This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with Vice President Leni Robredo in Ocampo, CamSur

    Office of the Vice President

    28 September 2017

    Ribbon-cutting of school buildings at Ocampo National High School Ocampo, Camarines Sur

    Q: [re: a demolition in Naga] So paano po ang kaso ini, Ma’am? Nag-HUDCC ka po before, tapos iyong ganitong issue—kasi binigyan daw po iyong may-ari ng one year ng DAR para i-convert iyong land into residential from agricultural. VP LENI: Ako kasi, hindi ako familiar sa kaso, pero as a general rule—sabihin nating natalo sa kaso—bawal pa mag-demolish hanggang hindi siya nabibigyan ng lilipatan. Kung halimbawang may kahirapan doon, obligasyon ng pamahalaan na bigyan siya ng pondo para mayroon siyang means para makatayo ulit ng sariling bahay. Pero hindi puwede na nagde-demolish tayo tapos nandoon sila sa kalsada at walang matitirahan. Kontra iyon sa basic principles ng social justice. So sa akin lang, obligasyon ng pamahalaan, obligasyon… siyempre, obligasyon din ng landowner, na magtulung-tulungan, para kung talagang talo sa kaso, at least bigyan man lang ng pagkakataon na makapag-umpisa muli sa bagong lilipatan. Q: Ma’am, dito sa issue sa classrooms po, tell us about this story po. VP LENI: Marami talagang problema sa classrooms. Na-find out ko ito noong ako ay nasa Kongreso. Kinuwestiyon ko iyong formula ng… iyong formula saka iyong procedure sa paglista ng kakulangan. Kasi noong ako iyong nakaupo sa Kongreso, personal kong binibisita iyong mga paaralan. Personal na gumagawa ako ng inventory. Iyong inventory na ginagawa ko, hindi siya nagma-match sa listahan ng DepEd. Until dumating nga siya sa punto na iyong lahat na paaralan at lahat na classrooms na binibilang ko, nagpapa-picture ako na kasama iyong mukha ko. Parang iyon iyong proof ko na ako mismo iyong nag-inspect. In fairness to DepEd, nagpatawag ako ng educational forum dito sa distrito, sa Naga, at dumating mismo si DepEd Secretary Armin Luistro noon. Mayroon kaming sinuggest na formula sa kaniya para mas accurate iyong pagbilang ng kakulangan. Iba-iba din iyong dahilan kung bakit hindi accurate iyong bilang. Minsan kasalanan din ng school head. Pangalawa, iba kasi iyong pamantayan ng totally— Hindi pala, ang totally damaged pala, sa bahay. Pero iyong mayroong mga classrooms na for condemnation na, kasi hindi na talaga siya kayang gamitin. Halimbawa, mayroong mga classroom na puno na ng anay. Nakakatakot gamitin kasi baka all of a sudden magiba, masaktan iyong mga bata. Napakahaba ng proseso para ma-achieve iyon, so nasa inventory pa rin nila kahit condemnable na. Nasa inventory pa rin nila na puwedeng gamitin. So hindi talaga siya nagma-match. Ako, hindi ko alam ngayon kung ano na iyong… ano iyong level of accuracy, pero ano talaga ito, hindi din sapat iyong—lalo na noong nag-senior high na tayo. Hindi sapat iyong pondo ng gobyerno para mapunuan na sabay-sabay iyong kakulangan. So ang ginawa natin dito, actively na nag-seek na tayo ng mga private partners, at maraming classrooms na nahingi natin from private partners na. Iyong problema din dito sa atin, may pondo na sana to fill in the gap, pero biglang babagyo. Biglang babagyo. Zero na sana iyong ano mo, number of classrooms na kailangan, biglang madadagdagan na naman. Halimbawa, dito sa Ocampo, halos nako-close-in na namin iyong gap, biglang nag-Typhoon Nina. Ang dami na namang nawalang classrooms. Iyong ganoon. So parang it’s a never-ending process, na kailangan talaga iyong officials tutok na tutok. Hindi puwedeng iaasa mo lang, eh. Q: May standard po sa design? VP LENI: Ngayon mayroon na. Iyong design ngayon, if I’m not mistaken, kaya niya na ma-withstand iyong 250 yata—I’m not very sure—250 kilometers per hour na wind. Pero na-put to test kasi siya noong Typhoon Nina, na okay siya sa mga in-land na. Kapag sinabi kong in-land, hindi siya open na open. Wala siya sa open field. Pero kahit ganoon iyong design, kung nandoon siya sa open field, wala pa din talagang laban. Iyong mine-mention ko kanina sa speech ko, may mga binisita kami after Typhoon Nina na dahil nasa open field siya, kahit bago nang design, nasira pa din. So iyong pino-propose ko nga, kahit na baka mas mahal nang kaunti, gawin nang buhos pati iyong bubong para— Kasi ultimately nagsasayang din tayo ng pera kung every time may strong typhoon, bago nang bago tayo ng mga school buildings. So ano talaga, marami-rami pa iyong ihahabol. Pero ano naman… Gaya dito sa Ocampo, very cooperative iyong municipal government, hindi tayo nahihirapan. Hindi tayo nahihirapan makipag-cooperate sa kanila. Hindi tayo nahihirapan na makipagtulungan. Kasi crucial din iyong partnership ng government with the community, government with the stakeholders. Okay? Q: Thank you, Ma’am! VP LENI: Salamat!

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Sep 27, 2017