This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview at Ocampo, Camarines Sur

    3 January 2017

    QUESTION: Kumusta po, based on your observations?

    VP LENI: Sa tingin ko medyo mabagal, mabagal iyong galaw.

    Halimbawa dito, isang barangay pa lang napupuntahan ko dito, pero iyong reklamo ni Kap, na iyong galing pa lang sa amin na tulong ang dumating.

    Tapos parang all over kahit sa mga major roads, nakatumba ang mga poste. Kaya noong ako ay papunta dito, tinawagan namin iyong electric cooperative, nag-request kami ng meeting. Nakahingi kami ng appointment mamayang 4PM.

    Tingin ko kailangan tulungan kung paano mapapabilis kasi medyo unusual ito na 8 days after hindi pa nga 50% iyong nababalik na kuryente.

    Dito, so far, dito sa barangay na ito, iyong damage to crops ang pinakagrabe. Ito iyong mahirap makabangon kasi ito lang ang means ng livelihood dito. Iyong pabahay aasikasuhin na natin pero iyon they can live with.

    Iyong problema talaga is iyong hanapbuhay. Kaya sinabihan ko si Kap na asikasuhin na namin iyong lahat ng requirements para ihingi na natin iyong tulong sa DA kasi kung hindi natin ito maasikaso agad-agad wala talagang kakainin iyong mga tao.

    QUESTION: Dati po kayong kinatawan nito pong lugar na ito, kayo po ay tagadito, paano niyo po i-pupush ito sa national government na maihingi ng tulong man lang.

    VP LENI: Ito talaga, marami ditong pagkukulang. Parang napakatagal na panahon na hindi siya naasikaso.

    Iyong panahon ko, bagamat maiksi lang, marami kaming naasikaso sa irrigation, sa farm to market roads, iyong inikot nga ngayon, iyon iyong pinapakita sa akin ni kapitan na mga nagawa noong tatlong taon na ako ang congressman. Pero sa tingin ko ngayon ay kulang pa.

    Iyon ang nakaka-frustrate, iyong nagagawa natin limitado, baka sakali ngayon mas madami tayong magawa. Ang kino-complain ni Kap sa agriculture hindi masyadong na-susutain, ang sabi ko upuan natin ng mahaba-haba. Upuan namin nang mahaba-haba na maplano talaga na mas komprehensibo.

    Ito, mas local ito, pero siguro kailangan pagtulungan ng local at saka ng national. Kasi itong munisipyong ito, ito ay isa sa pinakamahirap sa distrito namin pero iyon ay nakakasayang dahil ito ay ang may pinakamalaking potensyal sa agriculture.

    Madami nang nagawa in the past three years pero madami pa ang gagawin kaya kailangan talaga bigyan ng mas malaking parang atensyon.

    Ngayon pag bumabagyo, ganoon din dito dahil bukas na bukas, dahil wala siyang harang. Dito din ang pinakamaraming nasisirang bahay, although iyong kabutihan dito ay hindi gaya ng coastal na iyong vulnerability nila hindi grabe. Vulnerability in the sense na storm surge, hindi ito coastal so wala kaming pag-aalahanan na mga seawalls na kailangan.

    Pero ang mga pinakakailangan dito agriculture, saka mga design ng buildings ayusin. Medyo malungkot ako kasi noong Glenda galing din ako dito, madami din naayos ng mga school buildings, na-report sa akin na iyong bagong ayos nasira na naman.

    So sabi ko, baka defective iyong design, kasi pag nasira siya pag nag-ayos tayo ulit baka nagsasayang lang tayo ng pera. Kaya mamaya may na-schedule din na puntahan ang mga nasirang school buildings.

    May mga nakita na tayo on the way pero may bibisitahin tayo na parang relatively bago pa. Medyo nagaalala ako doon kasi iyong paniniwala namin noon ginawa iyon ay nakadesign na siya for very strong typhoons pero kung nasira ulit, may problema siya.

    QUESTION: Madam VP, kailangan ko po itanong kasi habang hindi pa kayo umuwi dito during the holiday season, may napuna laban sa inyo na kumalat sa social media. Ano po ang sagot ninyo?

    VP LENI: Unfortunate na wala ako, siguro naman, kahit sino sigurong constituents ko dito matatanong ninyo lahat ng bagyo wala ako dito, absent, except now.

    Ito, mag malakas, mag mahina, natiming lang talaga, masama ang timing na iyon, masama din loob ko na nangyari na wala ako.

    Actually nasa bakasyon ako pero hindi rin ako makapag-concentrate. Iyong inaasikaso ko iyong relief operations dito.

    Pag lapag ko lang sa US noong pumunta ako, inareglo ko kaagad iyong relief operations, naghahanap ng paraan para makauwi kaagad pero mahirap kasi peak season.

    Napakahirap maghanap ng limang tickets dahil kasama ko ang tatalo kong anak at iyong akang nanay na 80 years old. Hirap na hirap kami maghanap ng flight pabalik, dapat sa 4 na iyong pabalik namin, nakahain iyong earliest na nakuha namin, new year’s eve, kaya new year’s eve kami na bumyahe.

    Ganoon talaga. Nandoon ako na parang ang sama sa loob ko na may nangyayari dito na wala ako. Isang bagay na hindi din ako masaya, siguro marami din tayong ginawa while wala dito, inasikaso ang lahat ng relief, pero iba talaga kasi pag ako mismo ang nandito. Parang nandoon ako pero iyong pakiramdam na dapat nandito ka.

    Iyon kasi, maraming bagyo ditong dumaan na parang hino-hope mo na hindi naman grabe, kaso grabe talaga, tumuloy pa din ako, iyong Christmas season kasi iyon ang panahon ng reunion ng pamilya ng asawa ko, noong namatay iyong asawa ko, sunod sunod apat namatay sa pamilya namin. Kaya iyon every Christmas season magkakasama kami.

    Nagkataon lang ngayon na turn ng sister-in-law ko na siya ang magho-host kaya sa US nataon. Ano iyon, talagang medyo malas para sa akin na nangyari ito na wala ako.

    Siguro kung mababalik lang mas gusto ko na nandito ako. Pero making the best out of the situation, hindi na mababalik, pero bumabawi tayo. Asikasuhin iyong buong staff naman natin, noong wala ako, talaga namang, walang napabayaan.

    Pero iyong sanay ka na ikaw iyong nanay na nag-aasikaso. Dati pag may bagyo makakasabi ang mga kasama natin dito, evacuation pa lang ako mismo ang umiikot para mag-evacuate ng mga tao tapos ngayong wala ako parang hindi ka talga mapakali. Pero matagal ako ngayon halos isang linggo, iyong lahat ng puwedeng asikasuhin, aasikasuhin.

    QUESTION: Dumating kayo today pero iyong mga kritiko ninyo would say it is too late…

    VP LENI: Ako kasi, may dalawa kasing kritiko. Iyong isang kritiko positibo ang hinahanap para gawan ng paraan. Mayroon namang mga kritiko na kahit anong gawin mo may puna.

    Siguro ang aasikasuhin natin ay i-address natin iyong mga criticisms ng mga magandang loob na mag-criticize. Tingin ko sa mga constituents namin dito hindi ako magkakaproblema in the sense na hindi ako nagpabaya kahit wala ako.

    Pero para sa akin hindi pa rin iyon sapat dahil mas mabuti na andito sana ako. Again, unfortunate na wala ako noong nangyari I would have wished na andito ako. I would have wished na andito agad.

    Nahirapan talaga kami maghanap ng paraan na makauwi. Cinut short namin ang trip pero one week late.

    Ngayon magbababad tayo dito iyong mga nakausap ko naman ang nakarating pa lang sa kanilang tulong galing sa amin. Hindi din sapat kasi mas gusto natin na mas long term sana ang solusyon na maibibigay.

    Nag-shift na tayo fom relief efforts patungong rehabilitation.

    Iyong lahat na nagbibigay ng tulong pinapakiusapan natin na kung puwede shelter materials na pero iyong gusto natin mas maayos na ayos. Hindi iyong magbibigay lang ng Nipa, shingles, gusto sana natin kapag nag-rebuild sila, ito ang rebuild na mas mabuti. Hindi iyong bawat sakuna sila din ang nasisiraan ng bahay.

    Lahat na puwedeng hingian ng tulong pinupuntahan natin. Marami namang nagbibigay ng tulong kaya nagpapasalamat tayo pero hindi pa rin tayo nakukuntento in the sense na panahon din ito para i-asses ang mga tulong na nagawa natin noong nakaraang bagyo.

    Ang last na malakas na bagyo dito was two years ago iyong Glenda. Marami kaming ni-rebuild na gusto naming balikan ngayon kasi sinasabi na may mga schools na nasira ulit.

    Gusto naming tignan kung bakit nangyari ulit iyon kasi ayaw nating nagsasayang ng resources ng gobyerno. Kasi gusto natin na kapag tayo nag-rebuild talagang build back better kasi otherwise parang kawawa talaga kiyong mahihirap kasi pare-pareho din iyong nabibiktima, pare-pareho iyong nasisiraan ng bahay, pare-pareho iyong nawawalan ng tirahan, pare-parehong eskuwelahan ang nasisira.

    So ngayon sabi ko sa Office, magbababad muna ako dito para makita kung paano magiging sustainable ang tulong na binibigay. Ngayon ito ang barangay pa lang ang binisita natin sabi nila iyong relief operations pa lang ng opisina ang nakuha nila pero binigay na nila lahat kaya naghihintay pa sila ng mga maibibigay na tulong.

    Pinakakailangan nila ang shelter at tulong sa agriculture. Nag-ikot tayo kanina at nakita natin ang mga nasirang pananim, medyo extensive talaga.

    Sabi ng barangay 90% ng crops ang nasira malaki iyon kasi iyon lang ang means of livelihood ng tao dito.

    QUESTION: Last week nasagot na ng Presidente kung bakit hindi na kayo pinapa-attend ng cabinet meetings…

    VP LENI: Ako sa tingin ko kahit ang media alam na wala akong rally na sinalihan. Ang alam ko may dalawang rally na nangyari, pareho hindi ako sumali doon. May mga nag-iinvite sa akin na sumali lalo na kasi ang pinaka-subject ng rallies is the position against the burial of Marcos.

    Ako kahit na very vocal ako sa pag-oppose, sinadya kong di sumali sa mga rally in deference to the President dahil miyembro ako ng Gabinete pero kung ang report sa kanya ay ganoon, nakakalungkot na pinaniwalaan niya dahil alam ng marami na hindi iyon totoo dahil nasa posisyon sila na malaman kung ano ang totoo at hindi dahil lahat naman ng intelligence agencies hawak nila.

    Parang napakasimpleng bagay na madaling i-verify bakit ang pinaniwalaan ang hindi totoo. Medyo nakakalungkot iyon pero again tapos na iyon.

    Wala na ako sa Gabinete at sinusubukan na lang nating gawin ang lahat ng makakaya nating gawin kahit wala na ako sa Gabinete lalo ngayong sakuna.

    QUESTION: May efforts po ba on your end to at the very least explain…

    VP LENI: Ako iyong effort na ginawa ko bago ako nag-resign. I was trying to get an appointment sa kanya, I think nakuwento ko na to dati kasi gusto ko sana siya makausap kasi kung may pag-uusapan noon dapat iyon dahil at that time hindi ko alam ang dahilan kung bakit ayaw akong isama sa Gabinete kasi ngayon kasi parang wala na ring point.

    Iyong sa akin makikipagtulungan pa rin ako sa abot ng aking makakaya. Hindi ko na rin ipagsisiksikan ang sarili ko, ako naman ang ang desire na tumulong ay parating nariyan pero mahirap naman na hindi ka pinagkakatiwalaan.

    Iyong Cabinet post kasi position of confidence iyon. Kailangang buo ang tiwala sa akin ng Pangulo pero kung ganoon ang kasinungalingan na pinaniwalaan, gustong sabihin na iyong tiwala sa akin napakababa so wala na ring point.

    Pero ako supportive pa rin ako sa mga bagay na pareho naming pinaniniwalaan halimbawa ngayong sakuna kahit pribado ang nilalapitan natin gagawin natin.

    Posted in Transcripts on Jan 03, 2017