This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with Vice President Leni Robredo in Balangkayan, Eastern Samar

    Office of the Vice President

    September 14, 2017

    Q: Comments ninyo, lalo na doon sa mga bahay, sa housing unit, dito sa Eastern Samar, particularly in Guiuan and Hernani po, kasi hindi pa natapos iyong housing unit? VP LENI: Actually, hindi lang sa Guiuan at sa Hernani. Sobrang dami pang hindi natatapos. Iba’t iba iyong dahilan. Iyong isang dahilan, iyong mga requirements kasi, napakahirap talagang i-comply noong ibang requirements dito. Halimbawa, isa sa mga requirements kailangan titled iyong property na tatayuan. Hindi puwedeng magtayo ng bahay doon hanggang hindi siya titled. Dito sa Eastern Samar, marami talagang lupa na hindi talaga titled. Ang mayroon lang siya, tax declaration. Noong nasa HUDCC ako, isa iyon sa request namin sa NHA saka sa ating Pangulo, na luwagan iyong requirement na iyon, na sana hindi na i-require na magkaroon pa ng requirement na title. In fact, nagpadala kami ng parang inter-agency na agreement for NHA na hindi na nila ire-require iyon. Puwede na nilang i-require iyong ibang evidence of ownership. Noong umalis ako, tapos na iyong document. Hindi ko lang alam kung anong nangyari, pero dapat hindi na siya requirement. Iyon iyong una. Number two, isa doon sa pino-propose ko sana noong nasa HUDCC pa ako, na huwag nang centralized sa NHA iyong pabahay. Iyong LGUs sana na mayroong capability na mag-manage noong housing, i-download na lang pera sa LGUs, kasi tingin namin, mas mapapabilis. Una, kapag naka-lump kasi siya sa NHA, napakalaki noong amount. Iyong pagpunta ko dito last year, binisita ko iyong housing sa Hernani, tapos kasama natin iyong ibang mayors na marami pang reklamo sa housing. Nagiging substandard na iyong mga pabahay dahil iyong nananalo sa kontrata—iyong malalaking contractors, iyong mga Triple-A, pero wala naman silang presence dito—iyong ginagawa nila, sina-subcontract nang so many different levels. Mayroong nagsa-subcontract, pang-apat nang layers, kaya iyong natitira talagang amount para sa houses, ang liit na ng cost. Hindi na quality iyong mga pabahay. Kaya sa akin, kung hindi sana centralized iyon sa NHA, itiwala na sana sa mga LGUs na may capability, mas mababantayan ng LGU. Kasi iyong LGU, directly answerable siya sa mga tao, kaya hindi siya papayag na substandard iyong mga bahay, at hindi siya papayag na ganito katagal. Noong umalis ako sa HUDCC, iyon iyong pending na sana maaksyunan na, para sa lalong madaling panahon matapos na. Kasi noong pag-assess namin, sobrang kaunti pa lang iyong nagagawa, sobrang kaunti pa lang iyong natu-turn over. Parang hindi na siya makatarungan na four years after Yolanda, ganoon pa din iyong status. Q: Ma’am, iyong reaction niyo lang doon sa malaking ano ng mga different sectors doon sa decision ng Congress to defund the CHR? VP LENI: Mayroon na tayo. Ibigay po namin iyong statement. Q: But are you happy, Ma’am, iyong sector talaga, they really— VP LENI: Siyempre hindi tayo happy. Iyong Commission on Human Rights, constitutionally-created na body iyon at alam natin iyong history kung bakit siya kinreate. Kinreate iyon dahil sa experience natin noong Martial Law, na maraming pang-aabuso na ginawa iyong estado. Kaya iyong pinakamandato ng CHR, siya iyong mag-iimbestiga ng lahat ng pang-aabuso ng karapatang pantao ng mga alagad ng estado. Kasi kung hindi alagad ng estado, iyong pulis, iyong ating mga courts, iyong mayroong karapatan… mayroong mandato na parang sitahin, parusahan iyong nagkasala. Pero kapag estado na iyong nagkasala… Napaka-powerful ng estado, so kailangan may special body na nag-aasikaso. Commission on Human Rights iyon. Kung aalisan natin ng kapangyarihan iyong Commission on Human Rights, saan na dudulog iyong mga nagiging biktima ng karahasan noong estado? Q: Pero na-o-overwhelm ka ba sa mga naging reaksyon ng public na talagang ayaw nila iyong ginawa noong Congress? VP LENI: Ako, tingin ko tama lang iyong reaksyon ng publiko, kasi alam niyo, nangyayari iyong pang-aabuso ng gobyerno kapag hindi tayo nagsasalita. Tama na kapag mayroong mali na nakikita, iboboses, kasi ito iyong magpapaalala sa ating mga opisyal na mayroon parating limitasyon iyong kapangyarihan na ibinibigay sa atin. Q: Iyong impeachment kay Chief Justice, Ma’am, will it undermine our democracy? VP LENI: Ako kasi, iyong impeachment inihahain pa lang. Karapatan— Isa iyon sa mga prosesong bahagi ng ating demokrasya. Pakinggan natin. Pero iyong sa akin lang, sana hindi siya ginagamit bilang panakot. Sana hindi siya ginagamit para parusahan iyong mga tao na naglalakas-loob na bumoses laban sa pamahalaan. Sana hindi naaabuso iyong impeachment process, kasi iyong intent nito, isa siyang extraordinary remedy na ibinibigay para sa ibang mga opisyal ng gobyerno, na kung aabusuhin ito, parang pag… alam mo iyon? Parang hindi niya sinasagot iyong dahilan kung bakit nandiyan siya. Iyong mahalaga kasi sa demokrasya, matatag iyong ating mga institusyon, na kahit anong attempt na i-weaken iyong institutions, dapat tutulan natin. Q: Thank you, Ma’am! VP LENI: Thank you!

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Sep 13, 2017