This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with Vice President Leni Robredo in Balangkayan, Eastern Samar

    Angat Buhay visit: Groundbreaking of dormitory for Balangkayan National HS

    Balangkayan, Eastern Samar

    REPORTER 1: Iyong message niyo, Ma’am, sa Eastern Samar?

    OVP: Sir, lapit po kayo, hindi kayo masyadong marinig.

    REPORTER 1: Iyong message niyo, Ma’am?

    VP LENI: Magandang umaga po sa lahat na nakikinig sa atin dito po sa lalawigan ng Eastern Samar. Pangalawang pagkakataon po sa aking panunungkulan bilang Pangalawang Pangulo, nandito po ulit ako, kasi dito sa Eastern Samar, mayroon po kaming apat na adopted Angat Buhay towns: ito po—Balangkayan—Hernani, Salcedo, saka Quinapondan. Iyong Salcedo saka Quinapondan, nandoon po tayo kahapon. Mayroon din po tayong ilang mga proyektong ibinaba.

    Halimbawa po sa Salcedo, gaya po ng sinabi ko kanina, mayroon din po tayong service vehicle para sa paaralan, saka nag-groundbreaking din tayo ng dormitory. Sa central school po nila may dinala tayo na mga athletic equipment saka training para sa soccer ng mga bata. Tapos po iyong kanilang farmers’ cooperative, nagbaba po tayo ng tulong para sa paggawa nila ng dalawang greenhouse solar dryers. Itong lahat pong ito, para makatulong makadagdag ng income ng ating mga farmers.

    Halimbawa po doon sa Quinapondan, pumunta po tayo sa pinakamalayo niyang barangay, doon sa Cambilla. Umakyat po tayo sa bundok. Binisita po natin iyong mga livelihood beneficiaries natin, na binigyan natin ng livestock saka poultry noong March. Tiningnan po natin kung ano iyong epekto nito sa buhay nila. Nagdala din po tayo ng solar panels, solar kits, kasi marami-rami pa ding households doon iyong walang kuryente.

    So ito po, gaya ng sabi ko, ito iyong attempt ng aming opisina na kahit paano makatulong sa pagsugpo ng kahirapan. Ito naman po iyong pinakamalaking kalaban sa ating communities. Na sa atin, parati ko po itong sinasabi kapag kausap ko na iyong mga tinutulungan natin, hindi naman tayo nangangarap na yumaman, pero iyong pinaka-pangarap lang natin iyong makakain iyong pamilya natin ng masustansiyang pagkain tatlong beses isang araw, at mapag-aral iyong mga anak. Kasi kagaya po ng sinabi ko kanina sa programa natin, iyong edukasyon iyon iyong greatest equalizer of all—basta nakapag-aral, kahit mahirap, mayroon nang laban. Iyon po iyong pangarap natin dito sa apat na lugar. Hopefully, madagdagan pa natin.

    REPORTER 2: Opo, iyan, Ma’am, sa northern part ng Eastern Samar.

    REPORTER 3: Anong possible po, Vice President, na maidadagdag na munisipyo?

    VP LENI: Actually po, iyong Dolores tinitingnan po natin iyon medyo matagal-tagal na. Ang problema po kasi namin, iyong pinaka-problema sa opisina namin, wala po kaming pondo. Iyong funding sa mga programs, dependent kami sa private partnerships, so hindi ganoon kadaling magdagdag, kasi siyempre kailangan maghanap muna kami ng dagdag din na partners. Marami na po kaming pledges doon sa mga naunang mga munisipyo, pero pinromise ko po iyon na titingnan po natin, at least dito sa Eastern Samar, makadagdag tayo sa northern towns.

    Ngayon po, after nito, pupunta po kami ng Gandara, dahil mayroon po kami doong 25 na grupo ng mga magsasaka na magtu-turnover kami ng mga kalabaw today. Ito pong mga kalabaw na ito, galing ito sa pondo sa opisina, kasi iyong pondo po sa opisina, puwede kaming mag-assist individually noong mga most poor. So ito, alam naman natin iyong tulong ng kalabaw sa pagsasaka, so hopefully, kahit paano maiangat. (Note: Under its Angat Buhay program, the OVP is turning over 15 carabaos to livelihood subsidy beneficiaries of Gandara, Western Samar. The assistance aims to help increase the production of the Gandara Keseo Producers Association, which makes cheese, locally called “keseo,” out of carabao milk.)

    Pero parati ko pong binibigyang-diin kahit saan kami magpunta, na parati nating susukatin iyong tulong. Gusto kong sabihin noong sukat, hindi napupunta sa sayang, kasi kapag hindi napunta sa sayang, puwede na nating masabi na naging matagumpay iyong paggastos ng pera ng gobyerno. Kasi kung gastos lang tayo nang gastos, parang winawaldas din natin iyong pera ng pamahalaan. Kaya ayan si Mayor, masipag ito sa Bridging Leadership Program. Alam niya iyon: na una, hindi tayo puwedeng magbaba ng proyekto na hindi base sa needs assessment; hindi tayo puwedeng magbaba ng proyekto na hindi napagplanuhan nang maigi; na during the implementation process, mayroong periodic na assessment; saka iyong sustainability. Kasi halimbawa, sa opisina namin, ang sigurado ko lang, na anim na taon nandito ako. Pero pagkatapos ng anim na taon, hindi natin sigurado kung iyong papalit sa atin ipagpapatuloy ito. Pero iyong mahalaga, na iyong kung saan mayroon tayong programa, kaya ng LGU na i-sustain iyong programa. Kaya ito naman, hindi tayo basta-basta pumapasok sa mahihirap na lugar; kailangan mayroon ding capability ang LGU na ipagpatuloy ito kung wala na tayo.

    REPORTERS: Maraming salamat, Ma’am!

    VP LENI: Salamat din!

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Aug 03, 2018