This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with Georgina Hernandez on DZAS’ Oras na Pilipinas

    Office of the Vice President

    03 July 2017

    Program – Oras na PilipinasAnchor – Efren Pallorina

    EFREN: …Pangulo, Leni Robredo. At ito po ay sa pamamagitan ng kanyang spokesperson at syempre ang mga statements na releases din po na nanggagaling sa kanilang tanggapan. At narito ang spokesperson ng ating Vice President Leni Robredo si Miss Georgina Hernandez. Magandang umaga po Ma’am Georgina. GHY: Magandang umaga po, Efren. Magandang umaga din po sa ating mga tagapakinig.

    EFREN: Thank you for joining us here sa Oras na Pilipinas! Ang mga nababalitaan natin mula sa VP Leni ay ang mga ginagawa ng ating vice president para sa mga calamity victims, sa mga poor, iyan ang mga lumalabas na mga balita pero gusto nating malaman ano po ang layunin ng ating vice president para dito, ano ang pupuntahan nitong kanyang mga activities na ito. GHY: Opo, noong unang taon nga po ni VP Leni sa panunungkulan bilang pangalawang pangulo, tinutukan po niya talaga bumaba sa mga pinaka malalayong lugar at makinig sa mga tunay na pangangailangan ng mga tao at sa tingin naman natin, agad din niyang natugunan ang mga pinaka kinakailangan nila at sa ilalim po ng programang Angat Buhay, nagdala po kami ng mga partners, para sa pangbuo ng mga dagdag na classroom, bigay ng dagdag na tulong pangkabuhayan, o livelihood, so in one year, a total of 58 milyong pesos iyong worth of resources from private sector ang nadala po natin sa mga lugar na ito at iyon po sa tingin natin sa simula ng kanyang ikalawang taon, itutuloy niya ang ganitong mga bagay pero mas tututukan talaga iyong mga negosyo at trabaho dahil nakikita po niya na ito iyong pinakamahalaga para sa mga mahihirap na mga pamilyang Pilipino.

    EFREN: Nagkaroon po ng ulat na nag-underspend ang Office of the Vice President para sa taong 2016, kaya po ba ganon humahabol tayo this year? GHY: Iyon pong underspending na nakikita natin, kung uunawain natin, nagkaroon po kasi ng election ban last year, kaya halos kalahati ng taon, January to June, halos wala talagang disbursement dahil sa election ban. At hinabol natin iyon noong July to December, pero syempre kung uunawain natin dahil bagong pasok, tinitignan pa talaga po lahat ng mga gastuhin, at sinisigurado na ah makakapagtipid so iyong cost-cutting kung maaalala natin, lumipat tayo sa mas murang opisina, kalahati po ng gastusin ang na-save po doon, pero iyon pong budget ng 2016, ay pwede pa po iyan gamitin hanggang sa December ng 2017 at sa ngayon po, 86% na po ang disbursement ng budget na pinaguusapan natin kaya nagtitiwala naman tayo na mauubos at magagamit po sa tama at makakatulong po sa mga mas nangangailangan iyong budget na ito.

    EFREN: Okay, pwede po ba natin ipaliwanag natin sa ating mga listeners ngayong umaga ang programang na Angat Buhay sapagkat iyong spending is one issue, di naman yata masyadong dapat doon nakatoon ang ating pag-uusap, pero mismong saan ba napupunta ang pondo, at ano iyong naaabot o scope ng pagka-reach out natin sa ating kababayan dito sa programang Angat Buhay? GHY: Opo, iyon pong Angat Buhay andito tayo sa 128 municipalities and cities at marami na po ah mga pamilyang natulungan more than 30,000 families na po iyong natulungan, pero noong pumasok po si VP Leni sa opisina noong July, wala naman pong budget na nakalaan para sa Angat Buhay dahil inilunsad lang ito ni VP Leni so ang budget na ginagamit natin dito sa Angat Buhay ay mula sa mga tulong ng private companies, mga local and international NGOs, at even mga other national government agencies na sumusuporta sa atin. So kung titignan po natin, ang pinaggagamitan talaga ng budget ng opisina, meron tayo iyong maliit na budget para doon sa medical assistance iyong may pubic assistance ang opisina at doon po nagagamit iyong iba na iyon, pati na din sa operating expenses, sa opisina, sa mga pampasweldo, pagpunta sa laylayan ni VP Leni, doon nagagamit iyong budget na iyon, pero ngayon pong kalahati ng taon na ito, pinag-aaralan po, makikipag-ugnayan po kami sa Department of Budget and Management dahil natupad naman na iyong Angat Buhay ng isang taon, kung pupwede na gamitin iyong budget ng opisina, para sa mga proyekto ng Angat Buhay, tulad nga po ng mga sinabi ko tulad ng livelihood, pati na po iyong feeding program, at iba pang pangangailan para sa edukasyon at hanap-buhay.

    EFREN: Ito pong Angat Buhay ay mayroon bang kapartner na mga ibang agencies ng gobyerno, na similar ang mga initiatives din? GHY: Ang pinaka kapartner po namin dito ay iyong mga local government unit at alam naman natin na sa mga local government unit, diyan po iyong mga municipal health officer, mga principal at DepED district superintendent, mayroon din po mga municipal social welfare development officer, so kung tutuusin po may mga pagkakapareho iyong mga programa ng Angat Buhay para sa mga programa ng national government agencies well doon po tayo tumututok sa mga hindi pa natutugunan, o iyong ibang mga hindi pa naaabot ng mga programa at iyon mga iba na nangangailangan pa ng dagdag na tulong, maliban doon sa tulong na natatanggap.

    EFREN: Okay po, ayon po sa ulat may 18 different communities na ang nabisita ng Vice President. Ito iyong mga sinasabi ninyo na hindi pa naaabot? GHY: Opo.

    EFREN: And that means na, parang naiiwan, nasaside-line na itong ang mga ito? Papaano mo ba sila hindi naaabot? GHY: Mayroon pong mga lugar na napuntahan si VP Leni katulad po noong binabanggit niya iyong Agutaya, Palawan. Ito po ay kinakailangan na sumakay ka ng 10-hour boat ride, in fact even 12 hours, papuntang Agutaya mula po sa Coron. Sampung oras bangka, eh iyon pong napuntahan namin, nakikita na halimbawa, may mga isang paaralan po doon, public school, na hanggang sa ngayon, hindi pa narerepair iyong paaralan mula pa noong Yolanda, at iyon ay nag-iisang paaralan doon sa isla na napuntahan so iyon po ay pinagtutulungan ng mga pribadong sector at ng mga ka-partner ng Angat Buhay para matugunan. Mayroon din po silang pangangailangan ng mga bangka, dahil iyon po ang kanilang pangunahing kabuhayan. Mayroon naman po mga ahensya din ng pamahalaan pero dahil nga po napakahirap na maabot, kulang na kulang din po iyong tulong kaya nakikipagtulungan po tayo. Ito naman pong Angat Buhay ay talagang ambag po ito ni VP Leni sa pangmalawakan pong anti-poverty program ng administrasyon at ito po ay kumaga dagdag po na tulong.

    EFREN: Okay, well mabaling lang naman po tayo dito, Ma’am Georgina, dito sa mga pag-uusap tungkol doon sa administrasyong Duterte, itong natapos na ang isang taon at sabi ng Vice President Leni ay hesitant siya na magbigay ng grado pero ano po ang sa tingin ninyo ay ang naging takbo noong partnership ng dalawang tanggapang ito na talagang tinitingala naman, inobserbahan, tinitignan kung papaano ang dynamics sa pagitan ng Pangulo at Pangalawang Pangulo natin? GHY: Opo, si VP Leni naman po, alam po niya na sa kanya, ang kanyang mandato po rin talaga ay sumuporta sa administrasyon bilang Pangalawang Pangulo, at ito po ay ginagawa niya sa abot ng kanyang makakaya, at kapag mayroong mga programa na dapat pong suportahan at ito po mga panawagan ng administrasyon na tulungan ang pinakamahirap. Dito po talagang pinaka-tumutulong ni VP Leni at sabi naman ni VP Leni, kung may mga magagandang mga bagay na ginagawa ng administrasyon, ito pa ang kanya talagang tutugunan. Pero naniniwala naman tayo na marami nang nagawa, pero marami pa pong kailangang gawin. At iyon iyong inaasahan natin na marinig siguro sa Pangulo sa mga susunod na linggo, kung ano pa iyong mga gagawin para makamit natin iyong tinatawag na inclusive growth, iyong pag-unlad para sa pangkalahatan at iyong masolusyonan iyong mga krisis na nangyayari sa bansa, kasama na diyan iyong sa Marawi City, dahil nga tinutukan din iyan ng aming opisina.

    EFREN: Okay, matanong lang namin dahil mayroon tayong naiulat noon na hindi na natin nasubaybayan ang development, tungkol sa isang paanyaya ng Pangulo ng makapaghapunan ang VP Leni, iyong po ba ay nagkaroon ng any concrete plan as far as your office is concerned? GHY: Wala pa ho tayong natatanggap na notice mula sa Malacanang tungkol diyan.

    EFREN: Mayroon napupuna ang ating kababayan na parang nagkaroon na ng smooth waters sa pagitan ng dalawang matataas na opisyal na ito, dahil noon ay medyo nagkakaroon ng konting init at tensyon. Ano po ang sentiments pagdating sa Office of the Vice President? GHY: Umaasa po tayo na ganoon din, katulad ng naoobserbahan ng taong-bayan, ganoon po talaga sana iyong nangyayari. Ang sa atin naman, well si VP Leni po at ang Pangulo, iyong huli nilang pagkita pa rin ay iyong sa doon sa PNPA. Iyon pa rin, iyong huling pagkita na nagkaroon ng imbitasyon na magdinner ay doon sa kanilang huling pagkita. Pero siguro iyong pinagbabasehan niyan ay iyong mga sinasabi ng Pangulo at mukhang nawawala naman iyong mga negatibong mga pahayag mula sa Pangulo patungo kay VP Leni. At umaasa tayo na senyales nga po ito ng isang pagkakataon na magkaroon muli ng pagakakaisa, pamumuno mula sa pagitan ng Pangulo at Pangalawang Pangulo.

    EFREN: Well, finally although ang focus ng ating usapan has been on the activities of the Vice President tungkol sa kanyang iyong Angat Buhay, iyong pagbisita sa mga communities, ano ang long-term na plans ng Vice President pagdating sa kanyang opisina at doon sa mas malawakang pang-impact ng kanyang passion to help the poor? GHY: So iyon po, ito pong pagpapalawak pa at pagpapalalim din ng pagsasagawa ng Angat Buhay, iyong talagang pinaka-long term na tinitignan na pang-anim na taon ho talaga iyong paaglatag ng programang ito. Mayroon din hont kaakibat ito na Istorya Ng Pagasa, na nagsisikap na magpakita o magbigay ng mas marami pang mga positibong mga kuwento ng taong-bayan, lalong-lalo na po sa social media. Dahil nakikita naman po natin na halos puro negatibo nalang at puro mga awayan at paninira nakikita sa social media. Kaya ito hong Istorya Ng Pagasa, mga ordinaryong mga Pilipino, hindi natin kilala iyong karamihan, na nagsisikap sa buhay kahit nga po gaano kahirap. Iyon po iyong mga gustong bigyan ni VP Leni ng boses para mas maging positibo iyong usapan natin.

    EFREN: Ayon. Naku, may nagtext na po, kamusta na raw si Aika? Opo, iyong anak po na papasok sa Harvard. GHY: Opo, nagsimula na ho iyong kanilang pasukan. Naka-adjust naman po at naka-set up ng maayos doon, lalo na din alam natin natulungan din siya ng kanyang mom para makapagsimula doon.

    EFREN: At okay naman? Iyong mga sa social media ay bumabatikos doon sa pagpasok niya at suporta na nanggagaling sa VP Leni. GHY: Sanay naman ho rin sila, pati iyong mga anak niya sa ganyan.

    EFREN: Naku, just part of a whole day’s work. Sige po, maraming marami salamat, Georgina Hernandez, spokesperson po ng Office of the Vice President Leni Robredo. Have a good day po, Ma’am. GHY: Magandang umaga.

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Jul 03, 2017