This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with Vice President Leni Robredo at the INP Cebu City Gallery Opening

    Robinson’s Galleria, Cebu City

    REPORTER 1: Ma’am, we saw how close you were with Mayor Osmeña, Kanina you thanked him for the support he has been giving you. What do you make about doon sa pronouncement ni Secretary Aguirre tagging Mayor Osmeña as a drug protector?

    VP LENI: Ako, nakakalungkot lang iyong mga nangyayaring ganiyan kasi parang nagiging pattern na siya na kung sino man iyong sumasalungat sa anumang polisiya na inihayag, o kung sino man ang sumasalungat sa kahit anong desisyon, parating may tag na na ‘drug protector.’ Nagiging pattern na ito. Dapat sana hindi, kasi mahalaga— napakahalaga—na buo iyong ating kumpiyansa sa Department of Justice, kasi ito iyong ahensya na inatasan na siguruhin na iyong katarungan ang mananaig sa ating komunidad. Kung mawala iyong kumpiyansang ito, ano pa iyong sasandigan nating lahat?

    Sana hindi padalos-dalos iyong pagbibigay ng akusasyon, lalo na kung iyan ay walang basehan. Kung mayroong basehan, maghain ng maayos na kaso, pero kung wala naman, huwag sanang dinadaan sa mga ganito.

    REPORTER 1: Knowing Mayor Osmeña, do you think that he can do that?

    VP LENI: Kilalang kilala ko si Mayor Osmeña. Gaya ng sabi ko kanina, matagal siyang kaibigan ng asawa ko, matagal na kasama sa trabaho. Parang wala naman ito sa karakter niya.

    REPORTER 2: What do you think of DOJ lately, Madam? Other than the Peter Lim issue, iyong Bohol board member din po na na-dismiss din iyong parricide case.

    VP LENI: Gaya ng sinabi ko kanina, sana naiintindihan ng mga nasa DOJ kung ano iyong halaga ng ahensya nila. Hindi ito isang ahensya na puwedeng gamitin para sa mga personal na vindictiveness, lalo na kapag pulitika iyong dahilan. Ito iyong ahensyang inatasan para siguraduhin na iyong katarungan ang mananaig sa ating bansa. Kung sila mismo iyong nagiging instrumento ng pagkawalang-katarungan, napakahirap noon para sa ating lahat, kasi saan pa tayo, ‘di ba, saan pa tayo sasandig?

    Kaya iyong nakikita natin… ngayon, may bagong paratang kay Mayor Osmeña na drug protector. Kanina, nabasa natin na iyong Bohol incident, napawalang-sala. Si Peter Lim saka si Espinosa ay napawalang-sala. Si Napoles ay gagawing state witness. Tapos nakikita natin, maraming mga kilala tayong mga tao na matagal na sa public service, na hindi naman na-involve sa ganitong mga paratang, ngayon dahil sa magkasalungat na paniniwala ay ang paratang na parati ay ‘drug protector.’ Napakahirap kapag ganito.

    REPORTER 1: Ma’am, personally, are you losing confidence sa DOJ?

    VP LENI: Oo. Talagang na-erode na iyong trust sa DOJ, kung iyong pattern ng pagdedesisyon ay mas kikilingan pa iyong mas nagkasala kaysa doon sa inosente.

    REPORTER 2: With the secretary also, Madam?

    VP LENI: Siyempre siya iyong namumuno ng DOJ.

    REPORTER 3: Ma’am, sabi ni Justice Secretary Aguirre, hindi daw niya alam iyong nagiging desisyon. Iyong latest na desisyon daw, blindsided daw si Secretary Aguirre.

    VP LENI: Pero ‘di ba dapat walang lumalabas sa ahensya na hindi niya alam? Siya iyong pinuno, siya iyong pinuno ng ahensya. Responsibilidad niya iyong lahat na nangyayari sa kaniyang ahensya.

    REPORTER 4: Ma’am, what is your comment on the divorce bill?

    VP LENI: Ito, approved na on 3rd reading sa House of Representatives, pero hinihingi ko pa iyong kopya kung ano iyong draft na na-approve. Unang una kasi, titingnan natin hindi ba nito nababalga iyong mga constitutional provision protecting the sanctity of marriage. Pangalawa, matagal akong naging abugado para sa mga babaeng inaabuso. May kakulangan talaga iyong existing natin na mga batas. Iyong existing natin na mga batas, parang hindi siya accessible para sa mga mahihirap. Ito iyong gusto kong tingnan sa divorce bill, maliban sa kung nag-comply siya sa constitutional provisions protecting the sanctity of marriage, gusto kong tingnan na iyong remedies na ibinibigay niya ay mas nakakabuti in the sense na kung mayroon mang mga nasa abusive na mga relationships, iyong kaniyang way out ay available kahit sa mga hindi mayayaman. Kasi iyong existing natin na mga batas, gaya noong Article 36 sa Family Code, sa practice nagiging parang ano lang siya, nagagamit lang siya noong mga mayroong pambayad. Iyon iyong gusto nating tingnan. Pero ito, mahaba pa naman itong proseso, mahaba pa naman itong proseso kasi dadaan pa naman ito sa Senado, at iyong ninanais natin ay sana sa Senado magkaroon din ng masusing debate para nabibigyan ng pagkakataon iyong taumbayan na makita iyong iba’t ibang sides ng issue.

    REPORTER 4: Ma’am, sa tingin niyo ba matutuloy iyong barangay elections this coming May?

    VP LENI: Ako, tingin ko tuloy na tuloy na iyon, kasi unang una, naka-recess na, naka-recess na iyong both Senate and the House of Representatives. While naipasa ito sa House of Representatives, walang concurrent bill sa Senate. Alam naman natin na walang bill na maipapasa na walang partner bill sa Senate. Kaya ano na ito, tuloy na tuloy na ito. In fact, I think iyong ating mga barangay officials at mga kakandidato ay alam na’ng tuloy na, kasi nasa mood na ngayon na nagpe-prepare na iyong lahat para sa barangay elections.

    REPORTER 5: Speaking of election, how do you feel, Ma’am, na sa April 2 magsisimula na iyong manual recount sa election protest ni former senator Marcos?

    VP LENI: Ito, relief ito para sa amin. Matagal na naming hinihintay na magsimula na iyong recount, kasi ang pakiramdam nga namin, nagkakaroon lang ng pagkakataon na gamitin iyong isyung ito para i-muddle kung ano iyong katotohanan. Pero hindi ko puwedeng i-discuss iyong merits ng kaso kasi mayroon kaming gag order galing sa Supreme Court. Pero itong recount, matagal na nating inaasam na mag-umpisa na.

    REPORTER 1: Ma’am, ang ingay na ng PDP-Laban sa kanilang possible senatorial lineup po. May mga tampuhan pa nga among the senators. We haven’t heard from LP pa po so far.

    VP LENI: Iyong reality kasi talaga, iyong partido marami na iyong nag-alisan. Talagang ang natira na lang sa partido ngayon, iyong desididong maging miyembro ng partido— iyong nasa partido dahil iyong paniniwala, pareho ng paniniwala ng partido. Iyong sa akin, tingin ko magandang pagsisimulan ito, lalo na sa pagpili ng senatorial candidates, kasi iyong pagpipilian mo iyong siguradong nag-e-embody ng ideals ng partido.

    REPORTER 1: Parang sinasabi ni Senator Bam Aquino, dapat mayroong genuine opposition senators po?

    VP LENI: Sa kahit anong demokrasya, kailangan ng genuine opposition, kahit gaano pang kapopular iyong presidente. Kasi mahalaga iyong genuine opposition para maging buo iyong tenents ng demokrasya. Hindi puwedeng may demokrasya na lahat sang-ayon sa namumuno.

    REPORTER 2: Will you field a full slate, Ma’am?

    VP LENI: Iyon iyong hindi natin sigurado. Iyon iyong hindi natin sigurado kasi kaunti na lang iyong natira sa LP ngayon.

    REPORTER 1: Pero may mga nililigawan po ba sila?

    VP LENI: Mayroong mga pangalan na sina-suggest, pero kailangan kasing i-vet ito. Iyong pagdedesisyon, pagdedesisyunan ng board—hindi puwedeng ako lang. Iyong pangulo ngayon ng Liberal Party si Senator Kiko Pangilinan; siya iyong mamumuno sa pagbuo ng board, pagkumpuni sa mga miyembro ng board, para desisyunan kung sino iyong kakandidato under the slate and sino iyong hindi.

    REPORTER 3: So ano po iyong mga qualifications na hinahanap niyo, Ma’am?

    VP LENI: Iyong una, iyong talagang kuwalipikadong maging senador. Iyong magiging magandang addition sa Senado. Pangalawa, iyong ine-embody niya talaga iyong ideals ng partido.

    REPORTER 1: Dapat din po ba ay anti-federalism?

    VP LENI: Hindi nangangahulugan na anti-federalism, kasi iyong partido naman namin, wala pang stand sa federalism. Iyong hinihingi lang ng partido namin ngayon, magkaroon ng masusing diskusyon tungkol sa federalism, maintindihan ng tao kung ano iyong gustong sabihin ng federalism. Kasi as of now, wala pa namang inihahain na anong version ba ng federalism ang pagbobotohan natin. So tayo, bukas tayo. Inaasahan natin na iyong mga miyembro ng Liberal Party ay ganoon din—bukas makinig.

    REPORTERS: Thank you, Ma’am!

    VP LENI: Salamat.

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Mar 27, 2018