This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview at Dona Remedios Trinidad, Bulacan

    27 January 2017

    Question: Paano po natutugunan ang mga ganitong pangangailangan? VP Leni: Ang kapital lang natin ay laway at sipag. Inaaya natin ang ibang mga organisasyon na may mga programa at naghahanap ng tutulungan, sinasama natin sila para makita iyong problema on the ground.

    Sa mga bisitang ganito marami tayong nakukuhang partnerships at maswerte tayo ngayon na may kasama tayong anim na partners na lahat nag-pledge ng tulong. Ito ang pinakasadya natin. May nangangailangan ng tulong, may gustong tumulong, kami lang ang naglilink sa dalawa.

    Question: May ganitong project din ang ang gobyerno natin hindi daw ho ba ito kumpetisyon sa programa ng DOH? VP Leni: Ako hindi siya kumpetisyon kasi kailangan nagtutulungan ang gobyerno at pribado. Masmabuti sana na tinutugunan ng pamahalaan ang lahat. Yung pinapasok natin hindi natutugunan. kasi ang programa ng gobyerno ever since nandiyan kay ang sinisiguro natin iyong mga napapagiwanan may tutulong. Tsaka iniimbita natin ang gobyerno to join us.

    In fact galing ang aking staff sa opisina ni Secretary Pau Ubial nag-pledge kami ng tulong sa programa nilang first 1000 days. Ito iyon yung nutrition. Tingin ko na panahon na magtulungan talaga hindi lang iyong gobyerno pati pribado para matugunan na finally ang napakalaking problema ng stunting.

    Question: Kayo po ba ay ammenable na magbigay ng condom sa young people? VP Leni: Ako naman as long as kabahagi siya ng komprehensibong programa. Kasi ang pinaka-worry ko kapag nabigay ng walang programa baka mapasama. Pero kung bahagi siya ng isang komprehensibong programa ok iyon. Ang tinututulan lang natin iyong basta mamimigay na hindi siya bahagi ng isang programa.

    Pero ang sa atin kung bahagi siya ng isang malawakang programa ng reproductive health at kabahagi ng programang iyon ang ginagawang accessible ang ibat ibang uri ng birth control ok iyon basta may education aspect.

    Kasi ang problema kung basta nabigay at hindi naman naturuan kung para saan iyon at paano gamitin at ano ang effectivity baka dangerous kasi baka ibang mindset ang tinuturo.

    Question: May mga attacks po si President sa Simbahan, kayo po bilang babae, bilang pangalawang pangulo… VP Leni: Ang sa akin kasi nalulungkot ako kapag nagtitirahan ng nagtitirahan kasi tingin ko to sana ang panahon na lahat kami magtulung-tulungan.

    Maraming pangangailangan ang ating mga kababayan ang di natutugunan kapag lahat kami ay nagaaway-away. Ito ang konsepto ng ating angat buhay program. Kaya tayo nagiikot ay para tumulong pero kung nang-aaway tayo papaano pa tayo tutulungan. Ito ang kinalulungkot ko kasi maraming gustong tumulong pero dahil nangaaway tayo baka yung gustong tumulong umayaw na tuloy.

    Sana maalis na sa trabaho natin iyong nakikipagaway. I-devote na lang ang lahat ng oras namin sa trabaho at pakikipagtulungan.

    Question: So if you are being asked for your advice to the President dapat makipagtulungan siya sa Church dahil malaki maitutulong nito? VP Leni: Hindi lang sa Simbahan. Tayo may hindi tayo pagkakaintindihan sa maraming sektor pero may panahon na magdebate kami sa mga issues pero sa tingin ko kasi pagdating sa pagtulong sa mga kababayan dapat isantabi muna namin ang difference namin sa paniniwala at magkaisa kami sa pagtutulong sa aming mga kababayan.

    Gaya dito siguro kung nang-aaway tayo sino pa maaaya natin para tumulong kaya sa akin kung ano man ang hindi pagkakaintindihan, isantabi muna sa ngalan ng trabaho at pakikipagtulungan.

    Question: Do you have anything to say nasasangkot nanaman ang mga pulis sa kidnapping, robbery, extortion sa mga foreign nationals… VP Leni: Ako nakakalungkot ito kasi naaalala ko ang panahon na kalihim pa ang asawa ko ng DILG at isa ito sa pinagbuhusan niya ito ng panahon at pagod na malinis ang ranks ng PNP.

    Tingin ko to an extent nag-improve ang PNP at marami tayong kasama sa PNP na talagang buo iyong loob na tumulong.

    Naging Chairman ako ng regional advisory board ng PNP at ang mga nakatrabaho ko maaayos malilinis masisipag talaga. Kaya sa akin nalulungkot ako na kapag nahahaluan siya ng scalawags nadadamay iyong institusyon kaya tingin ko incumbent upon the leadership na linisin.

    Di puwede iyong i-rereassign lang pag nagkaroon ng kaso. Hindi puwede iyong i-didismiss lang para nagkaroon ng criminal liability. Kasi hanggang hindi siya natutugunan, na-eerode iyong paniniwala ng tao sa buong insititusyon.

    Ngayon nakikita natin sa mga interview sa social media, nagtatanong na ang mga tao, kanino tayo lalapit kung hindi natin mapapagkatiwalaan iyong institusyon.

    Ito iyong nakakalungkot kasi iilan lang naman siguro iyong ganyan pero dahil sa ginagawang kasamaan ng iilan, damay ang buong institusyon.

    Question: Hindi po sagot ang pag-reresign? VP Leni: Hindi solusyon iyon although dapat managot kasi responsibility naming namumuno na managot sa mga nangyayari sa opisina pero hindi iyon ang solusyon na hinahanap.

    Ang solusyon na hinahanap, iyong nagkasala panagutin, iyong nagkasala parusahan, linisin ang buong institusyon para ang tiwala ng tao bumalik.

    Gaya ngayon marami nagtatanong, kanino ka ba masnatatakot sa drug addict o sa pulis parang ang samang pakinggan. angsamang lunukin dahil alam natin na nadadamay ang mga matitinong miyembro ng institusyon.

    Question: Are you going to watch the Miss U? VP Leni: Hindi e. Hindi ako imbitado.

    Posted in Transcripts on Jan 27, 2017