This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with DYAB Radyo Patrol AM 1512

    3 March 2017

    VP Leni: Maayong buntag Jun, maayong buntag po sa lahat ng nakikinig sa akin ngayong umaga.

    Q: Kumusta na po kayo, Madame Vice President? I understand po na papunta kayong Cebu, Ma’am, or nandito na ba kayo Cebu, Ma’am?

    VP Leni: On the way pa lang kami, papunta na kami sa Cebu. Mayroon tayong series ng activities diyan. Pero ang pinaka-highlight, pinakadahilan kung bakit ako pupunta, ila-launch natin ang Angat Buhay Program ng Office of the Vice President.

    Q: Puwede po ninyong i-explain itong inilunsad ninyong programa, Ma’am, itong Angat Buhay.

    VP Leni: Ito ang flagship program ng Office of the Vice President. Anti-poverty advocacy program, mayroon siyang anim na pillars. Ang anim na ito, rural development, hunger and food security, education, health, women empowerment and housing.

    Pinaghandaan namin ito kasi noong pagkahalal ko pa lang, tiningnan namin ang budget ng OVP parang karamihan sa kanya ceremonial, at gusto namin i-convert ang opisina para maging isang advocacy heavy na opisina.

    At na-conceptualize nga namin itong Angat Buhay. Mayroon kaming 50 LGUs all over the Philppines. Mula Luzon hanggang Mindanao.

    Pero ang Visayas kasi na naisip namin bigyan sila ng special concentration sa laki din ng lugar. Kaya parang first time ito na magla-launch kami diyan. Mayroon kaming 14 sites na napili diyan sa Cebu.

    Q: Ano itong mga lugar sa Cebu na parang pilot na areas ng Angat Buhay?

    VP Leni: Ito iyong Argao, Bantayan, Barili, Bogo City, Carcar city, Daan-Bantayan, Dalaguete, Danao City, Mandaue City, City of Naga, San Francisco, Tabuelan, Talisay City, and Tuburan. Iyon ang mga lugar natin.

    Nagkaroon na tayo ng meeting doon, parang pre-summit. Marami nang pre-summit ang ginawa natin, tiningnan na natin, marami tayong pag-uusap sa LGUs. Tiningnan natin ano ba ang pinaa kailangan ng lugar at papano natin sila hahanapan ng partners.

    Itong programa suporta ito sa mga government programs, iyong mga hindi napupunuan ng gobyerno kami ang magiging conduit para hanapan siya ng development partners.

    Marami tayong partners na development agency halimbawa iyong UNICEF, pero marami din tayong mga partners, mga negosyo at corporations na mayroong adbokasiyang pareho natin.

    So halimbawa ang problema ng isang lugar mataas ang malnutrition rate, mayroon namang programa ang DSWD pero ipapasok natin siya sa malnutrition program din ng OVP kasi dito ka-partner natin ang mga ahensya na hindi lang mga public na ahensya lalong lalo din ang private na mayroon ding mga programang ukol dito.

    Mayroon din sa programa natin, sinisiguro natin na parang may scorecards sa lahat na ginagawa. Nag-uumpisa tayo sa baseline at mayroon tayong regular updating at sinusukat kung anong nangyayari doon sa efforts na binubuhos natin sa programa.

    Q: Paano ito na-identify itong 14 na mayroon talagang pangangailangan let’s say sa housing o malnutrition or ibang kasali sa naturang program?

    VP Leni: Tinitingnan natin ang magnitude ng poverty, ano ba iyong may matataas na mga malnutrition rate o stunting, figure sa maternal or child mortality rate—maraming, actually ang formula niya, maraming mga datos na tinitingnan kasi binabagay natin ito sa available na help.

    Sino ang puwede nating maging partners, ano ang mga serbisyong willing silang itulong. Sa mga serbisyong iyon, sino ang mga LGUs na nangangailangan nito?

    Pinaka-role na OVP kami ang conduit, kami ang nagkakabit ng pangangailangan doon sa help. Mayroong din kaming ibang kinonsider.

    Papunta nga ako ng San Remegio bukas, mataas ang disability, iyong persons with disability kaya tutulong tayo doon. Pero itong 14 na ito, based sa formula na ginawa ng OVP, base din sa available help ng partners natin.

    Q: Talking about partners ninyo sa OVP, paano ninyo nahikayat? Ito’y mga NGOs, mayroon ding mga big companies na involved dito. Paano ninyo na-encourage na magbigay ng tulong?

    VP Leni: Imbita kami nang imbita, una sinusulatan namin, inaaya namin for a meeting with the OVP. Mula ng July ginagawa na natin hanggang makakuha kami ng more than 200 partners.

    Ang maganda nito kasi parang hindi lang natutulungan ang LGUs mismo pero ang mga kumpanyang naimbitahan natin nag nagpapasalamat sa atin, kasi karamihan pala sa kanila naghahanap ng matutulungan pero kulang ang datos na available sa kanila.

    Kaya ito sa amin, gumawa naman kami ng group, na ito ang mga sites namin, ito ang mga kailangan namin. So parang pumipili na lamang sila, ano ang tulong na ibibigay nila, ano ang adbokasiya nila, ano ang help na mabibigay ng kanilang kumpanya. Sinasabi nila na napapadali na namin ang kanilang trabaho kasi hindi sila maghanap. Kasi ang trabaho namin parang kami ang gumagawa ng groundwork for them.

    Iyong partnership between LGUs at mga partners, kami lang talaga ang nagtatrabaho para magkakilala sila and ma-facilitate ang kanilang partnership.

    Q: Itong mga malalaking kumpanya, hindi naman ganoon kadali na lalapit, dapat may mga datos din. So ang opisina ninyo ang gumawa nito at naipresinta ninyo naman, at nakita nila ang pangangailangan ng LGUs.

    VP Leni: Totoo iyon, Jun. Nakakita kami ng isang lugar na tingin namin sobrang grabe iyong pangangailangan, pag bumababa kami sinasama talaga namin ang partners para makita nila ang sitwasyon.

    Halimbawa bumaba kami sa Tampakan, South Cotabato. Tapos pag alis namin doon, naka-forge na ng partnership doon ang Nestle Philippines at saka coffee at cocoa farmers ng Tampakan. Tutulungan nila ang mga coffee at cocoa farmers na sila ang bibili ng produkto dito.

    Halimbawa, bumaba kami sa Agutaya sa Northern Palawan ito, sobrang layo niya 10 oras sa boat galing sa Coron. Nagsama kami doon ng mga partners nakita nila walang kuryente ang buong isla, marami pang pangangailangan.

    Kaya nakahanap tayo ng mga tutulong. May nagbigay ng solar generators, may magpapaayos, may maglalagay ng water system. And iyong partners pasalamat sila kasi sinasabi nila dati ang alam lang namin na tutulungan iyong Payatas, ngayon lumalawak na. Iyong stake at ownership ng programa, ramdam na ramdam nila.

    Q: Kailangan talaga nitong mga kumpanya na ito na may lalapit sa kanila at magsasabing ito, kailangan nila ng tulong.

    VP Leni: Totoo iyan. In fact iyong hindi namin naimbitahan during the Summit, nalalaman na nila ang progama sa amin na pumupunta.

    Sasabihin ng kumpanya gusto din namin mag-participate, ganito ang programa namin, humihingi ng advice, saan ba namin puwede ilagay, ganito ang gusto namin. Kaya iyong nangyayari parang matching lang para sa amin. Very inspiring ito.

    Noong October first day ng unang launch, parang nagkaroon kami ng fair ng mga LGUs at mga partners, in one day nakakuha kami ng mga 700 pledges at umusad na in the past 4 months since the launch.

    Q: Para po itong one-stop-shop fair, Ma’am kung saan ipinag-aabot ang mga nangangailangan at iyong mga makakatulong?

    VP Leni: Totoo iyon. Ang tawag nga namin dito noong nila-launch namin sa Manila, parang development speed-dating. Parang doon namin sila pagtatagpuin, at iyong mga LGUs doon nila pini-presenta ang kanilang mga programa tapos iyong mga partners naman para silang namamalengke.

    Umiikot sila mayroon kaming mga stations, bawat station nandoon ang LGU mayroon presentation sa kanilang lugar at doon umiikot, parang namamalenge doon para silang nagsha-shopping.

    Iyong feeding program namin, sino pang nangangailangan, so mag-pepresent ang mga LGU kung nasaan ang lugar nila. Mahalaga din doon ang local chief executive, kasi gusto ng mga partners pro-active ang kanilang kausap.

    Ayaw nila ang masyadong tradisyonal na parang naghihintay lang ng tulong, pero ang nakita namin diyan ang mga local chief executives din na nagpapakita ng initiative sa kanilang lugar, iyon ang nakakakuha ng maraming pledges kasi siguro inspirado. Inspirado din siguro ang mga partners na kung dito natin ilalagay, ang chances for success mataas talaga.

    Q: Sa ibang tao na nagsasabi, ang question of sustainability na kung andiyan na ang partners, nandoon na sa lugar na tumutulong na, for how long will they help? Hanggang saan ang pagtulong?

    VP Leni: Mayron tayong technical working group, halimbawa hunger. Mayroon tayong technical group working on hunger, ngayon kasabayan niyan ang World Food Programme.

    At ni-require natin na mayroon talagang template ang buong programa. Mayroon tayong baseline, tapos we have the scorecards.

    Pag halimbawa, at the end of 3 months ito ang target, at the end of 6 months ito ang target—gusto namin nasusukat.

    Kailangan may nasusukat para may target na achievable. Napansin kasi namin noong umikot kami, halos lahat naman mayroon talagang feeding programs pero parang hindi sinusukat iyong effectivity ng programa mismo.

    Kaya sabi namin ayaw namin iyon. Hindi ibig sabihin na may feeding program, kami hanggang ma-achieve ang target.

    Q: So may follow-up po ito na consistent. Kung kumusta na itong project ng isang natulungan, Ma’am?

    VP Leni: Kailangan kasi ito ang nagsusukat kung ano na ang nangyayari sa programa. Kasi ang ayaw natin mangyari iyong excited lang sa umpisa pero nawawala lalo na pag tumatagal tapos hindi na-achieve ang target.

    Once mag-forge ng partnership, papasok sila sa isang memorandum of understanding, iyong partner at LGU, nandoon ang sense of engagement so talagang may committment para hindi matatapos ang engagement hanggang hindi nako-comply ng maayos.

    Q: Parang maging ningas-kugon ang programa na ito. Baka hindi na masustain kalaunan?

    VP Leni: Totoo iyon. Ito naman parang binaliktad natin, dito ang pinaka-level of achievement natin ay sukat, hindi iyong partnership, hindi iyong activity na ginagawa, pero ang target na kailangang ma-achieve.

    So without the targets, hindi tayo mag-uumpisa ng programa.

    Q: Ilan bang LGUs ang tinarget ninyo ma’am sa buong bansa?

    VP Leni: Nag-umpisa tayo diyan 50, nag-umpisa tayo 50. Pero itong mga ni-launch natin sa Cebu madadagdagan siya. Kasi sa Cebu, dati mayroon na tayong provincial engagement.

    Dinagdagan natin ng parang, noong nag-umpisa kami Jun, kung ‘di ako nagkakamali, tatlong sites. Dinagdagan na natin kaya ngayon 14 sites na lahat.

    Siguro Jun, by this time, 65 na lahat. Nag-umpisa kami nung October na 50. Ano ‘to Jun, all over the country. Halo ito ng mga grabe ‘yung mga problema sa poverty, tsaka ‘yung iba naman ‘yung very fast-paced ‘yung development.

    Halimbawa Jun, nasa Bohol kami kahapon, ‘yung pinuntahan naming Jun ‘yung Maribojoc tsaka ‘yung Panglao.

    Halimbawa, ‘yung Panglao ang bilis ng development ngayon, gusto naming matutukan ‘yung lugar para sabayan. ‘Yung siguraduhin na nakakahabol ‘yung inclusivity ng pag-asenso.

    Ganito rin, maraming lugar sa Cebu, Jun, ang ganyan din. Dito sa Cebu alam natin ‘yung economic development talagang halos hindi tayo maka catch-up, pero pag tinignan natin ‘yung poverty magnitude, mataas pa din.

    Kaya gusto nating tutukan, paano ba natin mama-maximize ‘yung economic development? Para ‘yung inclusivity andiyan, para bumaba ‘yung poverty magnitude. Para ano, Jun, para ‘yung pag-angat ng buhay ng lugar, sabay din lahat, hindi ‘yung nakikinabang iilan lamang.

    Q: ‘Yung reality sa Pilipinas, Vice President Leni Robredo na, dito sa bansa natin ma’am, ‘yung realidad ay ‘yung mga pulitiko pa rin natin ang nagdikta dito sa mga Local Government Units, kung saan makakasali dito sa Angat Buhay…

    VP Leni: ‘Yung sa atin, ‘yung mga pulitiko gusto pa rin ano sa kanya…Ang sinusubukan natin ‘yan Jun, ‘yung isa sa mga partners natin ‘yung SEAOIL Foundation, tsaka ‘yung Xavier University sa Cagayan de Oro partner natin.

    Mayroon tayong ilalaunch na bridging leadership na course, na ‘yung mga, lahat ng mga program sites natin, hindi lang ‘yung mga local chief executives, ‘yung mga key heads ng mga key departments ng Local Government Units, maga-undergo ng course.

    ‘Yung mga naiintindihan ang programa, siguruhin na naiintindihan ‘yung absorptive capacity noong mga LGU maayos, para mailayo natin sa pulitika. ‘Yung punto natin dito, Jun, siyempre bawat LGU hindi naman maaalis ‘yung pulitiko, ay pulitika. Kasi talagang ito naman talaga ‘yung nature ng LGU.

    Pero puwede naman kasi ‘yun Jun pagsabayin, na kahit mga pulitiko ‘yung mga namumuno, ‘yung concentration niya is mas governance talaga.

    So, ito, ‘yung ilalaunch din natin na kasabay nito, na irerequire natin na lahat ng lugar na under sa programa, mag-undergo ng bridging leadership. Ano ‘yun Jun, last week ni-launch na naming ito sa Xavier University, at naghahanap pa tayo ng iba pang mga partner universities kung saan magha-house nito.

    Kasi ‘yung Xavier, Jun, sila ‘yung magbibigay ng training para sa lahat ng Mindanao sites namin. Ngayon, ang nilalakad natin ay magkaroon din tayo sa Luzon at tsaka sa Visayas.

    Q: And finally, Madam Vice President, I understand isa sa mga activity ninyo pagpunta niyo sa Cebu, Ma’am, ila-launch ‘yung libro ni dating DILG secretary Jesse Robredo?

    VP Leni: Ano ‘yun Jun, uhm, kung naaalala natin, ‘yung Cebu talaga ‘yung huling pinuntahan ng aking asawa. Kaya ako talaga Jun, ‘yung pinakauna kong biyahe pagkatapos mawala ang asawa ko, talagang pabalik diyan sa Cebu. Pinuntahan ko ‘yung mga huling lugar na pinuntahan niya. Kasi ito talaga Jun, after mangyari, pakiramdam ko mayroon nang attachment.

    Hindi lang ako kundi ‘yung buong pamilya namin sa Cebu. ‘Yung mga taong huli niyang nakausap, ‘yung mga lugar na huli niyang pinuntahan, ‘yung organisasyon na mayroong okasyon na pinuntahan niya, ito Jun, every time I go to Cebu, sinusubukan kong puntahan.

    Dahil ito talaga yung, eto ‘yung koneksyon, eto ‘yung attachment ng pamilya naming diyan. Kaya bawat punta ko, hindi na mawawala na lagi sa akin na andun ako.

    Tsaka kung naaalala natin si Cpt. Taga-Cebu. Kaya naging very close na ako kay Marty, ‘yung kanyang biyuda. Kaya bawat punta ko sa Cebu, dinadaanan ko siya. Naka-forge na kami ng bond na parang magkapatid. Kasi, ‘yung shared experience namin, ‘yung grief na pinagdaanan namin.. kami naman. Cebu na ‘yung parang hometown.

    Q: And finally, Madam Vice President, mga issues ito, Ma’am. Kunin ko lang po ang reaksyon ninyo Ma’am na parang, maipasa na ang death penalty bill, Ma’am. Wala na raw makakapigil sa Kongreso and maybe sa Senado din, Madame Vice President?

    VP Leni: Ito tumututol tayo dito. Nalulungkot, nababahala, and ito rin ‘yung, alam naman natin na isang bagay ito na napakamahalaga sa ating lahat.

    Unang-una, ‘yung manner ng pagpasa niyan, hindi tayo kuntento in the sense na may pakiramdam tayo na parang brinaso ang pagpasa nito.

    Tapos na ‘yung second reading, pero alam natin na kahit sa Committee hindi ito napag-usapan nang maayos kasi minadali. Umaasa tayo na bibigyan sana ng mas maraming panahon, kasi maraming nakalinya na magi-interpolate dun sa mga authors. Pero minadali, ‘yung interpellation, na hindi naman siya napag-usapan nang maayos. Kaya ito kailangang mapag-usapan ng maayos kasi maraming mga tanong na kailangang sagutin.

    Unang-una, ano ba ‘yung empirical evidence natin na ito ‘yung deterrence sa commission ng crimes? Kung titingnan natin ‘yung mga lugar na may death penalty, hindi na maganda ‘yung mga lugar na mabababa ‘yung crime rates.

    Dati mayroon din tayong death penalty, tingnan natin yung kaso. Noong panahon ba na may death penalty tayo, naging deterrent ba ito dito sa atin? Makikita natin sa figures na hindi. Eto ‘yung umpisa.

    Number 2, Jun, kailangang sagutin na, given na flawed na masyado iyong ating justice system, isusugal ba natin iyong magkaroon tayo ng death penalty considering na alam natin na marami pang kailangang gawin para ayusin ‘yung ating justice system.

    Pangatlo, tingin natin Jun, ito ay, anti-poor ito, anti-poor ito kasi kung titingnan natin, sino ba ‘yung mga nasalang sa punishment ng kamatayan sa atin. Halos lahat mahihirap, dahil wala silang access sa maayos na legal assistance.

    Wala silang access para kumuha ng mahuhusay na abugado na dedepensa sa kanila. Tama ba ‘yung desisyon, tama ba yung conviction niya, o mali. Ito ang nakakalungkot kasi parang sinusugal natin itong lahat para sa isang paniniwala na hindi pa naman convicted.

    Ito din Jun, ano to, marami ring international organizations ‘yung Pilipinas. Ito, commitment ito ng ating bansa na hindi na ibabalik muli yang death penalty sa ating criminal justice system.

    Pag ito ay naipasa, babaguhin ulit natin ‘yung mga international obligations natin. Hindi naman tayo sigurado na ito ang kasagutan sa kriminalidad dito sa atin.

    ‘Yung sa akin lang, Jun, lahat masasagot kung binigyan lang ng pagkakataon napag-usapan nang maayos, pagdebatihan ng maayos sa House of Representatives.

    Sa ngayon, Jun, kahit naipasa na siya sa second reading, hindi pa rin tayo nawawalan ng pag-asa. Naga-appeal pa rin tayo sa konsensiya ng ating mga mambabatas na kahit ganito ‘yung mga attempts para ipilit siya, sana ‘yung konsensiya nila ‘yung manaig pagdating ng third reading.

    Q: ‘Yung mga nasimulan na mga protesta, Madame Vice President, do you think lalawak pa ito, Ma’am, as the days go on, and then of course, wala na talaga magagawa ang tao, maipasa talaga ang bill na ito.

    VP Leni: Ako, Jun, anything is possible. Pero sana maintindihan nating lahat na ang kapangyarihan ay parati namang nasa bawat isa sa atin.

    Ako kasi, hindi ko masasabi itong protesta o hindi. Pero parati tayong nag-a-appeal sa ating mga kababayan na sana, sana, alisin na natin ‘yung parang pakiramdam ng regulation. ‘Yung parang tatanggapin na lang, kung ano yung, tatanggapin na lang, wala na tayong magagawa.

    ‘Yung nangyaring EDSA noong 1986, ‘yung pinakamahalagang aral noon sa atin, na kahit na gaano man kalakas ang pamahalaan, kahit gaano kalakas ang namumuno, ang tunay na kapangyarihan, nasa kamay pa ‘rin ng ordinaryong Pilipino.

    ‘Yun sana ang ating iisipin, na kahit na may desisyon’yung mga namumuno sa atin, kung ang desisyon nila ay hindi naaayon sa ating mga paniniwala, nakahanda na ang ating loob na salungatin ito.

    Alam natin na, ito ay hindi madali. Hindi madali iyong hinaharap natin. Halimbawa Jun, nakikita natin na kung sino ‘yung sumasalungat, talagang parang humaharap sa maraming pagsubok. Nakita natin na may Senator Leila, ako din tinitira.

    Pero ito ‘yung, dito natin ma-tetest ‘yung ating paniniwala. Handa ba tayong harapin ‘yung lahat ng mga kahirapan para sa ating bayan? Para sa ating paniniwala?

    Kaya sana, sana Jun, hindi panghinaan ng loob ‘yung mga ordinaryong mga mamamayan, kahit, sabi ko nga, ‘yung kapangyarihan, nasa kamay ng bawat isa sa atin.

    Q: Nagpalabas na ng report ‘yung Human Rights Watch, based in New York, Madame Vice President, at sinabi nila is President Rody Duterte is criminally liable sa mga vigilante extrajudicial killings na nangyari sa bansa under his administration. What’s your take on this, Vice President?

    VP Leni: Ako, hindi ko pa nababasa ‘yung news article tungkol diyan. Basahin ko muna ‘yung report para tignan ko muna ‘yung mga basehan.

    Alam naman natin na maraming impormasyon ang lumalabas. Lahat naman ng impormasyon dapat masusing tingnan.

    Pero ‘yung takot lang, ‘yung extrajudicial killings na nangyayari, cause for alarm lang para sa ating lahat. 7,600 na, as of a month ago 7, 600 na ‘yung namamatay.

    Ako kasi, mayroon kaming mga bisita. Noong nakausap ‘yung groups, may reklamo sa ginagawang karahasan sa kanila ng ating mga alagad ng batas. Parating tinatanong sa atin, sino na sa amin ang magproprotekta?

    Napakahirap noong sagutin, kahit na pangalawang pangulo ako, nahihirapan akong sagutin. Kasi sino nga ang magproprotekta kung ang inaasahan natin na proprotekta sa atin ay mukhang ‘yun pa ang lumalabag sa karapatang pantao natin.

    And ito Jun, dapat sa gitna nitong lahat, lumaban tayo. Lumaban tayo sa ating mga paniniwala in the sense na dapat ipaglaban natin ang ating karapatan, kasi kung tatanggapin na lang itong lahat, baka ‘yung 7, 600 na ‘yun, baka hindi lamang doon matigil.

    Q: Madame Vice President, wala na pong ibang tanong pa ma’am, maliban na lang kung may iba ka pang pahayag. Or maybe your final message sa, Vice President Robredo.

    VP Leni: Sa akin Jun, salamat lang ulit sa pagkakataong ibinigay niyo muli sa akin ngayong umaga na makapagpahayag dito sa programa ninyo.

    Ano din, makapagpasalamat sa malaking suportang binigay sa akin ng lalawigan ng Cebu noong nakaraang eleksyon. Malaki rin ang panalo ko dito, kaya iyon naman ay isang bagay na hindi natin makakalimutan. Na noong tayo ay nanalo, pinipilit nating bumalik paminsan pag iniimbitahan tayo.

    Parang ngayong araw na ito para mag-launch ng program, tapos ito, ang pagpapasalamat, ipapahayag natin sa paraan ng pagbabalik ng kung anong tiwalang ibinigay sa atin, ‘yun ‘din ‘yung serbisyong ibibigay natin sa mga Cebuano.

    Bumabiyahe na kami papuntang Cebu. Magkita-kita po tayo sa launch ng Angat Buhay. Dalawang launch ‘yun Jun, isa sa city at isa sa probinsiya. Nagpapasalamat tayo sa local officials sa pagiging bukas sa pakikipag-partner sa ating opisina para sabay-sabay tayong magtrabaho para sa interes ng ating mga kababayan na nangangailangan ng tulong.

    Kaya maraming-maraming salamat Jun.

    Q: Madame Vice President, maraming maraming salamat po for your time, and good morning, Ma’am.

    VP Leni: Maraming salamat at maayong buntag.

    Posted in Transcripts on Mar 02, 2017