This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with Vice President Leni Robredo at the 6th Death Anniversary of Sec. Robredo

    Launch of Jesse Robredo: His Story & 6th Death Anniversary of Sec. Robredo

    Museo ni Jesse Robredo, Naga City

    REPORTER 1: VP, malaking bahagi po ng pamumuno ni dating Sec. Jesse Robredo ang Bicol River, ang pag-alaga ng Bicol River. Ito ba ang naging dahilan kung bakit po pinangunahan niyo iyong tilapia dispersal ngayong umaga?

    VP LENI: Hindi lang iyon iyong tilapia dispersal. Kung naaalala natin, noong ako ay miyembro pa ng House of Representatives, binigyang-importansya ko talaga iyong pag-ayos ng Bicol River. Ni-request natin noon sa national government iyong revetment ng buong hilera ng Naga River, mula sa Sabang hanggang dito sa San Felipe. Ngayon, kumpleto na iyon, pero kailangan pa talagang pagtulungan ng buong community iyong paglinis. Marami pang mga programang kailangang asikasuhin. Iyong dispersal natin noong fingerlings ngayong umaga, isa lang doon sa maraming iniisip na gagawin. Pero iyong pinaka-panaginip talaga natin, na iyong Naga River, siya iyong, parang, pinaka-puso ng buong lungsod, na alam natin iyong festival natin nakatutok sa Naga River. Kaya kailangan talaga, parang, whole-of-city approach iyong gawin para siguraduhin na hindi lang siya malinis nang one-time, pero ma-maintain siya nang masu-sustain hanggang sa katapusan.

    REPORTER 1: Nandito na rin naman si Mayor John Bongat. Sinagot na po niya iyong isyu ng “hotbed of illegal drugs.” Kayo po, VP, ano ang inyong reaksyon?

    VP LENI: Sa akin kasi, insultong napakalaki noon sa lahat na mga taga-Naga. Alam natin na iyong effort na ginagawa, hindi lang ng City Government, pero ng lahat na Nagueño, para maging maayos iyong ating pangalan. Hindi perpekto iyong ating lungsod; maraming problema. Gaya ng ibang mga local government units, talagang problema iyong illegal drugs dito. Pero para sabihing “hotbed” tayo, malaking sampal iyon sa mukha ng lahat na nagpapagod para itaas iyong… hindi lang iyong bandila, pero linisin iyong pangalan.

    Just the other day, pinanalo natin, number one tayo in economic dynamism sa buong bansa. Tayo number two in rank sa 100—

    MAYOR JOHN BONGAT: 112.

    VP LENI: —112 na local component cities. Number two tayo in competitiveness. In the last four years, in 2015 and 2016, number one tayo; 2017 and 2018, number two. Hindi iyon madaling ma-achieve. Na-a-achieve iyon dahil sa leadership ni Mayor John, sa pagtulungan ng lahat na sektor dito sa Naga, para wasakin ang isang paratang na hindi naman totoo. Talagang ano tayo, pinoprotesta natin iyon with the strongest of terms.

    This morning, binigyan ako ng City Council ng resolution nila, iyong resolution of indignation, dahil sa pagyurak sa reputasyon ng Naga. Hindi natin ito ite-take sitting down, kasi unang una, hindi totoo. Kasi kung totoo ito, tayo pa iyong yuyuko para humingi ng tawad. Pero dahil hindi siya totoo, talagang magrereklamo tayo na, iyon nga, pambabastos sa lahat na taga-Naga iyon.

    REPORTER 2: Ma’am, follow-up question: Taga-Naga si Madam Leni. Sinasabi politics, parang gustong siraan iyong lugar ni VP Leni?

    VP LENI: Ako na lang sana iyong siraan, kasi kung ako naman iyong puntirya, ako na lang. Kasi ako, wala nang ibang madadamay, ako lang. Pero para sabihin mo iyong Naga—iyong Naga, tayo iyong lahat. Tayo iyong lahat. Halimbawa, si Mayor John, nine years as City Mayor na pinagpaguran iyong na-achieve ng City Government. Before him, iyong asawa ko ilang taon din na pinagsakripisyuhan para marating din iyong kung nasaan tayo ngayon. Pero hindi nila iyon magagawa kung wala doon sa likod nila iyong buong sambayanang lungsod. Kaya iyong sa akin, kung po litika, iyong mga politiko lang iyong idamay; huwag naman iyong buong lungsod kasi hindi iyon fair.

    REPORTER 3: Ma’am, follow-up po dito: Doon po sa sinabi ng Pangulo, ano po ba iyong naging basis niya para sabihin iyon?

    VP LENI: Dapat siguro siya iyong tanungin. Dapat siguro siya iyong tanungin kasi, halimbawa yesterday, iyong ating director, regional director of South Luzon ng PDEA, siya mismo iyong nagsabi na hindi totoo na “hotbed” tayo ng shabu. Malayo nga tayo kumpara sa Maynila at sa iba pang mga lungsod. Nakita ko, mayroong presscon na ginawa iyong NBI at PDEA noong August 8, parang nire-report pa nga iyong lahat na accomplishments na ginawa. Tingnan natin iyong lahat na records, kung nandoon ba tayo sa, at least man lang top 10 ng mga pinaka-grabeng mga lungsod pagdating sa illegal drugs. Wala tayo doon. Kaya para sa akin, walang basehan. Pero siguro siya iyong tanungin kung ano iyong naging basehan?

    REPORTER 2: Ma’am, puwede magsingit sa local? Ma’am, any advice sa mga local officials, kung nakaabot na po ini saimong impormasyon maano digdi sa paglaog kang sugal, pag-apruba na paglaog digdi sa siyudad ning Naga?

    (Translated: Ma’am, puwedeng magsingit sa local? Ma’am, any advice sa mga local officials, kung nakarating na sa iyo ang impormasyon regarding dito sa pagpasok ng sugal, pag-apruba ng pagpasok dito sa siyudad ng Naga?)

    VP LENI: Sakuya, kaya from the very start, magpuon ta kang panahon kan sakuyang agom, pirmi kang kontra sa ilegal na sugal. Pero satuya, nirerespeto ta ang kapangyarihan kang City Council na mag-approve, mag-disapprove, magpasa o dai magpasa ning mga ordinansa. Ang satuya lang, siguro mas ano lang, mas pagtao lang ning warning kung ano ba si naging dahilan kung tano igwa kitang pagkontra. Aram ta na halawig na panahon nilabanan ta ang jueteng. Halawig na panahon digdi sa siyudad ning Naga, piglabanan ang jueteng. Si pag-legitimize kang STL, maray si intensyon. Maray si intensyon na mas maray lugod regulated, ‘di ba? Dapat sana ang STL karibay kang jueteng. Mas dipisil kaya ‘pag ilegal ta ‘di nare-regulate. Si pag-legalize kayan, para ma-regulate lugod siya. Maray si intensyon, pero siguro si warning ta lang, si experience ta over the last several years, na nagiging front siya. Ang bareta ko, naglaag ning kadakol na safety nets duman sa ordinansa pag-abot sa pagtugot na magkaroon ng STL. Pero dai man siguro mandata na mindful man giraray kita. Mindful kita kan si mga danger na puwedeng madara ka iniyo sa satuyang siyudad.

    (Translated: Sa akin, kaya from the very start, magmula noong panahon ng aking asawa, palaging kontra sa ilegal na sugal. Pero sa atin, nirerespeto natin ang kapangyarihan ng City Council na mag-approve, mag-disapprove, magpasa o hindi magpasa ng mga ordinansa. Ang sa atin lang, siguro mas ano lang, mas pagbigay lang ng warning kung ano ba iyong naging dahilan kung bakit tayo nagkaroon ng pagkontra. Alam natin na matagal na panahon nilabanan ang jueteng. Matagal na panahon dito sa siyudad ng Naga nilabanan ang jueteng. Iyong pag-legitimize ng STL, mabuti ang intensyon. Mabuti ang intensyon na mas mabuti pa kung regulated, ‘di ba? Dapat sana ang STL kapalit ng jueteng. Mas mahirap kasi kapag ilegal dahil hindi nare-regulate. Sa pag-legitimize niyan, para ma-regulate na lagn siya. Mabuti ang intensyon, pero siguro ito, warning na lang, na ang experience natin over the last several years, nagiging front siya. Ang balita ko, naglagay ng maraming safety nets doon sa ordinansa pagdating sa pagpayag na magkaroon ng STL. Pero hindi naman siguro masama na mindful pa rin tayong lahat—mindful tayo sa mga danger na puwedeng madala nito sa ating siyudad.)

    REPORTER 3: Ma’am, sa local pa rin. Kagawad De Asis confirmed na interesado na mag-run as mayor. Ano po ang susunod na proseso sa election process?

    VP LENI: Ako, siguro ma-defer ako kay Mayor John, pero siguro parang pagbalik-tanaw sa satuyang mga sinusunod dati. Pirming may proseso, pirming inclusive ang pagpili dawa kadtong panahon ni agom. Kung nagirimduman nindo, igwa man ning mga incumbent sa City Council na dai nababali sa ticket. Si panahon mismo ni Mayor John, councilor siya, pero siya si in-endorse para maging mayoral candidate, dahil sa pag-base ito sa proseso. Pero nag-ulay pa lang kami ni Mayor John subago; tahali si Mayor John sa awarding, hindi pa kami nakakatukaw ka ni, pero sabi ko maulay kami. Siguro ang kaipuhan pag-ulayan, paano igigibuhon si proseso. Pero pagkaintindi ko, nagpupuon na din ang City Government. Ano, Mayor? Mag-hapot-hapot. Iyo man giraray si sisunod.

    (Translated: Ako, siguro mag-defer ako kay Mayor John, pero siguro parang pagbalik-tanaw sa ating mga sinusunod dati. Parating may proseso, parating inclusive ang pagpili, kahit noong panahon pa ng asawa ko. Kung naaalala ninyo, mayroon ding mga incumbent sa City Council na hindi nakasama sa ticket. Noong panahon mismo ni Mayor John, councilor siya pero siya iyong in-endorse na maging mayoral candidate, dahil base ito sa proseso. Pero nag-usap kami ni Mayor kanina; galing si Mayor sa awarding, hindi pa kami nakaka-sit down para pag-usapan ito, pero sabi ko mag-uusap kami. Siguro ang kailangan na pag-usapan, paano gagawin ang proseso. Pero sa pagkakaintindi ko, nag-umpisa na din ang City Government—ano, Mayor?—magtanong-tanong. Iyon pa rin ang sinusunod.)

    REPORTER 4: Okay po, VP, with all these issues na ngayon ay binabato po sa inyo, humihingi pa ba kayo ng guidance kay Sec. Jesse?

    VP LENI: Oo naman. Parati naman tayong humihingi ng guidance kasi alam natin na hindi naman tayo pinapabayaan. Pero iyong sa akin kasi, parating iyong aral na iniwan niya sa atin, sa mga panahon na ganito—kahit din naman siya naging receiving end ng maraming pagtutuligsa, maraming hindi magandang bagay sa politika—iyong parati lang, parating ang weapon kasi natin iyong katotohanan, saka kung ano iyong dapat. Iyong sa atin, kahit pa laban ito sa agos, kahit pa hindi ito iyong pinaka-popular, basta ito iyong tama, ito iyong gagawin natin. Parating may danger, lalo na in the recent past, nakikita natin na iyong nangangahas na tumuligsa, parating may kaakibat na, parang, repercussions. Pero dapat kasi kapag pinaglalaban natin iyong katotohanan, handa tayong harapin iyon.

    Iyon din iyong aral na nakuha natin sa aking asawa. At ngayong ginugunita natin iyong kaniyang death anniversary, mas lalong maigting na pinapaalala sa atin na hindi dapat tayo matakot basta iyong pinaglalaban natin iyong katotohanan.

    REPORTER 5: VP, may lumabas doon sa social media, galing sa National Canvassers—

    VP LENI: National?

    REPORTER 5: National Board of Canvassers.

    VP LENI: Okay.

    REPORTER 5: Na kayo po talaga iyong nanalo against Bongbong Marcos.

    VP LENI: Wala namang question doon. Wala namang question na tayo talaga iyong nanalo. Alam naman natin na wala namang tayong daya na ginawa. Between us, alam natin kung sino iyong may history ng pandaraya. Between us, alam natin kung sino iyong may capacity na mandaya. Ang sa atin, ang pinagdadasal lang natin soonest possible time matapos na ito. Kasi hanggang hindi pa natatapos ito, nagkakaroon lang ng platform para magtulak ng isang propaganda ng mga kasinungalingan. Kaya iyong sa atin lang, sana sa lalong madaling panahon, kung kaya ngayong taon, sana matapos na.

    REPORTER 1: VP, sabi niyo po kanina na marami na pong libro ang naisulat tungkol kay Sec. Jesse. Pero why the need po na isa pang biography?

    VP LENI: Actually, ito iyong pinakaunang pinlano, iyong pagkakaroon ng biography. Kasi iyong mga nasulat dati, parang— Halimbawa, mayroong coffee table book, pero mas pictures iyon. Halimbawa, iyong libro na ginawa ni Doods Santos, mas ano iyon, parang, mas scrapbook, mas snippets ng mga sinabi ng tao tungkol sa kaniya. Halimbawa, iyong Kaya Natin came out with a book on best practices. Pero wala pa talagang libro tungkol sa buhay niya, and I think ito iyong first, ito iyong first na libro na lalabas na kinukuwento kung paano siya nag-umpisa, paano siya naging politiko, ano iyong pagtingin sa kaniya ng iba’t ibang nakakakilala sa kaniya.

    REPORTERS: Thank you, Ma’am!

    VP LENI: Thank you!

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Aug 18, 2018