This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    BISErbisyong LENI – Episode 13

    6 August 2017

    ELY: Magandang umaga po, Luzon, Visayas, at Mindanao! At siyempre, ngayon po ay Linggo, August 6, 2017. Isa na namang edisyon ng Biserbisyong Leni dito po sa RMN. Tayo po ay napapakinggan sa RMN Naga-DWNX 91.1, RMN Cebu-DYHP 612, RMN Cagayan de Oro-DXCC 828, at RMN Davao-DXDC 621.

    Siyempre sa ating Facebook, “RMN: The Sound of the Nation,” at sa Facebook na “Leni Robredo.” Mga kasama, ako na naman po si Ely Saludar. Siyempre, kasama natin dito sa ating studio ang ating Bise Presidente ng Republika ng Pilipinas, si Madam Vice President Leni Robredo. Good morning, Ma’am!

    VP LENI: Good morning! Good morning po sa lahat ng nakikinig sa atin ngayong umaga. Sa mga taga-Bicol, marhay na aga po sa indo gabos. Sa mga taga-Visayas at Mindanao, maayong buntag sa inyong tanan. Good morning, Ka Ely.

    ELY: Good morning po! At good morning sa lahat ng ating mga kababayan. At ito na po, marami tayong pag-uusapan. Ito po, napakaimportante pong pag-uusapan natin, at alam niyo kadalasan good news po iyong pinag-uusapan natin.

    VP LENI: Marami tayong good news, Ka Ely, ngayong linggo.

    ELY: Sa nagdaang linggo, ano po ba iyong mga naging aktibidad natin?

    VP LENI: Medyo puno, Ka Ely, iyong linggo. Noong Biyernes, nandoon tayo sa Kananga, Leyte. Iyong Kananga, isa ito sa pinakagrabe iyong damage noong nagka-6.5 magnitude na lindol. Pagpunta natin doon, naabutan natin sila sa evacuation center. Iyong evacuation center na pinuntahan natin, Ka Ely, 80 families iyong nandoon, pero apparently, 3,000 plus na families iyong affected. Alam mo iyong bundok kasi kung saan pinakamalakas iyong lindol, nag-landslide siya, at hindi na sila pinapabalik. Ito iyong 80 na pamilya na hindi na sila puwedeng bumalik pa doon sa dating kinatitirikan.

    Medyo nakakalungkot dahil siyempre naghahanap ngayon iyong municipal government ng paglilipatan nila. Nakatira sila sa tent. Noong pagpunta namin, malakas iyong ulan, kaya mayroong mga tent na medyo pinapasok din ng ulan.

    Pero nakakagulat, masaya pa rin iyong mga tao.

    ELY: Talagang ganiyan naman ho. Kahit na sa hirap po ay masaya po ang mga Pilipino, at kayang kaya po, ano?

    VP LENI: Oo, ELY: … na malampasan iyong mga iyan.

    VP LENI: Saka noong Miyerkules, nandoon ako sa Navotas. Pang-apat na bisita namin ito sa Metro Manila. Ang tawag namin sa programa, Metro Laylayan. Noong pinakaunang pinuntahan namin sa Caloocan. Pangalawa, sa Pateros. Pangatlo, sa Malabon. Pang-apat na sa Navotas. At nagpapasalamat tayo sa city government ng Navotas, kay Mayor JR Tiangco, na sinamahan tayo sa pag-ikot. Pati na rin kay Cong. Toby. Napakabait noong city officials, pati iyong mga barangay officials.

    Iyong barangay na pinuntahan natin, isa din na marami iyong naghihirap pero masasaya din iyong mga tao. Kaya ito, Ka Ely, nagbibigay parati sa atin ng inspirasyon bawat baba natin sa mahihirap na lugar, kasi nakikita natin na kahit mahirap iyong pinagdadaanan ng mga tao, masasaya pa din sila. Sabi ko, kapag ganito, parang wala tayong karapatang magreklamo sa lahat ng mga dumadaan sa atin.

    ELY: Iyon ho, ano. Siyempre lahat tayo, mag-antabay lang. Siyempre, Ma’am, maraming serbisyo at adbokasiya na ibinibigay po ng inyong tanggapan. At ulitin po natin, hindi lang naman pang-materyal. Lahat po ay ibinibigay natin. At isa po sa mga pinakatampok natin, siyempre iyong Istorya ng Pag-asa. Mamaya…

    VP LENI: Oo, mamaya. Isang inspirasyon na naman ang ipapakilala natin, Ka Ely.

    Pero Ka Ely, gusto ko lang balikan iyong mga sumusulat sa atin linggo-linggo. Karamihan dito, na-contact na natin. Pero mayroong isa na pangalawang beses na niyang nag-contact, pero noong tinatawagan ng aming opisina ay hindi sumasagot. Iyong kaniyang number ay 0907-749-9491. Kaya kung nakikinig po… Rafael daw iyong kaniyang pangalan. Kung nakikinig po ikaw, Rafael, baka puwedeng pa-text ulit, kasi dalawang beses na daw tumawag sa iyo iyong opisina, hindi ka daw nako-contact.

    Tapos mayroong isang nag-text, Ka Ely, ang kuwento niya ilang beses na siyang nag-text pero wala pa din daw iyong tulong na hinihingi. Iyong tulong na hinihingi, farm-to-market road. Gusto po naming ipaliwanag na hindi ganoong kabilis iyong farm-to-market road. Hindi po siya kagaya noong medical, noong livelihood, pati iyong tulong pabahay na puwede na agad desisyunan ngayon, kasi iyong farm-to-market road, kinokonsidera iyon na hard infrastructure. Hindi tayo puwedeng gumastos kung hindi siya kabahagi ng budget ng ating bansa.

    Tiningnan ko iyong records, June 8 nagdala na ng endorsement iyong aming opisina sa Department of Agriculture. Pero kahit nakapadala na ng endorsement, mahabang proseso pa ito. Kaya kung nakikinig po iyong nag-text sa atin, ang gagawin po noon, kapag nakuha ng Department of Agriculture iyong endorsement namin tungkol sa request niyo, mag-o-ocular pa po iyon. Mag-o-ocular doon sa inyo—taga-Bohol siya, Ka Ely. Mag-o-ocular po sa inyo, titingnan iyong lugar, kung tama ba iyong hinihingi. ‘Pag na-ocular na, nailagay na okay, isa-submit pa lang ito sa budget. Iyong budget, Ka Ely, one year iyon before ginagawa. Kaya iyong ginagastos natin for 2017, 2016 pa ito na-approve. Kaya kung kasaling ma-approve ng DA iyong request noong ating texter, ito po makakasali ito sa 2018 budget pa. Bawal po tayong gumastos sa hard infra na hindi siya kasama sa General Appropriations Act.

    ELY: Siguro po ay inyo pong nauunawaan iyong proseso kasi kinakailangang isabatas iyang General Appropriations Act, na inaaksyunan ng dalawang kapulungan ng Kongreso bago lagdaan ng Presidente.

    Okay, samantala… Ma’am, maganda pong kumustahin din natin ito hong usapin sa K-12.

    [GAP 2: Interview with DepEd ASec. Tonisito Umali]

    VP LENI: Mapalad tayo, Ka Ely, ngayon kasi kausap natin via phone patch iyong ating undersecretary… Ito, Ka Ely, napakadaling kausap. Bawat pangangailangan natin, madaling tumugon. Kasama po natin ngayong umaga, DepEd Undersecretary Tonisito Umali.

    ELY: ASec, magandang umaga po sa inyo!

    ASEC. UMALI: Magandang umaga po sa inyo! Ma’am VP Leni, Kuya Ely, at sa lahat ng nakikinig, magandang umaga po sa inyo.

    ELY: Hihingi po kami ng update dito po sa implementasyon ng K-12. Mukhang naubos na rin iyong tumututol dito…

    VP LENI: Ito, Ka Ely, noong simula maraming tumututol, pero naaalala ko, noong enrollment… Kung hindi ako nagkakamali, ASec, 1.5 million iyong nag-enroll sa senior high school. Tama po ba?

    ASEC. UMALI: Tama po iyon, Ma’am VP, at ngayon pong taong ito, halos lahat ng mga numerong iyon ay nagpatuloy ng Grade 12, kaya nga po iyong ating projected total number of enrollees, both public and private, from Kinder to Grade 12, ay nasa 27 million po ang tinataya po natin. As of the other day po, Kuya Ely, Ma’am VP, ay nasa 26.6 na po iyong naka-capture noong ating EPEIS, or iyong electronic way of monitoring the students who are enrolling in our public and private schools. So we are hitting almost the numbers that we really expect po.

    VP LENI: Ito, Asec, siyempre dahil bago itong programa, marami iyong pangangailangan ng additional classrooms, additional teachers, textbooks, etcetera. Nakakahabol po ba tayo sa mga pangangailangan?

    ASEC. UMALI: Ma’am VP, iyong sa classrooms, may mga ongoing pa po tayong constructions for Grade 12. Ginagawan po natin ng paraan doon sa mga lugar na hindi pa natatapos doon para sa Grade 12, by using, for example, classrooms para doon sa junior high school. Pansamantala po lamang, dahil kapag natapos na, hindi na po mag-do-double shift ang junior high school. Kasi gusto po natin single shift iyong junior high school dahil very focused po iyong pagtuturo. Mga ganoong pamamaraan, among others, Madam VP. Iyon po iyong ating ginagawa.

    In terms of textbooks. Iyan, medyo madugo po. Mayroon pa rin pong mga textbooks na hanggang ngayon ay hanggang ngayon pinabi-bid pa rin po natin, kasi may ilan na— We can just imagine po, because there are four tracks…

    VP LENI: Saka bago lahat po, ‘di ba? Bago iyong materials.

    ASEC. UMALI: Opo. Kaya it really takes time po. Pero we’re getting there po.

    VP LENI: Ito, Asec, iyong bunso ko pong anak, first batch po siya ng K-12. Grade 11 siya noong nakaraang school year, ngayon papasok ng Grade 12. At nakita ko, iba na talaga iyong subjects nila, talagang specialized na. Gaya po ng anak ko, mayroon siyang subject na Engineering, mayroon siyang subject na parang Advanced Sciences.

    Ito po, iyong konsepto ng Grade 11 saka Grade 12, talagang kung ano iyong gusto mong gawin ‘pag college or after college, dito na talaga iyong preparasyon. ‘Di po ba, Asec?

    ASEC. UMALI: Opo, Ma’am VP. There are three types of subjects na kukunin po nila. If you may, Madam VP, the way you may categorize it is iyong core subjects, which are subjects common to all tracks. Iba lang po iyong titulo, pero something to do with English-Filipino—

    [technical interruption]

    VP LENI: Nawala yata tayo sa linya…

    ELY: Sa linya lang po, pero on-air po tayo… Okay, so babalikan po natin maya-maya si Asec. Okay na ba si ASec? Balikan natin mamaya.

    Kumukuha po tayo ng update sa K-12. Bagong sistema po ito, kasi Ma’am, parang tayo na lang ang napag-iiwanan.

    VP LENI: Oo, parang bago ito i-implement, tatlong bansa na lang iyong hindi 12 years iyong basic education. Ngayon na nag-implement na tayo, dalawa na lang sila.

    ELY: So napakaimportante po nito, at maya-maya iyong sa kolehiyo, may good news po kami. Siguro iyong mga hindi po nakapakinig, o nakapanood sa telebisyon, o nabasa sa diyaryo… Pati sa college.

    VP LENI: Ito iyong balitang maraming nagbubunyi ngayong linggo. Mamaya, guest po natin iyong isa sa mga principal authors ng batas.

    ELY: Napakaganda ho nito sapagkat alam naman po natin na iyong edukasyon, lalo na dito sa ating bansa, iyong mga Pilipino, gustung-gusto po nilang mag-aral, pero kadalasan po hanggang high school lang. Kapag college ay wala na po…

    So okay na ba si Asec? Okay, balikan natin si Asec. Umali. ASec, good morning. Balik po tayo…

    VP LENI: Pasensya na po kayo, Asec, naputol po tayo.

    ASEC. UMALI: Opo, Madam VP, actually I was hearing you talk. In any event, I was saying po, Madam VP, iyong sa asignatura po na nabanggit ninyo, we have the core subjects…

    VP LENI: Iyong core subjects, ito iyong pare-pareho anumang iyong track na pipiliin ninyo.

    ASEC. UMALI: Opo. Mayroon rin pong tinatawag na specialized subjects. Iyon po yata iyong tinutukoy ninyo, Madam VP… Doon sa sinabi po ninyo, parang lumalabas, ang anak po ninyo, Madam VP, ay STEM, or Science and Technology, Engineering, and Mathematics…

    VP LENI: Opo, nasa science high school po kasi. Mukhang iyong estudyante ng science high school, talagang ito iyong track na kailangang sundin.

    ASEC. UMALI: Opo, iyon po iyong subjects that are unique to a particular track. And what we also call the… [technical interruption]. Ito iyong subjects… [technical interruption]

    ELY: Asec?

    ASEC. UMALI: … pero binabago lang po iyong content, depende po sa track. Iyon po iyong nangyayari.

    VP LENI: Saka ito, Asec, ito iyong maraming nagtatanong. Ano iyong gustong sabihin nitong voucher system?

    ASEC. UMALI: Opo. Ito po iyong government assistance to students and teachers in private education, voucher system po natin. Sa senior high school, nagbibigay po tayo ng tulong sa mga nakapagkumpleto ng Grade 10 sa pampublikong paaralan, na nagnanais pong pumasok sa pampribadong senior high school. Awtomatiko po, they will get 22,500, kung ang paaralan ay nasa National Capital Region. Outside NCR, Madam VP, nasa isang highly-urbanized city as categorized by our DILG, nasa 20,000 po iyan. And outside those areas, iyong ibang munisipalidad, 17,500.

    Kung sila po ay present recipient ng voucher, meaning nasa private school na sila, 80 percent of the amount iyong matatanggap po nila.

    VP LENI: Ito, ASec, binibigay ba sa kanila’ng cash, o idinidiretso doon sa paaralan kung saan sila nag-aaral?

    ASEC. UMALI: Dinidiretso po doon sa paaralan kung saan sila mag-aaral. We call it voucher system, pero wala naman po talaga silang voucher na natatanggap. Ang kailangan po lamang iyong kanilang learner’s reference number, and some other requirements, and alam na po ng paaralan kung ano pang gagawin para mababayaran po sila.

    VP LENI: Ito, ASec, ito ba iyong mga dating nasa public schools na dahil walang public school na malapit sa kanila, o walang DepEd school na malapit sa kanila, papasok sa private school? O puwede rin doon sa mga dating nasa private schools?

    ASEC. UMALI: Mga dati na pong nasa private schools, Madam VP, na dati na pong nakakatanggap ng ESC, voucher system din po natin, Education System Contracting. Grade 7 to 10, mayroon rin po tayong tulong na naibibigay sa mga nasa private schools, nasa 11,500 po iyan sa NCR. Outside NCR, mga nasa 8,000 to 8,500 po. So automatically po, qualified po sila sa voucher sa senior high school.

    At doon po sa hindi pa po nakakatanggap ng kahit anong ayuda sa ating pamahalaan, kung nag-apply po sila online—or puwede rin pong manual—nitong… Nag-deadline po tayo nitong February, ini-extend sometime in May, puwede rin po silang makakuha, Madam VP.

    VP LENI: Ito, Asec, kasi naalala ko noong ii-implement pa lang ito, hindi kasi lahat ng high school na existent noon parang mayroong senior high. So kung iyong malapit sa iyong high school, walang senior high, puwede kang maghanap ng ibang malapit na paaralan, kahit hindi ito DepEd school. Ito, eligible iyong bata na mag-apply for voucher.

    ASEC. UMALI: Tama po iyon, Madam VP. Kalimitan po iyon ang nangyayari, iyong sitwasyon na inyong sinabi, iyon po iyong idea behind the voucher system. Kasi baka iyong track na gusto noong bata ay maaaring mayroong senior high, pero hindi iyon. O talagang walang senior high, at may malapit na senior high na private, puwede po silang pumasok doon through the voucher system.

    VP LENI: Ayon…

    ELY: So magandang balita po ito. At baka dito sa K-12, marami na talagang sumasang-ayon, kasi depende na sa linyang gusto ng bata. Kasi kung ipipilit mo na maging accountant, o engineer…

    VP LENI: … pero hindi naman iyon iyong gusto niya.

    ELY: So ito po ang kagandahan—parang iminomolde na, hinuhulma bata pa lang, para sa kurso sa college.

    VP LENI: Saka ano rin, Ka Ely, minsan hindi na talaga kayang mag-college. Parang mas binibigyan ng pagkakataon na kahit high school graduate lang, mas employable. Mas madaling makahanap ng trabaho.

    ELY: Asec, bago tayo magtapos itong ating interview, hihingi lang po kami ng update diyan sa Marawi. Kumusta po ang pag-aaral ng mga bata na naapektuhan ng giyera diyan sa Marawi?

    ASEC. UMALI: Displaced learners and displaced teachers, iyon po iyong una po nating tinutukan. Hinanap po natin sila, Kuya Ely, at sinigurong matutugunan po agad iyong kanilang pangangailangan. Kaagad-agad na binigyan po sila noong tinatawag po naming psychosocial intervention. Iyong iba po, they call it psychological first-aid dahil napakahalaga po noon na maayos po sila psychologically, bago po sumuong ulit sa pag-aaral o pagtuturo.

    Kumalap po tayo ng donasyon sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno, pati na rin po sa pribadong sektor, at ang ating Sec. Liling Briones ay talaga naman pong naging matagumpay sa pagkuha ng learners’ kits at teachers’ kits. At sa katunayan, ang atin pong Madam VP Leni po natin ay nagbigay ng hindi bababa sa 3,000 na upuan. And we’re very thankful to that, Madam VP, at iyan po ay dinistribute sa schools’ division sa Iligan.

    VP LENI: Opo, sa Iligan nga po.

    ELY: Asec, salamat po sa inyong oras dito po sa RMN, sa Biserbisyong Leni. Magandang umaga po sa inyo.

    VP LENI: Maraming salamat po, ASec!

    ASEC. UMALI: Opo, karangalan po ay sa amin, mabuhay po kayo!

    ELY: Mga kasama, ayan po si DepEd Asec. Tonisito Umali…

    [break]

    [GAP 3: Interview with Sen. Bam Aquino]

    ELY: Ang susunod po nating pag-uusapan ito bong bagong batas, Universal Access to quality tertiary education act mga kasama.

    [Advertisement]

    ELY: At ito na po mga kasama, importante po na pag-usapan, i-detalye natin sa marami pong makikinabang dito. Noong una nagkaroon po ng alanganin dahil sa pondo, pero iyong mga principal author, o may akda po, ay nagbigay po ng katiyakan na mabibigyan ng pondo kaya napirmahan naman po itong batas na ito.

    [Advertisement]

    ELY: Okay ma’am, nandito po sa ating studio.

    VP LENI: Oo, napakapalad natin ka Ely. Bisita po natin Linggo ng umaga ang isa po sa mga principal authors ng bago nating ipinagbubunyi na batas. Magandang umaga, Senator Bam Aquino.

    SEN. BAM AQUINO: Good morning po Vice, good morning po ka Ely, good morning po sa mga nakikinig sa atin sa Naga, marhay na aga sa indo gabos. At sa mga kaibigan po natin sa Cebu, Cagayan de Oro at Davao, maayong buntag sa inyo tanan. Magandang magandang umaga po sa iyo lahat.

    VP LENI: Siguro ka Ely umpisahan lang natin, kasi marami din iyong nagbubunyi, marami ding katanungan tungkol sa bagong batas, pero siguro Sen. Bam, kaunting kuwento kung papano ito naipasa. Kasi alam natin na hindi basta basta iyong pagpasa ng panukalang ito.

    SEN. BAM AQUINO: Actually ma’am, ako po ang principal sponsor nitong batas na ito. Ibig ho sabihin noon, at that time kasi na nagsimula iyong 17th Congress, kinuha po natin o hiniling po natin sa ating mga kasama iyong Committee on Education, at alam ho ni ma’am na ilang buwan din ho tayong nagserbisyo doon, at ito po ang ginawa naming pinakamahalaga, priority bill po namin noong time na iyon, na maipasa po natin iyong, at that time nga po ang tawag lang namin free tuition act, simple lang. But of course sa proseso po ng pag-gawa ng batas, naging universal access to quality tertiary education act.

    VP LENI: Pero naalala mo Sen. kung anong buwan nito inihain?

    SEN. BAM AQUINO: Ano po, we filed it pagbukas na pagbukas ng 17th Congress. Alam ko po may mga iba na nagfile din po nito noon. In fact, technically iyong principal author po niya, kasi doon po sa amin ka Ely, iyong unang nagfile, becomes the principal author at usually, nire-reserba iyan sa mga senior senators. At in fact sa pagfafile, lagi po sila inuuna para iyong naming rites nasa kanila. So technically po, si Senator Ralph Recto iyong principal author ng batas na ito. Pero marami ho kaming author. In fact, I think more than 13 po kaming authors ng batas na ito. At pagsimula pa lang ng 17th Congress, ginawa na po itong priority legislation ng senado. In fact po, iyong senate president po natin, si Senator Pimentel, majority floor leader Senator Sotto, minority floor leader si Senator Drilon, napagkaisahan na po nila at ng caucus namin na ito po talaga iyong bibigyan namin ng pansin. So from the start, ito na talaga ang focus ng ating senate, and noong naging Chairman of Education po tayo for about 8 months, ito po talaga ang binigyan natin ng pansin. Mga hearing, pagdefend po nito.

    VP LENI: Ito ang madugo. Ito ang madugo Senator kahit sa House of Representatives ka Ely, iyong pagpafile pa lang ng bill bago magbukas ang congress, medyo iba kami sa senado kasi mas marami. Pumipila na iyong mga congressman para ikaw ang mauna.

    SEN. BAM AQUINO: In the end ano, pagkatapos po ng almost 8 months of consultations, workshops, hearings, period of interpolation napakatagal, period of ammendments napakatagal din. Eventually umabot po tayo sa bicameral, na iyong counterpart ko po noon, si Congresswoman Hofer, si Ann.

    VP LENI: Ng Zamboanga Sibugay.

    SEN. BAM AQUINO: Yes, iyong head po ng Higher Education. At nandoon po sina Congressman Joey Salceda, na isa sa mga nagtulak po nito. Iyong mother po ni Senator Chiz, Congresswoman Evelina. Si Senator Chiz noong pumalit po siya sa akin as Education Chairman, tinuloy niya din po to the bicam. So marami ho talagang nagtrabaho para sa batas na ito. At natuwa naman ho tayo na finally napirmahan po ito ng ating Presidente, and of course we would like to thank the President for signing this law.

    VP LENI: Salamat po mahal naming Pangulo. Kasi talagang, alala mo Senator nasa Leyte po ako noong napirmahan ito ni Pangulo. Iyong days before niya pinirmahan, para marami iyong pangamba na baka hindi pirmahan dahil mayroon iyong mga, mga economic managers ng ating bansa, may pangamba tungkol sa batas.

    SEN. BAM AQUINO: Opo, at hindi ko na ho siguro babanggitin pero siyempre nagdebate na ho diyan about those numbers kasi sa tingin po namin masyado mataas iyong nasabi ng DBM na kinakailangan para sa batas na ito. Iyong sinabi ho nila 100 billion, pero iyong senate numbers po namin is closer to 25 billion. Iyong CHED naman is close to 34 billion. So medyo malayo iyong 100 ano. At sabi nga ho namin sa senado, at si Senator Legarda po ang nagsabi nito at saka si Senator Lacson, mga chairman at saka vice chairman po ng finance, kung ano pa man ang mangyari, hahanapan po namin ng pondo ang batas na ito.

    VP LENI: Oo, iyan iyong palagay ko ka Ely kailangan maintindihan ng ating mga kababayan. Kasi mayroong mga nagsasabi na maganda nga iyong batas, pero kung wala namang pera baka hindi naman ma-implement. So ngayon po sinasabi sa atin ni Senator Bam na napag-usapan na sa Senado na kahit gaano kahirap, sisiguraduhin nila na mayroong budget.

    ELY: Pati sa House, iyong leadership po ng House, ay nangako din.

    VP LENI: Oo.

    ELY: So maganda po ito.

    SEN. BAM AQUINO: Opo. At sabi ko nga noong mga tao nagsasabi sa akin, o senator baka ma-veto ito. Ang sabi ko, I really doubt it, hindi talaga ito mavi-veto kasi sobrang halaga ng batas na ito. Ang daming umaasa sa batas na ito at saka, sa totoo lang po ano ka Ely, kapag pumunta ka talaga sa mga SUCs natin, makakausap mo iyong mga estudyante at mga magulang nila, makikita mo talaga nangangailangan talaga ng tulong. So isa ho itong panukala na sa tingin ho namin, masyadong mahalaga para ma-veto. Kaya ako from the start, sabi ko kahit may pangamba pa iyong ibang pang sekretarya, alam ko na hindi ito ivi-veto ng ating Presidente.

    VP LENI: At saka kapag Senado at House of Representatives ang nagsabi hahanapan ng budget, medyo panatag ang loob natin kasi ang budget naman sila ang nagpapasa.

    SEN. BAM AQUINO: Actually iyon ang isa pang medyo hindi nagegets ng maraming tao. Sabi nila, sinabi ni DBM walang pera di ibig sabihin wala na iyan. Actually ho, iyong tinatawag na power of the purse, iyong kapangyarihan pagdating po sa pondo ng bayan, actually po, nasa Kongreso at Senado po iyan. So huwag ho kayo mag-alala at hahanapan po natin ito. Ang target date po for implementation is second semester of school year 2017-2018.

    VP LENI: Wow. Ang pagkaintindi ko ka Ely, next school year pa iyon pala second semester.

    ELY: May binabanggit po si budget secretary na baka 2018 kasi ang susunod po nito Senator iyong IRR.

    SEN. BAM AQUINO: Opo.

    ELY: Iyong Implementing Rules and Regulations, at mukhang aayusin pa kung papaano… Siyempre titingnan po ninyo dito sa IRR kasi baka iyong iba mag-OA masyado kasi katulad sa anti-distracted driving act di ba? [laughs] Medyo OA iyong… [laughs]

    SEN. BAM AQUINO: Well, iyong IRR sa totoo lang po, matagal na po naming kausap ang CHED dito, na sinasabi ho namin sa kanila even last year pa, magtutuloy itong batas na ito, gawan ninyo na iyan ng lahat ng pag-aaral na kailangan ninyo, lahat ng mga studies na kailangan—gawin niyo na iyan, kasi magiging batas ito. And even in the bicam na ginawa po namin noong Mayo, so ilang buwan na rin po ang nakalipas, sinabi na namin doon na this will be implemented second semester of school year 2017-2018.

    VP LENI: So gusto mo sabihin Sen. Bam, even before this was signed, parang isa na siya sa tiningnan talaga ng CHED.

    SEN. BAM AQUINO: Opo. Well actually ma’am, kung tutuusin, iyong first semester nitong school year na ito, mayroon nang libreng tuition. Because mayroon pong insertion ng 8 billion. If you remember ka Ely, iyong ibang mga estudyante po natin ngayon sa SUC, libre na ang kanilang mga tuition. Now, pero hindi lahat. In fact sa ibang mga SUC, mga 70%, sa iba po 60%. Pero may mga SUCs sa mga mas mahihirap na lugar, 100% po libre na ang tuition nila. This is because iyong 2017 budget naglagay na po ang Kongreso at Senado ng 8 billion pesos para po dito. Because even then, noong binubuo po iyong 2017 budget noong 2016, iyong mga Senador nagsabi na, magtutuloy itong batas na ito, simulan na natin. Of course, nadelay lang po ng ilang buwan ano, but iyang 8 billion na pong iyan na pinangunahan po ni Senators Lacson and Legarda iyong paghahanap po niyan, ay nandiyan na po iyan. At saka may IRR na rin po iyan so kung baga may dry run na. May practice na.

    VP LENI: So ang pag-iimplement nito sa second semester, doon din sa 8 billion na iyon kukunin?

    SEN. BAM AQUINO: Well, iyon ho ang kailangan natin tingnan. Because ang alam ko po ang 8 billion na iyon, nilaan po iyon for the whole year. While ang second semester ng ilang mga schools will start in January of 2018, ang problema kasi dito ka Ely…

    VP LENI: Iba-iba ang umpisa ano.

    SEN. BAM AQUINO: Oo. Iba po ang budget year, iba po ang school year. Ang school year ho natin usually ano ho iyan, June to March. Or August to May or June. Iyong budget ho namin sa Congress and Senate, January to December. So mayroong alignment na kailangang gawin ano. But ang sabi nga ho namin, may be pondohan na muna ito, gamitin na muna iyong lumang IRR na nagawa na po ng CHED, and iyong full IRR can be for school year 2018-2019, but definitely kung naibigay ho namin iyong libreng tuition sa may be 70% ng estudyante for the first semester, siguro naman kaya ho namin mapondohan itong second semester. So kung ano pa man iyong magiging form po niyan, desidido po iyong mga senador na maramdaman po ito kaagad ng ating mga kababayan.

    VP LENI: Iyong isa pang tanong Sen. Bam kasi iyong pangamba, baka daw sa mahirap na mahirap talaga, kahit libre ang tuition, may kahirapan pa din. May kahirapan pa din pumasok kasi marami ding kaakibat na ibang expenses maliban sa tuition. Iyong daily allowance, pamasahe, board and lodging, textbooks. Ano po iyong kasagutan natin sa mga pangamba nilang iyan?

    SEN. BAM AQUINO: Actually, vice, iyong mga current scholarship programs po ng gobyerno hindi po nawawala. Ito po’y dagdag sa current scholarship programs po. Actually po iyong DSWD po natin mayroon silang napakagandang scholarship program para sa mga anak ng 4Ps families.

    VP LENI: Oo. Ito iyong SGP-PA ata.

    SEN. BAM AQUINO: Yes. In fact mas mataas po iyon. 16,000php per semester o per year po yata iyon. So mas mataas po iyong puwede nilang makuha. And as you know, iyong ating LGU mayroon ding scholarships. Iyong ating mga simbahan may mga scholarship, iyong ating mga civic organizations mayroon din po. So ito pong libreng tution and miscellaneous expenses po natin, puwede pa din silang mag-avail ng iba pang scholarships ng gobyerno, ng private institutions para po matulungan ang kanilang gastusin.

    VP LENI: Pero ito Sen. Bam, lilinawin lang natin. Iyong free tuition, pagdating lang sa mga State Colleges and Universities?

    SEN. BAM AQUINO: Ano po ma’am, ang coverage po niya ay lahat ng ating state universities and colleges, accredited local universities and colleges. So mayroon ho atang mga 50 na LUC na accredited po sa ating bayan and marami na hong nag-aapply na rin na ma-accredit pa, at TESDA-run TDIs. So government-run tech-voc institutions, pasok po sila doon sa coverage ng libre.

    VP LENI: Naalala ko Sen. Bam noong hindi pa naipapasa ang batas ang isa ding pangamba, baka paglibre na dito sa mga eskwelahan na ito, iyong mga nag-aaral sa mga private schools, baka maglipatan dito.

    SEN. BAM AQUINO: Opo. Actually iyong safeguard po natin diyan dalawa. One, mayroon ho tayong tinatawag na cap doon sa ating mga SUCs. Because hindi naman po sila unlimited. Kung tutuusin po, mayroon silang kakayahan lang ng certain number of students kasi limited ang kanilang building, ang kanilang kurso, ang kanilang number of teachers. So hindi naman po itataas ang cap na iyon.

    VP LENI: Hindi ninyo puwede tanggapin ang lahat na gustong lumipat.

    SEN. BAM AQUINO: Hindi naman talaga puwede, opo.

    ELY: So ano ito, depende sa antas sa lipunan?

    SEN. BAM AQUINO: Actually iyon ang pangalawa ka Ely. Naglagay ho kami sa batas na puwede ho magsagawa ang SUC at ang CHED ng affirmative action mechanism sa enrollment. So ibig pong sabihin, from the enrollment pa lang puwede na i-check kung ano iyong antas ng pamumuhay at madirect talaga iyong pagpasok sa SUC para po sa mga poor but deserving students.

    VP LENI: Para hindi naman nakakain ka Ely ng space ng SUC iyong mga kaya namang mag-aral sa iba.

    SEN. BAM AQUINO: So ano po iyan, ang prediction ko po diyan within the next few years magbabago din po iyong mix ng ating mga estudyante sa SUC kasi ang talagang intensyon ng batas ay mabigyan ng tulong iyong mga nangangailangan. So as the years go on magbabago po iyan, makikita po natin iyong ating SUC mas ibubukas po iyong pinto para sa mga nangangailangan nating kababayan.

    ELY: Opo Senator. Kasi po dito sa batas na ito, di ba sa, bukod sa matrikula iyong mga miscellaneous fees ano, iyon iba pang mga detalya ang daming mga sa library, school ID, di ba, mga athletic fees iyong sa mga ano—so lahat po ito libre, lahat po nito kasama?

    SEN. BAM AQUINO: Pasok po ang mga miscellaneous fees pero iyong differentiation po, iyong distinction po natin diyan, kung ito ay mandatory at non-mandatory. So ano ho ba ibig sabihin ng mandatory. Kung ang pinagbabayaran po natin ay may epekto sa ating grado, kung may epekto sa ating estado bilang estudyante, madatory, kasama po iyon.

    ELY: Halimbawa sa library.

    SEN. BAM AQUINO: Kung iyan po kinokolekta sa lahat, at sa enrollment kasama po iyan sa miscellaneous. Pero kunwari po may field trip. Tapos optional po ito. Puwede kayo pumunta, puwede kayong hindi pumunta, wala hong effect to sa inyong grado, iyon ho puwedeng kolektahin ng SUC at hindi po iyon kasama sa libre, pero puwede din po kayong magdecide na huwag po ninyong bayaran. So pag mandatory, usually po iyong mandatory ay iyon po ang binabayaran kapag enrollment.

    ELY: School ID, kasi, di ba hiwalay na bayad po iyan.

    VP LENI: Oo, totoo. At saka isang magandang balita ka Ely, hindi lang ito doon sa magte-take ng 2 or 4 years na college course, pero pati TESDA.

    SEN. BAM AQUINO: Yes. Opo. Pero kaklaruhin ko po ma’am, hindi kasama ang post-

    VP LENI: Oo.

    SEN. BAM AQUINO: Hindi po kasama iyan sa libreng tuition, pero pwede po iyan, pero iyong mga studyante diyan, pwede mag-avail ng mga scholarship programs.

    VP LENI: Itong, isa din na narinig kong pangamba kung ipapasa ito, sabihin natin na libre iyong tuition sa TESDA, una, papaano mo nasisiguro na iyong nagaavail, nangangailangan nga talaga, at pangalawa, baka dagsain din, dagsain din iyong TESDA accredited centers, kaya kaya nila mag take in ng ganoon kadaming estudynate.

    SEN. BAM AQUINO: Sa totoo ma’am iyong kaya mag take in is really dependent kung magkano iyong pondo na ilalagay natin sa kanila.

    VP LENI: Okay.

    SEN. BAM AQUINO: So kung tingin naman po ng TESDA na kailangan palakihin iyong programa, kailangan nila humingi ng dagdag pondo sa senado at kongreso. Tingin po namin, magkakaroon ng proseso talaga iyan every year na itong SUCs, TUCs, and TVIs–TechVoc Institutions–magsusubmit po iyan every year nga kanilang budget sa kongreso at senado, siguro po sasabihin nila, “O senator, congressman, mayroon po tayong waitlist ng isang libong estudyante, kailangan niyo kami pondohan.” Pero pag pinondohan niyo po iyan, hindi lang po iyan iyong tuition, pati din po iyong building, pati po iyong dami ng teachers, pati po iyong courses, iyon po iyong kailangan pang-expand. Kasi hindi po naiintindihan ng madaming tao na iyong quality kailangan i-maintain, o kailangan i-improve.

    ELY: Tama.

    SEN. BAM AQUINO: At kung iyong eskwelahan iyong pang 3,000 tao pero 10,000 iyong nandiyan eh talagang magsusuffer iyong quality.

    VP LENI: Oo, oo.

    SEN. BAM AQUINO: So magkakaproseso po iyan. Pero at the minimum, siguro iyong makakaramdam nito instantly iyong mga currently naka-enroll, iyong 1.6 million students.

    VP LENI: Hindi na nila kailangan problemahin iyong susunod na tuition

    SEN. BAM AQUINO: At nakita po namin sa pagiikot namin pag tinanong niyo po iyong mga magulang, iyong tuition iyong number 1 na uutang. Iyong tatay o nanay umaalis po ng bansa para po mabayaran iyong tuition. Iyong iba naman po kumukuha ng second job para lang po makabayad. So isa ito sa major cost ng maraming pamilyang Pilipino at sa tingin po namin pag na free-up iyan,

    VP LENI: Malaking ginhawa.

    SEN. BAM AQUINO: Malaking ginhawa. Sinabi nga po namin na kahit sa SUCs, sa miscellaneous expenses, posibleng 1 month salary na po iyan, o 1 and a half month salary.

    VP LENI: At iyon nga Sen., sa Pilipino iyong pagtapos ng college ay eto ka Ely iyong number 1 aspiration ng mga pamilya.

    SEN. BAM AQUINO: So iyon po talaga iyong goal ng batas na ito at tingin naman po natin at the end of the day, iyong lipunan po natin pwede magbenefit nito. Kasi may nagbabatikos dito, sabi para sa indibidwal ito, hindi para sa lipunan. Pero tingin ko po itong pagkakaroon ng masmaraming opportunities para sa ating kababayan, posible po iyong indibidwal kumita dito, gumanda iyong buhay, iyong buong lipunan pwede gumanda ang buhay.

    VP LENI: Ito Sen., curious lang ako, sabi mo kanina parang kabahagi sa batas na magkaroon ng affirmative action iyong SUCs na siguraduhin na iyong mga estudyanteng itatake in nila ito iyong pinaka nangangailangan. Iyong ngayon, bago naisabatas na iyan, iyong mga SUCs natin mayroon nang ganoon?

    SEN. BAM AQUINO: Actually po hindi ko po alam kung mayroong unwritten rule iyon, hindi ko alam kung written down iyon, sa UP may charter, mayroon ho sa UP charter, iyong SUCs kanya-kanyang charter naman po iyan, iyong iba sa kanila, mayroon talagang nakalagay na dapat nakatoon tayo sa nangangailangan. Pero actually po kasi, dalawa iyan eh. Iyong pinaka nangangailangan, at iyong kayang makapasok sa entrance exam.

    VP LENI: Oo, totoo.

    SEN. BAM AQUINO: So iyong nakikita po namin iyong karamihan po ng pinakamahihirap, iyong nasa laylayan, ang intervention sa kanila is really at K-12. Kung maging mas maayos ang kanilang K-12 experience, mas malaking chansang makakapasok po sila sa kolehiyo. But usually po iyong nagd-drop out ay mas maaga pa sa Grade 12. Hindi na po umaabot ng Grade 12, noh. So iyong intervention natin diyan, kailangan po, educational system approach. Hindi pwedeng kolehiyo lang, hindi pwedeng K-12 lang, kailangan buo talaga.

    ELY: Buong sistema.

    VP LENI: Kasi tingin ko Senator Bam mahalagang diskusyon iyan, kasi naalala ko noong pinagdedebatehan pa iyong batas, isa sa lumabas baka iyong makinabang iyong medyo naka-angat na sa buhay kasi sila din iyong may access sa mas magandang high school education. So kung mag-aapply sila sa SUC, parang may advantage sila sa pinaka mahihirap na hindi talaga nagkaroon ng magandang high school education. So ano talaga, ka Ely, iyong pag-overhaul nito hindi lang talaga, buong sistema talaga kailangan ayusin.

    SEN. BAM AQUINO: Saka, sabi nga ka Ely na itong ginagawa natin para magka-access sa tertiary level, first step lang iyan. Because iyong pagiimprove ng ating kalidad, iba pa po iyan. Iyong paglink ng academic at saka industry para siguradong may trabaho, iba pa rin iyan. So marami pang kailangan gawin. Pero ito po, malaking hakbang ito at malaking reporma po ito. Now, vice, iyong nakikita po namin, and this was the deliberation during the bicam, si kababayan po niyo, si Congressman Joey, iyong nag-explain po during the bicam, 90% ng mga studyante sa SUC are middle-class and below.

    VP LENI: Okay.

    SEN. BAM AQUINO: So malaking, malaking range po iyan. Pero iyong pinakamahihirap nasa bottom 30%.

    VP LENI: Okay.

    SEN. BAM AQUINO: So mayroon kayong 60% rin na wala na po sa pinaka—

    VP LENI: Pinaka-laylayan.

    SEN. BAM AQUINO: Talagang medyo laylayan lang po ito. At ito, na-discuss namin sa bicam, nararapat bang matulungan iyong hindi naman nasa bottom 30 pero alam naman nating nangangailangan pa rin. At iyong naging usapin doon, tama lang na bigyan sila ng tulong, so pagsinasabi ng ibang economic manager, “Iyong ibang nakakapasok naman diyan, wala naman sa pinakamahihirap!” Tama naman po iyon. Hindi ko sinasabi na mali sila. Pero kung pupunta po tayo sa SUC, makikita po natin na iyong karamihan ng estudyante po doon, iyong kanilang pamilya, kailangan pa rin ng tulong.

    VP LENI: Kasi iyong naalala ko Sen., isa ito sa mga discussion baga napirma iyong batas, karamihan kasi sa mga SUCs, competitive din iyong pagpasok. Ibig sabihin mage-exam ka. Hindi lang dahil gusto mo makakapasok ka. Sabihin na natin ang pwede lang mag-enroll ngayong first year, ang pwede lang makaenroll ay 3,000 na estudyante pero 10,000 iyong nag-apply, parang ang sinasabi nila Sen., ang chances nila na makapasok iyong mga mas na-angat iyong buhay nakakapasok na 3,000, napakalaki. At iyong pinakamahihirap, nandoon sila sa hindi makakapasok.

    SEN. BAM AQUINO: Opo. Pero iyong 3,000 na iyon, at ito iyong diskusyon namin, kailangan pa rin ng tulong. Kasi iyong 3,000 na iyan, magdecide na pumasok sa SUC, wala pa po iyan sa top 10% na masasabi po nating comfortable na. Iyong karamihan diyan, iyong mga families, minimum wage earners, mayroon ngang trabaho, at the end of the day, hindi sapat, at uutang pa rin para makapagbayad ng tuition. So ito po iyong set na gusto po natin matulungan.

    VP LENI: Saka, Sen., diba sabi mo patuloy pa din iyong scholarship programs ng gobyerno, sabihin niyo na ako, napakahirap ko. Aasa lang ako sa tulong ng gobyerno para makapagaral ng kolehiyo. Pero hindi ako natanggap ng SUC. Kung ibang paaralan ipapasok ko, pwede pa ba ako mag apply ng scholarship?

    SEN. BAM AQUINO: Pwede pa din po, pwede pa din po. Actually, tatlo po iyong major, tawag namin diyan branches ng batas. Iyong una iyong libreng tuition at miscellaneous expenses sa SUC, LUC, and TVI. Iyong pangalawa iyong pagdadagdag sa ating scholarship program.

    VP LENI: Oo.

    SEN. BAM AQUINO: Iyong scholarship programs po na iyan, tawag din po diyan TES, hindi naman iyan pinangalan kung kanino man, TES ang tawad dahil Tertiary Education Subsidy so ito po iyong scholarship na pwede pong ma-avail ng mga studyante both in private and in public institutions. So kunyare, nasa ano ka, nasa private university ka pero kailangan mo pa rin ng tulong, pwede po kayo mag-apply dito. At iyang scholarship na iyan, pwede niyo igamit in a public school, pwede niyo magamit in a private university.

    VP LENI: Iyong mga community colleges, Sen. Bam, pwede din po ba iyon?

    SEN. BAM AQUINO: Opo pwede po iyon. Ang tawag po diyan portable scholarship, kasi pwede niyo dalhin kung saan man.

    VP LENI: Kasi napapansin ko sa amin, iyong pinaka nasa laylayan iyong nasa community college eh.

    SEN. BAM AQUINO: Opo, opo. Actually kung community college po iyan, at maganda po standards nila, pwede po sila mag apply sa CHED

    VP LENI: For accrediation

    SEN. BAM AQUINO: –for LUC and baka pwede makapasok sa libre. Iyong third branch po niyan, iyong student loans na medyo bago po ito kasi,

    VP LENI: Pero sa ibang bansa uso ito.

    SEN. BAM AQUINO: Pero sa atin pong bansa study now pay later, naging study now pay never. Walang nagbabayad. So natigil po iyong program na iyan, that was a program I think the 60s or 70s pero eventually—

    VP LENI: Dahil wala pong nagbabayad. So walang umiikot na pera.

    SEN. BAM AQUINO: Opo so nadedefeat iyong purpose so mag scholarship ka na lang. Ito pong student loan program na ito, iyong bago diyan, ikakabit sa SSS at GSIS iyong payments mo. So unang una, magbabayad ka lang kung may trabaho ka na. Kasi sometimes po pinapabayad na, wala pang trabaho. So ito, magbabayad ka lang kung may trabaho ka na at itong collection magiging madali kasi iyon naman, automatic na kinakaltas. So hindi pa pinaguusapan kung may interest rate, kung ano iyong terms, pero nasa batas na po iyan at pwede na po gumawa ng student loan program na pwede pong i-avail ng mga nasa pribadong school, mga magla-law, mga magme-medicine, magma-masters, magp-PhD.

    VP LENI: So iyong may trabaho na, wala ding takas.

    SEN. BAM AQUINO: Opo kasi lahat naman po tayo walang takas sa SSS, GSIS.

    VP LENI: Feeling ko Senator, mas magandang arrangament ito kaysa sa lumang programa na walang nagbabayad.

    SEN. BAM AQUINO: Opo. So ito pong third, I don’t think this will be implemented ng masyadong malaking program kaagad. I think magsisimula ng pilot program muna. Iyong scholarships, actually, mayroong schoalrships na binibigay ng gobyerno, even without this law kasi 13 billion na po iyan. At usually po naka-latch po iyan sa DSWD, DND, PNP, so iyong anak ng soldiers and policemen, DOST para sa achievers po natin, sa CHED, of course, noh. So iyon po, madadagdagan po iyon at iyong pinakamalaking budget item talaga I think iyong pinakafocus ng batas na ito iyong libre sa State University and College po.

    VP LENI: Ayon, ka Ely.

    ELY: Hiwalay po ito sa medical students, ano? Mayroon din project iyong gobyerno para sa mga scholar?

    SEN. BAM AQUINO: Actually para sa medical students, ay kasama po iyan sa 8 billion nitong first semester. I don’t know kung hindi na po sila kasama sa susunod kasi post-graduate na po siya. By the way, iyong coverage ng batas, kailangan po Filipino citizen ka, kasi may mga SUCs tayo na may mga foreigners.

    VP LENI: Ah talaga?

    SEN. BAM AQUINO: Iyong napuntahan namin sa Quezon, Southern Luzon State University, doon po sa Lucban, mayroon din silang foreigners eh. So kailanagan Filipino ka, kailangan po undergraduate. So unfortunately hindi po kasama iyong graduate and specifically medicine and law kasi graduate programs po iyan. Pangatlo, kailangan po wala po kayong bagsak. So mayroon tayong grade requirement.

    VP LENI: So ayon iyong incentive para mag aral.

    ELY: Para hindi masayang din iyong pondo ng gobyerno.

    SEN. BAM AQUINO: Iyon iyong kapalit. At tama ka, ka Ely, and this was the ammendment of Senator Gordon, na siguro naman pwede tayong maghiling ng kapalit. At iyong kapalit, minimum na siguro na wala kang bagsak. Now hindi naman po kami nag-agree na sobrang taas ng grado or Dean’s List.

    VP LENI: Kasi paminsan dapat walang grade na bababa sa 85. Walang ganon.

    SEN. BAM AQUINO: Iyon iyong academic scholarship. Pero ito naman po, I think iyong minimum ay hindi ka bagsak. May pang-apat na coverage, ano, um, first degree. Dapat first degree. Meaning kung naka-graduate ka na noon at gusto mo bumalik, hindi ka na pwede mag-avail.

    VP LENI: Oh, so hindi po pwede sa second course.

    SEN. BAM AQUINO: Hindi po pwede, hindi po pwede. First degree lang po. So sakaka-ikot namin, Vice, ang daming detalyeng lumalabas. Sa totoo lang. May mga tanong iyong studyante na, sir, bumagsak po kami, kailangan po namin mag-special course, iyong special course, kasama po ba? Sa totoo lang sabi ko, hindi ako sigurado. Diba? O nagtatanong iyong school heads, ito po ba ay naka, ito ba ay appreciated as income ng school o as line item? Kasi kung income, pwede mo magamit sa casuals. Kung line item, hindi mo pwede gamitin sa ganitong bagay. At marami pa pong bagay and to be completely honest may mga prosesong kailangan pang tapusin at buohin.

    VP LENI: Wala pang kasagutan as of now.

    SEN. BAM AQUINO: Opo. Anyway kakapirma pa lang noong isang araw, but definitely po babantayan po natin iyan. And I think, ngayon po na, napaka lakas ng suporta sa ating batas, kailangan iyong taong bayan nakabantay tayo sa IRR, masigurado po natin na ma-implement talaga ito, at iyong mga detalye, noh, sabi nga devil is in the details, masigurado na pabor po ito sa estudyante.

    VP LENI: Paminsan ka Ely ang paggawa ng IRR mas matagal pa sa pag-gawa ng batas, eh. Tingin ko, ito hindi.

    ELY: Ngayon mababantayan.

    SEN. BAM AQUINO: Opo, and again, iyong CHED naman I think they’ve had more than a year already para magbuo ng IRR para dito, and in fairness to CHED, full support sila sa pagsuporta nito. So mukhang all systems go naman tayo for school year 2018, and hopefully masama natin iyong second semester ng 2017-2018.

    ELY: Okay! Ang bilis ng oras!

    VP LENI: Oo, ang bilis ng oras. Pero ito ka Ely napakalinaw ng mga paliwanag ni Senator Bam. Sana po iyong nakikinig sa atin na maraming tinatanong, nasagot na ang iyong mga katanungan.

    ELY: Okay Senator maraming salamat po.

    SEN. BAM AQUINO: Thank you po, thank you po.

    VP LENI: Maraming salamat, Senator Bam!

    ELY: Ayan po si Senator Bam Aquino. Samantala mga kasama, sa huling bahagi ng ating palatuntuan ang Istorya ng Pag-asa

    [Advertisement]

    [GAP 4: Istorya ng Pag-asa]

    ELY: Ang oras po natin mga kasama ay 9:54. At siyempre isa po sa ating mga tampok sa Biserbisyong Leni ay ito pong INP o Istorya ng Pag-asa. Kami po siyempre ay nagbibigay ng inspirasyon para po sa ating mga kababayan na even nawawalan po ng pag-asa at kinakailangan pong makakuha ng mga inspirasyon mula sa iba pang mga Pilipino na talaga namang lahat po ng hirap, problema ay kayang lampasan.

    VP LENI: Ayon, mahalaga iyong bisita natin ka Ely kasi mula palang kanina pag umpisa natin ay edukasyon na ang ating tema. Iyong ating Istorya ng Pag-asa ngayon ay isang teacher pero hindi lang isang ordinaryong teacher. Isa din siyang PWD, ka Ely. Kung naaalala po natin noong nakaraang linggo, mga PWD na mga leaders iyong ating mga kausap. Ngayon po ay hindi lang PWD, teacher pa. Kaya, iyon pong ating bisita, Ma’am Josephine Bonsol. Magandang umaga, Ma’am Josephine!

    JOSEPHINE BONSOL: Good morning po. Good morning po sa mga nakikinig. Good morning po, Ma’am Leni. Good morning po, Sir. Salamat po.

    VP LENI: Siguro. Ma’am Josephine ikwento natin sa ating mga kababayan, saan po tayo nagtuturo?

    JOSEPHINE BONSOL: Sa Lagro High School po

    VP LENI: Ano ba itong itinuturo natin?

    JOSEPHINE BONSOL: Campus Journalism po

    VP LENI: Ah pagsusulat?

    JOSEPHINE BONSOL: Opo, for 17 years.

    VP LENI: 17 years, sa Lagro na talaga kayo?

    JOSEPHINE BONSOL: Opo. Pero, by accident po iyon.

    VP LENI: Paano, bakit po by accident?

    JOSEPHINE BONSOL: Kasi po, gusto ko lang mag graduate ng MA. Tapos doon sa thesis, sabi noong adviser ko, kailangan kong gamitin iyong strategy sa public school. So, excited iyong nanay ko na public school teacher, siya po iyong nag apply.

    VP LENI: Para sa iyo?

    JOSEPHINE BONSOL: Opo, kaya lang po.

    VP LENI: Pero dati, bago ka naging public school teacher, saan kayo?

    JOSEPHINE BONSOL: Nagtuturo po ako ng language sa Foreign Volunteers sa NEDA po. Tapos po, kasi gusto ko po munang mag MA bago ako magturo. Kaya, nandoon po ako sa registrar ng UP.

    VP LENI: Sa registrar ng UP?

    JOSEPHINE BONSOL: Opo, para direcho po sa MA. Nalalakad lang sa kabilang building.

    VP LENI: Oo, pero dahil kailangan mong ipractice iyong strategyng pinag aaralan mo…

    JOSEPHINE BONSOL: Opo, kaya nag apply po ako ng public school. Kaya lang po, nagkandamatayan iyong mga adviser.

    VP LENI: sa MA?

    JOSEPHINE BONSOL: Opo, iyong adviser ko po, iyong isa nasagasaan tapos iyong isa naman po nagkaleukemia.

    VP LENI: Pambihira naman!

    JOSEPHINE BONSOL: Kaya sabi ko po.

    VP LENI: So, hindi mo na itinuloy iyong or tinapos iyong MA pero 17 years na kayong teacher sa Lagro.

    JOSEPHINE BONSOL: Opo, kasi noong nakilala ko na po iyong mga bata, doon po ako nakapag-isip na baka ito po talaga ang gusto ng Panginoon na gawin ko kasi ano eh, nakakainspire po iyong mga bata.

    VP LENI: Pero ano iyong course mo noong college, Ma’am Josephine.

    JOSEPHINE BONSOL: Ah eh, English po.

    VP LENI: English!

    JOSEPHINE BONSOL: Education po sa UP po.

    VP LENI: Talagang teacher na iyong tinitingnan mong propesyon?

    JOSEPHINE BONSOL: Opo. Kasi po iyong nanay ko, teacher sa elementary po.

    ELY: So, may dugong teacher ka talaga.

    VP LENI: Pero, ano siya ka Ely, PWD. So, ang tanong natin… kasi, noong nakaraang linggo Ma’am Josephine, dalawang bisita namin dito ay PWD din. Napakainspiring din. Pero iyong tanong namin sa iyo ngayon, teacher ka na for 17 years, nag M-MA ka na, nakapag-aral ng maayos. Ang tanong namin, hindi ba naging sagabal iyong kapansanan?

    JOSEPHINE BONSOL: Hmmm. Kung sagabal po, siguro isa po sa mga dahilan iyon para lalo pang mag purisge. At saka, mas mahirap iyong dinadaanan, mas marami kang matututunan. In pain that you gain wisdom, all the time.

    VP LENI: Pero, nag aaral ka. Hindi naging mahirap iyong pagpupunta sa paaralan, pag-aakyat ng mga building.

    JOSEPHINE BONSOL: Mahirap din po. Kasi po, alam niyo naman iyong UP, parating kailangang magjijeep ka, papuntang building to another building.

    VP LENI: Oo, mag-iikot ka.

    ELY: Mag yu-UP ikot ka.

    JOSEPHINE BONSOL: Tapos dati po, wala pang Toki noon. Nilalakad pa namin iyong malayong malayo.

    VP LENI: Noong panahon ko, wala pa ding Toki. Alam mo ka Ely, iyong sa UP. Iyong pinaka rota niya, ikot ang tawag. Kasi umiikot. Pero noong lumaki na, na lumaki iyong campus, medyo naglagay na ng bagong ruta, Toki na. Iyong hindi inaabot ng Ikot, iyon naman ang inaabot ng Toki. So, alam mo nahihirapan, Alam mo, may tungkod si Ma’am Josephine. So kiniwento niya na kapag sasakay sa jeep, talagang napakahirap na.

    JOSEPHINE BONSOL: Opo, tapos marami po akong magandang story doon eh. Medyo po hindi nakakatawa pero masaya po. Bago po ang lahat, kasi naririnig po ng mga estudyante ko ito. Lalo na po’t nanalo po sila kahapon.

    VP LENI: Nanalo po saan?

    JOSEPHINE BONSOL: Sa bale, presscon po ng District 5 sa Quezon City po

    VP LENI: Naku, Congratulations ho sa mga estudyante niyo, Ma’am Josephine.

    JOSEPHINE BONSOL: ng Lagro High School po.

    VP LENI: Ayun!

    JOSEPHINE BONSOL: Andami po nilang panalo, gusto nilang magpabati.

    VP LENI: Naalala ko ma’am Josephine, noong mga sa anak ko. At saka noong ako pa. Iyong mga campus journalism, sumasali ito sa mga ano yun? Regional Schools Press Conference. Iyong mga ganoon ba?

    JOSEPHINE BONSOL: Opo, ma’am. Actually ma’am, ako po nakarating na ng Naga.

    VP LENI: Ah ganoon ba? Kasi po coach kayo?

    JOSEPHINE BONSOL: Opo, kasi po may national candidate po ako doon. Tapos, na explore po namin ang Naga. Iyon po iyong last NSPC na napuntahan ko. Kaya ayun po, kasi po Republic Act 7079 po iyan. Campus Journalism Act na sinusunod po nating mga teachers sa Public Schools.

    VP LENI: So, iyon, ka Ely.

    ELY: Napakaswerte naman ng mga taga Lagro. At least eh, mayroon silang teacher po diyan. Ah so, ano po ang inyong mensahe sa ating mga kababayan na iyong iba, gusto pong magteacher. Okay ba pong maging teacher?

    JOSEPHINE BONSOL: Marami po kasing ma guro na medyo pwede nating sabihin na gusto nilang magturo pero madali po kasing sabihing magturo. Pero, kokonti po iyong makinig sa mga estudyante. Sana po, dumami tayo na gustong maging nanay kahit sa hindi natin mga anak. Para po dumami po iyong mga bata na magkaroon ng lakas ng loob na harapin iyong mga sari-sarili nilang pinoproblema sa buhay.

    VP LENI: Kasi, tama iyan ka Ely. Paminsan may mababasa tayong mga kuwento ng mga successful na mga tao na sasabihin na naging ganito ako kasi nagkaroon ako ng teacher na naniniwala sa akin. Pero may maganda siyang kwento, ka Ely. Kaya siguro siya nainspire maging teacher kasi maliit pa siya, parati siyang bitbit ng nanay niya habang nagtuturo.

    JOSEPHINE BONSOL: Opo, tapos, napapansin ko bakit po parati siyang nasa likod ng classroom. Tapos mayroon siyang inaabot na tinapay. Tapos noong tinatanong ko, bakit mo po sila pinapakain. Tapos sabi niya, iyang mga bata na iyan, hindi sila pinapakain bago sila pumapasok sa school. Kaya, pinapakain ko. Kaya iyong nanay ko po iyong naging dahilan kung bakit.

    VP LENI: Hindi lang siya teacher, nanay pa talaga siya.

    JOSEPHINE BONSOL: Kaya, ginusto ko rin pong maging nanay.

    VP LENI: Marami actually tayong nakacome across ka Ely na ganyan eh. May mga teachers, konti na nga iyong sweldo, pero binabawasan pa iyong sweldo para tulungan iyong kanilang mga estudyante.

    ELY: May kasamang malasakit sa mga estudyante

    VP LENI: Mga bayani. Tunay na bayani.

    ELY: Ah sige po, ano pong mensahe bago po tayo magtapos.

    JOSEPHINE BONSOL: Nagpapasalamat po ako sa lahat ng mga tumulong sa mga estudyante ko. Kung hindi niyo po natatanong, mayroon na rin po akong GMA reporter na estudyate, si Bam Alegre po.

    VP LENI: Ah talaga? Estudyante mo siya noong high school?

    JOSEPHINE BONSOL: Opo.Binabati ka po niya. Kausap ko po kanina. Sabay po kaming pupunta CD2. Late na po kami sa Bagong Silangan. CD2 training ng campus journalist. Training ng mga elementary schools po

    VP LENI: Kaya sa mga estudyante, ka Ely ni Ma’am Josephine, magandang umaga po sa inyo. At doon po sa mga nanalo, Congratulations.

    ELY: Siguro napapanood tayo sa FB. Iyong VP Leni Robredo.

    VP LENI: nasa facebook live din po tayo, Ma’am Josephine.

    JOSEPHINE BONSOL: Nagpapasalamat din po ako sa principal ko, kay Dr. Monkata sa mga head teachers po ng Lagro High School, sa mga supervisors po namin sa DepEd QC na matutuwa dahil pwede ka po naming I-invite

    VP LENI: Taga QC din ako, Ma’am

    JOSEPHINE BONSOL: Gusto po kasi marinig ng mga bata na puwede po nila kayong makita ng personal.

    VP LENI: Oo naman

    JOSEPHINE BONSOL: Dahil sinusundan din nila po kayo

    VP LENI: sabihan niyo lang kami, ma’am.

    ELY: I-schedule lang po natin iyan, Ma’am

    JOSEPHINE BONSOL: Yehey

    ELY: Ma’am Josephine, salamat po sa inyong oras.

    VP LENI: Maraming salamat, Ma’am Josephine!

    JOSEPHINE BONSOL: Thank you po.

    ELY: Okay ma’am, baka mayroon pa tayong pahabol

    VP LENI: Hindi, mga pabati lang ka Ely bago tayo magpaalam. Mayroon tayong mga bagong nakikinig ngayon. Mayroong, dito sa atin, mayroong taga Pasig, San Fernando, La Union. Parang hindi pa ito nagregister dati pero ngayon, nakita natin na nakikinig sila. Saka dagdag din na mga listeners galing sa ibang lugar. Mayroon tayong listeners galing Qatar. Kaya sa mga kababayan po natin sa Qatar, alam po natin na napakarami diyan na Pilipino, magandang umaga po sa inyo. At saka syempre iyong mga kaibigan natin sa Hongkong. Magandang umaga po sa mga kababayan natin sa Hongkong. Iba’t ibang lugar ka Ely ng Canada. Mayroon Toronto, Mayroon sa hindi ko alam kung paano to I-pronounce pero Saskatchewan, mayroon ding St Louis, Missouri. Kaya mga bago itong tagapakinig. Mayroon ding galing Rome, Italy. Kaya sa mga kababayan po natin, magandang umaga po at Happy Sunday po sa inyong lahat.

    ELY: Maraming salamat, mga kasama sa inyong pagsubaybay. At iyon po no, sa mga taga Naga, taga Cebu, Cagayan de Oro at Davao at syempre sa buong bansa at buong mundo na inaabot po ng ating broadcast sa Biserbisyong Leni. Syempre iyong sa VP Leni Robredo Facebook Account. Ikiclick lang nila yun, at makikita na nila tayo.

    VP LENI: Saka napansin ko, ka Ely. Karamihan na nanonood sa Facebook, mga OFW. Kaya, masayang masaya tayo kasi kahit papano nakakasama natin sila. Bawat linggong umaga.

    ELY: Okay ma’am, salamat po.

    VP LENI: Maraming salamat! Magandang umaga pong muli sa inyong lahat.

    ELY: Okay, maraming salamat, mga kasama. Maraming salamat, Pilipinas. Ako pa rin po si Ely Saludar. Hanggang sa muli, sa araw ng linggo 9-10 ng umaga.

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Aug 06, 2017