up-an noong nagpunta tayo.

    Kasama din natin iyong Physicians for Peace. Namigay tayo ng mga wheelchairs kasi marami din iyong mga PWDs saka mga special children na nandoon.

    Tapos hindi ko alam, Ka Ely, kung anong mayroon sa linggong ito, pero sunud-sunod iyong aking speaking engagements sa mga paaralan. Noong Huwebes nandoon ako sa St. Paul College-Pasig. Inimbitahan ako sa isang pagtitipon ng student leaders nila para magsalita tungkol sa leadership. Sunod na araw lumipat naman ako. Ito hindi mga estudyante, pero alumni ng St. Jude. Leadership din iyong pinag-usapan. Tapos kahapon nasa Miriam College ako. Nasa Miriam College ako. Mayroon silang programang “Project AGELESS,” iyong pangangalaga sa kapakanan ng mga kababaihan na mag-uumpisa sa mga young girls.

    Kaya sabi ko, ano kayang nangyari ngayong linggo at sunud-sunod iyong mga imbitasyon ng mga paaralan?

    Pero masaya. Masaya, Ka Ely, kasi nagpapakita na iyong mga paaralan natin, talagang iyong sense of community nandoon. Pagtulong hindi lang sa sarili nila, pero sa community talaga.

    ELY: Importante po talaga iyan dahil iyan ay ating mga estudyante, iyan ay ating mga millennials. Maganda ay nailalapit po natin iyong gobyerno, at nabibigyan po sila ng dagdag na kaalaman o awareness sa mga kaganapan sa politika o sa gobyerno…

    VP LENI: Pero magugulat ka, Ka Ely. Ito, batang bata pa iyong mga kausap mo, pero parang alam na iyong nangyayari sa kapaligiran. Noong pagpunta ko sa St. Paul, maraming nagtatanong on the side, kumusta iyong ganito, ano’ng masasabi ko sa ganito? Sabi ko nakakagulat yata. Nakakagulat na akala natin walang pakialam, pero alam na alam kung ano iyong nangyayari.

    Kaya maganda rin iyon. Maganda iyon, sabi mo nga, na nagkakaroon ng engagement iyong gobyerno sa ating mga paaralan.

    ELY: So iyon ho, mga kasama, napakaimportante po iyan. Pero ako, Ma’am, interesado ako, iyong pito ang anak na fish vendor. Siguro sa susunod nating palatuntunan, maimbitahan po natin, kasi bihira ho iyong ganiyan. Iyong iba nga, isa o dalawang anak lang…

    VP LENI: Grabe iyong kaniyang kuwento kasi nakakapaninda siya ng isda nang walang kapital. Iyong kapital niya inuutang niya sa tricycle driver na sinasakyan niya. Nababayaran lang niya pagkatapos niyang magtinda. Sabi ko, “Buti pinagtitiwalaan ka noong tricycle driver.”

    Pero ano ito, mayroon din siyang mga anak na tinatamad mag-aral. Kapag ayaw nilang pumasok, siya iyong pumapasok. Ito nababalanse niya ‘to sa pagtitinda ng isda at pangangalaga sa kaniyang mga anak.

    ELY: Okay. Bukas po ang second SONA, o State of the Nation Address, ng ating Pangulo. At ito’y tumatakbo na po sa ikalawang taon ng kaniyang panunungkulan. At kasabay ho niyan ay ang ating Bise Presidente, na ngayon ho ay nasa pangalawang taon na ng kaniyang panunungkulan. At siyempre, sa nakaraan, sa loob ng isang taon, kung nasubaybayan ninyo iyong ginawang serbisyo ng ating Bise Presidente, siguro magandang pahapyaw na linawin natin, at itanong natin sa ating Bise Presidente kung ano ho ba iyong mga gusto niyo pang gawin ngayong ang pangalawang taon ay nagsisimula na po, Madam Vice President?

    VP LENI: Napakarami pa, Ka Ely. Napakarami pa kasi lalo kang bumababa, lalo kang nakikipag-usap, lalo mo ding nararamdaman na matindi iyong pangangailangan.

    Noong nakaraang taon, Ka Ely, ni-launch natin iyong ating flagship program ng Office of the Vice President, iyong Angat Buhay. Iyong Angat Buhay, dahil wala namang pondo ang Office of the Vice President para mag-implement ng ganitong programa, parang nabubuhay kami sa partnerships with the private sector.

    Iyong pinakaunang plano namin, Ka Ely, noong ni-launch namin ito noong October 2016, magkaroon lang muna kami ng parang 50 na adopted na municipalities na pinakamahihirap. Sabi namin iyon lang iyong kaya namin, 50 lang muna para matutukan. Pero ngayon, wala pang isang taon, 130 plus na kami, Ka Ely.

    ELY: Saan po iyan karamihan, Mindanao o Visayas?

    VP LENI: Maraming Mindanao. Pinakamarami yata iyong Mindanao, pero marami rin iyong Luzon at Visayas. Iyong pinaka-criteria para piliin, dapat talaga mahirap. Mahirap iyong lugar. Pero mahalaga din na maayos iyong pamumuno ng officials.

    Kasi talagang ginawa natin itong requirement kasi hindi ito pondo ng gobyerno. Iyong pondo galing sa mga private corporations. Parang nakakahiya, Ka Ely, kung hindi na-manage na maayos.

    Kaya tinitingnan namin kung iyong mayor ba o ibang local government officials, maayos ba iyong pamamalakad? Puwede bang pagkatiwalaan ng pondo? Para hindi naman masayang… Kasi kapag may isa lang na masayang, baka umayaw iyong partner namin, na parang nasayang iyong aming resources.

    Kaya masaya. As of now, iyong na-assist na natin, 36,046 na mga individuals, 22,275 families. Ang nabigay na’ng tulong sa mga partners natin naghahalaga na ng 52 million. Ito kulang na kulang pa, Ka Ely, dahil marami pa tayong nakikitang mga pangangailangan.

    ‘Pag tuwing sakuna, isa din iyong opisina natin sa mga pinakaunang responders na dumarating sa lugar. Nakapag-respond na tayo sa mga biktima ng Typhoon Lawin at Typhoon Nina. Nakapag-respond na rin tayo sa mga biktima ng lindol sa Surigao at Batangas. At two weeks from now, papunta din kami ng Kananga, Leyte para tumulong din doon.

    At in the past two months, medyo naging busy din iyong opisina namin, pabalik-balik sa Marawi. Tinutulungan iyong mga evacuees, iyong mga munisipyong nakapaligid sa Marawi. At iyon, dahil patuloy pa rin iyong labanan, patuloy pa rin iyong ating assistance, kasi iyong pangangailangan pa rin ay matindi.

    Kaya ang sabi ko, kahit marami nang narating, marami pa ring kailangang marating.

    Saka iyong isa pang programa na ni-launch natin, Ka Ely, maliban sa Angat Buhay—although under Angat Buhay din ito—iyong Istorya ng Pag-asa, na fini-feature nga natin dito isang kuwento bawat linggo.

    Itong Istorya ng Pag-asa, gusto nating parang i-highlight iyong kuwento ng mga ordinaryong tao na gumawa ng mga extraordinary na mga bagay. Tingin natin, Ka Ely, maganda ito para makapagbigay ng inspirasyon, at marami na kasing awayan ngayon, eh. Kapag pumasok ka sa social media, maraming nag-aaway. Sabi namin, para mapalitan naman iyong conversation—instead na awayan, iyong magagandang istorya naman na may kirot sa ating puso.

    Kaya ito, marami-rami na din iyong na-launch na Istorya ng Pag-asa sa iba’t ibang mga probinsya. Nakapag-launch na tayo sa Baguio, dito sa Quezon City, sa Cebu. Iyong sa Cebu, provincial launch saka city launch. Iyong Lanao del Sur, nakapag-launch na tayo doon. Negros Occidental. Marami pang ibang lugar. Sa Naga, nakapag-launch na tayo.

    At hopefully, marami pang ibang mga lugar na puwede nating… makahanap tayo ng local partners.

    This August, maglo-launch tayo sa Palawan. Kaya medyo excited tayo doon.

    ELY: At iyon ho. Sa kabila ng binabanggit natin na limitado po ang pondo ng ating pamahalaan, partikular dito sa Office of the Vice President… So kagandahan po diyan, mayroon po talagang pribadong sektor na mabuti ang puso at tumutulong sa ating mga kababayan.

    VP LENI: Magugulat ka, Ka Ely. Napakadami pala. ‘Di mo kailangang humingi. Kailangan mo lang na yayain sila para makita iyong lugar, at yayain sila makita iyong pangangailangan. Kasi sila mismo iyong nagsasabing gusto nilang tumulong.

    Napakarami nating mga kababayan na wala naman sa pamahalaan, pero gustung-gusto talagang makatulong. Kaya ang ginagawa namin, Ka Ely, kapag bumibisita kami sa isang lugar—whether dito sa Metro Manila o sa probinsya—nagsasama kami ng mga kumpanya, mga private na mga organisasyon, para makita nila iyong sitwasyon sa lugar. Kapag umaalis kami, sila na mismo iyong nagsasabi: “Gusto naming magpatayo ng paaralan dito;” “Gusto naming tumulong sa feeding program dito;” “Gusto naming magtayo ng library dito.” Kaya malaking bagay talaga. ELY: Okay, so sa ating mga kababayang nakikinig sa Naga, RMN-Cebu, RMN-Cagayan de Oro, at RMN-Davao…

    Iyong mga kababayan natin na mayroong mga kamag-anak na OFW, o iyong mga nakaalis na o nandiyan pa ho at muling aalis, makinig po kayo at mayroong palatuntunan ang ating pamahalaan, sa pangunguna po ng Department of Labor and Employment… Ito po ay may kinalaman sa tinatawag na iDOLE. Importante po ito na inyong malaman. At dito po sa BISErbisyong LENI, kami po ay tumutulong para makapagbigay ng dagdag-kaalaman sa ating mga kababayan, at ma-avail po nila iyong mga proyekto, programa ng ating pamahalaan.

    [GAP 2]

    ELY: Nandito na ang ating panauhin, at mula po sa Department of Labor and Employment, o DOLE. Ma’am, ikaw na po ang magpakilala.

    VP LENI: Alam mo, ka Ely, kaya inimbitahan natin iyong DOLE ngayong umaga kasi nandoon po ako sa Hong Kong noong nakaraang weekend, para mag-interview sa isa naming programa, iyong Istorya ng Pag-asa. Isa po sa mga concerns na ipinaabot sa amin iyong bagong programa ng pamahalaan na OFW ID. Marami atang hindi nakakaintindi at maraming pangambang nangyayari dahil hindi naiintindihan. Kaya ngayong umaga, ka Ely, napaka-swerte natin at pinaunlakan tayo. Nakakahiya nga sa kanya, ka Ely, kasi Linggo ng umaga pero pinaunlakan niya tayong pumunta dito. Ang ating guest ngayon umaga ay si Undersecretary Bernard Olalia ng Department of Labor and Employment. Siya po ang magbibigay kapaliwanagan tungkol po sa bagong programa ng ating pamahalaan tungkol sa OFW IDs.

    ELY: At syempre ma’am, maraming salamat din po kay Labor Secretary Silvester ‘Bebot’ Bello III, at gusto natin siya i-contact–

    VP LENI: Siya po iyong kinontact natin. Kinontact po namin si Secretary Bello, pero sabi niya po ay nasa Davao siya ngayon. Kaya iyong nag-represent po sa kanya si Undersecretary Olalia. Kaya magandang umaga po, USec. Olalia.

    BERNARD OLALIA: Magandang umaga po, ma’am.

    VP LENI: Maraming salamat po sa pagpaunlak po sa aming imbitasyon

    ELY: Good morning po.

    BERNARD OLALIA: Good morning po.

    ELY: Unang una po sa lahat, siguro at siyempre panibago po sa pandinig ng lahat, ano po ba ng iDOLE na ito, iyong ID card? Siyempre, maraming mga tanong-tanong, at siguro mas maganda, minabuti po ng ating bise-presidente na dahil kayo ang mag-iimplement po nito, ano? Nag-iimplement na po ng iDOLE card kasi iba-iba, may mga kung ano-anong reaction. Pero siguro mas maganda, unang una po sa lahat siguro, ano po ang kabutihan ng iDOLE card na ito kumpara po dati na certificate po sa mga OFW?

    BERNARD OLALIA: Ito pong OFW ID card po natin ay isa pong intergral part po ng iDOLE system na ipapatupad pa po ng aming-

    VP LENI: Hindi pa siya effective ngayon.

    BERNARD OLALIA: Hindi pa po, ma’am.

    VP LENI: Pero kalian po iyong target natin?

    BERNARD OLALIA: Agosto po.

    VP LENI: Ah, Agosto.

    BERNARD OLALIA: Nagkaroon po kami ng soft launching last week po, at pinakita lang po namin iyong klase po ng OFW card na igegenerate po ng ating sistema po.

    VP LENI: Kasi po, Usec, kasi po nanunuod po sa Facebook iyong ating mga kababayan natin sa Hong Kong, kasi sinabi ko po sa kanila na mag-iimbita kami galing sa opisina niyo, kasi noong pumunta po ako, maraming nangangamba. Bago po natin i-explain kung ano iyon, sabihin ko lang po iyong mga pangamba nila. Iyong una po nilang pangamba, dahil daw may bayad daw ito na 700 pesos pero iyong pangamba ata nila, Usec, kasi icha-charge ito sa mga employers. Natatakot po sila na – parang nahihiya po sila sa mga employers. Hindi ata ito iyong unang parang fund na icha-charge sa mga employers. Parang pong insurance ata. Iyong una ata insurance na nakacharge sa mga employers. Tapos ito ata iyong pangalawa. Sabi po nila kasi may mga kakompetensya din sila sa employment. May mga Indonesian, mga taga-Bangladesh, Sri Lankan. Ito atang mga lugar ata na ito, parang hindi ganoon ka-strikto iyong kanilang mga bansa para sa pagprotect ng mga OFW. Kaya sa mga fees daw natin, baka i-prefer daw iyong ibang nationalities over them. Iyon po iyong una.

    Pangalawa, parang hindi po yata naiintindihan kung how it would work. Kung paano sya gagana at ano iyong mga benepisyong galing dito. At isa pong kinatatakutan nila ay baka pabalikbalikin sila sa consulate para lakarin iyong mga papeles. Ang sabi nila ang hirap hirap daw magpaalam. At iyong free day lang nila ay linggo. Although iyong consulate natin ay open naman kung Sunday kasi iyon naman talaga iyong araw ng day off ng ating mga kababayan sa Hong Kong. Pero paano po natin parang maeexplain sa kanila na walang dapat pangambahan?

    BERNARD OLALIA: Huwag po sila mag alala sa pagpapatupad ng OFW ID Card ng iDOLE system po. Unang una po sa lahat, tama po sila na wala pong cost ito sa ating mga manggagawa. Libre po ito para sa ating mga OFW. Subalit po, ang mga magbabayad po nito ay kasalukuyan pa pong pinag aaralan ng aming departamento. Ito po ay maaaring iyong employer. Iyon pong nagbibigay ng sweldo sa kanila, maaaring iyong recruitment agency po at maari rin po iyong OWWA. Iyong Overseas Workers Welfare Administration po natin. So, pinag aaralan po kung alin po sa tatlo ang maaring magbayad po doon sa halaga po ng ating OFW ID.

    VP LENI: Kasi iyon po iyong kanilang pangamba. Kasi kung iyong employer daw, baka dumating sa iyong time na ayaw na tuloy ng mga employer sa mga Pilipino kasi nga andaming charges na inaangkap sa kanila. Iyong pangamba rin po nila, kung sa recruitment agency, ichacharge din naman po iyon sa kanila later on. Kaya tingin ko po, kailangan talagang mapag aralan para hindi naman maging mas pabigat sa atin pong mga kababayan.

    ELY: So, Usec, mga magkano po ba iyong possibleng bayaran.

    BERNARD OLALIA: Naglalaro lang po sa mga limang daan lang po.

    ELY: 500 pesos. One time ano lang po iyan?

    BERNARD OLALIA: One time payment lang po.

    ELY: Tapos lifetime na iyon? Paano po ba iyong mga requirement? Halimbawa, isang OFW na minsan ay kasi paranag nabasa ko po na kahit hindi ka pa o kahit inactive ka o hindi ka pa aalis. Halimbawa,dati kang OFW tapos hindi ka pa nakabalik, gusto mong bumalik, pwede ka pang mag apply?

    BERNARD OLALIA: Iyon lang pong active OFW ang pwedeng maka-avail lang po sa sistemang ito.

    ELY: Ah iyong active lang po.

    VP LENI: Ibig sabihin, mayroong iba na in the middle of contracts. Mayroon, Ka Ely, kasi na… Maraming ganon na pagkatapos noong kontrata, gusto muna magpahinga tapos saka nalang ulit babalik. Pag ganoon po, lang ng pahinga, hindi pwede?

    BERNARD OLALIA: Pwede po kasi katatapos lang po nila maging active. Kung sila po ulit ay magbabakasyon lang o hindi kaya ay katatapos lang ng kanilang kontrata, kasama po sila doon sa sistema.

    VP LENI: Aha! Magandang balita po iyon

    BERNARD OLALIA: Opo, kasama po sila doon.

    ELY: So ano ano po ang benispisyo ng ID na to. Para ba ito magagamit.. Kasi maihahalintulad po ito sa o maihahambing doon sa mga government issued ID na pwede po sa mga transaksyon. Sa bangko, kung saan man, ganoon.

    BERNARD OLALIA: Kung matatandaan po natin, mayroon po tayong ipinatutupad ngayon na physical one-stop center po para sa mga OFW. Ito po ay isang proseso po na kung saan ang isang OFW ay hindi na pupunta sa iba’t ibang ahensya ng ating pamahalaan upang ilakad ang kanilang documentation at processing po paalis ng bansa. Pupunta po sila sa NBI, pupunta po sila sa DFA, pupunta po sila sa SSS, pupunta po sila sa OWWA, pupunta po sila POEA. doon po sa kasalukuyang proseso natin ay pinag-isa na po natin ito. Kaya tinawag po na isang one-stop shop po ito doon sa POEA.

    VP LENI: Isang opisina nalang.

    BERNARD OLALIA: Isang opisina nalang po. Lahat po ng mahigit 15 po na ahensya ng gobyerno. So, hindi na po mahihirapana ang ating mga OFW. Iyon po ang ating physical one-stop shop po.

    VP LENI: Ngayon po, diyan na po sya?

    BERNARD OLALIA: Diyan na po.

    VP LENI: Mula po anong tayo nagkaroon ng one-stop shop?

    BERNARD OLALIA: Nito lang po.

    VP LENI: Bago lang po. So ibig sabihin po, bago ang 2017, maraming opisina pa silang pinupuntahan?

    BERNARD OLALIA: Tama po iyon. Masyado pong matagal ang pagpapaproseso po ng ganito dahil iba’t ibang lugar po ang ating mga ahensiya sa gobyerno.

    VP LENI: Oo nga sa Metro Manila pa grabe yung traffic.

    BERNARD OLALIA: Isa pa po iyong dahilan. Yung long queue po kaya napagisipan po natin pag-isahin iyon po iyong ating pisikal na tinatawag na one stop shop. Ito pong OFW ito po yung geared to one one stop shop po imbes na pupunta po sila sa ahensiya mismo puwede na rin po online.

    VP LENI: Oo kasi halos lahat naman sila nagcocomputer.

    BERNARD OLALIA: Opo yun po ang konspeto ng OFW. Puwede po silang makipagtransact sa iba’t ibang ahensiya online. Puwede rin ho sila magverify at magaccess ng documentation online.

    VP LENI: Napakaganda.

    BERNARD OLALIA: Iyon po ang ating intensiyon.

    VP LENI: Kasi iyon talaga ang problema ng OFW natin lalo pa kung walang. Kung andoon sila nakadeploy tapos sa lugar na pinagdeployan sa kanila walang consulate. Talagang pupunta pa sila kung saan. Paminsan, iyong iba kailangan pang lumipad, mageeroplano para makapunta kung saan ang konsulado. Ang ibig niyo pong sabihin kung mayroon na nitong OFW id hindi na ito kailangan?

    BERNARD OLALIA: Hindi na po.

    VP LENI: Hindi na kailangan kasi kung may OFW ID na sila, may access na sila ng lahat online.

    BERNARD OLALIA: Tama po. Kaya lang po ma’am may phases po ang aming pagpapatupad. Ma phase 1, phase 2, phase 3 kasi kailangan po naming i-linnk ito sa database ng iba’t ibang ahensiya. E hindi po ganoon kadali iyon. Iyong phase 1 po namin ang ililink po namin ang database ng POEA at ng BI o ang Bureau of Immigration. Sapagka’t po pag mayroon na silang kumpetong papeles at OFW card, iyon lamang ang kanilang ipapakita sa Bureau of Immigration pag sila po ay aalis so pagnakita po ng BI, Bureau of Immigration, na kumpleto sila sa kanilang dokumento as evidenced by the OFW card, makakalipad na po sila.

    VP LENI: Una po ano ang requirements at papaano sila mag-aapply?

    BERNARD OLALIA: Ganito po iyan, iproproseso po muna nila ang kanilang mga overseas employment contract. Iyong mga processes of documentation sa physical one-stop shop ng POEA. Pagkatapos po nila maproseso iyon, puwede na po sila magonline para makakuha ng ID. Pagnakakuha na po sila ng ID, iyon na po iyong time na maaaccess nila yung lahat po ng kanilang documents at iyong lahat po ng kanilang records sa iba’t ibang ahensiya po ng gobyerno.

    VP LENI: Pero ito pong ating physical one-stop shop saan po iyon? Sa POEA?

    BERNARD OLALIA: Nasa POEA po dito sa main office natin sa Ortigas at bawat region po. Bawat region. Ibig sabihin sa 17 regions po natin from regions 1-12 inculding CARAGA, including po iyong ating NIR, 17 regions all in all mayroon po tayong physical na one-stop shop sa lahat.

    VP LENI: Paano po iyong nakadeploy? Siyempre wala sila dito sa Pilipinas pero sabihin natin gaya ng mga kausap ko po na OFW sa Hong Kong gusto nila magkaroon ng id saan sila pupunta?

    BERNARD OLALIA: Dahil sila po ay actual active OFW na po. Mayroon na po sila ng tinatawag naming OFW employment certificate po puwede na po silang mag-apply online mayroon pong ganoon po iyon. Papasukin mo ang programa at ipupunch in mo lang po at magkakaroon ka na po ng access po doon.

    VP LENI: Kung puwede na po silang mag-apply online, paano kaya nila maipapakita iyong mga dokumento nila?

    BERNARD OLALIA: Ibig sabihin po may dokumento na po sila.

    VP LENI: Hawak na nila iyon.

    BERNARD OLALIA: Nasa kanya kanyang database kasi nakalipad na po sila. Mayroon na po silang dokumento sa POEA, may dokumento na sila sa OWWA, sa BI…

    VP LENI: Ano iyon? Parang iiinput na lang nila iyong mga numbers siguro ng mga dokumento nila?

    BERNARD OLALIA: Tama po. Kukunin lang po nila ang kanilang identification kung ano yung pangalan nila birthday and then input lang nila maaaccess na po nila at malilink po ang ating database.

    VP LENI: Yung mag-aapply po online saan po nila mapipickup ang kanilang mga id?

    BERNARD OLALIA: Magandang tanong ho iyan. Pagka po nakapagapply na sila online, may mga choices po doon kung saan po nila gustong ipadeliver yung kanilang iyong kanilang ID

    VP LENI: Puwedeng i-mail sa kanila kung gusto nila?

    BERNARD OLALIA: Puwede pong personal claim, pwede pong ipadala po nila sa address po nila sa Pilipinas, puwede rin polo kung saan po sila naka-assign.

    VP LENI: Ngayon, hindi pa naman po open iyong applications?

    BERNARD OLALIA: Hindi pa po. Kasama po…sa Agosto pa po iyong implementation namin ng Phase 1.

    VP LENI: So iyong ngayon po sine-settle niyo iyong mga detalye?

    BERNARD OLALIA: Tama po iyon. Lalo na po iyong costing, kasi mahalaga po iyon.

    VP LENI: Kung sino po iyong magbabayad, kasi iyon po iyong pangamba, noong ating OFW, kasi daw baka magreklamo na daw iyong mga employers.

    BERNARD OLALIA: Tama po iyon. Kasalukuyan po ang aming tripartite meeting upang malinawan naman po doon sa mga detalye noong sistema.

    ELY: Baka dumating iyong oras na pwede isubsidize ng ating gobyerno, ng DOLE, depende po sa usapan. Kasi kailangan pa-approve pa sa congress eh, kung may budget.

    VP LENI: Palagay ko USec. kapag tatanungin niyo iyong mga OFW natin, mas gusto nila i-assume nalang nila ng OWWA.

    BERNARD OLALIA: Tama po iyon. Isa po iyan sa aming pinag-aaralan na masusi dahil po, benepisyo po malaki mabibigay.

    ELY: So napakinggan na ho ang ating usapan at least nagkaroon po ng kalinawan kasi dito po sa Biserbisyong Leni lahat po gusto ng mas malinaw. Magaganda rin po kasi, marami rin pong magandang programa ang pamahalaan, iyong iba po nalalabuan ang ating mga kababayan.

    VP LENI: Hindi lang alam. Hindi lang alam.

    ELY: At alam niyo ho sa social media maraming fake news. Ganito ganito, may bayad, ganito. Kaya mas maganda. So sa panghuli Usec. ano po ang iyong mensahe lalo na sa ating mga listeners, mga Overseas Filipino Workers, kanilang mga kaibigan at kamag-anak, patungkol po dito sa iDOLE card na ito?

    BERNARD OLALIA: Huwag po kayo mag-alala dahil hindi pa po in effect ito. Kasalukuyan palang naming iniimplement po ang OFW ID card system po. By August po, malalaman ninyo po ang detalye po kung saan, kung papaano, at kung magkano po ang halaga ng OFW ID Card. Ito po ay para sa inyo, upang sa ganoon ay kami ay makagawa ng paraan upang para matrack namin ang exact location niyo kung kayo ay magkakaroon ng problema. Isa po kasi ito sa problema natin ma’am.

    VP LENI: Ibig sabihin parang may tracker siya.

    BERNARD OLALIA: Ito ang intention natin dito, para nagkaroon ng problema sa isang bansa, lahat po ng ating OFW ay maaaccount natin. Matutulungan po natin siya, mapupuntahan po natin agad at puwede po natin sila i-repatriate.

    VP LENI: Oo, saka naaalala ko rin po USec noong abogado pa po ako, marami kaming pamilya ng OFW na kilyente. Iyong parang maraming kaso na hindi na nahahanap ang asawa.

    BERNARD OLALIA: Mahirap hanapin. Isa pa pong benepisyo nito ma’am. Kasi pag napunta na po ang ating OFW abroad, pinuputol po ng employer iyong passport. Kapag hawak na po ng employer iyon at sila ay angaabuso, hindi na po sila makakauwi. So with the OFW card po, ipakita lang po nila iyong OFW sa atin pong mga Polo offices, makakauwi po sila ng walang passport. Iyon po ay napakahalaga.

    VP LENI: Dapat po siguro marami po tayong listeners na OFW dapat ito ang ma-emphasize. Ano ang halaga ng may OFW ID? Kahit walang passport, puwedeng siya ang gagamitin.

    BERNARD OLALIA: Kasi po iyong information naka input na sa database. So isang check lang po ng database, makikita natin na kuwan po siya OFW, puwede na po natin siya pauwiin kahit wala siyang hawak na passport.

    ELY: Maganda po ito lalo’t sa lugar na may problema, iyong kailangan umuwi agad, mabilis po pag may ID. Agad na mapapauwi. So Usec salamat po sa iyong oras.

    VP LENI: Maraming salamat po sir. Pag paumanhin po na Linggo ay ginambala namin ho.

    BERNARD OLALIA: Sa gobyerno wala pong oras at araw po. Anytime po ay available tayo.

    ELY: Pakiabot na rin po ang aming pasasalamat kay Secretary Bello. Mga kasama ayan po ang ating kasama na si Labor Usec. Bernard Olalia. At least nagkapaglilinaw tayo dito sa issue sa pagbibigay ng ID sa buwan ng Agosto, abangan niyo po iyong mga kongkretong patakaran para po dito sa ID para sa mga overseas workers.

    [GAP 3]

    ELY: Okay samantala, ma’am bukas noh aattend kayo ng State of the Nation Address.

    VP LENI: Opo, opo. Nandoon po tayo papakinggan natin iyong mensahe ng ating pangulo.

    ELY: At, kaugnay pa rin, dahil sa kahapon, nagkaroon po ng special session iyong dalawang kapulungan ng kongreso at dati kayo, at sa pangkalahatan, mayoria noh, 261 noh, at 18 po iyong di-pumabor, at extended na po hanggang sa katapusan ng buwang ito iyong pag-iral ng martial law doon po sa Mindanao. Siguro ma’am po kausapin natin iyong pong, subukan natin iyong taga-Mindanao po, kung macontact natin. Pero kayo ma’am, initially, ano po iyong reaksyon dito po, sa pag-approve ng dalawang kapulungan ng kongreso.

    VP LENI: Ito magkahati-hati ka Ely, magkahati-hati iyong pakiramdam ng ating kababayan. Mayroong sangayon sa extension, mayroong hindi sangayon sa extension, mayroon ding sangayon pero pinagaawayan iyong period. Ang alam ko kahapon may isang grupo ng senador at congressman na sang-ayon sa extension pero iyong gusto ay 60 days lamang. Ako nga ka-Ely iyon rin sana ang aking gusto. Kasi sa palagay ko, after 60 days kung kailangan pa rin, puwedeng bumalik sa kongreso. Pero ito tingin ko ka-Ely ang maganda dito, nagkaroon ng pagkakataon na pagdebatahan ang issue. Parang ito naman ang buod ng demokrasya. Mayroon tayong proseso sa ating konstitusyon na dapat nating sundan. Kahapon, bihiri to mangyari ka-Ely. Noong ako ay congressman, hindi nagkaroon ng joint session iyong house of representatives at senado. Kahapon nagkaroon, dinebatihan at pinakinggan iyong mga resource persons. Pero iyong isang mahalagang bagay doon ka-Ely, pinayagan magsalita iyong isang representative ng Marawi. Isang babae, nandoon daw siya sa Lanao rescuers, isang grupo na tumutulong sa mga evacuees natin. Mahalaga iyong mensahe niya. Ito iyong mensahe na noong pang-ilang baba ko na sa Mindanao, ito rin iyong pina-abot sa akin. In fact ngayon Linggo, nagkaroon rin ako ng meeting with the Bangsamoro women, pareho rin ang mensahe, ang sinisigaw lang naman pakinggan niyo kami. Isali niyo kami sa usapan. Nandito kami, tanungin niyo kami, ano iyong mahalaga para sa amin, sa tingin ko ka-Ely mahalagang mensahe iyon. At dahil sa ano man na kakuguluhan, ano mang proyekto, mahalaga talagang pinapakinggan iyong mga taong naaapektuhan. At dahil paminsan, kahit kami, paminsan iyong iniisip namin na solusyon sa isang problema, hindi naman pala iyong ang gusto ng mga nandoon. Kaya mahalaga, at ito ay pinakausap ko na rin kay Secretary Lorenzana mula po noong pagkatapos ng huli kong bisita nag request ako ng meeting sa kanya, at sinabi ko sa kanya sec, ang pinakikiusap lang ng mga tao doon, maisali naman sila sa usapan. Ang pinapakiusap po na konsultahin naman sila, at ito ay pinangako naman sa atin ni Secretary Lorenzana. Sabi ko lalong lalo na rehabilitation phase. Lalong lalo na sa pag asekaso ng pang matagalan na solusyon. Hindi pwedeng kami-kami lang o tayotayo lang ang naguusap. Mahalaga na pakinggan talaga sila. At kahapon, tingin ko napakahalaga na binigyan ng konting panahon si Gng. Tumawis. Binigyan siya ng konting panahon para sabihin iyong saloobin ng mga taga Marawi.

    ELY: Opo, yun po. Napakaimportante po. At syempre, nagdesisyon na po ang mayorya at lahat naman wala po tayong magagawa kung hindi i-respeto at siguro ang gagawin po natin ay magmasid at sa kagandahang palad naman po no, ay ngayon wala pa namang napapaulat na matinding paglabag sa karapatang pantao pero syempre patuloy po tayong magbabantay. Lahat po ng sektor, ang kagandahan po nito madam VP, lahat po ng media ay nandoon e. Pinayagan pong magcover.

    VP LENI: Mayroon din Ka Ely. Mayroon ding mga alegasyon na mayroong mga paglabag sa mga karapatang pantao. Tingin ko, kailangang tingnan din ito. Para hindi na lumala pa. Kahit noong meeting namin. Ito, Ka Ely, sinabi ko na rin kay Secretary Lorenzana. Sinabi ko sa mga tao kailangang maka alam. Pinaabot ko sa kanya iyong mga pinaabot sa akin. Tingin ko iyong pamahalaan ay kailangang tingnan ito. Kasi iyong pinakakinatatakutan lang naman sa Martial Law ay iyong ating mga karanasan noong mga nakaraang panahon noong panahon ng diktaturya. Na noong nagkaroon ng Martial Law maraming karanasan. Ayaw nating maulit ulit iyon. At palagay ko, mahalaga sa pagpapatuloy na tiwala ng ating mga kababayan sa demokrasya at sa proseso na siguruhin iyong mga masasama na nangyari noon ay hindi na muling maulit pa.

    ELY: Ayan, opo. At syempre lahat po ay magbabantay at ang buong sambayanang Pilipino naman ay gising na gising no. At iyong kanilang kaalaman dito po sa isyung ito. Pero, maam, mejo nakakadistorbo rin po dahil sa iyong mga evacuation center ay nirereport po ng DOH na maraming namamatay.

    VP LENI: Oo, marami.

    ELY: Siguro dito po ibuhos iyong tulong ng ating gobyerno

    VP LENI: Actually, Ka Ely bumababa doon iyong anak ko. Pumunta iyong pangalawa kong anak si Tricia noong nakaraang linggo. At iyon yung kinikwento niya sa akin. Galing siya sa evacuation center sa Saguiaran, galing siya sa Balo-i, galing siya sa iba pang evacuation center sa Iligan. Iyon nga iyong kinukwento niya, maraming namamatay. Iyong reports dahil sa hindi malinis na tubig. Ito kaya marami din tayong binigay doon na water filtration machines para maasikaso ito. Pero alam mo, ka-Ely, kapag nasa evacuation center ka ng two months, madami daming matatanda. Madaming may sakit, andaming sanggol, talagang hindi maiiwasan ang ganitong trahedya. Kaya iyong ano lang, kaya kailangan asikasuhin ng DOH ang ganitong situation. Per tingin ko, the sooner na matapos na talaga ang kaguluhan, iyon talaga ang makakabuti sa lahat.

    ELY: At siyempre marami pong nangangamba dito po sa rehabilitation dahil sa ang mga prayoridad talaga ang infrastructure ng gobyerno—iyong mga eskwelahan, kung ano man. Ang pangamba din ng ating kababayan, iyong mga bahay nila na nasira na wala naman silang pampagawa.

    VP LENI: Totoo. Kaya nga, ka-Ely, kaya hiningi natin kay Secretary Lorenzana na sana kabahagi sa komite na magdedesisyon at magpaplano iyong mga taga-Marawi mismo. Para naman mapakinggan iyong hinain ng mga biktima, kasi kung hindi, baka iba ang konsiderasyon kung tayo-tayo lang ang naguusap. Hindi naman natin alam iyong saloobin nila

    ELY: At siyempre po mga kasama, may mga agam-agam na baka magkaroon ng palakasan o ano man, kung sino ang mauuna. Kasi sa ganyan, ma’am, hindi naman sabay-sabay lahat iyan eh.

    VP LENI: Oo, totoo. At tingin ko, ka-Ely, mahalaga din na mabilis. Mahalaga na mabilis iyong rehabilitasyon kasi kung hindi mabilis ang rehabilitasyon, baka pagmulan pa ito ng parang mga masasamang pakiramdam para sa atin mga kababayan

    ELY: So iyon po, mga kasama, at ang ating pamahalaan ay dapat din siguro ay ibuhos ang pwersa diyan sa mga evacuation center kasi biruin mo, kawawang-kawawa. Nawalan na sila nang bahay. Iba po, iyong ano, lalo na sa mga kabataan.

    VP LENI: Iba talaga, ka-Ely. Kaya bawat bisita ko doon, ang pinaka-una talagang tanong nila, hindi na, ‘Nasaan ang pagkain namin?’ pero iyong unang tanong nila, ‘Kailan ito matatapos?’

    ELY: Iyon po, talagang inip na inip na po sila ano? At gusto po nila bumalik sa normal nilang pamumuhay.

    VP LENI: Oo, mahigit dalawang buwan na, ka-Ely.

    ELY: At iyon, mga kasama, ang isyu po sa Mindanao. Siguro iyong mga kababayan na gusto po tumulong, maaari kayong tumulong at kung gusto niyo ay ipadaan niyo po sa OVP. Iyan po ay siguradong makakarating sa mga gusto niyong tulungan. Lalo na po sa mga bakwit. Magsama-sama po tayong tumulong sa mga bakwit diyan po sa Marawi City.

    [GAP 4]

    ELY: Ma’am isa po sa pinakatampok sa ating palatuntunan ay ang Istorya ng Pag-asa.

    VP LENI: Alam mo ka-Ely noong pagpunta namin ng Hong Kong ang aming balak ka Ely tatlo lang ang aming iinterviewhin. Kasama ko iyong anak ko siya ang aming cameraman. Sabi namin tatlo. Noong una ka Ely isa lang ang gustong magpainterview. Iyong iba nahihiya. Pero noong nagumpisa na iyong interview namin lahat na gusto. Apat lang ang kinaya ko dahil talagang pauwi na kami ka-Ely pero sila na iyong nagvolunteer ka-Ely na sila na iyong magiinterview ng mga kakilala nila na talagang may mga extraordinary na mga kuwento pero Ka Ely parang ano rin, pinipiga yung puso mo habang pinapakinggan mo ang kuwento ng bawat isa. By this week ka Ely iuupload na rin namin iyng videos ng mga interviews sa aming website pero ngayong umaga may makakausap tayo na isa sa mga nainterview natin sa Hong Kong.

    ELY: Ok so iyon ho mga kasama siguro magandang inspirasyon din ito sa ating mga kababayan iyong mga Overseas Filipino Workers at yung kanilang mga kaanak.

    VP LENI: Oo.

    ELY: Dapat ho alam niyo itong mga ganitong istorya lalo na iyong mga naiiwan dito sa Pilipinas. At alam niyo ho isa lang ito sa napakaraming kuwento ng mga sakripisyo ho ng ating mga kababayang OFW kaya nga po sila tinaguriang mga bagong bayani.

    VP LENI: Kaya tingin ko ka Ely mahalaga na pinapakita nila ang kuwento ng bawat isa kasi paminsan ang akala ng iba napakasarap ng buhay nila doon pero iyong sakripisyong dinadaanan grabe talaga.

    ELY: Iyong mga anak a baka ang mga magulang niyo OFW. Iyong iba kung talagang akala mo namumulot ng pera abroad.

    VP LENI: Kaya nga ano ka Ely iyong din ang hinaing ng mga kausap namin. Hindi ata naiintindihan ng aming mga pamilya kung gaano kahirap maghanap ng pera dito.

    ELY: At pagdating ho ng isang OFW galing abroad, lahat ho ng kaibigan kamaganak naghihintay ng pasalubong kung anuman na parang galing ka abroad namulot ka ng pera.

    VP LENI: Oo. Nakakiyak ka Ely ang lahat ng kuwento nila.

    ELY: Siguro tawagin na po natin nasa ating linya, tamang tama nasa Hong Kong po ito at day off niya ngayong Sunday.

    VP LENI: Oo, day off nila. Ang makakausap natin ngayong umaga ka Ely si Glady Ayo medyo kakaiba ang kuwento ni Glady ka Ely at very inspiring kasi 16 years na siya sa Hong Kong pero alam mo kung ano ang trabaho niya ngayon ka Ely driver siya. Driver si Glady ka Ely, pero siguro hayaan natin na si Glady ang magkuwento ng kanyang pinagdaanan sa Hong Kong.

    ELY: Okay, ma’am Glady, good morning po sa inyo.

    GLADY AYO: Ma’am, good morning po sa inyo. Sir.

    VP LENI: Good morning, Glady

    ELY: Opo

    GLADY AYO: Good morning. Ako po si Glady.

    VP LENI: Glady, alam ko na iyong kwento mo pero sabi ko sa kanila napaka-inspiring ng kwento mo. SIguro tanungin ka muna namin, Glady, di ba 16 years ka na sa Hong Kong?

    GLADY AYO: Opo.

    VP LENI: Ano iyong nagtulak sa iyo, Glady para magpunta ka sa Hong Kong?

    GLADY AYO: Dahil po nagkasakit ang tatay ko, at dahil nagtratrabaho po ako sa opisina sa Davao, pero napilitan po talaga akong umalis. At the same time po, noong nasa Davao po ako, nagaaral po ako, self-study po kaso dahil talagang dahil sa kakulangan ng pera so kaya akong napilitan akong umalis ng Pilipinas. So iyon po-

    VP LENI: Glady, hindi ka na nakagradute ng college?

    GLADY AYO: Ah, hindi po, hindi po. Actually, magse-second year po sana. Second year college po sana, kaso iyon na po iyong pinakamapait, pinakamasakit sa buhay namin na dapat po sana, gusto kong makapagtapos, kaso kailangan pong unahin ang family ko kaysa sa sarili ko kaya po pumunta po ako dito sa ibang bansa.

    VP LENI: Tapos noong dumating ka Glady sa Hong Kong, ano iyong pinakauna mong trabaho?

    GLADY AYO: Ang pinakauna ko pong trabaho ay domestic helper, at actually, talagang napakahirap po talaga nang first contract ko na umiiyak po ako ng alas dos umaga. At talagang sabi ko mag-gigive up din ata ako, na pinapagalitan po ako ng amo ko. Masakit po, napakasakit ng first contract po dito.

    VP LENI: Paano po Glady nasabi na napakahirap nung trabaho mo nung OFW ka?

    GLADY AYO: Kasi po-

    VP LENI: Walang pahinga?

    GLADY AYO: Wala akong pahinga at the same time po, hindi po naa-appreciate po iyong effort mo. Talagang bale wala iyon. Ang turing po sa amin ay para ka talagang slave. Hindi ka pwede gumamit ng telepono. Hindi ka pwede makipagusap sa kapwa mong OFW, hindi po pwede iyon. Iyon po ang napakasakit. Iyong magu-umagahan natutulog ka, gigisingin ka at papagalitan ka. Kaya iyon po ang pinakamasakit talaga, kaya umiiyak po ako all the time. Sabi ko gusto ko na mag give up

    VP LENI: Tapos ano, Glady, ito iyong gusto kong parte ng kwento mo kasi noong nawalan ka ng trabaho, nasa park ikaw, nasa park ikaw tapos may foreigner, ka-Ely. Ito iyong kuwento ni Glady. Mayroong puti na parang may kasamang aso. Nung dumaan doon kay Glady, nilaro niya yung aso, at binigyan siya ng trabaho nung foreigner. Para siya iyong taga-alaga nung aso. Di ba, Glady, ganoon iyong kwento?

    GLADY AYO: Opo, opo. So wala na po akong trabaho noon, so naglalakad lang po ako sa pathway sa mga lakaran ng aso. Until nga, may nakasalubong po ako na [foreigner] tapos iyong aso, naging malapit po sa akin. Sabi sa akin, ‘Medyo malapit sa iyo iyong aso ko, so can I offer you a job?’ Sabi ko, ‘Tamang tama po, dahil wala po talaga akong trabaho.’ So doon po nag-umpisa iyong pangalawang kontrata ko po sa kanya.

    VP LENI: Tapos ano iyong pinakatrabaho mo sa kanya?

    GLADY AYO: Sa bahay din po. Lahat po ng trabaho as a domestic helper po. Tapos naglalakad ng aso, pero iyon po ang pinakamagaan kumbaga kung ikukumpara po sa iba.

    VP LENI: Lalo na dahil gusto mo iyong aso, di ba?

    GLADY AYO: Opo, opo, opo. Actually napaka-habang storya na iyang paglalakad ng aso, kaya po ako na-encourage po sa ganitong sitwasyon, sa ganitong adbokasiya.

    VP LENI: Tapos ngayon, Glady, driver ka na, di ba? Pwede bang ikwento mo sa kanila kung papaano- galing doon sa domestic helper, hanggang naglalakad ng aso. Paano ka naging driver?

    GLADY AYO: Ganito po iyan. Actually, pangatlong contract ko po dito sa Hong Kong. Iyon po iyong time na nagkaroon ng problema itong 2nd contract ko. Syempre ayoko pong maapektuhan dahil syempre sawang-sawa na po ako sa problema. So iyon, iyong time na naglalakad po ako ng aso, mayroon din po silang aso. Gusto ko na po talaga umalis noon, gusto ko nang umalis na sa kanila dahil nga nagkakagulo silang mag-asawa. Kung pwede rin po, umiiwas ako sa problema, kaya nagdesisyon po ako na sabi ko, ‘iiwanan ko na lang to.’ May problema na nga sa Pilipinas, tapos ito pa, may problema pa sa trabaho ko. So iyon na iyong desisyon ko na sabi ko, ‘tama na ito, gusto ko nang lumipat ng ibang trabaho.’ Until one week pa lang itong pang-tatlo po na kontrata. Tapos one week, na-meet po nila ako, tapos in-interview po nila ako, may aso din po sila. Pero hindi pa rin po sila couple pa, so sila po single pa, as in, single pa po. So iyon, i-ninterview po ako, hanggang sa nagustuhan po nila ako, dahil po iyong aso po—talaga pong malapit po sila sa akin. Talagang kahit po sa Pilipinas, malapit po ako sa mga pet. Kaya po iyon—

    VP LENI: Paano ko naging driver, Glady?

    GLADY AYO: Opo, noong time po na nag sign na po ako ng third contract, umalis po ako sa pangalawang contract ko, nandito na po ako sa third contract, maluwag po iyong oras ko, sabi ko this is it, lalo na nagmamahalan iyong bilihin, its time naman siguro sa sarili ko na umangat ng konti, so iyon po ang dahilan kung bakit nag-aral ako ng driving. Iyon po iyon. And then napaka supportive naman po ng aking boss, iyon po ang naging dahilan kaya nag-aral po ako ng driving tapos second pass po ako. Doon na po nagstart iyong 6 years po naging driver ako.

    VP LENI: Tapos diba kuwento mo Glady, mataas na mataas iyong suweldo ng driver kumpara sa OFW, kumpara pala sa domestic workers.

    GLADY AYO: Opo opo, mataas po talaga. Kung sa contract lang po ang babasehan, pareho lang po iyon, ang difference lang sa contract mayroong, we can kumbaga, may permission ka to drive, kumbaga in general, domestic worker pa rin ang nasa contract, ang kaibahan lang po ay driver ka na at mataas na suweldo mo. Iyon po iyong ano doon. So iyon na nga po, nakapag-ipon ako in 16 years, so malaking tulong dahil nakaahon ako sa kahirapan ng konti. Hindi naman po kami mayaman, pero at least po hindi na kami ano ng gobyerno. Iyon po ang naging ano.

    ELY: So Ms. Glady, baka mayroon pa kayong mapapayo sa ating mga kababayan. Alam niyo talagang napakarami ho, hindi po lahat ng OFW eh nagtatagumpay, diyan po sa abroad sa iba’t ibang panig ng mundo. Eh iyong iba mahina po ang loob, babalik o kung ano man, basta napapriwara. Ano po ang mapapapayo ninyo po, sa pagtatapos ng ating panayam.

    GLADY AYO: Ang maipapayo ko lang ho sa kapwa ko OFW, kung ano man po iyong trials na dumadating sa atin, huwag po tayong mag give up and then kasabay na po natin doon iyong prayers, and then kailangan po talaga ng lakas ng loob at kailangan niyo po na i-double time rin, kailangan niyo rin po na perseverance po na sinasabi. Iyon po iyon, kasi kung gi-give up po tayo, talagang wala po tayong mararating. May kasabihan nga po na talaga, kapag may tiyaga, may nilaga. Iyon po iyon talaga. Totoo po iyon.

    ELY: Ms. Glady salamat po sa inyong oras ah.

    VP LENI: Glady maraming salamat ah, wala na tayong panahon pero siguro sa mga susunod ay mga kasama naman natin ang maiinterview. Maraming salamat Glady.

    GLADY AYO: Maraming salamat po. Maraming salamat po at napaunlakan niyo ang aking kuwento. Maraming salamat po.

    ELY: Okay, thank you po iyan po si Miss Glady Ayo. Isa pong OFW diyan po sa Hong Kong. At nawa’y nakapagbigay kami ng isa na namang inspirasyon sa ating mga kababayan lalo na po sa ating mga OFW.

    VP LENI: Ah Ka Ely, bago lang tayo. Marami tayong overseas na mga listeners. Maraming nakikinig sa atin sa galing sa Hong Kong. Kaya napakinggan nila si Gladys. Mayroon ding galing sa Canada. Iba’t ibang lugar mula sa Canada, Ka Ely–Vancouver, Toronto, Ontario. Marami ding galing sa US–Los Angeles, San Diego, Las Vegas, New York. Mayroon ding galing sa Riyadh, sa Jeddah, mayroon ding galing sa DOHA, Qatar. Mayroon ding galing sa Rome, Italy, London, Japan, Singapore, Vietnam, Australia, Malaysia, Norway, napakarami. Napakarami iyong mga overseas na nakikinig sa atin. At dito naman marami din yung nasa labas ng Maynila. Mayroong galing Bulacan, Cagayan de Oro, Quezon, Laguna, Cavite, Negros Occidental, Masbate, Naga, Pampanga, Cebu, Iloilo, Davao. Kaya sa inyong lahat po na nakikinig, magandang magandang umaga po at happy Sunday sa inyong lahat.

    ELY: Okay, good morning po sa lahat at kung ano mang oras sa inyong kinalalagyan ay magandang araw po sa inyo at maraming salamat sa mga nagtext at tumawag.

    VP LENI: Ka Ely, mayroon lang sana akong isisingit kasi hindi natin nabasa iyong ibang mga comment noong nakaraan mejo mahaba haba ito Ka Ely pero mayroon lang sana tayong gustong paabutan ng mensahe. Ito si Rommen Jimenez kasi nag text siya ka Ely na 12 years old sya taga Barangay Quezon, Cataingan, Masbate sabi niya. Grade 12 na daw sya. Ay hindi pala sya 12 years old. Grade 12 student na sya ngayon pero gustong gusto niya daw maging accountant pero hindi daw siya kayang papag aralin ng kanyang mga magulang pero tinatawagan natin siya Ka Ely pero hindi natin sya macontact. So, number na 950851112. Kaya kung nakikinig siya ngayon kung pwedeng pa text muli para makausap ka namin.

    ELY: Okay, sa ating mga texter iyong PWD. Iyong mga taga CamSur, si Jillian. Siguro sa mga susunod po nating mga episode magandang madiscuss din po natin iyong sa senior citizens law, PWD.

    VP Leni: Mayroon sumulat sa atin. Mayroong nag iwan ng comments sa atin na taga Cebu na senior citizen pero kausap na natin siya.

    ELY: Ayun. iyong lahat siguro ang iba ay hindi nila alam iyong lahat ng karapatan. Kasi sa mga PWD, andami. Andami! andami, puno iyong listahan.

    VP LENI: Baka, baka sa susunod na episode Ka Ely pwedeng mag imbita tayo ng nakakalam ng lahat ng mga benipisyo ng ating mga PWD.

    ELY: Ayun, ah maam, maraming salamat po.

    VP LENI: Maraming salamat, Ka Ely at maraming salamat pong muli sa ating mga tagapakinig at iyon pong ating mga Facebook viewers. Magandang umaga po sa inyo at sana maenjoy niyo kung ano pa ang natitira sa inyong linggo.

    ELY: Maraming salamat po sa ating mga kababayan diyan po sa Naga, Cebu, Cagayan de Oro at sa Davao at syempre dito po sa Metro Manila at sa buong bansa at buong mundo po na napapanood at napapakinggan ang ating palatuntunan. Isa na namang edisyon ng Biserbisyong Leni ngayon pong araw ng Linggo. Ako pa rin po si Ely. Magandang umaga po.

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Jul 23, 2017