This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with Vice President Leni Robredo at the Inauguration of Infra Projects in Calabanga, CamSur

    30 October 2017

    Inauguration of Seawall, Farm-to-Market Road & Covered Court

    Barangay Bonot-Sta. Rosa, Calabanga, Camarines Sur Q: Ma’am, recently lang ho ni-recall na ng Comelec iyong mga ballot boxes dito sa Camarines Sur, kaugnay ng protesta ni Bongbong Marcos, kasi nagkaroon daw po ng dayaan dito. Any reaction, Ma’am? VP LENI: Ano naman ito, ano siya, regular course ng isang kaso, na tinanong si Marcos kung ano iyong pilot na mga provinces na nagkaroon ng dayaan. Ang sabi niya, isa doon Camarines Sur, ang isa yata Iloilo, ang isa Negros Oriental. Ang napansin lang natin, pinili niya iyong pinakamarami akong boto. Pero kayo naman iyong makakapagsabi kung may dayaan dito o wala, kasi kung may dayaan, hindi naman iyon matatago. Kung mayroong dayaan siguradong lalabas. At over the course of time, na-prove na natin iyan dito sa Camarines Sur na hindi natin pinapayagan na mangyari iyon. Kaya natutuwa tayo na umaandar na siya, kasi the sooner na ma-resolve iyong kaso, mas mabuti sa akin, para hindi na niya ginugulo. Q: Vice, nagte-trend po ngayon sa social media iyong initial statement ninyo regarding sa preservation ng Marawi ruins. So any clarification po regarding dito? VP LENI: Ito, actually, hindi siya original kong proposal. Ang may proposal nito si Engineer Jun Palafox. Iyong interview sa akin, na-mention ko na siguro makakabuti na pakinggan iyong lahat— Una, ang nire-recommend ko sana, na siguraduhin na sa pagplano ng rehabilitation, well-represented iyong mga taga-Marawi mismo, dahil iyong sa akin, mahalaga na kung sino iyong maaapektuhan, pinapa… binibigyan ng halaga iyong kanilang gustong sabihin. Pangalawa, na magkaroon lang ng isang plano para sa lahat. Alam natin mayroong iba’t ibang grupo na nagpaplano—mayroong national government, mayroong ARMM, mayroong provincial government, mayroong city government, mayroong mga NGOs saka mga international organizations. In fact, pagpunta natin sa Marawi noong hindi pa tapos iyong labanan, ilan iyong briefings na ginawa sa amin kasi may iba’t ibang headquarters iyong mga grupo. Ang sa akin, mas makakatulong siguro—ano ito, based din sa lessons natin sa Yolanda—na iyong lahat na mga plano, pag-isahin na lang. Pag-usapan, mayroon lang isang plano. Tapos kahit iyong mga international organizations, iyong mga private companies, organizations na pupunta, parang may isang clearing house lang para sa lahat para hindi magulo. Kasi kung kaniya-kaniya lang na punta, ang chances may ibang lugar na doble-doble iyong makukuha, mayroong mga lugar na wala, puwedeng mangyari. Pangatlo, iyong na-mention ko, mayroong iba’t ibang plano— Halimbawa, ngayon, iyong kay Engineer Palafox, ang isang recommendation niya, ma-preserve iyong ruins. Ako tingin ko, worth looking into. Hindi sa pinu-push natin, kasi sa atin kasi, mahalaga iyong gusto ng mga taga-doon. Pero iyong sa akin, worth looking into. Ito, hango na din sa aral ng iba’t ibang mga lugar, na kapag sinabi nating i-preserve iyong ruins, hindi iyong buong battleground. Pero mai-preserve, halimbawa, iyong pinakamalaking mosque na makikita natin sa dyaryong battle-ridden, puwedeng iyon iyong itira. Kasi tingin ko mahalaga sa history, mahalaga sa lessons, iyong mayroong physical… parang physical na manifestation ng kung ano iyong nangyari—hindi iyong parang simple lang siyang gunitain, pero maalala iyong lahat na aral. Maalala iyong lahat na aral na nakuha hango doon, at maging monument din ito ng kabayanihan, hindi lang ng mga sundalo, pero ng mga taga-Marawi din. Iyong interpretation kasi ng marami, parang iyong buong battleground ipe-preserve. Hindi yata doable iyon, considering na siyempre babalik iyong mga residents. Pero sa akin, whatever it is, importante na pag-usapan na as one lang. Q: Ma’am, follow-up lang sa recount: Iyon nga, magkaka-recount, tapos biglang may ibang Comelec head. How do you feel about it? VP LENI: Tingin ko hindi naman siya maaapektuhan, kasi iyong resulta ng eleksyon nandiyan na, eh. Iyong resulta ng eleksyon nandiyan na. Lalong lalo na kasi—tatlo iyong causes of action ni Marcos—iyong pinakauna niyang cause of action, na-dismiss na. At iyong pinakauna niyang cause of action, sinabi niya na maraming dayaan na nangyari noong eleksyon, kaya dapat isantabi iyong resulta. Parang sinabi na ng Supreme Court na hindi iyon totoo, kaya wala namang epekto iyong pagpalit ng head [sa Comelec]. Q: Salamat po! VP LENI: Thank you.

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Oct 29, 2017