This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    BISErbisyong LENI – Episode 117

    ELY: Magandang umaga, Pilipinas—Luzon, Visayas, at Mindanao! Isa na namang edisyon ng BISErbisyong LENI sa RMN. Ngayon po ay araw ng Linggo, August 4, 2019. Magandang umaga, Luzon, Visayas, at Mindanao. Mula po dito sa DZXL-Manila, tayo po ay napapakinggan diyan po sa RMN-Cebu, RMN-Davao, RMN-Naga, at RMN-Cagayan de Oro. Magandang umaga! Ako pa rin ho ang inyong Radyoman, Ely Saludar. At siyempre, kasama natin ang Bise Presidente ng Republika ng Pilipinas, si Madam Vice President Leni Robredo. Ma’am, good morning po sa inyo!

    VP LENI: Good morning, Ka Ely! Good morning po sa lahat na kasama natin ngayong umaga. Sa atin pong mga kababayan sa Bicol: Marhay na aga saindo gabos! May tropical depression ngayon, Ka Ely, malapit sa Catanduanes, kaya sana mag-ingat po iyong lahat. Sa ating mga kababayan sa Visayas at Mindanao: Maayong aga sa inyong lahat! Ka Ely, mayroon tayo ngayong mga guests, ano, mga live guests. Dahil naalala natin—paalala lang sa lahat, iyong last segment ng ating BISErbisyong LENI, parating Istorya ng Pag-asa. Ito iyong pagbibigay ng inspirasyon para sa lahat, pagbibigay ng pag-asa, dahil sa mga kuwento ng kahirapan na natapos sa kaginhawaan. Iyong kuwento natin… special iyong guest natin ngayon. Ipapakilala natin mamaya. Siya iyong dahilan kung bakit nag-invite tayo ng mga guests ngayong umaga.

    ELY: Okay, abangan niyo ho iyan. At siyempre, ang Istorya ng Pag-asa, isa po ito sa pangunahing adbokasiya ng ating Bise Presidente, para magbigay po ng, siyempre, parang inspirasyon sa ating mga kababayan, na talagang sila po ay dumaranas ng mga kahirapan o pagka—kalungkutan, pagkadismaya, sa kanilang buhay.

    Samantala, siyempre alamin natin, Ma’am, kayo po ay bumisita po sa dalawang lugar na… iyong una siguro, ito po iyong tinamaan talaga ng matinding kalamidad, itong nangyari pong lindol dito sa Batanes.

    VP LENI: Ano ito, Ka Ely, noong Miyerkules pumunta kami sa Batanes. Gusto ko sana, Ka Ely, pumunta na noong weekend pa, pero alam mo naman na talagang para makatulong kami, lumalapit muna kami sa mga Angat Buhay partners. Nagkakalap muna tayo ng mga donasyon. Nadala na natin iyong bahagi. Iyong bahagi noong donasyon, dala natin noong Miyerkules, noong pagbisita natin. Pero iyong iba nito, pinadala na lang namin sa barko.

    Alam mo, Ka Ely, mahirap pumunta sa Batanes, pero lalong mas mahirap pumunta doon sa kung saan tinamaan ng matinding lindol—iyong Itbayat. Kung titingnan mo sa mapa, parang mas malapit pa siya sa Taiwan kaysa sa Pilipinas. Ano ito, Ely, isa sa mga pinaka… pinaka-northernmost na isla ng Batanes. Pangalawang pagkakataon iyong pagpunta ko, kasi noong unang pagkakataon iyong Typhoon Ferdie noong—2016 ba iyon?—2016. Na-grabe din sila noon. Tapos ngayon…

    Ang nakakalungkot ngayon, Ka Ely, noong pag-ikot namin doon sa isla, talagang iyong mga sobrang luma na mga stone houses, iyon talaga iyong bumagsak. Walang pinili. Pati iyong mga malalaki, iyong mga lumang-luma na, talagang bumagsak.

    ELY: Sana, Ma’am, mapreserba kung saka-sakali, kasi ano natin, eh, yaman natin iyan…

    VP LENI: Saka kapag inisip natin ang Batanes, iyon iyong… ‘di ba? Parang iyon iyong naiisip natin, iyong uri ng mga bahay na iyon, sa Batanes lang iyon. Nag-usap-usap kami ni Mayor, ni Governor, sabi namin, Ka Ely, sana kapag itinayo, stone house—parang stone houses ulit, pero medyo baguhin na iyong design. Kasi iyong mga ngayon, walang siyang mga kabilya. Tapos tinatanong namin bakit iyong mga design niya walang kabilya. Ang kuwento doon, sobrang hirap daw kasi magdala ng kabilya, mula noon hanggang ngayon. Kaya ang sabi namin baka puwedeng pakiusapan—hindi siya kaya ng ordinaryong, ano ito, bangka, kaya sabi namin baka pakiusapan, halimbawa, sa Navy, para paggawa ulit, lagyan na ng kabilya, pero pa din na materyal, pareho pa din na design.

    ELY: Opo. At siyempre alam naman natin na kapag ganiyan, iyan po ay nakakahikayat ng turismo, ano. Iyong mga turista, lokal man o dayuhan.

    VP LENI: Totoo. Pero ito, Ka Ely, talagang nakakadurog ng puso kasi pinuntahan namin iyong mga bumagsak na bahay, at nakausap namin iyong mga kamag-anak ng mga namatayan. Siyam yata… siyam lahat iyong namatay, tapos more than 60 iyong injured. Ito, Ka Ely, iyong pinakauna kasing tama noong lindol, parang alas-kwatro ng umaga, kaya talagang tulog iyong mga tao. Karamihan sa mga namatay, naipit habang nakahiga. Kinukuwento noong mga kamag-anak kung paano naipit iyong mga namatay. Talagang nakakaawa. Halimbawa, iyong isang pinuntahan namin, naririnig nila iyong iyak ng mga bata na nasa ilalim noong mga bato na bumagsak. Tapos dahil sobrang dilim, sobrang hirap para i-retrieve sila. Pero iyong mas nakakalungkot dito, kasi tapos na iyong unang tama, nagkaroon pa ng pangalawa, alas-siyete ng umaga. Okay sana kasi maliwanag na, pero may mga namatay pa din noong alas-siyete ng umaga, kasi hindi nila inaasahan na, parang, mayroong aftershock na singlakas din.

    Kaya ano talaga, lahat na tao, ayaw umuwi sa bahay. Lahat na tao nakatira sa tent. Ito iyong nagawa na, parang, tent city doon sa may munisipyo. So pagpunta namin, Ka Ely, nandoon lahat. At ano… pumunta kami ng Miyerkules. Pagpunta namin ng Miyerkules na umaga, nagkaroon pa din ng malakas na aftershock. Kaya kahit parang may clearance na from Phivolcs, ayaw talagang bumalik ng mga tao. So kailangan na kailangan doon ng tubig, kailangan ng relief goods. Iyong dala-dala namin, Ka Ely—kasi ito iyong in-identify ni Governor na pinaka-urgent—mga banig. Dahil iyong hinihigaan nila, ano lang, naghanap lang sila ng mga tela, ng mga kumot, na hihigaan. Mayroon namang mga tent pero walang higaan. So ang dala namin banig, dala namin tubig, pero may padala din tayong mga pagkain, may mga padala din tayo na mga additional na mga tents.

    Wala pa ding kuryente; generator iyong ginagamit. Ewan lang ngayon, Ka Ely, kung bumalik na iyong kuryente. Pero iyong parang pinaka-cathedral doon, iyong simbahan, nasira. Hindi na talaga puwedeng pasukan. Iyong ospital sira din.

    May dala din kaming mga gamot, padala noong partners namin dito para doon sa ospital. Pero talagang… talagang kailangan na kailangan ng tulong.

    ELY: Okay. So iyong nangyari po sa Batanes, madaling-araw. Tamang-tama, nagkaroon po ng quake drill dito, madaling-araw—

    VP LENI: Parang sabay nga, Ka Ely, kasi alas-kuwatro ng umaga.

    ELY: Siguro iyong ating mga kababayan na nakikinig ngayon nationwide ay seryosohin po natin.

    VP LENI: Nagpapasalamat din tayo, Ka Ely, sa LGU ng Muntinlupa, dahil nag-donate sila ng 1 million pesos para sa mga biktima. Na-specify, Ka Ely, na tulong ito pampagawa ulit ng mga bahay na nasira. Pero ito, Ka Ely, napaka— Itong Muntinlupa napakahusay, kasi sa lahat na calamities, talagang sila iyong pinakaunang nagre-respond. Kaya gusto nating magpasalamat kay Mayor Fresnedi saka sa buong officialdom ng Muntinlupa. Lahat talaga, Ka Ely—lahat na bagyo, lindol, pati iyong sa Marawi—sila iyong pinakaunang LGU na parating nagre-respond.

    ELY: Ayon. So sana, iyong iba pang mga LGU na maraming pondo, ibahagi po sa ating kababayan na, ‘di ba, nasa gitna ng kalamidad.

    VP LENI: Totoo. Saka sa Itbayat talaga, Ka Ely, sobrang hirap din ng buhay kasi ang layo nila. Iyong accessibility talaga sobrang hirap, kaya kailangan talaga ng tulong.

    ELY: Opo. Okay, Ma’am, iyong sa Occidental Mindoro, iyong inyong pagbisita?

    VP LENI: Pumunta ako, Ka Ely, noong Biyernes. Actually noong Biyernes, dalawang lugar iyong pinuntahan ko—iyong Occidental Mindoro saka Calatagan, Batangas.

    Iyong sa Occidental Mindoro, pangalawang punta ko para doon sa mga mangingisda, iyong Gem-Ver—iyong binanggaan ng fishing boat ng China. Pero ngayon, Ka Ely, iyong pinuntahan ko hindi iyong mainland, pero iyong pinuntahan ko iyong Isla Ilin—kapag tiningnan natin sa mapa ng Mindoro, pinaka-south ito, maliit na isla—dahil doon nakatira iyong karamihan sa mga mangingisda na naging biktima.

    Binisita natin sila para tingnan iyong kanilang sitwasyon. Masaya sila. Masaya na pinuntahan sila. Hindi pa din sila nakakalayag hanggang ngayon. Nakakapangisda naman sila sa malapit lang, pero sobrang kaunti ng isda—kaya mahalaga din iyong guest natin ngayon—sobrang kaunti ng isda, na iyong nakukuha nila araw-araw hindi pa sapat para sa pangangailangan ng pamilya.

    Pero mabuti, Ka Ely, na nagdesisyon kami na sa Ilin pumunta, kasi nakita namin kung gaano kahirap iyong buhay doon. Halimbawa, mga isang oras din iyon by boat galing sa main island—galing San Jose, iyong pinaka-munisipyo, pinaka-poblasyon. Walang senior high doon sa isla, kaya iyong mga magsi-senior high, lilipat sa San Jose. Sobrang gastos. Magbo-boarding house doon, ang pinakamura daw, 1,500 [pesos]. So maraming mga pamilya ang hindi na nagsi-senior high iyong mga anak, dahil sa gastos.

    Tapos iyong lupa din nila, Ka Ely, iba iyong kulay—parang medyo pula, medyo pula iyong lupa nila. Tapos iyong kuwento nila, parang, hindi sila nakakatanim ng ano doon, ng palay. Ang tinatanim nila mais, mani, saka mayroong kaunting kawayan. Pero dahil very dry iyong kanilang—mainit saka very dry iyong lugar nila, iyong lupa, parang isang cropping period lang sila nakakatanim. So talagang sobrang hirap ng buhay. At ano talaga, kailangan tulungan.

    Pagbalik ko nga, kinausap ko iyong ibang staff dito sa opisina, na sinabi ko baka gusto naming tingnan na maging Angat Buhay area, at least iyong Ilin, kasi sobrang hirap talaga ng kabuhayan. So titingnan namin, magpapadala kami ng tulong. Nagpapasalamat din tayo, Ka Ely, kasi iyong pagbaba natin ngayon, mayroon tayong dalang 600,000 pesos na additional na tulong sa mga mangingisda. Parang pantawid-buhay habang hindi pa sila nakaka-hanapbuhay ulit. Pero iyong 500,000 [pesos] doon, galing kay Ambassador [Albert] del Rosario. Kung naaalala mo, Ka Ely, ito iyong binigay niya sa DFA na tulong, na ibinalik sa kaniya ng DFA. So sa atin pinadaan. Tapos iyong 100,000 [pesos], galing naman sa Team Pilipinas. Ito iyong parang isang grupo, parang people’s organization, na nagkaroon sila ng fundraising, na ang pangalan ng fundraising, Ka Ely, “Salamat Pho.” ‘Di ba sa Vietnamese kasi “pho” iyong pangalan ng noodles. So iyon iyong pangalan ng fundraising. Nakakalap sila ng 100,000 pesos. Pinadala din, at may kasama kaming dalawa na galing sa Team Pilipinas.

    So happy naman. Happy naman iyong mga mangingisda. Pero iyong katotohanan talaga, maraming tulong pa iyong kailangan.

    ELY: Pero Ma’am, hindi na sila makapangisda sa mismong ating karagatan pa rin, sa West Philippine Sea? Hindi sila? Bawal?

    VP LENI: Hindi naman, Ka Ely. Nakakapunta sila sa Reed Bank. Ang Reed Bank, dito nangyari iyong aksidente. Ito iyong pinag-aawayan na exclusive economic zone. Kasi sa Konstitusyon natin, nakalagay na kapag exclusive economic zone, dapat exclusive use and enjoyment ng Filipino citizens.

    Pero nagkukuwento ulit sila pagpunta namin doon, na ang lahat na kasama nila doon, mga, ano talaga, mga fishing boats ng mga Intsik. Sabi nila hindi sila buwelo sa hanapbuhay, kasi talagang ang kaagaw nila doon mga Chinese vessels.

    Inulit pa din nila iyong version nila ng kuwento. Medyo malungkot sila doon sa findings. Inulit nila— May sinasabi sila, Ka Ely, na hindi totoong hindi maliwanag iyong bangka nila, kasi sabi nila mayroon iyong apat na malalaking ilaw. Ang sabi nila kasing-lakas daw ng street lights, so imposibleng hindi nakita. Tapos inulit din nila iyong pagkalampas—pagkatapos silang mabangga, binalikan pa sila. Narinig noong mga kasama namin na donors, kasi kinuwento ulit nila. So nag-i-stick pa rin sila doon sa dati nilang kuwento. At siyempre, naghihintay din ng hustisya. Pero ang pinakamahalaga ngayon, iyong kanilang kabuhayan habang hindi sila nakakalayag.

    ELY: Opo. At parang ngayon nagbago po ang ihip ng hangin, ano. Naghain po ng diplomatic protest ang Pilipinas laban sa China.

    VP LENI: Masaya tayo, Ka Ely. Masaya tayo dahil ito naman iyong hinihingi natin from the very start, ‘di ba? Na sana, every time na mayroong incursion, iyong pananakop, iyong ibang aksyon ng pananakop, sana nagrereklamo tayo. Ngayon, hindi lang diplomatic protest, pero mayroon na ding mga opisyal ng pamahalaan na ito na ina-admit iyong matagal na nating nirereklamo, na parang sobrang dami ng mga Intsik na pumapasok, na hindi natin alam kung paano sila dumami nang—parang napakaikling panahon, sobrang dami na nila, naaagawan ng trabaho iyong mga Pilipino.

    ELY: Sabi nga po ni National Security Adviser, eh, na talagang threat daw sa ating security iyong pagdagsa.

    VP LENI: Saka ito talaga, Ka Ely, hindi lang dito sa Maynila. Naaalala ko pagpunta namin sa Palawan, iyon iyong reklamo ng mga tao doon. Pati sa Masbate, na sobrang layo na. Ang kuwento pa pagpunta namin— Hindi ko alam, Ka Ely, kung totoo ito, pero ang kuwento, pini-picture-an daw ng mga nandoon iyong mga ports nila, iyong mga lugar; hindi nila alam kung bakit. So mayroong takot na namumuo. Pero mabuti naman na mayroon nang pagtanggap iyong mga opisyal ng administrasyon na cause for concern talaga ito.

    ELY: Opo. Okay. At diyan po sa Negros Oriental, talagang matindi ito—

    VP LENI: Sunod-sunod iyong patayan.

    ELY: May mga nagpapanukala na iyan po ay isailalim sa batas militar, martial law. Sa Mindanao, nag-martial law, pero ang obserbasyon ng iba, parang wala namang pagbabago. Depende po siguro sa lugar. Kayo ho, dito ho sa Negros Oriental, ano po ang take niyo dito sa isyung ito?

    VP LENI: Ito kasi, Ka Ely, wala naman tayong… hindi kumpleto iyong datos natin. Siyempre iyong gusto natin, maresolba kaagad. Pero ang pinakatanong: Martial law ba iyong solusyon? Kasi nag-martial law sa Mindanao, ano na, mahigit isang taon na mula… magdadalawa na nga kasi mula 2017—dalawa na nga yata mula 2017—pero hindi naman na-prevent iyong mga karahasan—

    ELY: May mga pambobomba…

    VP LENI: Saka hindi lang karahasan. May mga pambobomba, mayroon pang suicide bombers. So paano mo ma-e-ensure na ito iyong solusyon sa kaguluhan sa Negros?

    Iyong pinaka-solusyon sana, Ka Ely, mahanap sino ba iyong behind dito sa mga patayan na ito? At mahanapan ng agarang solusyon. Kasi ang dami nang nabiktima—mayroong konsehal, mayroong barangay captain, mayroong dating mayor. Marami nang… marami nang nabiktima, pero hanggang ngayon, parang wala pa ding kaliwanagan kung saan nanggagaling, at sino iyong nasa likod ng karahasan na nangyayari.

    ELY: Okay. Sa isa pa nating isyu—siguro agahan natin maya-maya, Ma’am, iyong ating Istorya ng Pag-asa, mga 9:30—dito ho sa iyong 10th death anniversary po ng dating pangulo (Cory Aquino), ano po ang inyong mensahe?

    VP LENI: Ito, Ka Ely, gusto ko sanang maka-attend ng misa, kasi parati ko naman itong kinukuwento, talagang iyong dating Pangulong Cory Aquino iyong inspirasyon ko sa pagpasok sa gobyerno. Pero may meaningful kami, Ka Ely, na ginawa in her memory noong August 1—iyon iyong araw na nasa Occidental Mindoro ako, pero after kong pumunta sa Occidental Mindoro, pumunta ako ng Calatagan, Batangas, para mag-turn over ng classrooms for preschool children. Pero ito, iyong partner namin na sponsor nitong classrooms, iyong AGAPP Foundation. Iyong AGAPP, Ka Ely, kabahagi nito iyong anak ni dating Pangulong Aquino, si Pinky. Pero isa itong grupo ng mga… talagang mga Pilipinong ang pagmamahal sa bansa, napaka—hindi mo matatawaran. More than 1,000 classrooms na iyong nabigay nila para sa preschool children, at sabi ko nga, buti naman na naka-schedule iyon noong August 1, kasi iyong pag-alala sa kontribusyon ni dating President Cory Aquino. Alam natin na iyong pinagdaanan niya hindi basta-basta. Hindi lang sa nawala iyong asawa, pero bago nawala iyong asawa, kung ano-anong panggigipit iyong napagdaanan noong panahon ng rehimeng Marcos. Noong nakaupo na bilang presidente, alam nating sunod-sunod na kudeta iyong nalampasan. Pero maaalala kasi siya, Ka Ely, kasi iyong kaniyang administrasyon, iyon iyong turning point ng pag-regain natin ng ating demokrasya, ng ating mga democratic institutions. Kaya napakalaki ng kontribusyon para sa ating bansa.

    ELY: Pero dito, may comment diyan ang Pangulo, na naging popular lang naman daw ang dating Pangulong Cory dahil sa namatay iyong kaniyang asawa na senador, sa kamay po ng mga Marcos. [chuckles] Iyon ang pagkakasabi ha, iyon iyong termino.

    VP LENI: Parang kapag nabibigla, lumalabas iyong… [laughs]

    ELY: So kung i-a-analisa—

    VP LENI: Parang first time yata, Ka Ely, na may pangulo na sinabi, sinabi iyon nang harapan—na sa kamay ng mga Marcos namatay iyong asawa ni Cory Aquino.

    Pero ito kasi, Ka Ely, hindi siguro nagma-matter kung paano nakilala, pero iyong nagma-matter, noong binigyan ng pagkakataong makapagsilbi, paano nagsilbi? Iyon siguro iyong mahalaga. Kasi iba-iba naman talaga iyong circumstances. Totoo na— Parang ako din; siguro ako, kung hindi namatay iyong asawa ko, hindi rin ako magiging politiko. Si President Cory ganoon din. Pero iyong pinakatanong: Noong nabigyan ng pagkakataon, paano ginamit iyong kapangyarihan na binigay sa kaniya? Alam nating lahat, Ka Ely, na siya din iyong halimbawa na hindi talaga nag-abuso sa kapangyarihan na binigay.

    ELY: At siyempre iyong pagbabalik ho, panunumbalik ng demokrasya dito po sa atin, iyon ang ating tinatamasa ngayon, lahat na mga Pilipino.

    VP LENI: Saka, Ka Ely, parating tinatawaran… parating tinatawaran—lalo na ng mga supporters ng dating diktador—parating tinatawaran iyong kakayahan. Wala namang presidenteng perpekto, pero siguro kung may isang puwedeng maipagmalaki na hindi nag-abuso, hindi naging kurakot…

    ELY: Okay. Huling isyu na lang ito, Ma’am, at marami po sa ating mga kababayan—lalo na iyong mga probinsyano, iyong mga nagbu-bus—

    VP LENI: Haay naku, Ka Ely. [laughs]

    ELY: Ang Quezon City court ay pansamantalagang—

    VP LENI: Iyon iyong pinakamagandang balita para sa amin.

    ELY: Kayo, Ma’am, nagbu-bus kayo.

    VP LENI: Ako, madalas akong mag-bus… Iyon iyong pinakamagandang balita.

    Actually, Ka Ely, matagal na itong proposal, noong nasa Kongreso pa ako—at talagang in-oppose namin ito. Kasi hindi namin maintindihan iyong logic. Kasi kung— Noong nasa Kongreso ako, Ka Ely, hanggang FTI na lang. Ngayon hanggang Sta. Rosa na lang. Halimbawa—iyong bus namin malalaki—kung hanggang Sta. Rosa na lang, mas maraming mga sasakyan iyong papasok kasi ife-ferry iyong mga bumaba doon. Hindi naman… hindi naman siya mababawasan.

    Eh iyong mga nagbu-bus, ito iyong mga hindi kayang mag-eroplano, o hindi masyadong nakakaangat sa buhay. Parang masyadong grabe iyong abala—hindi lang abala, pero iyong gastos na additional na binibigay. Iyong sa akin, Ka Ely, mas mabuti sana i-limit iyong oras. Ngayon kasi, parang, iyong binigay na oras, mula—

    ELY: Hatinggabi hanggang madaling-araw.

    VP LENI: Hindi makatarungan. Dapat sana iyong makatarungan kung ibabawal nila sa mga rush hour, mas makatarungan iyon.

    ELY: Siguro, ang nakikita ko, ibawal talaga, higpitan iyong magbaba, bawal magbaba—sa terminal lang talaga.

    VP LENI: Iyong… masyado ngang— Iyong nakakalungkot nga, Ka Ely, kapag naghahanap ng solusyon, parang hindi pinag-iisipan nang malalim. Dapat parating iniisip, sino ba iyong mga maaapektuhan, at ano ba—iyong maaapektuhan ba, mas higit ba iyong benepisyong ma-a-achieve? Hindi naman. Kaya sa akin, mabuti naman na pinoint out ito ng korte. Saka sinabi talaga ng korte na bakit isi-single out iyong mga provincial buses? Ito na iyong pinaglalaban natin mula noon—bakit sini-single out iyong mga provincial buses?

    Binibigyan ng pagkakataon ng pagkakataon na sumagot iyong LTFRB, iyong OSG, para sagutin iyong preliminary injunction na binigay ng korte. Pero napakalaking bagay ito sa atin, Ka Ely, kasi dapat iyong testing mag-uumpisa na sa August 7. Napakalapit na. August 7, ano na iyon, ngayong linggo na, kaya mabuti naman na iyong desisyon inilabas nitong Biyernes.

    ELY: Okay, samantala, mga kasama, ang oras natin 9:29 na ng umaga. Sa ilang sandali ay— Umpisahan na natin ang ating Istorya ng Pag-asa. Mahabang kuwentuhan ito.

    VP LENI: Oo. Tawagin na natin ang ating guest. Ang guest natin, Ka Ely, siya ang bida—siya ang bida doon sa nanalo sa Istorya ng Pag-asa Film Festival. Ang pangalan ng film, “Ka Dodoy.”

    ELY: Opo. Best Film.

    VP LENI: Siya ang bida doon sa Best Film. Ka Dodoy, halika na po. Ito ang ating bayani ng mga [mangingisda] kasi dahil doon sa ginawa niya sa kanila. Ang tunay na pangalan ni Ka Dodoy, Roberto Ballon. Pero kilala—ang tawag sa kaniya ng lahat, Ka Dodoy. Kaya inimbitahan natin.

    Inimbitahan natin ang ating mga leader ng mga fisherfolk organization kasi doon pa lang sa pelikula, Ka Ely, bumilib na kami. Bumilib na kami sa nagawa ni Ka Dodoy doon sa kanila sa Brgy. Concepcion sa Kabasalan, Zamboanga Sibugay. Pero lalo akong bumilib noong nagbisita ako noong nakaraang linggo. Galing ako doon noong nakaraang linggo. Inikot ako ni Ka Dodoy. Inikot ako doon sa kanilang ginawa at kinuwento niya kung asan sila noong mga 1970s, ‘di ba? Kasi ang pinaka-kuwento ni Ka Dodoy talagang mula sa wala hanggang sa kaginhawaan. Pero, pero ipa-greet muna natin si Ka Dodoy sa kaniyang mga fans.

    KA DODOY: Magandang umaga sa lahat, lalo na sa iyo, Madame Vice President Leni Robredo at saka sa ating kasama, Ka Ely Saludar. Lalo na sa mga taga-Zamboanga Sibugay sa mga kasamahan ko doon sa KGMC at sa mga kasamahan ko doon na mga liders na mga mangingisda din sa buong Zamboanga Sibugay, sa Coalition of Municipal Fisherfolk Association in Zamboanga Sibugay. Magandang araw po sa inyong lahat, at magandang… malaking karangalan na nandito po—

    VP LENI: Karangalan. Ang karangalan nasa amin, Ka Dodoy, kasi nakita namin kung ano talaga ang ginawa mo. Ka Ely, ewan ko kung nakapunta ka na sa Kabasalan, pero mahirap siyang puntahan kasi walang airport doon. Talagang lilipad ka muna kung hindi sa Zamboanga City, o kung hindi sa Pagadian, ‘di ba?

    KA DODOY: Iyan ang pinaka-malapit na airport.

    VP LENI: Ang pinaka… ang Pagadian dalawang oras pa, Ka Dodoy, ‘di ba? Iyong Pagadian, magba-biyahe ka pang dalawang oras papuntang Kabasalan. Kung sa Zamboanga City ka naman pumasok, tatlong oras ba?

    KA DODOY: Mga ganoon din.

    VP LENI: Mga tatlong oras papunta sa kanila. Pero ito kasi ang kuwento ni Ka Dodoy, magsasaka—ay mangingisda siya—pero dumating ang panahon na wala nang isdang mahuli sa kanila. Ano, ‘di ba ganoon ang kuwento, Ka Dodoy? Wala nang isda. Pagpunta nga namin, kinu-kuwento ni Ka Dodoy iyong mga settlement ng mga mangingisda. Sabi niya, “Noong wala na kaming suplay ng isda, nagsi-alisan na iyan. Lumipat nang Bohol.”

    KA DODOY: Palawan marami.

    VP LENI: Ah, Palawan. Lumipat ng Palawan. Kababalik lang ulit noong bumalik na ang suplay ng isda. Siguro, Ka Dodoy, kuwento mo, ano ang sitwasyon dati?

    KA DODOY: Ito nga, medyo mahaba ang kuwento. Hindi ko alam kung…

    ELY: Hindi, okay lang. Para magsilbing inspirasyon din sa ating mga kababayan. Iyong mga mangingisda, iyong dinalaw ninyo, na bukod sa pangingisda, mayroon pang ibang puwede, may alternatibo.

    VP LENI: Oo. Totoo.

    KA DODOY: Tama iyong sinasabi ng ating Madame Vice President na dati naghirap talaga ang isda at medyo ano… Kahit nga mapunta kami ng dagat, dati pumunta ka lang sa gilid makahuli ka ng 10 to 20, minsan hirap ka nang ibenta kasi sa dami. Wala namang mga buyers. So dahil sa mga hindi magandang ginagawa din, kasama din kami doon sa pag-destruct ng aming mga resources. Pinutol ang mga mangroves, gumawa ng mga illegal fishing activities, kung anu-ano. Lahat na ng mga ano… so nawala ang mga isda. Noong nawala na ang mga isda…

    VP LENI: At saka sabi mo pinapasok kayo ng mga commercial, ‘di ba?

    KA DODOY: Oo, iyon pa. Ang mga commercial ang isa sa mga dahilan na umubos sa mga isda namin, ibang mga lugar doon, pinasok kami ng mula Visayas, Luzon na mga fishing vessels doon, iyong municipal waters namin. At dumating ang panahon na pagpunta namin ng dagat, ang iba gumagamit ng gasolina, ang iba halos hindi na makabawi ng gasolina. Ang masakit pa doon, ang dating pinakamagandang klase ng isdang inuulam namin, ay hindi na namin mai-ulam. Ang pinakabarat o ang tawag doon sa amin palutpot, pinakamaliit na pinakamurang isda, iyon nalang inuulam. Kasi kapag inulam pa namin ang magagandang isda, wala na kaming pang-bigas, wala na kaming pang ano sa bahay, pang-gastos. So iyon. At nangyari, paano ba ang—ano ba ang dahilan kung bakit ganito naubos ang isda? So doon namin napansin na iyong mga activities na ganoon. So bumuo sa aming isip na, “Paano kaya ang gagawin natin?” Dahil may mga simbahan naman doon na may mga adbokasiya na lalo na iyong sa ano, sa Catholic na mga pari na sabi, “Dahil nasira ang ano niyo diyan, hindi niyo pinigilan iyan.” So doon nagsimula na, nagbuo kami ng asosasyon, iyong KGMC (Kapulungan sa mga Gagmay’ng Mangingisda sa Concepcion) nga. GMC noong dati—1968 ata kung hindi ko nakalimutan—so GMC. Ngayon ang ginawa namin doon, sa tingin namin, ano iyong dahilan kaya nawala ang mga isda? Ang pagkawala ng aming mga mangroves na dati malawak iyon. Noong nawala ang mga mangroves diyan, so doon kami nangingisda, wala na—

    VP LENI: Wala nang binabahayan.

    KA DODOY: Wala na, wala na, wala na. Wala nang alimasag, wala nang mga iba’t ibang klaseng isda. Nang mapansin namin—so doon kami nagsimula. Sabi nga ng aming mga kasamahan, “Ano kaya magtanim tayo ng mangroves?'” So nag-connect kami sa ibang ahensya ng pamahalaan. Ganoon din ang sinasabi. Doon na kami nagsimula. So sa simula, nagtanim kami paunti-unti. Tinatawanan pa nga kami, eh. Sinasabihan kami ng mga kasamahan namin pa doon, “Mga baliw iyan. Nagtatanim ng mga mangroves, anong maaani niyo diyan?” So iyon, nagsimula…

    VP LENI: Ngayon, ilang hectares na kayo?

    KA DODOY: Mayroon na kaming almost 900 hectares of mangroves.

    VP LENI: Wow, sobrang lawak.

    KA DODOY: Natanim at protected. Kasi ang mga bakante, tinaniman namin. Iyong mga nandoon na, pinrotect na lang namin na para huwag na siyang maputol.

    ELY: Iyon ba iyong, Ma’am, pinakita sa film na drone?

    VP LENI: Oo. Tinuro ni Ka Dodoy kung alin na ang dati na parang inayos na lang nila, tapos alin ang mga bago.

    KA DODOY: Oo. Iyon nga may pinapakita ako. Minsan kapag ini-invite ako ng ibang grupo, pinapakita ko ang dati—”Iyong 90s ganito ang itsura, ngayon 2013, 2015 ganito ang itsura,” anong kaibahan ng mangroves, anong kaibahan ng kabuhayan ng mga tao. Iyon mismo ang mga bahay, iyong community, ano ang na-achieve ng mga miyembro namin. Ano ang kalagayan nila ngayon.

    VP LENI: Pero ‘di ba sabi mo, Ka Dodoy, noong nag-uumpisa kayo, parang down to five members nalang kayo.

    KA DODOY: Oo.

    VP LENI: Nakilala ko iyong five eh. Matatanda na. Sabi niya down to five members kasi wala nang interesado. Sila lang ang nagtiyaga.

    KA DODOY: Wala na. Ako ang pinakabata dati sa association. Ang trabaho ko ay secretary, ‘di ba. Sinasabi doon iyong una naming chairman na sabi niya, “Eh, anong gagawin? Mag-ano kaya tayo, magpalit kaya tayo ng mga miyembro kasi ang iba ayaw na.” Wala ding sumali dahil ay tanim ng tanim wala namang nangyayari diyan. Namumutol din ang iba. So ang kagandahan doon noong pumasok ang organizing NGO, puwede ko bang sabihin iyong CAES (Civil Agriculture Extension Service)?

    VP LENI: Oo, okay lang.

    KA DODOY: Civil Agriculture Extension Service na pumasok doon sa amin na in-organize kami.

    VP LENI: Sila ang tumulong.

    KA DODOY: Sila ang tumulong. Doon namin nakita na maganda pala ang ginagawa natin. Pero wala lang tayo sa tamang pamamaraan o iyong partnership ng asosasyon doon sa gobyerno, sa ahensya. Iyong tamang ginagawa, iyong mga timing; papaano ba kumalap ng pondo.

    VP LENI: Sila ang nagturo sa inyo.

    KA DODOY: Yes. Ang tawag nila doon sa amin noon ay iyong binigyan kami ng mga idea ng mga tools, iyong pagpaplano at saka paano magsimula. Paano mangalap ng pondo. Kasi dati ang ginagawa namin kami ang gumagastos ng gasolina. Kami ang gumagastos ng pagkain ng pupunta doon. Pabalik namin minsan nasira na kasi iyong ibang mangingisda din, ay pangisda natin dito iyong tinamnan ng mangroves. So iyon ang hirap sa amin. So nang ma-organize ng ano, ng NGO, ng CAES, nagkaroon ng, kami ng kaalaman na ganito pala. Doon nagsimula iyon na naayos namin ang ano, ang aming proyekto. Kagandahan doon, ang pagpasok kasi ng ano, ng CAES, may sponsor siya. So gobyerno pa rin natin iyon DAR (Department of Agriculture).

    VP LENI: So ang pondo galing sa gobyerno pa din?

    KA DODOY: Yes, yes. Kasi iyong NGO, iyong CAES, organizing iyong pagpasok nila. Pero gobyerno pa rin ang ano, sa pamamagitan ng project. So sa lahat ng ano, fisherfolk, kami ang may pinakamasipag kasi bago sila pumasok, nandoon na kami. Kulang na lang siya sa idea. Doon nagsimula at doon, hanggang dumami.

    VP LENI: Pero ‘di ba, Ka Dodoy, parang sinabi mo na ang dami ding problema sa mga miyembro mismo habang… ay noong nagsisimula kayo kasi mayroong mga papasaway, mayroong mga ayaw sumunod. Paano ninyo iyon ginawa?

    KA DODOY: Ang pinaka-problema kasi namin noong tinatanong ka na, “Ano ba ang mga challenges na na-encounter ninyo dito?” Ang masakit doon, dati parang hindi kami pinapansin din ng mga unang taga-ahensiya. Pangalawa, iyong minsan din iyong mga tumutulong din sa amin na mga dati, nawala na sila kasi iyong mga pari nawala na rin. Nag-retire, iyong iba nilipat so nawala na. Ang masakit pa doon, iyong kasamahan pa namin mismo siya lang ang pinaka-number one na kalaban namin. So iyon ang pinakamahirap. At noong nagawa na namin iyong mga ganoon, nakita na nila ang—kasi ang kasanayan ng, kaming mangingisda, sa English pa doon tinatawag na, “Wait and see. To see is to believe.”

    VP LENI: Oo. Kung wala pang nangyayari, ayaw pang sumali.

    KA DODOY: Kung hindi pa siguro ako nanalo ng national awardee doon sa Gawad Saka Awards sa Department of Agriculture, walang maniniwala sa akin na ito ang gagawin natin, ito ang unahin, ito ang isusunod. “Eh, maniwala ka diyan, mangingisda lang iyan magtuturo iyan sa atin?” Kaso may nakita sila na napalawak ko iyong aking mismong fish cage sa aquaculture sa grouper, sa talaba. So na-recognize ako na national awardee na ano, na fisherfolk. So doon sila naniniwala na ang sinasabi ko, nakikinig sila kasi may nakita na sila sa akin sa mga ginagawa ko.

    VP LENI: Tapos ‘di ba sinasabi mo din iyong problema sa mangrove, mga miyembro din ang mga pasaway na nag-aano… namumutol. Papaano ninyo iyon napo-police?

    KA DODOY: Hindi naman namin sila, although may batas tayo naman na bawal ang pumutol. Ang pamumutol kasi ng mangroves ang alam ko ay criminal offense naman iyon. Pero sa amin, hindi ho, sa palagay namin po, hindi iyon ang sagot na ipakulong mo siya. Ang ginagawa namin doon kapag nahuli namin mismo iyong mga kasamahan namin ay inaalis namin sa ano muna, sa asosasyon. At kapag ano iyong natatanggap namin na mga tulong sa ibang ahensya, siyempre hindi siya kasali kasi hindi na siya miyembro. Doon siya nako-konsiyensiya, “Nako, sayang hindi na ako miyembro diyan.” At ulit, gusto siya magpa-miyembro ang ginawa namin, “O, magtanim ka muna ng ano, ng at least 100 piraso ng seedlings to 500 piraso. Kapag nabuhay, miyembro ka ulit. Kapag namatay, patay pa rin ang membership mo.” Iyon ang initiation namin as membership. Kahit sa mga bago ngayon.

    Ang isa pa doon, iyong mga hindi taga-roon, ‘di ba sinasabi ko, “Maghanda na, madami ng isda iyong fishing ground namin, will… ano na siya, productive?” Pumasok itong mga taga ibang Barangay, ibang munisipyo, sabi ko, “Ano iyang ginagawa niyo?” Sabi nila, “Hinuhuli namin.” Pero pagkatapos namin siyang hulihin, dinadala namin siya sa office. Doon namin siya tinuturuan, ine-educate, pinapakain. Minsan may dala pang mga bata, kawawa. Sabi ko, “Oh, iyong mga bata, mga walang tsinelas,” Binibigyan namin iyan ng mga damit, tsinelas. Minsan mga barangay official namin at taga-LGU tinatawag namin, sabi ko, “Ano ba gagawin natin? Kaysa ng ipakulong ito o kasuhan, paglabas nito, mas maka-worse pa. May galit pa iyan sa atin.” So ngayon ang ginawa namin, sa tulong ng Diyos, so umuwi sila sa kanila, tumulong na sila ngayon, na miyembro na sila ngayon.

    VP LENI: Kasi ano, ‘di ba, parang… parang, nahawa niyo na iyong mga karatig na barangay?

    KA DODOY: Yes, oo. At dati, iyong mga pasaway na mga illegal na fishers na namumutol, nag-iilegal, sila na ngayon ang mga aktibong bantay-dagat. Iyong dati tinatawag natin sila na namimirata—hindi iyong pirata ng mangroves kasi pinuputol nila tapos ibinibenta—so ang tawag namin sa kanila mga pirata, hindi naman literal na pirata. So ngayon, sila na iyong active na—

    VP LENI: Pero papaano niyo na-train na sila na iyong mag-bantay dagat?

    KA DODOY: Iyon nga, sa tulong ng ating ahensya ng gobyerno, kami, mga fisherfolk man, kami wala kaming kakayahan mag-train ng ganoon. So ni-link din namin doon sa LGU, sa BFAR na magiging deputized fish warden sila o bantay dagat. Ngayon nga, nag-evolve na kami, bantay katunggan. Iba iyong bantay dagat at iyong bantay katunggan.

    VP LENI: Ano iyon—

    KA DODOY: Mga bantay mangroves. Kasi sa Bisaya ang katungogan ay mangroves, from the word, katungugan, in the long process, katunggan. Kahit iyong Metro Maynila nga eh, galing iyong Maynila, galing niyan sa Nilad eh, “May nilad”.

    VP LENI: May kinu-kuwento ka din, Ka Dodoy, may dalawang klaseng mangroves, ‘di ba? Parang sinasabi mo mas okay iyong isa? Iyong sabi mo iyong isa kasi Bakawan. Ano tawag doon sa isa?

    KA DODOY: Ah, iyan kasi, iyong na-educate kasi sa mga tao, kapag sinabi mo kasing mangroves o bakawan, ang kilala nila iyong bakawan. Iyong isang matigas na bakawan na may pa-uproot siya na ganon. So ang bakawan kasi dito sa Pilipinas, mayroon tayong—kung hindi ako nagkamali doon sa pinagseminar-an ko—mayroon tayong at least 35 klase ng mangrove sa Pilipinas. So ang natutunan namin ngayon, ang pinakamagaling at kapag sinabi mong, three to five years na mayroon kang totoong mangroves na—

    VP LENI: Kasi iyong pinasok natin sabi mo bago pa lang iyon, eh.

    KA DODOY: Oo, mga three years pa iyon, so mga ano na siya, 15 to 20 feet tall. So iyong pagatpat, kasi mabilis siya at iyon siya ang pinakamalaking uri ng mangrove sa Pilipinas, iyong pagatpat. Pangalawa doon, miyapi. Sa loob ng tatlo hanggang limang taon, matataas na. Iyong mangroves kasi, tatlo hanggang limang taon, pinaka mataas noon, hanggang tao pa lang. Pero kaya nga kapag sinabi mong protecting on the coastal communities at doon sa mga hangin at sa bagyo, mabisa iyong mga pagatpat at miyapi. Kahit maputol siya, sa isa o dalawang buwan, magre-regenerate siya ulit. Iyong bakawan, minsan hindi na. So mabilis na siya, matibay pa.

    VP LENI: Tapos iyong kuwento mo din—kasi noong pumunta kami, Ka Ely, nasa gitna kami tapos inabot kami ng matinding ulan. Pero kinu-kuwento ni Ka Dodoy, na dati iyong panahon ngayon, hindi sila makapangisda dahil sa lakas ng alon.

    KA DODOY: Correct.

    VP LENI: Pero ngayon na maayos na iyong mangrove, ito iyong pinaka-magandang pangingisda.

    ELY: So napigilan iyong alon?

    KA DODOY: Yes, maliban na mapigilan ang… dati kasi, iyong panahon ngayon ang tawag dito South… Monsoon Winds, hanging Habagat. Malakas iyon sa amin, so hindi kami makapalaot, hindi kami makapangisda. Ngayon, kahit malakas ang hangin, doon lang sa loob ng ilog, makapangisda kami. Marami roong shells, dala nga namin doon.

    VP LENI: Oo nga, may dala pa ako galing sa kanila na Lapu-lapu.

    KA DODOY: Mga shell at Lapu-lapu, doon kami sa loob ng mangrove sa ilog, dati noong wala pa iyong mangrove, konting hangin lang—

    VP LENI: —saka ang lalaki, ‘di ba, noong Lapu-lapu nila?

    KA DODOY: Iyon iyong nakita naming benepisyo. Kahit anong panahon, puwede kami makapangisda, dahil sa ganoong programa na ganoon. Hindi na kailangan lumaot pa nang lumaot.

    VP LENI: Tapos sinabi mo, iyon iyong tingin ko malaking lesson, Ka Ely, kaya doon sa Occidental Mindoro, galing ako doon noong [Huwebes], ito iyong binangga ng Chinese fishing vessel na mangingisda. Ang kuwento nila, napipilitan silang pumalaot dahil wala nang nakukuha doon sa kanila.

    KA DODOY: Tama.

    VP LENI: Pero iyong mga pumapalaot, talagang nawawala sila mga isang buwan? Mga isang buwan sila mawawala.

    KA DODOY: Minsan higit.

    VP LENI: Oo, kasi talagang mangingisda sila napakalayo. Tapos iyong… iyong, delikado pa masyado. Pero parang sinasabi, Ka Ely, ni Ka Dodoy, sa kanila ganiyan dati. Pero iyong naayos nila iyong municipal waters nila, hindi na sila kailangan pumalaot.

    ELY: Hindi na nila kailangang lumayo. Pero kanina iyong kuwento niyo, Ka Dodoy, iyong magandang leksyon din sa ating kababayan na huwag abusuhin, iyong ating kalikasan kasi binaggit niyo, lahat nasira, opo. Kaya dapat talagang protektahan natin.

    KA DODOY: Protektahan talaga. Ang mainam talaga na mag-protekta ang ating kalikasan, mismong tayo—tayong mga tao kung saan tayo nabubuhay at kung saan tayo nakatira. Kasi ganito iyan sa prinsipyo, at para sa atin, sa ating natutunan. UAE—University of Actual Experience namin, hanggang ngayon nag-aaral pa ako eh.

    VP LENI: Ikaw na iyong teacher ngayon. [laughs]

    KA DODOY: UAE na iyan. University of Actual Experience—

    VP LENI: Mas mahusay yata iyon. [laughs]

    KA DODOY: At saka may PHD pa ako, eh—Puro Haka-hakang Delikado. [laughter] Ngayon sinasabi ko doon, ang magandang talagang magiging sustainable na ano, na pag-aalaga sa ating resources, iyong tayong community, magkaisa tayo at ma-educate tayo sa pamamagitan din ng ating pamahalaan. Since si Madame ay politician, pero magandan naman dapat pala may politician o may gobyerno, pero hindi puwede lahat dapat i-asa. Kailangan may gagawin din tayong community. Kasi sinasabi namin noon, “Hindi tayo puwede araw-araw bibigyan ni mayor, ni governor, ni congressman ng bigas araw-araw. Puwede siguro una, dalawa, tatlo, pero pang-apat baka mag-reklamo na iyan. Pero iyong dagat kahti araw-arawin mo, oras-orasin mo, umaga, tanghali, gabi, hindi iyan magre-reklamo. Iyon ang dapat nating alagaan.” Kasi oo nga, may mga mayor tayo, tulad ng mayor namin dati na, ano siya, may political will talagang tinutulungan kami. Pero noong nawala siya, noong pumalit bagong…leader, medyo wala siyang masyadong alam sa dagat so napabayaan kami. Pero since kami ay well ano na, well-educated na doon na kami nangunguna, na maintain namin iyon. Iyon ang medyo ano sa amin na kapag community iyong mga empowered, kung sino uupo diyan, talagang mame-maintain at mame-maintain iyan. Kasi iyong mga leaders sa LGU minsan nawawala, ay mabalik ka naman sa ulo kung palagi ka mag-rely doon. Pero maganda na may talaga, kung may ganoon. Ang maganda sa amin kasi iyong partnership ng local government, between the provincial and the local, maganda. Kasi kaming community, may pinakita kaming maganda din. Ganoon iyon.

    VP LENI: Kaya inaasikaso kayo.

    KA DODOY: Kaya inaasikaso kami, pati iyong mga ano…

    VP LENI: Iyong kuwento mo, Ka Dodoy, dati down to five members kayo, pero ngayon more than 300 plus? Na-meet ko sila pagpunta ko doon. Talagang lahat ganado, ‘di ba?

    KA DODOY: Yes, oo.

    VP LENI: Lahat ganado, mayroon sila doong parang headquarters, malaki, malaki iyong headquarters nila.

    KA DODOY: May office talaga kami, ginawa talaga namin bayanihan opisina. Doon kami nagmi-meeting nagpa-plano.

    VP LENI: Pero iyong sinabi mo, Ka Dodoy, ngayon iyong mga mangrove niyo, ang dami nang silbi: pangharang, sa panahon, tapos iyon din, doon din kayo nagku-culture ng mga isda–

    KA DODOY: Ng mga Lapu-lapu, ng mga alimango, ng mga talaba, ang laking tulong talaga ng mangroves. Sinasabi ko sa kanila, “Kapag may mangroves ka, may corals ka, may sea grasses ka, lahat nandoon.” Kung ngayon iyong mga mayayaman may bangko sa siyudad, tayong mahihirap, may bangko din tayo, mas mayaman pa doon sa mga nakikita nating bangko sa siyudad: iyong dagat, iyong mangroves, corals, iyong sea grasses. Kasi araw-araw mag-withdraw ka doon, may pera ka. May pambili, may isda. Ang deposito mo lang doon, magtanim ka, alagaan mo siya. Ganoon lang. So may pera ka agad. Minsan iyong bangko maubusan ng pera, pero iyong mangroves na iyan, iyong corals, hindi nauubusan iyan alagaan mo lang, magtanim ka lang. Kahit sa amin mangroves na nga, walang corals, may sea grasses kami kaunti, pero marami talaga sa amin mangroves, so iyon talaga ang inalagaan namin sa Kabasalan.

    ELY: Dapat maganda iyan, Ma’am, ibakod natin sa West Philippine Sea—[laughter]—iyong mga sinira ng mga Chinese.

    VP LENI: Oo nga. Sira na iyong mga corals. Ang ganda ng pagpunta ko sa kanila, Ka Ely, kasi parang ang tawag sa amin noon, biyakos, ‘di ba, sa atin? May mga Bikolano dito, pero iyong sa kanila, parang ginawa, parang iyon na iyong fish pond nila, ‘di ba? Naka-experience ako noong nagha-harvest sila—

    KA DODOY: Iyong fish cage, oo.

    VP LENI: Talagang ang lalaki ng mga Lapu-lapu doon. Parang, habang nagba-biyahe kami tinuturo na ni Ka Dodoy, “Oh iyan, ito iyong mga fish cage ng mga Lapu-lapu, ito naman ang …” Ano iyon, iyong mga nandoon pa?

    KA DODOY: May mga talaba kami doon, may mga aquasilvi pa kami, may mga shell-gathering pa kami doon na mga area, mga tagnipis, so walang gutom.

    ELY: Pero iyong mga Lapu-lapu, iyong mga magagandang isda, mayroon ho kayong pinag…

    VP LENI: Market?

    KA DODOY: Opo, market. Kaya nga ito, may suot ako na ID—

    VP LENI: Mayroon silang trade fair ngayon sa Megamall.

    KA DODOY: May trade fair kami sa Megamall, sa ZAMPEX ngayon—Zamboanga Peninsula Products Exposition. So kasama ako doon sa exhibitor. Dinala natin iyong products ng ating mga mangingisda para makilala.

    ELY: So nandito kami para may delegado kayo, delegasyon.

    VP LENI: Kaya natin siya na-imbita kasi sakto.

    ELY: So, siguro, Ma’am, magandang inspirasyon po ito sa iba pang mga lugar ng ating mangingisda, na iyong iba talagang… Buti kayo hindi kayo sumuko kasi iyong iba, mag-iiba ng linya, eh.

    VP LENI: Iyon. Medyo matagal iyong umpisa nila, pero sila talagang tyinagaan.

    KA DODOY: Malapit na sana. Kaso sabi naman namin, “Kapag sumuko tayo, ibig sabihin isusuko na rin natin iyong kapalaran ng ating mga pamilya at mga ka-apo- apohan natin.” So sa tingin kasi namin, doon sa mga pag-aral kasi na binigay sa amin at mga learnings, may ginawa lang tayo na hindi maganda, pero may pag-asa pa. Kaya iyong iba kasi lumipat na ng Palawan, akala nila walang pag-asa, ngayon—

    VP LENI: Bumalik ulit, ‘di ba? [chuckles]

    KA DODOY: Oo, kaya tamang-tama ito. Istorya ng Pag-asa. Kailangan lang natin istoryahan iyong pag-asa natin.

    VP LENI: Kaya nga, eh. Iyon din, in fact, Ka Dodoy, iyon iyong dahilan kung bakit iyong pinaka-huling segment namin ni Ka Ely, Istorya ng Pag-asa iyong tawag, kasi fini-feature talaga namin iyong mga gaya mo na dumaan sa matinding pagsubok pero naging matagumpay sa huli.

    KA DODOY: Pero ano rin iyan, kasama ko rin iyong mga kasamahan kong maliliit na mangingisda. Kung ako lang din hindi ko rin kayang gawin.

    ELY: So nagkaisa talaga…

    KA DODOY: Nagkaisa kami talaga at pakisalamatan ko din iyong tulong din ng local government ng Kabasalan, ng provincial, dahil kung wala din sila… alam ninyo naman, mahirap talaga na wala kaming resources. Ang sa amin lang talaga, ang resources lang talaga namin, lakas—

    VP LENI: Pagod lang…

    KA DODOY: Pagod, ano, pawis… Minsan na-aano pa kami, nasusugatan. So ganoon lang talaga. Malaki rin iyong role ng gobyerno. Ito, ito talaga iyong ano…

    VP LENI: Parang partnership talaga. Kaya siya nag-succeed dahil sa collaboration

    ELY: Siguro, Ma’am, dagdag dito, iyong pondo, iyong ating gobyerno, para sa iba pang lugar…

    VP LENI: Totoo. Dahil ang katunayan talaga, pinaka-mahihirap—pinaka-mahirap na sektor sa lipunan natin mga mangingisda.

    ELY: Opo, iyong mga nagpapakain sa mga Pilipino, mga mangingisda at magsasaka.

    VP LENI: Very ironic, Ka Ely, ‘di ba. Pero ito, ano talaga, kaya in-imbatahan natin sila, Ka Dodoy, kasi gusto nating ipakita sa kanila… Parang ngayon naririnig ka nila pero mamaya ipapakita natin sa kanila—hindi pa sila nakakarating sa inyo—pero ipapakita natin iyong film na Ka Dodoy. Eto iyong long version, Ka Ely. Tapos after noon—pumayag ka naman, ‘di ba—magkakaroon tayo ng question and answer.

    KA DODOY: Pakita natin sa kanila na ang… sa ngayon marami na kasi kaming mga partners na tumutulong, pero hindi lang mismo sa Concepcion, sa buong probinsya. Puwede ko bang sabihin iyong mga partners natin kasi—

    VP LENI: Oo, oo.

    KA DODOY: —kasi kasama ninyo rin iyan sa Angat Buhay…

    VP LENI: Oo, totoo…

    KA DODOY: Iyong Fish and Equity Foundation, iyong Forest Foundation Philippines, BFAR, DENR (Department of Environment and Natural Resources), lahat… basta lahat…

    VP LENI: Iyon iyong mga partners.

    KA DODOY: Mga partners, oo.

    VP LENI: Pero ito, Ka Dodoy, kung sino sa kanila iyong gustong… parang interesadong gayahin iyong modelo, dadalhin namin sa inyo.

    KA DODOY: Yes, oo.

    VP LENI: Iba kasi kapag nakita mo, ‘di ba?

    KA DODOY: Oo nga.

    VP LENI: Iyong talagang malaking iyong inspirasyon kapag nakita.

    KA DODOY: Kaya noong ginawa iyong video na iyan, ang intensyon talaga diyan–

    VP LENI: Pangturo.

    KA DODOY: Pangturo… hindi… kasi alam namin itong Istorya ng Pag-asa, kasi nagfa-follow din iyong mga miyembro ko, pero sabi ko doon sa gumawa ng video, kay Mark, na… kasi minsan in-invite nila akong mag-orient doon sa mga fisherfolk nila na, “Puwede mo ba silang sabihan ng ganito?” Nakikita ko iyong mga video nila, ang gaganda. Sabi ko, “Puwede ba kong maturuan? Gawan niyo ako ng short film para sa mga mangingisda, para magturo ako, medyo may makikita rin sila, na hindi ako masyadong…”

    VP LENI: Saka mahirap kasi… mahirap na kuwento lang, na hindi nai-imagine. Kaya, ‘di ba, ako, gaya ng sabi ko Ka Ely, ibang-iba iyong pakiramdam noong kami mismo iyong nandoon. Kasi iyong sinasabi niya, nakikita mo, eh. Parang sasabihin niya, “Oh, ito, dati wala na ito lahat, nagbalikan lang ito. Ito, iyong para ito sa Lapu-lapu. Parang ano, eh, na-i-imagine mo.”

    KA DODOY: Saka alam mo, Ka Ely, noong pumunta si Madam Vice President sa lugar namin, mas lalo pang maraming na-inspire na mga mangingisda na, “Ay, oo nga pala ano, kung sumunod pala tayo doon, sana may ganoon din tayo.” Maraming tumatawag sa akin, sabi ko, “Tutulungan talaga kayo ng gobyerno pero kailangan ninyong sumunod sa mga ganitong patakaran.”

    VP LENI: Hindi saka noong pinost ko, Ka Dodoy, pinost ko sa Facebook iyong mga pictures natin, marami talagang nagko-comment na, “Gusto rin naming matuto. Baka puwedeng makita din namin?” Kaya sabi ko talagang magse-schedule tayo.

    ELY: So magandang inspirasyon ka, Ka Dodoy.

    VP LENI: Oo. Malaking bagay.

    ELY: Okay, so sa panghuli, ano pong—

    VP LENI: Alas-diyes na. [laughs]

    ELY: Ano pong mensahe ninyo sa ating mga kababayan, lalo na iyong mga mangingisda na talagang, iyan ang pinaka-problema, iyong ano, iyong walang huli.

    KA DODOY: Ang mensahe ko sa ating mga kababayan, lalo na sa ating mga mangingisda na nakatira sa mga coastal areas, alagaan lang natin ang ating karagatan, iyong shoreline natin. Huwag tayong mawalan ng pag-asa. Palagi nating asikasuhin o susundin iyong mga programa ng gobyerno. Kapag may pinapatawag iyong mga ahensiya ng gobyerno sa atin na mga training, seminars, puntahan po natin. At iyong mga.. ano iyong gusto natin gawin, kailangan po natin iyong mga partners. At ang isang pinaka-mensahe ko doon, kailangan iyong pagkakaisa. Kapag kaniya-kaniya talaga…

    VP LENI: Walang mangyayari.

    KA DODOY: Walang mangyayari sa atin. Iyon lang po ang mensahe ko. At sana pagtiyagaan natin na makaalpas tayo sa kahirapan bilang mga mangingisda. Sa tingin ko, walang mahirap kung lahat nagkakaisa.

    ELY: Okay, salamat po, Ka Dodoy. At may dalawang minuto pa tayo, Ma’am, at siguro banggitin natin—

    VP LENI: Baka daanan— Hindi natin mababasa lahat, pero, ito si Zara Mond from Saudia. Precy Credito, ito, Brgy. Sta. Ana, Calatagan, Batangas—diyan ako pumunta, Ka Ely. Napakagandang lugar. Kumusta po si Kapitan saka iyong lahat ng mga taga Brgy. Sta. Ana. Ito, Madam VP at Ka Ely, we love you from Hong Kong, Chie Garan. Ito naman, watching here at MDF Beach Resort, Cebu province. Saan kaya siya sa Cebu? Erlinda Imalay. Kumusta sa iyo, Erlinda. Watching from Tokyo, Masato Murata. Ito naman si Ehla Orot from Malaysia. Wow, parati tayong may listeners from Malaysia. Eto naman, Cleopatra Mariah Duterte, Malolos, Bulacan. Linda Lizaso Molina from Toronto, Canada. Ayan, magsasalita po ako sa Toronto next month. Ito kakilala ko ito, kaibigan ko ito, hello, Tita Irma Tabuena, kumusta ka, kumusta po sa lahat ng taga-Legazpi. Haling Perez from Imus, Cavite. Ito, Hong Kong ulit, Netz Arapan. Maria Linda Pangilinan, kumusta po sa iyo. Dan, “Proud Bicolano here,” kumusta ka Dan. Lourdes Quintos Cortez, “We support you,” maraming salamat po. Merly Blancaflor Bertillo, “God bless you always.” Si Christian Redaual, maraming salamat. Eto Bikolano pa rin, Yie Claro, Eduardo Lutch, ewan ko kung tama iyong pag-pronounce ko, Joe Paz Oquendo—ito si Joe Paz, madalas tayong samahan.

    ELY: Suki ito.

    VP LENI: Suki. Maraming salamat sa iyo. Tony Alcala Ampo, Amy Jardin, magandang umaga, “Pabati naman po ako at ang aking friend na si Yennie.” Ayan, kumusta, Amy, kumusta, Yennie. Magpapa-picture, sure, kapag nagkita tayo, bisitahin ninyo ako dito sa opisina. Ayan si Berms Cruz, kumusta ka, Berms. Ito, napaka-solid na supporter. Ara Barbante, ayon, Bikolano rin daw siya, maraming salamat sa iyo, Ara. Loreto Abar, salamat sa iyo. Gilda Buela Firaza, MC Solidum—dadaanan ko na lang, Ka Ely, kasi wala na tayong oras—Buddy Pineda, Edeliza Loquialano, Rosa Elena Purificacion, ito watching from CDO, Tatz Teng. Ito, Ka Dodoy, Alona Alegre Laplana, congratulations daw sa iyo, Ka Dodoy.

    KA DODOY: Thank you po.

    VP LENI: Ayon. Fin Cariaga, Renegade Hong Kong, kumusta iyong mga members ng Renegade. Rosario Guevarra Trillana, good morning din sa iyo. Ritz Yaba Bombardo, Mano Aldnier, sana po tama iyong pag-pronounce ko. Tony De Guzman, Conchita Valencia, Lizial Danao, Joel Cabauatan, ayan maraming salamat sa inyo. Iyong iba po, sagutin na lang natin, hindi na dito sa programa. Pero, Ka Ely, tapos na iyong programa natin pero may session pa tayo with Ka Dodoy. Ayan, excited tayong mapanood iyong long version. Ngayon ko lang mapapanood, Ka Dodoy.

    KA DODOY: Oho.

    VP LENI: Kasi ang napanood ko iyong short version, ngayon ko lang mapapanood at saka excited akong makatanong sa iyo iyong ating mga fisherfolk leaders. Excited na ba kayo? Ayon, excited na din sila. Ayon may panghuling papasalamatan lang si Ka Dodoy. Sige na, Ka Dodoy.

    KA DODOY: Nakalimutan ko pala, magpasalamat ako doon sa tumulong sa ating mga scholars na mga anak ng maliit na mangingisda.

    VP LENI: Ah, okay.

    KA DODOY: Mga cum laude pa iyong iba. Iyong HEAD Foundation.

    VP LENI: HEAD Foundation.

    KA DODOY: Oo. Sila iyong tumulong para makapag-aral iyong mga bata. Maraming salamat po.

    VP LENI: Galing, ang galing. Maraming salamat po sa HEAD Foundation. Ayon, iyon iyong dapat talagang nangyayari, binibigyan ng pagkakataon iyong ating mga kabataan. Maraming salamat, HEAD Foundation.

    ELY: Opo. Okay, Ma’am, sa panghuli, ano pong mensahe ninyo, ngayon usong-uso po at masama po ang panahon, labing-isa po ang namatay sa Iloilo—

    VP LENI: Saka iyong dengue, oo.

    ELY: —at may national dengue alert.

    VP LENI: Saka isa sa mga pinaka-malaking ano yata, iyong Western Visayas din.

    ELY: Opo.

    VP LENI: Iyong sa Iloilo, marami na iyong patay… magkakasunod na aksidente. Kaya ito dapat talaga sumusunod sa advisory kapag… hindi natin alam kung panahon talaga iyong pinaka-dahilan, pero alam mo, Ka Ely, noong nasa Occidental Mindoro kami, mayroon ding bangka na tumaob at injured iyong bangkero dahil daw sa malakas na alon. Itong sa Iloilo, mayroon yatang una nagsalpukan, hindi natin alam iyong dahilan doon sa iba, pero nakikiisa po kami. Nakikiramay kami sa mga pamilya noong mga namatayan. Sana hindi na madagdagan pa. Mag-iingat lang po lahat, masama iyong panahon ngayon. Kung puwedeng hindi magbiyahe, huwag na munang mag-biyahe.

    ELY: Opo.. Okay, iyan po ang ating Bise Presidente ng Republika ng Pilipinas, si Madam Vice President Leni Robredo. Ako pa rin po ang inyong Radyoman, Ely Saludar. Muli po, hanggang sa susunod na edisyon ng BISErbisyong Leni dito po sa RMN. Magandang umaga, Pilipinas!

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Aug 04, 2019