This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with Vice President Leni Robredo in Salcedo, Eastern Samar

    Angat Buhay Turnover of Sports Equipment

    Salcedo Central Elementary School, Salcedo, Eastern Samar

    REPORTER 1: Ma’am, message muna sa mga estudyante na nabigyan natin ng mga equipment?

    VP LENI: Iyong sa atin lang, sana ma-take advantage nila na mayroon na ngayong sports equipment. Kasi noong ni-request sa atin ito, ang sinasabi talagang walang available, kaya hindi nabibigyan ng pagkakataon iyong mga estudyante na matuto sa iba’t ibang sports. Ang ginagawa lang basketball. Pero ngayon mayroon tayong equipment sa iba’t ibang mga sports. Ito iyong mga sports na nilalaro during the Palaro ng DepEd, kaya hopefully makasali na iyong Salcedo Central [Elementary] School sa susunod na Palaro.

    REPORTER 2: Ma’am, aside dito sa pag-turnover ng sports equipment, ano pa po iyong mga activity niyo today sa visit sa Eastern Samar?

    VP LENI: Kanina, before kami pumunta dito sa Salcedo Central [Elementary] School, nandoon kami sa Matarinao School of Fisheries. Nag-turnover ng isang school service jeep, saka nag-groundbreaking para sa isang dormitory. Ito ay tulong natin doon sa mga estudyante na mga mahihirap na naglalakad papunta sa paaralan hanggang 12 kilometers each way every day. Iyong balita sa atin, iyong absenteeism sa school very regular, dahil nga sa pagod. Kapag umuulan pa, pumapasok sila na naulanan. Ano siya, rough road, parang 16 kilometers na kaunti pa lang iyong nape-pave, so iisa pa lang iyong nabibiyaheng sasakyan, so nagdagdag tayo ng isa pa, at titingnan natin kung paano tayo makaka-request sa national government para magawa na iyong daan, para naman kapag gawa na kasi iyong daan, mas maraming ma-e-engganyong magbiyahe doon, para iyong mga estudyante— Ang kuwento noong isang estudyante kanina, on the average, gumigising sila 3 o’clock every morning para mag-umpisa nang maglakad. Parang nakakaawa din. Nakiusap tayo sa school, iyong dorm kasi for free iyon, pero baka puwedeng i-prioritize iyong pinakamalalayo iyong bahay at pinakamahihirap—iyong walang capacity na mamasahe, walang capacity na parang mag-boarding house, so sila muna iyong priority hanggang makahingi pa tayo ng more help.

    REPORTERS: [simultaneous questions]

    VP LENI: Po?

    REPORTER 1: Ilang rooms iyan?

    VP LENI: Good for 30. Good for 30 students. Ito, for free. Sa loob siya mismo ng campus ng Matarinao. Bukas, sa Balangkayan, ganoon din iyong gagawin natin. Sa Balangkayan may ibinigay na tayo na isang multi-cab na ginagamit nilang pang-service. Bukas magbibigay pa tayo ng another one, plus mag-a-ano din tayo, mag-ga-groundbreaking din tayo for a dormitory.

    Mamaya naman, mamaya pupunta din tayo sa Quinapondan. Iyong isang ibibigay naman doon, ano siya, parang greenhouse na solar dryers. Ito, iyong greenhouse na solar dryers, ano ito, para siyang… para siyang—kasi kailangan naiinitan, ‘di ba? Kailangan naiinitan iyong mga produce nila. Madalas umulan dito, parang sa amin. So kapag umuulan, doon siya ipapasok sa greenhouse. (Note: Angat Buhay donation for solar dryers, through the assistance of Metrobank Foundation, was turned over to the Farmers Entrepreneurs Association of Salcedo, Eastern Samar.)

    Tapos magbibigay din tayo ng solar panels for 15 households. Ito iyong mga households na… Anong barangay iyon? (“Cambilla.”) Cambi… (“Cambilla.”) Barangay Cambilla. Hindi ko pa siya nararating. First time ko siyang mararating mamaya, pero I heard napakalayo. In fact, sabi kailangan kaming lumipat ng sasakyan. Kailangan yata 4×4 kasi hindi siya makakaakyat. May mga families doon na wala pang kuryente, so through our partner, iyong Team Energy, mag-e-energize tayo ng households na wala pang kuryente. Iyon naman ay solar panels.

    REPORTER 3: Ma’am, paano po iyong maintenance saka operational expenses po noong sa dormitory?

    VP LENI: Iyong ginagawa natin—kasi this is going to be the third already: mayroon na tayong nauna sa Ipil sa Zamboanga Sibugay, another one in Siayan sa Zambonga del Norte—iyong school iyong tumutulong talaga sa maintenance, pero iyong mga estudyante tumutulong din magluto ng sariling pagkain. So iyong design niya mayroon talagang kitchen, na umuuwi iyong mga estudyante ng weekend, tapos whatever they can contribute na pangkain nila, dadalhin nila tapos luluutin doon. Iyong lupa galing din sa school, parang iyon iyong equity nila. Bale iyong galing lang sa amin, sa partners, iyong pampa-build talaga ng school. Pero iyong maintenance bahala na iyong school.

    REPORTER 1: So magkano iyan, Ma’am?

    VP LENI: Iba-iba kasi… Hindi ko alam iyong dito sa Salcedo kung magkano. Hindi ko—

    REPORTERS: [simultaneous questions]

    VP LENI: Sagutin ko lang muna siya. Ang alam ko, the dormitory plus iyong service jeep, 1.5 [million pesos]. 1.5 [million pesos]—ayan, si Mayor, sabi ni Mayor 1.5 [million pesos]. Iyong school jeep, turned over iyon sa… sa munisipyo ba, Mayor, o sa school? (“Sa school.”) Turned over iyon sa school. School na iyong magme-maintain. Pero hindi puwedeng maningil. Hindi puwedeng maningil. Libre siya kasi iyong intent nito, iyong makikinabang talaga iyong mga mag-aaral. Iniwan na namin sa school kung paano siya i-ma-manage. Puwede kasing… sa isang sasakyan kaunti lang naman, ‘di ba? Siguro marami na iyong 30. Pero puwede niya sigurong naka-schedule na, halimbawa, iyong M-W-F iyong mga estudyanteng ganito, para lahat nabibigyan ng pagkakataon.

    REPORTER 1: Ma’am, maiba lang ako: Any reaction sa assumption ni Gloria Macapagal [Arroyo] as House Speaker?

    VP LENI: Iyong pagpapalit kasi ng leadership sa House, internal iyon, na hindi dapat pinapakialaman namin, na hindi kami bahagi ng House of Representatives. Nangyayari naman talaga siya. Iyong sa akin, mas iyong reaction ko iyong timing, kasi iyong timing noon during the SONA (State of the Nation Address). Ang reaksyon ko lang noong nangyari iyon, parang, sana sa ibang okasyon. Kasi alam niyo naman iyong SONA, ‘di ba? Buong Pilipinas nakatutok doon—iyong diplomatic corps nandoon, iyong lahat na opisyal ng gobyerno nandoon, iyong mga estudyante… iyong ibang estudyante nire-require pang manood sa TV—tapos nangyari iyon. Parang hindi siya magandang… hindi siya magandang reflection ng, parang, power struggle. Sana… sana naging smooth iyong paggawa, para kahit may change of leadership, maganda pa din na reflection ng, parang, state ng ating society. Pero gaya ng sabi ko, iyon lang naman, iyong pinaka-comment ko lang doon iyong timing lang talaga. Dapat sana iyong atensyon nasa speech ng Pangulo, kasi iyong SONA, okasyon iyon ng Pangulo. Parang naagaw tuloy sa kaniya. Kung nakita natin iyong mga headlines the following day, iyong headlines iyong power grab, hindi iyong speech noong Presidente.

    REPORTER 1: So wala bang dapat ikatakot iyong sa Filipinos sa pagbabalik ni Former President in power?

    VP LENI: Ito kasi… mahirap sabihin. Pero ito siguro chance para ipakita… para ipakita na hindi totoo iyong mga allegations before. Kasi ‘di ba may mga kaso. Wala pa naman siyang conviction sa any of the cases. Sana maging maayos iyong leadership, kasi ito naman, kaunting panahon na lang iyong binibigay sa kaniya. Itong pagpapakita ng leadership hindi lang naman sa pagpapasa ng mga panukalang batas. Ngayon iyong inaabangan natin, kung paano niya iha-handle iyong struggle pagdating sa minority. May tatlong grupong nag-a-ambisyon o nagke-claim na sila iyong minority. Lahat nakatutok kay Speaker kung paano niya ito iha-handle, kasi how she handles it will be reflective on the kind of leadership na gagawin niya sa House of Representatives.

    REPORTER 1: But you wish that the Liberal Party ang maging minority bloc doon sa House, Ma’am?

    VP LENI: Oo naman. Kasi kapag iyong rules ng House ang susundin, talagang sila naman iyong karapat-dapat. Pero tingnan natin kung irerespeto iyong rules.

    REPORTERS: Thank you, Ma’am!

    VP LENI: Salamat!

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Aug 02, 2018