This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    BISErbisyong LENI – Episode 26

    5 November 2017

    ELY: Isang magandang umaga, Pilipinas—Luzon, Visayas, at Mindanao! Isa na namang edisyon ng BISErbisyong LENI!Mga kasama, ngayon po ay araw ng Linggo, November 5, 2017. At siyempre, tayo po ay napapakinggan nationwide, gayon din po sa RMN Naga-DWNX 91.1, RMN Cebu-DYHP 612, RMN Cagayan de Oro-DXCC 828, RMN Davao-DXDC 621.

    At siyempre, mga kasama, kasama natin sa studio ang Bise Presidente ng Republika ng Pilipinas, si Madam Vice President Leni Robredo. Ma’am, good morning po!

    VP LENI: Good morning, Ka Ely. Good morning po sa lahat na kasama natin ngayong umaga, nakikinig po sa atin. Sa atin pong mga kababayan sa Naga at sa buong Bicol, marhay na aga sa indo gabos. Sa atin pong mga kababayan sa Cebu, Davao, at Cagayan de Oro, saka sa iba’t ibang bahagi ng Visayas at Mindanao, maayong buntag kaninyong tanan.

    ELY: At siyempre, mga kasama, mamaya pag-usapan natin… Importante po ito sa ating mga kababayan. Iyong pinakatampok din, iyong Istorya ng Pag-asa. At iyong may kinalaman sa bigas. Ito, importante. Ito ang pangunahing pagkain ng mga Pilipino. Pero bago diyan, mga kasama, alamin muna natin ang mga naging aktibidades ng ating Bise Presidente sa nagdaang linggo.

    VP LENI: Ayon, relaxed iyong linggo natin, Ka Ely, dahil sa Undas. Lunes pa lamang ay umuwi na tayo sa Naga, dahil doon nakalibing iyong asawa ko, iyong aking tatay, iyong aking in-laws.

    Pag-uwi ko, Ka Ely, puno iyong araw ng events, pero kahit punung-puno ng events iyong araw, kapag nasa Naga, parang pakiramdam mo nagpapahinga ka pa din.

    Ang ginawa namin, nag-inaugurate kami ng mga naiwan ko pang mga proyekto. October 31, naimbitahan tayo sa isang symposium sa Limbanan, Camarines Sur. Alam mo, Ka Ely, iyong Limbanan, iyon iyong pinakamalaking munisipyo sa buong Camarines Sur. Mayroon doong isang women’s organization, naimbitahan tayo nila na magpunta.

    Pero iyong November 1, talagang ano na… Actually, iyong October 31 pa lang na hapon, unang pagkakataon yata mula nang ako ay mahalal na nagkaroon ako ng pagkakataon maglinis ng bahay. Kaya iyong October 31, November 1, naglinis ako nang naglinis ng bahay.

    Pero iyong— Ito kasi, Ka Ely, parang ito iyong kinasanayan namin: Kapag November 1, paminsan mula late morning hanggang hapon, iniikot namin iyong mga sementeryo. May dala kaming mga kandila. Iyong mga kakilala na namatay, pagdadasal, pagsisindihan, bibisitahin. Pero iyong hapon na talaga, nandoon na kami sa puntod ng aking asawa, dahil kinagawian na din doon na maraming pumupunta. Kaya nandoon kami hanggang hatinggabi.

    Pero pagkatapos namin doon, pag-alis namin ng sementeryo, sumakay kami sa sasakyan, umuwi na kami dito sa Maynila, kasi may pasok iyong mga bata. Iyon iyong problema kapag hindi bakasyon iyong November 2, kasi talagang alanganin. Iyong anak ko, nagpa-late na lang sa school kasi dumating iyong aming sinasakyan na bus, past 8 na ng umaga. Hindi na siya nakapasok—hindi na sila nakapasok sa unang subject.

    ELY: Pero doon, Ma’am, hindi umulan? Kasi dito sa Manila—

    VP LENI: Malakas, malakas iyong ulan. Pero iyong mabuti doon kasi October 31, sobrang lakas ng ulan, pero iyong November 1, okay na. Medyo maputik doon sa ibang sementeryo, pero malaking bagay na hindi na umulan noong November 1 kasi nakapag-ikot-ikot na kami. Napakalungkot kapag umuulan ng November 1.

    ELY: Dito sa Metro Manila, November 1, talagang umuulan, kaya iyong inaasahan na dami ng tao, nabawasan.

    VP LENI: Kahit sa amin, Ka Ely. Bawas din iyong tao kumpara sa mga nakaraang taon. Siguro kasi napakalakas ng ulan noong October 31, hindi na nangahas iyong iba na umuwi pa. Pero dahil nga hindi na umulan noong November 1 mismo, masaya na din.

    Pagbalik ko dito, Ka Ely, ng November 2, diretso opisina. November 2 saka November 3. Kasi mula Lunes, wala ako sa opisina, kaya lahat office work iyong ginawa ko—iyong mga dokumento na kailangang pirmahan, iyong mga aaralin.

    Pero nakakatuwa noong Biyernes na hapon kasi iyong mga bisita ko, sunud-sunod na estudyante na nag-interview. Mayroong isang grupo ng grade school students galing sa Ateneo de Manila Grade School. Nag-interview sila tungkol sa kanilang Sibika class. Mayroon ding grupo na galing College of the Holy Spirit dito sa Quezon City. Mayroong Grade 10 students galing sa Miriam College. Mayroon ding mga Legal Management students galing sa Ateneo din.

    Sabi ko nga, “Bakit kayo nagkasabay-sabay?” Parang assignment yata nila for the break, for the semestral break, na pagbalik nila, iyon iyong research na isa-submit nila. Kaya iyon, nag-end iyong aking linggo na mga estudyante iyong kasama.

    Pagbalik ng linggong susunod, ayon, busy na naman tayo.

    ELY: Pero at least, Ma’am, iyong mga ganiyang estudyante, direkta niyong nalalaman iyong kanilang mga pananaw, at siyempre, iyong mga nangyayari sa ating paligid, lalo na po sa ating bansa.

    VP LENI: Saka magugulat ka, Ka Ely, kahit iyong mga grade school students ng Ateneo, parang… akala mo walang pakialam sa issues, pero alam na alam. May nagtanong tungkol sa political dynasty. Mayroong nagtatanong tungkol sa nahihirapan ba ako kasi iba iyong partido namin ng Pangulo. Iyong mga tanong na akala ko hindi alam ng kabataan kasi mga bata pa sila, pero alam na alam. Marami silang mga extra na tanong na nakakatuwa kasi ano talaga… talagang curious sila, Ka Ely.

    ELY: Okay… so talagang ganiyan ho. At marahil ito ay tulong na rin ng social media. Pero ingat… ingat din po. Kunsabagay, alam naman na rin ng ating mga kabataan, lalo na iyong fake news, mabilis po, naiche-check nila kaagad.

    VP LENI: Saka parang mayroon na, Ka Ely, na mga volunteers sa social media na nache-check na kaagad. Nache-check na kaagad kung fake news o hindi, iyong mga pictures na sinasabing “Sa Marawi ito,” iyon pala hindi sa Marawi. Mabilis na, Ka Ely.

    Kaya ako, ano din, kung siguro nagamit sa napakasamang paraan iyong social media nitong mga nakaraang taon at buwan, parang nakaka-recover nang kaunti ngayon. Nandiyan pa din, mayroon pa ding masasamang isip na gusto pa ring manloko, pero karamihan nagtutulungan na para maayos ito.

    ELY: At least nabibisto rin ho. At ang maganda nito, may mga grupo din—hindi na natin papangalanan—pero maganda na may nagbabantay ho. Na kuha daw ito sa Marawi, pero hindi pala.

    VP LENI: Saka ano, Ka Ely, alam mo noon pang kampanya hanggang nanalo na ako, biktimang biktima ako ng fake news. Lahat yatang pangyayari nasabi na tungkol sa akin. Mayroong sinabing buntis ako, nanganak, nagpalaglag. Mayroong sinabing nandiyan ako [sa isang lugar] kahit wala naman ako diyan. May mga litrato ako na na-Photoshop, pinapakita na kasama ko itong taong ito kahit hindi naman. Basta napakarami, Ka Ely, na mga kasinungalingan.

    Noong una, Ka Ely, akala namin dahil hindi siya totoo, huwag na lang pansinin. Pero ang nakakalungkot dito, kapag pinapaulit-ulit, parang iyong totoo, pinapaniwalaan na ng iba, kaya kailangan din na sinusubukan na i-correct kasi iyon nga, kapag hindi ka umimik, ayaw mong patulan, paminsan may mga naniniwala talaga.

    ELY: So talagang ngayon, iba na rin ang teknolohiya, naaabuso. Biruin niyo, mayroong mga litrato na puwedeng palitawin na kayo ay magkahawak sa kamay.

    VP LENI: Oo. Ito nga, Ka Ely, may kalalabas lang na picture namin ni Presidente. Parang ano yata ito… Ang sabi nila sa akin—hindi ako familiar—galing yata sa isang Korean na telenovela. Parang iyong bidang lalaki, pinalitan ng mukha noong ating Pangulo. Iyong bidang babae naman, mukha ko.

    Tinitingnan ko, Ka Ely, parang walang bahid ng Photoshop. Napakahusay ng pagkagawa. Pero iyong ganito, kung hindi alam ng tumitingin, baka mapaniwala na nangyari talaga ito, pero hindi naman.

    ELY: Nakikita ko nga, parang totoo, ang galing. Iyon pala, kapag nakita niyo, fake news iyan. Kaya ingat ingat po tayo sa teknolohiya.

    VP LENI: Ito, Ka Ely, bago sana natin imbitahin dito iyong kasama nating guest, gusto ko lang balikan iyong ibang nag-text sa atin. Kasi mayroon na tayong mga kailangan galing sa kanila.

    Gaya nitong si Ding Tongol ng Caloocan, tinutulungan natin siya. Taga-Bagong Silang, Barangay 176. Tinutulungan natin siyang magkaroon ng wheelchair. Pero iyong kaso niya, Ka Ely, hindi ito iyong— Alam mo, Ka Ely, mayroon na ngayong mga wheelchair na kahit kanino puwede, pero mayroon ding mga kapansanan o mga pangangailangan na kailangan pang sukatan. Ito, kay Mr. Tongol, kailangan pang sukatan. Kaya ito, ginagawan ng schedule sa PGH kasi doon susukatan. Kaya kung nakikinig sa atin si Mr. Tongol, mayroon pong sa inyong magko-coordinate para maayos iyong schedule at masukatan kayo.

    Ito din, Ka Ely, si Pedro Tuazon. Naaalala ko nag-text siya sa atin, taga-Tanay, Rizal siya. Nagtuturo siya ng first aid. Iyong nire-request niya sa atin noon, iyong parang manekin na pang-CPR para mayroon siyang nagagamit. Tinulungan natin siya, kasama ang DOH, pero may mga additional requirements na kailangan sa kaniya. Kaya kung nakikinig si Mr. Tuazon, baka po puwedeng mag-coordinate kayo sa DOH para ma-comply na natin iyong additional requirements.

    Ito naman pong si Manuel Chan, taga-Parañaque. Kung matatandaan mo, Ka Ely, ilang linggo na ang nakakaraan, iyong ating guest dito iyong pinag-usapan natin… iyong taga-CDA, Cooperative Development Authority. Iyong pinag-usapan natin iyong transport, iyong modernization ng mga jeepney. Itong si Manuel Chan, mayroon siyang mga pinapakiusap na mga suggestions: una, kung puwede daw lakihan iyong mga subsidy para sa mga operator na may mga liga; iyon daw prangkisa, magaan naman daw sana iyong requirements— Kasi iyong pinag-usapan natin dito, Ka Ely, parang 1.4 million [pesos] iyong halaga ng jeep, payable ng seven years, pero malaki pa din. Malaki pa din iyong monthly. Tapos iyong subsidy, mayroon sanang subsidy na 80,000 pesos, pero parang first 250 [approved applications] lang, kung hindi ako nagkakamali. So sabi niya lakihan sana iyong subsidy saka pagaanin sana iyong requirements.

    Iyong isa pa, iyong pakiusap niya din sana tax-exempt iyong manufacturer para mas mababa iyong presyo ng jeep. Nilagay niya din dito na napakabigat daw ng requirements sa cooperatives. Ang isa daw dito iyong road users’ tax, na pagkukuhaan ng pondo. Pero sana daw ito ay magamit para tulungan iyong mga mahihirap na operators saka drivers.

    Pero ito, Ka Ely, iyong text sa atin ni Mr. Manuel Chan, ito iyong isa sa mga halimbawa kung bakit kailangan talagang kabahagi ng komite iyong representatives ng drivers saka operators. Kasi kung naaalala mo, Ka Ely, iyong ating guest, umuupo siya sa technical working group, pero noong tinanong natin siya kung represented iyong drivers saka operators, sabi niya hindi. Kaya iyon iyong nire-request natin. Siguro ang puwede nating magawa para kay Mr. Manuel Chan saka sa iba pa po na drivers and operators, i-follow up sana sa kanila na bigyan ng representatives, para iyong mga ganitong suggestions ay talagang mabigyan ng puwang.

    ELY: At siguro po, maisingit ko, maraming nagrereklamo sa atin, sana po iyong sa LTFRB, iyong pagbibigay ng prangkisa ay balanse. Mayroon pong mga lugar na napakarami po ng mga jeepney na pumapasada at bus, pero may mga lugar na kulang po talaga. Mayroong mga nagko-colorum. Ibig sabihin hindi po balanse iyong pagbibigay ng prangkisa.

    VP LENI: Mayroon naman pong sobra, mayroong kulang.

    Ito, Ka Ely, mayroong dalawang nag-text. Unahin ko itong isa, si Mrs. Regina Perez, hindi ko na sasabihin iyong request niya, pero kailangan niyo pong tumawag ulit sa amin. Humihingi ito, Ka Ely, ng tulong. Medyo nag-aalala kami. Pero tinatawagan namin siya, hindi na ma-contact. So kung nakikinig po kayo ngayon, baka po puwedeng tawagan niyo po ulit kami doon sa number na tinawagan niyo.

    Mayroon ding tumawag, Ka Ely, si Mary Clara Choa. Isa daw siyang 47-year-old na kasambahay, wala nang asawa, mayroon siyang sakit na TB, nagpapa— Parang kasambahay siya sa Antipolo. Parang iyong hinihingi niyang tulong, iyon nga, iyong kaniyang mga anak. Pero parang may mga problema—iyong kaniyang panganay, mayroon na daw asawa, nasunugan sa Santolan, Pasig, wala nang malapitan. Ma’am, kung nakikinig po kayo ngayon, pa-contact po noong anak niyo na nasunugan para po matulungan namin.

    Pero mayroon siyang isang anak daw, Ka Ely, na mayroong sakit sa pag-iisip. Nasa Pangasinan yata ito. Nabuntis daw ng isang nakilala lang sa Facebook. Ito po, ang sabi ni Nanay Clara, 4,500 [pesos] a month lang naman po iyong kaniyang kita. Kulang na kulang para matustusan iyong pangangailangan ng kaniyang limang anak, pati mga magulang niya. Ito po, sinusubukan nating matulungan. 17 years old lang pala iyong anak niyang nabuntis. Mayroon daw nag-aalaga ngayon sa Pangasinan. Kung nakikinig po si Nanay Clara, in touch na po kami ngayon sa opisina na nag-aasikaso. Aasikasuhin po namin kung ano iyong pinakamabuti para sa anak niyo, kung ano pong mas makabubuti—kung dadalhin siya dito kasama iyong tagapag-alaga. Kung hindi naman, titingnan po iyong kalagayan niya doon, kung ano iyong makakatulong sa kaniya.

    Iyon, Ka Ely. Marami pang nag-text, pero iyon iyong mahahalaga, kasi karamihan sa kanila kailangang mag-contact ulit sa atin. [music break; END GAP 1]

    VP LENI: Mapalad tayo ngayong umaga Ka Ely, guest po natin si Miss Myriam Layaoen. Sya po ang Be Riceponsible campaign director ng Department of Agriculture.

    Alam mo Ka Ely, meron pala tayong Rice Awareness Month, hindi natin to alam. Pero napakahalaga Ka Ely ng usapin tungkol sa bigas. Sa pagtatanim ng palay. Kasi kahit saan kami mapadpad na lugar, yan yung pinaka pangunahing concern.

    Marami kaming tinutulungan ngayon na magsasaka. Kahit magsasaka sila, sila yung isa sa pinakamahihirap sa ating lipunan. Marami rin kaming bata sa mga feeding program na nalaman namin ang magulang magsasaka, pero malnourished yung mga anak.

    So mahalaga ang usapin natin ngayong umaga. Yung ating kapanayam kay Ma’am Myriam kasi alamin natin ano ba ginagawa ng DA para tulungan yung maliliit na magsasaka.

    Magandang umaga sa iyo Ma’am Myriam. Maraming salamat sa pagpaunlak sa aming imbitasyon.

    MYRIAM LAYAOEN: Magandang umaga din po Ma’am Leni and Sir Ely. Actually nagpapasalamat kami sa pag-imbita nyo samin dito para maishare natin ang adbokasiya para matulungan ang ating magsasaka, gayun din ang ating rice consumers

    VP LENI: Etong Rice Awareness Month, buong Nobyembre ba sya?

    MYRIAM LAYAOEN: Every November po inoobserve ang National Rice Awareness Month. Mula pa po Ito ng 2004.

    VP LENI: Ngayon ko lang narinig na may Rice Awareness Month pero nakakatuwa. Kasi maraming, alam mo ma’am yung aming Angat Buhay program, nadadala kami sa pinakamahihirap na mga lugar. At karamihan ng hanapbuhay ng mga tao don, mga rice farmers talaga. Kaya mahalaga siguro na napapaabot natin sa kanila ano yung benepisyo at tulong na pwede ma-avail nila sa gobyerno. Yung Be Riceponsible campaign ng DA, ano po essentially?

    MYRIAM LAYAOEN: Eto po yung Be Riceponsible campaign nagstart sya ng 2013. Nagdeklara ng taon na yun ng Rice Awareness Month. Eto po yung suporta ng ating gobyerno na makamit ang rice self-sufficiency ng bansa. Ating ipromote ang effort ng magsasaka para mapakain tayong lahat dito sa Pilipinas. At pinopromote din po nito ang tinatawag na “riceponsible consumption” dito sa ating bansa. So hindi lang po sya sa magsasaka, eto po ay para din sa rice consumers.

    VP LENI: Ano yung target natin na production para masabi natin na rice self-sufficient na tayo?

    MYRIAM LAYAOEN: Kapag po sinabing rice self-sufficient kailangan po ang rice production natin ay nakakasabay or at pace sa population growth. Sa ngayon po ang target ng ating DA ay magkaroon ng mga 19 million metric tons produksyon ng palay o bigas. Sa ngayon po, 2017 ang ating data ay nasa 19 million na dapat by December. Projection po ito.

    VP LENI: So malapit na natin makamit?

    MYRIAM LAYAOEN: Opo tinatarget sana natin rice self-sufficiency by 2019. Pero nakikita po ng DA kung tuluy-tuloy trend na nakikita natin ngayon, kaya po na mas maaga.

    VP LENI: Pag ba sinabing rice self-sufficient tayo, gusto bang sabihin nito wala na importation?

    MYRIAM LAYAOEN: Ah ganon po yun. Pero dahil sa iba’t ibang factors meron tayo ngayon sa production ng bigas, palay dito sa ating bansa, ang immediate target po natin ay food security. Ibig sabihin po available, affordable, accessible na pagkain para sa lahat.

    VP LENI: Totoo ba claim ng iba na kaya binibili imported na bigas kasi mas mura?

    MYRIAM LAYAOEN: Ayon po sa pag-aaral ng PhilRice under DA. Nagkaroon ng comparative analysis o studies dun sa ating katabing bansa sa rice production. Totoo po na mas mura yung kanilang production cost kumpara sa atin.

    VP LENI: Bakit kaya hindi natin kaya magproduce ng ganon kamura na bigas. Kumpara sabihin natin sa Vietnam, Thailand.

    MYRIAM LAYAOEN: Kasi po unang-una mataas po talaga ang labor cost dito sa Pilipinas kumpara sa ibang bansa na inaral natin. Sa kanila po highly mechanized ang pagsasaka. So ito pong ating labor cost ang pangunahing pinagkukuhanan ng mataas na production cost ng ating magsasaka.

    VP LENI: Meron bang, kabahagi ba yan ng plano ng DA na itulak ang mechanization? O mas gusto natin na parang tigilan ang mechanization para hindi mawalan ng trabaho ang ating magsasaka?

    MYRIAM LAYAOEN: Actually marami po tayo aspeto tinitingnan. Sa ngayon po ay pinupush ng DA yung paggamit ng hybrid rice seeds. Eto po ay para mapataas ang ani. Tungkol naman po sa labor cost, kung titingnan po talaga natin na gusto natin mapataas profitability ng ating magsasaka, maging competitive sila sa magsasaka sa ibang bansa, ay talagang ipupush, kailangan natin mechanization.

    VP LENI: Kung ipush natin ang mechanization, ano ang plano natin sa mga magsasaka na mawawalan ng trabaho?

    MYRIAM LAYAOEN: Meron po tayong naka-kasa na na programa para po dun sa mga tinatawag na madidisplace na workers sa rice production.

    VP LENI: Sana po hangga’t maaari, dahil tayo ay agricultural country, yung ating magsasaka na madidisplace mostly farm laborers po ito ay magkakaron po ng programa o i-link natin sila sa ibang ahensya tulad ng Tesda para mabigyan sila ng training. Hanggat maaari andun pa rin sila sa agrikultura. So kung hindi naman po palay, ibang crops naman o commodities na maaari din nilang pagkakitaan na hindi sila aalis sa kanilang komunidad.

    Kasi Ka Ely samin, ilang modelo na rin ang aming sinubukan samin, lalo ng ako’y nasa Congress pa. May mga eksperto na nagpupunta, may nag-aadvice na mabuti magshift, kasi bagyuhin samin. Ang advice ng iba mas mabuti magshift sa ibang produkto na mas magiging profitable, mas mataas kita, kesa pinipilit sa rice na konting… Alam mo yun pag umulan ng grabe o bagyuhin, apektado kaagad. Pero meron kasi Ka Ely na resistance parati. Lalo na yung magsasaka na buong buhay nila bigas talaga kanilang pino-produce, may resistance na magshift sa ibang produkto.

    MYRIAM LAYAOEN: Buong Pilipinas po ba ma’am ganon din?

    VP LENI: Totoo po yan. Lalo na po yung sobrang tagal na nagpoproduce ng palay. Ang hirap po natin sila iconvince na itong ating lugar, lalo na environment ngayon, may cimate change tayo, lalo na yung mga sitwasyon sa ating environment na hindi na talaga magiging profitable pa ang rice production. Humihingi kami ng tulog sa ating mga LGUs, sila ang nasa community.

    On the average ba magkano ang kita ng rice farmer per hectare? Yung typical na palay.

    MYRIAM LAYAOEN: Nasa P25,000 per hectare per ani.

    VP LENI: Ang problema yung P25,000 net na. Ang problema lang gaya samin may mga lugar na once a year lang ang ani. Dati kaya hanggang tatlo, naging dalawa, ngayon isa na lang.

    Pero karamihan ma’am, reklamo samin kaya once a year na lang ani dahil sa supply ng tubig, kulang ng irrigation. So sabi ko bakit hindi natin hanapan ng paraan. Kasi gaya samin, umuulan samin. Pero parang ironic na maulan pero ang reklamo ng farmers walang tubig. Walang tubig dahil walang irrigation, pero umuulan naman.

    So pag maulan, sobra tubig. Pero pag wala ulan, walang wala. May inobserve po kaming isang programa sa Brazil. Parang programa ito na sa kanila uso yung water impounding system. Pag umuulan, kinokolekta ulan. Pag wala ulan, yun ang ginagamit pang irrigation.

    Actually sa pilot areas namin, DAR yung nagbigay. Meron ng water system facilities na binigay ang DAR at gumagana naman. Kaya ang tanong ko po, yung DA ba, kasi nakita ko isa sa programa nyo irrigation and water management, meron din bang ganitong direksyon?

    MYRIAM LAYAOEN: Marami po tayong ginagawa na, na small water impounding facilities. Kung saan po magkakaron ng mga maliliit na water reservoir para hindi lang yung suporta ng irigasyon ang main facility ng NIA. Magkakaron din po ng small water impounding facilities sa farmer village.

    Doon sa technology na yun kapag may ulan pwede nila icapture o ipunin yung tubig. Para magkagayon, during tag-init at tagtuyot, maaari nila gamitin yun. So meron na tayong ganong technology. Lalo na sa upland areas or yung non-irrigated areas.

    VP LENI: Kasi kagaya samin ma’am, sobrang dami ang non-irrigated. At karamihan sa non-irrigated, once a year na lang eh. So kung kikita ka ng P25,000 a year paano mo bubuhayin ang pamilya mo.

    Parang P2,000 a month lang yun, kulang pa. Syempre nagpapaaral ka pa ng mga bata. Yung pagkain pa sa araw-araw, napakakonti ng P25,000 a year.

    Sana target makatatlong ani a year para kahit pano dumagdag yung kita ng ating magsasaka.

    MYRIAM LAYAOEN: Sa nakita po natin sa ating pag-aaral talagang may areas na very productive o profitable ang rice farming. Yun po sana gusto namin.

    VP LENI: Lalo na sa Mindoro, pumunta kami Kuya Ely sa Mindoro Occidental. Doon napaka-succesful ng cooperative ng rice farmers. Yung dinadaanan katabi ng kalsada nila talagang ang lalago ng palay.

    Pag pumupunta ako don, awang-awa ako sa mga magsasaka samin. Kasi samin talagang pahirapan.

    ELY: Sinasabi nyo sana maconvince ng DA na magpalit ng itatanim?

    VP LENI: Yung hindi na profitable. Yung taon-taon o buhat nag-umpisa pa sila, lugi o hindi umaani ng dapat anihin.

    Kung ganon po meron din silang ibang pwedeng gawin eh, katulad na magtanim ng ibang produkto or ibang commodities or ibang crops. Or maaari rin naman po na sa dry periods, yung walang ulan, yun pong crops na hindi matakaw sa tubig

    Isa pa Ely nakikita ko, resistance. Diba Bicol known kami for pili. Yung pili malaki ang market, lalo na sa Europe. Grabe demand, grabe naghahanap samin wala kami maibigay. Pero hindi namin makumbinsi na magtanim sila ng pili kasi maghihintay ng matagal eh.

    Mas gusto nila mabilisan, kaya gusto nila rice saka corn. Mabilis pero ang mura naman. Kaya tingin ko ang dapat pagtuunan siguro, magbigay ng incentives ang pamahalaan para maengganyo yung mga hindi na profitable sa rice na magshift sa ibang produkto.

    Meron di sa amin ma’am na yung rice talaga fina-farm nila, pero dahil sa climate change, pinapasok na ng salt water yung kanilang farm. So di nabubuhay ng maayos yung kanilang tinatanim. Pero kahit ganon na sitwasyon meron pa ring resistance na magshift. Yung tanong ko po pag ganyan, meron bang rice varieties na tumutubo kahit salty ang lupa?

    MYRIAM LAYAOEN: Opo, may tinatawag po tayo na saline-prone variety. Marami po ito. Ang listahan natin ng varieties ay nasa 400 na, nasa NSIC RC400 plus na. Ang ilan sa mga ito ay para sa saline-prone areas, meron din po yung submergence, yung kahit lumubog ng ilang araw ay mabubuhay pa sya. Basta hindi lang sya masyado malapit sa pag-ani, kaya pa nya mabuhay kahit 11 days nakalubog sa tubig.

    VP LENI: Eto ba ay available sa lahat ng DA offices?

    MYRIAM LAYAOEN: Yan po, I have to admit, hindi po laging available. Pero malaki po magagawa ng LGUs kung masasabi lalo na sa Philrice, kami po nagpoproduce ng breeder seeds, foundation seeds na ginagawa pong certified registered seeds ng ating magsasaka para yun itatanim nila for commercial rice production.

    VP LENI: Pero ma’am, halimbawa LGU ako, ano ang pwede kong gawin para maging available ang iba’t ibang klaseng rice sa aking constituents?

    MYRIAM LAYAOEN: Para po kasi makaproduce ng certified seeds kailangan natin ng isang season. Isang taniman bago lumabas ito. So kung meron po tayong demand, makikita ng LGU, pwede pong makipag-ugnayan sa DA one season ahead. Para masiguro sa susunod na season. Dapat meron silang projection sa susunod na season para magkaron sila ng seeds na nirerequire o yung gusto ng ating magsasaka.

    VP LENI: Yung nasa 16th Congress pa ako, pilot area kasi kami ng zero hunger program na ginaya sa Brazil, malaking bahagi nito parang feeding program sya. Pero ang magsusupply ng ififeed sa malnourished na bata, ang target namin na magsusupply, yung pinakamahihirap na magsasaka.

    Pero nung hinahanap na po namin yung pinakamahihirap na magsasaka, iniinterview namin sila isa-isa, parang sinasabi nila hindi sila nakakahingi ng tulong sa DA kasi hindi sila organisado.

    Tanong ko po, polisiya ba talaga ng DA na ang tutulungan nya lang mga organized?

    MYRIAM LAYAOEN: Ito po yung hakbang para maiwasan corruption sa ibaba. Kasi po kung organized yung magsasaka, nakikita natin identities nila, alam natin na totoong magsasaka sila. Minsan po kasi, pasensya na po, minsan may mga LGUs na gumagamit ng ating magsasaka. Kawawa naman po sila.

    VP LENI: Gusto nyong sabihin may nag-aavail ng programa ng DA kahit hindi sila magsasaka?

    MYRIAM LAYAOEN: Meron po ganon na ginagamit sila.

    VP LENI: Kasi ma’am ang ginawa namin sa amin, gumawa kami inventory ng lahat na tunay na magsasaka na hindi organized. Nakabuo kami ng 13 groups. Ang ginawa ng opisina namin, district office ko, kami ang naglakad para maaccredit sila, maorganize. Pero pinakadahilan nila kaya hindi sila nag-oorganize, kasi ito yung mga isang kahig, isang tuka. Wala silang pambayad ng membership dues, pang-accredit, pero mula ng kami mag-asikaso noon, bumuti buhay nila eh.

    Naging organized na sila, tinutulungan sila ng DA, ng DAR. Yung kanilang produkto ay binibili para sa feeding program, ang laki ng increase ng kanilang kita. Kaya isang tanong ko din, wala bang programa ang DA para sa mga ganito? Parang may special consideration sa mga walang-wala talaga. Na baka pwedeng as far as they are concerned, medyo irelax ang requirements para pwede silang makacomply.

    MYRIAM LAYAOEN: Yes, pwede po natin yan panawagan sa DA lalo na ngayon na binubuo ating rice roadmap para sa 2022, kasama po dito pag-organize sa mga maliliit na magsasaka at yung mga polisiya na maaari pong magbigay ng mas maraming benepisyo para sa maliliit na magsasaka maka-access.

    VP LENI: Ang problema namin don, hindi nga sila organized kasi parang walang capacity mag-organize. Dahil hindi sila organized, sila din yung mga walang lupa eh. Wala silang collateral. Hindi sila makakautang. Tapos hindi pa sila makakuha ng libreng input kasi di sila recognized. Wala din silang crop insurance. So pag bumabagyo samin, ang nakakahingi tuloy ng tulong yung medyo nakakaangat. Pero yung walang-wala, eto pa yung hindi nabibigyan ng tulong. Kaya eto rin sana ang hinihingi natin sa DA na sana magkaron ng separate na programa para dun sa walang-wala talaga. Na basta maprove lang na legitimate sila na magsasaka, magkaron sila ng access sa mga programa ng DA.

    MYRIAM LAYAOEN: Maraming salamat po for that suggestion. That’s very well noted po.

    ELY: May text satin, ano po magagawa ng DA na kapag tag-ulan ho talagang napakalalim ng baha, at pag tagtuyot naman, bitak-bitak ang lupa?

    Ako nagresearch ako, naginterview ako sa Thailand, yung gobyerno talagang tinutulungan yung magsasaka, binibigyan pa ng modernong equipment. Libre po yun. Kaya magsasaka don, talagang napakadali talaga ng kanilang pag-aalaga sa bigasan.

    VP LENI: Actually pansin ko Ka Ely, yung DA natin, nagbibigay naman sila ng equipment. Sa kooperatiba binibigay kasi required. Pero makikita natin na kailangan naman talaga ng tulong ng kooperatiba. Pero eto yung meron pa sa ilalim nila na mas nangangailangan ng tulong, sila tuloy hindi nakaka-access dahil sa requirement na kailangan sila organisado.

    Ako naiintindihan ko naman tama naman ang DA na kailangan talaga organized. Pero baka pwedeng merong special consideration sa mga walang-wala na makahabol-habol man lang kahit papano. Maglagay na lang siguro ng isang mekanismo na nachecheck alin legitimate, alin hindi.

    MYRIAM LAYAOEN: Tama po. Maaari po nating gawin yun, tingnan natin kung sino talaga lehitimong mga magsasaka na talagang nangangailangan ng tulong ng gobyerno. Umaasa po kami, kahit kami sa DA, na maimplement itong programang ito, lalo na yung mga changes po sa ating policy para po mas maka-access pa ang ating nangangailangang magsasaka.

    VP LENI: Alam ko po nasa rice program kayo, eto lang last kong tanong kasi wala na tayong oras. Kung alam nyo lang, meron bang programa ang gobyerno para iincentivize, hikayatin ang rice farmers na wala na masyado income na magshift sa ibang produkto? Kasi kung walang incentive parang ang hirap kumbinsihin eh.

    MYRIAM LAYAOEN: Part po ito ng ilalabas, di pa po kasi final ang ating rice roadmap. Lalabas pa lang po sa 2018. Dito po nakapaloob sa isang objective kung paano kukumbinsihin ang magsasaka na madidisplace na kailangan talaga nila magshift sa ibang produkto. Meron pong programa para dito.

    VP LENI: Sinasabi mo na kaya tayo hindi nakakahabol sa presyo saka sa production kasi hindi pa tayo nagmemechanize ng todo, kasi maraming madidisplace. Pero gusto kong sabihin pag nagmechanize tayo ng todo, baka makahabol tayo sa presyo, sa quantity. Basta yung madidisplace hindi po natin sila pababayaan.

    MYRIAM LAYAOEN: Yan po ang ating sinisiguro sa ating magsasaka, sa ating kababayan. Kasama po sa programa ng DA ang madidisplace na magsasaka.

    VP LENI: Mabuti naman kung ganon.

    ELY: Okay. Ma’am Myriam, salamat po sa inyong oras dito sa Biserbisyong Leni.

    MYRIAM LAYAOEN: Maraming salamat po. Pero maaari ko po bang imbitahan ang ating tagapakinig na itong National Rice Awareness Month, hinihikayat ko po ang bawat isa na makiisa sa ating adbokasiya na Ready, Set, Rice.

    Ibig pong sabihin mag-save rice, eat healthy and syempre itry natin ang brown rice. Hindi lang po healthier options, bilang staple food, pinagkukuhanan natin ng enerhiya ang ating kanin so sana po lalo na sa ating nasa laylayan ng lipunan, maka-access po sila sa safe and nutritious food sa pamamagitan ng ating staple food.

    ELY: Pero hindi naman kayo kontra sa unli rice?

    MYRIAM LAYAOEN: Hindi naman po. Yun lang sir basta walang maaksaya, kasi ang laki ng ating wastage. Kung na-save yun, mas marami pa, milyun-milyong Pilipino pa ang makakakain. Iwasan po natin mag-aksaya, hindi lang para sating katawan, sa ating mga magsasaka na nagpoproduce ng ating kinakain. Be riceponsible. [End of Gap 2]

    VP LENI: Ngayong umaga ka Ely, binabasa ko ang kuwento ng ating bisita, napaka-inspiring Ka Ely. Ang ating Istorya ng Pag-asa ngayon si Troy Lacsamana. Magandang umaga sa iyo, Troy.

    TROY LACSAMANA: Magandang umaga po VP Robredo, and Ka Ely.

    VP LENI: Si Troy Ka Ely ang librarian ngayon ng Quezon City Public Library, pero bago niyan, naging librarian siya ng UP Main Library. Pero siguro noong nandoon pa ako hindi ka pa kasi mas bata ka ng di hamak sa akin.

    TROY LACSAMANA: Anong batch po ba kayo doon?

    VP LENI: ’86 ako nag-graduate, ang aking student number ay ’82. Baka estudyante ka pa lang noon o papasok ka pa lang ng UP. Dati ka ding naging librarian ng Engineering Library. Madalas akong nasa Main Library noon Ka Ely kasi hindi ako bumibili ng libro. Doon lang ako parati nag-aaral, napakaganda ng aming Main Library. Pero interesting ito Ka Ely, kasi mayroong alias si Troy. Ang tawag sa kanya ng napakarami ay Heneral Basa. Bakit Troy? Bakit Heneral Basa ang tawag sa iyo?

    TROY LACSAMANA: Nagkaroon po ng programa ang aming public library na kung saan nag-isip kami ng paraan kung paano ba mas mapopularize ang pagbabasa at mahikayat ang mas nakakarami na pumunta sa library. At sa isang meeting namin, naisuggest ko na bumuo ng isang superhero character. Bakit superhero character? Para mas madaling makakarelate ang mga tao at mga bata. So iyon nga, noong naisakatuparan namin ito noong 2014, ay sa tingin ko naabot namin ang aming goal na mas marami ang makaalam na mayroon pa lang mga public libraries.

    VP LENI: Pero ito iyong Heneral Basa, kayo ang original concept nito. Hindi siya galing sa isang existing na kuwento?

    TROY LACSAMANA: Opo. Originally po magpapaalam dapat kami sa iyong gumawa ng Batibot. Kasi mayroong Kapitan Basa. Madalas nga parati kaming napagkakamalang si Kapitan Basa. Unfortunately, hindi po namin na-contact iyong copyright owner. Sinubukan namin i-contact kaso hindi sila nagreply. And kailangan na namin bumuo. So bumuo kami ng sariling superhero.

    VP LENI: Ito ano ito, mayroon ka ding costume?

    TROY LACSAMANA: May costume. Naka itim, mayroong kapa na kulay green, tapos mayroong malaking letter B. Ang ibig sabihin ng letter B, Basa.

    VP LENI: Tapos ito kapag pumupunta kayo sa mga communties, sa mga libraries, naka costume kayo nito?

    TROY LACSAMANA: Naka costume. Tapos kasama din ang ibang mga librarians sa Quezon City Public Library. Noong unang araw kinakabahan ako kasi baka mamaya pagtawanan ako, pero dahil may mga kasama ako, nabawas-bawasan. Tapos habang sa araw-araw na paglalakad ko, mas lalo akong nabigyang lakas kasi nakita ko na ang tawag dito, na iyong mga nakakasalubong ko na mga nasa kalsada, iyong mga nagtitinda, iyong mga taxi driver na nag-aalmusal, ayon parang nabibigyan ko sila ng idea na mayroon pa lang public library at sinasabi ko, o pumunta kayo dito walang bayad ito. Kasi maraming branches sa Quezon City Public Library. Puntahan ninyo ang pinakamalapit, hindi ninyo kailangan magbayad. Iyong mga anak ninyo, kapatid, pamangkin, apo—after ng school, bisita kayo sa Public Library. At iyon, sa tingin ko marami nga na nagiging aware na mayroon pa lang libraries.

    VP LENI: Oo kailangan talaga maghanap ng gimik para mas maging ano siya, mas maging exciting sa mga bata. Kasi naalala ko Troy, tumira kami ng isang taon sa Amerika, noong nag-aral ang asawa ko. Mayroon doon sa loob siya mismo ng Harvard, pero public library siya, ang pangalan Cambridge Public Library. Alam mo halos araw-araw kami ng mga bata nandoon. Hindi ko alam kung ano nandoon, napakaluma naman na building, pero parang marami siyang activities na talagang gustong puntahan ng mga bata. Mayroon siyang mga parang mayroon kang mga stickers na pinakamaraming librong nahiram, parang mayroon kang regalo sa ganito. Ang daming batang pumupunta talaga na sabi ko nga, puwedeng-puwedeng ma-adopt dito sa atin. Tapos mayroon siyang every month, parang mayroon siyang parang nirerecommend na libro. Pero napansin ko kasi doon Troy, hindi kayang parang iyong library lang ang gumagalaw na walang support sa school. Kasi iyong school ng mga anak ko, nagpublic school, iyong school nila doon, mayroon silang mga libro na kailangang basahin buwan-buwan. At iyong librong iyon available sa library. Pero ito kasi kahit hindi na required, basta nagustuhan na nila ang ginagawa nila, talagang magbabasa na nang magbabasa. Ang nakakalungkot sa atin parang hindi masyado di ba? Parang sa mga schools hindi masyadong required.

    TROY LACSAMANA: So kailangan palakasin natin ang mga school libraries hindi ba. Katulong ng public libraries, iyong sa pagpapalaganap sa pagbabasa. Tapos ito pa, ikukuwento ko. Tawag dito, marami akong nadiscover iyon nga sa paglalakad, iyong mga bata talagang ano, interesado sa pagbabasa kasi araw-araw po kami mayroon kaming schedule. Pupunta from public library, pupunta kami sa mga schools. So sa mga nilalakaran namin, mayroon kaming stops tapos minsan mayroong impromptu na storytelling session. May schedule kaming sinusunod, pero kailangan naming tapusin ang mga kuwento na kinukuwento sa mga bata na iyon parang, nakakataba ng puso na bigyan mo lang sila ng libro, magbabasa ang mga bata. So iyong mga bata talagang gusto magbasa. Tapos ang mga magulang, kailangan nating ipaliwanag sa kanila na bigyan ng oras.

    VP LENI: Tingin ko iyon ang kulang natin Troy ano.

    TROY LACSAMANA: Oo, hindi iyong rason na nagtatrabaho ako para kumita para sa pagkain. So iyon, sana mas marami kaming ma-engganyo.

    VP LENI: Tama ka kasi from time to time naiimbitahan ako ng mga read aloud, lalo na itong mga siguro mula kinder hanggang mga grade 3. Pag nagbasa ka sa kanila, interesado talaga. At saka interactive, kahit hindi mo sinasadyang interactive, nagbabasa ka tapos maraming magtataas ng kamay, sasabihin magtatanong kung ano iyon. Talagang sayang ano, sayang kung ang magulang walang support sa bahay.

    TROY LACSAMANA: Ang sarap ng feeling na may connection ka sa mga bago mo lang nakilalang mga bata na makikinig sa iyo.

    VP LENI: Pero ito Troy, tiningnan ko kasi parang ang kinuha mo noong college talagang Bachelor of Science in Library Science talaga.

    TROY LACSAMANA: Actually, hindi po. Ano po ako, Electrical Engineer ang kinuha ko kasi galing ako sa science school noong High School.

    VP LENI: Electrical engineer tapos natapos ka as an engineering student.

    TROY LACSAMANA: Hindi po, nagshift po ako.

    VP LENI: Pero noong nagshift ka, library science na. Pero bakit library science? Mahilig ka talaga magbasa.

    TROY LACSAMANA: Aksidente rin lang po. May kaklase po ako sa isang French class, language class, tapos sinabi niya na o bakit hindi mo kunin ang library science. And blessing in disguise po hindi po mahirap na magustuhan. And nag-open po ng maraming opportunities. Katulad po nito na kung hindi ako naglibrary science, hindi ko magagawa ang ganitong mga bagay.

    VP LENI: Oo hindi ka sana si Heneral Basa.

    TROY LACSAMANA: Opo.

    VP LENI: Pero ito kasi Ka Ely bihira sa atin. Parang bihira ang kumukuha ng library science. At iyong iba na kumukuha talagang ang passion nilang magbasa ever since. Pero sabi mo nga nasa science high school ka pala dati. Pag science high school kasi Ka Ely mas math and science iyon. Mas kulang sa pagbabasa pero ito parati ko itong sinasabi sa mga staff, sa mga anak ko na never kang magiging mahusay sumulat kung hindi ka nagbabasa. Walang humuhusay sumulat, kung hindi humuhusay magbasa. Parati ko sa kanilang sinasabi hindi mo ito maaaral. Makukuha mo lang siya sa pagbabasa. Kaya marami talagang advantages iyong nadevelop ng love for reading. Pero ikaw ang nasa engineering ka pa, mahilig ka na magbasa o hindi din?

    TROY LACSAMANA: Nanghihiram po ako sa Filipiniana section iyong mga tungkol sa mga kababalaghan, tapos mayroon din pong mga tungkol sa Sulu, iyong mga travel na mga places na hindi ko pa napupuntahan

    VP LENI: Oo kasi hilig-hilig din iyon. Pareho tayo Troy, iyon din ang gusto ko, ayaw ko ng kababalaghan pero sa akin, sa akin tungkol sa mga lugar, sa akin mas geography. Pero mayroon akong anak na lahat binabasa horror. Mayroon din akong mga kaibigan na lahat naman love story ang binabasa. Pero ang parating sabi Troy, di ba na whatever it is, basta magbasa ka. Kasi talaga nadadala ka sa mga lugar na hindi mo alam. Pero ikaw nakikita mo ba na ito na ang pinaka bokasyon mo sa buhay? Kasi sabi mo nga, hindi ito ang plinano mo pero aksidenteng napunta ka dito.

    TROY LACSAMANA: Opo. Kasi iyon nga, noong after graduation ko po nagtrabaho ako sa UP, tumagal ako ng 10 taon doon. Tapos ano po ako, kasapi ako ng Pahinungod. So nawala ang Pahinungod sa Diliman, nagbuo kami sa… mayroon sa Maynila, sa Diliman wala na. So nagbuo kami ng isang NGO tapos isa sa naging project namin ang pagpuput-up ng children’s libraries. And dahil doon, iyong Aklatang Pambata. Although non-existent na kasi puro mga volunteers lang din. Dahil doon parang doon ko nakita ang passion ko na ay, sa public libraries pala ako. So ang ginagawa ko as volunteer work, ginawa ko na pong trabaho.

    VP LENI: Kaya ka napunta na sa Quezon City Public Library.

    ELY: Ayon. Okay. Talagang napakabilis ng oras. Pero siguro magandang maenganyo natin ang mga kabataan na talagang maging palabasa. Maging mahilig.

    VP LENI: At saka alam mo Troy, mayroong mga organizations dito sa atin, isa doon Jaycees, mayroon ding Rotary, na ito ang kanilang advocacy, kaya kung papayagan mo lang sana ako, baka puwedeng i-link ko kayo sa kanila. Kasi halimbawa Ka Ely naging guest pa lang nila ako sa isang, ito ang Manila Jaycees. Naglalagay sila ng mga mobile na mga libraries.

    TROY LACSAMANA: At kung puwede ko ring po mabanggit, ngayon pa lang buwan ay sine-celebrate natin ang National Library month. Every November at isa sa culminating activity namin is iyong araw ng pagbasa. Bago pa siya naging national law na sa lahat, buong bansa, sa isang district lang. Since 2008 kapartner namin si Cong. Banal, and hanggang ngayon sinasagawa pa rin namin iyon.

    VP LENI: Ito every November 27 kasi naalala ko Ka Ely 20… naimbita ako sa Quezon City kung hindi ako nagkakamali sa Old Balara Elementary School para magbasa noong libro tungkol sa asawa ko. At ano, gulat na gulat ako doon Troy kasi nagbabasa ako iyong mga bata parang nagjojoin sa pagbasa ko. Parang nandoon pa lang ako sa portion ng libro na sumakay ang asawa ko sa eroplano, nag-uunahan na sila, na bumagsak ang eroplano, nahulog ang eroplano sa tubig, kaya noon parang naengganyo din akong nagbabasa sa mga bata.

    ELY: Okay. So Troy salamat sa iyong oras.

    VP LENI: Oo at saka maraming salamat sa inspirasyon Troy. Sana makapartner pa din namin kayo.

    TROY LACSAMANA: At sana rin po maimbitahan namin kayo sa Quezon City Public Library dalhin natin ang Istorya ng Pag-basa exhibit.

    VP LENI: Oo. Ako Troy magvovolunteer ako sa iyo. Maraming salamat.

    ELY: Maraming salamat.

    VP LENI: Napakabilis ng oras natin ka Ely. Ito masuwerte pala tayo iyong dalawang guests natin ngayon pareho tayong may sine-celebrate. Iyong kanina, Rice Awareness Month pala ngayon. At ngayon naman kay Troy, ito pala ay National Library month.

    ELY: Okay ma’am salamat po. At mensahe sa ating mga kababayan.

    VP LENI: Ayon. Nagpapasalamat lang po ulit tayo sa mga sumama sa atin ngayong Linggo. Marami po tayong nakakasama na linggo-linggo. Mga kababayan po natin na nasa iba’t ibang bahagi ng mundo. Napakalaking bagay po na kahit sa maliit naming paraan, nabibigyan namin kayo ng pagkakataon na parang maramdaman na nasa Pilipinas kayo kahit isang oras lamang. Kaya maraming maraming salamat po. Iyong mga nabanggit ko po kaninang pangalan na kailangan ninyo pong tumawag uli sa amin, sana po tumawag kayo. Kasi hindi po namin kayo macontact. Kaya baka po puwedeng balikan namin kayo. Pero Ka Ely maraming salamat ulit sa iyo, sa atin pong mga kababayan sa Bicol, sa Visayas, at Mindanao, at saka dito na din sa Metro Manila. Happy Sunday po ulit sa inyong lahat.

    ELY: Iyan po ang ating Bise Presidente Leni Robredo. Ako po si Ely Saludar. Muli po, isang magandang umaga, Pilipinas.

    Posted in Transcripts on Nov 04, 2017