This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview at St. Paul University, Quezon City

    28 March 2017

    Interview after the Business & Technology Week of St. Paul University

    Q: Iyong pakikipagkita niyo po kay President Duterte last week dun sa PNPA, ano po iyong napag-usapan niyo? At kailan na po iyong date? VP Leni: Iyong pagdating niya pa lang, sinalubong ko siya sa stage, ang una niya sa akin sinabi na hindi niya papayagan iyong impeachment, iyong naalala kong sinabi niya, sabi niya hindi pa nga one year after the elections, magtrabaho muna tayo. Eh di, ako naman nagpasalamat ako sa kanya. Pero I also assured him, sabi ko, Mr. President, sana po maniwala kayo sa akin na hindi naman po ako behind doon sa impeachment din laban sa iyo. Tapos iyong sagot niya sa akin, alam ko naman. Tapos parang all through out the program, pag nagkakaroon ng break sa, magkatabi kami, parati niyang inuulit. Pero noong nagpapaalam na ko na pa, nagpapaalam na ako pauwi, sinabi niya sa akin na, bakit hindi tayo mag-dinner. Isama ko iyong mga anak mo, sama ko din iyong pamilya ko. Sabi ko, sige po, sabihin niyo na lang po kung kailan. Tinawag niya si Sec. Bong Go. Sinabihan niya, maghanap ng date. So ako naman pag natuloy yun, pupunta ako.

    Q: Meron na po ba tayong date? VP Leni: Wala pa, wala pa kasi iyong pagkaalam ko, iyong after ng PNPA Graduation, papunta siya ng Davao, tapos meron yata ng, parang matagal-tagal yata sila sa Davao. Kasi humihingi din sana ako ng appointment with Secretary Sueno. Sabi ni Sec. Sueno, after the Holy Week na lang kasi matagal-tagal daw sila sa Mindanao. So, hindi ko alam kung kelan iyong dinner pero kami naman anytime na sabihan tayo, pupunta ako.

    Q: Regarding po dun sa correction ni PNP Chief Bato kahapon sa figures, regarding sa, ano po masasabi niyo reaction niyo po dun? VP Leni: Iyong sa akin lang, paiba-iba kasi ang unang figures na binigay sa atin, galing din yun sa kanila, iyong I think iyong disagreement lang don, iyong deaths under investigation. Kasi iyong parang sanasabi niya, iyong 3,000 plus, sigurado na yun na drug-related. Pero may another 3,000 plus na death under investigation. Yun iyong hindi nila alam kung drug-related yun o hindi. Consistent naman yun sa sinabi natin. Kasi iyong sinabi naman natin, hindi naman natin sinabi na 7,000 drug-related deaths. Ang sinabi lang natin na since the drug war started, meron ng 7,000 na summary executions. Iyong description ni General Bato ng drug, ng death under investigation, parang ito daw iyong mga vigilante style of killings na hindi siguradong drug-related. Pero parang sumasampa dun sa anti-drug war. So ito consistent, iyong hindi lang masyadong consistent kasi kahapon yata nagbigay yata ng bagong figures, medyo iba. Mas marami iyong DUI dito pero mas konti iyong drug-related deaths, at yun naman iyong dahilan kung bakit sinulatan natin sila. Hinihingi sana natin iyong report. Unfortunately, hindi tayo nakakuha ng response. So tayo naman, iyong sinasabi natin base sa mga previous statements.

    Q: Ma’am, speaking of EJK iyong New York Times po, meron silang pinalabas na docu at meron din silang article, ano po iyong reaction natin doon? VP Leni: Iyong article nabasa ko na, pero iyong docu hindi ko pa napapanood. It is something na hindi dapat natin i-take lightly. Siyempre reflection yun ng buong bansa. Nahihiya tayo na may ganyan na atensyon sa nangyayari dito. Pero paminsan kasi necessary yun para makinig tayo. Necessary para makinig tayo sa sigaw ng taumbayan. Alam natin na medyo divided iyong bansa tungkol sa mga Extrajudicial Killings. Merong very passionate against it, meron din mga nagsasabi na makakabuti kasi mas tumatahimik. Mas tahimik na ngayon. Pero sa akin kasi, hindi lang sa numero e. Hindi lang sa numero ng namamatay. Pero parati natin sinasabi na one death is death to many. The mere fact na may mga patayin na nangyayari should be a cause for alarm sa ating lahat.

    Q: Pero, Ma’am ang sabi po ng Palasyo, it’s part of the ouster plot, iyong New York Times na article and the – VP Leni: Palagay ko, iyong New York Times, hindi naman madidiktahan ng kahit sinong pulitiko. Wala naman tayong saklaw sa kanila. Ang alam ko maraming foreign press agencies na nagbababad din dito sa Pilipinas at nag-cocover ng anti-drug war. Ano naman ito, parang in the course of our history, iyong mga pinagdadaanan natin na mga unos parati tayong pinapanood ng foreign press. Kaya hindi din ito matatago. Pero hindi ko nakikita iyong link kung destabilization plot, sino iyong nagpapa-destabilize?

    Q: Your reaction po to the postponement na naman possibly ng Barangay Elections, and also dun sa sinasabi na magtatalaga na lang daw ng mga Barangay Officials. VP Leni: Ako mas payag ako sa postponement. In fact noong 16th Congress, ako iyong author noong postponement nito. Kasi iyong sakin naman, iyong pag-postpone para sana ayusin na mas palakasin iyong independence sa mga barangay. Pero iyong pagtatalaga hindi ako dun sang-ayon. Kasi tingin ko step backward yun. Kasi oras na magtalaga, forty, more than forty two thousand na mga barangay positions iyong fi-fill-upan. Parang babalik tayo dun sa time na magiging beholden na naman iyong mga barangay officials sa mga powers that be. Magpapalakasan para sila ay ma-appoint. Yun nga nag gutso natin tanggalin. Iyong gusto natin tanggalin iyong too much dependence ng mga barangay sa mga politiko. Kasi ang konsepto natin ng barangay dapat sila apolitical. Pero kung i-aappoint sila, una palakasan yun sa magrerekomenda. Parang hawak na naman sa leeg iyong ating mga kapitan. Malaki na iyong na-achieve natin in terms of independence sa barangay. Pag binalik natin iyong sistema ng pag-appoint, malaking paurong ito. Kaya sa akin, kung i-popostpone, i-postpone ito. Pero huwag naman appointment.

    Q: Ma’am, iyong South Africa trip, and Ma’am, may kasama daw kayo puro LP daw? VP Leni: Kasi iyong South Africa trip, matagal nang invitation yun. Mag key-keynote speaker ako sa isang national women’s conference. Meron tayong meeting, round-table discussion with the South African Parliament on corruption and other issues. Iyong may sponsor kasi nito iyong Friedrich Naumann Foundation, iyong Friedrich Naumann Foundation parang konektado siya sa liberal democracy. So kung titingnan natin matagal na iyong presence nila dito sa Pilipinas. Every year nagpapadala sila ng ganitong delegations sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Every year ang naiimbitahan talaga nila mga Liberal Party members. Kaya ngayon hindi ko lang sigurado kung ilan kami sa delegation. Pero karamihan, hindi yata lahat pero karamihan mga Liberal Party members.

    Q: Ma’am iyong regarding sa palit-ulo scheme, gusto niyo daw pag-usapan… this Holy week.. VP Leni: Actually, nag-rerequest ako kay Sec. Sueno after the PNPA grad, pero sabi niya pauwi siya sa Davao. Ang request niya sakin after the Holy Week. Ang sabi ko sa kaniya, Sec. yun mga sinabi ko po lahat totoo, lahat po yun may witnesses. Pero iyong witnesses po natatakot. Puwede ba Sec. na sayo ko i-discuss, pero mag-rerequest kami ng protection para sa mga witnesses. Open naman siya. kaya masaya naman ako na bukas siya. hihintayin ko na lang iyong kanyang availability. Pero sinabihan niya ako na sabihan ko daw iyong staff ko to get in touch with his staff.

    Q: Birthday po ni President Duterte today. VP Leni: Kaya ako naka-red kasi birthday ng ating Pangulo. Tayo naman ang pinaka-birthday wish natin sa kanya iyong kanyang kalusugan. Kasi yun naman ang nirereklamo niya from the start. Sana mas maging malusog siya tsaka syempre para na din sa kapakanan ng buong bansa wini-wish natin iyong maging matagumpay iyong kaniyang pamumuno.

    Posted in Transcripts on Mar 27, 2017