This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview of Unang Hirit with Georgina Hernandez

    20 March 2017

    Spokesperson, Office of the Vice President

    Q: Tila nagmamadali raw pong maging presidente si VP Robredo, ayon mismo kay Pangulong Duterte. Ano po ang reaksyon niyo diyan? Georgina: Alam naman po natin lahat na hindi po iyan totoo, dahil si VP Leni mismo ang nagsasabi na hindi po – wala po yan sa kaniyang mga plano at hindi po niya iyan kailanman na gagawin.

    Q: Anong masasabi niyo sa pahayag ni Speaker Alvarez na impeachable daw ang ginawang video message ng Bise-Presidente tungkol ho doon sa Palit-Ulo? Georgina: Ikinalulungkot namin na ganoon po yung kaniyang pananaw dahil sa aming palagay, nagsabi lamang ng katotohanan si VP Leni. Sa katunayan po, lahat po ng mga pahayag niya doon sa video na ipinadala sa United Nations ay galing po sa mga reports na naipublish na po – hindi po mga bagong impormasyon ang mga ito at hindi naman po impeachable offense ang magsabi ng totoo at magbigay ng boses sa mga pamilyang Pilipino na natatakot at humahanap ng maa-paraan para maikuwento ang kanilang mga nararanasan.

    Q: Ma’am Georgina, si Igan po ito. Good morning po. Georgina: Good morning po.

    Q: May pananaw dito si Senador Ping Lacson nab aka nagagamit ho ang bise presidente so gusto ko lang po itanong: yung kanya pong talumpati sa UN ay sariling gawa po ba niya, na-verify po niya, o pinabasa lang po sa kaniya ng – sabihin na natin ng Partido Liberal? Georgina: Yun pong video, ni-request po iyan ng mga organizers ng United Nations. Natanggap po namin ang request diyan noon pang Pebrero at naibigay na namin yan sa mga organizers bago matapos ang buwan ng Pebrero. At yung mga impormasyon po dito at yung mismong talumpati ay nanggaling po sa aming Opisina at hindi po involved ang sinumang partido dito.

    Q: So hindi totoong dapat po si Sen. Leila de Lima yun? Georgina: Hindi po.

    Q: Okay. So yung Palit-Ulo po, kamusta po yung pag-beripika ng Office po ni VP Leni na Georgina: Yun pong

    Q: May lumapit po ba sa inyo, na yun pong tawag eh mga case study po, Ma’am Georgina? Georgina: Tama po kayo diyan, may mga pumunta sa opisina namin na mga pamilya na hindi po nila alam kung safe o maaari silang lumapit sa pulisya tungkol sa kanilang karanasan, tungkol nga dito sa sinasabig issue na ito dahil nga po natatakot sila na magsumbong at sila ay mapahamak din po.

    Q: Oho. Pero yung sinasabi ng ilan na parang, siniraan pa ng Bise Presidente ang Pilipinas sa United Nations – ano po ang naging reaksyon ni VP? Georgina: Hindi naman po matatawag na paninira iyon, dahil para kay VP Leni, nagsabi lamang po siya ng totoo at ito po ay galing sa mga first-hand accounts. Mga direkta po niyang nakausap na mga pamilyang Pilipino at ito po ay nakikita niyang mandato niya na ipahayag at bigyan ng boses yung mga taong walang boses at walang kapangyarihan.

    Q: Opo. Sundan ko lang yung tanong ni Susan, yung nagmamadali po ano. Kasi nabanggit na rin po ni Speaker Alvarez na baka raw ho magkabilangan na ang boto at malamang daw ho eh talo daw po si VP Robredo. Handan na po ba si VP sa mga ganitong development, Ma’am Georgina? Georgina: Ito pong binbanggit nila, pinaghahalo kasi nila yung electoral protest at impeachment – na sa tingin namin hindi naman tama at huwag gawin iyon kasi magkahiwalay na proseso po yun. Kung gusto po nila magfile ng impeachment, maghanap po sila ng basehan, ng tamang grounds at i-file po nila ito sa tamang paraan at ihiwalay po iyon sa electoral protest.

    Q: Pero Ma’am Georgina, sabi ni Senate President Koko – may bilang po. Eh alam niyo naman ang impeachment – so mas malinaw daw na ma-impeach si VP dahil sa kung bibilangin ang kaalyadong member ng kamara ni Presidente Duterte. Georgina: Nakakalungkot lang na nauuwi lahat sa bilang, nauuwi lahat sa pananakot. Pag tuwing mayroong isang leader o isang tao na hindi po sumasang-ayon sa administrasyon o nagsasabi ng isang bagay na hindi nila nagugustuhan. Sana po sa huli ay mauwi pa rin sa prinsipyo at sa katotohanan ang magiging boto at magiging desisyon ng ating mga Congressman at Congresswoman at mga Senador kung magkakaroon man nga. Kasi ngayon wala pa naman po talaga.

    Q: Okay Maam Georgina, salamat, good morning po. Georgina: Maraming salamat, magandang umaga.

    Posted in Transcripts on Mar 19, 2017