This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    BISErbisyong LENI – Episode 44

    ELY: Magandang umaga, Pilipinas—Luzon, Visayas, at Mindanao! Isa na namang edisyon ng BISErbisyong LENI dito po sa RMN. Ngayon po ay araw ng Linggo, March 11, 2018.

    At siyempre, tayo po ay napapakinggan diyan po sa RMN Naga-DWNX 91.1, RMN Cebu-DYHP 612, RMN Cagayan de Oro-DXCC 828, at RMN Davao-DXDC 621. At siyempre dito po sa ating “RMN News Nationwide: The Sound of the Nation” Facebook Live, at “VP Leni Robredo” Facebook Live, mga kasama.

    Ako pa rin ho ang inyong Radyoman Ely Saludar. Siyempre kasama po natin dito sa ating studio ang Bise Presidente ng Republika ng Pilipinas, si Madam Vice President Leni Robredo. Ma’am, good morning po sa inyo!

    VP LENI: Good morning, Ka Ely! Good morning po sa lahat na nakikinig sa atin ngayong umaga, pati na po iyong mga sumusubaybay sa ating Facebook Live. Sa mga kababayan po nating taga-Bicol, marhay na aga sa indo gabos. Sa mga kababayan po natin na taga-Visayas at Mindanao, maayong buntag kaninyong tanan.

    ELY: Okay… Samantala, mga kasama, sapagkat iyong ating mga panauhin, may kinalaman pa rin sa paggunita at selebrasyon po sa Buwan ng Kababaihan. Pero bago po diyan, Ma’am, siguro po iyong mga pahapyaw lang, iyong mga napagtuunan niyo po ng pansin sa nagdaang linggo.

    VP LENI: Maraming biyahe ngayong linggo, Ka Ely. Noong Lunes, pumunta kami sa Iligan. Lumipad kami papuntang Iligan kasi marami kaming mga proyektong ibinaba sa Lanao del Sur. Nag-overnight kami sa Iligan, pero the following day, maagang maaga, pumunta kami sa Piagapo. Sa Lanao del Sur ito. Nagbaba kami ng tulong para sa mga abaca farmers. Kasi iyong Piagapo, napakahirap na munisipyo, 86 percent yata iyong kaniyang poverty incidence. Mayroon sila ngayong bagong mayor, parang pangalawang termino pa lang. Iyong bagong mayor, nag-launch siya ng isang programa na pino-promote iyong abaca growing, kasi mayroong isang kumpanya na malapit sa kanila na bumibili ng abaca, pero kulang iyong abaca. Nag-promote ng abaca growing.

    Nagbigay kami doon ng abaca stripping machine kasi iyong mga magsasaka na abaca iyong tinatanim, pumupunta pa sila sa isang munisipyo na medyo malayo para magpa-strip ng mga abaca. Ipinakita sa amin kung paano gawin iyon, Ka Ely. Pero ang laking tulong sa kanila na mayroon na silang stripping machine.

    ELY: Hindi na manu-mano.

    VP LENI: Saka mahal iyong binabayad dahil hindi lang namamasahe, pero nagbabayad pa sila sa gamit ng stripping machine doon sa Balo-i, iyong karatig-bayan. Pumunta din kami sa Saguiaran. Lanao del Sur pa din ito. Ito iyong pinakamalapit sa Marawi. Kaya napakarami pang IDPs na nandoon. Iyong mga IDPs sa isang barangay sa Saguiaran, binabaan namin ng sewing machines, mga makina, kasi mga mananahi sila, para mayroon na silang kabuhayan na babalikan.

    Nakakaawa iyong mga kanilang mga kuwento, kasi iyong mga kuwento talaga nila, noong nilikas nila iyong kanilang mga bahay, ano lang, sarili na lang iyong dala saka iyong suot nilang damit. Iyong lahat na kabuhayan at naipundar, wala na talaga. Wala na.

    Kaya umiiyak nga noong binabaan namin ng makina, kasi kilala naman natin, iyong mga Maranao. Napakasisipag na mga tao. Bigyan lang ng kaunting pagkakataon, makakabangon muli. Kaya malaking bagay sa kanila iyon.

    Tapos iyong pinakamalaking proyektong pinuntahan namin, iyong sa Marawi mismo. Ang ambisyon natin, 100 na bahay. Pero iyong contractor natin, 60 pa lang iyong naipa-promise na matatapos niya by June, kasi iyong June iyong inauguration. Nag-groundbreaking na kami.

    Ito, Ka Ely, iyong perang ibubuhos dito, hindi galing sa gobyerno. Iyong pera, iyong dino-donate para sana sa akin noon, para sa aking protest case. Mayroong isang grupo, iyong Piso Para sa Laban ni Leni, nag-raise sila ng pera.

    Ito, nakakatuwa iyong mga kuwento kasi iyong mga kuwento nila, mga 25,000 na tao iyong nag-donate, at karamihan dito piso-piso. Sabi nila mayroong mga driver, mayroong kasambahay—

    ELY: Masa po talaga.

    VP LENI: Oo. Narinig lang iyong kampanya. Gustong magpadala ng kontribusyon. Naka-raise sila, Ka Ely, ng 7.5 million. Pero hindi tinanggap ng Korte Suprema. Hindi ko rin kayang tanggapin kasi bawal akong mag-receive ng donations. Kaya kami, Ka Ely, iyong nag-suggest na gumawa na lang kami ng Angat Buhay Village para sa Marawi.

    Kaya tuwang tuwa naman. Kasama namin iyong mga representatives ng Piso Para sa Laban ni Leni, at marami pang partners. Mayroon kaming partner, iyong Xavier University sa Cagayan de Oro; sila iyong mag-aasikaso sa trabaho. Iyong United Architects of the Philippines – [Quezon City] Elliptical Chapter, sila iyong gumawa ng disenyo ng bahay. Mayroon pa tayong ibang partners: iyong Solanaland, iyong mga kaklase ko sa UP School of Economics. Marami iyong nag-pitch in para matapos iyong village.

    Ang target kasi, parang 5,000 houses iyong gagawin. As of now, 1,400 pa lang yata, kaya ano talaga, malaking tulong… kung mayroon pong nakikinig na gusto pang tumulong, napakarami pa pong bahay na kailangan.

    ELY: Okay, so ang kagandahan nito ay napunta po sa kawanggawa din po iyong kontribusyon ng ating mga kababayan na gustong tumulong sa inyo. At siguro, hindi po magtatapos dito, baka may gusto pang tumulong.

    VP LENI: Actually, Ka Ely, mayroon nang mga nag-signify pagkatapos ng 60. Ito kasing 60, galing ito talaga doon sa Piso Para sa Laban ni Leni. Tapos mayroon din tayong nag-donate na medyo malaki din: Sigma Delta Phi Southern California Chapter. Mga Pilipino ito, Ka Ely, na nandoon. Nag-donate din sila ng mga bahay. Kaya iyong first 60 mayroon na.

    Iyong mga additional na donations galing sa, halimbawa iyong RAF International Forwarding, nag-pledge na ng… sila ang magpapagawa ng mosque. Mayroon kasing mosque doon sa loob ng village; sila iyong magpapagawa. Iyong mga kaklase ko nag-pledge. Ang bilang namin ngayon, parang mayroon na kaming kayang itayo na 76—ang target namin 100.

    ELY: Okay, so malaking tulong po ito sa ating mga kababayan, at pagdamay sa mga kababayan natin na naipit po ng giyera diyan po sa Marawi. [music break]

    ELY: Okay, so ilan lang ho iyon, mga kasama, sa mga naging aktibidad ng ating Bise Presidente. At siyempre iyong mga pang-araw-araw, maraming mga courtesy call sa opisina.

    Pero, dahil sa ngayon po ay Buwan ng mga Kababaihan, at siyempre bilang pagtugon at pagkilala… At least ngayon, Ma’am, unti-unti na—kahit hindi pa natin masasabi na talagang pantay na para sa po sa karapatan at pagkilala…

    VP LENI: Actually, kung titingnan natin iyong numero, puwede nang sabihing better off kumpara sa mga katabi nating mga bansa. In fact, noong 2016, 7th tayo sa pinakamahusay doon sa gender gap index. Pero iyong nakakalungkot lang, 2017, bumaba tayo ng three points; pang-10 na tayo ngayon, hindi na 7th.

    Pero iyong bisita natin ngayon, Ka Ely, matatanong natin kung ano pa iyong mga kulang sa laban natin para sa pagkapantay sa pagtingin para sa kababaihan. Iyong bisita natin ngayon, kilalang kilala siya sa mga women advocates. Kilala ko na siya matagal, Ka Ely, kasi iyong grupong kinasamahan ko dati, marami ding partnerships sa grupo nila. Iyong bisita natin, si Prof. Aurora de Dios. Siya ngayon iyong executive director ng Gender and Women Institute ng Miriam College, pero Ka Ely, dati siya iyong chairperson ng Board of Commissioners ng National Commission on the Role of Filipino Women (NCRFW). Ito na iyong PCW [Philippine Commission on Women] ngayon; iba na kasi iyong pangalan pero ito iyong dating NCRFW. Mahaba kasi iyong pangalan before, sinimplehan na siya. Kaya magandang umaga po sa iyo, Prof. De Dios.

    PROF. DE DIOS: Magandang umaga, Vice, at thank you for inviting me.

    VP LENI: Pasensya na po kayo at ginambala po namin iyong linggo ninyo. Pero ito po, noong Friday, nandoon po ako sa Iloilo, mayroon po kaming partnership ng UNFPA, ang tawag sa programa Babaenihan. Kausap po namin iyong mga teenagers, pinag-uusapan po iyong teenage pregnancy. Pero Ma’am, ito, pang-apat na namin ito na ikot. Maganda naman iyong mga forum, pero parang common talagang observation na kapag pinag-usapan iyong gender equality, parang hindi masyadong interesting siya sa mga—hindi lang sa mga lalaki, pero pati mga kababaihan, parang maraming misconceptions. Ano ba talaga iyong buod ng pinaglalaban natin kapag sinabi nating advocate tayo ng gender equality?

    PROF. DE DIOS: Ito rin ang observation ko: kung minsan nga ang intindi nila kapag sinabing gender, dapat unahin iyong kababaihan at mahuli iyong kalalakihan. So I think the misconception is that sa gender equality, that there is—ang ibig lang namang sabihin noon ay i-promote natin iyong kapantayan ng babae at lalaki sa lahat ng aspeto ng buhay. Kasi nga, sa totoo lang—although I’ll say, in my experience, talagang nakakaangat ang Pilipino, kung ikukumpara mo sa Bangladesh at other ASEAN neighbors natin.

    VP LENI: Opo, kasi sa ASEAN, parang tayo iyong 1st, ‘di ba?

    PROF. DE DIOS: Pati iyong ating mga batas ay tinitingala halos nila—iyong ating Magna Carta for Women, it’s a model that every country is looking at dahil comprehensive siya. Dahil ang objective naman ng gender ay magkaroon ng kapantayan, ibig sabihin noon hindi pa pantay. And you know, kapag nakikita ng karamihan, sinasabi nila, “Bakit? Dito nga sa Pilipinas, ‘di ba dominante iyong nanay, dominante iyong mga kababaihan, at under the saya iyong mga kalalakihan?”

    Pero objectively speaking, kung titingnan mo iyong halimbawa, sahod ng kababaihan, mas mababa kaysa kalalakihan. Kung titingnan mo rin iyong numero ng violence against women—pambubugbog, rape, sexual harassment—nandiyan pa rin. So dahil itong mga ito ay nakaka… it’s inhibiting or preventing women in achieving their equality, kaya kailangan nating pagtuunan ng pansin. So sa maraming bagay, hindi pa equal, although, as I said, compared to others, okay na tayo. Pero to compare ourselves sa sarili natin, marami pa tayong dapat gawin.

    VP LENI: Saka iyong common observation din, iyong kultura daw ng mga Pilipino, mula kasi sa pagkabata, iyong mga lalaki daw na anak ay mas spoiled kaysa sa mga babae. Iyong kuwento po, iyong mga anak na lalaki okay lang maglaro sa labas, pero iyong mga anak na babae, dapat nasa loob ng bahay, tumutulong sa mga gawaing bahay.

    Iyong effect nito, Ka Ely—hindi ko alam kung sa bahay niyo ganito din—pero iyong effect daw nito, para sa atin, halos sa lahat na Filipino households… Halimbawa, nagtatrabaho pareho iyong babae saka lalaki. Nagtatrabaho sila 8-to-5. Kapag iyong lalaki daw after 5 hindi pa umuwi, tatambay pa o iinom kasama ang mga kabarkada, okay lang iyon. Pero kung iyong babae, pagkatapos ng trabaho, hindi pa uuwi, tatambay sa barkada, iinom— o kahit hindi iinom, magsha-shopping, makikipagkuwentuhan—masama siyang nanay, kasi kailangang umuwi na siya sa bahay para asikasuhin iyong mga anak. Parang iyong kultura mismo tinuturuan tayo na dapat iyan iyong role ng babae, iyan iyong role ng lalaki.

    PROF. DE DIOS: Totoo yan. Alam niyo, Ka Ely, yung… ‘pag… sa pamilya namin, anim kaming babae magkakasunod. Ang pinakahuli lalaki. So, kaming mga babae, lahat, bata pa kami tinuruan na kami magluto, maglinis ng bahay. ‘Pag dating sa kapatid kong lalaki, yung bunso namin, naku, parang siyang seniority talaga! Wala siyang ginagawa, wala siyang assignment sa paglilinis, ganyan, at lahat ng mga… ang nanay ko talagang full attention sa kanya. Ang tingin ko naman dun, magandang training iyon ano? Kasi, ang aga pa, tinuturuan ka nang magtrabaho. So mga babaeng Filipino, hard working.

    VP LENI: Oo.

    PROF. DE DIOS: Yung sa kalalakihan, alam niyo, it’s a life skill – lahat ng pagtratrabaho, pagluluto, dapat babae at lalaki maturuan para pareho silang ano, may life skills. Kaya ‘pag dating ng ano, ‘pag… nung lahat kami nakatapos na, ang aking kapatid na lalaki tamad na tamad na mag-ano kasi binibigay na lahat sa kanya, eh!

    VP LENI: Totoo.

    PROF. DE DIOS: So spoiled na spoiled niya so, sa tingin ko, dapat yung training natin sa babae at lalaki, pareho dapat.

    VP LENI: Pareho lang dapat.

    PROF. DE DIOS: Para hindi…

    VP LENI: Kasi nadadala ‘to ‘pag laki diba?

    PROF. DE DIOS: Tama. Oo.

    VP LENI: Oo. Pareho din po tayo. Yung bunso din namin lalaki eh. Nung lumalaki kami maam, may mahusay kaming mga babae kaysa dun sa kapatid namin na bunsong lalaki sa halos sa lahat ng… kahit sa ‘pag ayos ng sasakyan.

    PROF. DE DIOS: Oo.

    VP LENI: Naalala ko yung pagpalit nung mga na-fa-flat na gulong, ako, kayang kaya ko, yung kapatid kong lalaki hindi, eh. Tatawag pa ng driver kasi yun nga, yung magulang ko tutok na tutok dun sa lalaki.

    PROF. DE DIOS: Sa lalaki. Oo.

    VP LENI: Tsaka ano, ‘pag minsan din mayroong mga pamilya na ‘pag buntis yung nanay, ‘pag nanganak ng lalaki, i-ce-celebrate nang grabe. Pero ‘pag babae ipinanganak, parang, kailangan magkaroon ka ng lalaki.

    PROF. DE DIOS: Kaya kami dumami, eh!

    VP LENI: Kasi naghihintay. (?)

    ELY: Opo.

    PROF. DE DIOS: Habang wala pang lalaki, parang hindi pa kumpleto yung pamilya.

    ELY: Hindi po, kasi yung sinasabi, yugn apelyido hindi ano, eh.

    VP LENI: Oo, hindi nadadala.

    ELY: Nadadala.

    PROF. DE DIOS: Pero…

    ELY: Kasi ‘pag babae po, wala, ‘pag nag-asawa mag-iiba ang apelyido. Parang ganun ang naging tradisyon na po.

    PROF. DE DIOS: Tradisyon.

    VP LENI: Tradisyon. Pero pwede namang hindi. Gaya sa akin Ka Ely, tatlong babae yung anak ko eh, wala akong anak na lalaki kaya hindi ako masyadong maka-relate ma’am nung papaano palalakihin yung mga anak. Pero, nung, hindi pa po ako politiko – abogado ako, yung mga nire-represent ko po yung mga mahihirap na walang pambayad ng abogado.

    Meron pa ako isang observation. Kayo ma’am, ano kasi kayo eh, alam kong matagal kayong nag-advocate nung pagpasa nung Republic Act 9262. Meron tayong, Ka Ely, batas, Republic Act 9262. Pangalan nito “Anti Violence Against Women and their Children.” Kasi dati, noong nag-pa-practice pa po ako, wala pang Republic Act 9262, ‘pag yung kliyenteng lumapit sakin nagrereklamo kasi iniwan siya ng asawa, nasa kanya yung mga anak at yung asawa, hindi na nagsusuporta.

    Dati, pahirapan. Mag-fa-file kang kaso, ang tagal tagal matapos ng kaso tapos, kailangan mo naman ng tulong para sa mga anak mo nag-aaral, lalabas na yung desisyon ng korte, tapos na mag-aral yung mga anak mo. Pero ito kasi, Ka Ely, [RA} 9262, pinasa ito March, 2004. Ito, sinasabi niya na ‘pag may ganito, una, yung pag-aabuso hindi lang pisikal. Kasi dati, ‘pag sinabi mong violence o abuse, parang ‘pag hindi ka naman binugbog, walang pang-a-abuso. Pero sinasabi dito sa 196…ay, sa [RA] 9262, iba ibang klaseng pag-a-abuso – pwedeng physical, pwedeng sexual, pwedeng psychological, pwedeng economic.

    PROF. DE DIOS: At pwedeng verbal. Verbal

    VP LENI: Oo. Yung verbal, bahagi siya ng psychological at yung economic, yung hindi nasusuporta, pwede nang kasuhan ng criminal case. Kasi dati, ‘pag hindi nagsusuporta civil case lang iyon -ang support, kaya hindi natatakot yung mga lalaki.

    ELY: Walang kulong, eh.

    VP LENI: Oo. Pero ito, yung [RA] 9296 pwede kang ikulong, eh. ‘Pag di ka nagsusuporta, pwede kang ikulong. ‘Pag minumura mo nang minumura mo yung asawa mo, considered yun na psychological abuse; pwede ka ikulong. Yung, ano, yung pang-aabusong parating nambababae – yung patu… paulit-ulit na pambababae, considered din yun na abuse. Dati parang hindi siya nade-define, eh. Parang dati, ang hirap hirap. Ngayon, pwede ka nang ikulong dahil doon. Tsaka yung pinakamaganda,’pag finile mo yung kaso, pwede ka nang maghingi ng protection order. Yung protection order, Ka Ely, finile mo ngayon, bukas pwede na iyon ilabas ng korte. At habang nagkakaso, sasabihin ng korte sa asawang lalaki, kailangan mo nang magsuporta. Ang hirap hirap… ma’am, ang hirap, ma’am, i-implement dahil nakahahanap na ng mga butas yung ibang mga lalaki, eh.

    PROF. DE DIOS: Oo. Yeah.

    VP LENI: Paminsan, nagre-resign sa trabaho para wala nang habol sa kanya. Yung susunod na trabaho, sikreto na. Kasi yung court pwede niyang orderan yung employer, hindi ba ma’am? Pwede niya i-order ang employeer na yung bahagi ng sweldo mo, diretso na… parang hindi…

    PROF. DE DIOS: Sweldo niya, dapat ipasa sa pamilya.

    VP LENI: Oo, hindi ka…

    ELY: Pero ilang percent ba ‘pag ganun?

    VP LENI: Depende, depende. Yung experience ko…

    ELY: Depende sa anak?

    VP LENI: Oo. Yung experience ko ‘pag school age pa yung mga anak, mga 70 percent.

    PROF. DE DIOS: 70 percent, oo.

    VP LENI: Oo, yung binibigay ng… malaki ‘yon. Parang may matitira sa iyong 30 percent na baon mo pero yung 70 percent yun yung suporta. ‘Pag graduate na yung mga anak, mas kaunti na.

    ELY: Liliit na lang.

    VP LENI: At may difference din kung kasal yung mag-asawa o hindi kasal. Kasi kung hindi kasal, pwede lang humingi ng suporta para sa mga anak. Pero ‘pag kasal, asawa tsaka mga anak.

    ELY: So, kumpleto.

    VP LENI: Kaya, eto ma’am, alam kong pinagtrabahuan niyo itong [RA] 9262.

    PROF. DE DIOS: Oo. It was during my term kami yung…

    VP LENI: Sila yung tumu… ‘pag…

    PROF. DE DIOS: Three years akong chair, so, dalawang batas ang pinaglaban namin noon.

    VP LENI: Yung trafficking po, diba?

    PROF. DE DIOS: Anti-Trafficking Law, tsaka itong [RA] 9262.

    ELY: Opo.

    PROF. DE DIOS: At itong batas na ito ay isa… hindi ko naman pwede sabihin na… pinakapopular.

    VP LENI: Oo.

    PROF. DE DIOS: It’s really utilized by women. Kasi nakikita nila ito, isang parang tool.

    VP LENI: Tsaka sa mga barangay. Yung mga barangay kasi isa sila sa mga pwedeng mag…

    ELY: ‘yang takbuhan po, eh.

    VP LENI: Oo. Tsaka pwede sila, Ka Ely. Pwede silang mag-issue ng Barangay Protection Order, because of [RA]9296.

    ELY: Opo. Pero, madalas po kasi na lalapit po sa barangay o sa pulis, pero madalas hindi natutuloy yung kaso eh. Parang, ‘pag nagkausap na yung mag-asawa, papangakuan na, ayos na. Tapos uulit na naman. Parang ganun po ang nangyayari.

    PROF. DE DIOS: Alam niyo, every year, dumadami yung nagrereport. So ito ho magandang kuwan dito. Dahil alam na ng lahat na may batas, may takbuhan silang batas, halimbawa, itong 19… 2017 natin sa PNP report, about 31,580 cases ang nag-complain.

    VP LENI: Nag-complain. Dami.

    ELY: Dami na.

    PROF. DE DIOS: Ang dami, compared to the past years parang 15,000, 18,000, ganyan. Ibig sabihin may kumpiyansa yung mga babae na meron silang tatakbuhan. Kagaya ng sinabi ninyo, sa pag-aaral din namin, napag-aralan ko yung sistema sa Caraga, ngayon pinag-aaralan namin sa Tayabas, as a… kasi model ano sila eh, Good City. May problema talaga sa implementasyon. Kasi, tulad ng nabanggit ninyo, edi mabilis magsumbong. Pagkatapos nun, after a while, ‘pag nabigyan sila ng protection order, tapos yung mga lalaki nga hindi nagbibigay ng suporta kaya napipilitan yung mga babae na, parang bawiin, o kaya umatras sa, kaso dahil economically dependent sila sa asawa.

    Tapos pangalawa, yung pressure din ng magulang na himindi pagka… naghiwalay kayo, edi broken family, ganun. So ang nangyayari ho, maraming kaso na-f-file pero kokonti lang yung talagang nare-resolve in favor of the women dahil nga sa mga factors na ‘yon ano?

    VP LENI: Tsaka ano din, isa din pong experience ko talaga, lalo na ‘pag physical yung abuse – yung binugbog, madalas po nagrerescue ako, kasama ko yung barangay, nagrerescue… ang initial, galit nag alit na yung babae lalo na kung ilang beses nang nangyari yung pambubugbog. Sasabihin niya, “Enough. Talagang magkakaso na ako.” Pero habang nagkakaso, lalo na pag naga-usap na siya ng asawa at lalambingin na siya, meron cycle eh. Meron cycle na parang may honeymoon stage ulit. Makakalimutan na ayaw nang ituloy yung kaso. Ako nga ma’am ang experience ko, sa akin nagalit yung mga asawa, eh. Kasi yung feeling nila ako yung nag-instigate na magkaso. Nag-okay na sila. Pero, mangyayari ulit. Mangyayari ulit yung…

    ELY: Tapos lalapit ulit?

    VP LENI: Yung pattern of abuse, Ka Ely, kahit hindi sa pambubugbog, sa pambababae, meron talaga siyang pattern.

    PROF. DE DIOS: Meron pa isang factor. Yung sa pag-aaral ni Atty. Resurreccion ng Quezon City Regional Trial Court. Sabi niya, sa napag-aralan niyang – she had 1000 plus cases, yung mga mahihirap na talagang kahit binubugbog nang matindi, umaatras talaga because of economic dependence. Yung mga may-kaya o middle…

    ELY: Professional.

    PROF. DE DIOS:.. na meron silang economic (independence)… professional, tinutuloy tuloy nila.

    VP LENI: Kaya, eto ma’am, yung… parati ko tong ine-encourage sa… yung, meron kasi tayo ‘di ba sa magna carta, sinasabi na at least five percent ng budget ng lahat ng LGU tsaka agencies mapunta sa gender and development. Ang problema nito, ang una ko ma’am na observation, hindi masyado siya na-a-asikaso, lalo na sa mga ahensiya. Kung yung na-a-appoint na point person, GAD (Gender and Development) point person, parang pangalawa duty lang niya yung GAD. Meron siya… halimbawa, yung budget officer babae, siya i-a-appoint na GAD point person. Pero busy din siya sa kaniyang ginagawa. So ma-a-asikaso niya yung gender and development ‘pag Women’s Month lang.

    PROF. DE DIOS: Yeah. Totoo iyon.

    VP LENI: Tapos yung budget uubusin niya sa Women’s Month kasi papagalitan siya ng COA ‘pag hindi niya inubos. Yung sa akin lang, dapat sana hindi ganito. Dapat yung GAD nakatutok talaga. May programa kabahagi sa budget kung saan mapupunta yung five percent. Tapos yung hinihikayat natin, mas mabuti, papunta siya sa economic empowerment ng kababaihan.

    PROF. DE DIOS: That’s right. Yeah.

    VP LENI: Kasi ano talaga, Ka Ely, ‘pag wala talaga sariling hanapbuhay yung babae, willing siya to take in abuse. Alam niya naman na ina-abuso siya. Alam niya naman na hindi dapat. Pero ayaw niyang… parang gusto niay pa din na ituloy. Kasi hindi niya alam ko paano siya mabubuhay na wala yung asawa niya. Iba ito dun sa mga babaeng may sariling hanapbuhay. Kasi yung may sariling hanapbuhay, sinasabi niya na hindi ko ito-tolerate. Diba? Hindi ko papayagan na ipagpatuloy ito. Pero yung mga wala talagang sariling trabaho, sila pa yung makikiusap eh.

    PROF. DE DIOS: Yeah. Yeah. That’s right. Yeah.

    VP LENI: Nagloloko na yung lalaki, sila pa yung makikiusap na ‘wag mo kong iiwan. Kasi walang sariling hanapbuhay, eh. Ito yung nakakalungkot. Kaya yung sakin, sana yung mga programa, kung nai-imbitahan ako ma’am gaya nito, maraming imbitasyon ng mga Women’s Month celebration, parati kong sinasabi na sana ang tutukan natin yung economic empowerment ng mga kababaihan.

    PROF. DE DIOS: That’s right. ‘Dun sa punto ng kuwan, utilization ng five percent GAD budget, bawat ahensiya at tsaka unibersidad o basta public institution, dapat ginagastos iyon para ‘yon, katulad ‘to, economic livelihood, programa para maging mas maganda yung takbo ng ano ‘no, gender and development programs. Ang ginagawa ho sa CHED, itong nakaraang pagsisilbi ni Secretary Patricia Licuanan, lahat ng eskwela, state colleges, and universities, dapat magkaroon ng Women’s Center at doon sa Women’s Center kailangan meron hong education on gender and development ang mga estudyante. At yung mga eskwela, kasama sa kanilang performance evaluation kung ano ang kanilang mga gender programs. Tingin ko ganun din [dapat] sa gobyerno. Sa performance evaluation, dapat tignan kung anong ginagawa nila, paano nila ginagastos yung gender and development.

    VP LENI: Yung experience ko, meron namang ganyan pero mas justification ‘yung ginagawa instead of galing siya sa plano. Halimbawa, gumawa na ng budget, hindi aman tine-take into account yung gender, pero ‘pag nandiyan na yung budget sasabihin na “ah, ito pwede ‘to sa GAD. Ito, pwede ‘to sa GAD.” Dapat sana hindi ganun.

    PROF. DE DIOS: Dapat distinct siya.

    VP LENI: Dapat sana may programa. Parang, ang programa nangyayari ‘pag tapos na yung budget. Ah, ito pwede. Kaya nakakalungkot kasi, samin po sa Naga, nagpasa kami ng sarili namin na Women Development Code. Yung five percent, ini-increase po namin ‘yun to 10 percent.

    PROF. DE DIOS: Wow! Galing.

    VP LENI: 10 percent po. Kami po yung awardee nung pangulo po ako nung Naga City Council of Women. Kami po yung first ever na…

    PROF. DE DIOS: na nag increase ng budget?

    VP LENI: ‘di ‘di, yung GAD… most responsive na GAD program. Pero…

    PROF. DE DIOS: Meron namang mga ano, hindi sa lahat, pero may mga model city.

    VP LENI: Mas proactive na…

    PROF. DE DIOS: na may mga good practices. So, ang gusto natin mangyari sana, lahat ng good practices na iyon ay..

    VP LENI: Tsaka i-feature po siguro ‘no?

    PROF. DE DIOS: I-feature para maging ehemplo ng kuwan, ng ahensiya.

    ELY: Opo. Pero ngayon, at least dito Pilipinas, unti-unti na ho, siguro yung pagtingin din sa mga manggagawa. Kasi ngayon, may nakikita akong taxi driver na, pati nag-u-uber, na babae. Nag-tra-tricycle, babae. Tapos may mga welder na rin pong babae ngayon.

    VP LENI: Preferred na nila. Preferred nila yung mga welders na babae. Pero ito, ma’am, diba kung hindi ako nagkakamali, ito din yung dahilan kung bakit nagslide tayo from 7th to 10th. Yung sa labor opportunities. Kasi, parang yung findings, Ka Ely, na-mention ito ni ma’am kanina na yung babae, yung sweldo na nakukuha niya, hindi pantay sa sweldo na binibigay sa lalaki na parehong trabaho yung ginagawa. So dun… iyon yung dahilan kung bakit 10th na lang tayo ngayon, hindi 7th. Pero ano ma’am yung proposal natin para maalis sana iyon?

    PROF. DE DIOS: Yung pay gap na tinatawag natin, o wage gap, between women and men? Tingin ko dapat magkaroon ng evaluation lahat ng ating mga kuwan, mga factories kung meron ba silang gender policy. Importante kasi na yung mga ganitong klaseng mga policies magmula sa mission/vision, tsaka dun sa guiding principle ng kumpanya. Kasi kung wala yung ganung klaseng patakaran na malinaw sa lahat, hindi nila i-implement ‘yon eh. Kasi pahirapan. Kasi kung katulad nung sinasabi ni ma’am ‘pag GAD focal point ay ano lang siya, middle level official, wala siyang kapangyarihan na i-impose sa lahat.

    VP LENI: Paano po, tsaka pangalawang assignment lang niya ito.

    PROF. DE DIOS: Pangalawang assignment niya. Isa pa sigurong factor is yung ating labor… formal labor participation, yung talaga nakarehistro na mga workers, ay hindi gumagalaw sa 50 percent for the last so many years. Bakit? Kasi yung karamihan ng babae nasa informal sector kaya hindi natin nakikita silang nagtratrabaho. Sila yung mga vendors. Sila yung mga may sariling business, mga self-help, karinderya, ganyan. Napakaliit naman din ng kita, na walang ring recognition from the government kaya wala ring standardization.

    VP LENI: Hindi sila nasasaklaw ng mga batas.

    PROF. DE DIOS: Hindi sila nasasaklaw; hindi nare-reflect sa ating statistics.

    VP LENI: Ito pa, ma’am. Naalala ko nung 16th congress, miyembro pa po ako ng house, ang isa mga sinusulong namin na batas yung Marital Infidelity Law. Kasi ito, Ka Ely. Meron tayong dalawang batas under sa… meron tayong dalawang revision sa Revised Penal Code na concubinage tsaka adultery. Yung concubinage, naco-commit siya ng isang lalaking may asawa na parang sumama sa isang babae. Yung adultery naman, ganun din, pero babae yung nagco-commit – babaeng may asawa sumama sa ibang lalaking hindi naman niya asawa. Yung nakakalungkot lang dito, yung adultery parang bilis-bilis niyang i-prove.

    Halimbawa, isa hong babae pumasok sa isang motel, may kasamang lalaki. Lumabas after 3 hours. Ano na iyon, hindi mo alam kung anong ginawa sa loob pero enough yun para i-convict ang isang babae. Pero yung lalaki, ang iba nga may mga anak na sa labas, nakarehistro sa kanya, hindi pa din pwedeng i-convict ng concubinage. Kasi parang may tatlong circumstances na kailangan mong i-prove. Dapat binabahay. Dapat yung relasyon very scandalous. Yung mga ganun, na yung requirements na yun, wala yn sa adultery. So gusto sabihin, yung babae, ambilis niya ipakulong. Pero yung lalaki hindi. Nung nasa 16th Congress ako, ma’am nagpropose kami na…

    PROF. DE DIOS: Equalize yung grounds.

    VP LENI: I-equalize. Alisin na yung… i-ammend na yung batas. Wala nang concubination, wala nang adultery, meron na lang marital infidelity.

    ELY: Isa na lang.

    VP LENI: Oo. Whether lalaki, whether babae yung magcommit, pareho yung requirements na, parang yung circumstances na present. Pero ma’am naipasa po namin yun sa committee sa…

    PROF. DE DIOS: Equality. Yung marital infidelity.

    VP LENI: Pero hindi naipasa. Sana. Sana ngayon ipasa pa din.

    ELY: Malabo yun kasi ma’am mas marami ang kalalakihan sa camera.

    PROF. DE DIOS: May term nga na yung… nagulat ako sa term pero, which is very accurate, sumakabilang-bahay. Sumakabilang-bahay. Ako, tingin ko dun, kasi sabi nung… i-equalize natin, natatakot ba naman yung mga lalaki na ano, because there has never been a case na may naikulong dahil sa infidelity.

    VP LENI: Wala talaga.

    PROF. DE DIOS: Wala talaga. So sa punto-de-bista ng mga kababaihan, siguro mas maigi na pag-usapan natin ang divorce. At sa public opinion poll ngayon, 53 percent of Filipinos are open or are supportive of a divorce law. Ang kaigihan naman nun, pagkanagkaroon na ng kuwan, sana naman, ang prino-propose din namin no-fault divorce, na ibig sabihin nun ‘wag sisihin ang babae at lalaki, pero kailangan i-evaluate kung workable pa ba, functional pa ba, itong marriage na ito. Baka hindi naman at masama pa nga ang samahan at nakikita ng mga bata. Kung meron tayong divorce law na, well, we have to debate about it ano, given that there is a very strong Catholic resistance, na ang punto lang namin maging open tayo sa kuwan, sa mga realities, sa facts and figures, ano. Evidence-based dapat ang ating usapan para magkaroon ng pagkakataon ang bawat isa, kung hindi na talaga pupuwede, na magkaroon ng pangalawang tsansya ‘no, na magkaroon ng ibang partner kung iyon ang nararapat.

    VP LENI: Pero ito ma’am. Yung parating tanong, ano yung kabutihan ng divorce law sa pagprotect ng karapatan ng mga kababaihan?

    PROF. DE DIOS: Ang kaigihan lang nun, sabi ko nga, kasi marami akong kakilala na matagal na silang hiwalay – yung lalaki nag-asawa na, may iba nang pamilya, pero ito yung babae, constrained siya na mag-asawa ng iba because of this legal impediment. Ginagawa ng iba, umaalis sila, nagpapakasal sa ibang bansa. Pero here in the country, talagang mas istrikto yung constraints sa babae na ‘wag mag-asawa kasi magmumukha siyang ano ‘no… parang bigamy ‘yon, under our law. Kung forever kayong di pwedeng i-dissolve yung marriage, ‘pag nakapag-asawa ka, eh, pwede ka pang ikulong dahil sa bigamy. Whereas ‘pag divorce, clean slate tayo. Pwede na tayo magsimula without any legal implications.

    VP LENI: Yung resistance ng Catholic Church parati na, “will it promote the sanctity of marriage,” – kasi diba nasa constitution natin na yung sanctity of marriage is primordial, ang takot po ng mga naririnig natin sa debate, baka naman ‘pag meron nang divorce law, parang, hindi binibigyan ng importansya yung sakramento…

    ELY: Tama.

    VP LENI: Na magkaroon lang ng problemang konti, mag-di-divorce na. Instead na i-work out yung problema, mag-di-divorce na. Pero yung debate din, ako nakikita ko din ‘to ma’am kasi marami akong kliyente na battered, eto talaga, parang yung shackles ng marriage yung nag-pri-prevent sa kanila na ano to, parang, mamuhay ulit nang maayos. Kaya siguro, ang ano ko nga, Ka Ely, sana wag madaliin. Siyempre, gusto nating mapasa kaagad kung ano ang makakabuti, pero sana magkaroon ng pagkakataon yung iba’t ibang mga stakeholders, yung mga parties, na mapag-aralan, mapakinggan yung lahat na sides. Kasi ayaw din natin na nagpapasa ng batas dahil meron lang malakas na, diba, malakas na kumakampanya dito, na hindi naman naintindihan. Parang ito ding federalism, diba? Gusto nating maintindihan kung anong gustong sabihin niyan. Pareho din ang divorce. Ano ba yung mga implikasyon?

    PROF. DE DIOS: Siguro ito namang divorce would be the last last resort. I would look at it that way. At tsaka, siguro, ay hindi ito madali, ano, na kailangan talagang napakalalim at napakadami ng dahilan kung bakit natin kailangan ito.

    VP LENI: Tsaka ano din ma’am. Tsaka siguro parang hindi lang siya available dun sa mayayaman. Kasi ang problema pag masyadong mahal yung proseso, yung mga may pambayad, yun yung nakaka-avail. Parang itong declaration of nullity of marriage, sobra nang mahal.

    PROF. DE DIOS: Oo. Hindi kaya.

    VP LENI: Yung psychiatric evaluation, kahit gusto mong magdeclaration of nullity, psychiatric evaluation pa lang, sobrang mahal.

    ELY: Gastos talaga.

    VP LENI: Bayad sa abogado, sobrang mahal. So parang, available lang tuloy siya doon sa mga mayayaman.

    PROF. DE DIOS: Sila lang ang nakaka-avail. Actually, andami kong kakilala na hindi talaga… hindi na kaya.

    VP LENI: Siguro po yung tanong, ‘pag meron mga remedyong ganito, sana available siya kahit dun sa mga walang pambayad.

    ELY: Opo. Eh, may bill din yung ano, yung to protect ugly spouses.

    (All three laugh)

    ELY: Ano ba naman ito? Yung sa mga ugly spouses daw po para… ang dami raming mga bill ho diyan, eh, sa kamara para iba…

    VP LENI: Oo nga kung ano ano. Pero dapat sana seryosohin nila ma’am diba?

    PROF. DE DIOS: Seryosohin!

    ELY: Pero ito, yung sa divorce bill na ito, dapat talagang seryosohin at tignan lahat paano kasi, ang isa rin po sa kalaban talaga rito yung tradisyon at yung nakagisnan na po ng mga Pilipino, yung pagpapahalaga sa kasal. Opo. Importante.

    PROF. DE DIOS: Sa totoo ho naman, sa buong mundo, dalawa… dalawa ano? One is a city-state, Vatican, at tsaka Pilipinas na lang ang walang divorce.

    VP LENI: Walang divorce.

    PROF. DE DIOS: Universally, it has been studied been studied all over the world.

    ELY: Kaya lang wag lang po sana maabuso kasi kadalasan dito sa Pilipinas, kapag may mga ganyan eh parang, yung implementasyon po nagkakaproblema.

    VP LENI: Tsaka ano din, pati yung pagpapakasal, baka sabihin, “sige na, pakasal na kayo, tutal may divorce naman.”

    PROF. DE DIOS: May divorce naman.

    ELY: O, kaya naman, “wag na, wag tayong magpakasal mag-di-divorce din.”

    (All three laugh)

    PROF. DE DIOS: Wag na tayo… ganun din! Oo, pare-pareho din yun ‘no.

    ELY: Opo. Okay, so, ma’am…

    VP LENI: Ayan, wala na tayong oras, Ka Ely. Ma’am, magpapasalamat po kami sayo. Yun sa akin lang po, iniimbitahan din namin na yung partnership with Women and Gender Institute ng Miriam College – madalas din ako pumunta sa kanila, Ka Ely.

    PROF. DE DIOS: Regular visitor!

    VP LENI: Oo. Last year, parang sa Women’s Day, twice ako pumunta. Pero isa kasi ma’am sa mga pillars ng Angat Buhay program bamin yung women empowerment. Kaya sana po magkaroon tayo ng… maformalize yung partnership para yung advocacies po natin, ma-align natin.

    PROF. DE DIOS: Sige po. Yes, all the time, bise, kasi favorite namin si bise.

    ELY: Opo.

    VP LENI: Maraming salamat po.

    PROF. DE DIOS: Any time. Any time. Ang trabaho namin is tungkol sa research tapos nag-tri-training din kami, lalo na sa mga schools. So kung kailangan niyo ho kami, all the time ano!

    VP LENI: Ito po, ‘pag pinag-usapan namin and divorce, baka kailangan namin ng briefing.

    PROF. DE DIOS: Yan!

    ELY: Siguro ho, ‘yan ang kailangan.

    VP LENI: Kasi siyempre, dapat maiintindihan.

    PROF. DE DIOS: Kailangan merong seryosong study dito – nationwide study, na dapat tignan natin kung ano ba yung reyalidad sa Pilipinas, kung kailangan ba ito, at baka naman na..

    VP LENI: Tsaka paano hindi ma-a-abuso.

    ELY: Tsaka yung epekto rin, ‘di ba?

    PROF. DE DIOS: Epekto sa pamilya, o sa ibang countries at tsaka, ano, marami na tayong pagbabasehan na mga studies.

    ELY: Okay, salamat po.

    VP LENI: Pasalamat na tayo, Ka Ely, kay professor.

    PROF. DE DIOS: Marami pong salamat at Happy Women’s Day! Month pala.

    VP LENI: Month, oo.

    PROF. DE DIOS: Alam niyo ba, pinakamatagal ang ating… katulad ng Pasko, six months before Christmas meron na tayong Jingle Bells tsaka mga Christmas Tree.

    ELY: Sa Ber months na.

    PROF. DE DIOS: Dito naman sa Women’s Month, Women’s Day lang dapat. Eh tayo, talagang gusto nating mahaba eh.

    VP LENI: Month. Oo.

    PROF. DE DIOS: Kaya Women’s Month.

    VP LENI: Kaya March eight lang dapat diba? Kaya, maraming salamat po, Professor De Dios.

    PROF. DE DIOS: Thank you! Thank you, bise!

    ELY: Maraming salamat po ma’am professor.

    VP LENI: Kahit linggo, pinagbigyan na tayo.

    ELY: Okay, good morning po. [Music Break]

    ELY: Oras na natin mga kasama sa buong kapuluan 9:45 na po ng umaga, Good morning at tayo po ay napapakingan sa RMN Naga DWMS 91.1RMN CEBU DWMS 612 RMN Cagayan De Oro RMN DXCZ 628 at RMN Davao DXCZ 621 at sa Facebook FB live VP Leni Robredo at gayun rin po sa RMN nationwide sound of the nation.

    ELY: Oras natin 9:46 at siyempre ngayon patuloy pa tayong … Dito po sa Buwan ng Kababaihan.. Ito kababaihan din maam.

    VP LENI: Oo, dahil Womens Month babae din iyong ating Istorya ng Pag-asa ngayong umaga, pero alam mo Ka Ely espesyal itong ating Istorya ng Pag-asa kasi mula noong nalaman ko iyong kwento niya ikini-kuwento ko kahit saan ako pumunta pag ikini-kuwento ko Ka Ely palagi ini-iyakan ng audience iyong kaniyang kwento kasi talaga namang napaka-insipiring. Ayan iyong bisita po natin ngayon si Judge Ave A. Zurbito-Alba iyon… Siya po iyong Acting Presiding Judge ng (MTCC) Municipal Trial Circuit Court ng Branch 3 at saka ng Pilar, Sorzogon. Kapag sinabing circuit court, Ka Ely, ano ito maraming mga muncipyong covered.

    JUDGE AVE: Cities maam

    ELY: Cities…

    VP LENI: Ah oo..in Cities

    JUDGE AVE: Municipal Trial Court in Cities.

    VP LENI: Kasi ang … Ano niyo po ay nasa Daraga diba?

    JUDGE AVE: Opo, Daraga.

    VP LENI: Nasa Daraga iyong main court niya pero iyong… iyong kwento niya Ka Ely uhm talagang eto… Mag kaedad pala tayo maam ngayon ko lang nalaman, pareho kami pero hindi ko na sasabihin. Pero siya pang-walo sa sampung anak pero ang problema Ka Ely ni Judge Ave hindi lang dahil nag galing siya sa mahirap na pamilya pero iyong kanyang nanay ay namatay noong bata pa siya. Pwede siguro ikwento satin ni judge ave kung anong epekto ng pagkamatay ng nanay mo…niyo sa inyong mag kakapatid?

    JUDGE AVE: Parang nawalan po kami ma’am ng ilaw ng tahanan, iyong parang hindi mo alam kung saan ka tatakbo.

    VP LENI: Tsaka sampu ho kayo…

    JUDGE AVE: Sampu ho kami [giggle] parang hindi namin alam kasi siyempre napakabait ng nanay ko lahat siya ang nagbibigay sa amin ng suporta kasi iyong tatay ko nga pilay, disabled.

    VP LENI: Ahh disabled iyong tatay niyo. Ano ang hanap buhay ng tatay niyo?

    JUDGE AVE: Actually nakakapag-araro naman siya,

    VP LENI: So ano siya magsasaka?

    JUDGE AVE: Opo, magsasaka. Tenant po kami, pero disabled siya.

    VP LENI: Noong buhay pa iyong nanay niyo tumutulong siya sa tatay niyo?

    JUDGE AVE: Opo, tumutulong talaga nag tatanim kami ng kamote, iyong cassava iyong… kamoteng kahoy iyong palay. Actually ma’am tumutulong ako sa tatay ko magararo.

    VP LENI: Noong namatay na iyong nanay mo?

    JUDGE AVE: Hindi, kahit noong elemtary ako at highschool para may pang baon papunta sa school.

    VP LENI: Tapos iyong kwento… Para maka dagdag nagtra-trabaho ka mismo sa school? Iyong kwento ka ely parang meron siyang …meron siyang iyong…binubunot iyong makahiya, may tinik iyon ma’am diba?

    JUDGE AVE: Opo, kasi… noon hindi ko alam na mag s-scholar ako sa high school pumunta ako doon para mag-aral sabi niya o mag-apply ka working student.

    VP LENI: Working student ka noong highschool?

    JUDGE AVE: Opo, 12 meters yata na makahiya, lilinisin mo iyon.

    VP LENI: Pero iyong sweldo mo daw four pesos a day

    JUDGE AVE: Opo, four pesos kasi iyong tuition noon e 12 pesos lang po

    ELY: Ah 12 pesos, mura pa..

    VP LENI: Tapos nag lalabada din siya Ka Ely sa mga teachers niya. Iyong bayad sa kanya ano naman 12 pesos a week hindi lang labada pero iyong tanim ng mga teachers niya ikaw din ang nag-aasikaso?

    JUDGE AVE: Opo meron kasing programa iyong school naming, iyong Masbate School of Fisheries, Iyong mga gustong maging working students pag Saturday-Sunday pwede ka magtanim ng ipil-ipil, mga ganun, 12 pesos per day po iyon so nagtatanim po ako dun. Maliban yan, Kapag Monday to friday naman, tumitira ako sa mga teachers

    VP LENI: Nakatira ka sa mga teachers? Kase nagtra-trabaho ka sa bahay nila?

    JUDGE AVE: Opo, ako nag-aalaga ng anak nila.

    VP LENI: May sweldo ka noon?

    JUDGE AVE: Ah,wala libre kain lang at tirahan

    VP LENI: Ito Ka Ely, Iyon working student parang kasambahay siya. Nagtrabaho siya kasambahay sa bahay ng teacher…pero alam mo Ka Ely nag-graduate siyang valedictorian. Nag-graduate siyang valedictorian noong highschool tapos… ano desidido pa siya mag-college, nag-apply siya ng scholarship… Ito ang kwento nito, taga-Masbate kase siya Ka Ely, taga-Masbate siya nag-apply siya ng scholarship ang dala-dala lang niya noon ay 50 pesos, pumunta siya sa Legaspi.

    ELY: Gaano po ba kalayo ang Masbate to Legazpi?

    VP LENI: Mag a-ano ka pa e…magba-bangka.

    JUDGE AVE: Four hours from Masbate to Bulan, Sorsogon that’s four hours.

    VP LENI: Pero iyong Bulan to Legaspi, malayo rin, four hours

    JUDGE AVE: Malayo rin another 4 hours.

    VP LENI: Malayo talaga. Ang baon niya 50 pesos lang tapos pumunta siya sa isang school sa Bicol. Ano iyong school na iyon ma’am?

    JUDGE AVE: Tagum Medical and Educational Center Ma’am

    VP LENI: Pag dating mo doon nag-exams ka?

    JUDGE AVE: Actually, dinala ko po iyong recommendation ng principal naming plus iyong lahat ng requirement doon kay Mrs. Alen, so tiningnan naman niya sabi niya “Sige, pasok ka na, pero dito ka muna tumira” … so pumasok na ako.

    VP LENI: Tumira ka sa school mismo?

    JUDGE AVE: Sa school mismo.

    VP LENI: Pero iyong scholarship mo….

    JUDGE AVE: Kasi po graduate po ako ng valedictorian, so ang pinagtra-trabahuhan ko iyong miscellaneous plus iyong pagkain.

    VP LENI: Pero iyong trabaho niya janitor. Janitor siya sa school.

    JUDGE AVE: Hindi masaya ang buhay, nililinis ko iyong mga comfort room, iyong mga class room.

    VP LENI: Habang estudyante ka…

    JUDGE AVE: Habang estudyante. Actually mayroon diyan blackboard sinusulat ko iyong me-memoraysin ko habang nag-wa-walis…pinapa-ano ko iyong mga upuan, nalilinis lahat iyan.

    ELY: Aral ka ng aral tapos at the same time, nagme-memorize.

    VP LENI: Eto nag-janitor ka para libre iyong tirahan mo. May pangkain ka at saka miscellaneous.

    JUDGE AVE: May pangkain, opo ..

    VP LENI: Pero alam mo Ka Ely, kahit working student siya nag-graduate siyang Summa Cum Laude. Talagang mahusay…Ito, pa-paano ka naging Summa Cum Laude na working student ka, naglilinis ka pa, pa-paano mo binalanse?

    JUDGE AVE: Aral lang po…habang nagtra-trabaho, nagaaral po. So kahit naglilinis isinusulat ko diyan sa black board iyon [giggle]. Kaya pagtapos na ako maglinis, tapos na rin ako magaral.

    VP LENI: Iyong course niya Secretarial Administration. Kaya noong grumaduate siya ng suma cumlaude, nag apply siya sa court, nakuha siya bilang Stenographer. Ano ma’am bilang stenographer?

    JUDGE AVE: Opo, Court Stenographer.

    VP LENI: Tapos Ilang taon ka naging court stenographer?

    JUDGE AVE: 11 years po maam…

    VP LENI: 11 years, pero hindi siya nakuntento Ka Ely. Siguro dahil mga abogado iyong mga nakikita niya habang stenographer siya, pina-aral niya iyong sarili niya ng law pag gabi … ano…ano iyon full time student ka?

    VP LENI: Stenographer ka pag araw tapos Law student kapag gabi.

    JUDGE AVE: Parang pahinga ko nalang po iyong College of Law. Kasi syempre kapag stenographer ka andaming trabaho hindi ba, so lahat itra-transcribe mo…

    VP LENI: Tapos nagtra-transcribe ka pa.

    JUDGE AVE: Wala pang computer noon, typewriter pa lang, so syempre pagod ka talaga at least pag andoon ka sa school parang pahinga ka sa trabaho sa bahay [laugh].

    VP LENI: Pero iyong pag-law school mo, noong nag-graduate ka na kumuha kana ng bar [exams]?

    JUDGE AVE: Opo

    VP LENI: Tapos sa una mong pagkakataon nakapasa ka ng bar exams?

    JUDGE AVE: Ah. Hindi po

    VP LENI: Nakapang-ilan ka?

    JUDGE AVE: Marami po [giggles].

    VP LENI: Pakatapos noong naging abogado ka na na-promote ka hindi ba?

    JUDGE AVE: Opo, naging clerk of court po ako for five years.

    VP LENI: Kasi pag naging clerk of court Ka Ely, kailangan abogado.

    ELY: ahh…oo

    JUDGE AVE: Opo, for five years po, tapos after five years, lumipat po ako sa PNP

    VP LENI: Ah… sa PNP

    JUDGE AVE: Opo, ako po…ako po iyong Regional Hearing Officer ng buong Bicol sa (IAS) Internal Affair Service.

    ELY: Uhmm… Iyon po iyong may mga kaso na pulis.

    JUDGE AVE: Opo, buong Bicol… tapos sumasama rin po ako pag nag i-inspection kami annual general inspection.

    VP LENI: Ilan taon kayo doon?

    JUDGE AVE: For three years po ma’am.

    VP LENI: Bago ka mag apply maging judge?

    JUDGE AVE: Opo, so habang nasa PNP ako nag-apply ako maging judge.

    VP LENI: Tapos pag-apply mo maging judge, mabuti natanggap ka naman kaagad.

    JUDGE AVE: Opo natanggap, actually and ina-aplyan ko sa Pulangui, Sto. Domingo, tapos Daraga, pero hindi po ako natanggap sa Polangui at Sto. Domingo. Natangap po ako sa Daraga… Na iyon ang pinakamalapit sa bahay ko. Iyon po talaga ang para sa akin.

    VP LENI: Kasi ang Polangui at Sto. Domingo, malayo iyon saiyo.

    JUDGE AVE: Opo, malayo po iyon, that’s one hour travel. So talagang sabi ko, talagang mabait si Lord kung saan ka talaga kumportable doon ka niya ilalagay.

    VP LENI: Ngayon Judge, ilang taon na kayo dyan?

    JUDGE AVE: Ahh, 12 years na po.

    VP LENI: 12 years, ang tagal na nga Ka Ely dapat ma-promote na siya ng RTC kasi 12 years na siya sa MTCC.

    JUDGE AVE: Tapos ano ma’am ang dami ko pong court na hinawakan, actually na-ikot ko po iyong buong Catanduanes na-assign po ako dun as acting presiding judge.

    VP LENI: Habang hawak mo ang Daraga?

    JUDGE AVE: Habang hawak ko ang Daraga, So pitong munisipyo Batu, San Miguel, Biga, Panganiban , Baga Manok , Baras , Gigmoto. So every first week of the month pumu-punta po ako doon sa Catanduanes. Siyempre Imaginin mo kung gaano ka layo.

    ELY: Mag la-lantsa ka pa.

    JUDGE AVE: Opo, mag lalatsa pa.

    ELY: Alam ko po iyon kasi iyong mother ko taga doon.

    VP LENI: Sasakay ka sa Tabaco, eto mahirap rin talaga Ka Ely. Alam mo kulang iyong mga judges kaya pag may nababakante iyong mga judge sa ibang korte itatapon doon para mag-preside.

    JUDGE AVE: For seven years po ako doon ma’am.

    VP LENI: Oh my God [giggle].

    JUDGE AVE: Tapos nakita ni Court Ad[ministrator] na “oh Ave (inaudible)”, tapos ayon inilipat po ako. Inalis na ako sa Catanduanes, dinagdagan naman po sa Pilar, Sorsogon

    VP LENI: Mas malapit.

    JUDGE AVE: Mas malapit na tapos sa Legaspi City presiding Judge rin plus Daraga, Albay.

    VP LENI: Mayroon ka pa din.

    JUDGE AVE: Opo, bali tatlo po ang korte ko pero maliban dyan humahawak pa din ako ng mga inhibited cases sa Bulan, Sorsogon kasi iyong limang judge dun nag-inhibit tapos sa Magalanes Sorsogon na napakalayo. Pero okay lang, masaya naman…sa Guinobatan, Sto. Domingo.

    ELY: So, iyon talaga kulang na kulang ang mga judge ngayon kasi ang dami po’ng kaso na pending ngayon.

    JUDGE AVE: Opo, siguro po.

    ELY: Kulang po talaga kasi iyong ibang kaso uma-abot ng 10 years, 15 years.

    JUDGE AVE: Pero in-open na po ngayon, and actually for interview na po ang mga applicants ngayon, so baka with in this year or next year ma-fill-up-an na po iyong mga bakante sa buong Bicol.

    ELY: Siguro, sana sa buong bansa, sana maging ganiyan din po.

    JUDGE AVE: Oo, Pati iyong mga vacant sa mga stenographer, clerk…

    VP LENI: Pero ito ma’am, hindi natin nadaanan. Nalaman ko na iyong asawa mo, ano siya Ka Ely, happily married with four children. Pero iyong asawa niya Ka Ely pareho din ng kwento niya, iyong asawa niya working student din noong college.

    JUDGE AVE: Actually mag kasama po kami AGO. Kung si Judge Ave ay janitor, iyong asawa naman niya ay cook. Opo, doon po sa kitchen po siya.

    VP LENI: Sa kitchen siya habang nag-a-aral.

    JUDGE AVE: Opo, kaya pag nagugutom po ako pumupunta po ako doon sa kitchen [giggle].

    VP LENI: Pero grabe ganiyan iyong pinagdaanan nila, pero iyong apat na anak nila, Ka Ely, iyong tatlo tapos na.

    JUDGE AVE: Actually dalawa palang ma’am, iyong eldest ko po registered nurse tapos lawyer po siya ngayon sa budget department sa Malacanang po siya po ngayon ang nag-a-apear sa budget sa congress po, sa mga budget tapos iyong pangalawa naman graduate na rin po siya pero writer po siya ma’am.

    VP LENI: Ah writer, andoon siya sa Albay.

    JUDGE AVE: Opo, nasa akin rin po siya, parang personal secretary po parang tumutulong sa akin.

    VP LENI: Sa mga desisyon [giggle].

    JUDGE AVE: Tapos ano, nagco-contribute din po siya sa Inquirer tapos may kaunting negosyo din po.

    ELY: Okay…

    VP LENI: Tapos iyong pangatlo…

    JUDGE AVE: Nag-a-aral po sa La Salle ngayong pasukan, kasi naabutan po siya noong senior high (K-12).

    ELY: Kaya na delay po..

    JUDGE AVE: Opo, kaya na delay po, magcuculinary po siya.

    VP LENI: Ka-edad niya pala iyong anak ko, Grade 12. Tapos iyong bunso po…

    JUDGE AVE: Grade 9 po.

    VP LENI: Ah mayroon ka pa na high school..

    JUDGE AVE: Opo, sana matupad ang pangarap niya na, magdo-doktor po siya sabi niya.

    VP LENI: Pero tingnan mo Ka Ely, Mayroon na siyang registered nurse mayroon na siyang lawyer…

    ELY: Nurse-lawyer po iyan?

    JUDGE AVE: Opo, nurse-lawyer.

    VP LENI: Mayroon siyang writer, tapos iyong anak niya mag-aaral sa La Salle. Hindi na pinagdaanan iyong hirap na pinagdaanan nuong mga magulang. Pero ito napaka-inspiring judge nitong kwento mo siguro nuong mga panahon na nagbubunot ka pa ng makahiya, hindi mo lang siguro na imagine ano?

    JUDGE AVE: Ni sa katiting, ang gusto ko lang noon ay makatapos.

    ELY: Opo

    JUDGE AVE: Bahala na si Lord after that [giggle].

    ELY: Siguro ito ay mag bibigay inspirasyon sa ating mga kababayan na ngayon ay talagang… lalo na iyong mga kabataan na ngayon ay talagang parang wala na tayong pag-asa.

    VP LENI: Saka iyong ano, Ka Ely, pag ikinikuwento ko nga iyong, pag kabataan ang mga kausap ko, pag ikinikuwento ko iyong kuwento ni Judge Ave… Iyong reaksyon talaga nila grabe. Sinasabi ko “kayo napaka swerte ninyo kasi napapag-aral kayo ng mga anak ninyo dito …ay ng mga magulang ninyo, hindi ko napagdaanan ang pinagdaanan ni Judge Ave, kaya wala kayong karapatan magreklamo.” Talagang napaka-inspiring ng kwento nya.

    ELY: Okay so, Judge, baka may mga mensahe kayo sa ating mga kababayang nakikinig ngayon at siguro palakasin po natin ang kanilang loob na sa gitna po ng unos at trahedya sa kanilang buhay katulad po ninyo, ay nalapasan ang kanilang problema

    JUDGE AVE: Unang una gusto ko pong mag-pasalamat po dito po sa radio station plus kay ma’am po, sa pag-imbita para ako po ay maging bahagi at maging inspirasyon sa lahat ng nanunuod at nakikinig sa programang ito. Sana po ay wag sila mawalan ng pag asa sa lahat ng unos sa buhay. Kahit na iniisip ko na uuwi na ako ayoko na, pero pag uuwi ako sa amin, makikita ko iyong mga kapatid ko na walang kinakain, iniisip ko masuwerte pala ako, at least nakakapag aral pa ako, may kinakain pa ako. So tuloy tuloy lang kung ano ang pangarap mo, mag focus ka sa pangarap mo, gawin mo lahat, manalig sa Diyos, kung ano man yan, huwag ka[ng] mawalan ng pa-asa. Iyon ay hindi sagabal sa inyong pangarap.

    ELY: Okay talagang nakaka-ano … ang ganda po ng kanyang kwento so judge salamat po sa inyong oras ah.

    JUDGE AVE: Opo

    VP LENI: At tsaka maraming salamat sa inspirasyon. Eto lang Ka Ely, wala na tayong oras pero bago tayo magtapos, pasalamatan lang natin iyong ibang, medyo makapal ito Ka Ely .. iyong ibang nagtext sa atin ngayong umaga.

    Mayroon tayong galing Zamboanga, iyan si Eden Roca Juaton, mayroon din galing Ilocos, Bong Avilla, ito galing Iloilo… noong Friday galing ako doon, Cynthia Talamor at Armie Talamor, baka magkapatid ito at magkamag-anak uhm… ano ito galing Long Beach, Califonia. Mayroon din galing Surigao, Surigao City, si John Chaves, ayan magandang umaga po sa mga taga-Surigao, ayan si Erlinda Paton, galing Australia, si Nelly Villar galing Hongkong, mayroon din ditong galing Hongkong, Linda Laurico Macote. Mayroon din Ka Ely, galing sa Winnipeg, Manitoba, Canada, naku, napakalamig doon-Zenaida Ipo. Kanino, si Cora De Hesus, grini-greet sana si Professor De Dios, sayang po, nakaalis na si Professor De Dios. Marami pa Ka Ely, Benjie Garcia galing Australia, Amy Hardin dito lang sya sa Bgry New Era, Quezon City. Meron din ako nakita dito, Ka Ely na bagong lugar, naku medyo makapal-kapal. Eto, Emily Capstrano galing San Jose California.

    Yung mga humihingi po ng tulong, ico-contact po kayo ng aming staff. Meron Ka Ely humihingi ng tulong last week, kinokontak sya, humihingi siya ng tulong pero hindi po sya sumasagot. Yung mga nagtext po last week, hindi ko lang hawak yung pangalan ngayon, baka pu-pwedeng pakicheck po ang inyong inbox, kinokontak po kayo pero di po makontact.

    Eto, Romeo Arguda from Sakura, Shiba, Japan, ayan magandang umaga po sa mga kababyan natin from Sakura, Japan. Ito naman nag-gri-greet sya Happy Women’s Month, si Laurence Apostol Vicente. Marami pa Ka Ely pero tinitignan ko ang aking relo, 10:04 [am] na, nag-overtime na naman tayo. Sa lahat ng mga nakiisa sa ating umaga, maraming maraming salamat pong muli.

    ELY: Opo, ok ma’am salamat po at maraming salamat din sa mga ating naing panauhin ngayung umaga, mga kasama, ako pa rin ang inyong radioman, Ely Saludar, sumainyo mula sa RMN.

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Mar 11, 2018