This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview of DZMM with Ms. Georgina Hernandez

    21 November 2016

    Georgina Hernandez

    Spokesperson, Office of the Vice President

    Jing: Ma’am umiikot nga ang text na ito no? Nakatanggap din po ba ang grupo ninyo?

    Georgina: Opo. May mga nag-report po sa amin, may mga nag-forward po sa amin ng text message at nakita din po namin sa social media na may umiikot na fake news at impormasyon na may recount na magaganap at nagbanggit pa ng mga petsa at buwan na binibigay.

    At sinasabing magkakaroon daw tayo ng bagong bise presidente sa January 2017, kaya minarapat po namin na magbigay linaw at nagbigay po kami ng pahayag para sabihin na mayroon pa pong proseso na dapat pagdaanan at hindi po totoo ang mga umiikot na text message.

    Jing: Ito po ay galing na rin sa inyong communications group sa pamumuno ni Boom Enriquez na 268, 473 iyong botong lamang ni VP Leni kay dating Senador na Bongbong, ano po iong estado ngayon ng election protest na ihinain nila?

    Georgina: Kung titignan po natin, nagsimula ang electoral protest sa paghain po ng kampo ni dating Senador Marcos at nagprotesta sa Presidential Electoral Tribunal at ang amin kampo sa pamumuno ng aming legal team, sina Atty. Romy Macalintal ay naghain po ng sagot sa protesta na ito at hanggang ngayon po wala pang ruling ang ating Presidential Electoral Tribunal so sa madaling salita po, naghihintay pa po tayo na magkaroon ng preliminary hearing at matagal pa po ang mga prosesong pagdadaanan bago magkaroon po ng kung anumang pag-uutos ng ating PET.

    Jing: Noong June 29 po finile ang protesta?

    Georgina: Tama po.

    Jing: So kung susundan po natin ang legal na proseso, ilang buwan ho bago magkaroon ng hearing?

    Georgina: Depende po iyan sa pag-schedule na gagawin ng en banc committee na ating hinihintay na maganap upang magbigay po ng order doon po sa binigay na sagot ng aming kampo at kung ano pa po ang mga susunod na mangyayari ay dapat subaybayan ng mga tao.

    Jing: So walang time frame po na nakasaad?

    Georgina: Wala po tayong particular na timeframe, depende po ito sa PET.

    Jing: So even ang PET po sa mga kaso ng electoral protest wala po ba silang sinusundang bilang ng mga araw para maihain o magkaroon ng mga hearing kasi kung ganoon puwede palang umabot ng taon nito?

    Georgina: Historically po talagang napakatagal ng pagprotesta din sa mga electoral protest so di natin masabi kung ilang araw o buwan. Matagal po at mahaba ang prosesong ito at tayo po ay nirerespeto natin ang proseso ng ating judiciary at tayo po ay patiently waiting din na magkaroon ng desisyon para po kay VP Leni.

    Gusto na rin niyang matuldukan ang bagay na ito, gusto rin niya na magkaroon ng pagkalinaw ang usapin ng pagprotesta dahil gusto rin po niyang nakatutok na lang ang taumbayan at ang aming opisina dito sa kanyang trabaho sa HUDCC at OVP.

    So muli po ang sagot ko sa aking tanong, wala po talagang particular timeframe. Iba iba po historically iyong paghandle dito sa mga electoral protest.

    Jing: Clarify lang po natin, Ma’am ano, sa ngayon hinihintay lang natin ang desisyon ng PET?

    Georgina: Opo.

    Jing: Para po sa?

    Georgina: Sa protesta po na hinain ni dating senador Marcos at nagbigay na rin po kami ng sagot. Binigyan po kami ng order na sagutin ang protesta at nagfile na rin po kami ng aming sa got sa kanilang protesta.

    Jing: So ang hinihintay po nating sagot ay kung may batayan ang hinaing protesta na finile ni dating senador Marcos?

    Georgina: Tama po at hanggang ngayon isang malinaw na gusto naming ipahayag na walang order na magkaroon ng recount. Iyon po ang gusto naming linawin sa ngayon.

    Jing: At bago po sila maghain ng desisyon, kailangan po ba ng hearing?

    Georgina: Opo. May preliminary hearing po na magaganap at iyon po ang hinihintay natin.

    Jing: Ano po masasabi ninyo sa mga umiikot na text message at sa social media?

    Georgina: Hindi po natin masabi kung saan ito galing pero tingin natin na ito ay bunsod din ng biglaan at patagong paglibing kay dating pangulong Marcos.

    Siguro nagkaroon ng pagkabahala mula sa ibat ibang kampo at siguro sinasamantala po ito ng ating mga kalaban pero nagnanais po tayo na magkaroon din ng paglinaw kaya ginawa po namin ang aming pahayag kahapon kahit na ito ay weekend dahil nagkaroon na po ng pagkabahala di lang po galing sa aming mga tagasuporta, pero sa mga sumusubaybay po sa mga nagaganap sa ating bansa ngayon.

    Jing: Bago po namin kayo pakawalan, kunin po namin ang reaction ng kampo ninyo sa biglaang paglibing sa dating pangulong Marcos.

    Georgina: Si VP Leni po ay nabigla tulad ng marami sa atin at kinagalit po niya na tila tayo ay parang ninakawan muli.

    Maraming human rights abuses at ngayon po ay nakakita tayo ng palihim at panakaw na paglibing sa libingan ng mga bayani.

    Para po kay VP Leni patuloy po nating subaybayan ang pangyayari na ito habang pinamumunuan po niya ang paghahanap sa kasagutan na hinahanap natin mga Pilipino kung bakit at papaano nangyari ang bagay na ito gamit ang resources ng pamahalaan.

    Posted in Transcripts on Nov 21, 2016