This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview at Brgy. Lourdes, Tiwi, Albay

    4 January 2016

    Q: ?

    VP LENI: Iyong dito, siyempre, galing na tayo sa Sogod, tapos ito ay Lourdes, medyo nakikita natin iyong pattern, ito iyong mga fisherfolk, ini-explain ko kay may kanina na noong nasa HUDCC pa ako, ginagawan sana natin ng plano iyong housing para sa mga fisherfolk.

    Iyong plano talaga is itulak kaunti papasok tapos iyong i-allow na lang sa dagat ay iyong temporary dwellings. Pero ano naman, doon sa kabila at least may plano si Kapitan kasi may problema iyong ownership sa lupa dito.

    Nag-commit nga ako kay Kapitan na isasama ko siya sa owner para kausapin. Pero iyong pinakaregalo natin sa residente ay iyong araw araw hindi sila nag-aalala na papaalisin sila, etc.

    Pero after iyan, siguro kailangan maplano nang maayos. Kasi iyong napansin ko lang, dito sa Lourdes mas permanente iyong dwellings, pero doon sa Sogod pero light materials, so sabi ko, every time na may sakuna, sila din ang nawawalan ng bahay.

    So siguro mas mabuti din kung may tutulong sa kanila mag rebuild nang mas maayos para hindi nabibiktima over and over again pag may sakuna.

    Q: So kailangan silag i-relocate po?

    VP LENI: Pag-aaralan natin, kailangan natin ipa-survey iyong area kasi sa atin naman gusto natin minimal disruption sa buhay iyan kaya kung ire-relocate man, ire-relocate sa mas malapit na lugar.

    Tapos iyong kailangan lang i-relocate iyong talagang hazardous na lugar. May nakita natin, iyong iba masyadong malapit sa dagat. Pero iyong sa atin, minimal disruption kasi nakita natin sa atin, lalong lalo na sa Manila, iyong nire-relocate sa malayo, parang ninanakawan natin ng hanapbuhay. Kaya kung tutulungan natin sila, iyong hindi naman sila mapapalayo sa hanapbuhay.

    Q: Kumusta po ang assessment natin sa relief effort ng government dito sa mga nasalanta?

    VP LENI: Hindi ko pa natatanong sa Tiwi, pero sa Ocampo saka sa Pili, mayroong reklamo na medyo mabagal ngayon. Wala din ako sa lugar na sabihin iyong tama na sinasabi nila pero iyong reklamo din kahapon iyong mga kapitan na kausap ko, medyo mabagal iyong napuntahan ko kahapon, iyong natanggap pa nila is iyong galing pa sa amin.

    Ano naman ito, tingin ko medyo nagulangtang lang lahat sa lakas ng bagyo, hindi inaasahan na ganoon. Kagabi pinuntahan ko iyong electric cooperative, iyong Casureco, iyong puna ng lahat, mabagal talaga iyong pag re-energize.

    Nakiusap ako, iyon iyong last meeting ko kagabi at ni-request ko na gawan nila ng timeline. Kasi iyong mahirap sa lahat, araw-araw naghihintay ang mga tao sa kuryente tapos hindi nagkakakuryente.

    Q: Dito sa relief efforts sa lugar natin ano po para mabigyan lahat?

    VP LENI: Iyong sa akin kasi, mas maganda kung i-coordinate sana lahat ng efforts, itabi na muna iyong mga pulitika, iyong lahat na tumutulong na pribado, iyong nais tumulong makipag-coordinate sa gobyerno, ganoon naman ginagawa namin.

    Kino-coodrinate natin na isahan lang, isa lang kausap natin, hindi tayo namimigay diretso sa tao, iyong relief na pinapamigay binibigay sa LGU para mas maayos iyong pamimigay kasi kung magsasarili na nauulit iyong iba, na iyong iba hindi makakatanggap, nandiyan.

    Sa akin lang, sa panahon ng sakuna, sana isantabi muna natin iyong hindi natin pinagkakaintindihan sa pulitika.

    Magkaisa para iyon iyong pinakamadaling tulong sa mga nasakuna.

    Q: Ever since December po mayroon ba po kayong communication with Pangulo?

    VP LENI: Wala na. Iyong pinakahuli iyong natanggap ko iyong pagbawal sa akin sa cabinet meeting, sumubok ako, pero mukhang ayaw ako kausapin. So sa akin–

    Q: Ginreet ba po kayo ng merry Christmas, Happy New Year?

    VP LENI: Hindi naman kami magkaaway, tingin ko, hindi naman kami magkaaway. Bigyan lang ng kaunting panahon.

    Q: May apela ba po kayo kay President para sa mga nasalanta ng bagyo?

    VP LENI: Actually galing na siya dito, mayroon na din directive sa mga national government offices pero iyong sa akin lang sana magtulong-tulungan kami. Gaya nito, napakaraming paaralan ito si Mayor, kinukuwento niya na 150 classrooms iyong nawala sa kanya, elementary iyan. Sa secondary, 91.

    Iyong kahapon, sa Ocampo saka sa Pili, sobrang dami din. So iyong sa akin naman, iyong kaya ko ikalap, ikakalap ko naman, sabi ko kay Mayor, baka nga puwede makakuha ng kopya ng lahat ng ni-rerequest nila para pagbalik ko sa Manila next week, ito na din iyong matututukan natin para mapablis iyong tulong.

    Kasi paminsan, iyong bureaucratic red tape iyong nakakatagal. Baka puwedeng upuan, isahan iyong upo, kasi the more na naghihintay iyong tao, mas nabibiktima sila. Kaya kung mayroon naman pantulong, sana maibigay na sa kanila.

    Q: Ma’am hindi po mamatay-matay iyong alegasyon na may “oust-Duterte” movement at may sinasabi din na may nailabas na blueprint na si dating US Ambassador na si Philip Goldberg na kasama kayo doon. Can you comment on that Ma’am?

    VP LENI: Ako, hindi ako naniniwala na mayroong ganoon. Unang una, nagkausap kami ni Ambassador Goldberg noong nasa isang event, pangalawa nag-courtesy call siya sa opisina.

    Wala namang pinag-usapan tungkol kay Pangulo, iyong pinag-usapan namin ay iyong bilateral relations ng US at ng Pilipinas.

    Sa akin, walang ganoon. Paniniwala ko makakabuti sa Pilipinas na instead humingi tayong matanggal iyong Pangulo, hingiin na lang natin sa Pangulo na pakinggan ang ating hinain.

    Hindi rin makakabuti na bawat upheaval hinihingi natin na matanggal ang pangulo kasi galing na tayo sa ganoon.

    Ang gusto lang natin na sana makinig din si Pangulo sa atin pero wala tayong pagnanais na tanggalin siya sa puesto.

    Q: Si Secretary Aguirre said this morning na doon sa plot na papatayin si JV Sebastian na ang behind ay si Sen. De Lima, Sen. Trillanes, minention na makakalaya iyong inmate na iyon dahil daw po mapapabagsak ang Duterte admin dahil daw malakas daw po ang Liberal Party…

    VP LENI: Tingin ko halata naman na hindi malakas iyong Liberal Party, ilan na lang ba kami ngayon?

    Ang biruan diba ay isang Volkvagen na lang iyong Liberal Party.

    Siguro malakas iyong partido noong Pangulo pa si Pangulong Aquino pero ngayon kaunti na lang.

    Nandoon pa lang kami sa stage na mag-uusap ulit, pag-uusapan kung anong direksyon patutunguhan ang partido pero hindi pa nag-uusap bilang partido, hindi ako naniniwala na malakas na ganoon.

    Alam siguro ng lahat na karamihan ng mga kasama namin lumipat sa PDP-Laban.

    Posted in Transcripts on Jan 04, 2017