This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview of DZXL RMN Manila with Georgina Hernandez

    10 April 2017

    Georgina Hernandez

    Spokesperson, Office of the Vice President

    Q: Ma’am, number one, alam ninyo na, marami nagtatanong, ano raw po ang dala sa taong bayan ng trip ng ating Bise Presidente sa ibayong dagat? Georgina: Katulad po ng nalaman ninyo, nagpunta po si VP Leni sa South Africa noon pong April 2-5. Doon po nagkaroon po siya ng pagkakataon pong bumisita sa dalawang local housing projects. Iyong una ay patungkol sa isang successful na housing projects sa mga informal settler families na dumaan sa isang proseso na iyong mga tao, iyong mga pamilya mismo ang nagdesisyon sa kung ano ang magiging disenyo ng kanilang pabahay at dahil dito, naging matagumpay iyong proyektong ito. At iyong isa naman ay may kinalaman sa emergency shelter na sana ay ganoon din ang mai-set-up para dito sa ating bansa, patungkol sa mga pamilya na tinatamaan ng mga natural disasters o mga bagyo at lindol. At itong dalawang housing projects na nakita niyang ito ay ninanais niya na sana ay ma-adapt pa rin ng ating pamahalaan. Ito ay kanyang ipo-propose sa mga local government para ito ay magawa rin dito. At panghuli, nagkaroon din siya ng pagkakataon na makapagsalita sa isang women’s forum kung saan kanilang inalala iyong international women’s month, at nagkaroon ng pag-uusap tungkol sa kalayaan.

    Q: Eto ho ba ay para sa inyo ay malaking impact? Georgina: May tulong na maidudulot ito lalong lalo na sa mga Local Government Units na nangangailangan ng iba’t ibang mga model tungkol sa mga successful na mga housing projects dahil sa panahon na nasa HUDCC si VP Leni nakita niya na, marami sa ating mga relocation sites ay hindi natitirahan ng mga pamilya dahil nga po kulang sa pagpaplano at hindi nakasali ang mga pamilyang titira dito o iyong people’s plan. Hindi nagagawa iyong people’s plan, kung saan nakita niya dito sa South Africa na kapag ito ang ginawa, at talagang garantisado na magiging matagumpay iyong relocation site at ito sana ang gustong madala at mangyari ni VP Leni dito sa atin po.

    Q: Sa usaping relocation site po tayo, hinawakan ng ating Pangulo, ng ating bise presidente itong mga pabahay at usapin po para sa mga mahihirap. Sang-ayon ho ba siya na iyong bahay diyan sa Bulacan ipamigay na lang sa Kadamay ng ganoon nalang kadali? Georgina: Siguro balikan natin iyong background. Noong si VP Leni ay nasa HUDCC, November 2016 ay nakipag-dayalogo po si VP Leni kasama ng mga opisyal mula sa AFP at PNP, at pati na rin iyong mismong mga pamilya na tinitingnan natin na titira dito. At ang talagang hinihiling po ng AFP at PNP ay sana sila po ay mabigyan ng mga pabahay na malapit po kung saan sila i-assign. At talagang sinabi nila medyo may kaliitan ang disenyo ng mga pabahay na ito para sa kanilang pamilya. Although kinikilala natin at tinatanggap natin ang ganitong mga concern ng mga sundalo at kapulisan, iyong issue na kung sino ang papalit at titira dito ay sa tingin natin ay may tamang proseso ang NHA na dapat maganap. At sa kabuuhan, ang nakikita natin dito iyong kakulangan talaga sa pabahay, iyong urgent need na ma-address natin ang housing backlog. Napakaraming mga pamilyang Pilipino hindi lamang ang Kadamay ang nangangailangan ng pabahay at kinakailangan na matugunan iyong pangkabuuhan na plano para sa lahat na mga pamilya na wala pang bahay.

    Q: So sa ngayon po ba Ms. Hernandez ay mayroon pong mga nakalatag na programa po ang ating bise presidente para po sa po sa mga kababayan nating naghahangad po ng mga pabahay? Georgina: Dahil nga po wala na din si VP sa HUDCC, ang tanging magagawa talaga ni VP Leni ay makipag-ugnayan sa mga opisyal na responsable para dito—ang NHA, HUDCC, at pati na rin ang mga LGUs. So bahagi po ng ating Angat Buhay program ay iyong housing and resettlement kung saan tinutulungan po ang mga LGU na makapagbigay ng mga kumpletong serbisyo para sa mga pamilyang ililipat sa mga relocation sites. Kasama dito iyong, dapat mayroong mga basic utilities, tubig, kuryente dahil marami pa sa mga nakikita ni VP Leni na relocation sites ay ilan taon na nakalipat ang mga pamilya pero hindi pa rin lahat ng mga bahay ay may kuryente at tubig. Iyon din siguro ang isang bagay na dapat tingnan natin doon sa issue ng pabahay doon sa Bulacan, na kung lilipat ba ang mga pamilya dito, sapat ba ang kanilang social services, may edukasyon, dapat may pangkalusugang mga programa, livelihood program lalung-lalo na at mga trabaho, para masiguro na talagang magiging maayos ang kanilang buhay dito sa mga lilipatan nila.

    Q: Para po kay VP Leni, ano po bang nakikita ninyong pinakapangunahing dahilan, ano bang pangunahing problema ang nakikita niya kung bakit medyo mahirap maipamigay itong mga housing projects sa ating mga maralitang, o mahihirap po nating mga kababayan? Georgina: Kung babalikan natin yung, mga, ina-advocate talaga ni VP Leni, kakulangan sa pagpa-plano na kasama yung mga pamilya at yung tinatawag niya na people’s plan na dapat talaga po bago pa man itayo yung mga pabahay ay nakonsulta na kung sino yung mga pamilyang titira dito. Para siguraduhin na yung mga itatayong mga bahay pati na rin yung mga utilities o yung mga serbisyo na isasaayos sa kanilang mga komunidad ay ayon sa kanilang mga pangangailangan para talagang masiguro na sila ay titira dito kasi karamihan sa nakikita natin ako sa mga relokasyon sa labas ng Metro Manila – yung off-city relocation, karamihan sa mga pamilya bumabalik din dito sa Manila. Halos hindi na natin naaayos yung problema dahil nagkakaroon nga ng pabalik balik lang na sistema ng pag-alis doon sa kanilang relocation site. So tinitingnan din na kung maaari ay makapag-pilot o makapagmodelo pa rin ng mga on-site o in-city relocation dahil hindi maikakaila na kinakailangan ng mga pamilya ng kanilang source of income o iyong employment o livelihood.

    Q: Sa ibang isyu naman, ano ho yung inyong masasabi na mailalagay sa ibang top offices, at pamumunuan po iyan ng natalo pong si Ginoong Marcos, like for example kahit hindi DILG – ano po ang punto rito ng inyong tanggapan? Georgina: Ang sa atin naman, yung pagtatalaga ng miyembro ng Gabinete, alam natin at tinatanggap po natin na ito po ay desisyon ng Pangulo so kung ano po yung magiging desisyon ng Pangulo ay rerespetuhin po iyon ni VP Leni.

    Q: So okay lang po kung nasa DILG po si Ginoong Marcos? Georgina: Ang sa atin po basta po malinaw yung plano at yung kredibilidad at yung kakayahan ng taong itatalaga, sana po ay yun po ang ma-consider.

    Q: Wala po ba itong magiging epekto doon pos a inihain ni Ginoong Marcos na Electoral Protest laban po sa inyong kampo? Georgina: Sa atin pong pagkakaalam, magkahiwalay naman po iyong dalawang bagay na iyon.

    Q: Sige po. Okay, marami ho ang nagtatanong ngayon, ano na raw po ang latest sa imbitasyon ng ating Pangulo sa Bise-Presidente? Matutuloy po ba yon? Georgina: Hanggang sa ngayon, hinihintay lang po natin yung detalye pero katulad po ng sinabi ni VP Leni basta po makuha niya po kung anong petsa, kung saan at kalian, bukas naman po siya sa ganitong imbitasyon dahil nakikita niya na bahagi rin ito ng kaniyang responsibilidad at trabaho bilang pangalawang pangulo.

    Q: So hindi po naglatag si Ma’am Leni na “Baka puwedeng dito na lang gawin sa opisina ko”, wala hong ganoon? Instead sa Malacanang talaga galing? Georgina: Si Pangulo po kasi mismo yung nag-imbita kay VP Leni kaya siyempre hinihintay lang po niya kung anong detalye noong meeting na ito.

    Q: So so far, wala na pong update kung kailan at saan na po gaganapin? Georgina: Wala pa ho.

    Q: Hindi naman ho kaya sa hangin lang yung imbitasyon na iyan? Tingin niyo? Georgina: (Laughing) Kayo na po yung nagsabi niyan, pero kung minsan pabago-bago nga ang mga plano.

    Q: Oo. Ang tagal naman ng imbitasyon na iyan, baka next year pa ho matuloy yan ha? Georgina: (Laughing) Abangan ho natin.

    Q: Anyway, Ma’am alam ninyo, I don’t know kung nagfa-Facebook ho kayo or open kayo sa mga social accounts. Minsan, ang dami kasing nagtatanong na, bilang abugada, naiinis na rin yung mga supporters ni Vice President Robredo kasi wala siyang ginagawang move. May mga very personal attack na sa kaniya. Ano ho ba yung stand dito ng kanyang tanggapan? Kasi minsan degrading – as women, sa aming mga babae na rin, at parang I don’t know bakit hinahayaan yung mga ganoon. Georgina: Si VP Leni mismo talaga at kasama ng ilang mga – ah, legal team, iyong kaniyang mga abugado, tinitingnan na po kung ano yung mga hakbang na puwedeng gawin at determinado po talaga siya na sumagot at rumesponde dito sa mga online harassment at sa mga fake news. At hindi lang po dahil personal na yung mga atake at patungkol sa kaniyang mga pamilya at sa pagkababae pero dahil rin po talaga ninanais niya na maging maayos ang social media para sa lahat kung saan mawala yung mga bullying at mawala yung mga pananakot dahil nakakaapekto na rin ito hindi nga lang sa kaniya, pero sa maraming mga tao na bastang nagpahayag lamang ng kanilang mga saloobin ay ah talagang inaaway na sila at tintroll na sila. Ah so ito po ay makakaasa ho kayo na siniseryoso at tinitingnan kung ano yung mga susunod na mga hakbang na maaring legal action tungkol sa bagay na ito.

    Q: Ang siguro ay ang popular lang sa inyo ay si Sassot or si Mocha. Actually lighter pa nga yung kay Mocha kung babasahin at kung titingan. Have you seen the video of a certain Andrew Olivar, Ma’am? Georgina: Ah sa ngayon hindi pa ho natin nakikita ito at hindi pa natin alam kung ano yung mga kanyang sinasabi pero nasasanay naman na tayo na talagang napaka-vicious ng mga nakikita natin sa social media at sana nga maging mas responsible yung mga gumagamit nito.

    Q: Sana mapanood niyo ho pagnapanood niyo I doubt it kung dapat palampasin kasi grabe, ang grabe yung tono na binanggit against ah ah VP Robredo. Hindi ko pwedeng banggitin kasi baka matanggalan ako ng license pero hindi talaga, Ma’am alam niyo totoo kahit basahin niyo yung trend alam mong sinasabi ng mga tao. Even na malalapit kay Pangulong Duterte may mga post doon na sana hindi pinalalampas yung ganon kasi nasasanay. Georgina: Titingnan ho natin yan. At siguro hindi lang si VP Leni yung may responsibilidad–

    Q: Oo yes yes… Georgina: Sa nangyari iyon ano? Lahat ng mga users lahat ng nakita may karapatan tayo at may kakayahan tayong lahat na i-report yung mga bagay na yan.

    Q: Miss Hernandez, kasi recently din po napabalita na parang natanggap po sa Harvard University yung isa sa mga anak ni VP Robredo na napunahan din po sa social media may tugon na po ba— Oo sabi ho eh ginamit lang daw po niya ang kanyang pagiging bise presidente Georgina: Siguro po nasa tao na kung paniniwalaan ba nila yung mga ganong bintang ah ito po naman ah na yung panganay na anak ni VP Leni nagsikap talaga ng personal at bago pa man maging pangalawang pangulo ay talaganag alam naman natin na may ganito siyang kakayahan. So siguro hindi na natin iyan ah bibigyan ng ah opisyal na na sagot dahil kasama lang yan doon sa mga walang katapusang paninira na well-orchestrated at well-funded na paninira laban sa ating pangalawang pangulo.

    Q: Ang huling sa aking tanong, Ma’am Georgina. Ano na po yung mga latest na mga i-finile na kaso kay VP Leni number one sa from Marcos na side at number two tungkol po sa VACC? Georgina: Opo. Iyon pong sa protesta ho yung sa former Senator Bongbong Marcos ah hanggang sa ngayon ay hinihintay pa ho natin yung magiging susunod na desisyon pero gaya po ng nabanggit na rin ni VP Leni noong nakaraang mga linggo ay ang aming hinihintay ay makapag-sumite ng sapat na ebidensiya or affidavit yung kampo po ni Mr. Marcos. Dahil nga po na higit sa anim na daang mga prisinto ang kanyang kinikuwestyon pero halos 60 lamang o hindi aabot sa 60 yung mga affidavit na kanyang napresenta. Pero ganon pa man hinihintay natin kung ano po yung magiging desisyon at susunod na hakbang na i-oorder po, tungkol naman po sa ibang mga kaso wala pa ho tayong natatangap na opisyal na complant para sagutin.

    Q: Bago po kayo bitawan ito sa kampo ng bise presidente so okay lang ho ba ngayon sa inyo para sa inyo yung mga sinasabing okay lang ho yung mister na may kabit eh panahon naman daw talaga ngayon ng kabitan. Georgina: Siyempre para kay VP Leni at para sa ating lahat no, hindi ho ito katanggap-tanggap dahil ah bilang isang women’s rights advocate, naniniwala si VP Leni na dapat respetuhin natin yung ganyang mga bagay.

    Q: And lastly naman po Miss Georgina mensahe po sa ating mga tagapakinig. Ano po ang mga aasahan po inila sa ating ikalawang pangulo? Georgina: Si VP Leni po bagamat maraming mga atake laban sa kanya sa social media doon sa nabanggit na mga kaso ay patuloy pa rin po at hindi siya nagpapapekto dito sa mga bagay na ito. Marami pong mga tintrabaho ang ating panglawang pangulo kasama po diyan ang ating programa na Angat Buhay na naglalayon ng magbigay ng mga tulong pangkabuhayan at pang-kalusugan at pang-edukasyon sa iba’t ibang mga pamilya na mga nasa malalayong lugar at sa pakikipag-uganyan sa mga private sector, mga NGOs at local govement unit. At sana po ipatuloy natin na suportahan at tingnan yung mga programang ito at ito na lang yung itutok kaysa naman as fake news at paninira na nakikita natin sa social media.

    Q: And with that po maraming maraming salamat po, Miss Georgina Hernandez ang tagapagsalita ng ating ikalawang pangulo na si Vice president Leni Robredo. Mabuhay po kayo’t good morning po. Georgina: Maraming salamat po at magandang umaga.

    Posted in Transcripts on Apr 09, 2017