This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview of DZRJ with Georgina Hernandez

    10 July 2016

    Georgina: Tama ho iyan. Tinawagan po ni Pangulong Duterte si VP Leni upang alukin na maging Chairperson at secretary ng HUDCC at ikinagagalak po ni VP Leni na magkaroon siya nang ganitong posisyon sa administrasyon ni Pangulong Duterte dahil po sa tingin niya ay mas makakatulong po siya sa mga nais pagsilbihan na mga mahihirap na pamilya bilang Chairperson po ng HUDCC at ito pong urban poor ay matagal na pong pinagsisilbihan at malapit po sa puso ni VP Leni at dahil isa po ito sa sektor na tinututukan po niya noong siya ay nasa non-government organization pa ho at si Sec. Jesse Robredo naman po ay nagkaroon rin ng mga programa para sa mga informal settler families noong siya po ay namumuno sa DILG.

    Tinanggap rin ni VP Leni opisyal ang kanyang posisyon bilang HUDCC chairperson at sa Lunes nga ho ay mayroong itinalagang cabinet meeting, cabinet workshop.

    Sa ngayon po ay pina-finalize, hinihintay lang po natin ang final schedule para po maiayos natin at makadalo rin po siya sa kanyang first cabinet meeting dahil ito pong pagkakaroon niya nang posisyon bilang Chairperson ng HUDCC, sa tingin po namin ay hindi lamang po para doon sa sektor na kanyang pagsisilbihan pero magkakaroon po talaga siya ng mas aktibong bahagi dito sa administrasyon ni Pangulong Duterte.

    At ang ating dalawang pinakamataas na pinuno sa bansa, ang ating Pangulo at Pangalawang Pangulo ay magiging partners for change po talaga dito sa bagong administrasyon.

    Georgina: Sa akin pong pagkakaalam, wala naman po talagang namagitan para magkaroon ng posisyon. Ang nangyari lamang po ay nagpa-schedule po tayo ng courtesy call kay President Duterte.

    So siyempre nakipag-usap po tayo sa mga staff ng ating Pangulo para maiayos po iyong schedule ng courtesy call. Pero kahit po noong courtesy call, nilinaw po ni VP Leni na hindi naman po pakay ng courtesy call ang magkaroon ng posisyon pero nagpunta lamang siya sa courtesy call upang personal na ipahatid na siya ay sumusuporta sa administrasyon ni Pangulong Duterte.

    At noong araw na iyon, noong Lunes, noong sila ay may courtesy call, wala pa naman hong napag-usapan na konkretong plano para sa pagkakaroon ng cabinet position. So sa tingin ko, talagang epekto ito ng kanilang dalawang pagkikita.

    Nagkita sila noong biyernes sa AFP change of command, nagkita sila noong lunes sa courtesy call at doon siguro nakita ng ating pangulo kung papaano sila mas makakapag-trabaho ng mahusay bilang Pangulo at Pangalawang Pangulo.

    Georgina: Sa ngayon po ay inaalam pa ho natin ngayong araw, may mga meeting po sa loob ng opisina upang mas maunawaan ho ang structure ng organisasyon ng HUDCC at ng ilan pang mga ahensiya ng pamahalaan na pumapaloob dito sa HUDCC tulad ng National Housing Authority at ng Pag-Ibig.

    Pero pinag-aaralan pa ho dahil gusto hong masimulan ni VP Leni ang pagsisilbi sa sektor na ito sa lalong madaling panahon.

    Georgina: Hindi po. Sa ngayon po ako po ang spokesperson.

    Georgina: Mukhang nakabalik na po siya. Nandoon siya sa Lanao del Sur at Lanao del Norte. Bumisita ho siya sa isang komunidad na former rebel area na mayroong mga livelihood projects at sa tingin ko ngayon ay pabalik na siya ng Maynila para ituloy ang mga meeting bilang pag-paplano na rin sa pag-upo niya sa HUDCC.

    Georgina: Maraming salamat rin po at magandang umaga.

    Posted in Transcripts on Jul 10, 2016