This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    BISErbisyong LENI – Episode 12

    30 July 2017

    [GAP 1]

    ELY: Mga kasama, isa na namang edisyon ng Biserbisyong Leni dito po sa RMN. Tayo po ay napapakinggan sa RMN Naga-DWNX 91.1, RMN Cebu-DYHP 612, RMN Cagayan de Oro-DXCC 828, at RMN Davao-DXDC 621. At maaari niyo rin kaming sundan sa Facebook, “RMN News Nationwide: The Sound of the Nation,” at siyempre sa “Leni Robredo,” ang Facebook page ng ating bise presidente.

    Dito ho, mga kasama, mula po sa Maynila, ako po si Ely Saludar. At siyempre kasama po natin ang bise presidente ng Republika ng Pilipinas, si Vice President Leni Robredo.

    Good morning po, Ma’am!

    VP LENI: Good morning, Ka Ely. Good morning po sa lahat na nakikinig sa atin ngayong umaga. Para po sa mga nakikinig sa atin sa Naga, marhay na aga sa indo gabos. Para po sa mga nakikinig sa atin sa Cebu, sa Kabisayaan, sa Davao, at sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas, maayong buntag sa inyong tanan.

    ELY: Salamat ho. At mukhang on time ho ngayon ang… Galing ho sa Naga mismo ang ating Bise Presidente. Mula po sa airport, diretso po dito sa ating studio.

    Siguro po unahin natin iyong weekend, Ma’am. Bagamat iyong inyong activities sa nakaraang linggo. Pero iyong weekend, sapagkat nagpunta kayo sa, umuwi po kayo sa Naga.

    VP LENI: Oo, noong Biyernes.

    ELY: Noong Biyernes. Sapagkat nag-report po sa aking radio program iyong RMN Naga. Ano po iyong sa kababaihan?

    VP LENI: Ah, ano po iyon, nag-celebrate kami, Ka Ely, ng 25th anniversary ng Lakas ng Kababaihan. Ako iyong founder nito, Ka Ely. Binuo namin iyong grupo noong mayor pa ang asawa ko. 1992. Nag-celebrate kami ng 25 years. Ano ito, hindi natulog iyong organisasyon. Sa 25 years, talagang very active. Ngayon, hindi lang siya Naga, pero noong ako ay nag-congresswoman, pati iyong ibang munisipyo sa aking distrito ay mayroon na ring Lakas ng Kababaihan.

    ELY: Opo. O, samantala, iyong ating mga kababayan nationwide na nakikinig po sa atin—worldwide—mamaya pag-uusapan natin, napaka-importante po nito, lalo na iyong mga may kapansanan, mga PWDs, iyong persons with disabilities. Mamaya ho, naku, napakaganda ho ito. At mas maganda ho siguro, idedetalye natin, Ma’am, sa ating mga kababayan iyong kanilang mga karapatan, benepisyo.

    VP LENI: Saka napapanahon kasi noong July 17 to 23, nag-celebrate tayo ng National Disability Prevention and Rehabilitation Week. At napapansin ko, Ka Ely, iyong ating mga texters saka mga callers, maraming nakikinig sa atin na PWD, at marami silang katanungan. Kaya imbes na tayo ang sasagot, nag-imbita tayo ng dalawang pillars ng PWD sector. Makakausap po natin sila mamaya.

    ELY: At sa nagdaang linggo, ano po ba iyong mga naging aktibidad ng tanggapan po ng Bise Presidente? VP LENI: Medyo malaking okasyon para sa opisina namin na dinaluhan namin, nagkaroon ng parang launching— Hindi pala, hindi launching kasi na-launch na ito. Parang opening ng exhibit ng Istorya ng Pag-asa sa Novaliches. Ito ay kasabay ng 42nd anniversary ng Barangay Novaliches Proper.

    Ito, Ka Ely, napaka-inspiring nito, kasi 42 na kuwento din iyong mga kuwentong fineature nila. Pinangunahan po ito ng barangay captain nila, si Barangay Captain Cion Visaya. Ano ito, Ka Ely, kapag binasa mo iyong kuwento ng bawat isa, talagang nakakaantig ng puso. At iyong 42 na iyon, dumalo at pinarangalan sa barangay hall ng Barangay Novaliches Proper.

    ELY: Alam niyo ho, itong Istorya ng Pag-asa, napakaimportante ho nito. Alam niyo, iyong tao, hindi kailangang parating materyal na bagay. Kasi kung minsan iyong morale, lahat ispiritwal… Importante din po ito, itong Istorya ng Pag-asa, makakuha po tayo ng inspirasyon sa iba nating kababayan na nalampasan iyong kahirapan at pagsubok sa buhay.

    VP LENI: Mamaya, Ka Ely, mayroon tayong bisita. May bisita tayo, isa na namang napaka-inspiring story. Ito, Ka Ely, tumira sa isang sementeryo. Doon siya lumaki. Habang nag-aaral siya, doon siya nakatira sa sementeryo. Nakapagtapos siya ng kolehiyo. Iyong detalye, maririnig natin mismo mula sa kanila.

    ELY: Ano pa po iyong ating mga pinagkaabalahan?

    VP LENI: Noong Thursday, nagpunta kami ni outgoing UK Ambassador Asif Ahmad doon sa isang orphanage. Itong orphanage na ito, nasa Sta. Ana, Manila, iyong Missionaries of the Poor. Actually ito, Ka Ely, madalas akong pumunta dito. Pero noong naikuwento ko kay Ambassador Asif Ahmad na mayroong ganito na nangangalaga ng mga abandoned na mga batang may kapansanan, abandoned na matatanda, naging interesado siya. Lalong lalo pa kasi iyong susunod pala na assignment ni Ambassador sa Jamaica, at iyong mga pari, mga missionaries na nangangalaga sa mga batang may kapansanan at matatanda, mga galing Jamaica. Kaya pumunta kami, bumisita sa matatanda saka sa mga bata, at ipinakilala natin si Ambassador Asif Ahmad sa mga pari.

    At itong pagpunta ko sa Naga, dapat sana lilipad kami papuntang Catanduanes… Alam mo, Ka Ely, isa sila sa pinaka-devastated noong Typhoon Nina—iyong typhoon na Christmas dumating—at in fact iyong staff ko, nauna na doon, pero nag-advise kasi iyong piloto na huwag nang tumuloy, kasi masama iyong panahon. Kaya noong Biyernes, lumipad kami papuntang Catanduanes, hanggang Legazpi lang kami, kaya nagpunta na lang kami sa Naga.

    Pero iyong sa Naga, Ka Ely, bawat uwi ko doon, punung-puno ang schedule. Mayroon kaming ini-inaugurate na 20-classroom school building sa Calabanga. Mayroong isang launching ng basketball program. Marami. Kaya kagabi, umaga na ako umuwi ngayon, kasi late at night, mayroong Halyao Awards. Pinarangalan iyong outstanding businessmen sa Naga. Kaya sikip, medyo sikip iyong ating weekend.

    ELY: Okay, so iyon ho, mga kasama, napakaimportante ho ng mga aktibidad ng ating bise presidente.

    [music break]

    ELY: Siguro magandang banggitin din natin ito, Madam Vice President, dahil sa isa ring Bicolano ang nakatanggap po ng parangal dito sa 2017 Ramon Magsaysay awards. Isang pong awardee is Atty. Lilia de Lima, na isang Bicolano, Bicolana.

    VP LENI: Itong si Atty. Lilia de Lima, pareho kaming Bicolano nito. Pareho kami ng probinsyang pinanggalingan—Camarines Sur. Pero ito, Ka Ely, kilalang kilala, hindi lang sa gobyerno, Ka Ely, pero pati sa private sector, na napaka-professional na public servant. Ilang administrasyon na iyong nagdaan, siya iyong namumuno ng PEZA, at recently lang siya nag-retire. Kaya tingin ko, fitting tribute ito sa pag-retire niya, iyong mahabang panahon na iginugol niya para sa PEZA.

    ELY: Ito, inaabot ko rin ho sa BOI noon. Bagong reporter ho ako sa business beat… At siyempre, nababanggit po natin itong Ramon Magsaysay Awards, dahil isa po sa mga awardee ang yumao niyo pong kabiyak, ang dating mayor at DILG secretary Jesse Robredo. So ito po ay talagang masasabi nating prestihiyosong award na ito…

    VP LENI: Kilala siya, Ka Ely, bilang Nobel Prize, parang Asian equivalent ng Nobel Prize.

    ELY: Opo. So congratulations, at at least iyong mga taga-Bicol ang nagpapakita ng galing.

    VP LENI: Hindi lang iyon, Ka Ely. Dalawang Filipinos iyong awardees ngayong tao. Hindi lang si Atty. Lilia de Lima, kundi iyong PETA. Alam mo, Ka Ely, isa akong avid fan ng PETA. Malapit ito sa may bahay namin, at madalas napaka-relevant ng mga plays na pinapanood namin doon. Kaya tingin ko, napaka-deserving talaga noong PETA.

    ELY: Opo. Sa ating mga listeners, diyan lang po kayo. Uulitin po natin, pag-uusapan natin iyong mga PWDs. Alam niyo ho, marami tayong mga kababayan na kahit sila ay may kapansanan, iyong iba parang balewala lang sa kanila iyan at patuloy silang tumutulong sa kanilang komunidad, sa kanilang pamilya, at sa kanilang sarili. So may mga batas po ba tayo rito tungkol sa PWDs. Mas maganda pong himayin natin, at bigyan iyong ating mga kababayan na may kamag-anak silang may kapansanan, na hindi diyan natatapos ang lahat, mga kasama.

    [music break]

    ELY: Oras natin, mga kasama, 9:14. Good morning ulit sa mga kasama natin sa Cebu, Cagayan de Oro, Davao, at Naga. Siyempre, dito sa ating mga kasama sa Manila, at sa buong bansa, at buong mundo, na sumusubaybay. Maraming OFW po ang sumusubaybay.

    VP LENI: Oo. Kung titingnan mo iyong mga tumatawag, nagtetext, maraming mga OFWs. Kaya magandang umaga po sa inyong lahat.

    ELY: Siguro ipakilala na po natin iyong ating panauhin dito sa studio…

    [GAP 2]

    ELY: Para mabahagi ang kanilang kwento, karanasan, at siyempre, maipapayo rin nila sa mga kababayan natin mula sa sektor ng PWD.

    VP LENI: Totoo yan, ka Ely. Mapalad po tayo ngayong umaga at dalawa sa mga talagang haligi ng PWD sector ngayon ang kasama po natin ngayong umaga. Ipapakilala po natin sila. Iyong una po si Ms. Carmen Reyes Zubiaga, magkakilala na po kami nito. Matagal na, nagkakasama kami sa mga okasyon. Siya iyong OIC ng National Council on Disability Affairs. Magandang umaga sayo, Carmen.

    CARMEN REYES ZUBIAGA: Good morning, Vice. Isa pong karangalan ang makasama kayo sa inyong programa dito sa RMN, and to Mr. Ely Saludar, ang aking paboritong announcer.

    ELY: Good morning po, salamat po.

    VP LENI: Eto, ka Ely, itong pangalawa nating bisita, ito idol na idol namin ito. Alam mo, ka Ely, kahit may kapansanan, parang wala din dahil sa serbisyo sa ating bayan. Napakasipag. Napakasipag, walang iniinda. Iyong paglilingkod talaga para sa PWD sector tsaka sa mga kababayan natin, hindi natatawaran. Magandang umaga po, Mr. Noli Agcaoili.

    NOLI AGCAOILI: Magandang umaga po, Bise. Magandang umaga po sa ating DJ na nandito.

    VP LENI: Si Mr. Agcaoili, ka Ely ang representative ng PWD sector. Tapos siya iyong President at CEO ng Tahanang Walang Hagdan. Binisita ko ito ilang linggo pa lang ang nakararaan, at napaka-inspiring din. Napaka-inspiring din iyong dinatnan natin doon. Napakaraming may kapansanan, pero parang wala rin. Parating sinasabi, ka Ely kapag nasasalubong natin iyong mga gaya ni Mr. Agcaoili, mga kagaya ni Noli, tsaka ni Carmen, gusto nating ipakita sa mga kababayan natin na maraming reklamo. Dahil sila… Kung mayroong dapat magreklamo, dapat sila iyon. Pero imbis na magreklamo, talagang napakasipag nila.

    ELY: At tumutulong pa ho sa kapwa.

    VP LENI: Oo. Kaya po natin sila inimbita, kasi gaya po sabi ko kanina, i-celebrate natin iyong Disability Week na katatapos lang. July 17-23. Tapos bawat linggo po, marami kaming texters at callers na nagtatanong tungkol sa benepisyo ng PWD. Minabuti po namin na imbis na kami iyong sasagot, inimbita namin kayo para kayo iyong magbahagi sa kanila.

    ELY: At siyempre, lumawak ng lumawak ito. Sabihin natin, iyong batas patungkol po dito sa PWD. Diba nagkaroon po diyan ng ano, ng mga dagdag na benepisyo po. Ang alam ko, ang author niyan, si dating Congressman Romuladez – Martin. At naipasa po yan ng dalawang kapulungan ng Kongreso. May mga VAT exemption po iyan, so siguro maganda ho, Ma’am – sa inyo ho muna, papaano niyo po ba nalampasan iyong ganito.

    VP LENI: Maganda iyong kwento, maganda iyong kwento nito ni Carmen.

    CARMEN REYES ZUBIAGA: Una po talaga, ako, bata pa lang, may kapansanan na ako. Pero sa aking pamilya, doon naranasan ko talaga na ako tinatrato bilang karaniwang bata: may mga tungkulin. Doon na-feel ko parang wala akong disability. Pero noong ako po ay lumabas sa komunidad, noong ako ay nag-aral na, doon ko na po naramdaman iyong mga ano, mga diskriminasyon. Iyong tinatanggihan tayo ng mga teachers, at iyong mga kapaligiran, ay naramdaman ko na kulang pala. Kailangan pala may wheelchair. O kaya kailangan maipagamot para makalakad muli. Lahat ng iyan ay dinanas ko dahil una, kami ay hindi naman — Iyong nanay ko ay labandera, at iyong tatay ko ay karpintero. Siyam kaming magkakapatid.

    VP LENI: Pang-ilan ka, Carmen?

    CARMEN REYES ZUBIAGA: Pang-anim.

    VP LENI: Pang-anim.

    CARMEN REYES ZUBIAGA: Siyam kaming magkakapatid na. Siyempre kailangan pagkasiyahin ang kinikita. Kaya noong ako ay nag-graduate ng elementary, sabi ng nanay ko, “Gusto man kitang pag-aralin, malayo ang paaralan at mahal ang bayad, kaya hindi ano… pasensiya muna”. Sampung tao akong tumigil ng bahay. Kung anu-ano ang ginagawa ko doon. Nag-aral akong manahi.

    VP LENI: Hindi kayo agad nag-aral ng high school?

    CARMEN REYES ZUBIAGA: Hindi kaagad. Tapos noong ten years, nabalik na… Nabasa ko iyong tungkol sa isang madre na nagtayo ng Tahanang Walang Hagdanan at mayroon siyang, meron siyang sinabing link sa isang special school na puwede ako makapag-aral kahit ako ay 24 years old na na first year. So, nagpunta ako doon, labag man sa kalooban ng aking mga magulang. At isang malaking dagok pa rin, dahil sabi sa akin “Bakit hindi ka nagpa-reserve? Hindi ka namin matatanggap.” Pero noong hinanap ko iyong madre, si Sr. Valeriana – siya talaga ang nagbigay sa akin ng chance. Tamang-tama naman na mayroong isang dormitory for students on wheelchairs na bagong tayo at doon niya ako inilagay.

    VP LENI: Doon ka nag-high school?

    CARMEN REYES ZUBIAGA: Oo, sa katapat na school. Muntik pa akong hindi makapasok dahil ayaw akong tanggapin noong madre.

    VP LENI: So gusto mong sabihin Carmen, nag-high school ka, 24 years old ka na?

    CARMEN REYES ZUBIAGA: Yes. Tapos kumuha ako ng… First year high school ako noon. Tapos nag-take ako ng placement test. Kaya from first year high school na promote ako to first year college.

    VP LENI: So isang taon ka lang sa high school.

    CARMEN REYES ZUBIAGA: So iyon, nakapag-kolehiyo ako at nakatapos. At nagbigay ako ng aking serbisyo din sa Tahanang Walang Hagdanan bilang pagtanaw ng utang na loob sa madre na tumulong sa akin, si Sr. Valeriana. Ngayon ay 89 years old na siya ngayon. Nasa St. Theresa’s siya ngayon.

    VP LENI: Tapos nakapagtapos kayo ng college?

    CARMEN REYES ZUBIAGA: Nakapagtapos ako ng kolehiyo at nabigyan rin ako ng pagkakataon na maging isang iskolar ng ADB for my Master’s – Management.

    VP LENI: Nag-Master’s pa, ka Ely.

    CARMEN REYES ZUBIAGA: At nakapag-trabaho din ako sa UNDP as the first International UN volunteer na with disability. Nadestino ako sa Cambodia at doon nagtrabaho ako ng tatlong taon as Executive Director ng National Center for the Disabled na sinimulan ko, ako talaga ang nag-improve noon at nag-stabilize. And at the same time, adviser ng Ministry of Social Affairs of Cambodia on Disability.

    ELY: So iyong mga kwento Ma’am, parang walang kapansanan.

    VP LENI: Oo nga eh.

    ELY: Halos lahat parang normal na tao…

    VP LENI: Oo nga eh. Labandera ang nanay, karpintero ang tatay. Nagsimula ng high school, 24 years old na dahil mahirap iyong pamilya. Siyam na magkakapatid, pero nakatapos ng kolehiyo, nag-Master’s. Nakapagtrabaho sa UNDP, na-assign pa sa Cambodia. At ngayon nandito siya sa atin para makapagsilbi. Pero ka Ely, iyong kasama nating isa, si Ka Noli Agcaoili. Binabasa ko iyong kwento niya, parang hawig din sa kwento ni Carmen. Mayroong isang medyo pareho sa kanila. Iyong medyo medyo pareho sa kanila, iyong mga magulang nila, hindi sila tinrato na may-kapansanan. Kaya siguro pakinggan natin, ka Ely, ano naman iyong pinagdaanan niya mula noong siya at bata pa.

    NOEL AGCAOILI: Ako po ay may kapansanan mula pa noong dalawang taong gulang. Nagkaroon po ako ng polio. Sa awa po naman ng Diyos, nakapag-aral, nakatapos ng kolehiyo. Kaya lang walang diploma kasi hindi ako nag-ROTC at PE so ayaw akong bigyan ng diploma dahil kailangan raw mag-ROTC at PE ako.

    VP LENI: Wala pong exemption?

    NOEL AGCAOILI: Wala pong exemption nung nakatapos ako, that was in 1960.

    VP LENI: Pero paano – nabasa ko po na habang nag-aaral kayo, parang mayroon pa rin kayong mga gawaing-bahay na naka-assign sa inyo. Kahit kayo ay hindi nakakalakad, inaasahan pa rin kayong mag-commute. Public transportation, ka Ely. Kaya talagang pinagtiyagaan.

    NOEL AGCAOILI: Eh kasi ang nanay ko gusto ako ang naghuhugas ng pinggan. Mas malinis daw akong maghugas kaysa doon sa kapatid ko. At saka talagang, ano man ang gagawin ng mga kapatid ko. Kung magbubus, magbubus din ako. Walang special treatment.

    VP LENI: Walang special treatment. As in hindi kayo nag special school, lahat regular school. At eto po, dirediretso kayo hanggang college, hindi lang po kayo nabigyan ng diploma dahil sa PE at sa ROTC?

    NOLI AGCAOILI: Opo.

    ELY: Pero noon ho kasi sabihin natin na mayroong diskriminasyon noon,

    VP LENI: At malakas iyong diskriminasyon

    ELY: Pero ngayon at least, may mga batas na pinapalawig po iyan ng ating kongreso. Ito, naiimplement na po.

    NOLI AGCAOILI: Kailangan ko i-clarify iyon. Pero quite often, iyong study na ginawa, hindi naman discrimination, kung hindi, kadalasan, iyong mga able person hindi nila maintindihan kung papaano magrerelate-

    VP LENI: Paano itreat-

    NOLI AGCAOILI: o magtretreat ng mga may kapansanan. Ako naman, napaka mapalad dahil sa akin kasi sabi ko sa kanila kahit papaano niyo ako tratuhin, okay lang sa akin. So I really did not have any problem with discrimination, in fact, as I think a lot of people will tell you, I worked for multinationals. So sa awa ng Diyos, binigyan naman ako ng magandang career

    VP LENI: Normal na normal.

    NOLI AGCAOILI: So itong aking adbokasiya para sa may kapansanan na tawag ko sa sarili ko, payback.

    ELY: Opo.

    VP LENI: Kasi napakatagal niya na, ka Ely. Alam mo kilala ko na si Ka Noli kahit hindi pa ako pumapasok sa pulitika. Buhay pa iyong asawa ko, alam ko, kilala ko na siya, kilalang tumutulong nga talaga at sumusulong sa adbokasiya ng PWD.

    ELY: Opo. So siguro dahil sa magandang pagkakataon ito, noh, pagusapan natin iyong PWD para bigyan po din natin ng gabay iyong pangkaraniwang may kapansanan na hindi po nila alam iyong kanilang karapatan, iyong kanilang benipisyo na binibigay po ng gobyerno sa pamamagitan po ng mga batas. So pwede po ba natin, bigyan po natin sila ng–

    NOLI AGCAOILI: One thing ah, para sa mga may kapansanan. Disability is an act of fate, so handicap is a frame of mind. So lahat ng ating gustong gawin sa ating buhay, nasa sa atin iyon, nag-uumpisa sa ating pananaw.

    ELY: Opo, okay.

    NOLI AGCAOILI: Ngayon kung sa mga batas, iyong isang batas na talagang very happy about is RA 10754, ito ay iyong binibigyan ng pribilehiyo ang iyong may kapansanan na magkaroon ng 20% discount at hindi na subject sa Value Added Tax iyong kanyang purchases. Ang isa pang batas na I think dapat natin maintindihan is iyong RA 10633, ito naman ay minamandate ang ating COMELEC na magbigay ng accessible precincts.

    VP LENI: Sa pagboto.

    NOLI AGCAOILI: At pagrerehistro. Isa pa na talagang masaya ako na nakuha namin sa senado at sa kongreso is RA 10699 kasi ito iyong nagbibigay ng national status sa mga paralympic athletes. Noong una kasi hindi sila nabibigyan ng atensyon. Kung maka-gold man sila, ang nakukuha nila is 25,000 lang. Hindi kapareho ng ibang recognized athletes. Iyong RA 10699 pag nagkaroon ng gold medal ka, 5 million iyan. Kahit doon ka paralympics. So ito naman ay isinabatas ni Senator Sonny Angara.

    ELY: Okay, so napakaganda nito, idetalye lang konti, lahat po ng serbisyo may discount po, pwede po ba natin ikumpara sa Senior Citizen?

    VP LENI: Ka Ely mayroon tayong texts na nakukuha, na iyong 20% ba para sa lahat na produkto o para sa lahat ng serbisyo?

    CARMEN REYES ZUBIAGA: Hindi po, may mga certain goods lang po na mayroong discount at exempted sa Value Added Tax. At mayroon din tayong special discount, which is 5%, from basic and prime commodities, ano, na nabibili natin sa groceries and supermarket, as perscribed by DTI ano, nadagdagan na po iyong ating basic and prime commodities, dati 19, pero ngayon mga 26 na sila.

    VP LENI: Bigas, asukal,

    CARMEN REYES ZUBIAGA: Opo, kasama na rin po iyong mga fuel, pati iyong mga, mayroon po silang dinagdag at iyon po ay nasa listahan ng DTI.

    ELY: Opo. Kasi kanina po pinapakita ni sir Noli, 20% discount tapos wala pa sa VAT so mga 32% din discount.

    NOLI AGCAOILI: Ang kailangan lang maintindihan natin pag dating sa consumer item, isda, manok, ang margin kasi diyan ng mga retailers diyan is very little. So ang binibigay diyan is anywhere between 5-6% lang pero hindi na sina-subject iyan sa Value Added Tax.

    ELY: Opo. So siguro mas maganda para sa kaalaman din ng ating mga PWDs, mga nasa bahay lang, mas maganda po kung magparehistro sila.

    VP LENI: Hindi sila mabibigyan ng 20% off at saka 5% kung walang ID.

    CARMEN REYES ZUBIAGA: Yes, opo. Kailangan po kayo ay magparehistro at kumuha ng PWD ID sa inyong munisipio, o kaya po sa inyong PWD officers o kung sino man inassign ng ating local chief executives na mag issue nito. At una kailangan niyo ng certificate of disability na iyon po ay, anim na kategorya lamang po iyan, at hindi po kasama iyong mga sakit like Palsy, kasi usualy dito po nagkakaroon ng kalituhan doon sa chronic illness with disability, so ibig sabihin po na hindi po iyong sakit ninyo ang ating ilalagay kundi iyong kapansanan na naging bunga ng inyong chronic illness.

    ELY: Opo. May dagdag po kayo, ka Noli?

    NOLI AGCAOILI: Alam niyo po, siguro dapat din malaman nila na ang pagiging member ng PhilHealth ngayon, automatic na pag kayo ay may kapansanan. So malaking nakukuha mong benefit kung member ka ng PhilHealth. Unang una mayroon silang new package na lumabas na kung may kapansanan ka, putol iyong paa mo, iyong prosthesis libre. At kung ikaw ay may anak na may kapansanan, iyong anak mo ay may kapansanan din tapos kung member ka ng PhilHealth, iyong kanyang assistive device, makukuha mo sa PhilHealth mismo. Ito I think, kailanganang kailangan talaga kasi I think, lalo na kung magaaral iyong bata at kailangan ng assistive device, hindi na kaya ng ina iyong kargahin iyong bata pag dating ng 5 or 6 years old.

    VP LENI: Oo, kailangan ng wheelchair.

    NOLI AGCAOILI: Kailangan naka-wheelchair na. Atsaka kasi, lalo na doon sa mga pamilyang mahihirap, lalo na doon sa mga magulang na nagtratrabaho, kagaya, halimbawa ng isang magulang sa probinsya at ang trabaho niya ay labandera pero hindi niya maiwan iyong bata kasi walang wheelchair. Walang assistive device. Pero kung may assistive device na iyon, maiiwan niya at iyon, natutuwa naman kami sapagkat sa mga experiences namin na nakikita, aba pag iyong bata ay nasa eskwela at nakawheelchair na, iyong ating tinatawag na working or being together, tinutulungan siya noong kanyang mga ka-eskwela. Parang, anong tawag doon, oo. Tinutulungan siya, sinasamahan pa sa–

    VP LENI: Sa banyo.

    NOLI AGCAOILI: Sa restroom, at sila ang nagtutulak kasi wala iyong magulang eh. So napakamagandang pananaw iyon dahil nakikita natin iyong mga batang natututong tumulong sa mga may kapansanan.

    ELY: So iyong sa mga PWDs, ang paliwanag po sa akin, pag tumungtong na sa Senior Citizen, sa 60, susurrender daw iyong ID?

    CARMEN REYES ZUBIAGA: Hindi po. Iba po kasi. Iba po kasi iyong Senior Citizen’s Act at iba rin po iyong PWD RA 10754. So ang layunin, isa po kasing layunin natin ay mairehistro natin ang mga persons with disability, eh hindi naman po lahat ng senior ay may disability. At una, at pangalawa, ang PWD ID po ay pwede din gawin pong pass sa mga parking. Para po sa mga persons with disability, kasi pag wala kayong disability kahit senior citizen ka, hindi ka puwedeng pumarada doon.

    NOLI AGCAOILI: Mayroon po silang designated parking.

    CARMEN REYES ZUBIAGA: Pero ang parking po hindi kasali sa 20% discount, ang bayad sa parking hindi kasama sa 20% kasi ibang batas po iyon. Prerogative po ng operator noong parking kung magbibigay ng discount o hindi.

    NOLI AGCAOILI: Pero dapat nga magkaroon ng batas eh, wala nang bayad kung bumili ka naman doon sa establishment.

    CARMEN REYES ZUBIAGA: Opo dapat nga walang bayad, pero ang hope po nito ay i-ano natin iyan, dahil ngayon ina-amend po natin iyong Accessibility Law ay lahat po ng mga benepisyo na iyan dahil ito naman po para sa mga may kapansanan na sana mabigyan ng pansin din.

    NOLI AGCAOILI: Mayroon kang senior, mayroon kang PWD, isa lang ang pwede mong gamitin. Pangalawa pinag-uusapan natin ang parking, nasa sektor din iyan kung ano ang gagawin natin para matulungan sila diyan sa parking. Ngayon, ilang mall na ang pumapayag na kapag ikaw ay mag kapansanan, walang bayad ang parking mo.

    CARMEN REYES ZUBIAGA: Magandang balita iyon.

    NOLI AGCAOILI: Pero kailangan doon talaga, nasa sektor na ituloy ang adbokasiya, nang makatulong sa kapwa. So isa-isa iyan talaga kakausapin mo, dito kami nagpapasalamat sa doon sa aming programang Mabini Awards kasi doon iyong mga mall, nagkakaroon ng incentive na talagang gawin lahat ng facility nila accessible at magbigay ng mga benepisyo sa may kapansanan.

    ELY: Pero dito po sa atin sa Pilipinas, hindi po ganon kabigat ang parusa kasi katulad sa ibang bansa, sa Amerika, kapag iyon po ay para po sa PWD pag pumarada ka na hindi ka PWD, talagang matindi pong kasi po sa atin dati nakikita ko sa ibang mga mall kahit sino man kahit batang-bata pumarada iyong sasakyan so hindi po ganon kabigat at siguro kulang po sa kaalaman, wala ho talagang pinapataw na multa.

    NOLI AGCAOILI: Alam mo depende na iyan sa kung ano ang ating nakukuha sa ating gobyerno na ipinapataw sa mga nagba-violate. Kasi kadalasan iyan, kahit sa Amerika, iyong violation niyan is a municipal or city ordinance. Hindi nanggagaling sa national.

    CARMEN REYES ZUBIAGA: Siguro po iano din natin iyong example natin, iyong Quezon City gumawa sila ng ordinance sa city kasi malakas talaga ang kampanya nila dito sa Accessibility Law, ay gumawa po sila ng ordinance na lahat po ng sasakyan na makita nila na nakaharang doon sa mga rampa o doon sa mga dadaanan ng PWD, ay ito-tow po nila iyan at magmumulta. Kaya ito po iyong sinasabi natin dahil ang accessibility po iyan ay dapat ay pinangungunahan ng local government, so siguro kung natandaan natin eh noong nag-issue po, unangnag-issue si Secretary Robredo po noon, lahat ng mga LGU dapat gumawa ng municipal or city council on disability affairs, na kung saan doon ito ay magplaplano para maisama natin ang PWD sa local governance, at ang pagpapatupad din po ng BP 344 ay ini-instruct niya iyan sa lahat ng mga LGU.

    ELY: Okay so, Sir Noli ano iyong mga requirements, basic po, para sa makakuha po ng ID, kasi may mga nagtetext po, nagtatanong, ano ho ba kailangan diyan? Eh makita lang ho ba na may kapansanan okay na? Kailangan ng sulat sa doktor, o medical certificate?

    NOLI AGCAOILI: Depende sa tipo ng kapansanan iyan eh, kung talagang visual, maluwag ang local government, pero ang problema natin ay iyong hindi visual ang kanilang kapansanan. Halimbawa iyong autisim, halimbawa ng ito iyong sa intellectual side, ang hinihingi naman lang diyan ay doctor’s certificate. Pero iyong sa regular, hindi sila very strict eh. In fact, some of them are issuing kahit na wala iyong birth certificate basta visual at barangay certification lang pwede na.

    CARMEN REYES ZUBIAGA: Actually ang talagang requirements mo diyan ay dalawang ID picture saka iyong certificate of disability, hindi po kasama iyang mga barangay certificate na iyan, mga voter’s ID mga…

    VP LENI: Hindi na iyan kailangan?

    CARMEN REYES ZUBIAGA: Hindi po kailangan iyon dahil lahat po iyan ay nakalagay sa batas na hindi po pwedeng magdagdag ng requirements ang kahit sino ang mga local government sa pagkuha ng ID dahil PWD nga po iyan, at kung siya po ay minor or iyong bata ay hindi naman po talaga pwedeng irequire mo ng Voter’s ID.

    ELY: Pero ma’am, ganito ah, alam mo naman iyong ibang mga Pilipino, para makakuha ng diskwento kasi iba diyan gustong manggulang, pepekein po nila at sasabihin nila na may kapansanan sila, may kaibigan po silang doktor na nagbigay po ng certificate, may nahuli na ba tayong ganito? Wala pa po?

    CARMEN REYES ZUBIAGA: Meron na po! Meron na sa Valenzuela po, mayroon po tayong nareport po sa atin, ang Mercury Drug doon mismo doon na sumita dahil ang nakalagay po sa kanyang ID, orthopedic disability. Pero tinanong siya, nahihirapan po ba kayo maglakad? Hindi naman! Tapos tinanong niya, hinold niya iyong ID, in fact ang unang nagreport sa amin iyong kinompiskahan ng ID, pero hindi ito kinompiska, pinaverify lang doon sa nag-issue at doon po nagkaroon ng kalituhan kung bakit po naisyuhan ang isang tao na sinasabing may orthopedic disability kung wala naman pala. Siya mismo ang nagsabi na wala naman pala. Pero madali lang naman po madetect kung ang isang PWD ay namemeke. Hindi po niya alam kung ano talaga iyong disability na sinasabi niya.

    VP LENI: Saka iyong isang tanong noong ako nasa Kongreso pa Carmen, iyong tanong, halimbawa daw bibili ng gamot para sa PWD, pero hindi iyong bibili hindi siya mismo. Puwede po ba iyon?

    CARMEN REYES ZUBIAGA: Hindi po, hindi po. Kaya nga po tayo ay hinihingian ng reseta, kahit nga po doon sa over the counter at ibang medical requirements, kailangan po dalhin ang nireseta ng doktor.

    VP LENI: Kailangan iyong bumibili iyong PWD mismo?

    CARMEN REYES ZUBIAGA: You are an authorized representative as long as iyong reseta nakapangalan sa kanya at ito ay nireseta ng isang certified o…

    VP LENI: Dapat iyong resetang pinapakita, nakapangalan doon sa PWD, so kung over the counter pero hindi ikaw iyong ID holder, dala mo lang

    CARMEN REYES ZUBIAGA: Hindi po.

    VP LENI: Kasagutan iyon sa nagtatanong sa amin.

    NOLI AGCAOILI: Kasi halimbawa mayroon tayong kapansanan na hindi visibile, lalo na iyong mga autistic children, hindi rin sila pupwede na sila mismo iyong bibili, o iyong may Down Syndrome, kaya ito ang sinasabi ng batas kailangan may ID ng PWD at may reseta na nakapangalan sa PWD.

    VP LENI: Ito bang authorized representative kailangan ba may dalhin pa siya para pampatunay na siya ang authorized representative?

    CARMEN REYES ZUBIAGA: In fact po, nakalagay po doon sa ID mismo, ang legal guardian ng holder at siya lang po ang pwedeng magtransact, at siya lang din po kung ang bata o ang person with disability is not capable of authorizing or wala siyang decision-making ano, iyong guardian ang mago-authorize para makipagtranscact.

    VP LENI: May naalala pa po akong, Ka Noli, na isang tanong noong mga nakaraang linggo, tungkol nga doon sa PhilHealth na automatic membership ng PWD, halimbawa doon naospital sila, wala pa silang registration sa PhilHealth, ano iyong pwede nilang gawin para maka-avail ng PhilHealth?

    NOLI AGCAOILI: Kasi po, basic iyong registration eh. So, wala pa kaming tungkol diyan. Pero ang alam ko, kailangang kailangan na kumuha sila.

    VP LENI: So, kailangan talagang pumunta sila sa PhilHealth?

    CARMEN REYES ZUBIAGA: Pero may practice po kasi tayo na halimbawa po doon sa mga hospital ng gobyerno, Minsan sa mga senior citizens talaga kapag hindi sila nakalista ay automatic na ireregister sila. Pero ngayon po kasi sa PWD, wala pa po tayong batas na nagsasabi na automatic membership iyong mga persons with disability.

    ELY: Pero mas maganda siguro, magpalista nalang po sila. May tinatawag po sa NDR niyan eh. Para pag nagkasakit man, mabilis na po ang proseso.

    CARMEN REYES ZUBIAGA: Opo kasi. Pero majority po kasi ng PWD ay dependent naman sila. Lalo na yung mga bata ay dependent naman iyon ng kanilang mga magulang or dependent sila ng kanilang mga kamag anak. Pero ang gusto po kasi natin ay maisabatas din iyong bill na inilalakad ngayon ni Representative Vargas na iyong automatic membership na sa PhilHealth. Kasi po kapag nagreach na siya ng 21 ang PWD, ay except kung hindi na siya qualified magtrabaho, ay hindi na siya magiging dependent ng kanyang guardian o magulang.

    ELY: Kasi sa Senior Citizen, kapag 60, automatic na talaga. Pero dito syempre, kapag may ID po kayo sakop po kayo ng No Balance Billing ng mga government hospital. Ayun no? So, talagang napakabilis talaga ng oras at bago po tayo magtapos ay baka mayroon po kayong mensahe sa ating mga kababayan na nakikinig ngayon lalo na po iyong mga may kapansanan. Siguro iyong sa mga nag aaalaga din po. Kasi minsan, talagang hirap din po sila e.

    CARMEN REYES ZUBIAGA: Opo. Entitled po ang ating mga guardians sa tax exemption, additional tax exemption kung sila po ay first to fourth degree of consanguinity or affinity. Ibig sabihin, kahit hindi kayo blood-related as long as na establish iyong apelyido niyo ay puwede po siyang gawing dependent. At siguro, sasamantalahin ko nalang din po. At bukas po, August 1 ay White Cane Safety Day. Ibig sabihin po iyong mga

    ELY: Tuesday po. August 1.

    CARMEN REYES ZUBIAGA: Tuesday no? Dito po tinitingnan natin ang kalagayan ng ating mga kapatid na may kapansanan po sa paningin at ito ang kanilang araw. Ang White Cane ay simbolo ng kanilang independence. Ito po iyong tungkod. Dahil sa pamamagitan po ng White Cane ay sila ay nagiging malaya sa ating kapaligiran. Ngunit kailangan pong bigyan din natin ng provision sa accesibility iyon pong paggamit ng directional tax na siya pong magiging guide para sa kanilang paggalaw sa ating kapaligiran. Ang nakakalungkot po dito, ay bihira po talaga. Sa ating mga pedestrian, sa ating mga warning, sa mga directional area na maging tactile parang hindi po ata uso sa Pilipinas.

    ELY: Ikaw naman po Ka Noli, ano po ang inyong mensahe sa iyong ihahabol ko lang po, may nagtetext kasi dito po sa mga kalsada okay po siguro sa iba na mayroon silang guardian pero doon sa mga pangkaraniwan pong mga tao na hindi po sila makatawid sa kabilang side. Dito po sa atin, iyong mga nasa kalsada wala po talagang tawiran po no lalo na para sa mga may kapansanan. Lalo na po sa mga naka wheel chair.

    VP LENI: Walang gabay

    ELY: Wala po.

    NOLI AGCAOILI: Kasi po napapag usapan iyan ng matagal eh. Pero kung titingnan mo, dahil po nagko-cross no. Iyong mga MMDA offficers naman sila mismo ang tumutulong. Pinako-cross ka dahil alam nila na hindi ka makakaakyat doon sa ramp. So, siguro ang pinakamasasabi ko lang sa kanila ay kagaya ko, kausapin mo iyong mga MMDA officer, iiescort ka pa

    ELY: Ang binabangggit po ay depende po siguro sa lugar kasi iyong kung wala pong MMDA doon sa lugar nila, iyon po talaga. Siguro, makinpag ugnayan po sa mga lokal na pamahalaan. May mga local traffic enforcer naman po maam.

    VP LENI: Ang alam ko Ka Ely, mayroon tayong mga regular na PWD texters na galing sa Bohol at galing sa Aurora. Parati silang nakikinig sa atin at marami silang parating tanong tungkol sa mga PWD.

    CARMEN REYES ZUBIAGA: Siguro, iparating din po natin no na sa ngayon mayroon tayong bill for sustainable transport na kasama po diyan iyong paglalagay at imamandato na po ang paglalagay ng mga traffic signals with all the audible warning signals. Pati rin po iyong pagpapatupad ng accessible transport para sa mga persons with disability. Ito po ay hinahangad talaga natin na matupad. Dahil ito talaga iyong kulang na kulang sa atin. Kung kaya hindi tayo makapagtrabaho, hindi tayo makapunta sa mga gusto nating puntahan. Dahil ang transportation po natin ay hindi accessible.

    ELY: Okay, so bago magtapos, Sir Noli, baka mayroon po kayong gustong mensahe para sa ating mga kababayan. Sige po!

    NOLI AGCAOILI: Ako lang siguro, hihilingin ko na talagang ang gobyerno, suriin ng maayos kung ilan talaga ang mga may kapansanan dito sa ating bayan. Kasi lumalabas sa statistics ng gobyerno, 1.6 only sa population.

    VP LENI: Iyong yung registered?

    NOLI AGCAOILI: Iyon daw ang nakuha ng National Statistics Office. Ang alam mo, nakakahiya kasi 1.6 million or 1.6 percent ng population samantalang sa mga developed countries like United States, 7.2 and in the case of Japan is 6.1, Germany is 6.4. Aba aý kinakanchawan tayo, na talaga bang ganyan kahusay at ganyan kaliit liit ang populasyon ng mga may kapansanan. Isa pa, hindi tuloy tayo makakuha tayo ng mga international grant dahil sinasabi, konti lang naman. Pero ang tunay po talagang statistics 1 percent. Magdevelop tayo as mandated by RA 7277 which mandates that Philhealth, Philippine Department of Health will come up with a roster or the right statistics with persons with disability. Isa po sigurong hihilingin ko sa Senado kasi noong hearing namin tungkol doon sa 10754 very specific si Senator Sotto na dapat iyong bata na may kapansanan, iyong magulang binibigyan sila ng under regular deduction. Dapat ito, ang point ni Senator Sotto, ay additional. Ngayon ang interpretation kasi ng BIR ay hindi, mayroon na siyang deduction, so I think Senator Sotto should clarify this with the BIR na lumabas, nawala iyong essence na talagang dapat bigyan ng additional deduction iyong parent ng may kapansanan. Isa pa po dapat nating tignan, sinabi nga ni Carmen, mahirap mangako na bibigyan natin ng trabaho ang may kapansanan kung hindi accessible. Mayroon ng batas tayo diyan, BP 344, pero iyong BP 344 is limited to structure, not to transportation mode. So siguro dapat i-revisit natin iyan at i-amend natin.

    ELY: Siguro po sa mga susunod pa na palatuntunan natin, makuha rin natin iyong panig, iyong mga nakapending na mga batas, importante po iyon, at muling makipag-ugnayan po kami ulit sa inyo.

    VP LENI: Wala na tayong oras Ka Ely, kaya nagpapasalamat po kami Carmen, Ka Noli. Maraming salamat po.

    ELY: Okay so atunayan po, kumbaga sa baliwala lang po sa kanila ang kanilang kapansanan, at nakarating po mismo sila dito sa ating studio. Sandali lang po mga kasama, magpapaalam muna tayo. Oras na natin mga kasama 9:53 na po ng umaga.

    GAP 3

    ELY: Maraming salamat po sa nag text sa amin, ito PWD si Efren Payupay at sige kokontakin kayo ng OVP, at sa lahat ng ating mga tagasubaybay dito sa ating palatuntunan.

    [Advertisment]

    ELY: Ito ho, isa rin po ito sapinaka inaabangan dito din po sa Biserbisyong Leni, ay ito pong Istorya ng Pag-Asa. Talagang dito po, itong ating Bise Presidente, talagang tinutukan niya ito, pumunta po siya sa abroad, sa Hong Kong para kunin iyong istorya ng ating kababayan.

    VP LENI: Kaya ngayong umaga ka Ely, napakainspiring ng kwento ng ating bisita ngayong umaga at napakaganda niya. Ito iyong kinekwento ko kanina, ka Ely, ito iyong kinekwento ko na nakakatira sa sementeryo. Ang ating bisita ay si Khaye Ann Igle. Magandang umaga Khaye!

    KHAYE ANN IGLE: Good morning ma’am.

    ELY: So may binabanggit po ang ating Bise Presidente na kayo po ay nakatira sa sementeryo? Paano po-

    VP LENI: Saang sementeryo, Khaye?

    KHAYE ANN IGLE: Manila North Cemetery.

    VP LENI: Bakit doon kayo nakatira?

    KHAYE ANN IGLE: Ano po eh, since 1970, nandoon na po lola ko. Doon na po iyong nanay ko lumaki, doon rin po ako pinanganak.

    VP LENI: Pero bakit doon iyong lola mo?

    KHAYE ANN IGLE: Galing po sila ng Pampanga, nagkaroon po ng lahar, bale napunta po sila dito sa Manila dahil wala pa silang matitirhan.

    VP LENI: Ah, walang matitirhan kaya sa Manila North Cemetery tumira. Tapos iyong nanay mo kasama na iyong lola mo paglipat, tapos ikaw, doon ka din ipinanganak?

    KHAYE ANN IGLE: Opo.

    VP LENI: Doon ka lumaki?

    KHAYE ANN IGLE: Opo.

    VP LENI: Anong klaseng tirahan niyo sa Manila North Cemetery?

    KHAYE ANN IGLE: Kubo-kubo po. May mga tangke, iyong tangke ng patay.

    VP LENI: Katabi niyo iyon?

    KHAYE ANN IGLE: Doon po ako mismo nakahiga

    VP LENI: Doon ka nakahiga sa mismong-

    ELY: Anong tawag doon, nitso

    VP LENI: Sa Bicol kasi ka Ely panchong iyong tawag namin. Pero gusto ko lang sabihin natutulog ka sa nitso?

    KHAYE ANN IGLE: Opo ma’am

    ELY: Kasi iyong ibang tao nakikita natatakot na

    VP LENI: Oo natatakot na! Noong bata ka hindi ka ba natatakot?

    KHAYE ANN IGLE: Noong bata po ako, natatakot po ako, pero ngayon

    ELY: Nawala din. So talagang kakaiba ito noh, ilan po kayo lahat doon?

    KHAYE ANN IGLE: Sa street po namin, magkaka–

    ELY: Ah marami, marami

    KHAYE ANN IGLE: Opo, pero buong sementeryo po, madami po eh.

    ELY: So ano, puro naging biktima ng lahar? Sama sama ba kayo?

    VP LENI: Iba-iba. Iba-iba ata iyong pinanggalingan nila Ely. Iyong lola niya naging biktima ng lahar.

    ELY: Paano iyong mga kuryente, tubig–

    KHAYE ANN IGLE: Jumper po

    VP LENI: Naka-jumper?

    KHAYE ANN IGLE: Laging putol

    ELY: Eh diba may mga mayayaman doon na parang may mausoleo

    VP LENI: Oo

    ELY: At may mga linya ng kuryente, tapos tubig doon din?

    KHAYE ANN IGLE: Opo. Pero pag November 1 iyong ilaw nila.

    ELY: Ah, pinuputol?

    VP LENI: So saan kayo nagjujumper?

    KHAYE ANN IGLE: Sa may Bonifacio po, iyong pa-Quezon City.

    VP LENI: At ito, lumaki ka sa ganoon?

    KHAYE ANN IGLE: Opo.

    VP LENI: So, pero, nung nag-aaral ka… Nakapag-aral ka naman?

    KHAYE ANN IGLE: Opo.

    VP LENI: Saan ka nag-aral?

    KHAYE ANN IGLE: Graduate po ako sa Eulogio Amang Rodriguez.

    VP LENI: Ah, Eulogio Amang Rodriguez. Doon ka nag-Elementary?

    KHAYE ANN IGLE: Hindi po, college na po. Noong elementary, Mariano Ponce.

    VP LENI: Mariano Ponce – doon ka nag-Elementary. Saan ka nag-High School?

    KHAYE ANN IGLE: Noong High School po, doon po sa Dona Teodora Alonzo. First Year at saka Second Year po. Iyong Third Year at Fourth Year, Manuel L Quezon sa Blumentritt po. Kasi po noong sa Teodoro po ako, bale sumasakay po ako ng isang sakay. Eh yung baon ko din po bente. Kaya naisipan po naming lumipat. Sa MLQ po nilalakad ko lang po.

    VP LENI: Nilalakad mo lang. Pero habang nandoon ka, anong trabaho ng tatay at nanay mo?

    KHAYE ANN IGLE: Noong dati po, yung nanay ko po sa bahay lang. Iyong tatay ko lang po talaga yung nagbebenta po ng mga plastic, mga lumpia, shanghai. Iba iba po, kung anong iutos sa kaniya.

    VP LENI: Nangangalakal siya?

    KHAYE ANN IGLE: Opo. Iyong nanay ko po nag-iipon ng mga plastic bottle, ayun po. Tapos yung mga…

    VP LENI: Ilan kayong magkakapatid?

    KHAYE ANN IGLE: Lima po.

    VP LENI: Pang-ilan ikaw?

    KHAYE ANN IGLE: Panganay po.

    VP LENI: Noong college ka na?

    KHAYE ANN IGLE: Noong college na po ako, sinama ko po si nanay sa pagtitinda ng sampaguita.

    VP LENI: Nagtitinda ka ng sampaguita?

    KHAYE ANN IGLE: Opo, since 5 years old po ako.

    VP LENI: Saan ka nagtitinda?

    KHAYE ANN IGLE: Mula po sa amin, papuntang Banawe, hanggang Sto. Domingo. Minsan po umaabot po akong Cubao, noong bata po ako.

    VP LENI: Paano ka nakakarating sa Cubao? Ang layo noon.

    KHAYE ANN IGLE: Nanglilimos po, pagka-halimbawa ng pagkain, binebentahan ko hanggang makarating na po ako doon.

    ELY: Pero ito po, naka-graduate po siya, ano. Degree-holder po siya.

    VP LENI: At saka ano, Ka Ely ha, 5 years old – nagbebenta na siya ng sampaguita.

    ELY: Saan ka nagtatrabaho ngayon?

    KHAYE ANN IGLE: Sa ngayon po, sa ano po ako… Noong una po volunteer sa barangay. Tapos binigyan na po ako ng sahod ni Kap.

    VP LENI: Pero naghahanap yata si Khaye ng trabaho. Ano siya, BS Tourism graduate.

    KHAYE ANN IGLE: Opo.

    ELY: Saan mo gusto magtrabaho?

    KHAYE ANN IGLE: Mga hotel po o restaurant.

    ELY: Ah, oo. Ang kagandahan po rito Ma’am, sa kabila ng naging biktima po sila ng… Tapos eh,

    biruin mo sementeryo,

    VP: Oo, sementeryo.

    ELY: Talagang ang hirap po ng dinanas niyo, ng inyong pamilya.

    VP LENI: At saka, noong nag-aaral ka na, nagtitinda ka pa din ng sampaguita?

    KHAYE ANN IGLE: Opo, pagka Halimbawa po, hapon yung pasok ko. Sa umaga po.

    VP LENI: Nagtitinda ka muna?

    KHAYE ANN IGLE: Opo. Pangkain.

    VP LENI: Tapos yung, nakaka-ilan ka naman sa isang araw?

    KHAYE ANN IGLE: Depende po, kasi kapag mahal po yung sampaguita, tutubo lang po ako ng 50 or 100.

    VP LENI: Iyon na iyong pambaon mo?

    KHAYE ANN IGLE: Hindi lang po sa akin. Binibigay ko po sa nanay ko. Bali, yung baon ko po doon, 20. Tapos nung nag-college po ako 50, bali pamasahe po.

    VP LENI: Pero noong nag-college ka, buti nakayanan niyo makapag-aral ka ng college.

    KHAYE ANN IGLE: May tumulong po sa akin. NGO po siya.

    VP LENI: Ah, may tumulong sa iyo. Anong pangalan noong NGO?

    KHAYE ANN IGLE: Childhope of Asia Philippines po.

    VP LENI: Sila yung nagpa-aral sa iyo?

    KHAYE ANN IGLE: Opo. Tapos yung iba ko pong expenses sa sampaguita, halimbawa po mayroon po akong ibang expenses na hindi ko po mabayaran o kulang po iyong pambayad ko, tinutulungan po ako. At saka po yung Chairman, si Kap Bayna, doon po sa barangay isa rin po siya sa tumutulong.

    VP LENI: Tinutulungan ka din?

    KHAYE ANN IGLE: Opo. Si Kuya Alex po, at saka si Ate Nanette. Marami rin pong tumutulong

    sa akin.

    ELY: At tsaka, hanga ako sa kaniya kasi may ibang mga bata na katulad ng ganiyan… Napapariwara na. Napupunta sa iba’t ibang bisyo.

    VP LENI: Oo.

    ELY: Nagsasampaguita tapos pupunta sa… Halimbawa, madadaan ka sa lugar na iyan.

    VP LENI: Napakaganda at napakahinhin.

    ELY: Okay so sa panghuli, Khaye baka may ibig kang sabihin, mensahe sa ating mga kababayan na ikaw nalampasan mo iyong pagsubok mo at ng iyong pamilya, ngayon nandiyan ka at kahit papaano maayos ang kalagayan kumpara sa iba, kaya sige bigyan mo sila ng inspirasyon.

    KHAYE ANN IGLE: Ako po si Khaye Ann Igle, nakatapos po ako ng pag-aaral ko dahil sa pangarap ko na hindi lang po para sa akin, kung hindi pangarap para sa pamilya ko. Naranasan ko na po iyong hirap na ito po pagtira sa sementeryo, binubully or minamaliit po noong ibang mga tao kaya sabi ko sa sarili ko na magtatapos po ako ng pag-aaral hindi lang po para sa akin, para po sa pamilya ko at sa mga kapatid ko, kasi bilang panganay po responsibilidad ko po sila. At saka po na kung sakali po na pagdating ng panahon na magkaroon ako ng sarili kong pamilya, ayoko po na iyong magiging anak ko..

    VP LENI: Daanan din iyong pinagdaanan…

    KHAYE ANN IGLE: ..maging katulad din po noong pinagdaanan ko. Kasi po sa totoo lang, sa sementeryo po kami nakatira, marami pong ibang tao na iisipin, iyong masama po iniisip sa amin. so ako po sabi kong ganyan, mapapatunayan ko na mali po kayo na iniisip, nakapagtapos na ako ng pag-aaral, papatunayan ko pa na mali…

    VP LENI: At ngayon nakapagtapos ka nga.

    ELY: Okay Khaye, salamat sa iyong oras dito sa aming palatuntunan.

    VP LENI: Maraming salamat, Khaye, napakainspiring ng kwento mo at iyong kwento mo ay ikwekwento namin ng ikwekwento dahil iyong pinagdaanan mo ay hindi basta-basta pero nalampasan mo lahat ng pinagdaanan mo.

    ELY and VP LENI: Maraming salamat Khaye.

    ELY: Ang bilis ng oras, ma’am, baka may gusto kayong idagdag na mensahe sa ating mga kababayan.

    VP LENI: Gusto lang natin batiin ka Ely iyong mga OFWs natin na nakikinig sa atin ngayon, nanonood sa FB Live, mayroon po tayong galing Saudi Arabia, Singapore, Melbourne, Australia; New York, California, Hawaii, Texas, New Jersey at Canada. At marami din po tayong nakikinig sa iba’t ibang probinsiya. Sa buong kapuluan, mayroon pong taga Ilo-ilo, Albay, Cam Sur, Negros Oriental, Negros Occidental, pati Northern Samar, ka Ely mayroon. Cebu, Pampanga, Roxas City, Cavite, saka dito sa NCR marami din nagparamdam. Mayroong mga taga Malabon, Manila, Makati, Pasig, Quezon City, at mayroon ding Antique, Davao, Cagayan de Oro, Quezon at Laguna. Ito nakakatuwa ito ka Ely, kasi kahit nandito tayo sa Maynila, parang maliit iyong mundo, kasama natin iyong mga kababayan natin sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

    ELY: Ito po ang sabihin natin, ganda po ng bagong teknolohiya, lahat kahil sa malayo ka man ay nailalapit ang iyong sarili.

    VP LENI: Saka iyong mga nakikinig sa atin ka Ely na mga OFW, baka gusto nila magparticipate sa ating proyektong Istorya ng Pag-asa. Kung mayroon po tayong mga kababayan na alam niyo po na may mga kwentong, mga istorya po na kagaya po ng mga fini-feature natin na pwede natin ikwento sa iba para makapagbigay ng pag-asa baka pwede pong ishare niyo sa amin.

    ELY: So ma’am maraming salamat po muli at lagpas na at diretso mula sa ating studio, at para po makapagserbisyo sa ating mga kababayan. Salamat po.

    VP LENI: Maraming salamat, ka Ely, maraming salamat po sa mga tagapakinig.

    ELY: Opo, maraming salamat diyan po sa Cebu, Cagayan de Oro, Naga, at syempre dito po sa Metro Manila at sa lahat po na inabot ng aming broadcast, salamat po. Hanggang sa susunod na linggo, at dito po sa Biserbisyong Leni, ako po rin ho si Ely Saludar.

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Jul 30, 2017