This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with Vice President Leni Robredo in Legazpi City, Albay

    Sangguniang Barangay Legislative Empowerment Training

    Legazpi City, Albay

    OVP: First question po kay Ms. Karen.

    REPORTER 1: Ma’am, significance nitong Legislative Empowerment Training. Gaano kaimportante po?

    VP LENI: Importanteng maray na constantly—

    REPORTER 1: Tagalog po.

    VP LENI: Ah, Tagalog… Napakahalaga na constantly nag-aaral iyong ating mga officials, para ina-update iyong sarili nila hindi lang sa makabagong mga batas, mga kaalamang dumadating, pero ma-enforce iyong dating kaalaman. Ito kasing kaalaman na ito, ito iyong magagamit nila sa kanilang pag-govern. Nakakadagdag din sa confidence ng local official kapag nag-aaral talaga siya. Ang magbe-benefit naman dito, hindi lang siya pero iyong kaniyang constituents. Kaya nga inulit ko iyong parating sinasabi ng asawa ko na dapat iyong public official, both matino at mahusay para pagkatiwalaan siya ng taumbayan.

    Tingin ko ito iyong pagse-set ng bar ng competence ng mga local officials. Hindi siya dapat nare-regard na basta popular ka, puwede ka na. Hindi iyon ganoon. Pero kapag in-offer mo iyong sarili mong magsilbi, obligasyon mong pahusayin iyong sarili mo.

    REPORTER 1: Ma’am, iyong status ng Barangay Reform Bill? Bakit hindi pa po napapasa?

    VP LENI: Ito, hindi pa siya nakakalabas sa committee until now. Noong 16th Congress, hindi din siya napag-usapan sa plenary. Mayroon kasi itong—medyo contentious siya, in the sense na ano din, magpo-pondo kasi. Mayroon itong appropriation aspect na kailangang pondohan ng national government. Pero sa akin kasi, kahit kailangan siyang pondohan ng national government, hindi ito dapat tinitingnan na expense, pero dapat tinitingnan ito na investment. Sa akin, kung iyong pera ginagastos sa isang bagay na iyong returns mas marami sa ginastos mo, kailangan iyong gawin. Iyong contention dito iyong pagtingin. Kahit noong 16th Congress, kahit ngayon, mayroong mga officials iyong pamahalaan na tinitingnan na gastos na naman. Pero ako, ayaw ko siyang tingnan na ganoon, kasi ganoon nga—totoong gagastos ka, pero hindi ito expense na mapupunta sa hangin. Ito iyong gumagastos ka kasi nag-i-invest ka. Parang healthcare rin ito, na hindi naglalaan ng napakaraming pondo kasi parating tinitingnan na gastos; pero dapat parati siyang tinitingnan na investment. Kapag magpalit siguro iyong mindset, mas madali na maipasa. Ito iyong mindset na hindi bale nang gumastos, basta napupunta sa tama. Iyong pinakamasamang gastos iyong napupunta sa corruption. Ito iyong walang benefit iyong taumbayan. Pero iyong ganito—ang benefit talaga nito, grassroots, kasi iyong gastos mo para humusay pang lalo iyong mga nasa baba.

    REPORTER 1: So parang malabo pa, Vice?

    VP LENI: Hindi ko masabi kasi hindi na ako bahagi ng 17th Congress, although from time to time fina-follow up natin. Isa sa mga bumuhay ulit ng panukalang batas, iyong pumalit sa akin sa 3rd district of Camarines Sur, si Rep. Gabriel Bordado, at iyong huli niya sa akin na update, nasa committee level pa din. Hindi siya priority legislation. Siyempre ninanais natin na sana maging priority legislation siya ng pamahalaan. Parati naman natin iyon na wish, na sana bigyan ng kaukulang pansin iyong pagpapahusay, hindi lang ng barangay pero lahat na local government officials, kasi iyong pag-raise nga ng bar ng expectations saka ng competence, tingin ko mahalaga. Iyong isa kasing napansin natin, hindi very conscious—hindi lang iyong barangay pero iyong buong munisipyo—sa pag-asikaso ng baselines. Hindi conscious sa pag-institute ng… ano ito… metrics. Hindi tuloy nasusukat kung napupunta sa tama iyong ginagastos. So ito sana iyong mga gusto nating matutunan nila—na hindi gagastos hanggang hindi kayang sukatin kung napupunta sa tama iyong ginastos. Patuloy… patuloy na ikakampanya natin na mabigyan ito ng kaukulang pansin. Pero until hindi pa, iyong mga ganito, magagandang advocacy activities, kasi na-a-achieve mo din kahit paano. Pero mas mabuti sana kung institutionalized.

    OVP: Next po, si Sir Mar.

    REPORTER 2: Mar Arguelles from Inquirer. Madam, mayroon akong dalawang issues. First: any updates on Typhoon Ompong? Anong mga plano niyo, especially sa regions ng Cagayan?

    VP LENI: Iyong opisina namin, mayroon talaga kaming nilalaan na pondo para sa relief and rehabilitation efforts, and bawat sakuna—hindi lang bagyo, pero pati lindol, sunog—talagang may presence iyong opisina namin. Halimbawa ngayon, mayroon kaming na-form na team na iyong tinitingnan itong Cagayan, Isabela, Batanes, Mountain Province—iyong lahat na nasa north. In fact noong isang araw pa… noong isang araw pa, nakausap, nakipag-coordinate na tayo sa mga officials doon, para ma-preposition na iyong relief goods na kinakailangan. Iyong gusto natin kasi, bago pa tumama, handa na.

    REPORTER 2: How much iyong relief?

    VP LENI: Hindi ko, sir… hindi ko alam kung how much. Pero ito, not much, kasi wala naman kaming… parang ito, iyong pondong ito, wala naman talagang line item ito sa budget; parang inaano lang siya… naglalaan lang talaga para kahit paano makatulong.

    Relieved naman tayo na kahapon, nagkaroon ng coordination meeting na si Presidente nag-preside. Tingin natin mahalaga iyon para naka-align iyong lahat na agencies, kasi hindi natin iyan nakita in the past calamities. Iyong mga nakaraang calamities, including Marawi, parang kaniya-kaniya iyong mga agencies na gumalaw—

    REPORTER 2: Dapat ba talagang pumunta doon mga Cabinet secretaries to supervise the operation, if ever mag-hit na ang Ompong?

    VP LENI: Para sa akin, hindi siya indispensable pero makakatulong. Makakatulong kasi na iyong Cabinet secretaries mismo iyong nandoon, nasisiguro na gumagalaw talaga iyong ahensiya. Kung matatandaan natin, noong Yolanda, noong Bohol Earthquake, noong Zamboanga Siege, ganoon din iyong ginagawa ni Pangulong Aquino dati—na iyong kaniyang key Cabinet members, nandoon talaga sa ground zero to make sure na mayroong senior official na nagdi-direct ng operations. Tingin ko malaking tulong.

    REPORTER 2: Ma’am, iyong issue about… your thoughts on… kasi nagbigay ng pronouncement si Joma Sison na iyong Duterte administration, naano na iyong tipping point. Meaning na the President could not solve iyong financially, politically, and other issues na dapat niyang sagutin—more on politics ang ano niya. Then na-mention niya po doon na sa succession, if ever mangyari iyong mawala o ma-overcome si President Duterte, ikaw ang pinaka-constitutional successor. Your thoughts on this?

    VP LENI: Mahirap mag-comment doon sa kaniyang statement kasi hindi ko naman nabasa, hindi ko narinig. Pero iyong pagsabi niya na ako iyong constitutional successor, alam naman natin iyon, kasi iyon talaga, by law, by the Constitution, if something happens to the President, the Vice President takes over.

    Pero iyong sa atin kasi, imbes na pag-usapan iyong magte-take over o kung ano pa man, hindi siya nakakatulong. Iyong pinakamabuti sana, i-focus iyong lahat na efforts sa kung ano iyong pinaka-problema ng bayan natin. Iyong pinaka-problema ng bayan natin ngayon iyong kagutuman, iyong taas ng presyo, na iyon sana iyong ninanais natin na bigyan ng kaukulang pansin ng ating Pangulo. Na imbes na pinag-uusapan iyong away nila ni Senator Trillanes, tingin natin hindi siya nakakatulong. Iyong pakiramdam natin, at a time na maraming paghihirap na pinagdaraanan iyong ating mga kababayan, lalo na iyong mga mahihirap, iyon sana iyong bigyan ng pansin. Ipahiwatig sana sa mga kababayan natin na he is on top of the situation, kasi iyon naman iyong assurance na hinihintay nating lahat, ‘di ba? Na alam natin na iyong Pangulo, siya iyong magse-set ng direksyon para iyong mga government agencies aligned iyong lahat na efforts.

    Iyong criticism kasi natin nitong mga nakaraang buwan, hindi iyon nakita. Hindi natin nakita na iyong Pangulo on top of the situation, ina-align niya iyong efforts, kasi iba-iba iyong statements ng mga head ng agencies—iba iyong statement ng NFA admin, iba iyong statement ng NFA Council, iba iyong statement ng BSP, iba iyong statement ng DOF. Iyong sa atin lang, hindi dapat ganito. Obligasyon natin na ipahiwatig sa mga kababayan natin na alam natin iyong ginagawa natin, kasi kung iba-iba iyong statements na sinasabi—halimbawa, may crisis sa supply, may kakulangan ng supply; iyong isa sasabihin wala, pero gustong i-legalize iyong smuggling kahit walang problema sa supply. ‘Di ba? Sasabihin na mayroong hoarding; iyong isa naman sasabihin walang proof of hoarding. Ano siya, lalo siyang nakaka-create ng confusion. Lalong nako-confuse iyong tao, lalong natatakot. Lalong natatakot, lalong nada-drive iyong presyo ng mga bilihin.

    REPORTERS: Thank you, Ma’am!

    REPORTER 3: Ma’am, sa Rappler, Ma’am. May tanong po.

    VP LENI: Puwedeng habang naglalakad? Maghahabol daw siya habang naglalakad…

    REPORTER 3: Ma’am, how do you assess, Ma’am, itong action ni President Duterte to counter the inflation, and to help the Filipino people to counter the impact of inflation?

    VP LENI: Parang wala pa naman kasi. Iyong pinakahuling statement ay magsa-submit ng recommendations iyong economic managers at itong recommendations na ito, ito iyong magiging basis ng executive order. Iyong pakiramdam lang natin, dapat ginawa ito early on. Ang tagal na hinayaan na magtagal iyong crisis; ngayon pa lang mag-uusap. Gaya noong Tuesday, doon pa lang, noong nag-Cabinet meeting, doon pa lang napagdesisyunan iyong pag-submit ng recommendations para maging basis ng EO. Para sa atin, sobrang late na ito, pero kinakailangan pa din. Kaya kung mag-i-issue ng policy tungkol sa pag-combat ng inflation, the sooner na maglabas nito, the better for all of us.

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Sep 13, 2018