This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    BISErbisyong LENI – Episode 64

    ELY: Magandang umaga, Pilipinas—Luzon, Visayas, at Mindanao. Ngayon po ay araw ng Linggo, July 29, 2018. Mga kasama, ako pa rin po ang inyong radyoman Ely Saludar, at siyempre isa na namang edisyon ng BISErbisyong LENI dito po sa RMN. Tayo po ay napapakinggan nationwide, at gayundin po sa mga himpilan ng RMN-DYHP 612 Cebu, RMN DXCC 828 Cagayan de Oro, RMN DXDC 621 Davao, at RMN DWNX 1611 Naga, at ang Facebook page ng RMN, at ang “VP Leni Robredo,” iyong FB Live, mga kasama. Tayo po ay napapanood at napapakinggan sa buong mundo.

    At siyempre, mga kasama, kasama natin dito sa ating studio ang Bise Presidente ng Republika ng Pilipinas, si Madam Vice President Leni Robredo. Ma’am, good morning po sa inyo.

    VP LENI: Good morning, Ka Ely. Good morning po sa lahat na kasama natin ngayong umaga. Sa mga kababayan po natin na nasa labas ng Pilipinas, magandang umaga po sa inyong lahat. Sana po okay po kayong lahat. Iyong mga kababayan po natin sa Bicol, marhay na aga sa indo gabos. Ang ating mga kababayan sa Visayas at Mindanao, maayong buntag.

    ELY: Okay, at siyempre gaya ng dati ay kumustahin natin ang mga naging aktibidad ng Bise Presidente sa nakalipas na linggo, at iyong kaniyang mga pinagtuunan po ng pansin para sa taumbayan.

    VP LENI: Siyempre iyong pinaka-highlight iyong nangyari noong Lunes, kasi iyong State of the Nation Address. Actually iyon iyong pag-uusapan natin ngayong umaga; mayroon tayong napaka-espesyal na bisita. Pero busy din iyong buong linggo. Halimbawa, pumunta din kami sa Pateros; mayroon kami doon na proyekto with Hapinoy. Tinraining namin iyong mga sari-sari store owners for four months. Ito, iyong unang sign-up, parang 255 iyong nag-sign up. Iyong nag-start ng course, 99, pero iyong nag-graduate 54.

    Pero iyong nag-graduate iyong pinuntahan ko kasi binigyan namin sila ng kapital. Gusto namin na pagtulong, sisiguraduhin na papunta sa mabuti iyong tulong, at tinuruan sila kung paano gamitin iyong teknolohiya—mayroong programa iyong Hapinoy na kahit sari-sari store owner ka, walang kapital, puwede kang magbenta ng mga appliances. Napakasaya ng pagpunta namin kasi iyong energy level ng mga sari-sari store owners, grabe talaga. So iyon, Pateros.

    Tapos pumunta ako ng Cavite, apat na lugar sa Cavite iyong pinuntahan ko—Dasmarinas, Imus, Rosario, saka Kawit. Nagkaroon kami ng launch ng Istorya ng Pag-asa doon. Alam naman natin na kapag nagpo-probinsya tayo ng Istorya ng Pag-asa, iyong fini-feature natin iyong mga inspiring stories ng mga taga-doon mismo. Iyong mga na-feature doon sila din iyong pumili, talagang nakakaantig ng damdamin, kasi iyon talaga iyong mga nagdaan sa matinding hirap. Mayroong isang naging doktor, mayroong chief na siya ng isang department sa city hall. Mayroon doon, ito, very touching. Mayroong isang… hindi ko nakuha iyong edad niya, pero bata pa, less than 20: nawalan sila ng magulang, panganay siya, hindi siya makatayo—parang kapag pinatayo mo siya, para siyang naka-squat parati, babae, kasi may hip dysplasia—pero nagtatrabaho siya bilang tutor at encoder. Sabi niya nagtatrabaho siya kasi siya iyong nagpapaaral ng mga kapatid. Pero iyong pangarap niya maging teacher. Kasama ko iyong mga officials ng lugar at sabi namin, pagtutulung-tulungan namin para makapag-umpisa na siyang mag-aral. Kasi iyong pangarap niya talaga maging full-fledged na teacher.

    ELY: Mga kahanga-hanga na kahit may kapansanan ay tuloy po ang pagsisikap.

    VP LENI: Tapos kagabi naman, Ka Ely, mayroon kaming mga bisita galing sa Liberal International. Nag-award sila ng, parang, Freedom award (Prize for Freedom) para kay Sen. Leila (de Lima). Iyon, masaya—kahit nasa detention si Sen. Leila, parang, masayang okasyon kasi nandoon iyong buong pamilya. Iyong nag-receive ng award iyong kaniyang anak. Siya pa lang iyong pangalawang Pilipino na nabigyan noong Freedom award (Prize for Freedom). Iyong pinakauna si Presidente Cory Aquino noong 1987 pa. Ngayon lang nasundan. At kung titingnan natin iyong mga awardees over the years, talagang mga kilalang mga freedom fighters. Kaya iyong kagabi, gathering hindi lang ng mga liberals, pero gathering ng mga iba’t ibang mga grupong talagang nakikipaglaban para iyong ating mga karapatan ay sigurado na naaalagaan. [music break; END GAP 1]

    [GAP 2] ELY: Okay. Samantala, mga kasama, iyan ang ilan sa mga tinutukan po ng ating Bise Presidente sa nagdaang linggo. At dito naman, ngayong araw ng Sunday, pag-usapan at himayin din natin iyong nagdaang State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Duterte, na marami ho ang nagsasabi na parang nasapawan po ito ng agawan ng liderato diyan sa mababang kapulungan ng Kongreso. At kaya parang kapansin-pansin na matamlay ang talumpati ng Pangulo, para matapos lang, at binasa na lang. Pero maganda dito, nagulat ako, Ma’am, walang mura.

    VP LENI: Siguro iyon iyong pinakamaganda doon kasi straightforward. Kaya iyong bisita natin ngayon, Ka Ely, siguro ito na iyong isa sa pinaka-puwedeng asahan pagdating sa, parang, unbiased na assessment ng governance. Napakatagal niya na dean ng Ateneo School of Government. Actually nakilala namin siya ni Jesse, ng aking asawa, noong siya ay dean ng Ateneo School of Government. Pero iyong nakakalimutan, dati siyang undersecretary ng Department of [Environment and] Natural Resources, DENR, kaya ano din siya, environment advocate. Tapos teacher siya sa napakaraming paaralan. Nagulat ako, Ka Ely, dati hindi ko alam na taga-Cagayan de Oro pala siya, pero nag-launch kami ng Angat Buhay saka Istorya ng Pag-asa sa Xavier University, nagkita kami doon. Tinatanong ko siya kung anong ginagawa niya doon, iyon pala every week siyang pumupunta, saka sa iba pang paaralan. Pero i-welcome muna natin siya. Iyong atin pong bisita, kilala ng marami—ang daming followers nito sa Facebook, follower din ako, eh. [chuckles] Parang kapag binasa mo iyon, hindi mo na kailangang basahin iyong ano pa. Ang atin pong bisita, si Dean Tony Laviña. Sabi ko nga, dean ng Ateneo School of Government nang matagal. Magandang umaga sa iyo, Dea Tony.

    TONY LAVIÑA: Good morning, VP Leni. Good morning, Ka Ely. Pagbati din sa lahat na nakikinig sa buong Pilipinas, lalo na, una, sa Bicol—ang asawa ko ay taga-doon, my mother-in-law is in Legazpi, baka nakikinig naman—at iyong mga kababayan ko sa Cagayan de Oro, kung saan nagsimula ang RMN. Kami ng mommy ko nandito na sa Manila ngayon, pero marami akong kamag-anak at mga kaibigan doon. Masaya ako na nandito ako ngayong umaga.

    ELY: Samantala mga kasama, gaya nga po ng binabanggit ni Madam Vice President, mas maganda na kumuha tayo ng kaniyang mga pag-aanalisa sa naging laman ng talumpati ng Pangulo. At dating DENR secretary, maganda may nabanggit dito iyong sa mining, land use.

    VP LENI: Ito, Ka Ely, siguro huwag na muna nating pag-usapan iyong kontrobersiya sa leadership, kasi tingin ko na mas mahalaga na tingnan iyong laman mismo ng SONA. Ito, Dean Tony, noong first part ng speech ni Presidente, masaya ako, kasi iyong kaniyang mga binabanggit na mga batas, actually noong nasa Kongreso pa ako, 16thCongress, co-author ako sa ilan doon. Kami iyong mga sumusulong, halimbawa iyong Land Use, isa iyon sa mga unang bill na nag-co-author ako. Naaalala ko iyong main author noon si Rep. Kaka Bag-ao. Dati ko rin siyang kasama sa SALIGAN. At iyong Coco Levy Fund, kami rin iyong nagtutulak noon. Marami pang ibang magagandang batas na masaya tayo kasi priority ni Presidente.

    TONY LAVIÑA: So iyon, iyong Land Use, iyong Coco Levy—na ang alam ko nasa bicam na pala iyon, malapit na siyang matapos. Iyong (Department of) Disaster (Management), matagal na po iyon sa Disaster community, matagal na naming gustong mag-create ng independent department. Hindi naman pabaya iyong Office of Civil Defense; marami namang magaling doon—sina Usec. Palma noon, sina Usec. Jalad—kaya lang hindi talaga iyan main job ng Defense… Iyong Comprehensive Healthcare—

    VP LENI: Universal Healthcare, matagal na nating pangarap iyan.

    TONY LAVIÑA: So lahat iyan dapat nagkakaisa tayo, regardless of the politics. Parang iyong Bangsamoro Organic Law. Sinasabi nila na pinasa nila. You know, I credit Sen. Drilon, Sen. Zubiri, Sen. Angara, Cong. Lobregat, Cong. Sema, Cong. Fariñas—you know they did this together, to put together something na ginawa ng apat na administrasyon, from Ramos to Arroyo to Aquino and now to Duterte. Importante iyan.

    Pero may critique din ako kaunti doon sa speech, ano. One of the first parts, iyong sa human rights talaga. Sa akin, very, very basic iyan na iyong pag-dichotomize niya ng human rights at human lives, false dichotomy iyan, dahil alam naman ng lahat ng human rights advocates iyan. Kasi itong lahat na magagandang ito, kung hindi mo naman igagalang iyong pinaka-basic sa tao, then—lalo na sa mga mahihirap—it doesn’t mean anything for them, ‘di ba?

    VP LENI: Ito, Dean Tony, iyon iyong tingin ko sa sinabi niya, iyon iyong pinaka-controversial, noong sinabi niya na… parang nire-relegate iyong human rights sa istorbo lang. Parang sinasabi niya na, “Ako kasi, iyong mahalaga sa akin iyong human life.” Parang ito din, Tony, ‘di ba, alam natin na iyong right to live, pangunahing human right iyon, at isa iyon sa maraming gustong i-protect at hindi puwedeng okay ka sa iba, pero sa iba hindi. Kasi iyong human rights hindi lang iyan iyong right to life—iyong right to education, iyong right to proper healthcare, iyong karapatan mong kumain tatlong beses isang araw. Lahat iyon karapatang pantao.

    Pero ito din, Tony, sabi ko nga, tayong mga human rights advocates, siguro iyon din iyong challenge, ano? Na parang marami pa din tayong mga kababayan na iba iyong pagtingin. Sabi ko nga, siguro iyong challenge sa atin, paano ba natin mapapaabot na iyong karapatang pantao, ito iyong gustong sabihin. Hindi siya isang vague at academic concept, kasi ito, madalas natin itong naririnig—hindi lang sa Pangulo pero sa iba pang mga leaders—iyong human rights advocates—

    TONY LAVIÑA: Hangga’t hindi sila apektado, hangga’t ang kamag-anak nila hindi nabibiktima… Kaya sa akin, iyon iyong nakakalungkot dito, sa last two years. Kahit na magbago iyong Pangulo, kahit magbago iyong polisiya, kahit na sabihin na “Ngayon gagalangin na natin,” hindi ganoong kadali. Parang lumabas na sa isang bottle iyong genie na napakasama na, na apektado tayong lahat. Na we don’t care about the human rights of others. Kung pamilya na natin, doon tayo nasasaktan o kung kilala natin doon tayo nasasaktan.

    VP LENI: Mayroon din siya, Dean Tony, na binanggit tungkol sa pagtaas ng presyo, pero parang sumentro siya sa bigas. At sabi niya, isa sa pinakamalaking dahilan nito, iyong mga rice cartels, at binalaan niya.

    TONY LAVIÑA: Maganda iyon. In-endorse niya iyong tarrification bill, matagal na iyan.

    VP LENI: Oo, isang magandang panukala.

    TONY LAVIÑA: Medyo nalungkot lang ako kasi, actually, mayroon namang moves within his government—from Cabinet Secretary Evasco—to actually do that already. Pero every time na he has to make a choice, the President, parati niyang hinihindian iyong counsel doon sa dapat gawin. So parang may contradiction yata doon, na pinu-push niya iyong bill na actually gusto nang gawin ng kaniyang napaka-central figure sa administration niya. Hindi ko masyadong naiintindihan.

    Pero importante iyan. Actually, iyong deal with rice, ang laki ng diperensya. Kasi iyan iyong nasa sentro ng basket of goods natin, so napaka-halaga iyan.

    Iyong TRAIN nabanggit niya rin, ‘di ba? Iyan, medyo dangerous kasi alam natin, na kahit iyong lahat na epekto ng inflation hindi naman galing sa TRAIN, sa mata ng tao magkasama na iyan. Dahil sa timing. So ina-upsell nila iyong TRAIN, lalo na sa Senado, na narinig na natin iyong sa Senado. Lalo na kasi, tingin ko tama si Sen. Bam Aquino diyan: dapat kasi inayos muna nila iyong suporta sa mahihirap. Iyon dapat ang unahin mo. Kasi sa lahat naman ng ito, ang naaapektuhan directly iyong mahihirap—immediate iyong effect na iyon, at walang benefit sa kanila—

    VP LENI: Totoo.

    TONY LAVIÑA: — iyong tax reform.

    VP LENI: Sila iyong mga —

    TONY LAVIÑA: They don’t pay taxes, income taxes, they don’t pay that. So walang na-reduce sa kanila. In the meantime, tumaas ang mga presyo and walang tulong na binigay sa kanila.

    VP LENI: Ako din, actually—Ka Ely, kung naaalala mo—right after pirmahan iyong TRAIN law, bisita natin dito iyong Usec sa DOF, si Usec Karl. Ito, Dean Tony, iyong discussion kung papakinggan mo, ano talaga, beneficial naman in the long run. Pero iyong target yata ng DOF na first quarter of the year lumabas na iyong tulong sa mga mahihirap. Pero hanggang ngayon—halimbawa, doon sa speech ni Presidente, ang sabi niya mayroong 4 million nang nabigyan ng 2,400 [pesos] a year, pero ang target 10 million, kasi 10 million iyong pinaka-maaapektuhan ng pagtaas ng presyo ng bilihin. Pero iyong 6 million, third quarter na ngayon, wala pa din. So parang gustong sabihin, Dean, tumaas na iyong presyo first quarter of the year, pero ang tulong sa pagtaas ng presyo wala pa din.

    TONY LAVIÑA: In fairness, hindi lang ngayon ito totoo, sa past administrations din ito. Iyan ang problema when you do a reform tapos maglalagay ka ng safety nets, pero iyong safety nets one year or two years, three years, after. In the meantime nagsa-suffer na iyong mga tao. Dapat unahin muna iyong safety nets bago iyong reform i-put into place. Hindi ko nakita iyon masyado. Nag-talk si Presidente, “I want TRAIN 2, 3, 4 and 5.”

    VP LENI: Noong sinabi niya iyon, Dean Tony, ang hinihintay ko sana, na tingin ko iyong ibang nanonood ganoon din, na parang assurance na hahabulin natin in the soonest possible time iyong tulong para sa mahihirap, sa TRAIN 1. Parang hindi iyon nabanggit.

    Tapos ito din, Dean Tony, parang iyong mga kausap namin na mga naka-receive na noong 2,400—200 a month iyon, 200 a month—parang iyon ay tulong sa kanila sa mga umakyat na presyo, pero iyong reklamo nila, kulang na kulang daw. Kasi parating example nila iyong bigas. Kasi iyong bigas… sa isang interview, sinabi ko 40 pesos iyong per kilo. May nakarinig pala… may nakarinig na isang community, tapos pagpunta ko, sabi nila, “Ma’am, hindi 40. Ang binibili namin 45.” Sabi ko, “Bakit, 45 ba iyong pinaka-mura?” Sabi nila, “actually may 42 naman, pero ang binibili namin iyong 45 kasi maputi, mabango, kahit walang ulam puwede na.” Pero iyon ay napakataas na pagtaas, ‘di ba, compared doon sa pinagmulan. Ang problema nito, Dean Tony, may pag-aaral sa mga mahihirap na halos 25 percent ng budget nila napupunta sa bigas.

    TONY LAVIÑA: Kaya iyong dean ko sa Ateneo School of Government, si Dean Ron, nag-uusap kami ni Ron palagi na major policy shift doon sa rice is iyong strongest anti-poverty ano, ano, kasi immediate iyong effect niyan sa mga tao without anything that you actually do.

    ELY: Iyong kanin kasi kahit kaunti lang iyong ulam—

    VP LENI: Kahit walang ulam.

    TONY LAVIÑA: Kailangan ng batas to just to change the tarrification, pero marami nang reforms na puwedeng gawin si Pangulo, kung gusto niya ma-relieve iyong mga tao dito sa inflation. Iyong puwede na niyang gawin ngayon.

    VP LENI: Ito, Dean Tony, alam natin na isa sa mga pinaka-pangunahing dahilan kung bakit sobrang tumaas iyong presyo ng bigas, dahil halos naubos iyong buffer stock sa NFA. Kasi iyong ginagawa dati, parang by law yata dapat may buffer stock na good for 15 days. Pero iyong mga nangyari in the past months, parang hanggang 2 days na lang iyong available. Ang problema, noong nagtaasan iyong commercial rice wala silang maibuhos sa market, kasi iyong ginagawa pala dati, Ka Ely, kapag nagtataasan iyong presyo ng bigas, ang gagawin ng NFA, magbubuhos siya ng murang bigas sa market para mapilitan na bumaba. Pero noong naubos iyong buffer stock niya, wala na. Kahit tumataas iyong presyo, wala siyang pangontra. Pero ito, Dean Tony, bakit ba palagay natin naubos iyong buffer stock?

    TONY LAVIÑA: Kasi iyong hindi ma-settle-settle within the government iyong ano bang paraan ng pag-replenish ng buffer stock—government-to-government, or iyong private… government-to private na approach? Kasi iyong government-to-private, pagka-bidding, mas mabilis, at mas mura compared to government-to-government. And there was a big fight within the administration, kasi CabSec Evasco with all the economic managers, mas gusto nila iyong private para mas mabilis, mas mura. Pero si current administration ng NFA, mas gusto nila iyong government-to-government. Wala naman akong alam about corruption or anything, pero iyong system na ganoon is really, ‘di ba government-to-government lang, mas madali lang iyong corruption doon pumapasok, at mas mahal iyon and less reliable. Unfortunately, si Pangulo, in the fight, eventually decided to side with the traditional way of doing things. So tingnan mo anong nangyari.

    VP LENI: Parang iyong away sa loob nakabagal ng pagdesisyon.

    TONY LAVIÑA: Exactly.

    VP LENI: Tapos ito, parati natin itong naririnig. Naririnig ko na parang ang gustong policy ng administrasyon iyong rice self-sufficiency. Pero kapag iyong mga economist natin iyong nag-a-analisa, sinasabi nila na hindi talaga kaya. Kapag pinilit natin mas tataas iyong presyo ng bigas, mas mabuti mag-i-import talaga.

    TONY LAVIÑA: Matagal nang umalis iyong train sa station diyan. Matagal nang umalis. [laughter] Not that kailangan—siyempre kailangan pa rin noong domestic production, you have to protect that for eventualities. Pero iyong on daily sustainable needs, hindi talaga puwede iyon.

    VP LENI: Tapos iyong tarrification, para doon sa mga nakikinig sa atin, iyong pag-import, parang ang pinaka-proposal may 35% na tariff iyong bigas pagpasok. Tapos iyong pinaka-income ng gobyerno na makukuha doon, sa mga magsasaka din itutulong para kahit paano makahabol sila, kasi ano talaga, napapag-iwanan iyong ating mga magsasaka. At iyong nakakalungkot dito—ito proyekto din namin sa Angat Buhay—kapag pumupunta ka sa communities, halos sila iyong pinakamahihirap, sila saka iyong mga mangingisda. Iyong ironic dito, kasi sila iyong nagpo-provide ng pagkain natin. Kaya nakakalungkot talaga.

    ELY: Kaya iyong mga anak nila ayaw magsaka talaga, umaalis ng probinsya o bukid.

    TONY LAVIÑA: Sa buong mundo iyan, kaya dapat mong bigyan ng espesyal na atensyon kung gusto mong buhayin iyong agricultural sector mo.

    VP LENI: Pero tingin mo din, Tony, paano ba—siyempre parang pinu-push natin na sana lakihan iyong budget sa agriculture, pero sabihin na natin, hypothetically iyong budget sa agriculture, tingin mo ano iyong mga components na kailangan talagang bigyan ng pinaka-utmost na atensyon?

    TONY LAVIÑA: Well, alam naman natin, ‘di ba, iyong kaugnay din iyan sa agrarian reform, matapos sana iyong buong agrarian reform program, kasi napakahalaga iyon. Pero even sa agrarian reform, without support services doon sa mga magsasaka directed towards them para makatulong sa kanila mag-adopt. Ang challenges natin sa agriculture, dalawa: una, iyong global, economic; pangalawa iyong physical—climate change, iyong weather, anong klaseng crops na gagawin. Kailangan ng directed assistance niyan at support. I think doon tayo nagkukulang sa ganoong klaseng support services. So siguro dapat iyon ang bigyang pansin.

    For me, isa iyan sa mga nakakalungkot kasi iyong DAR, matagal na naman iyong kasaysayan ng DAR ng pagtulong sa mga magsasaka. Iyong administration, hindi marginalized; the secretary doesn’t come from the sector, doesn’t really understand. Noong nandoon si Ka Paeng Mariano, at least alam niya iyon, alam niya iyong kailangang gawin, pero ngayon medyo hindi nabibigyang pansin.

    Si Sec. Piñol naman, trying to be very aggressive in supporting farmers, pero ang sense ko din, hindi directed to very specific iyong support na iyon.

    VP LENI: Saka ito din, Tony, iyong isa sa nalungkot ako, iyong parang warning niya tungkol sa anti-drug war. Parang iyong terms kasi na ginamit niya, “will be as relentless and chilling.” Iyong interpretasyon ko doon—hindi ko alam kung iyon iyong gustong sabihin ng ating Pangulo—parang magpapatuloy iyong patayan.

    TONY LAVIÑA: Alam mo, VP, ganito kasi iyan, for the country, iyong mga kababayan natin: gusto ba talaga natin ng 100,000 people dead at the end of this war—at karamihan niyan mahihirap? Iyong figures na iyan galing sa kanila, kasi mayroon silang figures na inilabas. Iyong figures na nilabas nila, 5,000 iyong nanlaban, iyon iyong sabi nila legitimate operations. Iyan kinu-question ko iyan kasi wala naman tayong reports galing doon. And then 23,000 na deaths under investigation. So that’s the real number in 2 years, so kung i-extrapolate mo iyan in the next four years, aabot ka ng 100,000. Hindi iyan acceptable, lalo na’t mga mahihirap. At lalo na’t hindi siya nagso-solve ng problem. Hanggang ngayon malala pa rin iyong drugs, ‘di ba, dahil hindi naman iyan iyong solusyon. Lalo na sa demand side, ‘di ba? Iyong demand side, solusyon sa demand side, is really rehab intervention. Hangga’t nandiyan iyong demand na iyan, kahit anong gawin mo sa supplier, pagpatay mo sa mga tao, both the addict and the pusher, hindi mo maso-solve iyong problema. Kaya nakakalungkot na hindi nakikita ni Pangulo iyon.

    ELY: Saka iyong napapasok dito iyong mga na-i-smuggle. Ehemplo na iyong 6.5 na bilyon na droga, caretaker lang iyong naparusahan.

    VP LENI: Hindi talaga na-resolve.

    ELY: Kasi iyong talagang inaasahan natin, kasi isa sa mga binabanderang adbokasiya at kampanya ng administrasyon laban sa ilegal na droga. Iyong nangyari na may na-smuggle na 6.4 billion na shabu, caretaker lang iyong nakasuhan.

    VP LENI: Iyong event na in-attend-an ko kagabi, isa doon sa mga speakers dating official ng Thailand. Ngayon nasa oposisyon na siya, pero kinukuwento niya na noong nasa administrasyon pa siya, nagkaroon ng ganitong klaseng anti-drug campaign sa kanila. Sa kanila, Ka Ely, ang sabi niya 3,000 iyong namatay. pero iyong kabutihan noon, kasi noong 3,000 na iyong namatay, parang in-appoint na iyong attorney general na magbuo ng isang fact-finding committee. Iyong results noong fact-finding committee, of the 3,000, parang 1,200 iyong innocent na pinatay. Ang sabi niya policy daw iyon ng kanilang presidente. Buti na lang daw nakialam iyong kanilang king, si King Rama IX yata, nakialam, at nag-order na hintuin, kasi kung hindi yon nakialam patuloy pa din sana. Pero sabi niya, ganoon kadami iyong namatay sa amin pero hindi naman na-solve iyan.

    TONY LA VIÑA: 200 000 patayin mo, hindi siya maso-solve na walang expert nagsasabi na maso-solve sa ganung paraan.

    VP LENI: Iyong sa ano, Dean Tony, ‘di ba? Sa South America. Mayroong mga bansa na – Velenzuela yata, na ganun din iyong polisiya.

    TONY LA VIÑA: Exactly.

    VP LENI: Hindi din nasolve.

    TONY LA VIÑA: Wala, wala, wala. Kasi kung patayan kasi, ‘di ba, lalo na iyong low end yung hahanapin mo, wala ka namang malulutas sa ganung kalseng ano…

    VP LENI: At tsaka, ano din Tony, ‘pag kausap mo na talaga iyong pamilya, parang heartbreaking. Halos may pattern, Ka Ely. Meron nung April – birthday ko pa naman yun, may pumunta na isang grupo pero apparently iba iba yung pinanggalingan. Meron… parang sa Caloocan, maraming nangyayaring ganyan. Pero iba, hindi naman talaga Caloocan. Pero yung manner ng pagpatay, pareho. Iyong pare-pareho sila na pinapasok habang tulog sila. Forcibly pinapasok iyong mga bahay. Ano daw, parang pinapalabas… pinapalabas…parang may isang target. Pinapalabas iyong mga asawa, iyong mga anak, minsan, mga apo. Tapos, iyong mga lalaki na pumasok sa kanilang bahay, iyong claim nila, mga pulis. Maririnig na lang daw nila after a few minutes, may putukan na ng baril, tapos pagpasok nila, patay na yung asawa. Pero merong iba na hindi lang iyong head of the family pinapatay.

    KA ELY: Dinadamay lahat.

    TONY LA VIÑA: Si Bishop Pablo David, makinig kay Bishop Ambo David, na ang tawag talaga niya the death squads. Ano pala yan, from four, three, to fourteen kung saan, naka-bonnet, pipili pa ng mga taga-community para tuturo ng mga tao. ‘Yun pala, rine-replenish yung drug list, so talagang hindi siya matatapos. Hindi siya matatapos hanggang may mga tao ‘dun. Clear sa akin ‘yan. These are crimes against humanity na nap-perpetrate sa mga mahihirap sa Pilipinas, no? May accountability diyan eventually, pero sana, tigil na muna.

    VP LENI: Tigil na muna habang ‘di pa siya nareresolve. ‘Eto din, Tony, may isang shinare din iyong bisita kahapon sa Thailand. May isa daw sa mga findings nung fact-finding commission. Iyong mga drug list nad-draw up sa mga community, karamihan doon, talagang may alam tungkol sa drugs. Pero ‘eto iyong nakakaalam daw nung mga ginagawa ng mga officials, mismo. Iyong mga officials, mga pulis, kung sinong community leaders na involved sa drugs. Ayun daw iyong sinasali sa drug list, whether user sila or hindi, basta may nalalaman, iyun iyong mga nauuna. Kaya…

    TONY LA VIÑA: At mayroon talaga iba na kaaway ka lang ng barangay official, nasasali ka na doon, no?

    KA ELY: Opo. Pero ang masaklap po rito, talagang kapag tumututol ka naman sa mga ganyang isyu, sasabihing ‘naku kampi ka sa mga drug lord.’

    VP LENI: Oo.

    TONY LA VIÑA: Oo, dilawan ka.

    KA ELY: Oo, dilawan.

    TONY LA VIÑA: Hindi na ko apektado diyan, kasi ‘di ba, the important thing is ano iyong katotohanan at parang, ‘yun. Tulad ng sinabi ko… VP said the other night na parang, you just have to, ‘di ba, say what the truth is. Kasi kung magpapatakot ka dahil sa intimidation ‘di ba, walang mangyayari sa bayan… bayan natin eh, so I think we just have to do that. At napansin ko naman na lalo na kasi nagsasalita ako all over the country to give the national situation. Basta iyong objective set of facts, nandodoon. And then, solusyon. Importante iyong solusyon-oriented. Ano ba talaga? So sa war against drugs kasi, importante, we have to recognize, na may failure tayo sa society doon sa drugs problem, ‘di ba?

    VP LENI: Pero anong dapat gawin?

    TONY LA VIÑA: At anong dapat gawin? Mali ang ginagawa ng gobyerno pero kailangan may alternative tayo. Kailangan iyong simbahan may alternative. Kailangan iyong civil society may alternative. Iyong local government, napakahalaga in this to, ano, sa karanasan ko, where the mayor says ‘no, walang patayan.’ Doon sa mga bayan na controlled by mayors, ah. Unfortunately, at least in fairness lang sa Metro Manila, ano? Quezon City, Manila, Caloocan. Even if the mayors say no there, wala silang control. Kasi it’s such… millions. ‘Di ba, millions iyong… tingnan mo iyong Pateros. Iyong Pateros, early on sa war against drugs maraming namatay, but it stopped because the mayor said ‘no, hindi na pwede.’

    VP LENI: Tsaka naaalala ko, parang diyan yata sa Pateros iyong si Mayor naglagay ng maraming mga ano, mga billboards tsaka mga tarpaulin na cinocondemn.

    TONY LA VIÑA: Billboards. Mga babae. Actually, mga mothers, pinadeploy niya sa gabi para ano, para, alam mo yung important sinabi niya sa pulis, “hindi natin itutuloy iyang mga vigilantes,” so tumigil siya. But the funny thing is, siya pa rin iyong pinakamataas na ratio. Kasi yung 6:1 ngayon, maraming ano. But itong mga bigger cities, I think you have to find another strategy to stop it, kasi kailangan nating gawin. Pero solution-oriented ito sa mga bagay na ito cause you can criticize, which is fair enough, pero kailangan solutions-oriented.

    KA ELY: Opo, pero tama ho ba iyong, talagang dati na binabanggit na save the user, jail the pusher, parang ganun?

    TONY LA VIÑA: Tama na iyon. Kung ngayon, someone breaks the law, ‘di ba you have to… you have to do that. Part din ‘yan sa problema. Because the definition of the law of what is a pusher is actually a bad definition. So lahat yan dinadala sa korte. You know, I know many of my students who are now judges, I mean all over the Philippines. Many of them are drug court, or contemporaries iyong iba, drug court judges, pero overwhelmed sila. Kasi kahit maliliit na possession, nadadala sa kanila, ‘di ba? Ngayon nangyayari diyan, scape and accountability. So mismo nakikita mo sa korte mo, the deals are being made between the fiscal, the police, and the accused, ‘di ba? Sa dami lang. Kung sa halimbawa, kung two thousand iyong kaso mo, three thousand iyong kaso mo.

    VP LENI: Gusto mo dispositioned ‘di ba?

    TONY LA VIÑA: ‘Di talaga ‘yan mad-dispose of kung ano, ‘di ba? So nakikita mo the deals are being made.

    VP LENI: Kung full hearing.

    TONY LA VIÑA: Kung mga sampo lang ang kaso mo, ‘di ba? Then you can give the full… ‘di ba? So people are able to escape accountability dahil diyan.

    VP LENI: Tsaka sa jail mismo, Dean Tony. Naalala ko nagbisita ako dito sa Camp Caringal na women’s correctional. Sobrang daming talaga ng inmates. Pati hagdan, Ka Ely. Iyong bawat baitang, may natutulog. Meron tayong nakikita na mga jail na nagt-take turns sila kung sino ang hihiga. Iyong iba nakatayo kasi talagang kulang iyong lugar. Lalo pa ngayon. Lalo pa ngayon na sobrang grabe iyong paground up sa drugs. ‘Eto din Tony, ‘di ba yung mga experts parating sinasabi dapat yung treatment sa user, pasiyente eh. Na dapat iyong…

    KA ELY: Biktima.

    VP LENI: Parang health problem dapat tingnan, para iyong solusyon mo mas curative – mas papunta sa paggaling ng pasiyente. Marami tayong examples ng mga successful na mga tao na dumaan din sa ganyan na phase, na kung pinatay sila wala sana sila ngayon.

    KA ELY: Tama. Tama.

    TONY LA VIÑA: Exactly. Exactly.

    VP LENI: ‘Eto din, Tony, iwanan natin yung drugs. Ang isa pang pinaguusapan iyong policy natin sa China. Una iyong, merong impression na very tolerant tayo at ‘pag naririnig natin si presidente palagi niyang sinasabi ‘independent foreign policy.’ Tingin natin okay naman iyong independent foreign policy. Pero, sa iyong palagay, sapat ba iyong ginagawa ng administrasyon ngayon? Sapat ba pagbill sa China, considering na maraming accusations na iyong kanilang pagsakop sa mga islang dapat sa atin.

    TONY LA VIÑA: Hindi. First of all, sa SONA, since pinag-usapan natin SONA. Actually, the strongest statement ‘yun ever ng pangulo, ‘di ba, na sabi niya we have to have good relations with China but we will not… we will defend the territory. We will not be unfaithful to that, so that’s welcome. I think we should welcome and praise the president for that very clear policy statement. Malinaw naman iyong polisiya statement doon. Kaya lang, siyempre iyong polisiya kailangan may galaw ‘di ba? May kilos ka, and iyong kilos unfortunately ng administration na ito ay pabaya doon sa pagdefend ng ating territory. Sinasabi nila, tahimik lang daw, pero ‘di ba, wala pa tayong nakikita so ‘di ko alam kung meron talagang ginagawa. Cina-challenge namin, pakisabi naman sa amin kung ano talagang ginagawa niyo: may sinulat ba kayo? Nakarecord ba kayo? Sayang kasi noong nanalo tayo sa The Hague, nagbigay ng leverage sa atin yan. Sana nakinig na lang yung administrasyon. Actually, brinief naman sila ni Justice Carpio. Brinief sila ni Justice Jardaleza, alam ko yun. Brinief sila ni Atty. Hilbay right after the win. Marami tayong pwedeng gawin sana, and wala namang question sa giyera dito. Of course, hindi tayo makikipaggiyera sa Tsina. At sa totoo lang, hindi makikipaggiyera iyong Tsina sa atin. Actually…

    VP LENI: Maraming at stake.

    TONY LA VIÑA: For them, yeah. Iyong importante sa Tsina, kahit paano, iyong ano, iyong impression na nagf-follow sila ng rule of law. So iyong giyera mismo, out of the question ‘yan sa kanila, iyong halimbawa, invasion. Ganyan. Iyong giyera na t-take over sila ng island gagawin nila ‘yan kasi, ‘di ba? Sheer force lang iyong paggamit na yan, so kailangan natin mag-isip ng… siympre wala naman tayong force. Dapat…

    VP LENI: walang pantapat.

    TONY LA VIÑA: Dapat inano natin yung Navy, ‘di ba, susuportahan natin yung Navy to really modernize pero dahil wala tayo doon, kailangan diplomatic iyong ating approach, ‘di ba, na sayang, kasi iyong Aquino administration, talaga na-line up na nila yung diplomatic initiative doon, for almost the whole world ‘di ba; ninety percent of the world was with us on China. Iyong mga die hard lang na mga allies China were not with us on this.

    VP LENI: Pero ito din Tony, siguro iyong examples din ng Vietnam tsaka Indonesia, na ‘pag may attempt na sakupin sila, talagang umaalma. Halimbawa iyong Vietnam napakastrong nung statement. Bawat galaw ng China na ‘pag tingin nila na pagthreaten sa sovereignty, ay iyong kanilang mensahe talagang klaro. At iyong Indonesia, Ka Ely, hanggang sa pagpapasabog ng mga, parang mga barko ng Chinese fisherman na sumasakop sa territory nila, ginagawa nila, pero wala namang giyera nangyayari. Iyong hinihintay sana natin Dean Tony ‘di ba, na sana hindi lahat na… lahat na galaw na nat-threaten tayo. At least na lang may diplomatic protest.

    TONY LA VIÑA: Exactly, para mapreserve mo for the future. In one point, tama si President Duterte na ito, hindi talaga ‘to mareresolve ngayon. In fact, sa tingin ko another thirty, fourty, fifty years. Technology ang kailangan dito. Kung magkaroon tayo ng technology to exploit those resources na, ‘di ba, na we don’t violate territorial ano. That’s not yet clear now. Pero, marami tayong puwedeng gawin ngayon to preserve that na hindi ginagawa ng gobyerno. As a lawyer, medyo takot ako diyan na, mabalik ito sa atin in five years time, medium term, na ginive up. Ginive up niyo na ‘yan. Wala na kayong claim diyan, ‘di ba? Siyempre we have to be robust about that. I mean even now, I think people are planning this; iniisip ng mga tao paano icounter iyong klaseng argument, ‘di ba? Alam ko, ito lang iyong pagpupuri ko Ma’am Leni ano, na marami sa burokasiya, hindi ko na lang sasabihin which bureaucracy, but technical people, good people that have been working in this, ano. Kakampi naman sila doon, ‘di ba, and in their own work, sinusubukan nilang mapreserve iyong space natin laban sa Tsina.

    VP LENI: ‘Eto Dean Tony, may nababanggit sila na ang isa mga pinakacrucial sana sa atin ngayon iyong Reed Bank. Kasi iyong Malampaya…

    TONY LA VIÑA: Naubos na.

    VP LENI: Ito iyong source ng kuryente sa buong Luzon at paubos na ‘to. Iyong meron sanang bagong source, maraming oil talaga dito sa Reed Bank pero sinasabi nila na dapat as early as now nagd-drill na tayo in preparation for the future pero iyong attempt natin na gawin iyon, pinaalis tayo ng China. Kahit sinabi ‘dun sa decision na ‘atin iyon. ‘Eto, Dean Tony, tingin mo may pag-asa pa ba? Na may pag-asa pa bang mabawi natin iyon at makahanap ng paraan para meron tayong source ng kuryente ‘pag naubos na iyong Malampaya?

    TONY LA VIÑA: Well, the options are running out pero may pag-asa pa. I mean, pero kailangan i-reverse ng Duterte administration iyong kanilang foreign policy sa China and that’s what’s very clear. And time is running out on them para doon. So iyon ang challenge sa kanila and hindi iyon rocket science, alam naman nila anong kailangan gawin diyan. It’s a policy decision. Maganda may lumabas ano? Kasi ang exchange natin sa ating pagkamabait sa China iyong economic concession. Pero, kakalabas lang isang report, ‘di ba, na nagsasabi, ‘zero benefits,’ ‘di ba, from the Chinese relationship.

    VP LENI: Andaming pledges wala pang…

    TONY LA VIÑA: Pledges lahat, wala naman talagang nangyayari, ‘di ba. So maybe matatauhan naman iyong ating administrasyon and I think calling on Secretary Cayetano, particularly, and of course, the president na baka time na to reverse the China policy.

    VP LENI: Ito Dean, wala na tayo, Ka Ely, oras pero may isa na lang akong itatanong kay Dean Tony kasi related ito diyan. Two days ago yata, lumabas sa diaryo na upon inspection… upon parang inspection of documents sa Bureau Of Immigration, and nakita na in the past two years, parang three million na mga Chinese ang pumasok sa Pilipinas. Tingin mo, Dean Tony, should this be a cause for concern?

    TONY LA VIÑA: Well, it’s a cause for concern cause we need to know ano ginagawa nila ‘di ba? Nanawagan din ako sa lahat, even our politicians, (inaudible), kasi marami ding Filipino nasa abroad, ‘di ba, na pumupunta sa ganyan so baka may economic opportunity. Importante alam natin ano bang ginagawa nila dito. Kasi ayaw mo din naman magpaoverwhelm doon, na related ba yan sa dispute natin or is this purely economic ano? Kung economic, bakit nandoon ‘di ba? Alam kong marami sa mga casino, marami diyan. Pero sa dami ng ‘yan…

    VP LENI: Ano iyong benefit sa atin?

    TONY LA VIÑA: Ano iyong benefit sa atin? At anong competition ng ating labor force kasi, ano din ah. Iyong joblessness mababa din.

    VP LENI: Tsaka tumaas.

    TONY LA VIÑA: Tumaas iyong joblessness, hindi bumaba. Mababa ang job, ano natin, ‘di ba, iyong mga tao, iyong employment rate. So baka nagc-compete naman doon.

    VP LENI: Baka maagaw.

    TONY LA VIÑA: Before we go, gusto ko lang mag-end with positive: iyong charter change. The good thing about the SONA, sa akin nagrelief ako doon sa charter change. Mukhang una, napaka-trepid ng kanyang endorsement doon, pero ok si CJ Puno to compose that so… so I actually feel na may space tayo about this. Kasi iyon iyong pinakaworry actually ko na…ng…na…

    VP LENI: Baka madiliin.

    TONY LA VIÑA: Ir-railroad iyong… Ir-railroad iyong…ano. And parang, parang ganun iyong stand ni President Duterte. Parang…atras…

    KA ELY: Atras-abante.

    TONY LA VIÑA: Atras-abante, ‘di ba, so medyo nag-atras ngayon and then iyong pagtakeover ni President Arroyo ng house will also mean that. Una, kasi right now, consolidated iyong senate ngayon, ‘di ba? Iyong huling mga dati siguro, mas bukas, hindi na sila bukas because of the history with the speaker ‘di ba? So, I leave with a positive note. Parang, on something like charter change, sige, pwede nating pag-usapan pero wag natin madaliin.

    KA ELY: Madaliin.

    VP LENI: Madaliin. Iyon naman iyong hinihingi natin, Dean Tony, na sana huwag madaliin, para may espasyo sa debate. May espasyo para iyong tao ma-inform.

    KA ELY: Opo.

    TONY LA VIÑA: But the greatest thing about the SONA for me, hindi yung kay GMA, hindi iyong speech ni Presidente: iyong nasa labas. Iyong United People’s SONA.

    VP LENI: Oo. Kakagulat iyon ano?

    TONY LA VIÑA: Bakit? Kasi lahat ng grupo, matagal na yan… marami diyan ‘di na naguusap. Marami diyan may iba ibang perspektibo, pero lahat ng grupo na sa tingin ko ma-ano sa bayan natin…

    VP LENI: Nagsama-sama.

    TONY LA VIÑA: Nagsama-sama.

    VP LENI: Dati, ayaw nila magkakasama.

    TONY LA VIÑA: At magkatuluyan sana ‘yan in the months to come. Kasi, marami pa tayong kailangan harapin.

    KA ELY: Opo. Okay, maikli lang Dean, para sa akin, ang tanong ko. Iyong Abu Sayyaf, pwede bang bigyan ng ano iyon, ng parang amnestiya o bibigyan pa nga ng Order Of Lapu-Lapu, parang ganyan?

    TONY LA VIÑA: Oo, amnestiya, pwede. Ang problema diyan…Order Of Lapu-Lapu, sa tingin ko naman, parang biro?

    KA ELY: parang biro lang siguro ni Duterte iyan.

    TONY LA VIÑA: hindi… hindi seryoso iyon. Ang problema sa Abu Sayyaf, it’s a criminal organization now, ‘di ba? Hindi naman siya talaga… not even a revolutionary or an organization with a cause, ‘di ba? It’s really a kidnap-for-ransom organization…

    VP LENI: Tsaka terorista.

    TONY LA VIÑA: na terorista siya. So parang hindi mo siya pwedeng… ‘di ka pwede magpeace talks doon so mas mabuti magpeace talks siya doon sa Communist Party, sa NDFP. Mahirap iyon, pero sa totoo lang, ‘di ba may possible agreement kasi may demand. May demand na pwedeng pagusapan, ‘di ba, tungkol sa social reforms, political reforms, iyong ganyan. Pero iyong Abu Sayyaf, sa alam ko, wala namang demands.

    KA ELY: Okay, so attorney, salamat po sa inyong oras Dean ah.

    VP LENI: Dean, maraming maraming salamat. Kulang na kulang, Ka Ely, iyong oras natin. Pero sana in the future, Dean, maimbitahan ka pa namin.

    TONY LA VIÑA: Of course, of course.

    KA ELY: Opo. Okay, mga kasama, at iyon po si Dean Tony La Viña, mga kasama. Inyo pong napakinggan at nakatuwang po namin ni Bise President sa ‘pag himay sa laman ng State Of The Nation Address ni Pangulong Duterte noong nakaraang Lunes. [END GAP 2]

    [GAP 3] ELY: At siyempre bahagi pa rin ng ating Biserbisyong Leni ay ang Istorya ng Pag-asa, mga kasama. Importante po ito, pangunahing sangkap po ng ating palatuntunan at alam niyo ho talagang isa rin po ito sa tinututukan po ng ating Bise Presidente. Importante ito dahil sa nagbibigay po ito ng inspirasyon sa lahat.

    VP LENI: Lalong-lalo na itong guest natin ngayon ka Ely kasi ang film na ginawa niya nanalo, mayroong special award pa, di ba? Best cinematography. Ayan, Best in Cinematorgraphy. Pero ito ka Ely dapat mapanood mo ito. Kasi talagang hindi lang napakaganda ng kuwento pero talagang iyong scenery ang ganda. Pero i-welcome muna natin siya, ang atin pong bisita si AR Angcos. Siya ang filmmaker, ang pangalan ng film niya ka Ely, “The Climbing Puppeteer.” Ito AR, mag-greet ka muna sa ating mga listeners.

    AR ANGCOS: Good morning po VP Leni and ka Ely, and sa mga nakikinig po and nanonood po sa atin.

    ELY: Okay good morning.

    VP LENI: Ito AR parang sinasabi na bata ka pa lang mahilig ka na sa paggawa ng pelikula. Saan nanggaling iyon?

    AR ANGCOS: Well nagstart kasi iyon, siyempre noong bata ako amaze na amaze ako sa mga video cameras. Tapos ang church namin parang nagrerecord ng isang sermon doon, tumitingin ako tapos nakita siguro ang curiosity ko ng isang nag-ooperate, so pinahawak sa akin. Starting noon parang lagi ako tumutulong na mag-ano, eventually natuto ako mag-ano, mag-edit, tapos doon nagsimula lahat po.

    VP LENI: Kasi talagang ano, talagang napakaganda ng ginawa niyang film. Ito parang nabasa ko AR na iba sana ang ipapasok mo sa film festival. Tungkol sana ito sa isang mangingisda?

    AR ANGCOS: Opo.

    VP LENI: Isang mangingisda na naging isang tour guide ba? Tapos naisip ko kasi ang husay mo sa cinematography ang Caramoan very scenic di ba? Siguro napakaganda ng film na iyon. Pero later on nagdecide ka itong “Climbing Puppeteer” ang isubmit mo. Bakit ganoon ang desisyon mo?

    AR ANGCOS: Kasi bago ko po nalaman ang about sa Istorya ng Pag-asa, mayroon na akong material noong sa…kasi pag nagtatravel ako lagi akong kumukuha ng videos at saka nag-iinterview din ng mga tao so marami akong mga materials. Iyong ano, na-edit ko na iyon actually iyong sa Caramoan na ano, story. Kaso nalaman ko na parang 5 days before noong deadline, nalaman ko na isang officer pala namin sa UNESCO, na kasama ko ng ilang taon na, hindi ko alam na iyong storya pala niya is ganoon ang ginagawa niya. Iyong ganoon ka-inspiring ang story niya, na nasabi lang din sa akin ng isang officer namin. So right there tinanong ko siya kung free ba siya ng ano, free siya parang 3 days before. So ganoon, sinundo ko siya sa BGC ng madaling araw.

    VP LENI: Oo kasi BPO, nasa BPO siya. Tapos pag weekend, nagmamountain climbing siya, di ba iyong si Marky? Tapos ang kuwento niya ka Ely, sa pag-hike niya, may naka-come-across siya na mga mahihirap na communities. Tapos itong mga mahihirap na communities parang gusto niyang tumulong. At iyong isa sa mga, parang isa pero naging centro na ng kanyang tulong ay nagtuturo siya lalo sa mga bata. Pero kaya siya “Climbing Puppeteer” kasi naisip niya na dapat medyo may gimik iyong pagkuwento niya sa mga bata, pagturo. Bumili siya ng isang puppet. Ang ganda noong puppet niya.

    AR ANGCOS: Medyo mahal nga daw sabi niya. Pinag-ipunan talaga niya.

    VP LENI: Oo. Kasi malaki siya. Tapos nag-aral siya ng ventriloquism. Iyong di ba iyong parang nagsasalita ang puppet, pero hindi gumagalaw ang bibig niya siya pala ang nagsasalita. Kaya very effective. Ito ang ano AR, saan niyo iyong shinoot?

    AR ANGCOS: Sa ano po, Dumagat sa Rizal, Tanay.

    VP LENI: Ah sa Tanay. Kasi ang ganda. Sobrang ganda ng scenery lalo na iyong nakatingin, iyong parang hindi ko alam kung ending yata iyon, oo nasa peak siya tapos….

    AR ANGCOS: Overlooking sa community.

    VP LENI: Sobrang ganda. Ako iyong gustong-gusto ko iyong naglalakad siya na mataas iyong ano iyon, iyong mga grass tapos…

    AR ANGCOS: Drone shot.

    VP LENI: Oo. Papunta siya doon sa mga communities. Tapos ito talagang napakainspiring ang ginagawa ni Marky. Ito ba hanggang ngayon ginagawa niya iyon?

    AR ANGCOS: Opo. Actually very consistent siya every weekend talaga kung saan saan siya pumupumunta.

    VP LENI: Without fail.

    AR ANGCOS: Opo. Parang sabi ko nga, “hindi ka ba napapagod?” Sabi niya hindi, pangrelax daw niya iyon.

    VP LENI: Hindi ka pa niya naaaya?

    AR ANGCOS: Naaya na ako tapos may plano kami bumalik doon sa Dumagat din ulit para tingnan namin, sukatin na po iyong parang pinaplanong library doon.

    VP LENI: Ah wow. Ah nagpaplano siya ng library doon?

    AR ANGCOS: Opo. Iyon po talaga ang gusto naming ibigay talaga doon sa community.

    VP LENI: Naku AR baka puwede tayo magpartner diyan. Kasi…

    AR ANGCOS: Opo kailangan po namin ng partners.

    VP LENI: Oo kasi sa Angat Buhay talagang nagbibigay tayo ng mga libraries. Kaya puwede siguro tayong magpartner. At saka ang Tanay, area namin iyan. Actually nagkaroon kami ng Metro Laylayan doon. Alam mo ka Ely itong si AR napakabusy niyang tao. Ano siya, CEO ng isang kumpanya.

    AR ANGCOS: Start-up company po.

    VP LENI: Oo start-up company pero youth leader din. Kaya nagulat ako AR noong sinabing filmmaker ka din. Kasi iniisip ko, saan mo nga ba kinukuha ang oras mo? Ang gusto kong sabihin…

    AR ANGCOS: Hobby po kasi iyon eh.

    VP LENI: Pero paano mo nadidivide ang oras mo na parang may oras ka sa lahat at mahusay ka sa lahat.

    AR ANGCOS: SIguro ano po, time management din. At saka alisin ang mga hindi naman importante sa buhay.

    VP LENI: Ayon. Siguro mahalaga ang kuwentong iyon. Tapos iyong company mo Splice Businesss Solutions?

    AR ANGCOS: Ano po AO Creative Innovations. Iyong Splice po iyon ang company nila Doc. Doon po ako galing, doon po ako natuto talaga kila Doc.

    VP LENI: Tapos from Splice gumawa ka ng sarili mo?

    AR ANGCOS: Opo.

    VP LENI: Ito na ang AO Creative Innovations. Pareho ba ang ginagawa niya?

    AR ANGCOS: Hindi naman ho. Iyong Splice po malalaki na ang clients nila. Tapos iyong mga maliliit na clients, ako naman ang nagkecater sa kanila.

    VP LENI: Pero basically ano ang ginagawa mo for them?

    AR ANGCOS: Branding and marketing po kasi very important po kasi ang branding and telling the story of a product or a company para mas mahalin sila ng mga customers nila. Parang Istorya ng Pag-asa din po. Para mas makita, para mas mainspire ang mga tao, we need to tell their stories in a unique way.

    VP LENI: Idol ito ka Ely si AR kasi ano ito, parang here, there and everywhere. Pero iyong iba ganyan pero hindi nagiging mahusay…parang spreading himself too thinly. Pero ito hindi. Ano siya, president siya ng Millennials PH di ba?

    AR ANGCOS: Ah hindi po. Spokesperson po.

    VP LENI: Spokesperson siya ng Millennials PH. Ito may sarili siyang start-up company, tapos filmmaker pa. Hanggang ba ngayon gumagawa ka pa ng films?

    AR ANGCOS: Opo. Pag may, usually sinasabay ko po sa trabaho po kapag may trip ako outside Metro Manila or outside the country, may dala talaga akong camera. Kaya doon ko din nakukuha ang mga story kasi minsan hindi mo mapaplano. Bigla nalang may lalabas na ano, ay ang ganda pala ng story na ito. Kunin ko nga.

    VP LENI: So ano iyong favorite mong parang subject ng mga films mo, ito ang mga interesting na mga kuwento na nakikita mo?

    AR ANGCOS: Opo. Nasanay kasi ako doon kasi nagwork ako with Doc sa Yellow Boat Foundation. So nakita ko iyong mga communities, ang dami talagang interesting na kuwento ng mga tao na napakagandang i-share sa buong Pilipinas.

    VP LENI: Ito kasi ka Ely ang sa Yellow Boat of Hope Foundation, partner din namin iyon sa Angat Buhay. Ang ginagawa nila nagbibigay sila ng mga boats sa mga communities na ang mga estudyante kailangan pang lumangoy para makapasok sa paaralan. Iyong mga coastal communities, ang ginagawa niya iyong mga boats ginagawa niyang parang mga school bus. Pero ito school boats. Sinusundo ang mga estudyante sa mga communities. So ito ang Caramoan, pumunta ka doon because of that?

    AR ANGCOS: Ah iba naman po iyon.

    VP LENI: Ah iba naman iyon.

    AR ANGCOS: For vacation po iyon. Nagkataon na iyong tour guide ko ay siya pala ang sikat na tour guide sa Facebook. Si kuya Ramil, tapos sakto may dala-dala akong camera, ininterview ko na siya doon.

    VP LENI: Ah oo. Kasi may project ngayon ang Yellow Boat of Hope sa Caramoan, parang ang partner nila isa ding Istorya ng Pag-asa champ natin sa Naga.

    AR ANGCOS: Ah nagmeet din kami sa Istorya ng Pag-asa.

    VP LENI: Oo, oo. Nakilala ko siya dahil din kay Doc, at nafeature namin siya sa Istorya ng Pag-asa. Pero ito AR, ka Ely ang bilis ng oras, wala nang oras. Pero ito sana, iyong dream kasi namin doon sa Istorya ng Pag-asa Film Festival, gawin na siyang yearly. Yearly na thing. Na sana iyong taon-taon, iyong magaganda mong pelikula ay isubmit mo. Puwede naman yatang multiple submissions eh. Kung marami ka nang ano, kung marami ka nang naipon na mga films. Ano ang puwede mong i-advice doon sa mga budding the filmmakers?

    AR ANGCOS: Ang filmmaking po kasi is about about…it will start in your imagination, how you see the story. How you tell the story. And kadalasan po ang nagiging problema po especially sa mga kabataan is sobrang dami nating gustong gawin. Puro expectations nalang tayo, pero important kasi kung ano ang conversion—kung ano ang nasa utak mo into reality. So iyon ang lagi kong sinasabi. Make sure na your expectations is equal your reality. So very important sa mga kabataan po na to work hard, at the same time use their passion. Kasi kailangan mo talaga ng fuel kasi mahirap magconvert ng expectations into reality.

    VP LENI: Kasi gaya noong sa Istorya ng Pag-asa, kailangan mo ipresent iyong buong kuwento in 5 minutes. So iniisip ko napakahirap sa filmmaker. Papano mo makocompress ang buong kuwento sa isang 5-minute na film? So iyon matindi iyon sa editing?

    AR ANGCOS: Opo mahirap po.

    VP LENI: Pero ano iyon, hindi ka na natulog? Kasi kung nagshoot kayo mga 3 days before, di ba? Iyong editing I’m sure matagal na matagal iyon. So ito, AR imbitahin ka namin na sana magpartner tayo sa Angat Buhay din ng Office of the Vice President. Kasi…

    AR ANGCOS: Actually Angat Buhay Youth din po ako.

    VP LENI: Oo, Angat Buhay Youth ka din pala. Kasi ang daming, ang dami talagang puwedeng gawin na iinvolve natin ang kabataan. Ely.

    ELY: Okay. So salamat AR ha. Siguro magbigay inspirasyon ano sa mga kabataan na ang iba puro balak. Puro plano wala nangyayari. Okay samantala mga kasama ang bilis ng oras. Pasensya na po sa mga texter at iyong nagpaabot po ng mensahe sa Facebook Live. Talagang kapos tayo sa oras. Pero ma’am, mayroong pahayag iyong COMELEC, puwede ka bang magbigay ng ano, kung saan ay pumapabor po sa 25% na iyong shading, iyong shading threshold na ginamit po sa 2016 elections.

    VP LENI: Ito ka Ely parang iyong resolution lumabas kung hindi ako nagkakamali Huwebes ata o Miyerkules. Parang ang sinasabi…

    ELY: July 26, tama Thursday.

    VP LENI: Oo. Parang sinasabi niya ka Ely, na noong nakaraang 2016 na elections ang ginamit namin na pamantayan na at least 25% noong bilog, ay ma-shade. Parang ineexplain niya ka Ely na ginawa namin iyon dahil ayaw namin na madisenfranchise ang mga botante. Gustong sabihin, alam niyo ka Ely siyempre ang parating sinasabi sa atin, punuin niyo ang bilog—di ba kapag nagshe-shade tayo. Pero talagang, talagang ano Ely, marami talagang mga tao ang hindi nakakacomply doon.

    ELY: Kasi marami ho ang iba pasmado, hindi mashade ng buo…

    VP LENI: Lampas-lampas ang iba…

    ELY: Iyong iba malabo ang mata. So at least dinaanan ang bilog, iyong at least 25%…

    VP LENI: Parang ang sinasabi niya ka Ely, basta klaro iyong intent. Klaro iyong ano ba ang intensyon ng botante? Kasi ang sinasabi niya, ang ayaw din natin na mabilang natin iyong parang, parang ano lang unintended na markings? Kasi puwede naman iyon di ba, halimbawa.

    AR ANGCOS: Nag-smudge.

    VP LENI: Oo. Nag-smudge ang ballpen mo, parang sumuka ang tinda. Puwede naman na parang aksidente na nadaanan ng ballpen mo ang isa pang bilog—ayaw nila iyon. Pero kapag klaro ang intent, at sabi niya pag 25% at least ang mashade, klaro na ang intent. Ayaw natin madisenfranchise ang boto. Ito lang ka Ely kunin ko lang ang pagkakataon, kasi sinasabi na, sinasabi ng kampo ni Marcos na parang ang desisyon na ito ng COMELEC ginawa pagkatapos na ng eleksyon. Hindi iyon totoo. Kasi may nakita tayong mga records na mga…

    ELY: May resolution sila.

    VP LENI: Oo actually ka Ely nagulat ako nakita ko ang kapal kapal noong resolution ng COMELEC, pero ano nga ka Ely, mayroon kaming mga nakita na mga news items na February pa lang. Ang eleksyon May. Nagdeclare na sila. Kasi sinubukan nila, sinubukan nilang pabasa sa machine, maraming mga pag-aaral na ginawa at nagdesisyon silang 25[%]. Ang sinasabi lang naman natin ka Ely, ano ba iyong ginamit na pamantayan noong eleksyon? Kasi kung ano ang ginamit na pamantayan noong eleksyon, dapat iyon ang kilalanin. Kasi hindi naman puwede na parang magbago ang rules in the middle of the game. So COMELEC na, sila ang nagrun ng eleksyon, COMELEC na ang nagsabi, ang ginamit namin 25%.

    ELY: Okay so iyong mga hindi natin nabasa iyong mensahe, pasensya na po.

    VP LENI: Oo ang dami nito ka Ely pero sa susunod nalang. Iyong iba sagutin nalang natin sa Facebook kasi wala na talagang oras at 10:07 na.

    ELY: Okay opo. Salamat po ma’am.

    VP LENI: Okay salamat po sa mga sumama sa atin ngayong umaga. AR maraming maraming salamat.

    AR ANGCOS: Salamat din po ma’am.

    ELY: At siyempre kay Atty. La Vina salamat din po. Okay maraming salamat mga kasama. Ako pa rin po ang inyong radyoman Ely Saludar. Ang oras na natin, 10:07 na po.

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Jul 29, 2018