This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with VP Leni at the Ahon Laylayan Koalisyon Aklan Launch

    Ahon Laylayan Koalisyon – Aklan launch

    Kalibo, Aklan

    REPORTER 1: Ma’am, iyong sa Pulse Asia survey po, mababa po ang ranking ng Otso Diretso. Anong reaction po natin? Anong gagawin pa po ng Otso para po gumanda po ang performance?

    VP LENI: Iyong sa pinakabagong Pulse, iyong anim naman, better iyong numbers. Iyong dalawa lang ang talagang… talagang to a certain extent, nagwo-work iyong operations sa kanila na hindi sila makapasok sa 12—

    REPORTER 1: Sino iyon, Ma’am?

    VP LENI: Si Senator Mar saka si Secretary Bam— Ay, si Secretary Mar saka si Senator Bam. Talagang mayroong operasyon na hindi sila makapasok sa 12. So dapat, kami talaga extra effort din para ma-contradict iyong ganitong strategy. Ginagawa naman namin pero admittedly mahirap talaga—mahirap in the sense na walang resources iyong Otso Diretso. Talagang tumitiyaga kami sa tao-tao, sa bayan-bayan. Makakatulong sanang malaki iyong TV ads, iyong radio ads, kaya lang pasulpot-sulpot din kasi talagang sobrang mahal. So kami naman, kahit sobrang pagod, ginagawa naman namin, gaya noong ginagawa namin noong mga nakaraang araw, talagang nagbabayan-bayan para mag-reach out sa mga kababayan. Iyong mga hindi kayang maabot—iyong hindi naaabot ng TV ads dahil wala masyadong pera, sinusubukan namin na personal naming napupuntahan.

    REPORTER 2: Ma’am, dios marhay na hapon.

    VP LENI: Marhay na hapon.

    REPORTER 2: Ahon Laylayan. Manalo matalo ang Otso Diretso, tuloy siya?

    VP LENI: Tuloy naman siya. In fact, iyong Ahon Laylayan, programa ito ng aming opisina mula pa noong 2017. Noong nasa Kongreso ako, nag-file ako ng Empowerment Bill, na ganito iyong konsepto: na magkaroon ng People’s Council sa lahat na LGUs para nabibigyan ng mas malaking boses iyong mga mamamayan, na makilahok sila hindi lang sa eleksyon, pero makilahok sila sa lahat na aspeto ng governance. Dahil hindi napasa iyong panukalang batas na iyon, noong umupo ako bilang Pangalawang Pangulo, ito na talaga iyong ginugulan ko ng panahon, na siguruhin na na-o-organize iyong iba’t ibang mga sektor. Pero hindi lang na-o-organize pero nafe-federate. Kasi iyong paniniwala natin, iyong lakas nanggagaling sa pagkakaisa. Mahirap na parang nagtatrabaho sila in silos—iyong kaniya-kaniyang resolba ng kaniya-kaniyang problema—kasi napakaliit ng boses. So iyong Ahon Laylayan Koalisyon, ang launch ganitong okasyon, pero iyong real work talaga mangyayari after this, na kung saan uupuan na namin ng mga representatives ng sectors, ilalatag na namin iyong lahat na mga concerns nila, at susubukan hanapan ng solusyon.

    REPORTER 3: Ma’am, regarding lang po doon sa inilabas ng PSA regarding doon sa poverty incidence: sinasabi daw po na ang pamilya na may limang miyembro ay kailangan ng 10,000 [pesos] kada [para] mabuhay. Ano pong masasabi niyo dito?

    VP LENI: Ito, una, iyong pagbaba ng poverty incidence, inaasahan natin iyon, kasi for many years now—hindi lang sa administrasyon na ito, iyong mga nakaraan na administrasyon—talagang inilatag na iyong mga, parang, institutional reforms na mag-a-address sa poverty. Nandiyan iyong Pantawid Pamilya Program, nandiyan iyong mga programa sa mga magsasaka, sa mga mangingisda, sa mga transport, sa mga manggagawa. Ito, kulang na kulang pa. Pero halimbawa, halimbawa iyong Pantawid Pamilya Program, talagang sinimulan ito noong panahon ni Presidente Arroyo, pinalawak noong panahon ni PNoy, at inaasahan natin na ngayong panahon ni Pangulong Duterte lalo pa itong mapapalawak. Lalo pa kasi iyong National Household Targeting System na listahan, nandiyan na. Hinihintay na lang natin iyong expansion, at tingin natin, basta masundan lang iyong nakaplanong mga gagawin in the future, patuloy pang pagbaba iyong poverty incidence. Tingin natin kulang pa iyong ginagawa, hindi lang ng administrasyon na ito pero noong nakaraan, pero iyong sa akin lang, napakalaking bagay kasi iyong empowerment. Halimbawa, itong ginagawa namin sa Ahon Laylayan Koalisyon, tingin namin malaki ang epekto nito sa poverty dahil nagkakaroon ng pagkakataon na nakakapag-participate sila sa pagplano kung saan gagastusin iyong pera ng gobyerno, at ini-institutionalize iyong mga reforms na nag-work para sa atin. Iyong sa akin lang, hindi kaya ng gobyerno na siya lang iyong gumagawa. Kailangan iyong gobyerno, binibigyan niya ng espasyo iyong partisipasyon ng mga maliliit. Kasi at the end of the day, ang nakakaalam talaga ng solusyon sa mga problema nila, iyong mga maliliit din.

    REPORTER 1: Ma’am, tama po ba sa tingin niyo iyong 10,000 [pesos] per month for a family of five?

    VP LENI: Iyong sa akin kasi, mahirap sagutin kasi hindi malinaw kung ano iyong naging datos ng PSA sa pag-come up noong 10,000 pesos. Mahirap din mag-tsamba ng figures na hindi tayo kabahagi sa pag-determine. Pero hintayin natin kung ano iyong explanation ng PSA, kung paano nila naabot iyong 10,000-plus a month. Pero ang reality kasi on the ground, lalo na for example iyong mga magsasaka, iyong 10,000 every quarter, napakahirap na nilang maabot. So kapag sinabi natin na ganoon iyong threshold, tingin ko talagang grabe iyong paghihirap na nadedetermina sa mga tao. So iyong sa akin lang, hintayin natin, hintayin natin kung ano iyong datos na kinonsider.

    Pero ang pinakamahalaga sa lahat, na iyong mga programa para sa mga mahihirap, in place. Iyong eleksyon kasi na ganito, parang nadi-disrupt niya iyong normal flow ng mga programa. Unang una, pagdating ng eleksyon, ang daming perang umiikot, pero iyong pera, hindi maayos iyong pagkagastos. Ayon. Parang kapag inoobserba natin iyong pera na lumalabas, iyong pangbayad na lang sa TV ads, panggastos sa PR, paggawa ng mga tarpaulin, parang iyong nasa isip natin, “Kung ginamit ito sa pagtulong sa mga tao, parang ang dami na sanang natulungan.” Pero iyong sa akin, sana iyong mga programa, sana mas long-term iyong effects. Sana hindi patronage. Sana iyong mga programa, iyong multiplier effect sa pamilyang Pilipino, malaki. Kasi kahit anong ibaba natin na programa, kung very short-term iyong pagtingin, parang hindi siya sustainable.

    REPORTER 2: Ma’am, iyong social pension ng mga senior citizens, delayed po dito sa Aklan. Ano pong puwede nating gawin?

    VP LENI: Tingin ko po hindi lang sa Aklan delayed iyong social pension. Alam iyan ni Atty. Romy Mac, kasi siya talaga iyong tumitingin dito. Marami kaming lugar na napuntahan na iyan ang reklamo ng senior citizens. Para din itong TRAIN Law. Iyong TRAIN Law, mayroon tayong social safety nets, pero nakita natin iyong nangyari nitong 2018: matagal nang nagtaasan iyong presyo ng mga bilihin pero hindi pa binibigay sa tao iyong 200 pesos a month.

    Iyong sa akin lang, dapat iyong burokrasya mas maging efficient, kasi at the end of the day, ang grabe talaga iyong sakripisyong pinagdadaanan iyong mga maliliit. Kasi iyong mga medyo mayroon, hindi ramdam iyong fluctuation ng prices, pero itong mga maliliit— Halimbawa iyong senior citizens, para ma-delay iyong social pension nila, parang ang laking kasalanan, kasi doon nila iniaasa iyong kanilang maintenance medicines, doon nila iniaasa iyong kanilang medical na pangangailangan. Na kapag nade-delay ito, gustong sabihin hindi din sila makakabili ng gamot. Dapat mas istrikto iyong gobyerno sa mga ahensya na nagre-release nito, na sana may penalties iyong hindi efficient iyong sistema, kasi talagang ang nagsasakripisyo iyong mga mahihirap.

    OVP: Okay, last question.

    REPORTER 5: Ma’am, anong mensahe mo sa ating mga kababayan sa Aklan saka sa Antique?

    VP LENI: Iyong sa akin lang po, napakainit ng pagtanggap sa amin, hindi lang dito sa Aklan pero sa Iloilo din. Noong nakaraan pong mga buwan, galing din ako sa Capiz. Hindi pa po kami napupunta ng Antique. Pero siguro unang una sa lahat, magpapasalamat po ako dahil landslide po iyong panalo ko dito noong 2016—pagpapakita lang na kapag binibigyan ng pagkakataon iyong kandidato, kahit hindi kilala, iyong tao talagang pinipili niya iyong talagang tingin niya makakabuti para sa kaniya. Kaya iyong sa amin lang po, sana seryosohin iyong May 2019 elections. Sana hindi popularidad iyong magiging basehan ng pagpili. Ngayon pong hapon, kasama po namin iyong mga kandidato namin, nagpakilala, at nakita natin kung gaano kamahal ng mga tao dito iyong aming mga kandidato. Nagpapatulong po tayo sa kanila, nagpapatulong po kami sa inyo, na hindi lang bumoto pero ikampanya iyong ating mga kandidato, kasi sila po talagang karapat-dapat. Ito po iyong mga… ito po iyong mga opisyal na matino, mahusay, at matayog talaga iyong paninindigan.

    OVP: Okay? Thank you, Madam Vice President!

    VP LENI: Salamat!

    REPORTERS: Thank you, Ma’am!

    VP LENI: Thank you sa inyo!

    Posted in Transcripts on Apr 11, 2019