This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with Vice President Leni Robredo at the Site Visit to San Remigio Mental Health Facility

    San Remigio, Cebu

    ABS-CBN: Kumusta iyong assessment po natin sa pinapatayo na mental health facility dito sa San Remigio?

    VP LENI: Maayos. Iyong kabutihan kasi dito sa San Remigio, very proactive iyong LGU. Kaya naman namin dinecide na pumunta dito kasi si Mayor talaga, actively naghahanap ng partners. And iyong pagpunta namin ngayon— Nakapunta na ako before, pero hindi ko pa nakita ito. Pero pagpunta namin ngayon, very impressed kami sa health programs ng city. Parang lalo kang ma-i-inspire maghanap pa ng tulong for them, kasi alam mo na by themselves, talagang tinutulungan iyong sarili. Ito lang yata iyong nakita ko na LGU na very comprehensive iyong programa, na community-based. Iyong pinakamahalaga kasi iyong training sa communities, kasi ang daming hindi naman nakakapunta sa centers. Dito, na-mainstream na talaga nila iyong lahat. And bibihira iyong nagbibigay ng importance sa mental health.

    Excited tayo na matapos na iyong center na pinapatayo natin. We have a partnership with the Philippine Mental Health Association saka iyong Philippine Psychiatric Association. Hopefully mas ano pa, mas madami pa iyong matulungan. Pero iyong na-meet natin na patients this morning, very inspiring kasi in just a matter of iyong short time, ang dami nang nabago iyong buhay. Hindi lang nabago iyong buhay noong pasyente mismo, pero nabago iyong buhay ng families. Kasi kapag may mental health patient talaga, buong pamilya iyong kasama, kasi kailangan talagang magtutok. Pero ngayon, masaya tayo kasi iyong mga patients nakakapag-trabaho na, nakaka-resume na ng normal nilang gawain. And maghahanap pa tayo ng more partners na puwedeng tumulong. Kasama natin ngayon iyong Solanaland Foundation. While iyong office namin iyong nagpatayo ng building, sila iyong mag-e-equip. So siguro ano lang, pareho naman kami noong Solanaland na na-inspire sa nakita. Siguro iyong ano lang, iyong sustainability ng program—iyong sustainability ng medical help, iyong dating noong medicines—siguro iyon iyong aayusin natin. Pero overall, nag-exceed sa expectations namin iyong nakita namin. Alam naman namin dati na mahusay si Mayor, pero hindi namin alam na ganito katutok sa detalye. Binibiro ko nga si Mayor, sabi ko bakit hindi niya pa ito ine-enter sa Galing Pook Awards? Kasi bihira iyong LGU na ganito iyong ginagawa for health.

    ABS-CBN: On another issue, Ma’am, ano iyong reaksyon niyo po sa iyong pag-piyansa ni Imelda Marcos?

    VP LENI: Ako, nakakalungkot. Masaya tayo kasi kahit napakatagal na panahon, nabigyan pa din ng katarungan iyong taumbayan. Pero iyong nakakalungkot, kasi pinapakita natin na hindi pantay iyong katarungan, iyong pag-dispense ng justice. Parang— Ano ba iyong implication nito sa mga kababayan natin? Kapag may pera ka, o mataas iyong estado mo sa buhay, makakatakas ka sa kaparusahan? Pero iyong mga mahihirap, na mas maliit iyong mga pagkakasalang nagawa, nagsa-suffer ng imprisonment. Pero ito, ang laki ng nanakaw sa taumbayan, hindi mapaparusahan. In fact, iyong pinaka-insulto sa atin, kasi iyong the day na lumabas iyong conviction, nag-party pa. Pero iyong dahilan niya nga kung bakit hindi siya naka-attend noong conviction, may sakit siya. Parang nagiging mockery iyong justice system.

    Inaasahan natin na, ano pa din, because of the conviction, ipakita pa din ng Sandiganbayan sa taumbayan na hindi siya namimili. Kung paano niya i-treat iyong mahihirap, sana ganoon din iyong pag-treat sa lahat. Kung paano niya i-treat iyong mayayaman, sana ganoon din iyong pag-treat sa mahihirap. Kasi kapag hindi niya iyon ginawa, na-e-erode iyong trust and confidence natin sa justice system.

    ABS-CBN: Do you think iyong 150,000-plus na bail, maliit iyon for the cases sa Sandiganbayan?

    VP LENI: Iyong 150,000 pesos na bail, napakaliit considering the enormity noong ninakaw. Pangalawa, barya lang iyon sa kaniya, eh. Barya lang iyong 150,000 [pesos]. Abogado din ako sa mga mahihirap, nakita ko kung paano, for 10,000 pesos na bail, isasangla noong mga kliyente ko iyong mga kaunting ari-arian nila o mangungutang sa iba para lang maka-come up with that. Tapos itong napakayaman, parang nilibre mo na lang. And iyong nakakalungkot, kasi after conviction. Ito talaga, sana ma-correct, sana ma-correct iyong kamalian na ito, kasi hindi talaga— Iyong victims nito, parang… nabiktima na nga iyong taumbayan, mabibiktima ulit dahil sa improper dispensation ng justice.

    ABS-CBN: Thank you very much, Ma’am!

    VP LENI: Thank you!

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Nov 16, 2018