This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview of KMN Naga with Georgina Hernandez

    10 November 2016

    Georgina Hernandez

    Spokesperson, Office of the Vice President

    Q: What are the projects implemented under HUDCC?

    Georgina: Alam naman po siguro nating lahat na noon pong November 8 ang ikatlong anibersaryo ng Yolanda. Si VP Leni ay pumunta po sa Leyte, sa Tanauan, Palo at Tacloban kung saan kinausap po niya ang ilan sa mga liders ng mg komunidad para sa mga pinaplanong permanent shelter resettlement sites para sa mga pamilyang naapektuhan ng Yolanda.

    Nais po ni VP Leni na talagang mapabilis ang pagkumpleto sa mga permanent shelters sa pamamagitan ng pagbuo ng full-time management team.

    Alam po ninyo, noong nag-umpisa si VP Leni nakita po niya na hindi po lahat ng mga Key Shelter Agency ay may full-time na nakatalaga para sa Yolanda housing.

    Kaya rin siguro hindi natututukan kaya effective immediately ay mayroon pong full-time project management team na ang tanging trabaho lamang ay tutukan ang pag-implement ng mga projects for Yolanda permanent housing. At sa tingin po natin ay mapapabilis po ang pagkumpleto ng housing sa pamamagitan po nito.

    Bahagi po ng mandato ng HUDCC ay doon po sa paggawa ng mga polisiya at pagsaayos ng proseso na sisiguraduhing mabilis ang serbisyo ng iba’t ibang ahensya na may kinalaman sa pabahay.

    Kaya nga po kasama po diyan, nagkaroon po ng MOA na isinaayos po ni VP Leni sa pagitan po ng NHA at ng BIR. Kasi napag-alaman po ni VP Leni na ang isang nagpapabagal po ng pagsimula pa lamang ng construction ng pabahay ay ang mga certification o mga dokumento na kailangan mula sa BIR para sa mga tax exemption bago pa ma-issue-han ng tamang dokumento ang sa lupa na pagtatayuan ng pabahay.

    Kaya noon pong nakaraang linggo, nagkaroon po ng MOA sa pagitan ng HUDCC, BIR at ng NHA. Similarly, ganoon pa man sa Land Registration Authority, may ugnayan din po na binuo si VP Leni.

    Dahil isa po na nagpapabagal din sa pagbuo ng permanent shelters ay iyong kawalan po ng titulo ng marami sa mga lupa sa probinsya. Alam naman po natin na hindi lahat ng lupa diyan ay may titulo, pero doon puwedeng magtayo ng mga kabahayan.

    Kaya po nakipag-ugnayan din po si VP Leni sa LRA para mapabilis ang paglabas ng mga titles sa lupa. At may naka-draft din tayo na executive order na pipirmahan ng Pangulo para magkaroon po tayo ng mga alternative documents for proof of ownership na magpapabilis din ng paglabas ng requirements.

    At bilang pang huli, ang isang malaking reporma talaga na ginagawa ni VP Leni sa HUDCC ngayon ay ang pagsisigurado na ang ating mga resettlement sites ay kumpleto ng mga serbisyo at mga utilities.

    Dahil karamihan po na mga nabisita niya na mga housing sites nitong mga nakaraang buwan, nakita niya ang mga kakulangan sa kuryente, tubig, negosyo at trabaho.

    Kaya po ang mga polisiya po na binubuo ni VP Leni sa HUDCC ay magsisigurado na dapat may sapat tayong ugnayan sa NEA at LWUA para sa pailaw at patubig. At mayroon din po tayong dapat na negosyo at trabaho para sa mga pamilyang tumitira sa resettlement sites dahil kung hindi po ay babalik lang sila mula sa kanilang pinanggalingan.

    Bago pa man noong anibersaryo, nag-ikot na talaga si VP Leni sa mga Yolanda housing sites at nakita na rin niya po ang backlog na kailangan niyang harapin. Kaya isinaayos na po niya ang lahat ng structures tulad ng project management team, at nagsagawa na siya ng mga polisiya at proseso para mapabilis po ito.

    Sa katunayan sa socialized housing ay naibaba na po ang mga requirements. Mula sa 27 naibaba na sa 9 requirements na lamang. Umaasa tayo na sa pamamagitan nito ay mapapabilis po ang serbisyo natin sa pabahay.

    Susubukan pa ho nating matingnan kung papaano mapapabilis at mapapa-ikli ang proseso.

    Q: On the US Elections

    Georgina: Tungkol naman po sa bagay na iyan, siyempre ang botohan sa America ay sa kanila po iyon, at tinatanggap natin kung ano man po ang resulta na lumabas doon.

    Umaasa tayo na ang ating pakikipag-ugnayan sa kanilang bansa ay magiging pareho kung ano man ang naging resulta ng eleksyon.

    Q: On the “Tuhod” Remarks

    Georgina: Alam ninyo po, noon pong mismong nangyari ang kaganapang iyon, nasa entablado sila, komemorasyon ng Yolanda, sinubukan talaga ni VP Leni na huwag pansinin ang mga komento dahil alam po niya na may mga mas mahalagang mga issue na kinakaharap ang bansa noong araw na iyon.

    Pero lubos siyang naapektohan at nabahala dahil alam naman natin na si VP Leni ay talagang tagapagtanggol ng mga karapatan ng mga kababaihan, at para sa kanya ay hindi katanggap-tanggap yung mga ganung mga pananalita sa mga kababaihan.

    At para kay VP Leni dapat respetuhin natin at galangin ang mga kababaihan, lalong-lalo na po ang ating mga pinuno, at hindi po natin dapat ginagawang katatawanan yung mga kababaihan.

    Kaya po umaasa po tayo, umaasa po si VP Leni na hindi na rin na po mauulit ang mga ganitong pangyayari, at para po kay VP Leni ay lalong lumalakas ang kanyang loob na patuloy magsilbi bilang Pangalawang Pangulo po ng ating bayan.

    Q: Maaapektuhan ba ang paninilbihan ni VP sa nangyari?

    Georgina: Hindi naman po, kasi po para kay VP Leni, ay, kung may mga ganitong mga unos na pinagdadaanan ay talagang mas lalong lumalakas ang kanyang loob na patuloy po talagang magsilbi at maging mahusay sa kanyang trabaho bilang Pangalawang Pangulo at bilang Chairperson po ng HUDCC.

    Q: On the SC decision

    Georgina: Tama ho iyan. Alam ninyo po, si VP Leni ay matagal na pong tumututol sa paglilibing ng ating former dictator president Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

    Isa po si VP Leni sa mga kabataang nakaranas ng mga panahon ng martial law, sa katunayan nga niyan madalas kinukuwento ni VP Leni na ang People Power Revolution ang nagsimula ng kaniyang political awakening, at dito niya nakita, dito siya namulat na magsilbi ng buong buo sa ating bayan.

    Kaya naging mabigat po, at hindi rin katanggap-tanggap ang desisyon ng Supreme Court para kay VP Leni, at para po kasi kay VP Leni, legal is not necessarily moral.

    Anuman ang mga naging dahilan ng ating Supreme Court, ay ikinalulungkot niya dahil nakikita niya na may kakulangan tayo sa pagkilala ng katotohanan sa ating kasaysayan, at hindi pa natin hanggang sa ngayon nasasagot ang mga Human Rights victims at ang mga pamilyang naapektuhan noong panahon po ng Martial Law. At kaya nga po, ito ay hindi pa rin, hanggang sa ngayon, natatanggap ng ating Pangalawang Pangulo.

    Tama ho iyan, umaasa ho kasi talaga tayo na sana ang mabuti at ang totoo ay ang mananaig sa kanilang mga desisyon, at ang moralidad ang mananaig, pero tila ay nanatili lamang doon sa usaping ligal ang naging pagdesisyon tungkol sa bagay na iyan.

    Q: On the Naga Revetment Project

    Georgina: Opo, noong napag-alaman na po ni VP Leni iyon pong nasirang bahagi ng ng revetment project diyan po sa Naga, noon nga hong November 7 ay sumulat si Vice President Leni Robredo kay District Engineer Roces upang makahingi po ng report kung bakit po ito naganap.

    Dahil nga po itong proyekto na ito ay sinimulan at ginawa noong panahon na si VP Leni ay kinatawan ng pangatlong distrito ng Camarines Sur. Sinagot naman po ni District Engineer Roces at binigyan po ng ulat si VP Leni, at ang ating napag-alaman ay ang contractor po ay mananagot sa mga pagbuo muli ng mga nasirang bahagi at pagpapalakas pa ng mga iba pang bahagi ng revetment project, upang maiwasan na yung pag-ulit ng bagay na ito.

    Makakasiguro po ang lahat po ng mga kababayan ni VP Leni diyan sa Naga susubaybayan po ito ni VP Leni, at sisiguraduhin po niya na mananagot po ang lahat po ng may kinalaman dito sa bagay na nangyaring ito.

    Observe, parang, ano pa, may observation period pa siguro. Pero ayun nga, tama, tama. Opo, tama ho kayo diyan. Ayon po sa ulat sa amin ng DPWH ay noong mismong November 5 pa lamang, nag-provide ang contractor ng temporary fence, at napag-alaman po ni VP Leni na noong November 7 ay sinimulan na raw po ng contractor iyong mobilisasyon para sa construction ng project barracks, at masimulan ang repair nitong collapsed revetment.

    Tama, opo. Muli po, makakaasa po kayo na susubaybayan po talaga ito ni VP Leni.

    Gaoon ho talaga, mahaba-habang paliwanag pa iyan.

    Opo, maraming salamat at maganda pong umaga muli.

    Posted in Transcripts on Nov 10, 2016