This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    BISErbisyong LENI – Episode 27

    12 November 2017

    ELY: Magandang umaga, Pilipinas—Luzon, Visayas, at Mindanao! Isa na namang edisyon ng BISErbisyong LENI dito po sa RMN. Ngayon po ay araw ng Linggo, November 12, 2017.

    At siyempre, napapakinggan tayo nationwide: RMN Naga-DWNX 91.1, RMN Cebu-DYHP 612, RMN Cagayan de Oro-DXCC 828, at RMN Davao-DXDC 621. Gayon din po sa Facebook Live, “RMN News: The Sound of the Nation,” at sa “VP Leni Robredo.”

    Mga kasama, ako pa rin po si Ely Saludar, at kasama natin dito sa ating studio ang nanay po ng sambayanang Pilipino, ang Bise Presidente ng Republika ng Pilipinas, si Madam Vice President Leni Robredo. Ma’am, good morning po sa inyo!

    VP LENI: Good morning, Ka Ely! Good morning po sa lahat na nakikinig sa atin ngayong Linggo ng umaga. Sa atin pong mga kasamang mga taga-Bicol: Marhay na aga sa indo gabos! Sa mga tagapakinig po nating taga-Visayas at Mindanao: Maayong buntag kaninyong tanan! Ayan, Ka Ely, Linggo na naman…

    ELY: Good morning! At dito po sa mga taga-Metro Manila, kaunting tiis po, ha? Tatlong araw lang naman iyan, iyong traffic, lalo na po iyong mga dumadaan sa EDSA. So may mga panawagan po ang ating pamahalaan dito sa gagamit ng EDSA—iwas po, ha, at humanap ng alternatibong daan.

    At siyempre, maaari po kayong mag-text dito sa amin, sa 0915-898-5364 at sa 0908-898-5364 para po sa inyong mga tanong o mga nais niyong malaman, at mga ilalapit po na mga hinaing sa ating Bise Presidente. [music break]

    ELY: Oras na natin, 9:08 ng umaga. At siyempre, bago po tayo tumungo sa iba pang mga isyu, alamin muna natin ang isang linggong naging aktibidad ng ating Bise Presidente. Ma’am, kumusta po?

    VP LENI: Ayan, itong linggong ito, Ka Ely, marami nang preparations for ASEAN. Nagsimula iyong linggo ko sa isang Southeast Asian Women’s Summit. Ito, kabahagi ng mga activities for the ASEAN. Ito, Ka Ely, dinaluhan ng iba’t ibang women representatives galing sa mga ASEAN countries.

    Busy din iyong linggo kasi sunud-sunod iyong okasyon, pero iyong pinaka-para sa akin-emotional na pinuntahan ko, iyong inauguration saka blessing ng Ernestville. Iyong Ernestville ay isang relocation site ng urban poor community sa Novaliches, Quezon City. Pero ito kasi, Ka Ely, iyong groundbreaking nito noong January 2012, iyong asawa ko pa iyong nag-attend.

    Isa sila sa mga organisasyon na nabiyayaan noong 50 billion [pesos] na Informal Settlers’ Fund na ibinigay noong dating administrasyon. Isa iyong asawa ko sa mga nagtulak na mabigyan ito ng budget. Ito, Ka Ely, iyong 50 billion[-peso] fund, parang ini-encourage iyong mga informal settler organizations na magkaroon ng People’s Plan. Iyong sinasabing People’s Plan, sila iyong magpa-plano ng titirhan nila—saan, anong klaseng mga bahay, kabahagi sila sa pagplano.

    Marami na akong nadaluhan na mga produkto ng People’s Plan. Mayroon nito sa Valenzuela, napakalaki, iyong AMVACA. Mayroon din sa Pasay, iyong CORINA. Tapos ito nga, iyong Ernestville. Ito, tinitirhan na iyong mga bahay. Kaya ang saya, Ka Ely, kasi ito, 212 families iyong nailagay doon. Dati, parati silang binabaha kasi nasa tabi sila ng Tullahan River. Pero noong pagpunta ko, parang iyong sense of pride, parang ang laki.

    ELY: Maganda iyon, Ma’am, ano? Iyong ganitong konsepto na mismong iyong tao ay kabahagi, sila ay stakeholders.

    VP LENI: Oo. Alam mo, Ka Ely, kaya siya maayos kasi unang-una, hindi sila parang tinatapon lang kung saan-saan. Kapag sinabi nating tinatapon lang kung saan-saan, marami kasi iyong mga in-evict dito sa Metro Manila na pinadala sa napakalalayong mga lugar, at noong nasa HUDCC ako, Ka Ely, nakita namin na hindi talaga siya successful. Kasi lalo na kapag ang dinalhan na lugar walang kuryente, walang tubig, walang facilities, walang access sa transportation, walang access sa trabaho, kadalasan kukunin lang nila iyong bahay, titira lang sila doon nang sandali, [tapos] babalik sila ulit sa Metro Manila. Informal settlers sila ulit.

    Mayroon akong isang—Hindi ko na sasabihin kung saan ito, pero may isang napakalaking relocation site. Napaayos ng relocation site—ito, may tubig, may kuryente—pero walang trabaho. Iyong nangyari doon, dahil maayos naman iyong lugar, iyong mga asawang babae at mga anak nandoon, pero iyong mga asawang lalaki, nagbalikan sa Manila dahil nandoon iyong trabaho. Iniwan iyong pamilya. Pero dahil ang tagal na nasa Manila, marami iyong mga naghiwa-hiwalay. Marami iyong nakahanap ng ibang pamilya dito sa Metro Manila. Kaya kung iisipin mo, tama ba iyong desisyon na ilagay sila doon sa ganoong kalayo, na magreresulta pala ito sa pagkakawatak-watak ng pamilya?

    Kaya kapag nakakakita tayo ng isang site, gaya nitong sa Ernestville, na iyong inalisan sa kanila napakalapit lang sa bago nilang tirahan, parang masaya. Masaya dahil sila mismo, masaya. Ramdam nila iyong kahirapan ng pagtayo ng bahay, kaya talagang papangalagaan.

    ELY: Maganda po sana, Ma’am, iyong konseptong ganiyan, maipatupad sa lahat ng housing program natin.

    VP LENI: Actually, Ka Ely, ito iyong ating parang pinu-push: na lahat na programa sa pabahay ay People’s Plan na. Iyong SFHC—Alam mo, maraming ahensya sa ilalim ng HUDCC—iyong SFHC pinatupad na iyon. Iyong iba hindi pa, pero iba-iba kasi, bawat ahensya iba iyong mandato.

    Pero iiwan ko muna siguro itong Ernestville. May isang mahalaga din kaming ginawa ngayong linggo: nagpatawag kami ng coordination meeting para sa recovery and rehabilitation ng Marawi. Alam mo, Ka Ely—naikuwento ko na yata ito dati—bago pa man nagkaroon ng gulo sa Marawi, iyong opisina namin, area na namin iyong Lanao del Sur, iyong Marawi in particular. Talagang tinutulungan na iyon ng Angat Buhay. Kaya noong nagkaroon ng kaguluhan doon, mayroon kaming team na halos permanenteng nandoon para tumulong sa relief.

    Ngayong tapos na iyong kaguluhan, gusto na naming tumulong sa rehabilitation, pero iyong naisip namin, Ka Ely—kasi wala naman kaming sariling pondo ng pagtulong, so itong pagtulong namin, pareho ng konsepto ng Angat Buhay: manggagaling din sa aming private partners—iyong coordination meeting na pinatawag namin noong Martes, pinatawag namin iyong partners namin. Nandoon sa opisina iyong iba’t ibang partners namin. Tapos dumating din iyong mga representatives ng Marawi LGU, dumating iyong mga representatives ng ARMM. Nagpresenta sila ng kanilang mga plano at sabi namin, sabay-sabay kaming tutulong. Kung saan kami kailangan, doon kami. Sabi namin, ayaw naming doblehin iyong tulong galing sa pamahalaan, kaya ang gusto namin ngayong malaman, ano ba iyong mga commitments ng pamahalaan, at doon kami sa hindi maibibigay. Parang kami, pantakip sa butas, sa mga kulang. Kasi alam naman natin na sa karamihan ng pangangailangan, hindi maibibigay iyong lahat. So kami, ano ba iyong hindi maibibigay na kailangang kailangan? Doon kami.

    Maayos naman iyong meeting, pero hinihintay kasi namin iyong parang final plan ng Bangon Marawi. In touch naman tayo sa kanila. In fact, ngayong linggo papunta ako doon sa Marawi. Iyong team ko nandoon na as of yesterday. Inaayos na namin iyong kung puwede makapag-coordinate din kami sa Bangon Marawi Task Force, para hindi sila mahirapan na i-police lahat ng efforts na pumapasok.

    Mayroon din kaming isang activity, bahagi ito ng Angat Kabuhayan. Alam mo, Ka Ely, itong Angat Buhay, ‘di ba tumutulong kami sa edukasyon, tumutulong kami sa kalusugan, tumutulong kami sa nutrisyon? Pero napansin namin na kahit anong tulong namin dito sa mga areas na ito, kung wala pa ding kabuhayan iyong mga tao, talagang hindi sustainable. Kaya naggawa kami ng programang Angat Kabuhayan, at iyong parang pinakaunang graduation namin, nangyari noong Martes din. Ito iyong mga graduates namin na TESDA scholars, na iyong tulong namin, Ka Ely, iyong allowance saka mga kits, starter kits nila. 152 graduates galing sa Pasay. Masaya kasi ang kabutihan nito, hindi lang sila nag-training, pero iyong tulong namin hanggang makahanap sila ng trabaho. Kausap namin iyong mga partners namin sa private sector.

    Dumaan din—ito, masaya din itong lahat na ito—pumunta ako sa E. Rodriguez Sr. Elementary School, dito iyan sa Cubao. Naimbitahan ako ng paaralan saka ng AHON Foundation, kasi naglagay sila ng library. Parang inayos nila iyong library doon, at inimbitahan nila ako na magbasa. Ang binasahan ko doon, mga Grade 2 na estudyante ang nakinig sa akin. Nagbasa ako ng libro tungkol sa asawa ko.

    Alam mo, Ka Ely, isa ito sa masasaya na ginagawa ko, kapag kasama ay mga bata, kasi talagang—lalo doon sa E. Rodriguez Sr. Elementary School—mga active na active iyong mga bata. Hindi ako makadiretsong kuwento kasi lahat sila sumisingit sa kuwento.

    ELY: At least interesado po sila.

    VP LENI: Interesado, Ka Ely, kaya nga sinasabi ko, sana iyong mga magulang mas masipag magkuwento kasi iyong mga bata gustung-gustong kinukuwentuhan.

    Noong Miyerkules, mahalaga din iyong ginawa natin: nagkaroon tayo ng briefing galing sa AFP. Nandoon si Secretary Lorenzana ng DND, nandoon si chief of staff General Guerrero, at nandoon iyong buong leadership ng AFP.

    Nag-briefing tayo tungkol sa Marawi, nag-briefing tayo tungkol sa West Philippine Sea, at marami pang iba na patungkol sa ating seguridad. Ito, Ka Ely, regular na briefing na ibinibigay sa akin ng military. Kung hindi ako nagkakamali, pangatlo na ito. At least updated tayo kung ano iyong mga nangyayari.

    Tapos noong Huwebes, lumipad ako papuntang Bangkok. Isang napakaiksing trip. Ito, Ka Ely, inimbitahan kasi akong magsalita sa Asia-Pacific Symposium on Sustainable Food Systems. Ito ay sponsored ng UN-FAO at ng ibang ahensya ng pamahalaan. Tatlo kaming keynote speakers doon. Iyong isa, iyong prinsesa, si Prinsesa Maha ng Bangkok. Ito, Ka Ely, prinsesa pero napakasimple at talagang advocate laban sa kahirapan. Actually, napakatagal nang panahon, mayroon siyang apat na paaralan dito sa atin na inaalagaan—isa sa Surigao del Norte, isa sa Leyte, saka dalawa sa Antipolo. Tapos pagkatapos naming magsalita, sabi niya gusto niya pang dagdagan iyong mga paaralan na tinutulungan niya, kaya sabi ko mag-coordinate kami, kabahagi iyong Thai Embassy dito sa Pilipinas. Iyong isang speaker maliban sa aming dalawa, iyong Deputy Prime Minister naman ng Cambodia. Lahat kami parang aktibo kasi sa advocacy ng hunger and food security, kaya kinuwento namin kung ano iyong mga kaniya-kaniyang ginagawa sa kani-kaniyang lugar.

    Dumating ako, Ka Ely, Biyernes na ng gabi. Ito, kahapon—Overnight lang. Actually, hindi ako doon 24 hours, kasi umalis ako dito ng Huwebes na hapon, tapos dumating ako dito Biyernes na gabi.

    Pero noong Huwebes na gabi, pagdating ko [sa Bangkok], nagkaroon ng Filipino Community dinner. Sila iyong nag-imbita sa akin. Iyong hiningi nila sa akin, i-explain ko iyong mga programa ng Office of the Vice President, kaya kinuwento natin iyong Istorya ng Pag-asa, kinuwento natin iyong Angat Buhay. Iyong kabutihan doon, interesado silang lahat. Umalis ako na magmi-meeting na sila, at gusto nila—gaya noong Istorya ng Pag-asa, gusto nilang magkaroon na din ng version doon sa kanila. Iyong Angat Buhay, gusto nilang mag-adopt ng mga communities. Mayroon doong representatives mula sa iba’t ibang mga lugar. Halimbawa, iyong IRRI sa UPLB, mayroong representatives doon na gustong tumulong. Kaya mayroon na kaming mga usapan, magpe-present kami sa kaniya-kaniyang grupo, para malaman kung paano pa mas makakatulong.

    Iyong Sabado, Ka Ely, mayroon pang forum na in-attend-an. Pero ito, medyo naantala iyong Sabado natin dahil sa traffic. Talagang sobra iyong traffic. Nagbiyahe ako mula Pasay hanggang opisina namin, mahigit dalawang oras. Paglabas ko—nag-opisina ako maghapon kasi wala ako ng Huwebes at Biyernes—noong lumabas ako sa opisina, siguro mga pasado alas-singko. Lilipat lang ako, Ka Ely: nasa 11th Street iyong opisina namin, lilipat ako sa 6th Street, halos isang oras.

    ELY: Sana nilakad niyo na lang. [laughs]

    VP LENI: Oo nga, eh. Sabi ko nga, kung nilakad siguro mas mabilis pa. Kaya ano talaga, medyo magtitiis tayo nang ilang araw, kasi medyo malala iyong traffic ngayon. Siguro iyong paalala na lang sa lahat, kung hindi naman mahalaga iyong gagawin, kung ayaw mong uminit iyong ulo sa traffic, siguro huwag na munang lumabas, o maghanap ng mga lugar na pupuntahan na hindi dadaanan iyong sobrang traffic.

    ELY: Opo, dahil marami po ngayon ang naisara na pangunahing lansangan, kaya iyon po siguro, para hindi na din tayo makadagdag sa problema… Samantala, mga kasama! [music break]

    ELY: At samantala, oras natin, 9:22 in the morning. Mayroon po tayo, Ma’am, na mga nag-text sa atin. Siguro po bigyan din natin ng pansin. Napakarami ho niyan, pero pasensya na po sa ating mga listeners, hindi po lahat ay kayang ma-accommodate.

    VP LENI: Siguro ano lang, basahin natin iyong kaunti ngayon, tapos mamaya magbasa ulit tayo.

    Ito, si Marge Taniagras. Hindi siya sinabi kung taga-saan siya, pero sabi niya, “God bless you, VP.” Maraming salamat, Marge.

    Ito naman, Cecilia Villena. Ito din nagpapahayag ng suporta.

    Ito, Joseph William Canete, from Cebu daw siya. Ayan, maayong buntag.

    Josephine from Hawaii… Ayan. Kumusta po iyong mga Pilipino sa Hawaii? Alam ko po napakarami natin diyang mga kababayan.

    Rosanna Canda, naggu-good morning siya.

    Ito, Gemma Olejar. Kumusta ka, Gemma? Taga-Hong Kong siya, Ka Ely.

    Elvira Quinones, naggu-good morning din. Bang Abad, marhay na aga.

    Clarence Martin. Mayroon ulit—parati tayong may mga kasamang taga-Canada. Ito, si Russ Bautista galing sa Vancouver. Siguro napakalamig doon ngayon, Ka Ely. Ito din, si Enrique Servando Natividad from Toronto. Ayan, iba-ibang lugar… Ito, John Galvez, [nasa] Ontario naman siya. Iba-ibang lugar galing sa Canada, maraming Pilipino po doon. Nakikita ko sa TV, napakalamig na doon.

    Judy Pitts Lagon. Sabi niya mag-iingat daw po sa mga paninira. Salamat, Judy…

    Marami pa ito, Ka Ely. Siguro iyong iba, babasahin natin mamaya. [END GAP 1]

    ELY: Samantala, mga kasama, isa rin po sa magandang pag-uusapan natin… Ito, marami pong makaka-relate sa ating mga kababayan, lalo na po iyong mga mahihirap at talagang umaasa din po sa ayuda ng ating pamahalaan.

    VP LENI: Mapalad tayo, Ka Ely, ngayong umaga. Iyong atin pong bisita ay social welfare specialist ng DSWD-NCR field office. Pinatrabaho natin siya, Ka Ely, kahit Linggo. Maraming salamat, Ma’am. Si Ma’am Glenda Derla. Ayan, magandang umaga, Ma’am Glenda. Mabuhay po kayo.

    Ayan, Ka Ely, inimbitahan natin si Ma’am Glenda kasi maraming tayong mga mensaheng nakukuha, tinatanong iyong tungkol sa 4Ps. Kilalang kilala natin iyong 4Ps. Marami doon sa mga nagtatanong, mga hindi daw sila nalista. Kailan na daw mag-e-expand iyong programa?

    Pero siguro, Ka Ely, bago natin pag-usapan iyong expansion, pakuwento muna tayo kay Ma’am Glenda. Alam ko, parang iyong 4Ps, nag-umpisa ito, kung hindi ako nagkakamali, 2007 pa, ‘di ba?

    GLENDA DERLA: 2008 po sa NCR.

    VP LENI: Noong nag-umpisa ito, ilan lang iyong listahan niyo dati?

    GLENDA DERLA: Kaunti lang po kasi dalawang local government units lang po iyong ating inumpisahan.

    VP LENI: Hindi pa siya nationwide dati?

    GLENDA DERLA: Hindi pa po. Inumpisahan po dito sa NCR, iyong ating Caloocan at Pasay. So talagang napakakaunti ng benepisyaryo.

    VP LENI: Tapos kailan siya ini-expand na napakarami? Kasi kung hindi ako nagkakamali, parang 20 percent ng ating population, covered na ng 4Ps? Ang laki noon, Ka Ely. Ang alam ko, Ma’am, 4th largest tayo all over the world. Ano ito, para siyang isang programang hango sa experience ng South America…

    GLENDA DERLA: Opo, sa Colombia po, kaya mayroon tayong Conditional Cash Transfer, doon natin siya hinango.

    VP LENI: Ito, programa hindi lang ng Colombia yata, pero pati Brazil mayroon din. Parang ang Brazil, kung hindi ako nagkakamali, ang pangalan ng programa niya “Bolza Familia.” Pero ito, Ma’am, ‘di ba iyong 4Ps, ang pinakasadya niya, matulungan na makaangat iyong estado ng buhay ng ating mahihirap na kababayan?

    GLENDA DERLA: Opo, kaya po “pantawid.” Kasi para maitawid po sila sa kahirapan.

    VP LENI: At iyong pagtawid, ang ibig sabihin hindi siya permanente.

    GLENDA DERLA: Oo naman.

    VP LENI: Hindi siya permanente, kasi iyong pinaka-idea niya, parang tulay—nandito ka sa kabila na sobrang hirap, tutulungan ka na makaangat, pero kapag medyo nakaangat ka na, ano na din, iba naman iyong tutulungan.

    GLENDA DERLA: Pakaunti-kaunti po…

    ELY: Parang tulong at alalay lang.

    GLENDA DERLA: Opo, tulong at alalay. Pakaunti-kaunti po.

    ELY: Hindi iaasa lahat doon.

    GLENDA DERLA: Iyon po talaga iyong intensyon ng programa.

    VP LENI: Ang karamihan, ito iyong tanong: paano pinipili iyong beneficiaries?

    GLENDA DERLA: Iyong sa pamimili po nagkakaroon ng enumeration. Iyong enumeration po, mayroon tayong kinukuha na mga nag-e-enumerate, mga tao po outside the DSWD. Hina-hire natin sila.

    VP LENI: Ang tawag doon enumerators, ‘di ba?

    GLENDA DERLA: Opo, enumerators po iyong tawag sa kanila. Then sila po iyong mga pumupunta sa mga lugar na identified na poor areas. Nag-i-interview po doon. Wala po iyang intervention ng mga—

    VP LENI: Kasi iyon yata iyong hindi naiintindihan, kasi ang reklamo sa amin ng ibang hindi nailista, “Kasi may favoritism si Kapitan!” Ano po, sa kaalaman po ng lahat, wala pong kinalaman si Kapitan, si Mayor, si Kagawad sa paglista, kasi iyong paglista hindi bahagi ng barangay.

    GLENDA DERLA: Sila po mismo iyong pumupunta doon at sila po ang nag-i-interview base po doon sa ating Household Assessment Form. So mayroong dala po sila. Iyon po ang pagbabasehan… Pagkatapos po pinapasok po sila sa computer, Proxy Means Test, kaya wala po siyang human intervention.

    VP LENI: Saka ang alam ko, Ma’am, napakahaba at napakahirap noong pormang ina-accomplish ng mga enumerators. Hindi lang ito iyong income, ‘di ba? Pati itsura noong bahay, pati mga gamit?

    GLENDA DERLA: Opo, kasama po iyon. Kumbaga, comprehensive po iyong pag-a-assess natin, para mapatunayan po na sila ay poor. So kasama iyong socio-economic conditions. Iyon po iyong tinitingnan.

    VP LENI: Ito, Ma’am, mayroon sa ating nagrereklamo na, “Mas mahirap nga ako sa kanila, bakit sila kasama, kami hindi?”

    GLENDA DERLA: Karamihan po sa aming experience, sila po hindi rin nagpa-interview. Isa po iyon. May pagkakataon din po na nagbigay sila ng maling impormasyon. Mayroon din po iyong iba na sinadya iyong information, pero mayroon naman po tayong mga pamamaraan para ma-validate po iyon, kasi after ng enumeration mayroon pa pong validation na mangyayari.

    VP LENI: Syempre yung mga under sa 4Ps, life-changing ito diba?

    GLENDA DERLA: Yes ma’am.

    VP LENI: Nakita ko to samin. Lalo na nung kinatawan na ko sa Kongreso kung paano ito nakakatulong sa mga pamilya. Pero meron tayong nakukuhang mga reklamo na parang hindi sya nakapass, o may balita na lilinisin ang listahan, hindi ko alam kung tama yung balita na parang may suspension sa ibang lugar kasi kailangan muna linisin yung listahan. Totoo ba to?

    GLENDA DERLA: Meron pong ganon. Meron po tayong system. May tinatawag po tayo sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program na grievance redress system. So don po yan pumapasok para makita natin at may mga in-charge tayong tao dyan. May mga concerned po na naghahandle ng complaints.

    VP LENI: Marami bang nagfa-file doon?

    GLENDA DERLA: Dito po sa NCR meron na pong pumapasok. Ang unang pinakamataas na reklamo ay tungkol sa grant. Kasi di po ba hindi talaga pantay-pantay lahat. Depende po sa conditionalities na kinocomply.

    VP LENI: Pero eto ba, para ma-grant na CCT beneficiary, ano dapat yung nasa’yo? Ano dapat yung requirements mo?

    GLENDA DERLA: Base po sa listahan sa enumeration po, dapat andon ka po. Eto yung National Housing Targeting System. Dapat andon ka.

    VP LENI: Halimbawa andon ka na.

    GLENDA DERLA: Yun na po, mga documents like birth certificate.

    VP LENI: Hihingin na?

    GLENDA DERLA: Opo. Yun na yung dadalhin sa LGU. May mga aattendan na tayo na general assembly. Nakapost po yung listahan sa barangay in conspicuous places para makita po nila na nakalista po sila.

    VP LENI: Yung tanong, kailangan ba ng marriage contract?

    GLENDA DERLA: Depende po kung sila ay kasal.

    VP LENI: Maraming hindi kasal.

    GLENDA DERLA: Opo

    VP LENI: So hindi naman yun bawal? Halimbawa nagsasama lang kayo pero hindi kayo kasal, hindi ka naman parang maaano, matatanggal sa listahan?

    GLENDA DERLA: Hindi naman po. Bagkus, kailangan pong tulungan sila. Isa po sa magiging serbisyo ng Pantawid ay tulungan sila kung sila po ay may kagustuhan na makasal. Meron pong libreng kasal. Isa yun sa magiging serbisyo.

    VP LENI: Tapos sabihin natin na makacomply ka ng lahat ng requirements, magkano yung aasahan mong tulong? Saka ano yung obligasyon mo?

    GLENDA DERLA: Dun sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program meron tayong iba’t ibang grants. Meron po sa edukasyon at sa health. Yung sa edukasyon po, dun sa mga younger children, yung preschool and elementary P300 per child. At saka sa high school medyo malaki-laki na. P500 na po. And then kailangan po nila mag-attend o mag-undergo ng Family Development Session.

    VP LENI: Yung magulang?

    GLENDA DERLA: Yung magulang, opo.

    VP LENI: Gaano sya kadalas?

    GLENDA DERLA: Basically po once a month ang schedule natin.

    VP LENI: Dun sa barangay nila?

    GLENDA DERLA: Opo sa pinakamalapit na lugar po yun meron tayong designated areas na ang barangay mismo, mga parent leaders mismo nag-identify.

    VP LENI: Halimbawa isang pamilya sabihin natin merong anim na anak. Yung anim ba lahat ba yun pwede ienrol?

    GLENDA DERLA: Maximum of three po ang covered.

    VP LENI: Tapos sino ang pipili? Halimbawa anim anak ko, may tatlong elementary, may tatlong high school, papano pipiliin yung tatlo?

    GLENDA DERLA: Actually sila po ang binibigyan ng pagkakataon na magsabi kung sino po ang icocover.

    VP LENI: Syempre ipapacover yung high school diba.

    GLENDA DERLA: Kung sino po ang monitored children beneficiary.

    VP LENI: Halimbawa ako ay isang nanay, meron akong anim na anak, yung tatlo high school, yung tatlo elementary. Nagdesisyon ako na yung tatlong high school ang ipapacover, meron na kong P1,500?

    GLENDA DERLA: Opo. Tapos may P500 kung sila ay nagcocomply sa pagbisita sa health center. May requirement tayo na bibisita sila lalo na yung may younger children, zero to five.

    VP LENI: Zero to five, kailangan yun nagpapabakuna diba?

    GLENDA DERLA: Opo, bakuna at weight monitoring.

    VP LENI: Gaano sila kadalas dapat pumupunta sa health center?

    GLENDA DERLA: Actually monthly po yung schedule. Dun lang po sa medyo malaki na base po sa health center may quarterly monitoring, beyond zero to two.

    VP LENI: Diba meron pang deworming?

    GLENDA DERLA: Opo kasama po sa pagbisita ng mga bata ang deworming. Once a year lang naman po.

    VP LENI: Pero ang deworming hindi lang sya hanggang five diba.

    GLENDA DERLA: Hindi lang po. Pati elementary.

    VP LENI: Pati elementary kasama. Tapos yung mga buntis required din diba?

    GLENDA DERLA: Opo kailangan po magpaprenatal checkup ang mga nanay kasi po kung titingnan po natin doon sa developmental stages nagsisimula doon sa prenatal. So pag nabuo na yung anak doon sa tyan ng nanay kailangan nagsisimula na po sila magcomply sa health conditionalities.

    VP LENI: Halimbawa buntis ka, nagpacheck up ka lang ng dalawang beses tapos hindi ka na nagpakita, ano yung, pwede bang tanggalin yung benepisyo mo?

    GLENDA DERLA: Isa lang naman po yung prenatal at pagbisita, ang pinakaginagawa po natin ay pinupuntahan.

    VP LENI: Ah pinupuntahan.

    GLENDA DERLA: Opo kasi baka naman nakaligtaan lang. Nagiging katuwang po natin dito ay yung mga barangay health workers.

    VP LENI: Ang sisipag talaga ng DSWD natin. Volunteers lang to, konti ang nakukuha.

    GLENDA DERLA: Talagang saludo po tayo dyan.

    VP LENI: Yan talaga ay mga bayani natin.

    GLENDA DERLA: Kaya pasalamat na pasalamat din po kami sa compliance ng mga nanay dahil sila po talaga pumupunta.

    VP LENI: Pero kung matigas lang talaga ang ulo, sinabihan mo na ng ilang beses, ayaw pa din. Pwede syang tanggalin?

    GLENDA DERLA: Doon po may mababawas. Mababawasan. Kaya po isa yun sa reklamo na bakit ganito lang nakuha ko. Dapat icomply sya.

    VP LENI: Halimbawa anak mo inenrol mo, nag-umpisa lang ng June tapos pag Enero hindi na pumapasok, ano mangyayari?

    GLENDA DERLA: Kasi meron po tayo isa sa conditionality, dapat kinocomply 85 percent attendance.

    VP LENI: So hindi sya pwede huminto?

    GLENDA DERLA: Opo.

    VP LENI: Pag huminto sya bawas na?

    GLENDA DERLA: Bawas na po yun.

    VP LENI: Pag absent sya ng absent, yung absences nya lagpas 15 percent, pwede na ring tanggalin?

    GLENDA DERLA: Opo, yes ma’am. Kaya kailangan talaga susundan nila. Kaya mahalaga talaga na ang bawat pamilya nay umaaattend ng Family Development Session kasi it’s also the rime para naa-update sila.

    VP LENI: Saka ma’am ang tingin ko ang laking bagay nitong family development session, kasi mga ano Ka Ely, meron tayong mga parent leaders, doon samin kakilala ko sila hindi pala sila CCT eh. Nung naging parent leaders yung dating mahiyain, ngayon mga talo pa tayo magsalita. Ang huhusay na, ang confident.

    GLENDA DERLA: Marami po tayong training na binigay sa mga nanay na to para maenhance ang kanilang capabilities bilang mga leader at bilang community workers. Eto ang mga tulong na binigay natin sa programang ito.

    VP LENI: So eto ma’am parang sinasabi natin na yung Pantawid, hindi lang naman—kasi isa sa criticisms sa kanya tinuturuan natin maging tamad ang mga Pilipino—pero sa kwento mo parang hindi yon eh. Eto kaya nga conditional kasi ibibigay lang pag nagcocomply ka. Parang ano ko Ka Ely, pinipilit mo yung mga magulang na maging malusog. Pinipilit mo yung mga magulang na siguraduhin na yung mga anak nila nag-aaral. Kasi kung hindi sila magcocomply, hindi ito ibibigay.

    GLENDA DERLA: Isa rin pong purpose, maging responsable silang magulang at maging aktibong myembro ng komunidad po.

    VP LENI: Eto ma’am, kasi sabi nga natin na parang ano lang to, pantawid. Halimbawa nakikita nyo na anak nila ga-graduate na ng high school. So unti-unti nawawala na sila sa programa. Meron bang programa within sa programa na ito na sinisiguro na kahit wala na sila sa programa, wala na sila natatanggap, kaya nila tumayo sa kanilang paa?

    GLENDA DERLA: Actually po marami na tayong programa na tumutulong sa programa na to. Kagaya ng scholarship grant aid program, eto po yung mga colleges, unibersidad na nag-offer ng scholarship grant para sa Pantawid Pamilya beneficiary, lalong-lalo na yung kayang tumuloy sa college. Mayroon tayong 28 universities dito pa lang sa Metro Manila.

    VP LENI: Eto bang 28 universities sa Manila, government lang o meron pribado?

    GLENDA DERLA: May pribado po.

    VP LENI: Ah talaga.

    GLENDA DERLA: Hindi ko po nadala listahan pero meron po.

    VP LENI: Ang gusto sabihin, halimbawa graduate ka ng Pantawid, kasi nag-graduate ka na ng high school, pwede ka pa mag-apply. Eto yung SGAPA diba? Student Grant Aid for Poverty Alleviation.

    GLENDA DERLA: Simula 2012 po.

    VP LENI: Ah 2012 pa. So eto kung gusto mo magpatuloy ng college, pwede pa rin? Ano yung dapat icomply?

    GLENDA DERLA: Depende po iyon sa mga kurso na gustong tahakin ng ating mga kabataan. Yun din tinutulong natin sa kanila. Yung mga documents naman po depende sa eskwelahan din. Pero ang tulong ng DSWD at Pantawid, doon sa pagcomply. Tinutulungan pa din natin sila.

    VP LENI: Inaalalayan.

    GLENDA DERLA: Opo alalay.

    VP LENI: Eto magkano scholarship na binibigay. Full ba to o partial lang?

    GLENDA DERLA: Ang karamihan po ay full ma’am.

    VP LENI: Galing.

    GLENDA DERLA: Sa ngayon po meron tayong 1,492 active student grantee.

    VP LENI: Dito lang yan sa Metro Manila?

    GLENDA DERLA: Opo. School year 2017-2018. Eto ay sa walong universities and colleges.

    VP LENI: Dito pa lang sa Metro Manila. Pero ang alam ko, una ang pwede lang mag-apply dito dati ng 4Ps beneficiary. Pangalawa, di ba bawal yung lampas 30 years old?

    GLENDA DERLA: Opo, kasi kung titingnan natin saklaw sa youth program natin hanggang 30 lang.

    VP LENI: Kaya tapusin mo na pag-aral mo kasi paglagpas mo ng 30 ay hindi ka na pwede.

    GLENDA DERLA: Baka may mawala nang oportunidad sayo.

    VP LENI: Pero eto ma’am, yung isang tinatanong parati, yung anak ko dating 4Ps beneficiary, gusto magcollege, pero meron na syang partial scholarship galing sa ibang institusyon. Pwede pa rin ba sila sa programang to?

    GLENDA DERLA: Ia-assess pa rin po sila kung saan po sila pwede na iba pang mga serbisyo natin na may partnership tayo. Lalong lumalawak din po ang partners natin parang naeencourage sila na meron po tayong successful graduate.

    VP LENI: May naattendan nga ako na mga parang Pantawid na okasyon, meron ng testimonies diba.

    GLENDA DERLA: Marami na rin pong honors, proudly.

    VP LENI: Tuition lang ba to? Yung libro papano?

    GLENDA DERLA: May kasama po sa computation.

    VP LENI: Yung allowance ba?

    GLENDA DERLA: May kasama rin.

    VP LENI: Halimbawa kailangan magdorm, meron din ba para sa board and lodging?

    GLENDA DERLA: Dahil po Metro Manila, dito po wala.

    VP LENI: Parang mas mabuti mag-aaral ka kung saan ka din malapit.

    GLENDA DERLA: Opo.

    VP LENI: Halimbawa kami sa Bicol, 4Ps kami, yung anak ko gusto mag-aral sa Maynila, pwede syang mag-aral, pwede syang maging 4Ps beneficiary, pero walang allowance for dorm?

    GLENDA DERLA: Depende po sa magiging usapan ng rehiyon sa rehiyon. Kasi ngayon ang jurisdiction po ay nasa bawat rehiyon. Nagkakaroon naman po ng usapin with our regional offices and the national.

    VP LENI: Tapos eto, diba ma’am meron din parang livelihood program?

    GLENDA DERLA: Nakalink din po, kasi ang Pantawid Pamilya, isa lang po sa promoted program ng DSWD. Part of the promoted program is the sustainable livelihood program.

    VP LENI: Yung livelihood program pwede lang sa beneficiary ng Pantawid na malapit na magtapos?

    GLENDA DERLA: Hindi naman po. Isa sa mga benepisyaryo ang Pantawid Pamilya.

    VP LENI: Kahit hindi Pantawid? Aah.

    GLENDA DERLA: Dalawa pong tracks ang meron tayo sa sustainable livelihood. Meron tayong microenterprise, meron din po tayong employement opportunity. So tinutulungan yung tao, may skills na, dagdag na skills para maemploy sila.

    VP LENI: Tinutulungan makahanap ng tarabaho.

    GLENDA DERLA: Opo. Iba yung microenterprise, yun naman yung meron silang business.

    VP LENI: Eto mahalaga ko Ka Ely, marami satin halos linggo linggo, marami nagtetext saan po kami pwede magapply ng livelihood assistance. Ayun dito po sa DSWD meron po silang tinatawag na SLP. Sustainable Livelihood Program. Pwede po kayong magbisita sa pinakamalapit na DSWD office at mag-inquire tungkol dito.

    GLENDA DERLA: Actually po, meron din tayong naka-assign na mga staff ng NCR sa bawat lokal na pamahalaan.

    VP LENI: So pwede silang sa munisipyo pumunta?

    GLENDA DERLA: Opo.

    VP LENI: Ayun pwede po kayong pumunta sa city hall o munisipyo. Meron pong mga DSWD employees na naka-assign, magtatanong lang po kayo tungkol sa SLP.

    GLENDA DERLA: Pati po Pantawid may naka-assign na po tayo.

    VP LENI: Eto ma’am, naku Ka Ely paubos na naman oras natin, pero eto ma’am isa pa, diba yung mga Pantawid automatic enrolment na sa Philhealth?

    GLENDA DERLA: Opo.

    VP LENI: So gustong sabihin, pag sila naospital, entitled na sila sa no balance billing? Wala ng babayaran kahit singko?

    GLENDA DERLA: Opo. Pero kung may pangangailangan pa po sila, meron po tayong tinatawag na crisis intervention unit sa ating regional office. At eto naman ay pinoproseso ang outright na serbisyo kung may kailangan pa po sila po.

    VP LENI: Meron din ako na come up na hindi sila Pantawid, wala sila sa listahan, pero parang nasalanta sila ng bagyo o naging biktima ng kalamidad. Diba may programa din kayo don?

    GLENDA DERLA: Meron po. Meron po tayong disaster management program din. So meron din po tayong protective services program na saklaw po ang mga biktima ng kalamidad kasi marami nangyayari sa Metro Manila.

    VP LENI: Pag ganyan ma’am anong klaseng tulong ang binibigay?

    GLENDA DERLA: Iba’t ibang tulong. Mero po tayong burial assistance, medical assistance, may food assistance program din tayo. Actually don sa protective services program, meron din konting tulong kung kinakailangan ayusin ang kanilang day care centers. Meron pong ganon. At meron ding coordination at pagbigay ng referral, pagbigay ng guarantee letters sa mga ospital.

    VP LENI: Kasi marami nangyayari na kamag-anak dinala sa Maynila kasi dito lang may ospital na kayang gamutin ang sakit, pero habang andito namatay so kailangan ibalik sa probinsya. Nakakatulong ang DSWD para sa gastos ng pagbalik?

    GLENDA DERLA: Yes po, bukod sa burial assistance, meron din transportation assistance. Meron din habang papunta sila doon.

    VP LENI: Kung ikaw nasa probinsya, may kamag-anak ka, asawa mo, naconfine sa Maynila, kahit wala kang babayaran, halimbawa wala kang babayaran paglabas, yung araw-araw na gastos.

    GLENDA DERLA: Kaya po ang DSWD kahit national agency, kahit po ang direct services ay sa local government, may natitira pa rin tayo, tulad sa ospital. Kasi isa sa tinitingnan natin yung hindi taga LGU natin.

    VP LENI: Kasi ma’am yung pagtransport ng patay pabalik sa probinsya napakamahal. Pag sinakay mo sya sa jeep parang ang intindi ko bawat munisipyo na dadaanan kailangan meron kang permit.

    GLENDA DERLA: Meron pong clearance yan sa DOH.

    VP LENI: So sa DOH?

    GLENDA DERLA: Opo kasi health concern.

    VP LENI: Eto Ka Ely siguro mahalaga to. Para sa kababayan natin na nagtatanong, linggo-linggo may nagtatanong. Unang-una, yung Pantawid, kung hindi po kayo nalista, meron ulit listahan. Yung hindi nalista dati pinag-aaralan kung dapat saklaw ng programa.

    Pangalawa, yung mga nagtatanong po tungkol sa livelihood assistance, pumunta lang po kayo sa pinakamalapit na either DSWD office or munisipyo. Hanapin po natin yung DSWD representative, magtanong po tayo tungkol sa SLP. Ayan kasi masyadong mahaba yung Sustainable Livelihood Program.

    Pag tayo po ay may pasyente, namatayan, kailangan pambyahe, hindi byaheng pasyal pero may kailangang ibyahe na may sakit o namatay, ang DSWD po tumutulong din. Sinabi po ni Ma’am Glenda na kung malayo sa inyo ang DSWD office, palagi silang may representative sa LGU office.

    Eto napakahalaga nito Ka Ely, dahil linggo-linggo ang daming nagtatanong dyan.

    ELY: At least alam na nila proseso kung saan dapat pumunta.

    VP LENI: Dito po sa NCR, saan ang opisina ng DSWD?

    GLENDA DERLA: Ang NCR office po nasa Legarda, Manila, tapat lang po sya ng San Sebastian Church. Napakalapit po sa LRT ng Legarda.

    VP LENI: Kasi yung national office Ka Ely malapit sa Batasan, medyo malayo ito para sa iba. Siguro para sa mga taga-Quezon City malapit iyon. Pero yung malalayo sa Quezon City, sinabi po ni Ma’am na ang NCR office ng DSWD ay nasa tapat po ng San Sebastian Church.

    ELY: Okay, maraming salamat po Ma’am Glenda. Siguro sa susunod, maipon natin pangalan ng naging successful. Yung dahil sa CCT nakapagtapos at may magandang buhay na ngayon.

    GLENDA DERLA: Pwedeng pwede po yun kasi meron tayong nakadokumento, hindi lang sa regular na conditional cash transfer, meron din po tayong modified conditional cash transfer para sa mga IPs.

    ELY: Okay.

    VP LENI: Magpasalamat na tayo Ka Ely. Sa DSWD family, eto yung mga walang bakasyon, kung kelan may problema, kayo yung walang tulog, talagang 24/7 serbisyo sa bayan. Kaya sa inyo po Ma’am Glenda at sa mga kasamahan sa DSWD ang amin pong pagpugay at pasasalamat sa inyo pong serbisyo para sa ating kababayan. Maraming maraming salamat po.

    GLENDA DERLA: Maraming salamat po.

    ELY: Okay maraming salamat po. Si Ma’am Glenda Darla ng DSWD NCR. [End of Gap 2]

    VP LENI: Noong nakaraang linggo, ang bisita natin ay isa ring advocate ng pagbabasa. Ito ang ano natin, alam mo, gustong sabihin po sa guest natin dahil National Reading Month ngayon, ang gusto talaga natin sa apat na linggo ng Nobyembre, gusto nating makatulong sa advocacy sa pagbabasa. At ito ka Ely, bago ko ipakilala, siya ay napakalaking advocate din sa reading. Welcome po natin, Ms. Meah Ang See. Magandang umaga sa iyo Meah.

    MEAH ANG SEE: Magadang umaga po.

    VP LENI: Si Meah lead trainer siya ka Ely sa Bagong Kulturang Pinoy, ayon. At naging teacher na siya for 20 years, ayon. Napakatagal pero sobrang bata mo pa. Paano ka po ma’am naging teacher for 20 years?

    MEAH ANG SEE: Isip bata lang po. [laughs]

    VP LENI: [laughs] Sobrang bata pa. At ngayon nagtuturo siya sa College of Education ng De La Salle University. Ito ma’am ano ang Bagong Kulturang Pinoy?

    MEAH ANG SEE: So ang advocacy po ng Bagong Kulturang Pinoy, gusto namin magkaroon ng bagong kultura ang Pilipino—kultura ng pagbabasa. Ang isang realization ko kapag pumupunta ako sa ibang bansa, naiinggit ako na iyong nagtitinda sa bangketa ng mani at kasa mais, ang hawak nila pocket book. Pag walang customer nakaupo nagbabasa. Sa atin nakatunganga nagtitsismisan minsan. So parang kahit iyong mga pag weekend, pag pumupunta ka sa ibang bansa weekend, katabi nila ang nanay nila nagtitinda ng mais, kariton, pero ang bata at saka ang nanay tig-isa sila ng libro. So iyon ang gusto namin na magkaroon tayo ng ganoong klase ng kultura. So iyong Bagong Kulturang Pinoy, mayroon kaming programa para sa guro. So tinuturuan namin ang mga guro…

    VP LENI: Kasi susi ang guro, di ba ma’am?

    MEAH ANG SEE: Opo. Na kung mayroon kaming programa na madaling gamitin para makapagturo ng pagbabasa. Ang programa po kahit po walang education background, para sa daycare worker, kaya din po nilang gamitin ang programa.

    VP LENI: Ito ka Ely tingin ko napakahalaga nito kasi pare-pareho kami ng observation ni ma’am Meah pagpumupunta talaga sa ibang bansa nakakainggit. Naalala ko alam mo ma’am Meah ang dalawa kong anak nag-aral ng isang taon sa labas noong nag-aral iyong asawa ko, sa kanila istrikto. Istrikto sa paaralan na all throughout the school year, mayroon kang reading list na kailangan mong matapos lahat. Pero parang dito sa atin nawala na iyon, di ba?

    MEAH ANG SEE: Mayroon din namang pakaunti-kaunti, pero hindi kasi, kulang din kasi tayo ng access sa libro. So paano ka makapagbibigay ng reading list, ang mahal ng libro, walang access ang bata, hindi pa available sa library. So iyong BKP po may commitment din po kami na kapag nakapagtrain kami sa isang paaralan o isang grupo ng daycare, kasi may hub po sila ano, pag nakapagtrain po kami sa kanila, nagko-commit po anag BKP na basta pinapatakbo nila ang reading program, mayroon po silang supply ng libro for 3 years.

    VP LENI: Ah. Incentive iyon.

    MEAH ANG SEE: Pero ang requirement po namin, gamitin po nila ang llibro.

    VP LENI: Oo tama iyon. Kasi kami advocacy din namin, partner po namin ang AHON Foundation. Naglalagay kami ng libraries sa mga paaralan pero parang… At saka pag binalikan mo ng ilang taon na, ang babago pa rin ng mga libro.

    MEAH ANG SEE: Opo. So ang sa amin po, galing po ng US kasi mga Fil-Am po ang mga nagdodonate ng libro. Galing naman po siya sa mga dinidiscard ng mga public library. Pinipili po iyong mga magaganda pa, pinapadala sa Pilipinas in the hopes na gamitin ninyo hanggang malamog. Huwag kayong mag-alala na masira siya.

    ELY: Pero kasi ma’am iyong nagiging kalakaran ang mga librarian mismo, iniingatan nila. Kasi sa kanilang sinasabi, ingatan ninyo iyan ha. Pero ang iba sobrang ingat ayaw ipagamit eh.

    MEAH ANG SEE: Parang extreme naman iyon di ba. Anong saysay ng libro kung hindi siya gagamitin.

    ELY: Mayroon pa iyong iba sa sobrang pag-iingat parang halos ayaw ipahiram po sa mga estudyante.

    MEAH ANG SEE: Sana nga ang gusto nga namin sana maibalik ng mga public schools, gamitin uli ang drop everything and read na half hour. Hindi na siya masyado, hindi na po maraming school ang gumagamit ngayon, na sana mga 30 minutes a day makapagbasa ang mga bata. And then, puwede silang humingi ng training sa amin na iyong 30 minutes na drop everything and read, ito libro magbasa ka, bahala ka na. Kasi kapag ganoon, minsan ang bata din kapag hindi siya sanay humawak ng libro, iisipin niya, magagalit si teacher kapag nasira, o kapag nagusot. Ayaw nalang niyang buksan, so hindi na rin siya nagbabasa.

    VP LENI: At saka ito kasi ma’am parang habit na rin siya, parang habit siyang kailangang i-form. Kinukuwento ko ma’am kanina kay ka Ely, noong Tuesday galing ako sa isang public school dito sa Cubao. Binasahan ko ang mga estudyante kasi nag-open kami ng library, binasahan ko ang mga estudyante mga grade 2 sila. Ang binasa ko sa kanila iyong kuwento ng asawa ko, ang ginawa namin ka Ely, ang bawat pahina ng libro ginawa naming parang power point presentation. Kasi ung hawak mo lang, maliit. Para kita nila lahat, pero ma’am hindi ako makatuloy magbasa kasi ano sila, nagpaparticipate. Talagang gumagana ang imagination, na marami silang hula kung ano na ang sunod na mangyayari. Ano talaga, ang intersted nila.

    MEAH ANG SEE: Iyon ang isang, hindi siguro, like kunwari sa Bagong Kulturang Pinoy, target natin na they form the habit of reading, they develop a love for reading. Pero ang ulterior motive po, ang ulterior goal po natin ay hindi pagbabasa. Ang ultimate goal natin ay pag-iisip. Parang hindi ka kasi makapag-iisip kung hindi ka nagbabasa.

    VP LENI: Hindi at saka kung titingnan natin ma’am, ang mga mahuhusay sumulat, sila din ay mahilig magbasa. Parang parati ko rin iyan sinasabi sa mga anak ko na, iyong pagsusulat hindi siya naaaral. Pero naku-cultivate siya sa pagbabasa. Kasi ano talaga iyon, parang magkakabit na magkakabit iyong dalawa. At saka itong pagbabasa, nae-enhance ang imagination ng mga bata.

    MEAH ANG SEE: Maraming-marami po kasing research tungkol sa pagbabasa, iyong kung paano nadedevelop ang pag-iisip. Hindi lang ang pag-iisip, sa pagbabasa dito din nadedevelop iyong, natututong pagdevelop ng empathy.

    VP LENI: Parang nararamdaman mo iyong nararamdaman ng iba.

    MEAH ANG SEE: Kahit na bata ka pa lang, na 6-years-old o 7-years-old, wala ka namang masyadong experience sa lipunan kasi bata ka pa, pero kapag madalas kang magbasa, nadedevelop na agad iyong empathy.

    VP LENI: Oo totoo. Pero ito ma’am, ngayon ano ang ginagawa ng BKP para mas lalong i-push ang love for reading.

    MEAH ANG SEE: Kasi volunteer kaming lahat, wala pa kaming sampu. So medyo mahirap din, pero ang target namin, ang kaya naming gawin, ay magtrain talaga ng daycare worker o kaya ng public school teacher. Isang set, isang set po iyan na papadala kami ng trainer kahit buong school po for iyong mga teacher. Bibigyan namin kayo ng programa na puwede ninyo gamitin sa Reading, English, Filipino class or sa iyon nga, iyong drop everything ang read na half hour kung mayroon.

    VP LENI: Ngayon ginagawa ninyo na iyon, nagstart na kayo?

    MEAH ANG SEE: Matagal na po, 2004 pa po.

    VP LENI: Naka ilang schools na kayo ma’am?

    MEAH ANG SEE: Libo na po. Daan-daan na po. Libu-libong teacher, daan-daang schools.

    VP LENI: Kasi ito ma’am, teacher kayo sa La Salle sa DLSU, naalala ko nagkaroon kami ng meeting ni Brother Armin, I think mga a few months ago. Na parang pinupush niya din iyong, mayroong isang programa dati sa Quezon City na Araw ng Pagbasa, Araw ng Pag-asa. Kami kasi ma’am iyong kumuha ng Araw ng Pag-asa, sabi ni Brother Armin siya ang kumuha ng Araw ng Pagbasa. At balak niya daw na parang i-continue ito bilang isang advocacy. Kasi talagang ano ito…

    MEAH ANG SEE: Foundation siya e. A few years ago, mga 5 years ago, mayroon po kaming isang volunteer nagpunta po siya sa isang national high school dito sa may Metro Manila. Grade 7 po ang idnalaw niya na class room. Section 12 out of 16, so medyo lower section. Ang dala po niyang libro para basahin ng mga bata, libro ng anak ko na 12-years-old. Iyong Curious George. Tapos ang isa sa mga activity na pinagawa niya sa Grade 7 students ay maglista kayo ng tatlong salita na hindi ninyo masyadong kilala. Na hindi ninyo alam ang ibig sabihin. Medyo nalungkot po kami, hindi medyo, masyado kaming nalungkot kasi ang mga salita ay announce, whisper, fought… anong nangyari? And then pinipilit noong volunteer namin, nakikiusap iyong volunteer namin sa principal na, puwede kayang i-skip mo na muna iyong iba, turuan muna natin sila magbasa. Ang sabi ni principal, siyempre, may point din naman siya, kailangan po niya ituro iyong curriculum. Sabi namin, sa tingin niyo po ba kapag national standardization exam, papasa po ba itong mga batang ito? Expected niya hindi. Kasi hindi naman nila naiintindihan ang tanong sa exam. So parang umiikot ang problema nagiging cycle siya. Kailangan po talaga ng isang external factor na singitan natin ng something, putulin natin ang cycle. Turo tayo ng turo wala namang nangyayari.

    VP LENI: Parang ito kasi ma’am mahalaga siguro na ang teacher mismo at saka ang principal, mahilig magbasa. Kasi parang pag-passion niya, halimbawa tayo, ma’am lahat tayo, tayo mahilig magbasa. So ako sa mga anak ko, talagang tsinagaan ko na kahit maliit pa hanggang lumaki na binabasahan mo hanggang gabi. Kaya iyong mga anak ko naging hilig din ang magbasa.

    MEAH ANG SEE: Nasa ano po talaga siya, nasa leadership ng school. Kasi po sa Romblon noong 2005, nagkaroon po kami ng isang participant na principal. Accidental participant po siya. Ang slot po para sa kaibigan niyang teacher na nagkasakit. So saluhin mo ang slot, pumunta ka. Pumunta siya. Pagbalik niya doon sa eskuwela niya, sa San Roque Elementary School, ang pinaka-lowest performing school at pinakamahirap na barangay sa kanila, pinilit po niya talaga ang mga teacher, gamitin natin ito. Gagamitin natin ito kahit mag-out-of-pocket tayo, magpapameryenda tayo. Ginamit po nila ng isang taon. Ginamit nilang dalawang taon. After 2-3 years, zero non-readers sila.

    VP LENI: Isang taon lang iyon nangyari?

    MEAH ANG SEE: Mga 2-3 years po, nagzero non-readers sila. Ngayon po, may 15 eskuwela sa Romblon na ang grade nila sa national standardized exam ay nasa 80 plus. Ang national average natin ay 40. Mataas po. Ang pinakamataas po 93.

    VP LENI: Susi talaga ang reading kasi hindi lang nga iyong reading skills ang na-enhance, marami pang ibang mga bagay.

    ELY: So iyon talaga ang maipapayo natin sa ating mga kababayan nationwide. Na talagang mahikayat po ang mga bata, bata pa lang na magbasa. Marami pong tulong, lahat po sa kanilang pag-aaral, at lahat. Di ba po, ma’am?

    VP LENI: Oo ano talaga ito, napansin na natin ito mula noong ano pa, na iyong mahuhusay talagang sumulat, talaga ito ang mga nagbabasa. Iyong mga mahuhusay sa klase, ito ang mga nagbabasa sa labas ng textbook nila. Hindi lang ang textbook ang inaaral, pero ito ang mga nagbabasa pa ng maraming pang ibang mga bagay at nakikita natin pag mahilig magbasa, interesado rin sa maraming bagay. Kasi parang ano, natututunan niya ka Ely na buksan ang kanyang isipan sa maraming bagay. So lalo kang, iyong curiosity lalong na-enhance. Iyong, di ba…

    MEAH ANG SEE: Parang lumalawak ang pag-iisip…

    VP LENI: Di ba. Kaya ano talaga ito, tingin ko isang advokasiyang kailangan pinagtutulungan ng lahat kasi para din sa mga anak natin.

    ELY: Okay naku, maraming salamat po at kulang na tayo sa oras.

    VP LENI: Oo magpapasalamat tayo kay ma’am Meah. Ma’am Meah, maraming salamat sa pag-alay ng Linggo mo para makasama kami ni ka Ely at saka para makasama ang aming mga listeners ngayong umaga. Ayon ka Ely. Pangalawa na si ma’am Meah na bisita natin para sa ating National Reading Month celebration.

    ELY: Okay maraming salamat sa inyong pagsubaybay. Ma’am maraming salamat po.

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Nov 11, 2017