This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview of ABS-CBN Naga with VP Leni Robredo

    1 November 2016

    Eternal Gardens, Naga

    Q: Updates sa housing.

    VP Leni: Marami tayo ngayong sinusubukang baguhin. Tingin natin kung hindi kulang ang policies o hindi tama. Ang pinakaunang nakita natin na parang defective talaga iyong metrics ng pagsusukat ng accomplishment. Parang ngayon kasi ang sinusundan natin ngayon, number of houses built.

    Pero noong nag-inspect tayo nang nag-inspect, marami ngang nagawang bagay pero hindi naman siya nag-comply talaga sa requirements ng batas.

    Halimbawa iyong RA 7279, ni-rerequire niya na hindi magkakaroon ng relocation kung walang kumpletong utilities, tubig saka kuryente, walang access sa public transportation o livelihood.

    Pero hindi natin alam kung bakit nakalusot na napakaraming relocation projects na nag-comply dito. Marami na akong nabisita, siguro mga 80% ng nabisita ko walang tubig. At talaga iyong mga resident bumibili ng tubig, walang access sa mass transportation, walang access sa livelihood.

    Kaya nagiging failure iyong relocation kasi ang nangyayari titirhan lang sandali tapos ibebenta din nila, babalik sila sa Manila, informal settlers uli sila.

    So ang sa atin, nasa stage tayo na nire-review natin lahat ng mga defective policies. Mayroon tayo ditong deadline sa sarili, hanggang December dapat plantsado na lahat.

    Pero nandoon na tayo sa binabawal ang relocation pag hindi naman maayos. Pero ito kasi parang kailangan talagang pagpaguran, kailangan bisitahin lahat ng housing projects para nakikita for ourselves kung ano talaga ang problema.

    Pangalawa napakatagal ng pagpo-proseso. Matagal para sa applicant, developer kaya mayroon tayong 5.6 million backlog.

    Ang napo-produce natin na bahay on the average mga 200,000 a year lang. Ito maraming dahilan, unang-una iyon nga, napakahaba ng proseso.

    Pangalawa dahil kakaunti lang naman ang margins, napakahirap pa mag-apply ng mga permits, kakaunti talaga ang developers ang na-eengganyo pumasok sa socialized housing.

    Kaya ngayon iyon ang tinitingnan natin, kung papaano natin ma-streamline ang proseso. Maraming mga requirements are gobyerno na talagang nakakatagal na grabe.

    Ang number one dito ang requirement na dapat titled ang property. Problema natin ito sa mga probinsya dahil karamihan sa mga lupa sa probinsya hindi talaga titled.

    Pangalawa ang conversion. Karamihan din ng lupa sa probinsya agricultural. Kailangan siyang dumaan sa napakahabang proseso bago ito ma-convert na residential.

    Ito ang problema natin sa Yolanda, Sendong, at napakarami pang ibang emergency shelter response housing kaya’t nire-review talaga natin. Gusto natin mapadali, at bawasan ang documents na kailangan. Gusto natin mapaiksi ang processing time.

    Ngayon kasi under sa HUDCC mayroong anim na shelter agencies. So parang ang mandates ng shelter agencies nagpapatong-patong din. So mayroong duplication pero marami ding gaps.

    Nakita din natin na ang mga produkto nating available ngayon, parang available siya sa mga formal sector na may pambayad. Pero wala tayong produkto para sa mga walang pambayad.

    Kaya ito pinapaisipan natin sa iba’t ibang ahensya kung papaano ba tayo makaka-offer ng mga housing projects na magiging accessible ito para sa talagang mahihirap.

    Q: Provinces na nakatanggap ng relocation projects?

    VP Leni: Marami ngayong mga LGUs na nagrereklamo na nilagyan daw sila ng mga relocation na walang sufficient na consultation. Isa na dito ang Bulacan. Galing tayo sa Bulacan, maraming mga relocation doon sa Bocaue, San Jose del Monte, etc. pero walang tubig.

    Nagrereklamo na ang LGU na dati na nga silang may problema sa water supply, tapos parang napilitan silang mag-accept ng relocatees na wala namang sufficient promise na magkakaroon ng tubig later on.

    Ito babaguhin din natin ang requirements na ito. Dapat masusing consultation at ayusin ang proseso para siguraduhing handa ang LGU na mag-accept ng mga relocatees.

    Ang problema lang talaga parang gusto lang kasi nating ilabas sa Manila, without regard kung talaga bang mapapabuti ang buhay nila pag nilapat sa iba.

    Karamihan sa binisita natin, hindi talaga napabuti ang buhay so kailangan talaga halughugin ang buong sistema.

    Q: Kumusta po ang pag celebrate ninyo ng Undas.

    VP Leni: Ito nandito tayo ngayon for the second day. Kahapon October 31 nandito na tayo.

    Tapos ngayon we plan to stay the whole day and whole night, ganoon naman iyong tradisyon. Medyo pangit lang ngayon kasi sobrang ulan.

    Iyong naging kagawian kasi dito, hindi lang iyong mga patay natin ang binibisita pero lahat ng mga kaibigan at kamag-anak pinupuntahan din.

    Pero ngayon parang limited masyado ang ating ability dahil malakas ang ulan at mukhang the whole day ganito ang panahon. Pero nevertheless, kahit naman maulan, maaga pa andito na tayo. Ito naman ang pagkakataon na nakakababad talaga tayo.

    Kasi iyong mga, pag hindi Undas, hindi holiday, pumupunta tayo pero madalian lang. Pero ito pag ganitong panahon, pagkakataon din na hindi lang binibisita ang patay pero parang reunion na din ng mga buhay.

    Kasi halos ng lahat ng tao dito sa Naga, talagang nasa sementeryo sa ganitong panahon.

    Q: Maraming salamat po!

    Posted in Transcripts on Nov 01, 2016