This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with Vice President Leni Robredo in Zamboanga City

    GBPI TV11 – Zamboanga City

    05 September 2018

    HOSTS 1&2: [intro in chavacano]

    HOST 2: … Ma’am, buenas tardes.

    VP LENI: Buenas tardes. Buenas tardes, Councilor Charlie, Albert. Buenas tardes, Ciudad de Zamboanga.

    HOST 2: Iyong first question ko po is: What’s the purpose of your visit po?

    VP LENI: Actually iyong opisina namin has been conducting a training for women entrepreneurs. Ang tawag namin sa training, WAWE (Workshop for Aspiring Women Entrepreneurs). Mayroon kami ditong dalawang partners, iyong SPARK! Philippines saka SEAOIL Foundation. Matagal na namin silang partners. Pero nandito din ako three weeks ago para tingnan kung sino ba iyong mga grupo ng mga kababayan natin na puwedeng matulungan para maiangat iyong kabuhayan. Mayroon tayong pinili na mga kababaihan na mayroon na silang naumpisahan na kaunting negosyo, pero kailangan ng tulong pagdating sa capacity, pagdating sa design, pagdating sa pag-budget, pagdating sa marketing. Sila iyong tinraining natin, at parang graduation nila ngayong hapon. Kaya maya-maya pupunta ako sa kanila.

    Pero kanina, kasi kasabay ko si Sen. Bam, pumunta kami sa market at tiningnan iyong sitwasyon. Mula March nag-iikot na kami, at doon nakikita iyong grabe talaga iyong epekto sa ating mga kababayan ng pagtaas ng presyo, hindi lang bigas pero ng halos lahat ng mga bilihin. Kanina nagkaroon kami ng, parang, kuwentuhan sa market, at iyong reklamo ng ating mga kababayan, isa lang talaga: sobrang taas ng presyo ng bilihin. Na marami sa kanila—ito ang nakakalungkot—iyong mga nakausap namin kanina, marami sa kanila iyong kinakain na iyong cassava, iyong kamoteng kahoy? Iyon na iyong kinakain nila dahil hindi na nila kaya iyong presyo ng bigas. Mabuti ngayon, finally may dumating nang supply galing sa NFA, pero ano pa ito, pinipilahan pa. Mayroon pa siyang rasyon na 5 kilos each time lang puwedeng bilhin. Kaya mayroong pagkabahala iyong ating mga kababayan na baka hindi ito regular. So buti na lang iyong ating NFA director kasama natin kanina, in-assure niya na regular na ito. Ito talaga, ito iyong, parang, wini-wish natin na hindi pagdaanan, pero talagang pinagdadaanan ng mga kababayan natin. Mayroong mga nagkukuwento na dati tatlong beses isang araw, ngayon hindi na. Nakakalungkot.

    HOST 2: Ma’am, you mentioned about the rice problem in the City of Zamboanga, and apparently cities like Pagadian and other cities in Mindanao—although not as badly as Pagadian po—they’ve started complaining po. And reportedly iyong presyo po tumaas ng 80 [pesos] sa Pagadian. Mayroon pa na almost 90 pesos per kilo. And then about 10 days ago, there was a declaration made by Sec. Piñol that the rice crisis daw po ay over in the City of Zamboanga.

    VP LENI: Iyong problema nga, Councilor Charlie, maraming deklarasyon—hindi lang si Sec. Piñol, pero iyong ibang pinuno ng mga ahensya natin—may mga deklarasyon na iba-iba. Halimbawa sasabihin ni Sec. Piñol na wala namang shortage ng bigas. Mayroon namang nagsasabi ang dahilan talaga hoarding. Kung maaalala natin, sinuggest pa nga niya na i-legalize na iyong smuggling. Tapos mayroong ibang officials na magsasabi na kaya mataas iyong inflation dahil sa kakulangan ng supply ng bigas. Parang hindi nakakatulong na walang isang boses at isang mukha iyong pamahalaan. Parang mayroon talagang dearth of leadership, na walang isang humaharap na sasabihin na, “iyong krisis na ito, mayroon talaga tayong krisis, pero ito na iyong ginagawa ng pamahalaan. Huwag kayong mag-aalala kasi kaunting krisis na lang, mareresolba na ito.” Walang ganoon.

    Ngayon sasabihin ng isa, iba, sasabihin ng isa, iba. So iyong taumbayan, imbes na na-a-assure siya, lalo siyang nagpa-panic. Alam natin na kapag nag-panic iyong mga kababayan natin, lalong tumataas pa iyong presyo kasi maraming mga nagte-take advantage. Mayroon naman nag-i-speculate na. Hindi siya nakakatulong.

    Kaya ito iyong ating pinaka-pakiusap, na unang una, puwede bang isahin lang natin iyong mukha at boses ng pamahalaan? May isa lang—kung si Presidente, si Presidente haharap. Parang aakuin iyong problema, aakuin iyong responsibilidad, pero kasabay iyong assurance na ginagawan na ng paraan.

    Ngayon kasi, halimbawa dito sa Zamboanga, may unang mga deklarasyon kaya dito nagka-shortage dahil sa hoarding. Pero alam natin na iyong LGU nagkaroon ng mga surprise inspections, wala namang hoarding. Walang nakaimbak na bigas sa mga warehouse ng ating mga negosyante. At sinabi talaga dito na iyong problema talaga iyong supply.

    So ito, kaya ko siya ine-emphasize na kailangan iyong leadership, kasi to a very large extent, iyong kataasan ng inflation, kasi siguro nakita natin today, naglabas na iyong Bangko Sentral ng Pilipinas, ang inflation for August is 6.4 percent. That’s 2.4 percent more than the maximum expectation ng pamahalaan. At ano ba iyong driver nito? Iyong driver nito kasi mas nag-aalala iyong tao, mas maraming nag-i-speculate, mas maraming nagte-take advantage.

    Parang— Ang tagal na ng problema. Parang kakaumpisa pa lang ng taon, nagrereklamo na tayo ng kakulangan ng bigas at iyong presyo. September na. September na; parang siguro naman, by this time, dapat papunta na tayo doon sa solusyon.

    HOST 2: We saw the interventions of different agencies po pagdating sa usapin ng krisis dito sa bigas ho. Ngayon, katanungan naman ho ng ating mga kababayan, tulad ng narinig ho natin sa palengke, ano ho iyong interventions na puwedeng gawin ng ating Vice President Leni Robredo?

    VP LENI: Iyong sa akin, anti-poverty iyong ating programa. Mayroon kaming tinatawag na Angat Buhay; ito iyong anti-poverty program ng ating opisina. Siguro alam niyo naman na iyong mandato namin very limited. Wala kaming ahensyang hawak. Halimbawa, gusto man naming baguhin iyong leadership ng NFA, under iyon sa Office of the President, hindi sa Office of the Vice President.

    Iyong sa amin talaga, makatulong sa mga mahihirap kung paano maiibsan iyong bigat ng dinadala. Gaya ng sabi ko, dito sa Zamboanga, mayroon kaming several communities na tinutulungan. Pati sa Lamitan saka Sumisip. Kaya nandito lang ako last month, ngayong August, nandito ako para puntahan iyong mga communities sa Zamboanga City, sa Siayan, Zamboanga del Norte—saan pa ba—Zamboanga Sibugay, Sumisip saka Lamitan, at gumawa ng mga proyekto patungkol sa pagpagaan ng buhay.

    Halimbawa, sa Sumisip, mayroon tayong grupo ng mga out-of-school youth na bibigyan natin ng scholarship. Papunta sila sa Laguna. Ang partner natin dito Dualtech [Training Center Foundation]. Ito iyong mag-aaral sila for two years, pero after six months, on the job na iyong training. At iyong employment halos guaranteed na. Ito, isang paraan para masugpo iyong vulnerability to extremism ng mga kabataan na out-of-school, so sila iyong mga inaalagaan natin. Mayroon din tayong programa with the Vice Mayor, na iyong kabataan bigyan ng mas malawak na picture, na may mundo sa labas ng ginagalawan nila ngayon, with the hope na kahit paano, iyong alam mo iyon, mag-dream ka more than what you have now. Malaking bagay.

    Dito naman sa Lamitan, inaalagaan natin iyong mga Yakan weavers. Galing ako don just before noong bombing, siguro a week before. Karamihan sa mga weavers, under the elements—under the heat of the sun, under the rain—kapag nagtatrabaho, kasi nasa labas lang ng mga bahay. So ngayon magbi-build tayo ng isang Yakan Weaving Center; parang service facility ito for all of them, para mas mabuti naman iyong working conditions. Hindi lang iyon, nili-link din natin sila sa market para hindi sila dependent sa traders. Kasi ngayon iyong mga nagpapagod mag-weave, kaunti iyong natatanggap nila. Ang bulk talaga ng kita nasa traders.

    Dito naman sa Siayan, Zamboanga del Norte, siguro familiar tayo na from 2003 to 2009, iyong Siayan was the poorest municipality all over the country. Pero noong 2010, noong si Mayor Flora Villarosa na iyong umupo, nag-iba iyong mukha ng Siayan. Maraming nangyayari doon ngayon. Partner namin iyong mga kababaihan; marami silang mga bagong livelihood programs at nili-link natin sila sa market. At magbi-build din tayo ng livelihood center na kumpleto para sa kanila—again, parang common service facility. Nag-build din kami doon, with Doc Anton [Lim] ng Yellow Boat of Hope [Foundation] ng dormitory inside the Siayan National High School, kasi ang taas ng dropout rate, at iyong findings natin, kaya napakataas ng dropout rate kasi maraming mga estudyante ang sobrang layo ng inuuwian. Naglalakad sila ng two hours each way para lang mag-aral. So nag-build tayo doon with Yellow Boat of Hope [Foundation] ng dormitory, na free iyon, free inside the school, pero ang puwedeng tumira doon iyong poorest saka pinakamalayo.

    So itong mga ganitong activities iyong ginagawa natin, na gusto natin sana na mas malawak pa iyong gawin. Pero dahil wala kaming pondo para diyan, dependent kami on private help. So iyong pondo ng mga projects namin, hindi iyon galing sa opisina; katiting lang na portion iyong galing sa opisina, pero iyong bulk talaga from the private partners.

    Noong nakaraang… siguro dalawang linggo, tatlong linggo, nag-conclude din kami noong Angat Buhay Youth. Ginawa namin ito sa Xavier University sa Cagayan de Oro, pero may mga taga-Zamboanga na nag-participate. Ito naman youth organizations, na ang pinaka-plano, magkaroon ng hub, parang, magkaroon siya ng hub for meaningful conversations among youth organizations. Pero nagbigay kami ng isang theme. Iyong theme namin peace and stability in the region. Pumili kami ng Top Ten na nag-pitch ng projects. It was a four-day event na stay-in, tinuruan sila—maraming nagpunta dito na tinuruan sila hindi lang sa pagiging maayos na organisasyon, pero paano mag-pitch ng projects. So nag-pitch sila. Ang partner natin dito iyong US Embassy. Nagpili tayo ng sampu na pinondohan natin iyong mga programa nila. Iyong nag-number one, iyong nag-first, ay taga-Davao Oriental na youth organization. Ang kanilang programa ay paggawa ng isang programa, parang halfway house, para sa pamilya ng mga rebel returnees sa Davao Oriental. Dinala namin sila sa South Korea, kasi mayroon tayo doon na partner, iyong Hanyang University, na pareho din iyong konsepto. Nag-pitch ulit sila ng project doon at pinondohan. So iyong pondo nila dalawa na—iyong pondo galing sa US Embassy saka pondo galing sa Hanyang University. Puwede na nilang simulan iyong kanilang programa.

    Iyong pinaka-essence nito, ipaalam sa mga kabataan natin na they are never young enough—they are never too young—para mag-make ng difference. Sa mura nilang edad, mabigyan lang sila ng pagkakataon, mag-create ng isang atmosphere na empowered sila, ang dami nilang magagawa.

    Very impressive. Very impressive iyong mga projects na pinakita. Ngayong November, magkakaroon ulit kami ng another run for Angat Buhay Youth, pero ito mas, ano ito, mas nakatutok sa ARMM.

    HOST 2: Ma’am, we’ve been observing that despite the budgetary limitations of your office, you’ve been advocating so many new things for the youth—especially the youth, and other sectors of society. How do you keep up with all the demands?

    VP LENI: Iyong sa akin kasi, hindi puwedeng dahilan iyong walang pera para walang magawa. Iyong sa amin, iyong pangangailangan is staring at us, ‘di ba? In our face. Hindi puwedeng sabihin mo, “Hindi ka namin matutulungan kasi wala kaming pondo.” Paminsan blessing pa nga na wala, kasi natututo kang maging innovative, natututo kang maging creative. You step out of the box kasi wala kang magagawa.

    Iyong ginawa naming Angat Buhay, parang experiment ito, na naiposisyon namin iyong sarili namin bilang conduit, between communities needing help and organizations wanting to help. Ang daming discoveries na nakakatuwa. Unang discovery, ang daming gustong tumulong, hindi lang alam kung paano. So kami iyong gumagawa ng groundwork for them. Halimbawa, ang dami na naming communities na off-grid na na-energize—dahil sa partners namin, walang gastos sa amin. Dahil sa partners namin; dinadala namin sila doon. Halimbawa, mayroong isang town, dito sa Agutaya. Ang layo, ano siya, 10 to 16 hours from Coron, by boat. Palawan iyan, northern Palawan. Tatlong barangay na ang na-energize namin, at dahil na-energize sila, nagkaroon ng livelihood iyong mga kababaihan. Gumagawa sila ngayon ng mga buri hats, buri mats. At Andres Soriano Foundation ang kumukuha nito, sine-send sa, ano ito, sa Amanpulo. Iyong mga ganito, na hindi kailangang grand things… Saka iyong pinaka-ano talaga, hindi mo sosolohin; parang, mahalaga na maging inspirational ka lang para mahikayat mo iyong iba to do their thing. Kasi iyong tao, kapag inspirado, ang dami talagang puwedeng itulong. Ang nakita namin doon sa partners namin, ito iyong mga partners na hindi naman nagsi-seek ng recognition. Hindi nga ina-announce iyong tinutulong. Pero talagang from the bottom of their hearts lang iyong gustong itulong.

    Pero iyong imagination lang namin, gusto sana namin na para siyang virus na kumalat, na hindi na lang kami iyong gumagawa, pero mahikayat din iyong iba na… kasi kung marami tayong gumagawa ng ganito, ang dami sanang puwedeng tulungan.

    HOST 2: Ma’am, can we go back to inflation?

    VP LENI: Sige, sige.

    HOST 2: You mentioned about inflation earlier, and there’s a mounting call coming from the legislators, senators included, for the suspension of the collection of the excise tax po under the first tranche of TRAIN law. And we know very well that for now, the national government is hell bent on pushing for the passage of the TRAIN 2. What are the options available and what do you think will be the situation if the TRAIN 2 is passed?

    VP LENI: Ito kasi, iyong kinakatakot natin kasi iyong TRAIN 1, mayroon siyang tatlong tranches ng pagtaas ng taxes—excise tax—on petroleum, ‘di ba? January 2018, January 2019, and January 2020. Ngayon, dahil sa grabe na ang inflation, ngayon alam natin na pataas ito kasi magki-Christmas. Tapos pagkatapos ng Christmas, alam natin na ang January, walang pera iyong mga tao e. Sasabayan mo ng pag-impose ng another, ‘di ba, another wave of taxes, na okay ito kung hindi ito extraordinary times. Pero ngayon, extraordinary times eh. Sana maramdaman naman iyong epekto nito sa maliliit. Siguro iyong hindi masyadong mahirap, minimal iyong nararamdaman na sugat, pero sa mahihirap talaga ang laking bagay. Ito iyong first.

    Pangalawa, na-predict naman noong umpisa na talagang matatamaan iyong mahihirap kaya nga naglagay ng probisyon sa TRAIN 1 na safety nets. Ilan ba iyong safety net? 200 pesos a month. Pero ang safety net na ito, ang promise sa atin na by the first quarter of the year naibigay na siya para pagpasok ng kahirapan, mayroon nang bala. Pero until now—ang target is 10 million—until now, less than 6 million pa lang ang nabibigyan. Gustong sabihin from January until now, iyong mga mahihirap nating kababayan tinatamasa na iyong kahirapan pero wala pa iyong inaasahan.

    Iyon, iyon iyong pangalawang take natin on the matter. Ang pakiusap natin, i-revisit. I-revisit kung tama pa ba iyong P200 a month considering na 6.4 [percent] na iyong inflation? Pangalawa, bilis-bilisan naman sana. Ano ba iyong nakakaabala na last year pa ito pinlano? Iyong national household targeting system past administration pa nandiyan na iyong data. Ano ba iyong nakakabagal sa pagbigay?

    Tapos iyong pangatlo, sa Senate hearing kasi in-admit nila na they were not able to take into consideration the indirect effects of TRAIN 1. Iyong sa akin, naiintindihan natin na kailangan ng additional revenue ng bansa natin. Pero iyong pinaka-urgent sa lahat iyong sikmura ng ating mga kababayan ‘di ba? Kung i-implement pa iyong TRAIN 2, ano iyong effect nito sa kanila? Hindi pa nga natin nasasalo sa kahirapan ng TRAIN 1. Iyon lang naman iyong sa atin. Hindi naman natin kino-kontra iyong revenue measures ng pamahalaan.

    In fact, noong umpisa na pinapakilala iyong TRAIN, very supportive kami sa measure na ito pero parang hindi nangyari iyong mga assurances nila na epekto sa mga kababayan—

    HOST 2: You were initially supportive of this?

    VP LENI: Oo, in fact tinulungan ko pa iyong DOF na ma-explain ito sa iba’t ibang mga sektor. Pumunta sila sa amin. Nag-arranga ako ng isang pagpupulong sa amin kasama iyong ibang sectors pati iyong mga negosyante para mabigyan sila ng pagkakataon na i-explain. Iyong sa atin, lahat naman ng revenue measures ng gobyerno supportive sana tayo, basta hindi lang maapektuhan iyong mga maliliit. Ang gusto kong sabihin, bago sana pag-usapan iyong TRAIN 2, asikasuhin muna iyong iwan na palo ng TRAIN 1.

    HOST 1: Iyong epekto nito—

    VP LENI: Oo.

    HOST 2: That the TRAIN 1 would have such painful effects for the people especially to the poorest of the poor.

    VP LENI: Oo, actually si Senator Bam from the very start, parang na-predict na niya eh. Kami nga iyong mas optimistic pa; kami iyong nagsasabi, becoause of the assurances of government na baka naman hindi ganoon ka-grabe tutal mayroon namang tulong iyong gobyerno. Pero noong pumapasok na kasi iyong mga negative na effects, iyong inaasahan naman sana natin sa pamahalaan, again, i-recognize lang iyong effects at gawan ng paraan. Hindi iyong parang sine-set aside kasi kapag sine-set aside, parang dagdag insulto pa iyon e.

    HOST 2: As you said, Ma’am, sine-set aside ng gobyerno maybe iyong mga after effects ng TRAIN 1. But what bothers us right now is the apparent determination of the national government to pass the second tranche—

    VP LENI: Oo. Iyong sa atin, naiintindihan natin na kailangan iyong additional revenues. Parang sinasabi nila na hindi kasi makukumpleto iyong package kung hindi maipasa iyong TRAIN 2. Iyon, naiintindihan natin iyon. Pero sana maintidihan din na mayroon kayong hindi napaghandaan eh; mayroon kayong hindi na-foresee na effects ng TRAIN 1. And puwede bang ayusin iyon at kapag naayos na tsaka natin pag-usapan iyong TRAIN 2 ‘di ba? Parang sa akin, totoong urgent iyong revenues pero tingin ko mas urgent iyong gutom ng mga kababayan. Hindi naman natin sinasabing huwag nang ipasa. Ang sinasabi lang naman natin, puwede bang asikasuhin muna natin iyong effects? Hindi iyong sasabihin na—eh naghihirap na nga—sasabihin na, “Temporary lang iyan.” Parang napaka-insenstive ‘di ba. Parang insensitive sa… ako, mahalaga sa amin iyong acceptance na talagang may problema. Kasi oras na may acceptance na may problema, may gagawin. Pero kapag sinabi mong nakakadismaya lang kasi iyong ibang mga opisyal ng pamahalaan sasabihin, halimbawa, “Temporary aberration lang ito.” Para siyang, ‘di ba, hindi ka man lang—wala ka man lang empathy doon sa naramdaman ng ating mga kababayan.

    HOST 1: Okay, so mga [Chavacano]— Mayroon pa po kayong event sa—

    VP LENI: Oo, papunta kami sa Ateneo de Zamboanga muna. Mayroon doong parang youth leadership forum. Pero after noon, iyon na iyong main event, iyong sa aming women entrepreneurs.

    HOST 2: Frequent iyong visit niyo to Zamboanga—

    VP LENI: Actually, ano kasi, sa amin nakalaan talaga two or three days every week iyong pagpunta sa mga communities namin and it so happened nandito sa Mindanao pinaka-marami kaming communities. So dito sa Zamboanga area, iyon iyong mga areas na nabanggit ko kanina. Doon naman sa may bahagi ng Bukidnon, marami din kami doong communities so madalas din kami doon.

    HOST 1: Sige po. So ang inyo pong spesyal na mensahe para sa mga Zamboangueño?

    VP LENI: Ay, iyong sa akin lang po unang una, maraming, maraming salamat sa mainit na pagtanggap sa amin. Kami po, alam namin iyong kahirapan na pinagdaanan niyo in the last few weeks or in the last few months. Nakikiramay po kami sa kahirapan. Kanina po kausap namin iyong mga kababayan at napakinggan namin iyong mga kuwento na pinagdaanan nila dahil sa kawalan ng bigas, kataasan ng presyo. Nandito po kami Senator Bam ngayong araw para pakinggan iyong mga kuwento na pinagdaanan at pakinggan din kung ano iyong mga suggestions na binibigay. Kasi kanina—lalo na iyong mga representatives ng toda—mayroon silang mga suggestions talaga na palagay po namin na mahalaga na pinapakinggan ng pamahalaan para natutugunan iyong pangangailangan. Kaya kanina po iyong mga nag-asikaso po sa amin sa public market, maraming salamat. Maraming salamat po sa LGU ng Zamboanga na tinulungan po tayong mag-asikaso ng lahat ng schedules natin.

    HOST 2: Maraming salamat, Ma’am. Muchas gracias.

    VP LENI: Muchas gracias.

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Sep 07, 2018