This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with Vice President Leni Robredo at the Laylayan Koalisyon – Camarines Norte Launch

    Laylayan Koalisyon – Camarines Norte launch

    Daet, Camarines Norte

    REPORTER 1: Madam Vice President, sa pagbisita po ni Chinese President Xi Jinping noong nakaraang araw, mayroon pong halos 30 na kasunduan na pinirmahan, at may panawagan po iyong marami na i-disclose sa publiko iyong sinasabing joint gas and oil exploration. Ano po iyong take niyo doon, Ma’am?

    VP LENI: Ako, iyon iyong kahilingan natin—na maging transparent iyong gobyerno sa details ng kasunduan. Ano iyon, obligasyon nila na ipaalam sa atin kung ano iyong detalye ng kasunduan, lalong lalo na kasi iyong mga resources natin iyong at stake. Maraming mga limitasyon na binibigay ng Konstitusyon dito; kinakailangang siguraduhin natin na iyong interes ng sambayanan iyong pinaka-konsiderasyon, hindi iyong interes ng China. Kaya iyong sa atin, iyong hinihingi natin, maging transparent sa lahat—hindi lang doon sa MOU patungkol sa gas and oil exploration, pero sa lahat na kasunduan na pinasukan, kailangang ipahayag sa atin kung ano iyong benepisyong makukuha natin bilang mga mamamayan, ano iyong obligasyon natin doon sa kasunduan na iyon.

    REPORTER 1: Iyong doon naman, Ma’am, sa kasunduan ng gobyerno sa Papua New Guinea na magpadala po tayo ng mga magsasaka doon para mag-train, Ma’am, ano hong take niyo doon?

    VP LENI: Ako kasi, mahirap mag-komento at this point, kasi hindi natin alam iyong detalye. Kaya hindi nga tayo tumutuligsa, hindi tayo—ayaw nating magpahayag nang hindi natin alam iyong detalye. Iyong atin lang hinihingi, iyong sanang lahat na detalye ng kasunduan, ipaalam sa atin, para maka-respond tayo accordingly.

    REPORTER 2: Madam, si Mayor Sarion, nagkaroon po ng statement kanina: isa po kayo sa inspirasyon niya, at may mga hinaharap po siyang problema sa ngayon. Nagkaroon ng resulta po iyong Comelec, na sa partido, naging independent po iyong group nila dito sa Daet. Ano pong nangyari kaya, nag-appeal sila sa Comelec at nagkaproblema din po doon?

    VP LENI: Iyong sa akin kasi, hindi ako pamilyar sa lahat na detalye sa kaso, kaya ayaw kong magkomento. Pero baka kaya niya nasabi iyong inspirasyon kasi kung babalikan natin iyong kuwento ng asawa ko, bawat eleksyon may inihahain na mga kaso laban sa kaniya. Ako din: pagkapanalo ko sa eleksyon, mayroon ding—hindi lang dito sa pagka-Pangalawang Pangulo, pero pati iyong pagkapanalo ko sa eleksyon noon sa Congress, mayroon doong inihain na kaso. Iyon din kasi iyong problema sa pulitika natin, ‘di ba, parating sinasabi na walang pagtanggap ng pagkatalo. Walang pagtanggap sa kung ano iyong mga katotohanan na kailangang harapin, at idinadaan sa pagkakaso. Kung mayroong basehan, bakit hindi. Pero iyong kinokontra natin, iyong pagkakaso nang walang basehan, na ang pinaka, parang, objective lang, makagulo sa pagkandidato. Iyon iyong ayaw natin.

    OVP: Okay? Thank you—

    REPORTER 1: Madam Vice President, habol na lang po. Iyong sitwasyon po namin dito sa Paracale, Camarines Norte, mula po noong ipasara diyan iyong small-scale miners ay grabe talaga iyong paghihirap ngayon ng mga kababayan ho namin diyan. Ma’am, ano pong maitutulong ng Office of the Vice President?

    VP LENI: Marami kaming programa ngayon. Mayroon kaming anti-poverty program na tinatawag na Angat Buhay. At iyong Laylayan Koalisyon, makakatulong ito, kasi ang Laylayan Koalisyon, dapat siya iyong platform na nalalaman natin kung ano iyong mga pangangailangan ng mga communities, at pinipili natin iyong mga communities na pinakamarami talagang mahihirap na mga kababayan natin.

    Iyon din iyong hirap ng pagpapatupad ng mga polisiya, parating kailangang binabalanse iyong pagbuhay ng mga tao. Pagpunta ko sa Aklan, ito din iyong humarap sa amin—na maraming natutuwa na na-enforce na natin iyong environmental laws natin sa pag-aayos ng Boracay, pero maraming nasagasaan na hanapbuhay. Kaya obligasyon ng pamahalaan na sa pagpatupad ng mga polisiyang gustong ipatupad, siguraduhin na hindi lalong maghihirap iyong ating mga kababayan. Pareho din dito sa Paracale, pinasara iyong small-scale [mining] kasi bawal iyon sa batas, pero dapat obligasyon ng pamahalaan na hanapan kung anong alternative means of livelihood ang puwedeng maitulong sa kanila. So ito, hopefully, itong Laylayan Koalisyon, magkakaroon na ng boses iyong maliliit na dati hindi nabibigyan ng boses, para maipahayag kung ano iyong kaniyang pangangailangan, at ano iyong tulong na puwedeng ibigay sa kaniya ng pamahalaan.

    REPORTER 1: Ma’am, huli na lang po sa akin: ano po iyong status ngayon ng election protest laban sa inyo ni Ginoong Marcos?

    VP LENI: Nasa Korte Suprema pa din iyon. Ayan, kasama ko si Atty. Romy Mac; siya iyong makakasagot ng detalye dito. Pero iyong sa amin kasi—makakasabi din si Atty. Romy Mac—mula sa umpisa, alam naman namin na walang basehan ito. Talagang isang kaso siya na ayaw lang tanggapin iyong pagkatalo sa eleksyon. Kami, iyong aming dasal, na sana soonest possible time matapos na ito, dahil kapag natapos ito, mapapakita natin kung ano iyong katotohanan. Hanggang kasi hindi ito natatapos, nagiging avenue siya para magbato nang magbato ng mga kasinungalingan at mga paratang na walang katotohanan. Kaya iyong sa atin, iyong pinaka-hinihingi sana natin, kung ano iyong makakapagpabilis para matapos na iyong kaso, para makita na ng taumbayan kung sinong nagsasabi ng totoo.

    REPORTERS: Thank you, Ma’am!

    VP LENI: Salamat!

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Nov 22, 2018