This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Forum at the International Women’s Day, Miriam College

    8 March 2017

    Q: Ano ang dapat paghandaan ng mga taga-supporta ni VP Leni kung sakaling magdesisyon ang Presidential Electoral Tribunal na panalo si BongBong Marcos?

    VP LENI: Baka kailangan natin itanong sa ating sarili, tapos na po ang eleksiyon pero bakit patuloy ang paninira sa atin. Palagay niyo ba dahil against ako sa pangulo? Palagay ko po hindi iyon ang dahilan.

    Kung titingnan po natin ang mga tira sa atin, concerted. Kapag sinabing concerted, planong-plano. Sa araw araw po pare-pareho iyong sinasabi dahil bayaran iyong mga nagsasabi. Ito po confirmed na natin ito na iyong ating katunggali noong nakaraang eleksiyon na ayaw tanggapin ang kanyang pagkatalo, patuloy na umaasa na siya ay uupo.

    Pero kailangan nating ipakita na di tayo papayag na yuyurakan iyong resulta ng eleksiyon. Ang tingin po natin iyong laban na ito hindi lang sa Supreme Court. Ang laban na ito ay kung papayag ang taumbayan o hindi na ganoon na lamang wawalanghiyain ang resulta ng eleksiyon gaya ng ginawa nila noong 1986.

    Kung naaalala po natin noong 1986 nagkaroon din tayo ng eleksiiyon. Sino yung sinabing nanalo sa eleksiyon? Di ba si Marcos? Ang tanong, pumayag ba tayo? Hindi tayo pumayag kaya hindi natuloy yung kanyang pagkokontrol sa ating lahat.

    Iyong nangyari 31 years ago ganoon pa rin ang nangyayari 30 years after. Noong 2016 nagkaroon ng eleksiyon nagkaroon ng resulta, gustong baliktarin iyong resulta. Ang solusyon po diyan pareho din ng solusyon 30 years ago. Ipakita natin na hindi tayo papayag.

    Q: Ano po iyong papel ng kabataan o millenials para ipagtanggol ang ating demokrasya?

    VP LENI: Maraming puwedeng gawin. Ako parati ko kasing binabalik 30 years ago. Para kasing pinahingaan lang tayo ng 30 years taps iyong linabanan natin noon pilit na binabalik. Kung naalala natin 30 years ago similar ang nangyayari pero sino ba iyong mga unang naglakas loob. Sino ba iyong unang nagpunta sa kalye? Sino ba iyong mga unang nagpahayag?

    Pero milleniors na kayo ngayon e, 30 years ago mga millenials din kayo. Iyon ang gusto kong sabihin. Nakita natin iyon noong bumaba ang desisyon ng supreme court sa paglibing sa dating diktador. Sino ang unang lumabas sa kalye? Iyong mga kabataan. Malaking bahagi ng kapangyarihan ay nasa kamay at boses ng mga kabataan.

    Ano ba iyong puwedeng gawin ng mga kabataan? Mag-organisa dahil kung hiwa-hiwalay ang atin mga boses di masyadong malakas pero kapag pinagisa natin ang ating mga boses baka pakinggan din tayo. Ngayon, napakaraming mga forum na naiimbitahan tayo. Sunod-sunod. Nauna itong sa Naga. Sa Naga ang pangalan ng forum, “Let’s Change the Conversation,” napakaganda. Napakaganda kasi mga kabataan ang nagsasabi na masama na ang usapin, palitan natin. Taking it upon themselves to change the conversation.

    Sa Cgayan de Oro, ang tema naman doon, “Let us reclaim social media.” Ang ganda di ba? Nakaka-inspire na iyong mga kabataan nilalagay sa kamay nila iyong pagbabagong ganito.

    Noong nakaraang Sabado o Biyernes, nandoon ako sa Cebu sa Cebu Eastern Colleges, ang topic naman nila tungkol sa misinformation sa social media.

    So ngayon na marami sa mga kabataan ang nasa social media, isa iyon. Masyadong inaabuso ang social media ngayon kaya huwag nating hayaan na ang magdodominate ng conversation ay mga dark forces.

    Iyong lahat ng negativity na nilalagay, palitan natin ng positive. Iyong mga kasinungallingan palitan natin ng katotohanan. Iyong mga kadiliman palitan natin ng liwanag kasi sigurado tayo na at the end of the day iyong tama at wasto ang mananalo.

    Q: Good morning Senator Risa and Vice President Leni. Ako po si Ana Dinglasan, faculty po ng International Studies dito po sa Miriam College. My question is, first po, I’d like to thank both of you for all the work that you’ve done. Uhm, on behalf of women and the marginalized groups, my question would be, as women in public service, what are the most challenging of your experiences.

    VP LENI: Sa dami di ko alam kung papaano ko sisimulan. Given a different time, siguro we cannot deny the fact that we are better off than other countries as far as gender equality is concerned.

    Pero napakarami pa ring realities on the ground na namumuo. Ang pinaka-example ko nito noong ako ay nag-aabogado pa sa mga babae na biktima ng domestic violence, talagang hirap na hirap kami to go after the abusers.

    Hirap kami kasi marami iyong pangingitil ng mga karapatan. Hirap kami dahil iyong ating kultura parang tinuro na iyong babae dapat nagaalaga ng mga bata sa bahay. Nagkakaso na kami pero iniiwan ako ng kliyente pag yung kaso nasa korte na ayaw na nila ipagpatuloy kasi iyong threat na mahihiwalay sila sa kanilang mga anak nandiyan.

    Kaya ang sinusulong natin parati iyong economic empowerment of women kasi iyon ang nakikita natin na reality on the ground na kahit magsisigaw tayo about gender equality, hindi iyong na-aappreciate ng ordinaryong kababaihan na araw-araw na nakikibaka.

    Maiintindihan niya ito kung siya ay magkakaroon ng hanapbuhay kahit na siya ay nag-aalaga ng mga bata. Gaya ng sabi ko, these were the problems we were facing as women during ordinary times but these are extraordinary times.

    Mas mahirap ngayon kasi ang environment hindi siya nag-eencourage ng pagkakapantay-pantay siguro naalala ninyo naman na when I was still a member of the Cabinet, talagang iyong kinakailangan kong pagdaanan na pagtingin sa mga kababaihan ganoon na lang. Pati tuhod ko napapansin. Hindi naman kagandahan ang tuhod ko di ba? Nahiya tuloy ako.

    Pero alam ko na iyong pinagdaanan ko similar sa pinagdadaanan ninyo na kahit better off tayo kumpara sa ibang bansa, ang pagtingin sa atin babae. Kapag sinabi nating pagtingin sa atin babae, mas mababang uri pa din ang pagtingin sa atin ng napakaraming kalalakihan.

    For the same amount of work mas mababa ang nakukuha natin, maraming opportunities na mayroon sila na di napagbibigyan. Pero ibabalik ko lang sa extraordinary times, sino ba ngayon iyong mga boses na naririnig? Mga kababaihan din.

    Sino ba ngayon ang nangangahas na… hindi lang kami. Hindi lang ako, hindi lang si Senator Risa, hindi lang si Senator Leila pero maraming boses na paunti-unti halos karamihan nanggagaling sa mga kababaihan.

    Halimbawa, ano ang kapalit ng pagiging vocal ko? Lahat ng kuwento naibigay na sa akin. Halimbawa isang kuwento bago ko napangasawa ang asawa ko may iba na akong asawa na NPA. Pagkatapos noong hindi iyon dumikit, mayroon na akong boyfriend. Pagkatapos nag-advance pa nang kaunti, buntis na. Noong di lumaki ang tiyan ko nag-paabort na ako.

    Akala ko sa mga artista lang ang kuwento na iyon at di pa nakuntento. Noong wala na sigurong mapiga sa akin, iyong asawa kong limang taon na nananahimik, iyon naman iyong nabiktima ngayon.

    Ganoon na ba kababa iyong nadatnan natin? Gaya ng sinabi ni Senator Risa, parating may hangganan ang lahat.

    Iyong sa akin parati kong sinasabi noong ako na iyong tinitira, di bale na kasi kaya kong depensahan ang sarili ko. Di ko lang sinusubukang depensahan kasi lugi ako. Ako di ko kayang magsinuangaling pero iyong sinasagot mo di naman sinasabi iyong tunay na identity kaya bakit ka makikipagsagutan?

    Pero ngayon, doon din ako nag-dadraw ng line. Iyong asawa ko na di na kayang depensahan ang sarili niya dahil hindi niyo ko napapatahimik, siya naman iyong bibiktimahin niyo.

    Kaya ang tanong ko, ito ba iyong lipunan na gusto natin?

    Ito ba iyong mundo na gusto nating kalakihan ng mga anak natin na hindi na natin alam ang totoo sa hindi? Siyempre hindi ang sagot natin.

    Kaya ang susunod na tanong, ano ang gagawin natin?

    Iyon ang dahilan kung bakit nandito tayo ngayong umaga.

    Q: Good morning po, Vice President Leni and Senator Risa. When I heard that the House of Representatives passed the Death Penalty Bill, I was deeply affected, as this is something that I have a firm stand on. I’m Nicole, a student from Manila Wardolf School, and my class is currently mounting a play called Antigone, in which Antigone is a young girl who challenges the laws and the power of authority. She stands up and fights for common human decency, and this play sheds light on the role of human law in contrast of that is of a higher law or moral law, which gives respect to every human being’s rights and the individuality of everyone regardless of the gender, status, position, etc. So, our class has had many many discussion on these issues, and we have been exploring this from all angles and perspectives. So with that being said, I would be honored to hear your thoughts on this recent passing of the Death Penalty Bill as some of the strong women and leaders of our country. Thank you.

    VP LENI: Ako before I share my thoughts medyo kinilabutan ako noong sinabi niya iyong Antigone kasi my Mom who is 81 now and who still drives and teaches, siya iyong lead role ng Antigone when she was 17 sa Sta. Isabel.

    When you were sharing, what your school has been preparing for parang kinilabutan ako. Naalala ko di ko pa na-gigreet ang Mommy ko ng happy women’s day.

    But you know, tingin ko dalawang bahagi iyong laban sa death penalty bill. Iyong una iyong paniniwala. What are your beliefs regarding the imposition of the death penalty law.

    Iyong sa akin I am very much against it because I believe that the criminal justice system natin is not just for retribution pero para din sa rehabilitation, reformation, and reintegration of people back to society.

    Sa tingin ko iyon iyon dapat na tinitingnan natin, everyone should be given a chance, of course we all have to pay for the mistakes that we made pero ang paniniwala ko ganoon.

    Iyong ibang tao puwedeng hindi ganoon ang paniniwala. We have to respect kung ano ang paniniwala nila. Ang tingin ko anti-poor ang death penalty bill kasi sa history lang natin kung titingnan natin sino ba iyong mga pinatay because of death penalty before?

    Iyong mga mahihirap kasi sila iyong walang access sa mahuhusay na abugado. Sila iyong walang access sa mahusay na depensa. Mayroon na ba sa atin na mayaman na nagundergo ng kamatayan na pinataw ng korte? Wala. Sa akin it is anti-poor.

    Marami pang ibang dahilan but I think the more important thing especially with regards to what happened yesterday and the days prior to that na nangyari sa House of Representatives was the way that the bill was passed.

    It was one thing to be against the reimposition of the death penalty pero it is another thing iyong paraan na pagpasa nito. Tingin natin ang death penalty napakahalagang piece of legislation na sana pinag-usapan nang mabuti.

    Napakaraming batas, some of them ako iyong author sa 16th Congress, Freedom of Information, Comprehensive Land Use Bill, etc.

    Hindi naipapasa ng Kongreso dahil mahaba ang usapin. Alam natin na mahahalagang legislation iyon pero iyong death penalty na pagkitil sa buhay ng tao minadali.

    Kung titingnan natin when it was discussed on the Committee at noong nasa plenary na siya, napakahaba pa ng mga gustong magtanong sa mga authors, ni-railroad dahil may majority. Dalawang bahagi iyon.

    Naniniwala ka ba o hindi sa pagpatay ng kamatayan.

    Pangalawa, iyong democratic processes ba sinunod?

    On both sides ang sagot natin hindi.

    Posted in Transcripts on Mar 07, 2017