This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    BISErbisyong LENI – Episode 3

    28 May 2017

    Note: Show was live in RMN Naga Station

    [GAP 1]

    ELY: Parang wala ho atang bakanteng araw hanggang Linggo. Madame Vice President, ano po iyong mga ginawang aktibidad para po sa kapakanan ng ating mga kababayan nationwide? VP LENI: Medyo kakaiba Ka Ely ang ating naging linggo ano. Kasi araw-araw mayroon tayong speaking engagement. Iba-iba ang mga okasyon, o iba-iba ang mga nag-imbita sa atin.

    Mayroon mga advocacy-related na mga events, pero iyong ka Ely, iyong naka-iba dito, hindi ko na iisa-isahin ang ating mga speaking engagements pero iyong pagkakaiba dito, dahil iyong nangyari sa Marawi, naging busy iyong buong, magmula nang mag-umpisa iyong Marawi, naging busy iyong lahat ng araw pagkatapos noon.

    Kasi nag-activate tayo Ka Ely ng mga dati nating partners para makatulong tayo. In fact, maya-maya ikukwento natin, kasi nagsimula na iyong ating command center doon. Dahil alam mo, Ka Ely, ang Marawi kasi partner LGU namin iyon sa Angat Buhay. Kaya noong pumutok iyong balita na may nangyayaring ganoon sa Marawi, talagang inisa-isa namin ang pangangailangan nila. In fact, bukas palipad ako papunta doon.

    Noong nakaraang Biyernes, naka set-up na tayo ng command center. Nagpapasalamat tayo Ka Ely sa Xavier University doon sa Cagayan de Oro. Sila iyong partner natin. Partner din natin iyong Xavier University sa Angat Buhay.

    Pero dito sa pagtulong sa Marawi, sila yung partner natin. Doon tayo naka-house ngayon sa kanila, iyong mga estudyante nila ito yung mga volunteers na tumutulong sa atin sa repacking. Pero pagpunta ko Ka Ely bukas, susubukan natin mabisita ang mga evacuation centers. Kasi doon kami maraming nakukuha talagang mga, parang sigaw para sa tulong. Kaya ito gusto din natin Ka Ely pasalamatan ang ating mga partners na noong humingi tayo ng tulong talagang mabilis din ang pagsaklolo. ELY: So dito ho, at siguro magiging espesyal po iyong ating palatuntunan ngayong umaga dahil sa medyo naka-sentro po tayo ng malaki dito po sa kaganapan sa Mindanao na kung saan ay may umiiral po na martial law at ang dahilan po, para agad na malutas po ang problema na dulot po ng paglusob po ng teroristang grupo, iyong Maute group diyan po sa Marawi city.

    At nagpaliwanag na po ang Palasyo diyan, ang Pangulo at maging sa dalawang kapulungan ng Kongreso hinggil po sa pinakamotibo at iyong dahilan ng pagdedeklara ng Martial Law.

    So siguro mas maganda Madame Vice President ay iyong gagawin nating pagtulong, partikular po ng Office of the Vice President, siyempre iyong iba pong mga ahensya ng ating pamahalaan—iyong DSWD at iba pang mga LGU—-ay tumutulong naman ho siguro ano.

    Pero sa panig po ng OVP, mayroon pa po kayong katuwang na iba pang nasa pribadong sektor. VP LENI: Actually marami tayong katuwang, Ka Ely. Una nagpalabas din ng funding iyong OVP para sa relief operations. In fact, ang pinakaunang truck natin na magdadala, ngayong umaga 8:30 ine-expect namin na pupunta na.

    Bale over the last 2 days ang ginawa, nag-repack. Nag-set-up ng command center. Ang pinaka-command center natin ngayon nasa Cagayan de Oro dahil nandoon ang volunteers pero mag-seset-up din tayo sa Iligan, at kausap na natin ang mga local government officials na nag-house ng evacuees.

    Kaya ito talaga ang tinututukan natin Ka Ely. Ang pagpunta ko doon bukas hindi lang para masilip ang mga evacuees at alamin kung ano pa iyong pangangailangan, pero para magpasalamat din sa ating mga volunteers na talagang noong nakaraang dalawang araw, walang sawang tumulong para mag-repack talaga nitong mga goods.

    Ito Ka Ely, parang dini-display ulit ang kabutihan ng bawat Pilipino na sa oras ng sakuna, sa oras ng pangangailangan talagang handang-handang tumulong ang lahat.

    ELY: So linawin ho natin Ma’am, at may binabanggit ho kayo na nagpalabas po ng pondo ang OVP. Siguro para po sa kaalaman din ng ating mga listeners, dahil sa ang sinasabi nga napakaliit na nga po ng pondo ng OVP, ay nagawa pa ninyong maglaan kahit papano para tulong po sa ating mga kababayan. So papano ho ito at iyong proseso, at iyong direktang maibigay din sa ating mga kababayan na nangangailangan?

    VP LENI: Ito kasi ka Ely, iyong OVP mayroon namang kaunting pondo for social services. Kadalasan ginagamit namin ito for medical assistance, madami tayong natutulungan for medical.Pero itong ganitong mga sakuna, may bagyo, may nasunugan puwede din naman kaming mag-allocate. Noong Biyernes nakapag-allocate na kami ng 2.7 million. Ito para na ito sa 5 thousand families pero siyempre kulang na kulang Ka Ely kaya nag-cacall kami for donations at marami na ang nagpadala.

    Hindi lang ng pera pero nagpadala ng mga gamit. Mayroong nag-donate ng mga blankets, may nag-donate ng pagkain, kung ano-ano. Kaya ito talagang ano na din parang isang tawag lang basta alam nila kung ano ang kinakailangan, mabilis naman talaga ang tumulong.

    ELY: So para sa ating mga kababayan at para sa mga nais na magtanong o nais na maipaabot ang kanilang mga kahilingan o hinaing maaari po kayong mag-text dito sa amin sa 09214311044 at iyan po ay agad naming tutugunan dito po sa Biserbisyong Leni. At maari din po kayong magtext dito sa 0908 TXT LENI 8985364 at 09158985364. Text na po. At kung gusto niyong tumawag, maaari po kayong tumawag pero iwan ninyo lang po ang inyong tanong kasi hindi po kami tumatanggap ng caller para isahimpapapawid. So mamaya kukuha din po tayo pinaka-update diyan sa Marawi city at pang ilang araw na ito, May 23 nagsimula. May 23 at ngayon po ay 28 na po, nasa limang araw na ang ginagawang pagtugis sa militar sa mga teroristang grupo.

    Pero sa pagkakataon ito Madame Vice President kasi nakikita po natin sa ibang bansa kapag may nangyayari na karahasan o trahedya o kalamidad, kahit na magkalaban sa partido, nagtutulungan. Dito po ano po ang dapat nating ipanawagan po?

    VP LENI: Ako ganoon din Ka Ely. Pagpanahon na ganito na matindi ang pagsubok sa atin bilang bansa dapat kalimutan muna sana ang pulitika. Ako naniniwala na marami namang handang ibaba yung kaniya kaniyang personal na mga paniniwala para makipagtulungan.

    Mayroon lang talagang iba na sa panahon ng sakuna ganoong pa din ang naiisip pero wag tayong magpadala, hayaan na lang natin at hikayatin ang ating mga kababayan na magkaisa tayong lahat.

    At ngayon Ka Ely, sa Marawi nakikita naman namin, naka-set-up kami ng command center sa Cagayan De Oro, napakarami. Napakarami talaga ng gustong tumulong kaya gusto rin po nating pasalamatan lahat ng nag-come forward para tumulong. ELY: So iyon ho. Panawagan ho natin na siguro isantabi muna ang issue ng pulitika at importante ho rito lahat ng ahensiya ng pamahalaan ay magtulung-tulong at iyong mga pangamba, hindi natin maaalis iyan kasi iyong nakaraan ho kasi, iyong mga pangamba sa Martial Law. Pero siguro ho ngayon may binabanggit ho kayo magkaisa at mag-abang lang. Ang kagandahan ho sa kasalukuyang sitwasyon lahat ng institusyon ay nandiyan. VP LENI: Totoo at talaga Ka Ely marami tayong pangamba. Marami tayong pangamba dahil sa pag-declare ng Martial Law pero iyon ang nagbibigay sa atin ng mas malaking dahilan para lalo tayong magkaisa, maging vigilant, magbantay para iyong mga masasamang pinagdaanan natin noong nakaraan, huwag na mangyari.

    Kasi pag di tayo nagkaisa, parang mas malaki ang posibilidad na mangyari ulit ang mga ayaw na nating pagdaanan gaya ng pinagdaanan natin noong panahon ng diktadurya. Tingin ko Ka Ely basta tayo ay nagmamatiyag, mas madaling masugpo kung ano man iyong mga pangaabuso. ELY: So mamaya susubukan nating ma-contact po ang Armed Forces of the Philippines para kumuha po tayo ng update sa kaganapan diyan sa Mindanao pero siyempre espesyal din po ang araw na ito Madame Vice President lalo na sa ating mga kababayang taga-Naga dahil kahapon po sana iyong kaarawan.

    VP LENI: Kahapon po dapat 59 na sana ang asawa ko, kaya po dito tayo ngayon nag-a-air sa Naga kasi umuwi po ako para sa paggunita ng buhay ng aking asawa. At nagpapasalamat po tayo sa lahat ng nakiisa sa atin sa pag-celebrate kahit wala na siya cine-celebrate pa rin natin iyon at pag-alala, pag-alala sa yumao kong asawa. ELY: So para po sa kaalaman po ng ating mga listeners, at ilan po sa sabihin po nating mga aktibidad po kahapon mismo hanggang ngayon. VP LENI: Actually, nag-umpisa kami Ka Ely noong 26. Noong May 26, nandito na po ako. Ang kasama po natin iyong ating partners, kasi maraming partners na pumunta dito para makiisa sa paggunita sa kaarawan ng asawa ko.

    Pero ito yung mga partners na maraming dinonate sa atin na school buildings, meron pong nag-donate na library. Merong nag-donate ng mga tulong para sa mahihirap na community.

    Kaya noong 26, Ka Ely ang in-inaugurate naming na classroom, siyam. Sa tatlong munisipyo dito sa Camarines Sur. Kahapon naman, nag-inaugurate ulit kami ng isa pang classroom doon sa Punta Tarawal.

    Ito Ka Ely yung pinakamalayo at pinakamahirap na barangay dito sa amin. Ang nag-donate ng classroom dito yung AGAPP Foundation.

    Andito yung mga representatives nila. Napakaganda nung classroom Ka Ely na dinonate nila, two-storey ito. Alam mo isla ito na parating binabagyo, parating binabaha.

    Napakaganda, talagang hindi tinipid yung materials – at ano talaga, malaki yung pasasalamat ng residents doon. Nag-inaugurate din kami ng isang library kahapon, ito din ay bigay din ng isang private citizen, at pumunta siya dito. Yung nagbigay ng library, pumunta siya at nakiisa sa atin.

    Kaya yung kahapon, mas pasasalamat. Pasasalamat sa mga partners natin na parating tumutulong. At ano din, Ka Ely kasi nabanggit mo yung numbers natin – yung TXTLENI numbers natin.

    Gusto ko lang ulit balikan, meron kasing mga pending na mga – alam mo, ginagawa natin, yung mga natatanggap natin na mga text. Hindi na natin napag-usapan dito, tinatawagan natin o tinetext.

    Meron tayong mga tinawagan, ito yung isang texter natin, Mr. Ismael Alcairo ng Sta. Cruz, Tarlac City. Meron siyang katanungan tungkol sa scholarship ng isang anak pero nasagot na natin. Natawagan na natin siya.

    Meron din isa, Pedro Tuazon. Ah, eto si Pedro taga-Sampaloc National High School, sa Tanay, Rizal. Nagtatanong siya Ka Ely tungkol sa problema sa lupa. Hindi na-coconstruct yung gym kasi may pangangailangan na dokumento. Yung lupa yata hindi pa nakapangalan doon sa Sampaloc National High School. Nasagot na din natin ito pero nag-promise tayo na tutulungan natin para ma-facilitate yung kailangan nila na dokumento.

    Merong mga nagtatanong tungkol sa medical assistance, ito nasagot na din natin. Pero may isang texter kasi, Ka Ely. Pangalan niya, Chito Gatacelo. Meron siyang gustong tulong na hingiin sa DPWH. Meron daw hindi natapos na trabaho sa Brgy. Marinab, Bulan, Sorsogon. Eto may in-advise kami sa kaniyang hinihingi na detalye, pero hindi pa niya nabibigay yung detalye. Ano lang siguro, Ka Ely. Kung nakikinig po si Chito Gatacelo ngayon, baka puwede pong i-forward na sa amin yung detalye para matulungan na namin kayo. ELY: Okay. So yun, lahat po ng inyong mga text at kung minsan, ay talagang kapos po kami sa oras at hindi namin naisasahimpapawid o natatalakay po ni Bise Presidente.

    Binabasa po yan pagkatapos po ng aming programa at iniisa-isa po, pinagtiyatiyagaan pong basahin ng Bise Presidente yung inyo pong mga katanungan at mga hinaing.

    At syempre sa abot po ng makakaya, kung ano po yung pupuwede maitulong, yun po ang gagawin ng Tanggapan ng Pangalawang Pangulo. Samantala, mga kasama, at mamaya, mag-cocommercial break lang po tayo at mga paalala. Magbabalik po tayo, at sandali lang ho, mamaya kuha tayong update ha sa Armed Forces of the Philippines.

    [GAP 2]

    ELY: Mukhang may mga aktibidad po dito? VP LENI: Opo actually po ngayong linggo noong nakaraang Linggo, may in-open po tayong exhibit sa Eastwood sa Quezon City. Alam mo Ka Ely, nakuwento ko na ito noong nakaraang mga episode. Itong Istorya ng Pag-Asa po ay proyekto ng aming opisina na gusto nating i-feature ang mga kuwento at Istorya ng Pag-asa ng ating mga kababayan.

    Ito yung mga ordinaryong tao na may pinagdaanan na matinding pagsubok pero naging matagumpay sa huli. Mayroon na tayong mga nakalap na kuwento at mayroon po tayo ngayong on-going na photo gallery exhibit sa Eastwood. Ito po ay nasa Eastwood City Walk Central Plaza at ito po ay binuksan ngayong Linggo pero maglalast ang ating exhibit hanggang July 2.

    Kaya inaanyayahan po natin ang ating mga kababayan na nakikinig ang Eastwood po napakaganda ring pasyalan kaya kung mayroon po kayong pagkakataon na makapasyal doon, tingnan ninyo po sa City Walk Central Plaza. Ito po yung parang open area sa gitna. Nandoon po ang ating exhibit at finifeature po natin ang ibang mga Istorya ng Pag-Asa na mayroon tayo.

    Pero dito po sa Naga, sa June 3 mayroon na po kaming MOA signing kasi ang mga partners po natin na local dito talagang excited din na umpisahan iyong Istorya ng Pag-Asa dito sa Naga.

    Pagkatapos po dito sa Naga ay iikot din kami sa buong Bicol region para sa lahat ng probinsya mayroon din tayong Istorya ng Pag-Asa. Ito po nakapag-launch na tayo hindi lang sa Quezon City pero sa Cebu, Cagayan de oro, Baguio, noong nakaraang Linggo sa Dumaguete tayo naglaunch at napakaganda ng reception.

    Ang partner natin sa Dumaguete ay Siliman University at nag-launch din tayo sa Manjuyod sa Negros Oriental. Kaya ito po sabi ko nga po pag pinag-usapan natin ang mga magagandang kuwento baka mawala din ang mga kasamaan at awayan.

    ELY: Sa ngayon lang ho nakapakinig ng Biserbisyong Leni, ito hong Istorya ng Pag-asa siguro ito ho iyong magbibigay inspirasyon no sa ating mga kababayan? VP LENI: Magbibigay inspirasyon at ang sabi nga namin, Ka Ely, this is our way of changing the conversation. Yung parang papalitan, papalitan Ka Ely iyong usapan na pinagkukuwentuhan na iyong mga magagandang kuwento.

    Hindi na iyong mga awayan. Tayo excited tayo Ka Ely kasi mamaya may ife-feature tayo na napaka-inspiring na kuwento ng isang talagang ang istorya niya ay istorya ng pag-asa. Ito yung naging sikat na, na senior citizen na nakapasa sa Bar exam. Tagadito po siya sa Naga at makakasama po natin siya maya-maya. ELY: Iba-ibang sektor po ang ating naiinterview dito sa Istorya ng Pag-asa, dati ho noong Mother’s day, iyong ina ho na nakapagpatapos ho ng kanyang mga anak sa kabila ng kahirapan at magisa lang ho so marami ho at maya-maya ho ay pag-uusapan natin yung isa na namang Istorya ng Pag-asa. Samantala sa oras na ito, siyempre ang buong bansa po ay sumusubaybay sa mga kaganapan lalo na sa Mindanao ay kukuha po tayo ng update sa Armed Forces of the Philippines na siyang abala dito po sa ginagawang pagtugis sa mga teroristang grupo para po mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa Mindanao at maging sa buong bansa. Nasa linya po natin ang hepe po ng PIO si Col. Edgar Arevalo. Col magandang umaga po sa inyo. VP LENI: Magandang umaga, Colonel. COL. AREVALO: Magandang umaga po sa ating mga listeners good morning, Sir. ELY: Hihingi lang po kami ng update sa ginagawang operations ng AFP sa Mindanao partikular po sa Marawi city. COL. AREVALO: Sa ngayon po nagpapatuloy ang ating ginagawang clearing operations at rescue na rin sa lahat ng mga kababayan natin na maaring naipit pa sa bakbakang nagaganap sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines [feed cut] ng Marawi partikular nakapuwesto po ang mga snipers nila at iba pang grupo sa mga tuktok ng building at naglatag po sila ng mga imporvised explosive devices sa mga dinadaanan ng ating mga kawal.

    Kaya po mas higit tayong nagiging maingat at mas challenging po para sa ating mga security forces ang ginagawa nating misyon sa ngayon.

    VP LENI: Colonel si Vice President Robredo po ito, gusto po sana naming humingi ng update. Mayroon na ho ba tayong bilang kung ilan na ho ba ang namatay sa kampo po ng ating mga sundalo at sa kabila at kung ilan na po ang injured as of now. COL. AREVALO: Sa ngayon po, Madame Vice President, 124 na ang ating either nailigtas o nabigyan ng pagkakataon na makalikas to safer grounds matapos ang ilang araw na po nating nagaganap na bakbakan.

    Sa atin pong mga kalaban, 61 po ang namamatay na sa kanila, at ang ating mga na-recover na katawan ay 31 out of 61. Mayroon din po tayong na-recover na 24 na matataas na kalibre ng armas kabilang po diyan sa na-recover natin ang 50 caliber na machine gun na napunta sa kamay ng mga kalaban.

    Nabawi na po natin iyan subalit ang kapalit po ng pagsisikap nating ito, ay 13 sa ating mga kawal ang binawian ng buhay at 55 ang nasusugatan sa labanang ito.

    Mostly naman po Madame Vice President doon sa 55 ay nailikas na po sa mga ospital at kasalukuyang nilalapatan ng lunas. Most of them ay shrapnel wounds dahil sa binanggit natin na improvised explosive devices. Yung iba naman po ay gunshot wounds emanating from the Maute-ISIS group. VP LENI: Maraming salamat sa updates, Colonel. Pero iyong gusto ko din po malaman, alam ninyo din noong Huwebes kasabay ko po sa isang okasyon isang, parang, Undersecretary ng DOH, at humihingi po siya ng saklolo, ang sabi niya po mayroon pa silang mga 100 personnel doon po Amai Pakpak na hindi pa nakakalabas, wala na po akong update since then, pero puwede po ba lang ba malaman kung okay na iyong naipit doon sa loob? COL. AREVALO: Opo, Madame Vice President, iyon pong sinasabi nating bilang na 124 kasama na po diyan ang halos 76 na tao na nangaling sa Amai Pakpak Hospital, atin na po ang Amai Pakpak Hospital since I believe, Thursday, noong araw ng Huwebes, at nailigtas po natin diyan ang health personnel at ilang mga hospital staff at mga construction worker na ni-lock up po nilla sa second floor ng Amai Pakpak. So bale, as of Thursday Madame Vice President, atin na po iyang Amai Pakpak Hospital. VP LENI: Mabuti naman po, Colonel. Iyong mga teachers po natin, kamusta na po sila? COL. AREVALO: Opo, kasama na po iyon sa mga nailigtas natin, buhat doon sa venue po ng kanilang convention, kasama po iyan sa all in all 124 na, na niligtas namin. But mayroon pa po talaga, Madame, na mga natitira pa doon, na naiipit sa labanan at hindi po sila nakaalis.

    Subalit po iyong nga po ang aking nabanggit sa panimula sa ating panayam, may iba pong mahigpit na challenge natin ngayon, ang reality po natin sa ground, ay wala pong kinikilalang groupo itong Maute-ISIS, maging kagawad ng cross na pula, o Red Cross, ay hindi nila kinikilala at binabaril po ng kanilang mga snipers.

    So, iyan po ang isa sa priorities na mabawi natin, mailikas natin, iyong nasa kanilang kamay. If there are any other agencies of government, or non-government organizations, na gusto pong tumulong sa pag-rescue, wine-welcome po natin subalit sana po magkaroon po tayo ng proper coordination. Sapagkat gaya po ng binaggit natin, dapat po may back-up sila na miyembro ng ating security forces kasi wala pong kinikilalang grupo o organisasyon ito, kahit well-meaning organization, binabaril po nila. Ganito po ka-ruthless at ka-walang paggalang o pagkilala ang grupong itong Maute-ISIS.

    VP LENI: Mayroon ba tayong idea kung ilan ba sa kanila ang nasa loob ng Marawi, as of now? COL. AREVALO: Ang estimate po namin, Ma’am so far noong start po nasa 50-80 ang Maute-ISIS po, ang atin pong kasama, vine-verify na natin kung iyon pong maaring supporters and sympathizers pa po nila na nang doon din po sa loob ng Marawi.

    Kaya ganyan po ang aming panawagan, sa ating mga kababayan, na sana po, iyong pa rin po na pinag-usapan natin, iyong pag-popost nila ng information, at mga pictures and video na nagtuturo kumbaga, nagbibigay ng impormasyon sa ating mga kalaban.

    Sapagkat maging iyong mga footage na nagbibigay ng kagawad ng media whether they are radio or TV networks, iyan po ay napapanood ng mga sympathizers and supporters ng Maute-ISIS at iyon po kino-communicate nila doon po sa kasalukuyang nilalabanan natin sa Marawi City. Ganoon din po, Madame Vice President, iyong ilang pong nang doon sa lugar na iyon, kung maari po, iwan na nila ang kanilang tahanan nandiyan naman po umiwas na makikita nila ang members ng security forces, tutulungan po natin sila, e-escortan palabas upang makapunta sila to safer ground. VP LENI: Saka ano din, Colonel, habang kausap natin kayo, baka gusto niyo ulitin iyong huli natin pag-uusap, iyong pakiusap sana sa ating kababayan, tungkol po sa pagkuwento ng mga hindi naman totoo. COL. AREVALO: Tama po iyan. VP LENI: Iyan po ang kalaban kasi ngayon po pagtiningnan niyo ang social media, kung ano-ano lumalabas, mayroong lumalabas na may napugutan ng ulo, may lumalabas na kung ano-ano, na iyong sinabi ninyo sa amin noong nag-briefing ako sa AFP, na karamihan dito propaganda kaya nakakasama po sa suliranin na hinaharap po natin. Kaya baka puwede po makiusap ulit tayo sa ating kababayan. COL. AREVALO: Opo, salamat po Madame Vice President sapagkat malawak iyong programa, lagi tayong napapakinggan sa malaking bahagi ng ating bansa. So gusto po natin i-take advantage ito at makiusap muli sa ating kababayan. Baka po hindi natin nalalaman sa ating pag-post ng mga pictures o videos sa social media, tayo po ay palihim nagagamit ng teroristang grupong ito upang ipakalat ang kanilang propaganda na sila ay nagwawagi, sila ay nananalo, sila ay nagiging notorious at walang pakundangan sa kanilang ginagawang pag-atake.

    Iyan po ay gustong-gusto ng teroristang grupong Maute-ISIS na ma-circulate sa social media po sapagkat libre po silang nakakakuha ng publicity at iyon po ang hinihintay ng international terrorist group na parang kontribusyon o apirmasyon na talaga pong tunay na sumasali sa kanila itong grupong ito, na sa pamamagitan ng kanilang ruthlessness, sa kanilang kalupitan, iyong ka walang puso, iyong kawalang tao, pagkawalang habag bilang tao ay lalo po silang, ika nga iwe-welcome so huwag po sana nating hayaan na magagamit tayo sa ganitong pamamaraan.

    Ganoon din po, sa itong kasamahan sa media, nagpapasalamat po tayo sa coverage na binibigay nila sapagkat kailangan pong malaman ng ating mga kababayan ang kaganapan sa lugar na iyan at kumbaga ma-assure sila na security forces are there at tayo ay tuluyang pagsisikap na panumbalik ang katahimikan at seguridad sa lugar na iyan.

    But while it is the case, iyan po ibang video footage na naifi-feed po natin sa ating mga istasyon ng television, halimbawa, o sa social media, siya rin po ang nagagamit ng ating kalaban ng basehan, pinagkukunan nila ng impormasyon na ibabahagi nila doon sa mga kasamahan nila na kasalukuyan ay ating nilalabanan.

    So magtulungan po tayo at ingatan po natin lalong-lalo na ang impormasyong nagtuturo sa kondisyon at movement ng ating security forces. Opo.

    ELY: Col, si Ely po ito. Mayroon ho bang plano na ang Armed Forces of the Philippines ay, di ba pag may ginagawang operasyon at para mas maging mabilis ay pansalamantang pinapatay muna ang signal ho halimbawa ng mga iba’t ibang mga network, iyong sa cellphone, para hindi po sila makapag-communicate? COL. AREVALO: Well, actually po, yesterday inumpisahan na po natin ang recourse na iyan for reasons of security. Hindi lamang po ng ating security forces kung hindi maging ang ating mga kababayan sapagkat sabi nga po natin, hindi pag nako-compromise po ang galaw ng ating mga sundalo, hindi lamang po ang buhay at kalagayan ng mga sundalo natin ang nanganganib, kung hindi nanganganib din ang kaligtasan ng ating mga kababayan na umaasa na sila ay mare-rescue, na umaasang sila ay mapoprotektahan ng ating mga sundalo sa lalong madaling panahon. Part po iyan ng contingency na ginawa natin apart from of course our appeal to our fellow Filipinos and well-meaning media entities. ELY: So ngayon po masasabi nating kontrolado po ng ating militar iyong sitwasyon at kung nasaan man ngayon ito pong mga teroristang Maute diyan po sa Marawi city, ay hindi na po sila makakalabas pa at ibig sabihin makakakupkup pa ng iba pang siyudad o munisipalidad, Col? COL. AREVALO: Tama po iyan. Sa katunayan, integral po, part ng ating mission, bukod sa rescue and recovery ng Marawi is ma-contain natin. Ma-contain natin ang kaguluhang iyan diyan lang po sa Marawi at sisiguraduhin po natin na wala nang makapapasok o makalalabas pa na re-inforcement buhat sa mga teroristang grupo na iyan.

    Sapagka’t hindi na po natin hahayaan, at hindi naman po natin hinahayaan at so far successful tayo in that regard, na hindi na po sila makapagdagdag pa. But then again, iyong iba po nating mga unified command kagaya ng Eastern Mindano command diyan po sa, na nakasasakop ng Davao city for example, ang atin pong unified command sa Cebu at sa Western Mindano pinagpapatuloy po ang ating ginagawang contingency at paghihigpit sa ginagawang movements ng ating mga kalaban.

    Yesterday nasa Sulu po tayo, ang atin pong Pangulo, President Rodrigo Duterte, si Gen. Ano, ang ating chief of staff at lahat ng ating mga commanders doon sa area, personal po nilang binisita ang ating mga sundalo, at gusto nating siguruhin na wala na pong makadaragdag o makaaalis na mga teroristang grupo na maaring mag-reinforce coming from Basilan, Sulu and Tawi-Tawi. ELY: Opo. Kumusta naman po ang mga evacuation centers ng ating mga kababayan dahil sa marami po kaming natatanggap na humihingi po ng tulong at ang sinasabi mukhang hindi po sumasapat po ang kasalukuyang tulong na binibigay ng ating pamahalaan.

    Sa panig po ng Armed Forces of the Philippines siyempre ang seguridad po ang inyong binibigay ano. Pero malaya naman po bang makakapasok kaagad iyong mga tulong, iyong mga nais mag-tulong diyan po sa ating mga kababayan, iyon pong nasa mga evacuation centers. COL. AREVALO: Iyon pong mga tulong na kailangan ng ating, like relief goods for example, mga gamot, pagkain na intended for sa ating mga internally displaced persons ay atin pong tinutulungan na maideliver po sa mga designated evacuation centers.

    At iyan naman po so far ay ating wini-welcome at whenever there are, may opportunities o mayroon pa po tayong mga ilang government o non-government organizations na gusto po nilang tumulong at magpadala ng tulong, makipag-coordinate lang po tayo sa mga, sa pinakamalapit nating tanggapan o himpilan ng AFP o ng PNP para mai-coordinate po sa amin at matulungan po natin. We have C130 cargo planes na maaring makatulong na maghatid dito sa mga evacuation centers.

    ELY: So Colonel, salamat po sa inyong oras dito sa RMN at tayo po ay napapakinggan diyan ano sa Mindanao, nationwide. At iyon lang ho, siguro ipaabot lang din ho namin ng Bise Presidente na huwag basta-basta maniniwala lalo na ang dami po ngayong fake news. COL. AREVALO: Tama ho. ELY: Talagang ang sasama ho. VP LENI: Oo nakakasama lalo. Alalahanin lang po sana ng mga nakikinig sa atin na gusto po nating makatulong, huwag nang dagdagan pa. Huwag nang dagdagan pa kung ano man iyong umiikot na hindi totoo kasi ang natutulungan nito ang kalaban natin.

    ELY: Kami dito po sa RMN, nag-iingat po kami. May mga tumatawag na, kumbaga sa ano, iyong iba ho parang madedehado ang ating gobyerno. So mas maganda talagang sa inyo po kami hihingi ng updates at sa iba pang kinauukulang ahensya ng pamahalaan. COL. AREVALO: Tama po. Iyan po ang gusto namin ipagpasalamat. Sa iyo at sa inyo Madame Leni, Vice President, at sa inyong himpilan sa pagbibigay po ng mahalagang pagkakataong ito sa amin.

    Ang atin pong assurance na gustong ibigay sa ating mga kababayan, ang inyo pong pamahalaan, ang inyo pong Armed Forces of the Philippines, nasa atin po ang mga assets—floating assets, air assets, land assets—nasa atin po ang mga sundalo, well trained, well experienced, to attend and arrest these contigencies.

    Nasa sa atin po ang lahat ng pagkakataon upang talunin natin ang ating mga kalaban. Ang hinihiling lang po natin sa mga kababayan natin ay patuloy po nilang pag-unawa.

    Patuloy po nilang pagtulong at kooperasyon at panalangin upang ating, sa pagtutulungan natin, pagkakapit-kamay natin, sama-sama po nating lulupigin ang mga teroristang grupong ito. At mapanumbalik natin ang katahimikan dito sa Marawi at sa lahat ng bahagi ng ating bansa. Maraming salamat po, magandang umaga po. ELY: Maraming salamat po kay Col. Arevalo, ang hepe po ng PIO ng Armed Forces of the Philippines. [GAP 3] ELY: At live nag-bobroadcast sa Naga, mga kasama, at espesyal po iyong ating palatuntunan dito po at siyempre magandang pag-usapan po natin dahil sa kahapon nga po, tulad ng nabanggit ng Bise Presidente, iyong kanyang yumaong asawa na si dating Mayor, dating Secretary Jesse, kaarawan kahapon at siguro mas maganda, kanina paglapag ko po rito sa Naga airport, eh, parang, talagang maunlad na maunlad na iyong Naga, ah. Ang daming sasakyan.

    VP LENI: Malayo na, malayo na, Ka Ely. ELY: So siguro po kayo po mag-introduce po ano, personal niyo siyang kilala, Vice President? VP LENI: Iyong guest natin, Ka Ely, nagkita kami kagabi, mayroong event na parang reunion ng city youth officials. Nagulat ako Ka Ely, ito palang guest natin, dating youth official noong Mayor pa si Jesse.

    Pero siya, malaki, madami nang pinagdaanan, City Councilor na siya ngayon, elected City Councilor, introduce po natin Councilor Lito del Rosario, magadang umaga sa inyo Councilor Lito. COUNCILOR LITO: Magandang umaga po Vice President Leni, Sir Ely, at sa lahat na nakikinig sa Biserbisyong Leni dito sa Radio Mindano Network. ELY: Okay, at siyempre sabihin natin espesyal ito para sa mga taga-Naga, at kayo po ay, gaano niyo po nakasama iyong yumaong Secretary Jesse Robredo. COUNCILOR LITO: Una lang po ah hindi po ako masyadong nakatulog kagabi. Ako po, nakasama ko si Sec. Jesse mga 17-18 years. Simula po ako sa kanya as government employee, casual employee, and then promoted as information officer 3, information officer 4, before po natapos iyong term niya, naging head of the public safety office. ELY: Opo. So sa inyong pagsasama sa halos 18 taon, ano po ang hindi ninyo makakalimutan sa kanya, at ano po iyong istilo ng kanyang pamamalakal bilang mayor po? COUNCILOR LITO: Very hands on po siya, Sir Ely. As a matter of fact, sa lahat ng aspects of governance, sa disasters, crime prevention, social protection, all facets of governance very hands-on si Sec. Jesse, lalo na po sa disaster.

    Mayroon po tayo ditong pinagdaanan na pinakamabigat na bagyo, siya po iyong last out, sakali, pero first in. Ibig sabihin ng last out, mga 10 or 11 ng gabi, nasa kalye pa siya umiikot, sa mga barangay dito sa Naga, tinitingnan iyong sitwasyon with our evacuees, and the same time, first in, early in the morning, wala pa iyong ibang leaders, nandoon na po si Mayor Jesse Robredo, umiikot na at tinitignan ang sitwasyon ng atin pong Naga City sa aftermath ng bagyo. ELY: So talagang ganoon noh? Kasi sa nakaraan po ay napaulat na simpleng tao talaga, naglalakad nakatsinelas pa po. VP LENI: Parati. ELY: So umiikot siya sa kababayan sa Naga. COUNCILOR LITO: As a matter of fact po, even, kahit alam po namin na kulang iyong tulog ni Mayor Jess, at kami din po, pinapakita niya na in complete control siya ng sitwasyon, sa paglinis, kaya maraming sektor ang napadali niyang nakasalamuha at nakadaupang palad, sa paghingi ng resources, lalo na pag after the calamity iyong masyadong binaha iyong Naga City ng putik, sa paglinis, he saw to it na in just 24 hours iyong sentro ng lungsod ay maging passable kaagad, para iyong business, iyong continuity ng negosyo, at iba pang aspect ay ma-normalize kaagad. So na-rally niya iyong mga tao dito sa Naga at ito po iyong klase ng leadership na kinultivate ng ating Mayor Robredo at pinagpapatuloy ngayon ng ating mayor. VP LENI: Eto pa, Ka Ely, sa kinukuwento ni Councilor Lito, naalala ko dati kasi iyong Naga palaging dinadaanan ng matitinding bagyo, nagliliparan na Ka Ely iyong mga sim galing sa mga bahay, nasa labas pa sila, eto si Councilor Lito kasama ito ng asawa ko, kaya sinasabi niya last man on the street, kasi hanggang may nakalabas na tao, sila mismo iyong nag-e-evacuate. Sila mismo iyong tumutulong, at naalala ko iyong policy niya noon, sa tindi ng bagyo, oras na huminto na at humupa na iyong napakalakas na hangin, kailangan lumabas na sila, puwedeng 1AM iyon, 2AM, kasi gusto niya pag lumiwanag, malinis na. Kasi iyon ang pinakasign na in control iyong gobyerno. At si Councilor Lito, parang sa buong pag-mayor ng asawa ko, kasama ito sa lahat na sakuna. ELY: So kayo po ay buhay na saksi sa lahat ng pangyayari. Kasi kadalasan po, sa iba, hindi naman lahat, pero may mga ilan na local chief executive, iba po, hindi po ganoon ka hands on.

    Ibig sabihin kung may kalamidad, pinauubaya sa kanilang mga tao. Dito po, si Mayor Jesse, ay siya mismo talaga ang tumitingin sa sitwasyon. COUNCILOR LITO: Noong bumagsak pa itong Mabolo bridge dito which nag-isolate the rest of Bicol to Visayas and Mindanao, siniguro po ni Mayor Jesse, na lahat ng ahensya ng gobyerno ay ma-on-board sa desisyon.

    Iyong DPWH, iyong City Engineers Office, para mailatag kaagad iyong bridge. Then iyong paghingi niya ng suporta sa private sector para mapadala dito iyong barge para iyong buses and trucks mai-transport via Calabangga and Cabusao, at the same time, paghanap namin ng rota, ng alternate, inutusan niya pa ako, kasama ko pa isang reporter ng RMN, si Grace Inosentes, muntikan na kami madisgrasya sa Bula, just to look for alternate route.

    Sabay-sabay, in ten days po na-normalize iyong sitwasyon, nakadaan iyong vehicles, at pinakita pa ng ating mabuting mayor na, ayun. ELY: Opo, so dito ho, bago tayo magtapos sa ating interview, ano po masasabi ninyo about the legacy at hindi po makalimutan ng taga-Naga na siguro ay magsilbing inspirasyon sa ibang lugar sa ating bansa, iyong ginawa po ni Mayor Jesse dito po sa Naga. COUNCILOR LITO: I’ll take ano po, doon sa… ELY: Okay, medyo naging emotional po, Madame Vice President dahil sa matagal nilang pagsasama. VP LENI: Matagal, matagal Ka Ely. Iyon po, pag nagkuwekwentuhan kami dito sa Naga, kahit halos limang taon na wala na iyong asawa ko, talagang nagiging emosyonal iyong mga tao kasi marami dito, Ka Ely, tumanda, lumaki, na kasama siya kaya hindi nahihiwalay iyong association sa kanya. ELY: Opo, so sa legacy po at sabihin natin hindi makakalimutan, at iyong puwedeng ipamana at pinapakinggan din po tayo nationwide. Dito po sa ating palatuntunan, iyong para, magsilbing inspirasyon din po sa ating mga kababayan. COUNCILOR LITO: Iyong sinabi po ni Father Alarcon kahapon sa kanyang sermon, iyong connect ng… VP LENI: Tingin ko ka Ely iyong nirerefer ni Councilor Lito kasi nagkaroon kami ng misa sa sementeryo kahapon, kinukwento ni Monsignor Alarcon iyong kung sino ang nag-celebrate ng mass.

    Ano palagay niya ang pinakamalaking legasiya na iniwan ng asawa ko, iyon talagang personal na koneksyon sa tao na parang hindi, hindi mapapalitan ng anong husay, anong talino, anong bait ng kahit sino. Kasi siya, siya mismo.

    Hindi pinaubaya sa kahit sino, pero siya mismo ang nakikisalamuha, siya mismo ang nagtatrabaho. Parati niyang inuulit na hindi ko puwede ihingi sa aking mga empleyado, iyong hindi ko kaya ako mismo ang gumagawa.

    At tingin ko, gaya nito ni Councilor Lito, tingin ko pareho siya ng iba, na ina-attribute na ang kanilang kahusayan ngayon dahil doon sa nakitang inspirasyon, nakitang halimbawa sa asawa ko. ELY: Opo. Okay so Councilor, maraming salamat po. VP LENI: Maraming salamat. Maraming salamat Councilor Lito.

    [GAP 4] ELY: At bago tayo magtapos ito, iisa na namang, siguro magbibigay tayo Madame Vice President ng inspirasyon. VP LENI: Istorya ng Pag-asa, tunay na istorya ng pag-asa ito, Ka Ely. Mayroon po tayong napakaespesyal na panauhin ngayong umaga. Binibiro ko po siya Ka Ely, kasi magkaibigan kami nito.

    Magkakilala kami kasi iyong pareho naming bunsong anak, si Jillian, tapos iyong anak niya si Ganda, mula noong Grade 1 ata o mula noong Prep, magkaklase. Magkaklase kaya kilala ko na siya. Malaki din ang tulong niya sa akin.Pero ang pinakamasaya, Ka Ely, kasi nakapasa siya sa Bar Exam ngayon. Binibiro ko siya, sabi ko parang napakasikat mo na ngayon, kasi iyong lahat ata ng TV at radio networks, na-feature na siya. Kasi kilala siya bilang senior citizen na nakapasa sa Bar. Kaya magandang umaga sa iyo, Atty. Jessie Savilla. ATTY. JESSIE: Magandang umaga din po, Madame Vice President, at sa lahat ng nakikinig sa inyong programa. ELY: So unang-una po sa lahat, kumusta ho ba ang pakiramdam ng abogado? ATTY. JESSIE: Well, masaya at medyo apprehensive din ako sa hamon ng profession. Kasi kilala din ako sa mga advocacy na… VP LENI: Napaka-active niya sa mga advocacies, Ka Ely.

    ATTY. JESSIE: Saan ba ako magfifit-in doon pag naka, after na maging abogado na ako. Siyempre panibagong hamon naman ito. Bilang isang volunteer iba iyon. Ngayon bilang isang professional, sa legal profession na nga. VP LENI: Ito, Ka Ely, siguro interesado tayong matanong kay Atty. Jessie, kailan kayo unang nag-aral ng law. ATTY. JESSIE: Matagal na, 1981. Nag-umpisa ako mag-aral ng law kasi ito iyong… VP LENI: May asawa na kayo noon? ATTY. JESSIE: Wala pa. VP LENI: Ah wala pa. ATTY. JESSIE: Ito kasi ang pangarap namin ng tatay ko na magtapos ako ng law. That’s why I took up Political Science in preparation. Kaso bago ako nag-graduate, nakapasok na ako sa… nagtrabaho na ako. So, I graduated in, sumama ako sa graduate 1979. And then noong 1981, nagpaalam ako sa employer ko na mag-aral ako ng law. So I started studying law. VP LENI: Dito na kayo sa University of Nueva Caceres? Dito din ako nag-aral, Ka Ely. Pero full-time student kayo? ATTY. JESSIE: Hindi, working student ako noon. VP LENI: Ah working. Nag-aaral ka ng gabi. ATTY. JESSIE: Opo. At noong 1983, nahinto dahil nag-asawa na ako at nagpamilya.

    ELY: Pero napakatagal na ho kayo nag-aral tapos kailan lang kayo kumuha ng exam, last year? ATTY. JESSIE: Last year—iyong previous 2015, at saka 2016. Kasi pangalawa ko na ito. ELY: Pero ang interesado po ako, Madame Vice President, kasi may binabanggit na hindi ho kayo pumasok sa mga review center. Pansarili raw po ninyong pag-rereview, parang ganoon? ATTY. JESSIE: Iyong unang pag-take-up ko noong 2015, nag-review ako sa review center sa San Beda. Pero iyong pangalawa, sabi ko marami pa naman akong mga materials na naipon na hindi pa nababasa. Sabi ko sa mga anak ko, huwag na ninyo ako i-enrol sa Manila kasi ang tagal na 7 months doon. Dito na lang ako nag-review sa Naga, kasi marami pa din akong backlog doon sa…

    VP LENI: Sa babasahin. Oo.

    ATTY. JESSIE: At kumuha na lang ako doon sa San Sebastian.

    VP LENI: Pero ito Ka Ely, mayroon na siyang anak na abugado. Nauna sa kanyang maging abugado.

    ATTY. JESSIE: Opo.

    VP LENI: Ang interesado ako, iyong anak mong naging abugado, kailan siya pumasa?

    ATTY. JESSIE: Noong 2012.

    VP LENI: 2012 pa. So matagal na siyang abugado. Ano iyong naisipan ninyo at mag-review sa Bar?

    ATTY. JESSIE: Kasi tapos na iyong panganay ko ng law, sabi niya, time na na ikaw naman. Kami na iyong magpapaaral sa iyo, kasi mayroon pa akong dalawa na tapos na rin. Lahat na sila, ano na ho. Full-time student na ako noon. Kung kailan ako tumanda tsaka ako naging full-time student.

    VP LENI: Nabaliktad na. Sila na iyong nagpapaaral sa iyo.

    ATTY. JESSIE: At saka sila na iyong nagbabawal sa akin—bawal ka mag-Facebook, bawal ka ng ganito [laughs]. Masunurin naman akong ama.

    VP LENI: Ilan ang anak ninyo Atty. Jessie?

    ATTY. JESSIE: Bale lima sila.

    VP LENI: Lima sila. Grabe no, lima? Tapos ngayon ilan pa iyong nag-aaral?

    ATTY. JESSIE: Si Ganda na lang.

    VP LENI: Iyong bunso na lang. Nasa senior high school Ka Ely ang aming mga anak. Kaya, tapos iyong, may isa siyang anak, na inaanak ko sa kasal. Iyon naman ay nasa Qatar.

    ELY: Okay. So ngayon ho bilang abugado na, kasi kadalasan po Madame Vice President kapag tinatawag na senior citizen na, 60 pataas, paretiro na po iyan. Kung sa ano magrere-relax-relax na iyan. Ngayon kapapasa niyo lang ho.

    VP LENI: Bagong buhay [laughs].

    ELY: So ano ho ba ang magbabago sa inyong buhay? At ano ho ba iyong, kasi sinasabi ng bise presidente talagang nasa dugo ninyo na po ano, ang tumulong. Ano ho ba ngayon ang partikular ninyong gagawing adbokasiya at pagtulong po sa ating mga kababayan lalo na po dito sa Naga?

    ATTY. JESSIE: Well, nabago na iyong plano ko kasi ang plano ko retirement na talaga. Aayusin ko iyong mga lupa na iniwan sa akin ng tatay ko at doon ako mag-ano ng retirement home ko.

    Ngayon na nakapasa ako, hindi yata mag-reretire muna kasi muling nabuhay iyong mga advocacy natin na pinunla mula noong magtrabaho, maging volunteer kay Sec. Robredo. Siguro doon ako muna, iyon ang pagtutuunan ko muna ng pangunahing atensyon.

    ELY: Iyon ho no parang public service ho muna kayo dito sa Naga. Kayo po ay naging abugado, mayroon na ho ba kayong unang-unang kaso?

    ATTY. JESSIE: Wala pa. Kasi kakapirma ko lang noong Friday.

    ELY: Pero mayroon na po bang lumapit sa inyo na Atty., puwede ninyo ba akong tulungan sa kasong ito?

    ATTY. JESSIE: Marami na mga nagtetext mga relatives. Siyempre hindi mo naman mahindian iyon. Sabi ko pag-aaralan ko muna iyong mga kaso nila.

    ELY: Ok so siguro bago ho tayo magtapos, ano po Atty. iyong maibabahagi ninyo sa ating mga kababayan, ito Madame Vice President parang istorya ito ng pag-asa.

    VP LENI: Napakalaking istorya ng pag-asa kasi kadalasan kasi, Ka Ely ang mga ganyang edad parang ayaw nang lumaban. Ang ganyang edad ang tinitingnan parang magpapahinga na.

    Pero si Atty. Jessie baliktad. Kung kailan dapat nag-rerelax na siya parang lalo namang sumisipag. Parang lalo naman nagiging involved sa pagtulong sa community.

    ELY: Ano po ang inyong mensahe sa ating mga kababayang nakikinig ngayon sa Cebu, Davao, Cagayan de Oro, Maynila, at tayo po ay napapakinggan din dito sa NXFM 98.1 at siyempre sa NXAM 1611 khz.

    Magbigay ho siguro tayo ng ilang inspirasyon, mayroon din po Madame Vice President kasi iyong iba, halimbawa may mga hindi talaga nakakapasa, yung iba naman ho nag-aaral pa lang na gustong maging abugado, talagang hirap din po. Ano po ang maibibigay niyo sa kanilang payo?

    ATTY. JESSIE: Sabi nila hindi naman namamatay ang pangarap so mangarap ka at iyong pangarap mo isapuso mo at pagtrabahuhan mo din iyong pangarap mo kasi in the end, ang pangarap mo mismo ang hahabol sa iyo kahit sa panahong medyo nanghihina ka na kasi iyong pangarap mo nakadikit na.

    VP LENI: Napakaganda noon, Ka Ely talgang isapuso at pagtrabahuhan. Tingin ko iyon ang dapat inaalala ng lahat lalo na iyong mga nawawalan na ng pag-asa.

    ELY: Kasi iyong iba, hindi puro ka pangarap hanggang pangarap ka na lang. Pero kailangan talagang gawin hong agresibo at hindi ho dapat susuko.

    ATTY. JESSIE: Opo. Ikaw din ang magbibigay buhay sa pangarap mo kasi in the end, bubuhayin ka ng pangarap mo.

    VP LENI: Ang ganda.

    ELY: Ang ganda po at sana ho mapulutan ho iyan ng aral at siguro inspirasyon sa ating mga kababayan kasi hindi lang po ang pagiging abugado maraming maliit na pangarap po na puwedeng abutin araw-araw.

    VP LENI: At ito ka Ely iyong kuwento ni Atty. Jessie parang baliktad sa ordinaryo. Iyong ordinaryo parang nagsisimula ang lahat sa pagpasa ng abogasya. Iyong kay Atty. Jessie naman parang icing on the cake.

    Sa dinami0dami ng mga causes na ipinaglaban niya noong nakaraan, ito parang ito na iyong reward, mas marami pa siyang, palagay ko malalaman niya ito in the coming days. Mas napakarami pa siyang matutulungan ngayong abugado na siya.

    ELY: Okay maraming salamat, Atty., sa inyong oras sa palatuntunan namin.

    VP LENI: Maraming salamat, Atty. Jessie, at congratulations muli. Andito iyong kanyang asawa at anak, Ka Ely kasama natin. Siguro ito iyong wind beneath his wings kaya napakahusay. Congratulations ho pati sa asawa at anak.

    ELY: Congratulations po at magsilbing inspirasyon ho sana kayo sa lahat ng mga Pilipino na may pangarap kahit na ang pangarap ay hindi abugado, kaya hong matupad iyan kung talagang pursigido at lahat ho ay gagawin ang makakaya. Napakabilis po ng oras pero bago ho tayo magpaalam, Madame Vice President napakarami ho nating text at mensahe sa FB ibibigay na lang ho namin sa inyo ang kopya.

    VP LENI: Ang ginagawa po namin buong linggo kinokontak ho namin iyong mga nag-text at kung may kailangan hong i-discuss siguro sa susunod. Sa Linggo muli. Pero ka Ely bago sana tayo magtapos, gusto ko pong magpasalamat sa management ng DWNX dito sa Naga kasi matagal na po itong katuwang. Hindi lang naming mag-asawa pero matagal nang katuwang sa paglingkod sa bayan.

    Dito po kasama natin si station manager Al Ubanya, napakahusay, Ka Ely, di ba kinuwento ko sa iyo ito. Noong una tayong nagkuwento, binibida ko sa iyo parati iyong DWNX Naga. Matagal na partner in development dito sa atin. Maraming salamat po sa DWNX family dito po sa atin.

    ELY: Ok so, Madame Vice President baka may dagdag po kayong panawagan sa ating mga kababayang nakikinig nationwide lalo na po sa apektado ho ng kaguluhan sa Mindanao.

    VP LENI: Iyong sa akin lang po gaya ng sabi ko kanina, nag-set up na po kami ng command center sa Cagayan de Oro sa Xavier University. Pasalamat ho sa Xavier University sa pag-house sa atin, pasalamat ho sa lahat ng mga volunteers. Pasalamat ho sa lahat ng nagpadala ng tulong.

    Nakapost po sa aming official Facebook page yung instructions kung papaano magpadala ng tulong. Mayroon po doong address, may bank account number, at gaya po ng sabi ko bukas po lilipad ako papunta doon para bisitahin ang mga nanghihingi ng tulong sa atin dahil partner nga po natin sa Angat Buhay ang Marawi at bumibisita din ang mga volunteers.

    Iyong ulit lang, Ka Ely, iyong on-going project namin ngayon na Istorya ng Pag-asa gaya po ng sabi ko kanina, mayroon ho tayong Istorya ng pag-asa photo gallery sa Eastwood.

    Naroon po siya sa Eastwood City Walk Central Plaza at ito po ay naroon na ngayon hanggang July 2 at iniimbitahan po natin na bisitahin ng ating mga kababayan. Ito pong si Atty. Jessie ang bagong addition namin sa ating Istorya ng Pag-asa hindi lang po namin ito iiikot sa Naga, sa Bicol kundi sa buong Pilipinas para ang kuwento ni Atty. Jessie magsilbing inspirasyon sa ating mga kababayan.

    ELY: Maraming salamat po kay Madame Vice President at maraming salamat din po sa mga nakinig. Iyong mga nagtext at iyong mga nag-iwan po ng mga mensahe maraming salamat din ho.

    Siguro ho ngayon isantabi muna natin ang issue ng pulitika magkaisa at lahat ho ng ahensiya ng ating pamahalaan mula po sa tanggapan ng ating Pangulo, sa tanggapan ng ating Bise Presidente, at lahat ho ng tanggapan at ahensiya maging sa pribadong sektor ay magtulong tulong ho tayo kung may kababayan tayong nasusuong po sa mga problema tulad ng diyan sa Mindanao.

    Maraming salamat ako pa rin ho si Ely Saludar at siyempre kasama ho natin ang ating Bise Presidente Leni Robredo.

    – 30 –

    Posted in Transcripts on May 28, 2017