This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with Vice President Leni Robredo at the House of Representatives

    South Wing Annex, House of Representatives

    Q: Ma’am, iyong budget, malaki po iyong binawas sa inyo para doon sa mga projects ninyo. Gaano kalaki iyong effect nito?

    VP LENI: Iyong nabawas, mga P100 million, malaki iyong epekto niya kasi iyon iyong binibigay namin na livelihood subsidies para sa Angat Buhay areas. Alam naman natin na iyong mga Angat Buhay areas, ito iyong pinaka-mahihirap. Ito iyong pinaka-mahihirap na mga lugar at iyong iyong livelihood subsidies ngayong taon, iyon sana iyong pang-fill namin sa gap na kapag walang private partner na mayroong programa para sa isang pangangailangan, iyon iyong ginagamit. So kapag inalis iyong for next year, babalik kami doon sa 2016 saka sa 2017 na entirely dependent kami on private sector’s support. Malaki din iyong tulong noon pero pa-minsan kasi hindi directed sa pinaka-problema kasi siyempre, ima-match lang namin sa kung ano iyong programa nila.

    Q: Do you think it’s a political move? Political move by the government iyong slash, iyong cut sa budget ninyo? Is it a political move on the part of the government and administration?

    VP LENI: Ako, mahirap naman kasing mag-speculate kasi ang alam natin hindi lang naman iyong opisina namin iyong nabawasan. Marami ding mga ahensyang nabawasan. Pero kahit anong dahilan, nag-a-appeal kaming madagdagan kasi kung titingnan naman iyong utilization namin, maayos. For 2017, 95 percent iyong utilization namin so wala naman talagang dahilan para hindi ipagkatiwala sa amin iyong budget. Napakaliit noon—iyong buong budget ng opisina mas maliit pa sa budget ng isang distrito. Kaya iyong sa amin lang, mag-a-appeal pa rin.

    Q: Ma’am, may rice crisis po tayo ngayon. Recently, may balita po na may pumasok na “bukbok” rice from Thailand dito sa Pilipinas. Ano pong masasabi po natin doon, Ma’am, kasi naaapektuhan iyong mga—

    VP LENI: Ito, iyong,problema sa bigas, nakakalungkot. Matagal-tagal na ito. Kung naaalala natin, Pebrero pa noong taon na ito pinaguusapan na iyong problema sa bigas. Conflicting iyong mga statements ng mga opisyal, ng pamahalaan. Halimbawa, si Secretary Piñol sabi niya wala namang problema sa supply. Kahapon may interview si BSP (Bangko Sentral ng Pilipinas) Governor Nestor Espenilla. Sinabi niya na isa sa driver ng inflation iyong kakulangan ng supply sa bigas. So unang tanong, alin ba iyong totoo? Pangalawang tanong, nakakadismaya iyong statements na ginagawa. Halimbawa, sinabi na i-legalize na lang iyong smuggling. Iyong sa akin, kung ang claim walang problema sa supply, bakit kailangan iyong smuggling? Para manggaling iyong statement na iyon sa isang opisyal ng pamahalaan at kinatawan ng ating Pangulo, nakakabahala ito. [Pangatlo], marami… paiba-iba iyong statements. Halimbawa, sinasabi na iyong nakikinabang sa pataas na presyo ng bigas iyong ating mga magsasaka. Para sa akin, insensitive ito—insensitive sa kahirapan na pinagdadaanan ng ordinaryong pamilyang Pilipino. Alam natin kung gaano kahirap, lalo na sa pinaka-mahihirap na pamilya, iyong napakataas na presyo ng bigas.

    Iyong sa akin sana, imbis na gagawa ng mga statement na ganito, una, tanggapin na may problema; pangalawa, umako ng responsibilidad; pangatlo, may assurance man lamang sana na ginagawa ng pamahalaan iyong lahat para masugpo iyong problema sa lalong madaling panahon, kasi lalong humahaba iyong usapin, lalong hindi naghahanap ng solusyon. Walang assurance na matatapos na ito. Parang, iyong patuloy na hindi natin alam kung ano iyong nangyayari, lalo niyang tinutulak iyong mas maraming spekulasyon. Alam natin na [kapag] lalong dumadami iyong spekulasyon, lalong dina-drive nito iyong inflation. Lalo lang hihirap iyong problema ng pamilyang Pilipino.

    Sunod, alam naman natin na kapag nagtataasan iyong presyo ng bigas, hindi mahihirap na magsasaka iyong nakikinabang nito. Mas nakikibang pa nito iyong mga nagse-speculate, mas nakikinabang pa nito iyong traders. Pero iyong pinaka-mahihirap na magsasaka, alam natin na hindi sila iyong nakikinabang. Halos linggo linggo, nasa baba tayo, halos linggo linggo kausap natin iyong mga maliliit na mga magsasaka, mahihirap na mga Pilipino, ito iyong parati nilang nire-reklamo. Noong February, in-assure tayo na mare-resolve ito sa lalong madaling panahon. Iyong sabi sa atin, pagdating noong importation bubuti na iyong sitwasyon. Dumating na iyong importation noong June, hindi pa rin bumuti iyong sitwasyon, lalong nagka-problema. Sa Zamboanga, mayroon nang… nag-declare na ng state of calamity. Noong nakaraang linggo, nabasa natin sa diyaryo na pumipila na sa Bacolod dahil mayroon nang rationing. Kahapon nabasa rin natin na nagre-reklamo na si Chairman Karlo Nograles dahil iyong allocation for Davao, allocation for Cagayan de Oro, nadala sa iba.

    So iyong atin lang sana, sana mas reassuring iyong pamahalaan—sabihin saan ba tayo patutungo, hanggang kailan ito, ano iyong plano? Kasi ngayon, parang hindi natin alam kung ano iyong plano. Marami tayong panukala. Halimbawa, iyong isang panukala natin asikasuhin iyong mga magsasaka na iyong cost of production, bumaba, kasi napakataas ng cost of production natin. Sana iyong assistance ng pamahalaan papunta doon para kahit papaano makapag-compete man lamang tayo sa mababang presyo ng inaangkat na bigas para huwag na tayong angkat nang angkat. Pangalawa, siguraduhin na iyong tulong talaga mapupunta doon sa pinaka-nangangailangan ng tulong. Sumasang-ayon tayo dito sa panukalang batas ng tariffication pero nababahala din tayo kung papaano ito i-i-implement ng maayos. Halimbawa, iyong TRAIN (Tax Reform for Acceleration and Inclusion), iyong assurance sa atin magkakaroon ng safety nets para sa pinaka-mahihirap pero alam natin, hanggang ngayon hindi pa ito fully na-i-implement. Baka maulit na naman ito dito sa tariffication.

    Iyong sa atin lang, ano ba iyong plano? Hanggang kailan ito? Ano ang dapat nating asahan?

    OVP: Okay, next question.

    Q: Ma’am, iyong rice prices proof po ba ito that NFA (National Food Authority) chief Jason Aquino should be removed from office or should resign?

    VP LENI: Alam mo iyong… iyong pinaka… iyong pinaka-problema kasi rito walang isang mukha—walang isang mukha iyong pamahalaan, walang isang boses. Alam natin noong nakaraang linggo, nagkaroon ng hearing dito sa House of Representatives, nagbabatuhan ng paratang iyong NFA administration saka iyong NFA council. Itong hindi pagkakasundo ng dalawa, pagpapakita na nakakadagdag pa siya—nakakadagdag pa siya sa problemang hinaharap natin ngayon. Iyong sa atin lang, sana isa lang iyong plano ng pamahalaan. Hindi iyong iba ng council, iba iyong plano ng administration, iba iyong plano ‘di ba ng DA (Department of Agriculture) as an agency. Iyong sa atin, ano iyong gameplan? Saan tayo patutungo?

    OVP: Okay, last question.

    Q: Ma’am, sabi po ni [Executive Secretary Salvador] Medialdea kanina, option nila na i-extend nila iyong martial law another dahil after noong nangyari sa Sultan Kudarat. Any reaction po?

    VP LENI: Ito kasi, mayroong martial law sa Mindanao pero nakita natin over the past months, hindi ito nagiging hadlang para iyong karahasan ma-prevent. Nagkaroon tayo ng bombing sa Lamitan, ito na namang sa Sultan Kudarat kahapon. Patuloy pa rin—patuloy pa rin iyong mga terrorist activities na nangyayari. So ano iyong assurance natin na kapag in-extend ang martial law, talagang mape-prevent ito kasi ito naman iyong sadya ng martial law ‘di ba?

    Kung pagbabasehan kasi iyong mga nakaraang pangyayari, pinapakita na hindi epektibo iyong martial law sa pagsugpo nito. So baka kinakailangang mas maayos na pagharap sa problema para ma-assess ano ba iyong pinaka-effective na paraan para hindi na ulit mangyari iyong mga nangyayari.

    Q: Ma’am, isa na lang. Sabi po ng Malacañang, sole discretion ni Pangulong Duterte iyong pag-alis sa ICC (International Criminal Court). Any reaction po dito?

    VP LENI: Ako, hindi tayo naniniwala doon kasi iyong membership ng… iyong membership natin sa ICC, hindi naman ito sole discretion ng Pangulo. Iyong membership na ito, desisyon ito ng isang body na dahil hindi niya sole discretion iyong pag-sali, hindi niya rin sole discretion iyong pag-alis dito. Saka ano ba iyong kinakatakutan natin sa pagiging miyembro natin dito? Hindi ba ito assurance na sa pagsugpo natin ‘di ba, sa pagsugpo natin sa mga violation ng karapatang-pantao, mayroon tayong mga kakampi na mga bansa na makikipagtulungan—makikipagtulungan sa atin. Ito naman iyong pinaka-dahilan kung bakit tayo sumasali sa mga ganitong grupo. Para kung hindi kaya ng sarili nating lakas iyong pag-sugpo nito, mayroon tayong mga kakampi na mga bansa na pareho iyong paniniwala sa atin.

    OVP: Okay.

    Q: Ma’am, comment po on the appointment of Teresita de Castro as the new Chief Justice?

    VP LENI: Iyong sa akin, in-appoint na si Chief Justice De Castro, alam natin na naging masalimuot iyong pinagdaanan ng Korte Suprema. Kaunti lang iyong panahon na binibigay sa kaniya—hanggang Oktubre lang. Iyong ating pinaka-wish na sana magamit iyong kaunting panahon para kahit papaano mabuo ulit. Mabuo ulit iyong tiwala ng tao sa Korte Suprema, iyong integridad, maging unifying na figure si Chief Justice De Castro para mapalakas muli iyong institusyon. Hindi makakatulong sa atin na mahina iyong Korte Suprema bilang institusyon. Isang napaka-halagang haligi… isang napaka-halagang haligi ng ating demokrasya na malakas iyong ating Supreme Court kaya sana iyong kaunting panahon na binibigay sa kaniya, ito iyong bigyang halaga.

    Q: Ma’am, are you going to speak with General Albayalde regarding the statement sa crime rate sa Naga?

    VP LENI: Iyong sa akin naman. [Media: Ma’am, camera.] Iyong sa akin, nakakalungkot na iyong PNP magbibigay ng mga statements na hindi naka-base sa totoong datos. Kasi kung ako—sinabi ko na ito dati at sasabihin ko ulit—kung ako iyong puntirya, huwag nang idamay iyong buong lungsod. Kasi iyong Naga, hindi naman ako iyon e. Iyong Naga, binubuo iyon ng mga constituency na pinagpaguran iyong kung nasaan man siya ngayon. Binubuo ito ng mga… binubuo ito ng mga tao na naniwala sa sarili nila at naniwala sa kakayahan ng bawat Nagueño. Iyong pamunuan ng Naga, pinakita over the years na naging effective. Alam natin kung ano iyong record ng Naga. Totoong hindi siya perpekto, totoong mayroon siyang mga problema, pero huwag naman sanang idadamay. Kung magbibigay ng datos, sana iyong datos na totoo kasi iyong damage na ginagawa niya sa lungsod, hindi naman ako iyon e. Hindi ako iyong namumuno ng Naga. Iyong Naga, pinapamunuan ng officials na mahuhusay at matitino at sana hindi na sila nadadamay sa politika.

    Ako parati tayong… ako, alam niyo naman, sanay na sanay akong tinutuligsa ako. Kapag ako lang, hindi ako umaalma. Gusto kong i-focus iyong energies ko sa mas makabuluhang mga bagay. Pero kapag iyong lungsod na namin iyong titirahin dahil sa akin, talagang aalma ako.

    OVP: Okay, thank you, Madame Vice President. Thank you sa media. Thank you!

    VP LENI: Thank you!

    Posted in Transcripts on Aug 29, 2018