This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview of PTV4 Radyo Bisyon with Georgina Hernandez

    12 September 2016

    Georgina Hernandez

    Spokesperson, Office o the Vice President

    Q: Anong challenges na kinakaharap ng ating pamahalaan na dapat pagtuunan ng pansin?

    Georgina: Tulad po ng nabanggit ng ating VP Robredo, siya po ay sumusuporta sa ating drug campaign ng ating Pangulo at nais niya pong makibahagi doon sa drug rehabilitation program na kasama na rin naman po sa plano ng administrasyon.

    May binuo pong iba’t iban cluster na tumutugon sa iba’t-ibang pangangailangan pagkatapos ng surrender ng mga nalulong sa droga. 700,000 surrenderees na po ang meron tayo sa buong bansa, ito po ay report mula sa DILG at DOH dahil nagkaroon po ng pagkakataon si VP Leni Robredo na makipagpulong kay DILG Sec. Sueno at Sec. Evasco kasama po ang mga kasamahan mula sa DOH at DSWD.

    At dito nga po ay nalinaw at napagkaalaman na malaki ang pangangailangan sa community-based rehabilitation. At dito po nais makibahagi ni VP Leni bilang isa na nakaaalam talaga doon sa isang klase ng community-based na rehabilitation na faith-based, young UBAS – Ugandan sa Barangay at Simbahan – na sinumulan na ng DILG noong panahon na si Sec. Jesse Robredo po ang namumuno.

    Kaya nakikipagpulong po kami sa simbahan sa ngayon para makipag partner po sa iba’t iban grupo na nasa komunidad na po para doon sa UBAS.

    Q: [Follow-up on UBAS]

    Georgina: Tinutuloy naman po ito. Sa katunayan nga po maraming naka-set-up na organisasyong UBAS sa iba’t ibang mga parokya, kaya ito ang nais namin na isa sa mga gamitin na pagkakataon na magkaroon ng community-based rehabilitation, pero isa lamang ito.

    Mayroon din naman kaming pakikipag-ugnayan sa ilang mga lokal na pamahalaan para magpatupad ng community-based rehabilitation, at iba rin ay mas education-based, o sa mga eskuwelahan ang kampanya para maiwasan na ang pagdami po ng mga nalululong sa droga.

    Gusto din namin matingnan ang pagpapatupad ng isang mandato iyong BADA – Brgy. Adti-Drug Abuse Council. Dapat po ay mayroong mga BADA sa iba’t iban barangay. Halos lahat naman po marami sa mga barangay mayroon nang BADA, pero iba-iba ang level ng pag-operate.

    Kaya gusto po naming makapagtulungan tayo sa lokal na pamahalaan, sa pribadong sektor, mga civil society at lahat ng gustong tumulong at makibahagi sa community-based drug rehabilitation.

    Puwede po natin ito gawin sa tanggapan ni VP Leni, kasama po ang DILG, DOH at local government.

    Q: Nasaan na po ang budget, nakumusta na ba ni VP? Paano po mangayayari ito, magtatayo ba tayo ng mga rehab?

    Georgina: Sa pagkakaalam ko ‘yong commitment po sa San Miguel, ng San Miguel Corporation doon sa construction ng isang center. Actually doon sa 700,000 surrenderees, nakapag-alaman namin na mga 70,000 lang talaga ang nangangailangan ng center-based rehabilitation, at karamihan dito ay doon talaga sa community-based.

    Pero gayun pa man, kakailanganin pa din naman natin ng center para doon sa mangangailangan ng tulong na iyon.

    Itong pondo na ito sa tingin ko’y idadaan din sa mga pormal na channel, doon sa cluster inter-agency group po ito na pinamumunuan din po ng DILG.

    Q: 70,000?

    Georgina: 70,000 ang nangangailangan ng center-based, tapos ang remainder po noon, majority po talaga sa community-based.

    Kasi ngayon ‘yong iba naman po parang occasional users, ‘yong hindi pa talaga nangangailangan noong malaliman na center-based intervention.

    Q: Necessary iyan para magkaroon ng template para sa mga sumusuko.

    Georgina: Nakakita naman po tayo ng mga magandang model ng community-based rehabilitation at sa tingin natin kailangan ng iba’t ibang probinsya, munisipyo, at siyudad na makapagreplicate ng iba’t iban model na nakikita natin kasi ang ninanais naman natin ay maging tuloy-tuloy na po ang reporna na nagaganap sa libel ng mga tao, mga surrendees na hindi na po sila bumalik doon sa dati nilang kinalalagyan sa buhay.

    Q: Naging escort ng pangalawang pangulo, talaga bang user iyon o partner lang niya?

    Georgina: Wala pa po tayong nakuhang final na report. Tinitinganan pa po ito ng PNP pero immediately po noong araw na nangyari iyon ay na-relieve na po siya mula sa kanyang pagka-assign sa opisina ng pangalawang pangulo.

    Isa po siya sa mga na-assign into lamang Hulyo lamang. Siya ‘yong isa sa mga nagbabantay sa opisina.

    Ngayon ay nawala na siya sa amin, pero ang panawagan namin ay sana malaman na natin ang katotohanan dahil kinalulungkot nga po ni VP Leni ang nangyari sa kanya. Isa sa mga tumutulong sa security at sana sa lalong madaling panahon lumabas kung ano po talaga ang totoo tungkol sa bagay na iyon.

    Q: Screening ng security ni VP.

    Georgina: Ito po kasi in-assign lang mula sa iba’t ibang mga grupo.

    Q: Sumasakay pa rin bus si VP papuntang Naga?

    Georgina: Depende na po iyan sa schedule niya. Umuwi po siya sa Naga noong Penafrancia pero nag-eruplano siya papunta sa Legaspi, Albay kasi mayroon po siyang affairs sa Legaspi.

    Noong mga nakaraang pag-uwi, sumasakay ng bus o commercial plane. So depende po sa schedule niya.

    Q: [Follow-up]

    Georgina: Sa security naman sinisugarado naman namin na may mga kasama din naman siyang security pagbiyahe.

    Q: Wala naman pong death threats kay VP?

    Georgina: Sa akin hong pagkakaalam, wala naman ho.

    Q: Kumusta ang status ng Housing?

    Georgina: Sa ngayon po natapos na po ang mga briefing at pagpupulong-pulong sa ibang key shelter agencies nagkaroon na din po strategic planning. So mayroon tayong initial na pinanghahawakan na datos kung saan makikita natin may mahigit sa 5 milyong bahay na kailangan mabuo para sa mga mahihirap na pamilyang Pilipino.

    Ito po ang nanggaling sa National Housing Congress na ginanap noong 2015 na ginagamit na datos ngayon. Pero patuloy pa din ang pag-validate natin. Pero para mas mapabilis ang pag gawa nitong trabaho sa housing, ay imiikot din po si VP Leni sa mga relocation sites at sa iba’t iban mga komunidad na kailangang ilipat para ma-facilitate nang maayos.

    Dahil para naman kay VP Leni, maliban sa pagbuo ng mga bahay na kailangang para matugunan ang backlog na tinatawag natin sa housing, para sa kanya po ang pinaka-mahalaga po ay ang relocation site ay kumpleto ng serbisyo.

    Mayroong eskuwelahan, pangkalusugan, pangkabuhayan at kumpleto ng tubig at kuryente. Nakakalungkot sa mga nabisita niya pong mga komunidad, hindi po lahat kumpleto kahit ilang taon na sila doon.

    Kaya sa kanya pong termino ay sinisigurado niya na tututukan talaga. Pag tayo ay nagkaroon ng relokasyon ayon sa batas, dapat kumpleto naman po ito ng serbisyo.

    At sumasang-ayon naman po si VP Leni doon sa sinabi ng ating Pangulo noong SONA, na hindi dapat magkaroon ng demolisyon kung walang nakalaang relokasyon. Para naman kay VP Leni hindi lang dapat kung anong klaseng relokasyon iyan, pero dapat kumpleto ng serbisyo.

    Q: Saan pa kayo nakapunta?

    Georgina: Sa housing may mga areas naman iyan at may mga on-field naman na tumitingin. May counterpart kami pag dating sa housing. So sabay-sabay naman po yang tinitingnan, at may national data kami.

    At tuwing linggo, tuwing Biyernes at Sabado, may mga binibisita po na barangay at mga munispyo si VP Leni na may kinalaman sa housing. Iyong iba naman ay kinalaman sa iba’t iban adbokasiya na nais isulong ni VP Leni.

    Q: Riverside sa Taytay Rizal..

    Georgina: Ang alam natin doon sa floodway, mayroon naman taalgang plano diyan. Parang kay VP Leni gusto na niya ipatupad ‘yong plan para siguraduhin na kung ano ‘yong nakalaan sa kanilang relocation, ay may sapat na konsultasyon doon sa mga pamilya.

    Ang alam ko po ay mayroon nang plano para doon sa mga nasa floodway.

    Q: [Follow-up]

    Georgina: May polisiya din po na inilabas si VP Leni na hangga’t maari dapat on-site, o di kaya in-city relocation naman. Kasi ang mga problema po doon sa mga outside na mga siyudad na wala dito sa Metro Manila at dinala sa bang probinsya, nagiging problema talaga ay sa pangkabuhayan at sa kanilang trabaho, at nagkakaroon din ng epekto doon sa pamilya.

    Nagkakahiwa-hiwalay nga po ang pamilya dahil ang bang miyembro babalik sa Metro Manila. Kaya hangga’t sa maari po ay on-site relocation o in-city.

    Q: May puwesto pa ba run in-city?

    Georgina: Ang tinitingnan po natin ngayon ‘yong mga MRBs, medium-rise buildings. So ito po naman ay hindi natin sinasabi na sa lahat ng pagkakataon ganito, dahil hindi naman lang po maaring posible, pero hangga’t sa maari, iyon po ang plano.

    Q: Hotline number for inquiry on housing?

    Georgina: Isusunod ko nalang po ang hotline number sa HUDCC team namin, pero pwede po sila makipag-ugnayan doon.

    Q: Tulong

    Georgina: Iba-iba po. Mayroon tayo sa Social Housing Finance Corporation and community program. Mayroon din naman po sa relocation, sa National Housing Authority, so iba iba po ang panggagailangan.

    Doon po sa nagpadala ng text, pasensya na po hindi ko mabigay [unitelligble] pero ihahabol po namin sa housing.

    Q: Maraming salamat po!

    Georgina: Maraming salamat din po.

    Posted in Transcripts on Sep 12, 2016