This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview at Brgy. Salvacion-Centro, Buhi, Camarines Sur

    05 January 2017

    Question: Noong Martes po ay nagtanungan tayo sa sitwasyon sa New Moriones pero ang reaksyon po ng Malacanang ay pambuong Bicol region. May mga pumupuna po sa reaksiyon ninyo na mabagal. Ano po masasabi niyo dito?

    VP Leni: Iyong sa atin noon iyong pagtanong ninyo sa akin, iyon ang unang barangay na nabisita ko New Moriones, Ocampo, iyon ang reklamo nila. Iyong reklamong iyon iba iba sa iba’t ibang lugar.

    Gaya dito, dito sa Buhi walang problema sa relief. Galing ako sa Sañgay kahapon wala ring problema sa relief.

    Di ko masasabing isolated kasi may ilang nagrereklamo siguro case to case basis kasi may mga lugar na mahihina may mga lugar na mabilis.

    Sa Catanduanes ang reklamo nila hindi bagal pero iyong LGU dahil kulang ang dumating, ayaw muna nilang ibigay hanggang kulang.

    Iba iba talaga. Iba iba ang sitwasyon.

    Iyong reklamo sa Ocampo mabagal pero again hindi pare-pareho. Dito wala naman silang problema sa pagdating sa relief pero ang gusto talaga nating asikasuhin common sa lahat ay ang pabahay kasi marami pang nakikitira sa bahay ng iba.

    Dito more than 50 families pa ang nasa evacuation centers tapos galing ako sa Catanduanes kaninang umaga tapos ang problema nila halos 90 percent ng pananim nila particularly abaca nasira.

    And it would take 18 months bago mabuhay ulit. Iyong inaalala ni Governor Cua, iyong 18 months na walang kita baka mag-out migration na naman ang mga tao. Nag ni-rerequest nila sana may programa habang naghihintay.

    Ano ang tulong na maibibigay sa mga tao habang wala pang kinikita dahil 18 months pa bago maayos ulit ang pananim.

    Question: Specific reaction to Malacanang statement…

    VP Leni: Iyong panahon ngayon, panahon na magtulung-tulungan tayo. Parang nag-over react naman ata. Nandoon kayo sa New Moriones, narinig ninyo ang reklamo ng barangay. Iyong reklamong iyong hindi naman pare-pareho sa iba.

    Tingin ko hindi ko na lang papatulan iyong… parang iyong reaksyon mas over the top ata sa sitwasyon.

    Hindi natin sinasabing may problema ang buong Bicol region dahil iyong ibang lugar may problema, iyong ibang problema wala.

    Pero makakabuti siguro sa lahat na magtulungan na lang. Dapat walang pulitika ang pag-ayos sa disaster.

    At least dito sa amin kahit hindi kami magkakapartido, nagtutulungan. Marami akong lugar na pinuntahan na di ko kapartido ang LGU pero nakikipagtulungan naman.

    Pag ganyan naman wala namang problema kaya sana wag na lang palakihin pa. Iyong pagsabi natin noon, expression iyon ng mga tao doon at narinig ninyo ang reklamo.

    Pero hindi ito, ang gusto kong sabihin sino ang namumulitika dito? Andito tayo nagsasakripisyo, naghihirap para pabilisin ang tulong sa mga tao. Hindi tayo umaasa lamang sa gobyerno.

    In fact minomobilize na natin ang private sector para tumulong. Iyong lahat na dala natin ngayon lahat ito ay galing sa private sector pero sana huwag na lang mag-isipan nang ganoon.

    Sana magtulungan na lang.

    Nakita ninyo naman kung gaano karami ang pamilyang nangangailangan ng tulong dito. Ang nais lang natin kapag nagtulungan tayo mas bibilis ang pagdating ng tulong most especially pagdating sa shelter pag-asikaso ng paaralan at pag-asikaso ng mga pananim.

    Question: …

    VP Leni: Parang grabe ang Buhi…

    Question: Grabe talaga.

    VP Leni: Medyo nagugulat ako kasi, halimbawa, itong baranggay na ito, parang pag iyong normal nating mga bagyo, dapat hindi siya sana ganito kagrabe ang damage, in the sense na diba iyong dati nating mga bagyo dito, pag mayroong harang na bukid na ganyan parang siya yung proteksyon.

    Pero iniimagine ko kung ano ang movement ng hangin.

    Question: Actually maraming nagrereklamo na umikot daw ang bagyo.

    VP Leni: Sobra iyong devastation. Diba kanina tinitingnan ko galing sa taas, particularly iyong mais at saka iyong niyog, ah, grabe, medyo nag-aalala ako kasi, halimbawa, iyong niyog, it would take another 4-5 years bago ma-rehabilitate ulit, bumunga ulit.

    Iyong winoworry ko, ano iyong hanapbuhay ng tao habang naghihintay. Kaya sinabihan ko nga si Mayor na pagkatapos lang nitong kaguluhan, upuan namin lahat.

    Question: Pero mayroon na bang initial na naisip?

    VP Leni: May mga pag-uusap na. Una, iyong DA naman, nakahanda nang tulungan ang rehabilitation ng mga crops. Pero palagay ko, iyong gap pa ngayon, habang naghihintay sa sunod na harvest season, ano iyong puwedeng tulong sa mga nawalan?

    Kasi iyon iyong reklamo ng lahat, paano kami? Kasi halimbawa, iyong magniniyog, maghihintay siya, apat, limang taon. Iyong galing ako sa Catanduanes, yung mag-aabaka maghihintay siya, 18 months. So ano yung hanapbuhay nila sa yung span na iyon? Kailangan yun yung pag-isipan natin.

    Question: Sa larangan ng ano po, ng pangingisda…

    VP Leni: Hindi, at saka, iyong problema dito, nagkakaroon pa lang ng malaking fish kill. Kaya maraming kailangan ang Buhi.

    Question: General assessment po, ng everything?

    VP Leni: General assessment, halos actually pare-pareho. Uhm, iyong first day, ang pinuntahan ko, Ocampo at saka Pili sa Camarines Sur, second day, Tiwi, Albay, saka Sangay, sa 4th district.

    Kanina nasa Catanduanes ako, ngayon andito ako sa Buhi, mamaya nasa Bula. Pero halos pare-pareho.

    Number one, dami ng nawalan ng bahay.

    Number two, dami ng school school buildings ang nasira.

    Pangatlo, dami ng pananim na nasira.

    So iyong sa akin lang, iyong suggestion ko, tutulong ang opisina para mapabilis iyong tulong, pero kailangan magkaisa kaming lahat. Magkaisa kaming lahat dito, pati iyong nasa Catanduanes, iyong nasa Albay, kausap na din natin ang LGU, uupuan natin para planuhin with the national government agencies.

    Papaano mapapabilis iyong tulong, at papaano mas maging systematic yung pagbaba ng tulong. Lahat naman ng Mayors willing na umupo, ah mayroon na, si Governor Cua nakausap na, sana matimingan ko si Governor Villafuerte, para tulong-tulong kaming lahat makabangon muli iyong Bicol region.

    Question: Ma’am, sa response, iyong assessment ninyo po.

    VP Leni: Iba-iba kasi, at tingin ko, malaki kasing factor iyong, malaking factor ang LGU. Pero halimbawa sa amin, sa Camarines Sur, iyong nababagalan talaga ako, kuryente. Nababagalan ako sa kuryente, in fact noong Tuesday, gabi na ako natapos sa Pili, pero nakipag-meeting ako noong gabi sa CASURECO 2 officials.

    Sinabi ko iyong reklamo, kasi as of Tuesday, more than a week na after the typhoon, 35% pa lang ng Naga. Naga iyon, traditionally iyong Naga nauuna. Pero as of Tuesday 35% pa lang yung na-eenergize. Kahapon tumawag na ako sa Meralco. Ngayon, dumating na ang taga-Meralco, nag-meeting na sila, pinasamahan ko muna kay Congressman Bordado.

    Nag-meeting ang Meralco, iyong CASURECO 2, saka si Congressman Bordado. Willing naman ang Meralco magpahiram na ng crew nila, saka gamit para mas mapabilis na iyong energization.

    So ngayon iyong pinakamabagal na talaga ang pag-energize.

    Posted in Transcripts on Jan 05, 2017