This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with Atty. Barry Gutierrez

    Atty. Barry Gutierrez

    Spokesperson of Vice President Leni Robredo

    Usaping Bayan at SMNI News Channel

    MIKE ABE: Si Attorney Barry Gutierrez, spokesperson ng Office of the Vice President, at tingnan natin iyong kaniyang mga update, paliwanag sa Office of the Vice President okay. At tsaka iyong paninirang noong dating konsehal ba na nandoon sa Amerika. Bahag ang buntot na bumalik sa Pilipinas pero ang daming sinisira, sinasabi laban sa Naga City. Attorney, si Mike Abe po ito. Good [morning] po!

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Good morning at good morning po sa lahat ng ating mga taga-subaybay.

    MIKE ABE: Thank you, thank you ho. Well, ano ho ba talagang gustong sabihin ni Vice President doon sa Naga City, doon sa nangyayari doon. Although local ito pero nagiging national kasi mayroon yatang dating local official ng Naga na nasa Amerika, hindi makabalik dito. Ang daming sinasabi laban sa Naga at laban sa kay Vice President na diumano’y kamaganak daw ay involved sa drugs. Nako, ang tindi nito. Ano ang dating nito sa Office of the Vice President, Attorney?

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: E ang pananaw po namin dito: una, napaka-convenient talaga ng timing. Kung kailan naging mas matapang ang posisyon ni Bise Presidente laban sa iba’t ibang mga nangyayari sa kasalukuyan sa atin bansa, biglang bigla lalabas itong mga ganitong klaseng akusasyon. Sa nakaraang dalawang taon, ang tutok po, sinubukang siraan si VP sa personal niyang buhay, sinubukang siraan ang kaniyang pamilya; maski po ang patay, hindi na pinatawad—Si Secretary Jesse Robredo na alam naman po nating lahat ay napaka-buting lingkod-bayan, pati po iyon sinisiraan.

    So hindi na po kami nagugulat na nangyaring ito. Ang pakiusap lang po ni VP: Kung siya talaga ang pinupuntirya, kung siya talaga ang pinupulitika, e sana huwag nang idamay iyong Naga. Iyon pong Naga City, marami pong ibang tao na mga—

    MIKE ABE: Hindi, tsaka maunlad na ang Naga City. Nakarating na ako diyan e. Developed na iyong Naga; hindi naman ganoon ano.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Kagagaling ko lang po doon noong weekend dahil sixth death anniversary ni Sec. Jess—napakatahimik na lugar, napaka… palagay mo kapag ikaw ay naglalakad sa kalsada—

    MIKE ABE: So sa tingin niyo… sa tingin po ninyo, political propaganda ito, paninirang isyung politikal lang itong mga akusasyong ito laban sa Pangalawang Pangulo at sa mga taga-Naga?

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Klarong klaro naman po iyon. Mismong Naga City council po naglabas na ng unanimous resolution na kinokondena ito pong nabanggit nga po ni Presidente Duterte na “hotbed of shabu” ang Naga dahil siyempre, masakit po sa loob nila iyon. Ang laki po ng kanilang ginugol na oras at trabaho para ayusin iyong Naga tapos magbibitaw po ng ganoong salita na wala namang batayan. E mismong PDEA po ng Southern Luzon, nagsalita na at nagsabi na hindi po totoo iyong ganoong klaseng paratang.

    So tingin ko po, itong ibang mga sumasakay pa sa isyung iyan ay naghahanap na lang talaga ng paraan para makabalik sa eksena. Kagaya na lang po ng binanggit niyo, matagal nang nawala iyang taong iyan, biglang bigla bumalik para gumawa ng ganitong klaseng akusasyon at sa totoo lang po, dati pa po sinusubukang ibato iyan buhay pa po si Sec. Jess, siya pa po ang Mayor ng Naga, ang dami na pong—

    MIKE ABE: Oo nga. Pati nga iyong pag-crash ng eroplano, iyong paglubog ng eroplano, ‘di ba na lumabas din iyong isyung iyan noong araw pa.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Sa dami po ng ganiyang paratang, kahit na isang katiting na ebidensya hindi naman po naipalabas. So ang pananaw lang po talaga namin, ang dapat na katanungan: bakit biglang ngayon sinusubukan na namang buhayin itong mga ito kung kailan nagkaroon po ng ganitong posisyon ang ating Bise Presidente?

    MIKE ABE: Okay, related sa topic na ito, Attorney, dahil kahapon si dating Pangulo Noynoy Aquino, na anak ni Ninoy Aquino, na ginunita noong August 21, ay nagsabi na palalakasin ng oposisyon, ng Liberal Party, ang mga kakandidato para sa midterm election. So ibig sabihin iyong Office of the Vice President, identified sa Liberal, at sinasabi ni dating Pangulong Aquino na talagang political—na paghahanda ito sa politika at kayang pamunuan ni Vice President Leni Robredo ang panghawakan ang kapangyarihan. So itong mga statement na ito, baka ito iyong lalong magpalala na kayo ay banatan, na kayo ay siraan, at kung anu-anong akusasyon ang mangyari pa sa Office of the Vice President, personal or sa posisyon.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: E sanay na po ang… si Bise Presidente Leni diyan po sa ganiyang klaseng paninira. Mula po noong siya ay nag-resign sa gabinete noong 2016, after pinatigil po siyang mag-attend ng mga Cabinet meetings, e wala na pong tigil iyong mga batikos sa kaniya. Iyong iba sobrang bastos na. Pati iyong kaniyang mga anak—

    MIKE ABE: Oo, personal nga. Nakita ko nga, pati mga anak dinamay grabe.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Nakita naman po natin lahat iyan.

    MIKE ABE: Anong plano… ‘Di ba ang sabi kakasuhan niyo raw iyan. Matutuloy ba?Iyong kay Olivar ba iyon? Ano bang pangalan noon?

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Opo, iyong blogger.

    MIKE ABE: Iyong Olivar ba iyon, grabe iyong mga sinabi. Tutuluyan ba talaga? Kakasuhan ba ng Office of the Vice President iyon? Paano?

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Ito po, diretsahan tayo, Sir Mike, niluluto na po iyang kasong iyan.

    MIKE ABE: Ayan, wala namang masama e kasi inakusahan kayo ng below the belt. Karapatan iyan ng Office of the Vice President kasi personal.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Marami rin po sa ating mga supporters, at iba pang mga tao na sawa na rin sa ganiyang klaseng mga paninira.

    MIKE ABE: Hindi, tsaka personal talaga—masyadong brutal, oo.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Hinihintay po ito e. So sigurado po iyan.

    MIKE ABE: Na kakasuhan talaga.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Sigurado po iyan. Itaga niyo sa bato. Sigurado po. Hinihintay na lang po iyong pag-ayos ng complaint pero sigurado po kakasuhan iyan.

    MIKE ABE: Tama iyan. Puwedeng sa Naga kasuhan iyan, puwedeng dito sa Maynila—komporme kung nasaan dahil nasa FB iyong statement na masyadong brutal, e may karapatan ang Office of the Vice President at iyong pamilya kung saan ifa-file iyong kaso at kung ano iyong ifa-file na kaso, hindi ba, Attorney?

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Tama po iyan. Tama po iyan. Sa kasalukuyan, hindi pa naman yata nagkakaroon ng panghuling desisyon kung saan ifa-file pero makakasigurado po tayong lahat na iyan po ay tuloy… tuloy na tuloy na.

    MIKE ABE: Ano bang puwede diyan? Libel lang ba o anong puwede diyan?

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Libel po isang option, kasama rin po iyong violation ng Cybercrime Law

    MIKE ABE: Ayan, ayan. Talagang hindi siya makakapag-deny diyan. May video e—

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Nabanggit din po ang posibilidad na grave scandal sa ilalim ng Revised Penal Code so—

    MIKE ABE: Marami pala. Wow.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: So pinaguusapan po ng mga abogado kung ano iyong mga tama at pinaka-akma na kaso na isasampa sa kanila.

    MIKE ABE: Oo, kasi napanood ko rin iyon. Pasintabi na baka iyong iba nagagalit sa atin pero noong napanood ko, sinabi ko talaga na below the belt. Sabi ko nga, “Ako, ang tagal kong police reporter at nag-cover din ako ng court noong araw e. Kahit nga ang biktima ng rape, ang husgado hindi pa rin naniniwala kapag walang medico-legal kung talagang biktima siya ng rape, iyon ang magpapatunay—ang medico-legal.” E itong statement ni Olivar parang kitang-kita niyang mayroong ginagawa. Parang nandoon siya sa private room at ginagawa iyong akusasyon niya. Grabe, ano?

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Grabe nga po. Ako, matagal na po akong nagpa-practice na criminal lawyer, nahihirapan po akong panoorin e.

    MIKE ABE: Oo, ako napanood ko. Reporter ako noong mga panahong iyon, sabi ko, “Grabe itong akusasyon na ito. Masyadong brutal at tsaka iyong pagmumura. Ayaw ko, grabe. Talagang sobra.” So good luck na lang. Sige, kung anong gagawin ninyo, nasa karapatan naman po ninyo. Isa na lang po, so nakahanda ang Office of the Vice President at Liberal Party o kung sino man sa inyo sa marami pang gulo sa politika at akusasyon, paninira, may ebidensya o wala ay magiging mainit kasi papalapit na ang midterm election?

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Opo, kami ang… Si VP naman po at ang kaniyang partido at koalisyon na kaniyang binubuo para sa midterm election, siyempre hangga’t maari ang gusto po namin maging maayos iyong kondukta ng debate. Kumbaga, usapan naman dito ay kung anong mas ikabubuti ng ating bayan. So habang kaya nating daanin sa maayos na debate, diskusyon, ganoon. Pero nasanay na po kami. Sa nakaraang dalawang tao, puro mga batikos, puro paninira, puro pagpapakalat ng fake news, at handa rin po kami diyan.

    At siguro po ang mapapangako natin sa ating mga katunggali, pati na rin po iyong ating mga kababayan, tapos na po ang panahon na matahimik kaming tatanggap at hindi papalag kapag nasa harap ng ganitong klaseng mga kasinungalingan at paninira. At humanda rin po sila kung ipagpapatuloy nila iyong mga ganiyang klaseng pamamalakad.

    MIKE ABE: Okay, Attorney Gutierrez, thank you po sa update at well, trabaho lang ho kami dito na gusto namin kunin ang side niyo at karapatan naman ng kung sino sa malayang pamamahayag at demokrasya sa ating bayan. Attorney, thank you po sa inyong oras.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Maraming salamat, Sir Mike. Mabuhay din po kayo.

    MIKE ABE: Mabuhay din po kayo, Attorney Barry Gutierrez.

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Aug 22, 2018