This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview of DYRD – Bohol with Georgina Hernandez

    1 March 2017

    Q: Una sa lahat, Ma’am Georgina, what brings Vice President Robredo here to Bohol?

    Georgina: Si VP Leni Robredo po ay papunta po sa Bohol bukas ng umaga dahil mayroon po kaming partner community ng Angat Buhay diyan po sa Bohol. Kasama po diyan ‘yung Maribojoc at ‘yung Panglao. Mayroon po kaming gagawing na mga turnover ng fishing boat na makakatulong po sa kabuhayan o iyong pang-negosyo po ng mga kababayan natin diyan.

    At mayroon din pong mga women’s month celebration dahil Marso po ngayon at ginugunita po natin, inaalala po natin ‘yung women’s month, kaya may mga kababaihan ‘din po siyang makakasama diyaan.

    Panghuli may magiging consultation o kaya meeting kasama po ng mga partners natin sa Angat Buhay, dahil ito pong Angat Buhay ay ginagawa ni VP Leni upang magbigay ng mga tunay na solusyon sa mga tunay na problemang nakikita natin sa ating bansa.

    Ito po ‘yung kahirapan, at ang gusto po nating mangyari, ang gustong mangyari ni VP Leni dito po sa Angat Buhay ay makapagdala tayo ng mga programa at mga serbisyo diresto sa mga tao sa mas magaling, mas madali, mas mabilis pong maipadala sa mga tao ang kanilang mga pangangailangan.

    Q: Okay Ma’am Georgina, apparently, Ma’am Leni, since she is, shall we say, cut off from the administration, is working through non-government channels?

    Georgina: Tama po ‘yun. Mayroon po tayong mga partners mula sa private sector at mga NGOs na sumusuporta po sa mga anti-poverty programs na in-aadvocate o isinusulong po ni VP Leni.

    Mayroon din naman po tayong partners mula sa pamahalaan, at karamihan po dito ay provincial at municipal local government units. Kaya ito pong mga programa natin sa Bohol ay in coordination po ito sa local governments.

    Q: Okay, Ma’am. Kahapon, o a day before, the Liberal Party decided to consolidate their forces. Sabi ni Ma’am Leni on the papers, that the intention is to be the voice of the opposition. So, has she drawn the line? Sabi niya sa EDSA “let’s stop the lies.” So ano na bang role niya ngayon at political role niya ngayon, Georgina?

    Georgina: Gaya po mismo ng sinabi ni VP Leni, boses po siya ng oposisyon at maririnig po natin nang malakas ang kanyang boses at paninindigan laban po sa mga isyu, lalo na po iyong mga kumikitil sa karapatang-pantao o ‘yung human rights violations.

    Alam naman po natin na si VP Leni ay matagal na pong abugado ng mga mahihirap at mga inaapi. At sa mga nakikita po niya sa mga nangyayari sa ating bansa ngayon, ay kinakailangan po talaga na maging boses siya at manindigan siya laban sa mga extra-judicial killings at ito nga po, ‘yung pinag-uusapan na death penalty sa kongreso ay talagang tinututulan po ni VP Leni at ng mga leaders ng Liberal Party.

    Q: Ma’am Georgina, will she take the occasion, kasi nandito siya sa Bohol, to talk to the leaders of the Liberal Party?

    Georgina: Ang information po sa amin ay mukhang nag-seset ng appointments with some local officials, madalas naman po, kasama naman po ang mga local government officials sa mga meetings. Pero in terms of a separate Liberal Party, hindi pa po kami na-inform about that.

    Q: So ang pagpunta niya rito is purely to attend to her many advocacies through non-government offices. Hindi kasama ‘yung, wala siyang political agenda rito.

    Georgina: Masasabi natin na ganoon ho kasi ang mga kausap po natin ay ‘yung mga local government unit officials po ng Maribojoc at tsaka ng Panglao nag-coordinate din po kami sa provincial government sa office po ni Governor Chatto.

    Pero ang talagang sadya po niya diyan, ang reason kung bakit po siya pupunta sa Bohol ay para nga po sa Angat Buhay na magbibigay po talaga ng tunay na solusyon sa mga problema ng kahirapan na ito naman talaga sa dami po ng mga issues na naririnig po natin sa ating bansa ngayon, ito nga pong extra-judicial killings, itong death penalty, ‘yong confession ni Lascanas, lahat po ito, pati ‘yung pag-aresto kay Senator De Lima, maraming mga ingay na naririnig, maraming issue na lumalabas, pero sa ngayon po, iyong pangangailangan po ng mga ordinaryong pamilyang Pilipino, ‘yung mga tinatawag po ni VP Leni na pamilya sa laylayan, iyong kanilang sitwasyon po ng kahirapan ang gustong tutukan, at patuloy po na pina-priority ni VP Leni.

    Q: So from an observer’s, Ma’am, hindi talaga ito pulitika dahil she will be visiting the town of Maribojoc, which is the hometown of Cabinet Secretary Leoncio Evasco?

    Georgina: Tama po kayo diyan. Napili po naming ‘yung mga lugar ng Angat Buhay batay po sa mga pangangailangan po nila. At doon po ay may pangangailangan, so regardless po kung ano ang mga pulitika doon ay tutulungan po natin iyong mga pamilya po na nangangailangan.

    Q: Okay, ma’am Georgina, si Fred Araneta, Ma’am.

    Fred: Ma’am Georgina, good morning, magandang umaga po.

    Georgina: Magandang umaga po.

    Fred: Noong panahon sa kampanya, every time na si Ma’am Leni ay pupunta dito sa Bohol, ay she will visit us here dito sa station DYRD. Mayroon bang plano na bukas ay pupunta siya rito for a short interview?

    Georgina: Iche-check po namin sa mga nag-cocoordinate po sa amin diyan ngayon, para po makita po kung kakayanin po naming ‘yung schedule. Titignan po natin yan.

    Fred: Okay. Ma’am, sa mga magsasaka at mga kababaihan, patuloy ba ‘yan, pag-help ni Ma’am Leni even though now that she’s Vice President of the Philippines?

    Georgina: Siya po ngayon, bilang ating duly-elected Vice President ay ginagawa lamang po niya ang kanyang tungkulin na patuloy po na magserbisyo sa mga Pilipino.

    Bagamat wala na po siya sa Gabinete, hindi po ito limitasyon sa kanya na patuloy pong tumulong sa mga pamilya, lalong-lalo na po ‘yung mga walang makain, ‘yung mga may mga anak na malnourished, ‘yung mga pamilya na kulang ang kita at nahihirapan pong ipadala ang kanilang mga anak sa eskuwelahan.

    Ito po ‘yung patuloy na mga tinutulungan ni VP Leni ngayon. Hindi lang po sa Bohol kundi sa ibang probinsiya pa sa bansa. Pagkatapos po niyang pumunta sa Bohol, sa katunayan po ay didiretso siya sa Cebu at mayroon din po tayong partners na communities na nandoon na nangangailangan ng tulong.

    Fred: Okay, so Ma’am Georgina, expecting the Vice President tomorrow here. But send our regards to her. Thank you, thank you very much. Your final statement, Ma’am?

    Georgina: Salamat po sa pagkakataon na makapagpaliwanag po kung ano po ‘yung reason ng pagpunta ni VP Leni diyan sa Bohol. Sana po ay patuloy po nating malaman kung ano po ang ginagawa ng ating Pangalawang Pangulo para makita po natin ang katotohanan na siya po ay talagang gusto lamang makatulong sa mga nangangailangang Pilipino.

    Fred: Okay, Ma’am Georgina, thank you very much. Magandang umaga.

    Georgina: Maraming salamat po at magandang umaga.

    Posted in Transcripts on Feb 28, 2017