This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with Vice President Leni Robredo at the Launch of Rock Solid

    Launch of Rock Solid: How the Philippines Won Its Maritime Case Against China

    Ateneo de Manila University

    REPORTER 1: Hi, Ma’am. We’d like to ask your reaction: You were there inside the House of Representative’s plenary [hall] when the “power grab” took place. What was your reaction then at that moment, and in general?

    VP LENI: Iyong una kasi, parang iyong initial na reaction, you did not want to be part of something na, parang, internal party matter iyong dating sa atin. Pero putting it into context, nangyari siya during the President’s SONA. Parang iyong moment na iyon para kay Pangulo, pinapanood ng buong bansa, excited lahat para pakinggan what the President had to say, tapos iyong attention parang na-grab noong incident. Para sa akin, wrong timing siya. Pangalawa, nakakahiya na pinapakita natin sa lahat na iyong pag-wrestle ng power, parang in full public view. Nagbibigay siya ng impression na ito na ba iyong state ng ating bansa—na iyong mas mahalaga pa iyong power struggle kaysa doon sa attempt na, despite our differences, magkaisa man lang sana tayo para pagtulungan natin iyong mga problemang hinaharap natin.

    Iyong dating kasi noon sa marami, hindi talaga maganda. Hindi maganda na iyong timing niya, at a time na moment sana iyon noong Presidente. Kahit tingnan natin sa mga headlines ngayon, iyong attention nandoon, hindi doon sa mas mahalaga na pakinggan ano ba iyong nagawa ng Presidente, papunta ba tayo saan. Parang nawala iyong concentration, nawala iyong focus ng lahat, dahil doon.

    REPORTER 1: Madam Vice President, will you recognize the House Speaker Gloria Macapagal Arroyo? That is to say will you recognize iyong nangyaring session even last night? Congress is saying siya na ngayon ang House Speaker.

    VP LENI: Iyong sa akin kasi, it is a matter that has to be settled by the members of the House of Representatives. Labas naman tayo doon. Ako nga, iyong mga kapartido namin na nakita ko kahapon—kanina—pinasalamatan ko na they decided not to take part in iyong what apparently was a… parang was an internal struggle among the members of the administration party. So ano naman, labas naman ako sa mga pangyayari sa House of Representatives.

    REPORTER 2: Ma’am, do you think… is it good or bad that CGMA is the one taking over the House leadership po, considering na we know her eagerness to, you know, as PM? As Prime Minister, Ma’am—may rumors po na nagsi-circulate?

    VP LENI: Iyon kasi, parang it’s too early to tell, ‘di ba. Parang ngayon pa lang naman na araw iyong first day na manunungkulan. Kailangan tayong— Tayong mga mamamayan kailangan parating nagbabantay. Iyan naman iyong obligasyon ng bawat isa—na para kami na nasa pamahalaan, hindi nag-aabuso sa aming panunungkulan at ginagawa iyong aming trabaho, dapat parating binabantayan. Para kapag nagkakamali, pinapaalala.

    REPORTER 3: Ma’am, your reaction po sa State of the Nation Address ni Pangulong Duterte? Mayroon po ba kayong part na nakulangan, or mayroon din po kayong part na nag-agree doon sa mga sinabi po niya?

    VP LENI: Iyong bahagi na sinasabi niya iyong mga panukalang batas na sinusuportahan niya at tinutulak, masaya tayo doon. Halimbawa iyong National Land Use, iyong Coco Levy Fund. Marami siyang—iyong Security of Tenure. Marami siyang mga panukalang batas na sa matagal na panahon, parang iyon na iyong adbokasiya natin. Wala pa ako sa pamahalaan, noong miyembro ako ng 16th Congress, tinutulak na natin iyong mga panukalang batas na iyon, at umaasa tayo na makakatulong iyong pagtulak ng Pangulo. Siyempre kung tayo ang tatanungin, sana pagpasok ng 2016, parang binigyan na iyon ng atensyon. Pero hindi pa naman huli; ngayon masaya tayo na finally nabigyan siya ng atensyon, at pinagdadasal natin na iyong Kongreso, papahalagahan iyong pakiusap ng ating Pangulo.

    Pero nakulangan. May mga bahagi na hindi tayo sang-ayon. Halimbawa iyong sinabi niya na “kung kayo pinaglalaban niyo iyong human rights, ako iyong pinaglalaban ko iyong human life.” Hindi tayo sang-ayon doon kasi ‘di ba iyong karapatang mabuhay, iyon iyong pinaka-pangunahing karapatang pantao. Hindi naman iyon magkasalungat, hindi naman iyon magka-kumpitensya. Para sabihin na pinapahalagahan iyong human life pero iyong human rights hindi, mali yata iyon. Pangalawa, alam natin na sa kaniyang anti-drug war, napakarami nang namatay. So parang mahirap sabihin na pinapahalagahan iyong buhay ng tao, na marami na ngang buhay iyong namatay dahil lang sa anti-drug war. So doon hindi ako doon sang-ayon.

    Nakulangan tayo sa maraming bahagi kasi inaasahan sana natin, una, parang report, ano ba iyong status ng mga bagay na ito? Halimbawa iyong inflation, parang iyong discussion sa inflation, to a large part nag-concentrate lang sa mga rice cartels, pero walang discussion masyado kung ano pa ba iyong ibang factors na nag-contribute sa inflation: Bakit tumaas nang ganito kataas iyong presyo ng bigas, maliban sa pagkakaroon ng mga cartel? Ano ba iyong ibang plano ng pamahalaan maliban sa pagbuwag ng mga cartel? Hinintay natin iyon.

    Hinihintay sana natin iyong status ng rehabilitation ng Marawi. Maraming nag-aabang doon; hindi siya diniscuss. Hinihintay natin iyong mga plano sa susunod na… sa mga hakbang na gagawin ng pamahalaan. Halimbawa, sinasabi niya na iyong TRAIN Law, kahit marami iyong oposisyon, tuloy-tuloy itong… tuloy-tuloy itong isusulong. Tayo, alam natin na ito ay contributory sa inflation na nangyayari. Alam natin na napakalaking target pa ng bibigyan ng Unconditional Cash Transfer, hanggang ngayon hindi pa din nabibigay, pero iyong hindi pa nabibigyan ay nag-suffer na ng effects ng TRAIN Law—mula pa noong first half of the year, pero hanggang ngayon, nasa second half na tayo, wala pa ding natatanggap. Iyong Pantawid Pasada program, hindi pa din naro-roll out, kahit pinagdadaanan na iyong lahat na problema brought about by the high fuel prices. Napakarami pang iba.

    So iyong sa akin, iyon sana iyong hinihintay natin: ano ba iyong status ng mga bagay na ito, ano ba iyong ginagawa ng pamahalaan? Halimbawa, iyong West Philippine Sea, sinasabing ipapaglaban, pero hindi natin alam kung paano, paano ipapakipaglaban iyong sovereignty natin. Hindi niya iyon na-discuss. So iyong mga detalyeng ganoon, iyong expectations sana natin, dahil alam na, ‘di ba, iyon iyong… iyon iyong hinihintay ng tao, sana nabigyan ng mas mahabang detalye.

    Kaya iyon, may mga bahagi na masaya tayo. Gaya nga noong sabi ko, iyong mga panukalang batas na isinusulong, masaya tayo doon, kasi iyon naman talaga iyong ina-advocate natin from the very start. Pero ito lang nga, iyong kulang doon, iyong hinihintay natin na hindi naisabi, doon tayo nakulangan.

    REPORTER 1: Sorry, follow-up… Follow-up lang sa West Philippine Sea issue, Ma’am: The President is citing multilateral, bilateral talks. The Chinese Ambassador is saying, quoting the President, that we have made “tangible, positive progress,” working with the ASEAN and China. Do you agree with that assessment, that we’ve had “tangible, positive progress,” with respect to the West Philippine Sea issue?

    VP LENI: Iyong sa atin kasi, iyong West Philippine Sea issue, kahit anong assurance na ibigay sa atin na may ginagawa, kailangang makita natin. Hanggang wala tayong nakikitang ebidensyang ginagawa, hindi tayo nakukuntento. Kapag sinabing nagpoprotesta naman tayo, kailangang makumbinsi tayo na talagang nagpoprotesta tayo. Ilang beses nang… ilang beses na iyong mga eksperto nagsasabi sa atin na walang papapuntahan iyong bilateral talks with China dahil sa experience natin in the past. Iyong nakaraang administrasyon, maraming sinubok na bilateral talks, pero hindi ito nagwagi, kaya nga nila finile iyong kaso sa Arbitral Tribunal. Ito, iyong inaasahan sana natin na pahalagahan iyong desisyon ng Tribunal, at iyon iyong gawa na springboard para mas mahikayat natin iyong ibang bansa na makipag-ugnayan at makipagtulungan sa atin, para mas malakas iyong boses. Iyon naman iyong ating isinusulong, itinutulak, pero hanggang hindi tayo nakakakita ng concrete steps na ginagawa, hindi tayo nakukuntento.

    REPORTERS: Thank you, Ma’am!

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Jul 24, 2018