This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview at DYRD Radio, Tagbiliran, Bohol

    2 March 2017

    VP Leni: Magandang umaga sa lahat ng nakikinig sa atin sa inyong, DYRD.

    Q: Long time no see. Pero araw-araw kaming nakikinig sa ating Bise Presidente. What is keeping the Vice President these days? VP Leni: Iyon di po ang sadya namin ngayon, at alam po ninyo noong October, nag-launch noong October ang Office of the Vice President ng flagship program, ang tawag po rito ay Angat Buhay. Iyong Angat Buhay po, anti-poverty advocacy ng Opisina namin. Nag-adopt po kami ng 50 local government units all over the Philippines. Ito pong 50 na ito, dahil wala naman pong pondo na sarili iyong Office of the Vice President, partnerships ito with the private sector. Dito po sa Bohol, mayroon po tayong 2 pilot, iyong Maribojoc at Panglao. Iyon po ang pinipilot natin. Ngayon po kaya kami narito, bibisitahin po namin pareho, magmi-meet po tayo kung paano ikakasa ang mga programa. Mayroon po tayong initial, for example sa Maribojoc, isa po sa mga pledges na nakuha nila noong launch natin, ay nakakuha silang partner ay maglalagay ng toy library doon. Parang several weeks ago, one month ago, nag-set-up na sila ng toy library dito sa Maribojoc. Ito naman po sa Panglao, mag-mi-meeting po kami ngayong araw na ito with the partners para alamin kung ano iyong eksaktong kailangan ng local government unit para mahanapan nang maayos na partner para matugunan ang pangangalangan.

    Q: Noong una, during the campaign period, you championed the cause of women and poor farmers. VP Leni: Ganoon din po rin ngayon. Iyong Angat Buhay – anim na pillars po natin, kabahagi po roon ang women empowerment. Mayroon po tayong hunger and food security, mayroon po tayong universal health care, education, rural development. Ito po iyong tulong natin sa mga magsasaka. At saka sa mga mangingisda. Kaya ito po iyong mga sinusulong natin ngayon.

    Q: What are your programs na advocacies right now that occupy your time, Mrs. Vice President? VP Leni: Ito na po iyong nag-o-occupy ng halos na oras namin – ito pong Angat Buhay. Iniikot po namin ang lahat na pilot sites. Ang balak namin this year, mag-coconcentrate muna tayo dito sa 50 na iyon. Gaya ng sabi ko, ito rin ang sadya natin ngayon. Bukas po nasa Cebu tayo, kasi mayroon din site doon, iyong San Remigio, Cebu. Ano po ito, iyong mga unang bisita sa mga sites, ito ang mga pagkasa ng mga proyekto. Pero iyong mga nabisita namin, nakakasa na talaga. Formalization ng mga partnerships. Kaya ito talaga ang nag-o-occupy ng oras ng Office of the Vice President.

    Q: By the way Ma’am ano po ang mga programa ninyo sa Bohol? VP Leni: Ito po iyon, ang sadya natin, didiretso na po sa Maribojoc. Ang partners po natin doon mga mangingisda. Iyong mga fishing boats na ibababa bilang tulong sa kanila. Pero hindi ito nagtatapos sa fisihing boats. Ano ba iyong mga livelihood programs na makakatulong sa kanila? Kasi hindi rin po sapat na magbigay ng bangka. Kaya gusto ko po ako mismo ang bumababa para makausap mismo ang mga beneficiaries at tanungin kung ano ang tulong na kailangan. Ang tulong na ito hindi lamang galing sa gobyerno. Pero hinahanapan po natin ng partners na development agencies, mga NGO, mga private corporation. Gaya nang nasabi ko kanina, nakapag-set-up na roon ng toy library, ang partner nila iyong Philippine Toy Library. Ito po ay private na NGO na naglalagay ng toy library sa malalayo at mahihirap na lugar. Pero gusto natin nang personal na makausap iyong mga taga-roon para marinig mismo sa kanila ang kailangan. Ano ang pinakagusto nilang matanggap para from our end sino ang mga partners na makakatugon sa mga pangangailangan.

    Q: Iyong turf mo talaga NGO. Does it affect you that you are out of the Cabinet for your advocacies? VP Leni: Malaking tulong sana kasi mas mapapabilis ang pagbaba ng mga proyekto. Pero iyong paglabas natin sa Gabinete, hindi natin ginagawang hadlang siya, patuloy po ang ating mga programa. Noong ni-launch natin ang Angat Buhay, nasa Gabinete pa po ako ng ating Pangulo. By October ni-launch natin ito, by December, wala na ako, siyempre mas nabigyan natin ito ng oras. Mas naging mahirap siya kasi mas naging malayo ang tulong ng gobyerno. Pero ang kabutihan po nito, napakaraming private na partners ang nag-reach out na help. Actually ngayon, mayroon tayong on going na 720 pledges. Para doon po sa 50 mga local sites. Marami po tayong mga partners, mga international agencies. Halimbawa sa hunger, iyong partner po natin doon, Feed the Hungry, World Food Programme, iyong World Food Programme, isa po itong UN Agency. Partner din po natin ang UNICEF. Partner din po ang mga korporasyon na naghahanap ng CSR programs. Talagang masaya rin sila na binibigyan natin sila ng – dito sa lugar na ito, ito ang kailangan. Hindi na sila kailangang maghanap. Mahirap po pero very rewarding in a sense na pati po iyong mga private nakikita nila iyong halaga na nagkakaroon sila ng community programs. Ang potential po ng private napkalaki pa. Ang kabutihan po nito, kung anuman ang hindi natutugunan ng gobyerno, sila ang bumubuo. Halimbawa, galing po kami sa Agutaya sa Palawan. Napakalayo, ten hours by boat from Coron. Pagpunta po namin doon, isa siyang island municipality na wala pang kuryente dahil sa sobrang layo. Ang kabutihan po nito, nasasabi natin sa mga partners. Mayroon mag-dodonate ng mga solar generators, gaya po noong sa potable water, may kasamang NGO na sasagot sa water system, sirang paaralan, mayroon pong sasagot na magpaayos, kasi iyong pagkasira noong paaralan, mula pa noong Yolanda. Hindi pa naasikaso marahil dahil sa layo. Iyong mga ganito pong aksyon na hindi napupunuan ng gobyerno, ito po ngayon ang pinag-uukulan natin ng pansin.

    Q: How would you like to recall your short stint as Secretary of Cabinet? VP Leni: Actually po very challenging pero very fruitful din in the sense na marami tayong nadiskubreng mga problema na medyo systemic. Ang gusto po nating sabihin na kung ang problema ay funding lang medyo madali lang kasi hihingi tayo ng funding. Pero iyong pinakaproblem natin sa housing, una iyong ahensya mismo, iyong HUDCC, wala po siyang masyadong kapangyarihan. Kaya marami siyang hindi nagagawa kasi policy making lang siya. Kahit na maraming problemang nakikita, hindi niya magawa sa sarili. So ito po tinulak natin ang Department of Housing. Na-certify as urgent. Ang expectation natin mapasa na this year iyong batas na iyon. Iyong isa pa, iyong programang pabahay, parang defective. Iyon ang nakita natin dahil halimbawa, iyong informal settlers sa Maynila, iyong pinakadireksyon lang noon ilabas sila ng Maynila. Para mabawasan ang problema sa Maynila. Pero hindi nila nakikita na di naman effective na nilalabas ang mga informal settlers dahil nilalabas mo sila sa mga lugar na wala namang hanapbuhay. Nadiskubre po natin na napakaraming bahay ang itinayo ng gobyerno na hindi naman occupied. Nakakalungkot po ito kasi 5.6 million ang ating backlog. Pero marami naman tayong mga bahay na wala namang laman. Kaya kahit sa amin po, kahit napakaiksi, halos 5 months lang ang stay namin sa HUDCC, mayroon po tayong mga policies na naipasa na kailangan na lamang ng pirma ng Presidente para mabago ang mukha ng housing. Sana po sa pag-alis ko, matuloy din iyon. Sa tingin ko tuloy din. Pero iyong pakiramdam ko noong lumabas ko sa HUDCC, para akong nanganak tapos iniwan ko iyong anak ko sa nursery. Parang pinagpaguran mo, nakita mo iyong problema, nakita mo, marami pang kailangang gawin, pero kailangan mong iwan. Pero ako naman po dahil marami na akong nakita, sinama namin ang housing sa Angat Buhay. Kaya iyong mga problemang nakita ko, binabalikan ko hanggang ngayon. Siyempre mas mahirap, kasi wala ka na doon sa – will make things happen. May mga relocation sites sa Bulacan, ngayon inaasikaso pa rin namin para magkaroon ng tubig kasi marami sa kanila wala pa ring tubig na iinumin. Marami na po kaming sites na naayos namin ang tubig. Ngayon, patuloy pa rin ang pagbibisita po kami ng mga relocation sites, tintingnan kung ano ang mga problema. Naghahanap tayo ng mga private partners para tugunan ang problema.

    Q: Isa iyong ginawa ni Cabinet Evasco as a government channel. Has he been talking to you? VP Leni: Hindi pa po kami nag-uusap since umalis ako sa HUDCC. Nagkita po kami once sa LEDAC pero nakapag-turn over naman kami nang maayos. Iyong lahat na nasimulan na mga programa, tinurn over natin sa kanila. Hopefully, itinuloy niya naman. Kasi noong nasa HUDCC pa ako, siya po iyong nag-susupervise. Isa po ang HUDCC sa mga 18 agencies na kanyang sinusupervise ni CabSec. Kahit noong nasa loob pa ako, madalas ako sa kanyang nag-update. Kaya ako naman hopefully, medyo familiar siya dahil inuupdate ko naman siya parati at alam naman niya ang mga problema.

    Q: The Liberal Party daw sabi ni President Aquino should be the voice of the opposition. What would your role be here? VP Leni: Ako po kasi ang Chairman. Nasa constitution po kasi ng Liberal Party na kung sino ang nasa highest position, iyon ang automatic na chairman. Bago po nito, si Pangulong Aquino ang chairman ng Partido dahil siya ang Pangulo. Iyong sa akin po, I’ve always been very vocal. Very vocal po ako sa mga position. Halimbawa, extra judicial killings, the reimposition of death penalty, lowering of the age of criminal liability, iyong burial ni former President Marcos, ito pong kay Senator Leila, iyong biglaang reorganization sa Senate, very vocal ako doon. Kaya iyong pagiging opposition sa mga polisiya hindi tayo sang-ayon, ano po ako doon, very public ang statements ko. Pero iyong Liberal Party, alam naman po kasi natin ang nangyari after ng eleksyon, grabe iyong realignment, hindi lang sa national, pati sa local. Nasa panahon pa na nag-reregroup. Kaya medyo nabagalan nang kaunti na nag-react sa mga bagay. Pero since marami nang nangyayari ngayon, nakapag-meet several times na ang Partido, at mayroon nang mga desisyon na maging mas open sa mga stand on policies.

    Q: Are you going to talk to some Liberal Party? VP Leni: Noong Tuesday, nag-meeting po kami.

    Q: Here at the local level. VP Leni: Local po, oo. Noong Tuesday, between LP senators and congressmen. Dahil pinaghahandaan iyong votation para sa death penalty. Pero iyong desisyon ng Partido, ang presidente po namin, si Senator Kiko Pangilinan. Ang desisyon po, ibalik ang dating LP. Iyong dati po kasing LP, kaunti lang naman iyong mga national na pulitiko. Mas local talaga siya at sectoral. So siguro po, mag-settle down lang iyong mga issues na ito. Bababa ulit on the ground para ma-solidify ang base.

    Q: Thank you. Huling mensahe po. VP Leni: Nagpapasalamat tayo sa DYRD sa pagtanggap sa atin every time we go to Bohol. Pangalawa, kunin ko na rin itong pagkakataon dahil una ko yatang interview ito sa Bohol since the elections. Nagpapasalamat po ako, kasi napakalaki ng panalo ko rito sa Bohol. Kaya maraming salamat sa suporta na ipinakita ng lalawigan noong nakaraang eleksyon.

    Posted in Transcripts on Mar 01, 2017