This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with Vice President Leni Robredo at the Metro Laylayan visit in Pasay City

    Office of the Vice President

    September 6, 2017

    Barangay 181, Maricaban, Pasay City

    Q: Ma’am, ano po iyong napag-usapan niyo ng Quirao family, at ano po iyong ihahandog ng Angat Buhay program sa kanila?

    VP LENI: Iyong Quirao family kasi, dati na natin silang tinitingnan. Gusto sana namin silang i-feature sa Istorya ng Pag-asa, dahil iyong kuwento ng tiyahin at noong parang in-adopt niya… Si Gerly kasi parang adopted na anak. Napaka-inspiring.

    Si Gerly, galing sa mahirap na pamilya. Labintatlo silang magkakapatid, pero siya kinuha siya ng tiyahin na walang asawa, pinag-aral, at ngayon teacher na si Gerly.

    I-feature sana namin sila, iyong mag-tiya, kaya lang last week namatay iyong tiyahin. Namatay iyong tiyahin, kaya nakita natin na siguro maliban sa pag-feature pa din kahit patay na iyong tiya, gusto naming tulungan na… Mag-isa na lang kasi si Gerly, pero iyong tiyahin niya, may mga tinutulungan pang pamangkin na mag-aral. Gusto namin buhayin ulit iyong tindahan ng lola, so bibigyan namin siya ng pang-umpisa ulit, dahil naubos iyong tinda noong nagkasakit iyong tiyahin, iyong si Ligaya.

    So ngayon ang gagawin namin, bibigyan namin sila ng kapital para makapag-umpisa ulit, at maituloy naman ni Gerly iyong dating kawang-gawa na ginagawa ni Ligaya.

    Q: Magkano po iyong iaabot niyo sa kanila?

    VP LENI: Ang alam ko, 10,000.

    Q: Ma’am, ang partner niyo po dito, DAMPI ulit?

    VP LENI: Iyong DAMPI, nagbigay sila ng food, grocery items, para makapag-umpisa lang. Kasi iyong kuwento nila, naubos talaga sila kasi more than two months na na-ospital— Almost two months pala na-ospital si Ligaya. Hanggang ngayon… parang inabot ng milyon iyong hospital bills. Hanggang ngayon, nagbabayad pa rin sila sa ospital.

    So ngayon, iyong tulong talaga galing sa partners. Parang pinag-ipon-ipon na galing sa partners. Iyong opisina namin, mayroon naman kaming assistance sa medical. Pagtutulung-tulungan. Pero iyong pinaka-priority talaga, makapag-umpisa ulit na makapaninda.

    Q: Ma’am, ano po ang pagkakaiba ng Angat Buhay at Metro Laylayan?

    VP LENI: Pareho lang. Iyong Metro Laylayan, bahagi siya ng Angat Buhay. Pero iyong Angat Buhay kasi, ang ginawa namin, parang nag-adopt kami ng—nag-umpisa siya, 50 lang—50 of the poorest municipalities all over the country. Pero naisip namin na dito sa Manila, kahit sabihin natin Pasay, mayaman iyong Pasay, mayroon siyang mga communities na madami ding mahihirap. So sinasabi namin kahit mayaman na iyong lungsod, once a month magbibisita pa din kami ng poor communities. Ito tawag namin Metro Laylayan, kasi sa Metro Manila. Bale, kung hindi ako nagkakamali, pang-lima na namin itong Metro Laylayan site, at patuloy pa din nating gagawin.

    Q: Ma’am, what are your thoughts doon sa election case, regarding your election case? Your thoughts? Atty. Mac[alintal] is looking forward to an early dismissal of the election case?

    VP LENI: Siyempre, masayang masaya kami, kasi parang marami na kasing… marami nang kinukuwento na hindi naman totoo. Iyong pag-dismiss noong first cause of action, parang kinonfirm lang iyong matagal na naming sinasabi. Ano iyong matagal na naming sinasabi? Na una, talagang malinis iyong naging eleksyon. Hindi lang kami ang nagsabi noon, pero lahat ng election watchdogs, sinabi na malinis, so hindi totoo na massive iyong cheating. Hindi totoo na malawakan iyong pandaraya na nangyari noong eleksyon.

    Kung ating naaalala, nagkaroon ng preliminary conference noong nakaraang buwan. Tinanong na nito si Ginoong Marcos kung desidido talagang isulong ito, iyong first cause of action. Sabi niya, oo.

    Kaya natutuwa tayo na idinismiss na, kasi finally parang pinut to rest na niya iyong mga questions tungkol sa validity noong nakaraang eleksyon.

    Q: Ma’am, iyong reaction niyo lang doon sa sinabi ni President Duterte na immunity in exchange of Marcos wealth?

    VP LENI: Iyong sa akin kasi, bago pag-usapan iyong immunity, dapat may pag-amin muna ng kasalanan. Mahirap magpatawad sa isang tao na hindi naman inaamin iyong kasalanan.

    Tingin ko, walang healing na mangyayari, wala dapat immunity na mangyayari hanggang hindi pa inaamin iyong kasalanan. Kasi gustong sabihin, gusto lang makalusot sa legal repercussions, pero wala namang pag-amin noong pagkakasala.

    Kailangan nating intindihin na napakalaki noong ninakaw sa taumbayan, na bago pa man pag-usapan iyong forgiveness, iyong pagpapatawad, kailangang aminin muna na talagang nagkasala sa taumbayan.

    Q: Mas practical po ba iyon for the government to give immunity tapos may pag-amin na ibalik lahat?

    VP LENI: Iyong sa akin kasi, matagal na pinahirapan ng mga Marcos iyong taumbayan sa pagpursigi ng mga kaso laban sa kanila. Hindi naman madali— Hindi madaling magkaso. Kung magbabalik-tanaw tayo, 31 years na mula na nagsampa ng mga kaso, pero halos kalahati pa lang iyong nababawi ng pamahalaan at naibabalik sa taumbayan. Mayroon pang kalahating hindi naibabalik.

    So kung may offer na ibabalik, tingin ko mafa-fast track niya. Kahit na nga super delayed na, tingin ko mafa-fast track niya. Pero huwag humingi ng immunity na walang pag-amin, kasi tingin ko vital iyon.

    Q: Ma’am, ngayon sinasabi po ni President Duterte saka ni Chief Bato na wala naman daw pong policy to kill drug suspects ang government. This is their claim now. Do you believe that assertion?

    VP LENI: Tingin ko kasi, kaya parating maraming tanong dahil mayroon nang mga dating tanong na hindi pa nasasagot. Ano iyong mga hindi pa nasasagot? Unang una, bakit libo-libo na iyong namatay sa kamay ng mga kapulisan, na dapat sana sila iyong nangangalaga ng ating kaligtasan? Pero bakit sa kamay nila, libo-libo na iyong namatay?

    Pangalawa, marami nang akusasyon na kaya ganito iyong nangyayari dahil binibigyan ng quota iyong pulis, mayroong incentive na ibinibigay para may namamatay. Tingin ko kailangang i-address iyong tanong na ito, kasi hanggang hindi siya sinasagot, parating nandoon iyong tanong sa likod ng isip ng mga kababayan natin, na kung totoo ba ito o hindi.

    Pangatlo, napakarami na ding mga kaso na until now unsolved pa. Hanggang hindi pa nasosolusyunan ito, hindi maiaalis sa taumbayan na tinatanong kung polisiya ba ito o hindi.

    Tingin ko obligasyon ng kapulisan na ipakita sa tao na hindi nila sanctioned iyong ganitong mga patayan. Kasi kahit anong sabi, kung iba iyong nakikita, siyempre iyong tanong parating nandoon.

    Q: Ma’am, ano po iyong masasabi niyo na kaliwa’t kanan na iyong pag-file ng impeachment cases? You have CJ Sereno, then Andy Bau[tista]. Then you have an IBP statement calling for restraint on filing impeachment.

    VP LENI: Ako kasi, kung titingnan natin iyong Konstitusyon, iyong impeachment, ano ito, eh, last resort. Last resort sa mga… Last resort na remedy sa mga officials na nagkasala at naglabag sa ating Konstitusyon.

    Kung napakadali noong pag-file ng impeachment proceedings, hindi lang kay CJ Sereno, pero kahit noon kay Pangulong Duterte, pati nga sa akin. Ngayon, kay Comelec chair Bautista, may sinasabing si Ombudsman… Parang nalulusaw iyong intensyon ng Konstitusyon na dapat ito ay last resort.

    Naka… Nagdaan na din sa atin iyong ilang impeachment proceedings, at alam natin na masakit ito. Hindi lang masakit para doon sa akusado, pero masakit ito para sa buong bansa, dahil iyong lahat na sangay ng gobyerno ay nahahalughog. Lahat na sangay ng gobyerno, halos humihinto iyong regular na pagtatrabaho, dahil lahat naka-concentrate sa impeachment.

    Kaya sana, kung talagang impeachable offense, i-file kasi bahagi naman talaga ito ng ating democratic process. Pero sana hindi siya ginagamit na panakot. Sana hindi siya ginagamit na… Parang hindi siya madaling gamitin, dahil hindi naman ito iyong intensyon ng ating Konstitusyon.

    Q: Okay, thank you, Ma’am!

    VP LENI: Salamat!

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Sep 05, 2017