This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with Vice President Leni Robredo in Negros Oriental

    Turnover of Classroom Building for Moises Bangay Alanano Elementary School

    Brgy. Mayabon, Zamboanguita, Negros Oriental

    REPORTER 1: Good afternoon, Madam Vice President. I’d like to ask you, aside from here in Zamboanguita, are there other locations here in Negros Oriental you’re about to put up this Angat Buhay project?

    VP LENI: Ngayon po, mayroong mga tinitingnan, pero Zamboanguita pa lang iyong adopted. We are in 176 communities all over the country, pero talaga kasing ang hinahanap iyong—gaya ng sabi ko kanila—mahirap at hindi natutulungan masyado ng gobyerno. So usually ang mga nahahanap natin talaga malalayo. So dito sa entire Negros island, ang presence pa lang talaga namin is Zamboanguita and Hinoba-an in Negros Occidental. Pero mayroong mga ibang mayors in Negros na ini-invite namin to attend the Bridging Leadership course, pero ito kasi parang scanning pa lang—scanning pa lang if talagang nangangailangan ng tulong, if talagang kulang iyong tulong na nare-receive. Kasi ayaw din namin na parang nadu-duplicate; gusto namin, kung ano iyong hindi napo-provide ng gobyerno, doon naman kami papasok. Kahit gobyerno din kami, pero most of the funding for our projects kasi, galing sa aming private partners. What we do is, parang we just act as a bridge between the communities needing help and the organizations wanting to help. Hindi sa amin dumadaan iyong pera; ang ginagawa namin, kapag bumababa kami sa community, nagsasama kami ng partners, like what we did here. The first time I went, mayroon kaming mga in-invite na mga partners and iyon nga, iyong Federation of Filipino Chinese Chamber of Commerce iyong nagbigay, na malaking pasasalamat namin kasi hindi talaga madaling mag-construct sa ganitong kalayo, kasi very costly iyong pagdala ng mga materials and yet willing silang ibigay. Iyong pinaka-main donor nito kaklase ko noong college, si Jeffrey Ng, na in many areas all over the country, talagang marami na siyang naitulong.

    Hindi kami limited sa classrooms. In fact, dito sa Zamboanguita, noong January, may binigyan kaming 21 beneficiaries ng cattle, ng baka—nagbigay kami ng baka as a means of livelihood. Kanina dinaanan ko para kumustahin, para kumustahin iyong mga beneficiaries. Gusto lang natin na parating nasusukat kung ano iyong nangyari doon sa tulong natin, at kung nagagamit ba iyong tulong natin na mapagaan iyong buhay. Kasi iyong pinaka… very careful kami sa opisina na hindi maging patronage iyong pagbigay, in the sense na walang kaakibat na responsibility. Iyong sa amin, parati kong inuulit sa staff namin, na iyong pagbibigay is just a means to attaining an end. Pero iyong pinaka-end doon, kung masasagot mo iyong tanong na: Natulungan ba? Bumuti ba iyong buhay nila dahil sa tulong natin? So kami, iyong pagbisita, hindi one-time; it’s a continuing partnership, kasi gusto talaga naming i-hand hold hanggang mas okay na siya. So I think we will be going back and forth to Zamboanguita, not just this year, pero siguro until the end of my term. And mas dadami pa iyong projects na dadalhin, kasi mas holistic iyong approach natin. Iyong municipal government iyong nag-a-identify ng mga projects; kami lang iyong nag-e-evaluate kung gaano ka-kailangan. So ito, iyong classrooms, si Mayor iyong nag-identify; iyong kabuhayan, si Mayor iyong nag-identify. Vinalidate lang noong team namin.

    REPORTER 1: So you mentioned you are about to put again another project here?

    VP LENI: Depende sa resulta ng planning na ginagawa nina Mayor. Sila kasi iyong mag-a-identify ano pa iyong kailangan na wala pang provision doon iyong gobyerno. So most probably may mga ma-a-identify pang iba—either dagdagan iyong classrooms, either dagdagan iyong recipient ng livestock, or iba naman. Kasi halimbawa sa Hinoba-an, nagbigay din kami ng classrooms, pero iyong isang tinulungan namin na community doon, community ng mga kababaihan, binigyan ng mga sewing machines, binigyan ng capital, para makapag-umpisa ng hanapbuhay na tatanggap sila ng contracting from iyong institutional markets, na all-year-round mayroon silang projects na ginagawa sa pagtatahi. So ayaw namin iyong ite-training mo lang tapos iiwan mo, kasi palagay namin hindi siya enough. So iyong sa amin, hanggang ngayon kahit last 2017 pa, kahit 2017 pa namin na-download iyong tulong sa Hinoba-an, hanggang ngayon periodic pa din iyong ating pagbisita, tinitingnan kung kumusta.

    REPORTER 1: Okay. With regards to Otso Diretso, you’re supporting them?

    VP LENI: Yes! I’m campaigning very hard for them. [laughs]

    REPORTER 1: Why are you supporting them?

    VP LENI: Ako kasi, kapag eleksyon, marami iyong—parang magulo masyado kasi marami iyong lumalapit sa taumbayan, magsasabi na “kami iyong botohan kasi mahal namin iyong mahihirap.” Pero iyong sa akin, iyong pinaka-pakiusap ko lang, na tulungan sana kaming ipakilala, na makilala ng mga tao iyong mga kandidato. Tulungan sana na magkaroon, kahit wala masyadong pera iyong mga kandidato namin, magkaroon ng equal opportunity para mai-ventilate iyong kanilang mga plano. Kasi dapat iyong kampanya sana ganoon. Hindi iyong hindi napapag-usapan iyong kung saan sila tumatayo, hindi napapag-usapan kung ano iyong palagay nila sa mga issues, ano iyong paniniwala. Kasi kapag hindi iyon pinag-usapan, parang walang obligasyon. Parang walang commitment na “kapag nakaupo na kami, ang commitment namin, ipapasa namin iyong mga batas na makakapagaan sa buhay ng mga tao.” Kapag nagkakantahan, nagsasayawan lang iyong mga kandidato, kapag nakaupo na, wala na, eh—walang singilan. Kaya iyong sa akin, sana ma-shift iyong mindset ng mga tao: na unang una, ma-realize na iyong kapangyarihan nasa kamay ng bawat isa sa atin, eh. Iyong pagpipili ng mga nakaupo, hindi naman iyong local officials natin ang pipili. Ang pipili, tayo, kasi tayo din iyong apektado.

    Kaya iyong sa akin nga, natutuwa ako dito sa Negros Oriental, kasi I think you would agree with me na sa buong Pilipinas, iyong NegOr iyong parating maayos bumoto—intelligent ang mga botante, intelligent in the sense na inaalam ang mga isyu, kinikilala ang mga kandidato. And I am hoping na ngayong eleksyon, iyon ulit. Kanina, may kausap akong mga local officials sa Dumaguete. Iyon lang iyong hiningi ko. Totoo na kinakampanya ko iyong walo, pero ako kasi, confident ako na iyong walo namin, mga matitino at mahuhusay na lingkod-bayan. Itong mga taong ito, kapag sinabi nilang “mahal ko iyong mahihirap,” mayroon silang track record na magpapakita na kahit wala pa sila sa pulitika, talagang tumutulong sila. Mabigyan lang sana ng pagkakataon, kasi wala silang pera masyadong pareho ng iba na i-ventilate iyong kanilang mga paniniwala by means of TV ads, by means of tarps—halos wala pa tayong makitang tarps para sa kanila. Pero iyong sa akin, magkaroon lang sana ng, parang, level playing field, na whether mahirap o mayaman iyong kandidato, nagkakaroon ng pagkakataon na makilala ng tao.

    OVP: Ma’am, last question po.

    REPORTER 2: Yes po. Vice President, do you have plans of becoming a president?

    VP LENI: Iyong sa akin, parati ko itong inuulit: iyong presidency, destiny iyon, eh. Tingin ko hindi siya kayang planuhin. Kapag binalikan natin iyong ating kasaysayan—even in the recent past—maraming nangarap, maraming nagtrabaho para maging pangulo, pero pakiramdam ko kapag hindi iyon para sa iyo, talagang kahit anong preparation mo, hindi talaga mapapasaiyo. Iyong sa akin, parang makakasama kasi sa trabaho namin—

    REPORTER 2: But should the opportunity arise, Ma’am, would you serve the Philippines as President?

    VP LENI: Ako, parati namang— Ako, every chance that I could get na makapagsilbi—kahit anong posisyon—gagawin natin iyon. Pero iyong sa akin lang, huwag ngayon na may ginagawa ako, gaya nitong Angat Buhay. Kasi siguro kung pinaghahandaan ko iyong 2022, hindi na ako pupunta ng Zamboanguita, ‘di ba, kasi kaunti iyong botante dito at malayo. Siguro iyong oras ko mas mame-make good use ko kung sa Dumaguete na lang ako umikot, na maraming botante. Hindi ako pupunta sa mga ganito kung ang iniisip ko iyong eleksyon, eh, kasi parang iyong political cost-benefit niya, hindi advantageous for me. So iyong sa akin, mas mabuting hindi ko isipin iyong 2022. Kapag dumating at favorable, bakit hindi? Pero para pagplanuhan, tingin ko kahit anong pagpaplano, hindi kaya.

    REPORTERS: Thank you, Ma’am!

    VP LENI: Salamat sa inyo!

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Feb 27, 2019