This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview in Maribojoc, Bohol

    2 March 2017

    Q: Paano pinipili yung mga LGU sa Angat Buhay program?

    VP LENI: Dapat proactive iyong local executives na papasok sa ganitong mga partnerships kasi ang worry din namin, kung hindi proactive iyong mga chief executive, baka hindi maka-take off ang program.

    So sa amin parang binalanse, poverty incidence, iyong pagiging proactive ng local executives, tsaka dapat nag-mamatch iyong pangangailangan sa tulong na binibigay ng mga partners.

    Q: Ilan po ang mga bangka na dala natin ngayon?

    VP LENI: Sa fishing boats 25 lang muna kasi ayaw natin ng magbigay lang. Gusto natin may capacity building din meaning nakikipag-coordinate tayo sa mga organizations na puwedeng makatulong sa kanila.

    Pag-aralan iyong value added. Kasi iyong nakikita natin ngayon masyadong nababarat iyong ating mga fishermen ang yumayaman hindi iyong nagpapagod, ang yumayaman iyong bumibili kaya gusto sana natin maghanap na ng mga facilities na puwedeng maitulong sa kanila.

    Q: Ano po masasabi ninyo sa pagpasa ng death penalty?

    VP LENI: Nakakabahala at nakakalungkot kasi ang pag-impose ng death penalty hindi naman basta basta iyan. Ito binabago natin hindi lang iyong batas kundi pati iyong paniniwala natin bilang isang bansa.

    Sa akin naman, sa isang napakahalagang piece of legislation, magkaroon sana ng isang masusing debate, masusing talakayan kung ano ba iyong kabutihan o hindi kabutihan na maidudulot nito.

    Parang masyadong minadali, marami pang gustong mag-interpolate pero hindi nabigyan ng pagkakataon iyong mga ebidensyang pinakita, walang empirical data na nagpapakita na nakaka-deter talaga ng krimen dito sa atin.

    Kapag tiningnan natin ang history natin, history ng criminal justice system natin, hindi naman naging maganda ang naidulot sa crime incidence ng gobyerno.

    So ang tanong, kung hindi siya iyong source improvement sa crime statistics, bakit pa siya gagawin. Ang sa akin lang sana nabigyan ng pagkakataon lahat ng magsalita tungkol sa bagay na ito.

    Q: So hindi po kayo sang-ayon?

    VP LENI: Hindi kasi siya sa crime eh pero sa paniniwala natin. Ang paniniwala ba natin ang pagpatay, whatever crime it is, papatayin ninyo.

    Paniniwala ba natin na ang penalty without impunity o ang paniniwala ba natin dapat two parts rehabilitation at retribution. Ako doon ako sa pangalawa.

    Dapat kung nagkasala, pagbayaran iyong kanyang pagkakasala pero binibigyan siya ng pagkakataon at magbago kasi pag pinatay na natin parang sinabi na natin na wala na siyang pagasa.

    Q: Iyong nangyari po sa Senate…

    VP Leni: Ang paniniwala ko kasi iyong dissent napakahalagang element sa isang demokrasya. Kami naman, hindi lang ako kundi pati iyong mga kasamahan ko sa partido, sumubok naman na makipag-cooperate sa pamahalaan sa paniniwala na iyon ang makakabuti sa ating bansa.

    Pero iyong pakikipag-cooperate sa pamahalaan, kabahagi doon na iyong pagpalagay mo iyong polisiya hindi maayos, kailangan mong ihayag.

    Nakakabahala ito kasi ang mensaheng binigay, hindi na puwedeng tumutol at kapag umalma ka… ganoon iyong nangyari noong pag-aresto kay Senator Leila de lima.

    Ganoon din ang nangyari sa reorganization sa Senate. Iyong nakakabahala dito iyong parang nagbibigay ito ng chilling effect.

    Tingin ko kahit na ganito, lakasan pa rin natin ang ating loob na kung hindi kami sang-ayon sa polisiya ng gobyerno, lalakasan namin ang aming paghayag dahil sa tingin namin mahalaga ito.

    Posted in Transcripts on Mar 01, 2017