This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with Vice President Leni Robredo in Imus, Cavite

    Launch of Istorya ng Pag-asa – Imus

    Imus Pilot Elementary School, Imus, Cavite

    REPORTER 1: Ma’am, one question lang po: Comment lang po doon sa pagpanig ng Comelec doon sa 25-percent shading rule sa pag-recount ng balota?

    VP LENI: Ito, masaya tayo na finally, iyong Comelec binigyan ng pagkakataon ng PET na makapagpahayag. Kino-confirm lang nito iyong matagal na nating sinasabi na noong nakaraang eleksyon, ang ginamit talagang threshold ay 25 percent—nagpapakita kung sino sa amin iyong nagsisinungaling.

    At ito, iyong mahalaga dito kasi sinabi ng Comelec na kapag hindi naging consistent doon sa 25 percent na ginamit noong eleksyon, maraming mga botante iyong madi-disenfranchise. Kaya masaya tayo na iyong Comelec na mismo iyong nagsabi kung ano iyong ginawa nila, ginamit nilang pamantayan noong nakaraang eleksyon.

    REPORTER 1: Thank you.

    OVP: Ma’am, from GMA-7.

    REPORTER 2: Ma’am, anong impact iyong mabibigay ng Istorya ng Pag-asa sa mga Caviteño, lalo na ngayon na katatapos lang na salantain ng bagyo ang buong lalawigan, at iyong mga Caviteño ay nagsisimula pa lang bumangon ulit?

    VP LENI: Ito kasi, iyong Istorya ng Pag-asa, iyong pinapakita niya iyong istorya ng mga ordinaryong Pilipino na nagdaan talaga sa matitinding mga pagsubok, pero kahit matindi iyong pagsubok, nagtagumpay sila sa huli. Iyong gusto natin kasing maramdaman ng mga Caviteño, saka ng mga Pilipino, kapag napapanood, nababasa iyong mga kuwento ng ating mga fini-feature, parang ma-evoke hindi lang iyong inspirasyon pero iyong pag-asa na kahit mahirap iyong pinagdadaanan ngayon, basta magpupursige, may kaginhawaan sa hulihan. Gaya ngayon na nasasalanta pa lang ng bagyo—gaya dito, mga 800 na tao dito sa Imus iyong naapektuhan—sigurado iyong mga naapektuhan nagsisimula ulit. Ito, kapag nadaanan itong mga kuwentong ito, magbibigay sa kanila ng inspirasyon na, parang, iyong fineature nga natin mas malala pa sa kalagayan nila, pero guminhawa din sa hulihan. So iyon iyon. Parang gusto nating ipakita na kahit iyong mahihirap, may pag-asang umasenso. Kahit iyong may mga kapansanan, basta pinagtibay iyong kanilang mga talentong ibinigay sa kanila, may pag-asa pa ding umasenso. Iyong nakita natin ngayon may mga karamdaman, talagang hindi naging madali iyong kanilang buhay, pero nagpursige, kaya iyon iyong gusto nating, parang, aral na maibigay sa lahat.

    REPORTERS: Thank you, Ma’am!

    VP LENI: Salamat!

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Jul 26, 2018