This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with OVP spokesperson Atty. Barry Gutierrez

    Mass for the 35th Death Anniversary of Sen. Ninoy Aquino

    Sto. Domingo Church, Quezon City

    REPORTER 1: … ang protector, tapos ngayon si Bongat na raw. Iyon muna, ano ang reaksyon niyo doon sa sinasabi ni Luis Ortega?

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Unang una, hindi na bago iyong mga paninira kay Sec. Jesse. Buhay pa siya, siya pa iyong mayor ng Naga, lumalabas na iyang mga ganiyang kuwento. Inilalabas ng mga tao na kalaban niya sa politika, na walang kahit anong katiting na ebidensya na naipakita sa ganiyang mga akusasyon. So hindi ito bago, hindi kami nababahala dito, ayaw na naming patulan ito. Sinasakyan na naman, obvious na obvious, iyong binitawan ni Presidente last week na salita na “hotbed of shabu” ang Naga—isang statement na kinundena na ng Naga City Council bilang isang pawang kasinungalingan. Walang batayan, at mismong Southern Tagalog PDEA Director sinabi nang walang basis. So hindi ito isang bagay na tingin namin kailangang pag-aksayahan ng panahon.

    REPORTER 1: Sir, in two weeks’ time daw magfa-file daw si Luis Ortega ng plunder sa Ombudsman saka sa Naga RTC, dahil daw iyong mga tulay na ipinagawa sa Naga, saka pati na rin daw iyong riprap daw ng Naga River, ay lahat daw bumigay in just a year. Milyon-milyon, daan-daang milyon ang ginastos para ipagawa daw ito. Noong time daw ito ni Vice President Leni Robredo when she was still a congresswoman.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Well, unang una, kung anuman iyong ebidensya, sigurado kami korte ang mag-aaral diyan. Basta buo ang loob ko na lahat ng proyekto na ginawa noong panahon ni VP Leni ay maayos. So kung mayroon talaga silang pinanghahawakan, they’re welcome to file the case. Sigurado naman ako na lalabas iyong katotohanan maski mai-file ito sa Ombudsman.

    Ang yumaong Sec. Jess mismo, noong siya ay nakaupo, dose-dosenang kaso ang sinampa laban sa kaniya ng kaniyang mga kalaban, at sa dulo ay lahat naman ito ay napabulaanan at na-dismiss. So buo ang aming loob dito.

    REPORTER 1: Bakit sa tingin niyo Naga ang sinasabing “hotbed of shabu”?

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Sa tingin ko naman klaro na paninira ito kay Vice President Leni, at gaya nga ng binanggit niya last week, noong siya ay na-interview sa Naga mismo, imbes na idamay pa iyong Naga, imbes na siraan iyong siyudad na pinaghirapan ng maraming tao na iangat ang pangalan—na recently lang ay na-award-an na 2nd Most Competitive [Component] City sa Pilipinas—ay siya na lang ang sirain. Kung siya ang puntirya, handa siyang harapin, pero huwag nang idamay iyong siyudad na madaming mga tao ang ibang nagtaya dito, maraming mga tao ang nakikinabang sa maayos na pagpapatakbo dito.

    REPORTER 2: Sir, may comment si Vice on the President’s health?

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Sa dulo naman, ang kailangan sigurong mag-comment iyong Malacañang. Ang pagkakaintindi ko, sa Konstitusyon, sila ang required na i-inform ang publiko kung ano ba talaga iyong state ng health ng Presidente. Ngayon may mga lumalabas nang bali-balita. Siyempre hindi namin papakinggan iyan; hihintayin namin iyong pahayag ng Palasyo, gaya ng required silang gawin sa ilalim ng ating Konstitusyon.

    REPORTER 3: Is she ready, considering na kunwari may mangyari sa Presidente, is she ready to assume the post?

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Ang pangunahing tungkulin ng Bise Presidente ay mag-assume ng pagka-presidente kung mayroon mang mangyayari—sana wala—sa ating Pangulo. So noong tinanggap pa lang ni dating Congresswoman Leni Robredo ang hamon na tumakbo bilang Bise Presidente, kasama na doon iyong pagpapahayag niya ng kaniyang kahandaan. At lalo na ngayon. Dalawang taon na siyang Bise Presidente. Klarong klaro sa kaniya kung ano ang kaniyang trabaho. Klarong klaro sa kaniya kung ano ang sinumpaan niya sa ilalim ng Konstitusyon. So walang duda, handa si VP Leni kung anuman ang mangyari.

    REPORTERS: Thank you, sir!

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Aug 21, 2018