This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview after the Angat Buhay Cebu Launch, Cebu City

    4 March 2017

    Interview after the Angat Buhay Cebu Launch, Cebu City

    3 March 2017

    Q: Hingi lang po ng information tungkol sa Angat buhay? Ano pa po ang mga activities ninyo bukod dito?

    VP Leni: Iyong Angat Buhay ni-launch natin ito nationwide October 10 sa Manila. Mayroon tayong 50 partner LGUs all over the Philippines. Anti-poverty advocacy program siya. Ang pinaka-ideya iyong 50 pilot LGUs natin i-link natin with development partners, private corporations at saka ibang mga ahensya ng gobyerno na makakatulong, directed ang tulong sa mga specific programs nila.

    Ngayon dito sa Cebu, first na launch ito sa provincial level. Dito sa Cebu pumili tayo ng 14 out of 44 na munisipyo para iyon din ang maging pilot natin. Eventually lahat naman tutulungan pero itong 14 na ito sila ang pilot natin. Inaral natin based on poverty incidence at saka poverty magnitude at saka iyong kung ang sa kanila bang local chief executives nagdidisplay ng capacity para i-push forward ang programa.

    So ngayon ito ang first time na nag-meet iyong 14 pilot LGUs dito pati ang ating development partners and naka-gather tayo ng more than 200 pledges para sa kanila.

    Kaya excited tayong simulan kasi ang experience natin sa Manila kung saan naka gather tayo ng 720 pledges sa first day, pero dumagdag na ito ng dumagdag nang malaman ng mga ibang nga korporasyon na nay ganito palang programa, gusto na nila sumali din.

    Partnership ito between private and the LGUs.

    Q: Ano po ang other activities ninyo today?

    VP Leni: Kanina pagdating ko dumeretso ako sa operation smile. Mayrong free surgery para doon sa mga may cleft lip at pallette. Binisita natin ang surgery room mismo. Mayrong 63 na team of international medical practitioners na nagbibigay ng libreng operasyon.

    Tinatanong ko kanina iyong isang local doctor kung hindi ba ito libre mga magkano ang kailangan gastusin. Ang sabi sa akin mga 150,000. As of this mornin mayroon nang 120 patients na na-serve.

    Napakalaking tulong nito kasi life-changing ito lalo na sa mga kabataang na-o-operahan. Kanina iyong sa recovery room nabisita ko mga batang less than 1-year-old na bagong opera kahapon.

    Pero ang sabi sa atin ng team ang pinakamatanda raw nilang pasyente 15-year-old. Kung makikita natin ang difference noong hindi pa sila na-o-operahan at doon sa na-operahan na, ibang iba talaga.

    Doon ss operating room iyong team of medical practitioners nag-te-train na sila ng local doctors para kahit wala sila ang mga locak doctors kaya nang ipursigi ang programa. Ito ang mag-ensure ng sustainability ng project.

    After noon, lumipat ako sa Cebu Eastern College. Mayroon doong isang forum, iyong InciteGov. Isang forum tungkol sa misinformation na nangyayari ngayon sa social media. Malaki ang attendance ng forum mga estudyante, academician, members ng civil society, representatives from the business sector.

    Pinag-usapan ano na ba ang level ng misinformation na lumalabas ngayon sa social media. At ano ang pwedeng gawin ng mga kabataan para harangin ito.

    Ang kagandahan doon kasi at the end of the forum, parang may action point na pinag-agreehan na hindi na tayo pwedeng nasa receiving end lang tayo ng lahat ng misinformation. Kailangan na magkaisa na tayo lahat para sugpuin ang lahat ng kasinungalingan na nangyayari sa social media.

    After noon dumiretso na ako sa Angat Buhay, tapos didiretso ako sa provincial capitol kasi mayroon ding launch ang isa nating progama din sa OVP iyong Istorya ng Pag-asa.

    Ang Istorya ng Pag-asa naman naghahanap tayo ng mga extraordinary stories ng nga ordinaryong tao. Ang hope nito na ibahin ang conversation.

    Ang Istorya ng Pag-asa naman, naghahanap tayo ng extraordinary stories ng mga ordinaryong tao. Ito din ang hope din nito na ibahin natin ang conversation. Kasi ang naririnig natin lagi ngayon lahat galit lahat nag-aaway. Ang gusto na natin marinig lahat naman all things positive. Ito ila-launch natin with the hope na hindi lang magchange ang conversation pero sana iyong mga kuwentong magpu-push forward ito ang maging source of inspiraion para sa lahat.

    Bukas mayroon pa ako bukas. Pupunta ako sa San Remegio mayroon tayong partner na mga doctors at physical therapists ang tawag sa kanila Physicians for Peace. Magbibigay sila ng mga wheelchairs magsusukat din sila ng mga prosthesis na limbs doon sa mga naputulan ng kamay, paa.

    Ito may therapy at rehabilitation component ito. Hindi lang siya pagbigay ng wheelchairs at paglagay ng prosthesis. Pero after nito papaano natin mare-rehabilitate na ang mga pasente at makabalik sa normal nilang ginagawa.

    Tapos bukas din may launch ng libro na sinulat tungkol sa asawa ko. Gagawin ito bukas sa Ayala Malls. Ito last year na-launch na ito sa Manila pero mayroong request na i-launch dito sa Cebu.

    Collection ito ng mga speeches ng asawa ko ito kasing mga speeches na ito parang siya iyong nagpapakita kung ano ang paniniwala ng asawa ko tungkol aa governance.

    Nagiging text book siya ng mga local government officials kaya nagkaroon ng clamor na dagdagan ang publication at magkaroon nga ng relaunching dito sa Cebu.

    After noon ang partnership natin with the Cebu City Government, Istorya din ng Pag-Asa kasi ngayong hapon in partnership with the provincial government bukas naman with the Cebu City government, pero same concept.

    Q: Local issue po dito sa Cebu iyong sa provincial jail kung saan pinahubad po ang inmates. Reaction po ninyo dito?

    VP Leni: Nakakabigla, nakakabahala. Maraming human rights issues ang naging kabahagi nito. Mayroon tayong very specific na batas, ang anti-torture act na sinasabi na walang karapatan ang mga opisyal ng ating pamahalaan na kahit pa na iyong mga biktima ay inmates sa isang kulungan na mag-undergo ng cruel, inhuman and degrading punishment na lalong magpapababa ng antas nila bilang tao.

    Tingin ko mahalagang kuwestyunin ito lalo na sa mga oras na ito. Maraming paraang ma-achieve iyong gusto nilang ma-achieve kung naghahanap ng mga illegal na gamit, naghahanap ng droga, maraming paraan para gawin ito na hindi ipapahamak o ipapahiya ang mga inmates natin sa Cebu City jail. Kaya sana hindi na ito maulit muli.

    Q: Your stand about the death penalty bill?

    VP Leni: Ako ever since I have always been vocal that I am against the reimposition of the death penalty bill. Kaya iyong nangyaring parang pagmamadali sa pagpasa nito sa Kongreso talagang naging very public tayo sa pag-express ng concern. Maraming bagay kung bakit tayo nababahala.

    Una tingin natin napakahalagang issue ang reimposition of death penalty na kailangan sana masusing debate ang mangyari dito sa mababang kapulungan. Hindi iyon nabigyan ng pagkakataon.

    Napakarami pang mambabatas ang gusto pang mag-interpolate sa mga authors ng bill, na-cut short na ito. Maraming mga issues maraming mga tanong na dapat sagutin ang mga proponents nito na hindi nagbigyang pagkakataon na sagutin.

    Number one, ano ang issue number one. Sa karanasan ba natin at sa karanasan sa buong mundo naging effective ba ang imposition ng death penalty sa pagpapababa ng criminality? Una walang empirical data na nagsasabi na iyong mga bansa na may death penalty dramatically napapababa niya ang krimen.

    Dito mismo sa atin, mayroon tayong periods in our history na mayroon tayong death penalty. Kung titingnan natin iyong datos, hindi naman ito nag-equate sa mas mababang criminality. Iyon iyong una.

    Pangalawa, tingin natin ito ay anti-poor, iyong re-imposition ng death penalty, dahil iyong mahihirap walang access sa maaayos na legal services. Walang access kumuha ng mga abugado.

    Mahal iyong singil para ayusin iyong depensa nila. Kung titingnan natin, sinu-sino na ba iyong mga kababayan natin na naisalang sa death row noong mga nakaraang taon? Lahat ito mahihirap. Nakakabahala na dahil wala silang access sa maayos na legal defense, baka masalang sila, mag-suffer sila ng kamatayan dahil lang hindi nila nadepensahan ng maayos iyong mga sarili nila, kahit inosente sila.

    Pangatlo, nakakabahala dahil alam nating marami pang problema iyong ating criminal justice system. Marami pang kailangang ayusin dito. Dahil marami pang imperfections iyong ating criminal justice system, napakalaki ng pagkakataon na may ma-convict na hindi naman talaga tunay na nagkasala.

    Pag ganito, hindi puwedeng parang iniiwan naman natin sa ganitong criminal justice system iyong kung sino iyong magsa-suffer ng death penalty o hindi. Iyong sa akin, ever since naman, iyong ating criminal justice system sabi na iyong punishmen, hindi siya punitive pero siya ay pang-rehabilitate, at irereintegrate ulit iyong mga nagkasala sa mainstream ng society. Hindi na natin sila binibigyan ng pagkakataon.

    At pinakahuling dahilan, marami tayong mga international commitments. At itong mga international commitments na ito, several ito. Iyong example nito ay iyong 2nd protocol ng International Convention on Civil and Political Rights, na iyong Pilipinas pumirma sa isang kasunduan na nagsasabing hindi na kami magkakaroon ng imposition ng death penalty sa aming criminal justice system.

    Ito iyong pagtalikod natin sa ating international obligasiyons, hindi ito nakakabuti sa Pilipinas, dahil sino pa ang magtitiwala sa atin kung walang halaga o walang saysay iyong mga kasunduan na pinasukan natin.

    Q: Ma’am are you going you convince your LP partymates to block the passage of the death penalty bill once it reaches the senate?

    VP Leni: Iyong problema kasi, maraming miyembro sa House of Representatives ang napre-pressure o na-the-threaten na magbigay ng botong according to their conscience.

    Iyong LP naman as a party, ever since, kahit na sinusulong niya iyong reproductive health bill. Ever since, kahit mayroon siyang party stand, never siyang nagkakaroon ng punitive measures sa mga members na bumoto with their conscience.

    Pero ang nangyayari ngayon ay may threat na hindi ka bibigyan ng posisyon na dati mong pinanghahawakan. Mayroong threat na hindi ka na magkakaroon ng access sa mga programa ng gobyerno.

    Tingin natin hindi ito fair para sa kanilang lahat, na nagbibigay ng ganitong threat. Dahil nandito naman sila bilang halal ng bayan na may mandato galing sa kanilang constituents.

    Hindi dapat ginagawang parang bargaining ground iyong kapangyarihan ng leadership. Pero ito iyong ginagawa ngayon, kaya marami kaming miyembre na torn sa paninilbahan sa kanilang mga constituents, tsaka sa pagsunod sa kanilang mga sariling paninindigan.

    Pero hindi pa rin kami nawawalang ng pag-asa, while tapos na iyong 2nd reading, magkakaroon pa ng third reading. Hindi natin hihintuan ang pangangampanya kasi mayroon pa namang 3rd reading. Malay natin, baka magpalit pa ng isip iyong iba.

    Q: Ma’am pahabol na tanong, I just want to get your thoughts on the Human Rights Report which actually says human rights calamity.

    VP Leni: Ako tingin ko seryoso iyong mga alegasyon, seryoso iyong findings. Pinalabas ng Human Rights Watch na hindi naman ito puwedeng i-set aside.

    Hindi ito pwedeng i-brush off, dahil una hindi ito isolated report, ito ay pangalawa nang report galing sa isang independent na body. Kung maaalala natin iyong Amnesty International mayroon na siyang naunang report na sinusubukan din na i-sweep under the rug.

    Ito pangalawang independent report. Ganoon din, sinusubukan din i-sweep under the rug. Tingin ko hindi ito makakabuti sa ating lahat.

    Iyong purpose lang naman ng pagkakaroon ng report para i-call iyong attention ng ating mga namumuno na mayroong malaking pagkakasala na ginagawa na laban sa ating mga kababayan.

    At itong pagkakasala na ito nasa magnitude na, ang human rights hindi lang naman inherent iyan sa atin. Ang human rights kahit pa ano ka, kahit pa sino ka, ke mayaman ka o mahirap, ano man ang iyong political inclinations, iyong human rights is something inherent to us. Hindi iyon naaalis, kahit nga convicted criminal mayroon ngang human rights na kailangang inoobserve.

    Q: Ma’am the President said na criminals have no humanity on them. Do you agree? Would you like to comment on that?

    VP Leni: Iyon iyong paniniwala niya pero hindi ako sang-ayon. Hindi ako sang-ayon sa sabi niya na iyong mga kriminal, walang humanity. Gaya ng sinabi ko kanina, iyong human rights, inherent iyan sa atin bilang tao. Dahil inherent iyan sa atin, wala sa kamay ng kahit na sinong tao, wala sa kamay ng kahit anong batas iyong pagtanggal ng karapatan na iyan. Kasi mula nang tayo’y ipinanganak hanggang tayo ay mamatay, iyong karapatan na iyan, nakadikit iyan sa ating pagkatao.

    Q: Ma’am pahabol lang talaga, pinapatanong ng Maynila ma’am, parang may lalabas daw na Naga Leaks ngayonng hapon. Maybe you’d like to comment, ma’am?

    VP Leni: Actually, iyong pa lang iyong issue noong InciteGov na inattendan ko kanina. Iyong misinformation sa social media, tingin ko seryosong, seryosong problema ito.

    Iyong access sa social media, ginagamit sa pang-aabuso ng mga taong naglalakas ng loob magpahayag ng dissent.

    Naglalakas ng loob magpahayag ng hindi pagsang-ayon sa programa o sa mga paniniwala ng administrasyon. Iyong paglabas ng kahit na anong leaks iyan, ito ay attempt para i-silence tayo.

    Hindi ito first time na ginawa, ilang beses na itong ginawa dati, hindi nagtagumpay. Kahit anong gawin, hindi ito magpapatahimik sa atin. Sa atin naman, nakahanda tayo, wala tayong tinatago.

    Hindi tayo nagkasala sa bayan.

    Iyong paniniwala natin, buong puso at buong tapang pa rin nating i-eexpress kahit na ano pang gawin nilang panghaharang dito.

    Posted in Transcripts on Mar 03, 2017