This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Excerpt of interview with Bicol Press Club

    Museo ni Jesse Robredo, Naga City

    Q: Ma’am, sa inflation, Ma’am? Nakarating na po sa inyo iyong report na hardest hit daw po ang Bicol and Marawi ng inflation na iyan? And your reaction to that.

    VP LENI: Mayo pang official—

    Q: Tagalog po.

    VP LENI: Wala pang official statistics on a provincial or a regional level. Hindi ko pa nakikita. May mga nagsasabing ganoon. Halimbawa, iyong nakita ko na, parang, official, iyong ARMM—sobrang taas talaga ng… iyong pagtaas ng presyo. Nakakabahala iyon. Nakakabahala kasi alam natin na kapag ganito kataas, talagang ang pinaka-magsasakripisyo iyong pinakamahihirap. Iyong mga medyo maykaya, iyong middle-class, may, parang, buffer pa. Pero iyong pinakamahihirap, iyon talaga iyong pinaka-magsasakripisyo.

    Marami itong implications. Halimbawa, hindi na-predict na ganito kataas iyong inflation, kaya kailangang i-revisit iyong safety net ng TRAIN. Halimbawa iyong isang safety net, 200 pesos a month. Iyong 200 pesos a month, hindi iyon tinake into consideration na ganito kataas iyong prices. So iyon iyong number one.

    Number two, kahit pa sabihin natin na sapat iyong 200 [pesos], of the 10 million na targeted beneficiaries noon, as of two weeks ago, 4.4 million pa lang ang nabibigyan. Iyong taas ng presyo nagsimula beginning of the year. Gustong sabihin na sinakripisyo na noong mga kababayan natin na mahihirap iyong mula January hanggang ngayon.

    Iyong pinapakiusap sana natin, na sana i-suspend muna—una, i-revisit, i-revisit iyong TRAIN, lalo na iyong pag-provide ng safety nets. Kasi tingin natin, sa taas ng presyo, talagang hindi sapat iyong 200 [pesos] a month. Ano lang iyon, 2,400 [pesos] a year, pero kapag tiningnan natin iyong inflation prices, lalo na sa food, grabe.

    Halimbawa, iyong bigas, hindi na-predict na ganito kataas iyong magiging effect. While totoo na hindi naman lahat dahil sa TRAIN, kasi marami pang external factors na nag-cause nito, hindi maikakaila na malaki din iyong problema ng NFA sa pagtaas ng presyo ng bigas. Iyong inefficiency saka iyong maling pagdesisyon. Iyong huling pagdesisyon to import, ang nagsakripisyo talaga iyong mga kababayan natin.

    Halimbawa every time na bumababa kami, iyon talaga iyong dinudulog ng mga tao sa amin. Halimbawa, maraming nagsasabi sa amin na, “Iyong binibili namin na bigas, 45 [pesos] a kilo.” Sasabihin namin, “Mayroon namang available na 40 o 42 [pesos].” Sasabihin nila, “Kami, wala na kaming pambili ng ulam. Gusto namin iyong 45 [pesos] kasi puwede na iyon nang walang ulam.”

    Iyong implication lang nito, iyong big chunk ng daily budget ng mga mahihirap, bigas. Kaya iyong slightest na pagtaas ng presyo ng bigas, apektado na iyong buong kabuhayan nila. So iyong sa atin, sana i-revisit ito.

    Q: One last question—

    VP LENI: One last na lang, ha, kasi may naghihintay—

    Q: “Hotbed of shabu” daw po ang Naga, according to President Digong, and iyong reaksyon niyo din sa pahayag—

    VP LENI: Ayaw ko nang—

    Q: —na hindi ikaw iyong gusto niya?

    VP LENI: Ako kasi, ayaw kong mag-react. Ayaw kong patulan iyong ganiyang mga statements kasi hindi naman iyan nakakatulong. Ang daming problema ng bansa; asikasuhin na lang iyong problema ng bansa kaysa pulitika parati. Kasi kaming dalawa hinalal until 2022. Obligasyon namin pareho na gawin iyong lahat naming makakaya para sa bayan, kasi iyon iyong mandato sa amin. Kaysa mag-aksaya ng panahon nang hindi naman totoo iyong mga sinasabi, magtrabaho na lang kami pareho.

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Aug 16, 2018