This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    BISErbisyong LENI – Episode 63

    ELY: Magandang umaga, Pilipinas—Luzon, Visayas, at Mindanao! Ngayon po ay araw ng Linggo, July 22, 2018. Mga kasama, isa na namang edisyon ng BISErbisyong LENI dito po sa RMN. Tayo po ay napapakinggan sa lahat ng himpilan ng RMN nationwide, katulad ho dito siyempre sa DXZL 558 kHz, sa RMN DYHP 612, RMN DXCC Cagayan de Oro City, RMN DXDZ Davao, at RMN DWMX 1611 sa Naga. At siyempre, mga kasama, sa RMN Facebook at gayundin po sa BISErbiyong LENI na nakikinig ngayon nationwide sa VP Leni Robredo sa Facebook Live.

    Mga kasama, ako pa rin po ang inyong Radyoman Ely Saludar, at kasama po natin sa ating studio ang Bise Presidente ng Republika ng Pilipinas, si Madam Vice President Leni Robredo. Ma’am, good morning po sa inyo.

    VP LENI: Good morning, Ka Ely. Good morning po sa mga tagapakinig natin ngayong maulan na Linggong umaga. Pagbati lang, Ka Ely, sa mga kababayan ko sa Bicol: Marhay na aga po sa indo gabos. Sa ating mga kababayan sa Visayas at Mindanao: Maayong buntag. Ka Ely, nandoon ako sa Cagayan de Oro saka Marawi noong nakaraang Lunes saka Martes.

    ELY: Opo. Marami po ang natutuwa doon dahil sa marami ho tayong naibigay kahit paano na tulong sa mga nabiktima po ng giyera.

    VP LENI: Tingin ko iyong pinaka-kaibahan noong tulong na dinala natin, hindi iyon galing sa gobyerno. Kami lang iyong naging paraan, pero galing talaga iyon sa tulong ng ating mga private partners.

    Alam mo, Ka Ely, iyong bulk noong pondo na ginamit doon sa Angat Buhay Village, iyong pag-ipon noon, dapat talaga tulong para doon sa protest case laban sa akin. Mayroon akong kailangang bayaran sa Supreme Court; hanggang ngayon hindi ko pa nababayaran. Mayroong isang grupong gustong tumulong. Ang ginawa nila, nagkaroon sila ng fund drive. Noong nagkaroon sila ng fund drive, naipon nila iyong perang kailangan, iyong amount na kailangan. Pero hindi namin matanggap dahil bawal akong magtanggap bilang public official. Iyong ginawa, Ka Ely, ng grupo—ang tawag nila sa sarili nila, Piso Para sa Laban ni Leni. Ang ginawa ng grupo, dumiretso sila sa Supreme Court, nag-petisyon sila. Parang sinasabi sa Supreme Court, dahil hindi ko matanggap, puwede bang idiretso nila sa Supreme Court iyong pagbayad? Pero na-deny, na-deny iyong kanilang petisyon. Gusto na lang nilang i-donate iyong pera. Malaki din, Ka Ely, 7.4 million [pesos] iyon. Kami iyong nag-suggest sa kanila, baka gusto nilang gawin na lang namin na Angat Buhay Village. Ito, Ka Ely, 100 houses talaga iyong paglalaanan noon, pero maliit iyong lupa. Binigyan kami ng 1 hectare. Ang nagkasya lang 60 [transition houses]. Kaya ang na-turnover namin, 60 pa lang, pero naghahanap pa kami ng additional [na lupa] para iyong 40 [transition houses] maibigay na din.

    Nandoon kami noong Martes, kasama namin iyong ibang mga… iyong mga leaders ng Piso Para sa Laban ni Leni. Hindi na kami nag-program; sabi ko mas maganda makausap na lang iyong mga pamilya. Binahay-bahay namin. Iyong mga kuwento nila grabe talaga. Talagang nawala iyong lahat na naipundar noong halos lahat na nandoon. Kaya nakakatuwa din na kahit paano nakatulong tayo.

    ELY: Okay, so marami nga po ang nagtataka kasi napakabilis din pong nagawa ito. Parang, Ma’am, kapag pribadong sektor, mabilis kumilos?

    VP LENI: Wala kasi noong mga kailangang mga proseso saka dokumentong kailangan i-submit. Hindi kailangang sumunod sa procurement, hindi kailangan ng bidding. Pero ang ginawa namin, dahil wala naman kaming parang capacity na magpa-trabaho, iyong ginawa namin humanap kami ng local partner. Iyong napili namin na local partner iyong Ateneo de Cagayan, Xavier University, sa pangunguna ni Fr. Bob[by Yap], iyong presidente ng Xavier, kasi may karanasan sila. Sila iyong nag-asikaso noong mga pabahay sa Sendong. Kaya tama naman, parang perpekto iyong pagpili kasi sanay na sanay na sila—alam nila iyong proseso, alam nila kung paano gawin, pati iyong social preparation. Kaya naging smooth-sailing. Dapat nga mas maaga pa. Ang pinaka-target talaga namin before June 12, kaya lang maulan kaya naantala siya ng isang buwan. Pero ang target namin sunod, sana iyong 40 houses matapos by December. Pero hindi kasi namin masimulan kasi naghahanap pa ng lupa na pagtatayuan.

    ELY: Sa part po iyon ng local government.

    VP LENI: Oo. Iyon iyong MOA namin with the local government, na sila iyong magbibigay ng lupa. Actually iyong lupang pinagtayuan nitong first 60 houses, parang donation ng pamilya ng Mayor ng Marawi, ni Mayor [Majul] Gandamra. Ngayon, dapat sana, Ka Ely, mga 100 houses kasya doon, pero may mga lugar kasi doon sa lupang iyon, may mga lugar na ayaw naming—

    ELY: Delikado.

    VP LENI: Oo, baka magkaroon ng problema later on.

    ELY: Okay, so at least iyan po, may naibigay na tulong sa mga kababayan natin na naging biktima ng giyera diyan po sa Marawi City. Mabilis po at ang katuwang po ng Office of the Vice President iyong pribadong sektor.

    VP LENI: Oo. At maliban dito sa Piso Para sa Laban ni Leni, mayroon ding mga ibang tumulong. Halimbawa, iyong United Architects of the Philippines – [Quezon City] Elliptical Chapter, sa pangunguna ito ni Architect Peach Buencamino, ito, Ka Ely, tutok na tutok—sila iyong nag-design ng mga pabahay. Talagang pabalik-balik din sila sa Marawi para i-supervise iyong pagtayo. Hanggang sa kahuli-hulihan nandoon sila.

    Mayroon din tayong isang… mayroon tayong isang sorority sa UP na iyong alumni nila sa Southern California tumulong din para sa ilang bahay.

    Ito talaga, maraming nag-pitch in. Pati iyong mga kaklase ko noong college sa UP, ang tawag nila sa sarili nila Vice Squad, tumulong din. Pati iyong… mayroong isang forwarding company na lagi kaming tinutulungan, iyong RAF [International] Forwarding [Phils. Inc.], iyong mga kailangan naming mga gami galing dito sa Manila, libre dinadala doon sa Mindanao. Kaya marami talagang nag-pitch in.

    ELY: So iyan, mga kasama, ilan iyan sa mga natutukan ng ating Bise Presidente sa nakaraang linggo. At samantala, mga kasama, bukas po ang State of the Nation Address ng Pangulo. At marami pong nagtatanong sa inyo, Ma’am, kayo po ba ay dadalo sa SONA?

    VP LENI: Dadalo ako, Ka Ely. Madalas kong sinasabi nga na dadalo ako sa SONA bukas. Alam mo parati siyang tinatanong kasi kinukumbinsi ako ng iba na huwag nang dumalo. Iyong iba yata natatakot para sa akin, na baka insultuhin, baka kung anuman. Pero parati kong sinasabi na ‘di ba kapag may ganiyang hindi magandang sinasabi, parang hindi ka naman mababawasan? Maraming masasabi doon sa nang-iinsulto pero iyong iniinsulto mismo, hindi mo naman iyon kasalanan. Kaya nga sabi ko, tayo naman, noong tinanggap natin iyong mandato, kabahagi na diyan iyong lahat na bagay—hindi lang iyong magaganda, pati na iyong mga hindi masyadong maganda. Kaya handa naman tayo. [END GAP 1]

    [GAP 2] ELY: Okay, mga kasama, sigurado po na dadalo ang ating Bise Presidente sa State of the Nation Address o SONA ng Pangulo. Bukas po iyan, alas-4 ng hapon sa Batasan complex.

    At siyempre, mga kasama, isa rin sa mga pinag-uusapan ngayon iyong isyu ng federalism.

    VP LENI: Ito, Ka Ely, ito iyong medyo masalimuot. May mga nagkakampi-kampihan ngayon, pero iyong ibang dumedepensa, hindi din masyadong… parang hindi masyadong naiintindihan pa. Pati iyong mga sumasalungat, parang hindi masyado naiintindihan pa. Kaya iyong inimbitahan natin ngayon, Ka Ely, magbibigay ng kaliwanagan. Kulang iyong isang oras, pero siguro pag-usapan natin iyong ilang punto para kahit paano magkaroon ng ideya iyong mga tagapakinig natin. Marami nang nagte-text dito.

    Actually dapat bisita na natin siya noong nakaraang linggo pero hindi siya puwede. Sabi namin, iba na lang munang topic; hihintayin natin siya. Matagal ko na siyang kilala, magkasama kami—dati kasi bago ako naging pulitiko, nasa NGO ako—magkaka-partner iyong aming mga grupo dahil pareho naman iyong mga sinusulong. Ito iyong mga karapatang pantao.

    Iyong ating bisita ngayon—ngayon ko nga lang nalaman iyong tunay niyang pangalan, kasi parating Arpee iyong tawag namin sa kaniya—iyong ating bisita, si Atty. Ray Paolo Santiago. Si Atty. Arpee, kilala yata ito ng lahat. Institusyon na siya sa Ateneo dahil siya iyong Executive Director ng Ateneo Human Rights Center. Magandang umaga sa iyo, Atty. Arpee!

    ATTY. ARPEE SANTIAGO: Magandang umaga po, VP Leni! Magandang umaga, Ka Ely, at magandang umaga po sa lahat na tagapakinig natin, kahit na maulan. Mag-ingat po lahat lalo na iyong mga bumibiyahe.

    VP LENI: Siguro diretso na tayo, Atty. Arpee, doon sa pag-uusapan ngayon. Marami nang nagdedebate, pero parati kong sinasabi, siguro bago natin pagdebatehan iyong detalye, iyong tanong muna na kinakailangan bang baguhin iyong ating Konstitusyon? Iyon iyong unang tanong. Ang pangalawa, ano ba iyong dahilan kung bakit mayroong panukala na baguhin natin? Kasi kapag binalikan natin iyong dahilan, baka iyong susunod na tanong: Wala bang ibang paraan para ma-achieve iyong dahilan nang hindi ginagalaw iyong Konstitusyon.

    Pero ito, Atty. Arpee, iyong sa ano mo lang—alam ko na napakahaba na ng assessment—tingin mo ba kailangang kailangan nang baguhin iyong Konstitusyon?

    ATTY. ARPEE SANTIAGO: Napakahirap na tanong, VP Leni, ano. Saka Arpee na lang po para hindi tayo masyadong pormal. [laughter]

    Mahirap na tanong po kasi depende kung sino ang tatanungin kung kinakailangan. Pero siguro iyong pangalawang tanong mo, ano ba iyong problema ng ating Konstitusyon, bakit nga ba gustong baguhin ngayon? Ang sinasabi, ang problema ay iyong economic development daw. Iyon iyong pinakarason kung bakit ang modelo ay federalismo, para daw iyong development ay hindi lang sa Imperial Manila; bumababa ito sa mga probinsya. Ngayon, kung tingnan natin ang ating 1987 Constitution, ang isa sa mga sinusulong ng 1987 Constitution ay decentralization. Pinalakas nito ang ating local government. In fact, ang local government units natin, base sa ating Local Government Code, na ang main author din ay si Sen. Nene Pimentel—na siya rin ang nagsusulong ng federalism—naisip niya rin na palakasin ang local government units, so decentralization. Actually ang hindi alam ng ating mga kababayan ay decentralized, actually, ang local government units. Hindi sila nagre-report sa Presidente. And in fact, iyong mga… tinitingnan ko iyong mga proposed powers ng federal government, at iyong mga federalized regions, ayon doon sa draft, pareho lang rin iyong mga powers—nasa local government units na iyon. So ang tanong, bakit tayo may problema, ‘di ba? Ang pinaka-simpleng sagot ko diyan: Para kang kunwari nagmamaneho ng sasakyan. Kahit anong modelo ng sasakyan mo—gusto mo bago ang sasakyan, iyong pinaka-moderno—pero kung iyong driver mo pareho pa din—[laughter]—wala ding pupuntahan, ‘di ba? Iyong driver, pareho lang, bago lang iyong sasakyan. With the modern tools—hindi pa natin alam kung ano iyong mapupunta dito sa draft ng constitution na ito, dahil iyong proseso na ito, itong draft na ito, draft lang ito.

    VP LENI: Saka parang after siya sinubmit, parang ang dami pang binabagong provisions.

    ATTY. ARPEE SANTIAGO: Precisely. Iyon nga, siguro mamaya kung pag-uusapan natin iyong proseso, kung paano babaguhin ito. In short, iyong tinitingnan natin ngayon, hindi siya iyong huling porma na makikita natin. Pero iyong mga magda-drive nito—sabihin na natin iyong mga pulitiko natin, political leaders—magkakaroon sila ng mas maraming kapangyarihan dito sa pagpalit ng porma ng ating gobyerno. Pero kung sila pa rin ang driver, siguro ang tanong ng mga ating kababayan: May pagbabago bang totoong maaasahan?

    VP LENI: Totoo. Iyong isang, parang, kritisismo sa draft federal constitution, kasi tama ka, parang iyong tinuturo na pinakadahilan kung bakit gustong baguhin ay economic development—lalo na ng mga kanayunan. Pero kapag tinitingnan mo iyong draft, ang lahat na solusyon na binibigay political. Halos walang economic. At ang sinasabi nila, ang dahilan daw nito, iyong komposisyon din ng mga nag-draft—iyong komposisyon daw ng nag-draft karamihan daw ay abogado, at kulang daw doon iyong mga ekonomista. Kaya iyon iyong isang narinig natin na kritisismo.

    Pangalawa, marami din iyong nagsasabi… actually, iyong decentralization na pinapangarap, puwede siyang ma-achieve basta i-update lang iyong Local Government Code. Ano kasi, Ka Ely, iyong Local Government Code, parang 1991 ito pinasa, pero parang mayroon siyang provision doon na every five years nire-review siya at ina-update. Hindi nangyari iyon. Ito, Arpee, sino ba dapat ang mag-update?

    ATTY. ARPEE SANTIAGO: Ang dapat mag-update diyan iyong Kongreso din natin, ‘di ba? In fact, marami iyong kailangang gawin ng Kongreso natin. Iyong mga sinusulong nga nila na pagbabago, kaya naman nilang isulong ngayon, ‘di ba?

    Iyong isang nakikita ko na dapat isulong ng Kongreso na hindi nila sinusulong—hindi ko rin nakikita dito sa draft constitution—iyong political dynasty. Pagsugpo sa political dynasty, ‘di ba? Siguro dahil malaking debate din itong political dynasty. Sasabihin ng iba, parte ng demokrasya kasi ang political dynasty, kung sino ang gusto nating ihalal sa puwesto, bakit naman natin lilimitahan? Pero kapag tiningnan naman natin ang electoral system natin, kapag tiningnan natin—kumbaga magpakatotoo tayo—kahit iyong mga nasa kanayunan alam po nila na ang problema iyong mga political leaders po nila. Alam naman nila. Minsan, tanong nga nila, may eleksyon ba talaga? Kasi parang wala na. Saka minsan sakal sila.

    VP LENI: Saka ang problema, pinapamana, ano?

    ATTY. ARPEE SANTIAGO: Oo. So kung hindi natin baguhin iyong political history natin, iyong political governance natin, at iyong political dynasty na problema natin, wala tayong pupuntahan talaga—walang pagbabago.

    ELY: Mayroon ngang pag-aaral ang Ateneo, ‘di ba, na iyong mga lugar na maraming political dynasty iyon ang mga pinakamahihirap na lugar, probinsya.

    ATTY. ARPEE SANTIAGO: Si Dean Ron Mendoza ng Ateneo School of Government, iyan nga po ang adbokasiya niya. And ito, hindi nga to go against the democratic processes, kasi kung sinong gusto nating ihalal, theoretically maganda iyon pero makikita natin na… siguro iyong mga mahihirap na probinsya natin, tingnan nila, parang iyong mga pulitiko doon mayaman, pero bakit tila yumayaman iyong pulitiko, pero iyong probinsya, kahit iyong municipality, humihirap. Tapos ayaw bumitaw sa puwesto noong pamilya.

    VP LENI: Saka ito, Attorney Arpee, iyong pinaka-dapat, parang ipaalala sa ating lahat na kahit noong binuo pa lang iyong 1987 Constitution, nakita na na isa sa mga problema sa governance dahil nga pamilya-pamilya, kaya nga may probinsyon sa 1987 Constitution na dapat iyong Kongreso, magpasa ng Anti-Political Dynasty Law. Pero 1987 pa, Ka Ely, iyong Constitution, hanggang ngayon wala pang naipapasa

    ELY: Na-swertehan nga lang noong nakaraan na pumasa sa komite.

    VP LENI: Isa ako, Ka Ely, actually noong 16th Congress, isa ako sa mga authors noong Anti-Political Dynasty Law. Parang iyong 16th Congress, parang iyon iyong first time na nadala siya sa plenaryo.

    ELY: Opo, hanggang committee level tapos sa plenaryo, wala na.

    VP LENI: Wala na, wala na. Ang ano kasi, Ka Ely, halimbawa noong 16th Congress, parang nagkaroon ng article—may isang news network na nagkaroon ng article na parang sinasabi niya, of the 200 plus na members ng House of Representatives, parang 34 or 35 lang yata iyong hindi miyembro ng political dynasty kaya sinasabi, papaano ito makakapasa na ganiyan talaga.

    Pero iyong pinaka… ‘di ba, Arpee, iyong pinaka-sadya niya talaga, kaya ipagbabawal iyong political dynasty kasi iyong parang equal opportunity na tumakbo sa… tumakbo at manilbihan. Kasi kung wala nito, Ka Ely, talagang nadodominate ng mga pami-pamilya. Ang sinasabi dito, sana kahit hindi ka kabahagi ng isang malakas at mayaman na pamilya, sana kahit… wala ka masyadong… parang wala kang masyadong yaman na sarili, mayroon kang pantay na pagkakataon para makapag-silbi din—ito iyong sinasabi. Kasi kapag walang Anti-Political Dynasty Law, mayroon tayong term limits e. Pagkatapos ng tatlong terms na nakapagsilbi, mayroon namang iba na pagpipilian na ano din, may capacity, parang ipapamana sa anak, miyembro ng pamilya, hindi na nagkakaroon ng pagkakataon iyong iba.

    ELY: Isa rin diyan, Ma’am, na nakikita ko, halimbawa may nakaupo—Tatay, natapos iyong termino. Kung may mga anomalya doon, ang papalit anak e. Hindi na sisilipin iyon. Dire-diretso lang.

    VP LENI: Oo, parang masaya na sa status quo.

    ATTY. ARPEE SANTIAGO: Iyan ang kailangang sugpuin nga dahil pagka may political dynasty, kung ano iyong corruption, kung ano iyong gustong takpan ng nauna, wala tayong accountability. Ngayon, gusto ko nga sana tanungin si VP Leni, bakit kaya hindi napasa kaya noong sa 16th Congress pero nasabi rin kasi niya na karamihan kasi doon ay parte ng political dynasty. Iyon iyong gusto kong puntong tignan ng ating mga taga-pakinig, na papalitan natin… papaano ba natin papalitan iyong ating Constitution ngayon at ang plano, itong Kongreso natin—ang Senado at ang ating Kamara de Representante—sila ang magpapalit.

    Alam niyo noong dinebate ang 1987 Constitution, kaya hindi malagay ang isang anti-political dynasty provision sa 1987 Constitution, ay napaka-salimuot ng diskusyon. Pero paano nga ba nabuo ang 1987 Constitution? Sila ay isang constitutional commission na hindi puro pulitiko. Sila ay appointed noon ni President Cory. Hindi na tayo nagkaroon na magkaroon ng constitutional convention na eleksyon eh dahil medyo madalian dahil revolutionary government. Pero mas independent sila, hindi sila basta pulitiko lamang.

    VP LENI: Saka iba’t ibang sektor iyong pinanggalingan.

    ATTY. ARPEE SANTIAGO: Oo. Ngayon, titignan natin sino ba ang bumuo ng Federal Constitution ngayon. Ang tinitignan na mode ay iyong Senado at Kamera de Representante natin. So kung makita natin iyong debate na—sila nga ayaw nila itong check and balance—na ito ay isa sa mga cornerstone na nagpalakas sa 1987 Constitution. Baka mas lalong humina ang ating mga institution. Kumbaga, medyo ano lang, pampaganda. Pero iyong essence niya, iyong totoong gusto nating malakas na institution. Hindi talaga lalakas, mas hihina.

    VP LENI: Pero ito, Attorney Arpee, kasi pinakinggan natin iyong mga nasa ConCom ngayon, parati nilang sinasabi na for the first time, mayroon nang anti-political dynasty provision iyong draft Federal Constitution. Pero iyong kinagulat ko nito, kagabi nasa isang pagtitipon ako kung saan may isang diskusyon tungkol sa mga provisions ng draft Federal Constitution. Gaya ng sinabi mo, revolving na ito. Iyong isa palang binago na provision tungkol sa anti-political dynasty, parang sinasabi niya na bawal na iyong mga political dynasties, parang up to the first degree of consanguinity or affinity. Pero exempted iyong Vice President saka ang President. Parang hindi yata tama iyon, ‘di ba? Ang sinasabi dito, Ka Ely, bawal sa lahat maliban sa Pangulo saka sa Pangalawang Pangulo. Ang gustong sabihin, kung iyong Pangulo saka iyong Pangalawang Pangulo mayroong mga, ano ito, mga kamaganak na gustong tumakbo, e puwede pa. Kasi ang nakalagay yata doon, except iyong mga national government officials. E sa definition yata ng national government officials, Pangulo at Pangalawang Pangulo lang iyon.

    Kaya parang hindi rin tama na bakit hindi na lang lahat iyong prohibition.

    ELY: Opo, so siguro i-share na rin natin sa ating mga listeners, may binabanggit din si dating Senate President Juan Ponce Enrile na dito raw po sa panukalang Federalism ay talagang magsa-suffer ang mga Pilipino ng too much bureaucracy at dagdag na buwis kapag napunta nga, kapag nag-shift na po ng federal form ng gobyerno. Tama po ba ito? Sa inyo pong pananaw, mayroon po bang basehan ito?

    ATTY. ARPEE SANTIAGO: Tingin ko, si [former] Senate President Juan Ponce Enrile, puwedeng sabihin na: “Teka, pulitiko rin iyan,” ano. Siguro ang gusto kong i-punto dito, si Secretary [Ernesto] Pernia recently ng NEDA, ng National Economic Development Authority. Ekonomista siya at ang tinitignan niya ay iyong socio-economic planning. Iyong unang sabi niya ay mahihirapan ang ating ekonomiya dahil nga, totoo iyan, iyong ating bureaucracy right now, dadami. Magiging bloated.

    VP LENI: Parang ang dami nang layers, ano.

    ATTY. ARPEE SANTIAGO: Oo, pati mga korte, ang daming korte actually na binubuo nitong… mayroong Supreme Court, mayroong—

    ELY: Tapos federal—

    ATTY. ARPEE SANTIAGO: Oo, pati sa national, pati iyong federal mayroong administrative court, mayroong supreme court, mayroong constitutional court, mayroong electoral court, ‘di ba? Pero iyon nga, iyong sinabi ni Secretary Pernia, medyo nag-alala siya dahil tatamaan ang ekonomiya natin. Kaya ba ng buwis ngayon? Sa ngayon nga, parati na nga tayong nangungutang e. Oo, nangungutang tayo, dadami pa iyong mga posisyon ngayon. Pati sa regions magkakaroon ng regional legislative assemblies na mayroon na rin naman tayong sanggunian ngayon.

    VP LENI: Saka iyong korte sa region magkakaroon ng supreme court, magkakaroon ng parang apat na klase ng korte.

    ATTY. ARPEE SANTIAGO: Oo.

    ELY: So dadami ang pasu-suwelduhin natin.

    ATTY. ARPEE SANTIAGO: Dadami ang pasu-suwelduhin…

    ELY: Labing-walong senador.

    ATTY. ARPEE SANTIAGO: Dadami ang mga pork barrel, ‘di ba?

    ELY: Ay, 36. Eighteen regions, dalawa raw e bawat senador so 36 ang senador.

    ATTY. ARPEE SANTIAGO: At least two.

    VP LENI: Oo, at iyong miyembro ng House of Representatives magiging 400 na. Iyong isa pa dito, Arpee, nabasa ko sa Twitter, iyong isang naging resource person sa Senado, parang tinatanong siya, kasi parang lumalabas parang very powerful, parang grabe iyong kapangyarihan ng regional government. Parang iyong regional government, siya iyong magde-desisyon kung magkano iyong suweldo ng mga government officials sa region niya: gustong sabihin puwedeng iyong suweldo sa region ko, kahit pareho ang posisyon natin, iba ang suweldo doon sa region na kabila. Tinatanong siya, mayroon bang karapatan iyong regional government na i-dissolve iyong barangay, iyong mga munisipyo, lungsod, probinsya, ang sagot niya, “Oo.” So grabe, Ka Ely, ‘di ba. Kung ganoon ka-powerful iyong regional government, nakakatakot iyon. Nakakatakot kasi nasa kamay ulit ng mga pulitiko iyong pag-desisyon. Halimbawa iyong mga constitutional commissions, parang dumami siya, Arpee, ‘di ba? Ngayon, ilan ba—

    ATTY. ARPEE SANTIAGO: Tatlo.

    VP LENI: Tatlo iyong constitutional commissions, magiging anim ba o walo? Parang ganoon. Tapos iyong problema noon, sa atin kasi iyong constitutional commissions, kahit presidente iyong nag-a-appoint, walang kapangyarihan iyong Presidente na tanggalin siya ‘di ba? Pero dito sa draft Federal Constitution, iyong regional government iyong puwedeng mag-appoint, puwede niya ding—

    ELY: Ibalik.

    VP LENI: Iyong nakapag-alala lang dito, masyadong magiging politicized kapag… alam mo iyon, parang may utang ka sa pulitiko.

    ELY: So iyong loyalty mo, sa pulitiko mapupunta hindi sa taumbayan.

    VP LENI: Iyon iyong danger doon.

    ATTY. ARPEE SANTIAGO: Tapos ako nga, ang pinaka-issue ko dito, Ka Ely, at VP Leni is itong pinagde-debatihan natin ay talagang draft na draft. Itong sinumite noong presidential na ConCom ay isang rekomendasyon pero hindi ito ang ipapasa—sigurado ako—ng Kongreso. Rerepasuhin nila ito, tatanggalin nila iyong tipong hindi maganda siguro—

    ELY: Sigurado iyong sa dynasty tatanggalin nila. [laughs]

    ATTY. ARPEE SANTIAGO: Oo, oo, ‘di ba. Hindi sa nagse-speculate tayo. Alam na natin iyong track record ng Kongreso dito. So in short, pagka ito ay minadali at ang proseso ng pagpalit ng ating Konstitusyon ay itong Constituent Assembly natin, baka mas maging imperpekto ang ating next na Constitution imbis na— Ako, wala akong problemang baguhin ang Constitution natin in the future kung kinakailangan basta’t nasa tamang proseso.

    VP LENI: Dumaan sa masusing debate.

    ATTY. ARPEE SANTIAGO: At pakinggan natin ang mga tao. Sa ngayon, ang survey actually ng SWS [Social Weather Station] at Pulse Asia, talagang more than majority, at least 70 percent yata, hindi nila alam kung hindi sila sang-ayon at hindi nila alam itong bagong konstitusyon. Hindi nila naiintindihan so that, for me, is disturbing. Ano ang kapangyarihan natin bilang mamamayan na tutulan ito ngayon? Dahil mukhang minamadali e. Parang ano ito ha, parang, ipasok ko na rin: biglang nare-realize ng mga tao ang impact nitong TRAIN [ Tax Reform for Acceleration and Inclusion] Law, itong taxation na ang bungad ang pinapakita na, “O, tataas ang exemption.” Hindi niyo naman sinabing tataas nga ang exemption pero tataas din lahat ang bilihin. So ganoon.

    VP LENI: Saka parang hindi na-comply iyong promise na may safety nets ‘di ba?

    ATTY. ARPEE SANTIAGO: Oo, so iyon ang gusto kong sabihin—napakalaking bagay ang paglaruan ang ating Constitution so hindi dapat madaliin ito at dapat tamang proseso ang pagtingin at pag-usisa.

    VP LENI: Saka nakakatakot din dito, mayroon siyang probisyon, Arpee, ‘di ba, na oras na naging Federal government na tayo, diyan na tayo, hindi na puwedeng palitan ulit. Para sa akin, malabo iyon kasi kapag pinalitan mo iyong Konstitusyon, siyempre mapapalitan din pero parang may provision na pinakita—

    ELY: Bawal palitan.

    VP LENI: Oo, bawal palitan so parang kapag nagkamali ka, “Hindi na puwedeng magpalit” ang sagot.

    ATTY. ARPEE SANTIAGO: Oo. Alam niyo, gusto ko lang isingit ha, iyong irony nitong draft constitution na sinasabi iyong political dynasty and yet ang mga nilalagay na requirement para tumakbo for members of the House, Senate and even Vice President and President, kailangan college graduate, ‘di ba? So gusto nating… maraming nagsasabi na, “Kapag nga ikaw nag-a-apply ng trabaho dapat college graduate ka. What more kapag tumakbo ka for a higher position.” Alalahanin natin na tayo ay nasa demokrasya. Alalahanin natin na majority ng ating population ay still living in poverty, ‘di ba? Ang ibig sabihin ay nakaka-limit ito para sa may mga ambisyon, kaya naman tumakbo, ‘di ba? Hindi ibig sabihin na hindi ka nakapag-graduate, hindi ibig sabihin bobo ka e ‘di ba?

    VP LENI: Saka marami kasing hindi nakapag-graduate dahil sa kahirapan e. Parang sinasabi mo na na basta mahirap ka, hindi ka na puwede.

    ATTY. ARPEE SANTIAGO: Totoo. So in fact, kalimitan nga e, iyong mga sobrang talino at gumradweyt pa ng mga kung anu-anong degree, sila ang marunong maglaro—matalino magnakaw ‘di ba? Iyon ang nagiging problema natin. So masyado nilang kino-komplika. So iyon lang iyong gusto kong i-point out na dapat tignan talaga natin, usisain natin itong mga proposals.

    ELY: At siguro maganda, dapat siguro intindihin nila na marami pong mga Pilipino na hindi pa nakapag-aral, talagang galing sa hirap naging matagumpay.

    ATTY. ARPEE SANTIAGO: Totoo.

    ELY: Parang iyong sa Istorya ng Pag-asa.

    VP LENI: Oo, iyong programa naming Istorya ng Pag-asa, ang daming hindi nakapag-aral na iyong tulong na naibigay sa kapwa talagang mas marami.

    ELY: Ayon, opo.

    VP LENI: Iyong napag-usapan din dito, Ka Ely, kasi bumababa kami sa mga probinsya, iyong mga local officials mismo ang nagaalala na… kasi ito parang magiging autonomous na, magiging independent iyong mga regional governments from the national government. Kapag tinignan natin ngayon iyong income ng mga regions, parang tatlo o apat lang ba sa 18 regions iyong kayang tumayo na mag-isa? Kaya nagaalala iyong mgaregions na paano kami makaka… paano magsa-succeed iyong aming region na ngayon dependent kami sa tulong ng national government? Mayroon silang sinasabing kasagutan, iyong equalization fund. Mayroong parang, Ka Ely, na, kung hindi ako nagkakamali, no less than three percent yata ng budget under sa General Appropriations Act, mapupunta sa equalization fund na parang ito, Ka Ely, iyong pang tulong doon sa mga regions na nangangaiangan. Pero ang problema, walang mekanismo kaya iyon iyong nakakatakot dito. Baka parang Kongreso na naman ito na kapag hindi ka kakampi, zero budget ka, ano. Gustong sabihin na hindi ka pa rin autonomous. Kasi kung umaasa ka sa desisyon ng national government kung sino ang bibigyan, delikado ito.

    ATTY. ARPEE SANTIAGO: So parang—by analogy—medyo pag-isipan natin. Parang iyong pinapakita ngayon ni Speaker Alvarez, ‘di ba? ‘Di ba sabi niya para pumasa ito, ano ang dina-dangle niya? No-election, ‘di ba para makakuha ng suporta. Mukhang hindi pa nga yata naging effective itong no-election kasi ang sabi rin niya, lumabas sa mga pahayagan ito, paano naman natin bibigyan ng budget iyong mga kongresista na mag-o-oppose sa pederalismo o dito sa draft charter na iyon ‘di ba? Parang ang dating ay iyong resources ay sa kaniya, pera niya, puwedeng hindi niya ibigay, hindi iyan pera ng taumbayan. So ang may impact diyan actually iyong mga constituents ng mga district representatives. So in short, ganiyan by analogy iyang equalization fund na iyan ‘di ba. May control ang national government, ang federal government, so iyong sinusulong na may independence iyong mga federalized regions, hindi rin magiging totoo. Better pa iyong ngayon, mas maganda pa iyong ngayon kasi iyong ngayon, talagang mayroong parte ang local governments doon sa Internal Revenue Allotment.

    In fact, mayroong recent Supreme Court decision nga na… sinasabi ng Supreme Court: Hindi lang sa taxes pati iyong sa mga duties, iyong mga customs collection, ‘di ba? Ibig sabihin niyan, mas maraming revenue na puwedeng pumunta sa LGUs ngayon. So ang question diyan: Kung mayroon rin namang pera ang mga LGUs, mayroon silang local assemblies, ‘di ba, bakit hindi gumaganda ang development doon at ekonomiya, ‘di ba? Kaya naman nagpupuntahan sa Maynila, for example, iyong mga nasa kanayunan, akala nila nandito ang mga trabaho. Pero bakit hindi nagagawan ng trabaho, hindi nakaka-attract ng investments iyong mga local government units? Iyan ang dapat pag-isipan ng mga tao. Kasi kapag naging Federal government, hindi naman ibig sabihin: “Uy, biglang naging attractive sa mga kanayunan!” E ganoon pa rin e. So mas magkakaroon lang ng kapangyarihan iyong mga regional government and iyong kapangyarihan na iyon, again, dadami ang bureaucracy nila at the local level—mas malakas iyong political power but not necessarily magiging sagot iyan para sa ekonomiya. Hindi ekonomiya iyong provisions na nandoon sa ating Constitution.

    So binabalikan ko lang ulit iyong punto ko kanina na puro pulitika yata itong draft Federal constitution?

    VP LENI: Walang economic provisions. Saka ito, Attorney Arpee, actually bumuo kami ng isang technical working group na ang titignan, ano ba iyong mga provisions sa Local Government Code na kailangang i-amend, parang in lieu of, o bilang kapalit nitong draft Federal constitution, saka kwentahin—kwentahin ano ba iyong inaasahan na kita o income ng bawat region kumpara sa nakukuha niya ngayon. Kasi iyong ibang mga regions, ang kwenta niya, mas marami pa iyong nakukuha niya ngayon, lalo na after, Ka Ely, noong Mandanas ruling na kahit pati iyong mga duties na galing sa Customs, etcetera, kabahagi na siya. Kaya ngayon, bumuo tayo ng grupo, ng halo na mga ekonomista saka mga local government officials para tignan ito, para makabigay tayo ng isang alternatibo.

    Mayroon pang isang parating pinag-uusapan, ito, economic, na parating sinasabi na iyong pag-aari ng mga lupain dito sa Pilipinas, hindi na exclusive sa mga Pilipino. Puwedeng iyong mga foreigners, puwede na ring may mag-ari ng mga lupa dito—iyon iyong una. Pangalawa, iyong practice ng propesyon: Ngayon kasi iyong practice ng profession, kailangan Filipino citizen ka ‘di ba para maka-practice ka ng propesyon mo dito sa Pilipinas. Pero ngayon, parang sinasabi niya na hindi na lang exclusive for Filipinos iyong practice of profession. Pero ito, bubuksan na rin para sa mga foreigners. Ano tingin natin, Arpee, sa magiging epekto nito?

    ATTY. ARPEE SANTIAGO: Gusto ko ring itahi iyan, VP Leni, sa sinsusulong nating mga adbokasiya sa social justice and human rights kasi iyong sinasabi niyo, tatamaan iyong social justice at human rights natin dito. Kapag sinabi nating social justice, mayroon tayong mga sektor na talagang nasa kahirapan, nahihirapan sila. For example, iyong mga pesante natin—marami pero dahil kulang ang oras natin—iyong pesante natin, huwag na tayong lumayo pa. Nagkaroon tayo ng GATT [General Agreement on Tariffs and Trade] – WTO, iyong sa World Trade Organization, na binuksan ang kumbaga importation.

    In short, kapag tinignan natin iyong mga produkto natin ngayon, nahihorapan iyong mga local products natin to compete with imported products, iyong iba agricultural products. Minsan nga kapag pumunta ka, mas mura pa iyong imported products kaysa sa imported na bigas kaysa doon sa local. So in short, kapag binuksan natin ang ownership ng pag-aari ng mga lupain dito sa Pilipinas, mahirap na nga iyong mga Pilipino—iyong kapwa Pilipino natin hirap bumili ng lupa—paano ka makakapag-compete with big corporations lalo na iyong galing sa ating bagong “best friend” na malaking nasyon na ang yaman nila ngayon ‘di ba. E paano kung ang dami nilang bilhin tapos problema ang lupain sa Pilipinas ‘di ba? Agrarian reform nga problema, e paano kung hindi na Pilipino ang may-ari nito?

    ELY: Siguro, limitahan lang, kung ang lupa bibilhin para pagtatayuan ng pabrika, iyon lang ang puwede. Kasi iyon lang magbibigay ng trabaho iyon e.

    ATTY. ARPEE SANTIAGO: Pero puwede namang mag-invest sa isang Filipino corporation din. Kumbaga, ang konsepto kasi diyan, kunwari iyong pabrika pero iyong kita ng pabrika, saan pupunta iyon? Hindi magse-stay sa Pilipinas e. Lalabas ‘di ba? So iyon iyong masalimuot.

    VP LENI: Oo.

    ATTY. ARPEE SANTIAGO: Tapos iyong mga propesyon din natin, in fact, ang pinaka-restricted naman na practice dito sa Pilipinas ay iyong abogasiya. Pero in short, marami namang—kahit with all those restrictions—marami namang nakakapasok na foreign practice dito. Pero kung i-o-open natin—

    VP LENI: Lalo na—

    ATTY. ARPEE SANTIAGO: Mas lalo tayong mahihirapan.

    ELY: Siguro maganda, ako ang suggestion ko diyan, gawin nating modelo itong BBL, iyong Bangsamoro basic organic law, kasi andiyan na ho iyan, batas na ho iyan, at pipirmahan na ng Pangulo. Siguro magandang modelo iyong sinasabi nilang Federalism. Kasi doon makikita ‘di ba? Parang makikita natin iyong mga tama roon at magiging mali.

    ATTY. ARPEE SANTIAGO: At kung babasehan natin iyong BBL, ibig sabihin, iyan ang prime example ng decentralization allowed by the 1987 Constitution that governments, that local governments, [have] a certain level of autonomy. So hindi kailangang baguhin ang 1987 Constitution. Or kung gusto mang baguhin, hindi kailangang madaliin.

    VP LENI: Oo, masyadong delikado.

    ELY: Pag-aralang mabuti.

    VP LENI: Alam mo, Ka Ely, tingin ko dapat may part two tayo kasi tinitignan ko iyong oras natin, mayroon pa tayong isang guest, parang 10 minutes na lang iyong natitira pero napaka-haba pa, napaka-haba pa ng diskusyon na maaring… Hindi pa nga siguro 10 percent iyong ating na-discuss ngayong umaga kasi sobrang dami talagang mga bagong probisyon na kailangang busisisiin at makakatulong iyong public discourse para maintindihan ng mga tao iyong implikasyon ng bawat pagbabagong in-introduce.

    ELY: Okay, so Attorney Arpee, salamat ha.

    VP LENI: Oo, sana mayroon pang pangalawang pagkakataon.

    ATTY. ARPEE SANTIAGO: Maraming salamat po, VP Leni, Ka Ely. Maraming salamat po sa lahat ng mga nakikinig po ngayong umaga.

    VP LENI: Maraming salamat. [END GAP 2]

    [GAP 3] ELY: Ito na po, ito bahagi po ito ng Biserbisyong Leni, ang Istorya ng Pag-asa.

    VP LENI: Alam mo ka Ely mapalad tayo ngayon. Matagal ko na siyang hinahanap kasi hindi ko siya masyadong nakausap noong awards’ night. Pero nakapag-attend kasi ako noong, bahagi lang naman. Bahagi noong deliberation, noong final judging ng mga entries. Ang kanyang film ka Ely isa sa pinakapaborito. Ang film niya isa sa pinakapaborite. Pero noong binabasa ko ang parang briefer tungkol sa guest natin ngayong umaga, ito nagdesisyon pala siyang gawin ang film last minute. Parang aksidente lang ang pagsali. Pero bago niyan ka Ely introduce muna natin. Siya iyong hindi lang direktor, siya ang producer, director, cinematographer, scriptwriter noong isa sa mga nagwagi na short films natin sa Istorya ng Pag-asa Film Festival. Ang kanyang pangalan ka Ely, Mr. Demy Cruz Jr. At ang title ng kanyang short film ay, ito kasi nasa ilonggo, “Ang Gahum Sang Daku Nga Handum.” Ang gusto sabihin noon ka Ely, “The Power of Big Dreams,” ayon. Kaya magandang umaga sa iyo, anong palayaw mo Demy?

    DEMY CRUZ, JR.: Demy po. Magandang umaga din po VP Leni, ka Ely at sa lahat po ng ating tagasubaybay.

    VP LENI: Alam mo ka Ely medyo espesyal sa akin ang film na ito kasi sa lahat ng fineature ng mga nagfinalist, ang fineature dito sa film na ito siya pa lang ang nameet ko personally before. Pumunta ako sa La Salle Bacolod, doon ko nameet. Doon ko na meet iyong um, doon ko nameet ang kanyang subject. Tapos ito naman kahapon nasa La Salle ako. Kahapon nasa La Salle Taft ako, pinagyayabang ko. Pinagyayabang ko sa mga brothers na sabi ko, “Brother ano, isa sa mga nagfinalist namin ang fineature taga La Salle.” Sabi nila hindi lang subject, pati gumawa ng film taga La Salle din. Kaya Demy, ikuwento mo sa amin ano ang pinagdaanan na proseso kung bakit nagdecide ka na gawan ng feature. Papano pag, Vejiel, di ba ang pagpronounce ng pangalan? Medyo kakaiba kasi ang spelling ka Ely ng kanyang pangalan. Ano ang nagtulak sa iyo para siya ang ifeature?

    DEMY CRUZ, JR.: Actually po si Vejiel is one of our volunteer teachers, because I’m actually working po for De La Salle Philippines, iyon po ang parang head office of all La Salle schools in the Philippines. And as part of communications po [unintelligible] si Vejiel po iyon po ang ginawa niya, nagvolunteer po siya to be teacher.

    VP LENI: Pero ang mas remarkable kasi ka Ely dito kay Vejiel, kasi ano siya miyembro siya ng tribe sa Negros. Ang kinukuwento niya nga napakatouching noong, ano ka Ely, siya ang nanalong Best Script. Napakatouching kasi kinukwento niya ang magulang niya talagang, talagang ano iyong itsura talagang tribo na parang nilulook-down upon.

    ELY: Parang kakaiba sa normal na nakikita…

    VP LENI: Oo parang medyo mababa ang tingin. Pero kahit sa kahirapan na iyon at limitasyon, nagpursigi ito si Vejiel na mag-aral. At nag-aral siya bilang scholar di ba?

    DEMY CRUZ, JR.: Opo. Actually sa film po kinukwento niya iyong even noong from grade school po to high school, at lalo na noong college at lahat pong iyon talagang sabi niya isa-isa niyang pinapangarap na matapos niya kasi nakita po niya ang hirap ng buhay lalo na po sa tribo po nila sa Negros. Sabi niya isang araw magkakaroon ng pagbabago sa tribo namin, and iyon ang ginawa niya. Kaya po ang title niya is “The Power of Big Dreams” in English is because iyon po ang naging driving force ni Vejiel to actually, went through all those iyon nga kahit po kinukutsa siya sa kulay ng balat niya, kulot siya, and all those things, kahit, lalo na po ang kahirapan. Pero I believe kaya po talaga sobrang nagmark din sa akin personally ang story niya is iyong determination niya na hindi lang para sa sarili niya, hindi iyong parang “Ah gusto kong umunlad para sa akin at para sa pamilya ko,” pero iyong long-term dream po niya not only for herself but para sa buong tribe.

    VP LENI: Kasi may sinabi siya doon. May sinabi siya doon na parang gusto kong ipakita sa mga katribo ko na kaya naman naming magtapos. Parang kaya namin itong gawin, kaya namin magtapos. Kaya talagang nagpupursigi siya. Pero ang akin lang, ikaw siguro Demy aaminin mo din na sobrang husay niya magsalita ano?

    DEMY CRUZ, JR.: Opo.

    VP LENI: Si Vejiel ka Ely, bibilib ka kasi dapat sana Ilonggo siya, pero sobrang husay niya magsalita. Parang pagnakita mo siya physically parang wala kang masyadong…

    DEMY CRUZ, JR.: I-expect…

    VP LENI: Parang tayo kasi may stereotype di ba? Iyong kinukuwento nga ni Vejiel na dito kasi sa atin kapag pandak, kapag maitim ang balat, kulot ang buhok parang mababa ang tingin ng lipunan. Pero ako gusto kong parang basagin iyong pagtingin na, at tingin ko napakapowerful. Napakapowerful ng kanyang kuwento. Actually noong pagpasok ko sa isang deliberation mayroong isang judge na sobrang touched siya sa script mo. Ano kasi ka Ely parang sa napaka-iksi, ilang minutes ba iyon?

    DEMY CRUZ, JR.: Almost 5 minutes.

    VP LENI: Almost 5 minutes, parang nakuwento mo lahat? Nakuwento mo lahat tapos ito parang iyong nagnanarrate, siya mismo. Siya mismo ang nagnanarrate kaya sobrang ano ang epekto sa manonood grabe talaga. Ito ang sinasabi doon sa nabasa na briefer na wala ka namang balak. Wala ka namang balak sumali. Pero nagkataon na bibisita ka sa Bataan, nandoon siya tapos mayroon sa iyong nag-udyok?

    DEMY CRUZ, JR.: Opo actually kinoconsider ko nga po ito na parang accidental entry. Prior po doon sa day na nagshoot kami, wala po talaga po akong idea doon sa INP, sa Film Festival, and noong gabi po na may nag…iyong sa taga La Salle Bacolod po I believe na isa po sa kanyang mga mentor doon, kasi even noong college po active na rin po siyang volunteer, as a student. Tapos nalaman po nila na nasa community po ako nila Vejiel currently doing, for the program. Then sabi po niya, tinext po niya, minesssage niya po ako sa Facebook sabi po niya, “Demy nandiyan ka pala. Mayroon akong ipapakita sa iyo baka interested ka. Check mo lang.” And that’s the night before pauwi na po ako. The next morning, pabalik na po… tapos na po ang work namin doon as in paalis na po after breakfast supposedly the next morning. So chineck ko po, but when I say iyong film festival and what it stands for and para saan po siya, sabi ko, “Grabe. Gusto ko itong ilaban. Kahit hindi siya part ng work. Kahit this is over and beyond kung ano ang required sabi ko sige.” Tapos tinanong ko po siya, siyempre hindi ko naman story iyon so kailangan ko po ipagpaalam sa kanya. Sabi ko, “Vejiel, may sinend sa akin. Check mo naman ito. Kung willing ka o game ka, sige pag-iisipan ko ngayong gabi. Bukas kinabukasan bago kang, kasi may klase po siya. Nagtuturo po kasi siya ng alas otso ng umaga.

    VP LENI: At saka nakuhaan mo siya sa classroom di ba?

    DEMY CRUZ, JR.: Opo. Sa umaga po. So parang sabi ko, “Sige Vejiel, ilalaban natin ito kung willing ka.” Sabi niya, “Sir Demy sige po.” Parang nakita ko rin ang enthusiasm niya. And iyong kagustuhan niyang maibahagi at makapaginspire pa ng ibang tao.

    VP LENI: Ang para sa akin ang amazing kasi gaya ng sabi mo paalis ka na the following day tapos nagdecide ka noong gabing iyon, shinoot mo na siya the following day and yet ikaw ang nagBest Script. Papano mo siya ginawa in so short a time?

    DEMY CRUZ, JR.: Actually po noong, kinakabahan na tuloy uli ako [laughs]. Noong gabing iyon, ang best script po kasi ang first award na, and noong narinig kong best script hindi nalang po ako masyado nagpepay attention kasi hindi, alam ko naman sa sarili ko na wala, I’m not a confident writer to begin with. HIndi din po ako confident sa pagsusulat ko kasi I’m on the worker side na nag-eedit, visualization of stories, but for the writing, sabi ko nga po noong umaga na iyon, sabi ko lang kay Vejiel, “Sige upo ka diyan, may hinanda ako na mga ilang tanong tapos from them kung ano ang sagot mo, ifafollow-up ko lang. As in dire-diretso lang po ang pag-uusap namin. Hanggang sa matapos kami. And then sabi ko, “Sige tapusin natin itong shoot na ito. Bahala na kung ano ang makuha ko sa iyo, kung ano ang kuwento mo aayusin ko nalang pag-uwi. Tingnan natin kung ano ang istoryang magagawa natin.”

    VP LENI: Pero ito, aside from pagshoot mo sa kanya, marami kang magagandang shots doon mismo sa town na pinanggalingan niya.

    DEMY CRUZ, JR.: Opo.

    VP LENI: Naalala ko very powerful ang ending. Iyong ending iyong may drone shot noong coast, parang sa gilid ng dagat kung saan nakatira iyong tribe na iyon. Gustong sabihin, talagang sinadya mo siya? Pinuntahan mo?

    DEMY CRUZ, JR.: Buti nalang po actually, prior doon sa Istorya ng Pag-asa, nag-aano na rin po ako, nag-gagather na rin po ng possible materials kasi po ang part ng work ko po is for the promotion of the program. So hindi lang po kay Vejiel pati na rin po sa ibang volunteers, iyon na po ang ginagawa ko na somehow ang story nila, as a volunteer perspective iyon ang iha-highlight. But since may Istorya ng Pag-asa na-idivert ko po siya so I think meant to be talaga siya.

    VP LENI: So iyong tinawag ang pangalan mo ano ang naramdaman mo?

    DEMY CRUZ, JR.: Sobrang nagulat po ako, katabi ko po si Florence noon, kami ang seatmates noon. Sabi ko, “Uy ako ba iyon?” [laughs] Parang ano nangyari? Best Script pa talaga of all the awards na puwede. I think siguro, sinasabi ko nga kay Vejiel, alam ni Vejiel po na dahil nga outside work ito, the only time that I can do this film is during after work hours pa. So talagang nakita niya nagpupuyat kaming dalawa, “O Vejiel, okay lang ba sa iyo ito?” Sinisend ko sa kanya. Pag hindi okay sa iyo ito sabihan mo ako, tatanggalin ko or ganyan. So lahat, sa haba po ng footages niya sabi ko kailangan ko lang kunin kung ano ang kailangan.

    VP LENI: So ano ba ang mensahe sa iyo na nagbest script ka? Sabi mo nga tingin mo hindi iyon ang strength mo, pero the fact na isa ka lang. Ang gusto kong sabihin, isa lang ang inawardan ng best script out of so many entries. Tapos ikaw ang nakakuha. Ano ba ito parang encouraging ba sa iyo na i-pursue mo ang scriptwriting?

    DEMY CRUZ, JR.: Actually po noong nagbest script siya, hindi, besides sa nagulat po talaga ako, I realized na hindi lang sa basta pagsusulat, basta actually putting the heart of the person or the people or those stories into something that’s worthwile, na you were able to catch and have the grasp of the story. Kasi sobrang dami po niyang sinabi, at saka naka ilang versions po ako.

    VP LENI: Iyong pagpili mo doon sa mga sinabi niya…

    DEMY CRUZ, JR.: Opo. Tapos ang dami ko rin pong tinanggal na ang sabi ko, “Ah hindi ito kasama sa ano kailangan.” Gusto ko lang ihighlight iyong inspirational side ni Vejiel.

    VP LENI: Kasi naalala ko parang sa viewer kasi parang mas gusto niya mas maraming action shots. Pero ang sa iyo ang daming bahagi noong movie na si Vejiel lang ang nagsasalita. And yet interesting pa rin siya sa manonood. Tingin ko parang ano iyon eh, parang crucial. Kasi kapag action shot parang mas madali mong makuha ang atensyon ng tao kaysa nagsasalita lang. Pero iyong sa iyo, maraming bahagi nagsasalita lang siya di ba. Pero parang sa salita niya parang nacapture iyong parang pinagmulan, iyong kuwento kaya tingin ko ano talaga, iyon talaga ang nakatulong para marecognize iyong movie. Pero ito iyong sana, iyong siguro aming wish kasi wala nang ka Ely na oras, pero ang aming wish siguro sana patuloy kang gumawa ng mga movies. Kami ang pagconceptualize kasi ng opisina namin ng film festival, para siyang siyang one-shot na deal? Parang culmination lang, pero noong pinapanood namin ang films? Parang sabi namin gusto namin itong gawin on a regular basis kasi hindi namin inaasahan na ganoon siya kagaganda. Hindi namin inaasahan, kasi hindi naman mga professional filmmakers ang sumali pero ang mga kuwento sobrang gaganda. Actually, actually hindi kami nagpaalam sa iyo. Pero nagkaroon ng another launch sa Bacolod, doon sa diocese. Pinalabas namin ang film mo, pinalabas namin ang kuwento ni Vejiel at ang mga tao umiiyak. Ano talaga, iyong naantig ang puso pero in a good way. Hindi naantig na nagiging parang mabigat, pero naaantig dahil pag nakikita ang ganoong inspirasyon, ang mensahe kasi ka Ely na ito nga lahat na, lahat na parang kahirapan tinapon sa daan niya pero nagpursigi. Parang kami na mas magaan ang pinagdadaanan walang dahilan para hindi magpursigi.

    ELY: Ang assignment ko naman ito, napanood ko na ang “Alkansya” ngayon naman ito, papanoorin ko rin ito.

    VP LENI: Oo ang ganda ka Ely. Parang pagkatapos ang paghanga mo kay Vejiel sobra talaga.

    ELY: Okay naku wala na naman po tayong oras. Siguro sa mga susunod, sali ka uli.

    VP LENI: Oo sali ka uli. Sana mayroong, kinoconceptualize na namin ang pangalawa. Pero ito more time. More time to prepare, at saka more time siguro maghanap ng mga subjects. Ayon ka Ely, hindi na natin mababasa ang mga, marami sana ngayon nagpaabot ng mga mensahe pero again sasagutin natin next time kasi wala nang oras. Pero pagpapasalamat natin kay Demy. Proud na proud sa iyo ang La Salle. Sinabi ko sa mga brothers kahapon, brothers dapat proud na proud kayo. At nagpromise ako na ipapakita sa kanila ang film mo. Ano Demy ha, parang next month mayroong launch ng Istorya ng Pag-asa sa De La Salle School System baka puwede ka naming maimbitahan, di ba? Ayon. Ito ka Ely, bilang pangwakas, nagcecelebrate ngayon ng ika-50 na taon na anibersaryo ang Iglesia ni Cristo West at ika-104th na anibersaryo ng buong simbahan. Ang atin lang isang taos-pusong pagbati sa Iglesia ni Cristo, gaya ng sabi ko, sa inyong 104th anniversary at 50th year dito sa West, ang inyo pong patuloy na pagbibigay gabay at pagpapalago sa komunidad ng milyon-milyong mga mananampalataya ninyo sa Pilipinas at sa ibang bansa ay tunay pong kahanga-hanga. Pinagdarasal po namin na patuloy na pangpalain ng ating Panginoon ang inyong mabubuting gawain. Naalala ko ka Ely, last weekend ba iyon o noong nakaraan, mayroong pagtitipon ng napakaraming tao iyong nagather. Iyon sa atin po, ang ating pakikiisa.

    ELY: Sa July 27 po iyan. 104th anniversary.

    VP LENI: July 27, pakikiisa po namin sa pagcelebrate ninyo ng inyong anniversary.

    ELY: Okay maraming salamat ho sa ating mga listeners at sa panghuli mga kasama, ma’am ano po ang inyong mensahe at sa inyong parang ulat sa bayan din?

    VP LENI: Ang sa atin kasi ka Ely, gusto nating pakinggan kung ano ang magiging ulat ng ating Pangulo. Kasi dapat bawat Pilipino interesado. Una saan tayo patutungo? Pangalawa ano ang parang report card. Kasi ang SONA naman parang ang Pangulo ang nagrereport kung ano ang nangyari sa mga ipinangako noong nakaraan. Kaya ito bago tayo magbigay ng ating pahayag, pakinggan muna natin ang ating Pangulo. Kaya hinihikayat po natin ang lahat na kahit sa mga bahay niyo lang, pakinggan po natin sa radyo ang ulat ng Pangulo bukas.

    ELY: Ayon, pero ang mga bata ha. Ingat sa pakikinig [laughs]. Okay maraming salamat mga kasama sa inyong pagsubaybay dito po sa Biserbisyong Leni. Ako pa rin po ang inyong radyoman, Ely Saludar, sa pangalan po ng ating Bise Presidente, Leni Robredo.

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Jul 22, 2018