This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with VP Leni after the Turnover of Mural from Amnesty International

    9 December 2016

    Turnover of Mural from Artists for Amnesty International Philippines Office of the Vice President, Quezon City

    Q: Can you tell us po about, lumabas po sa diyaryo na you will be unifying the opposition, please tell us more about that?

    VP LENI: Ako iyong unifying the opposition, unifying the voices of dissent.

    Hindi ito opposition against the administration per se, pero opposition against certain policies of the administration that we do not agree with.

    Halimbawa, on human rights, on the death penalty, on the lowering of the age of criminal liability, on the issue of the Marcos burial.

    Marami naman mga nagsh-share ng dissent pero kalat-kalat kasi iyong boses. So sa akin ang hino-hope kong ma-achieve is to unify all these voices so isang boses ay maparating sa ating pangulo para pakinggan tayo.

    Ako naman, hindi ako nawawalan ng pag asa na hindi tayo papakinggan ng pangulo. I think if we make our voices loud enough, if we are passionate enough about our dissent, baka sakali pakinggan tayo.

    Q: What changed po? Because we were together in Surigao and ComVal and ngayon parang po mas strong iyong conviction sa issue na ito. May nangyari ba in the past day?

    VP LENI: Wala naman, baka mas na-e-express ko lang more freely now.

    Ganoon pa din ako with the issues that I agree with, I will still be very supportive.

    Pero sa issues o policies that I oppose, nare-realize ko kasi now that I am out of the Cabinet, maraming nagsasabi na, “We share she same views, we thank you for having expressed your opinion.”

    So sa akin ngayon, iyong feeling amin ay hindi pa kami pinapakinggan.

    Halimbawa iyong issue ng death penalty. I have always been very vocal against it. Pero napasa pa rin siya sa Committee. Kahit nagvo-voice ka ng opinion, napasa sa committee without much opposition.

    Ang tingin ko lang, baka looking back, hindi natin napalakas iyong boses natin, tayong nago-oppose. Hindi natin napalakas boses natin at baka now is the time na magusap-usap tayo, iyong mga like-minded, iyong mga pareho sa mga issues, bakit hindi natin i-pool iyong energies natin together to make sure that our voices will be heard.

    Ngayon kasi may impression na I think I heard this in one of the President’s interviews, tungkol ata ito sa Marcos burial, parang sinabi niya kaunti lang iyong percentage ng mga taong nago-oppose niyan.

    Tapos one time sinabi, tatlong araw mag-iingay tapos wala na. So sana hindi tayo ganoon, iyong mga nago-oppose sana mas desidido tayo.

    Kasi tingin ko, pag alam natin marami tayo, mas panalo tayo.

    Q: Pero, Ma’am, wala po bang fears na baka po sa pagsasalita ng ganito, lalo na lumabas the past few days na kayo daw behind the oust Duterte movement…

    VP LENI: Ako siguro kung may totoong oust Duterte plot, ngayon, bubuwelo na ako eh. Pero ngayon mismo sa aking partido sabi ko na maging supportive pa tayo sa mga policies ng Pangulo na we agree with, mag-oppose lang tayo doon sa mga kontra tayo.

    Tingin ko kasi this administration has been in office for what, less than six months, parang hindi din maganda na nandoon nanaman tayo sa may papatalsikin.

    Ang atin lang na pinakagusto pakinggan man lang tayo, kasi ngayon may pakiramdam na hindi tayo pinapakinggan.

    Q: Sabi ng President you will finish your term. Do you feel relief? How do you feel?

    VP Leni: Sa akin naman when I heard that sinabi ko naman salamat. Pero sana ang reassurance na iyon hindi lang ngayon ibigay. Pero ibigay as the days, months, and years go by.

    Kasi nakaka-create siya ng uncertainty kapag nandoon hanging iyong, alam naman iyong kampo ni Marcos masyadong maingay, sa 2017 kami na.

    Sana iyong Presidente would take it upon himself to reassure the public na ganoon.

    Q: Comment on Sen. Cayetano.

    VP Leni: Parati ko iyon inuulit, before until now. Wala naman ako ganoong pangarap. Iyong sa akin lang, I want this administration to succeed.

    Pero for this administration to succeed, tingin ko mahalaga na pinapakinggan din nila iyong mga dissenting voices. Hindi ko sasabihin na kapag nag-didissent tayo, tayo na iyong gustong maging Pangulo.

    President Duterte has the mandate of the Filipino people and tingin ko obligasyon nating suportahan siya. Pero mas ganado tayo magsuporta kapag alam natin na pinapakinggan din naman ang ating mga pag-oppose sa ibang mga issues.

    Q: Inept daw ang pagpapalakad ng mga programang pabahay ayon kay Pangulong Duterte. Did this affect your decision to resign?

    VP Leni: Ako hindi. Feeling ko hindi sa housing o hindi housing-related ang dahilan kung bakit ayaw niya akong ipa-attend ng Cabinet meetings.

    Kung titingnan natin ang statements ng mga Cabinet secretaries who are close to the President, lahat sila nagsasabi na maganda ang aking ginawa.

    Talagang madaming problemang mga polisiya sa housing ng gobyerno. And iyong mga problemang iyon pinaparating ko iyon sa Presidente. Iyong sa akin nga, may pinapaaksyunan ako sa kanya matanggal iyong ineptness in the past.

    Totoo iyon. Kaya maraming problema, maraming pagkukulang.

    Gaya ng sinabi ko binawasan ang budget for housing, more than half ang tinanggal. Iyong six shelter agencies, isa pa lang ang na-appoint until now.

    Wala pang head ang iba pang head ang ibang agencies, until now wala pa iyon. Mayroon tayong draft executive order na dapat sana magpapalakas ng ating HUDCC, hanggang ngayon hindi pa iyon napipirmahan. Pero I don’t think housing-related ang dahilan.

    Q: Ang pagitsa puwera po sa inyo, mayroon po ba kayong hinala na baka mayroon sila pinaplano kung bakit ayaw nila na nadoon kayo, dahil baka marinig ninyo?

    VP Leni: Kung nahalata na may pinaplano sila, wala. Ang gusto kong sabihin, na kunektado sa pagtanggal sa akin.

    Q: Hindi ho tungkol sa pagkatanggal sa inyo. Mas malaking plano po?

    VP Leni: Ako tingin ko kasi everything will be speculative now kasi sila ang makakasagot niyan. Maraming haka-haka, maraming duda pero lahat ng iyan ay speculations. Ang akin lang, I think I shared this with you already during the press conference, ang amin lang na nahalata kung mayroon man, iyong hindi pa lumalabas ang balita, hindi pa isinasapubliko, about the cabinet meeting, alam na ng kampo ni Marcos.

    Iyon ang pinagmulan ng aming pag-speculate din na this might be connected to efforts. Is Marcos in?

    Q: Wala na kayong pera ngayon, tinanggalan na kayo ng posisyon. Paano ninyo po itutuloy ang mga proyekto ninyo?

    VP Leni: Kami naman po, I think are familiar with our Angat Buhay Program. Ang Angat Buhay Program will not require the resources of government.

    Diba, parang, na-place namin iyong Office of the Vice President as a sort of conduit between private organizations, private companies helping Local Government Units that are in need.

    Wala naman sa mandato namin na mag-implement ng proyekto. Kaya sa ganoon, hindi naman maapektohan ang proyekto.

    Parang para sa amin we’re in a good place in a sense na napaghandaan namin ito, kaya ang mga programa would not require government resources.

    Ang kinakilangan lang sa proyekto namin ay aming sipag at pagod para ituloy ang pangangailan ng mga nasababa sa mga gustong tumulong.

    Q: Federalism

    VP LENI: Federalism, gulong gulo kasi ako sa anong iyong klaseng format ng federalism na ino-offer. Mayroon tayong narinig from Senator Pimentel pero mayroon din sinasabi si Presidente na French model. Naguguluhan tayo pero we’re willing to listen.

    Q: Pero Ma’am wala pong VP doon sa federalism na sinusulong.

    VP LENI: Iyong sa akin, hindi naman iyon mahalaga. Whether may VP, o wala, kung iyon ang makakatulong sa ating gobyerno, iyon ang susuportahan natin.

    https://www.facebook.com/VPLeniRobredoPH/

    NOTICE / PAUNAWA

    Posted in Transcripts on Dec 09, 2016